Terrified 8
Author:Rovi/Unbroken
BLOG:http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com
FB:Iheytmahex632@gmail.com
NOTE:Sa inyong lahat, maraming salamat.
Para akong nabuhusan ng sinampal sa narinig. Ayaw na magpakasal ni Jared sa akin? At bakit? Ano bang ginawa ko? Ano bang mali o offensive na nagawa ko para maging ganyan sya sa akin? Bakit naging ganito? Nung nakaraan okay na okay kami, tapos all of a sudden aayaw sya? Saan ba ako nagkulang?
Wala ng tigil ang pagtulo ng aking mga luha.
Napuna ito ng aking ina at agad itong lumapit sa akin.
“Anak? Bakit ka umiiyak? What's wrong?”
Nagtama ang aming mga mata, dama ko ang laking pagtataka at concerned sa kanyang mga galaw. Nagdalawang-isip ako kung sasabihin ko ba, sa oras na malaman ni Mama ang dahilan ay tiyak magiging malaking eskandalo to. Ayoko namang madamay pa sila Tita Stella at Tito Victor.
Ako ay nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. Humarap ako sa aking ina at pinilit na ngumiti.
“Anak, bakit ka umiiyak? Sabihin mo sakin. Sino ba yung tumawag? Si Jared yun diba? Bakit ano bang problema? May problema ba?” Parang rifle na sabi nito
Kahit ang sakit-sakit, pinilit kong ngumiti sa aking ina. Dapat hindi nya malaman ang mga bagay na ito.
Tumingin ako sa kanya at pinahid ang aking mga luha.
“Ma. Wa-wala pong problema.” pagsisinungaling ko
“Ha? Anong wala? Iiyak ka ba ng ganyan kung walang problema Kath?”she said in disbelief
“Ma,ang saya-saya ko lang po.”
Napaisip ako kung ano ang idadahilan ko. Alam kong mahirap magsinungaling pero gusto kong malaman ang sagot sa mga tanong ko ng mag-isa. Di dapat malaman ng kung sino man hangga't di ko nakakausap si Jared sa mga bagay-bagay.
“Masaya po ako ka-kasi, sinabihan ako ni Jared na mahal nya ako.”
Kasinungalingan.
Napataas ang kilay ng aking ina.
“Anak? Ganoon kababaw? Impossible yan.”
“Ma. Kung alam mo lang. Mula ng malabas si Jared sa rehab naging madalang na syang magsabi ng 'Mahal kita' sa akin. Kaya ang saya-saya ko lang.” pagtatakip ko pa.
“Okay Kath. Siguraduhin mo.”
Bakas ang pagbabanta sa boses ng aking ina.
“Opo Mama.”
“Ano tara na? Alis na tayo. Kanina pa nagaantay ang driver.”
Halos makalimutan ko na may lakad pala talaga kami ngayon. Pero hindi ko naman matitiis na hindi makausap si Jared tungkol sa bagay na ito.
“Mama. Kayo nalang muna ang makipagusap don sa restaurant. Basta Oriental ang gusto namin.”
“Ha? Eh akala ko ba kasama ka sa food tasting?”
“Ma,urgent eh. Kailangan kong pumunta kay Jared. Nagtatampo kasi di ako nakasabay sa breakfast nila kahapon. Naglalambing Ma eh.”
Nakita ko ang pagbuntong-hiniga ng aking ina.
“Oh Sya. Sige. Kukunin ko nalang yung isang kotse at sumakay ka na dyan. See you later.”
Agad akong humalik sa aking ina at mabilis akong lumabas ng bahay para sumakay sa nakapark na kotse sa garahe.
“Manong derecho tayo kala Jared.”