Chapter 15 : Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako
By: DALISAY
e-mail: I could tell you... But then I have to kill you. LOL! (mura yan. :p) blogsite: dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I speak softly but I carry a VERY BIG stick!
Tanong iyon ni Pancho kay Lt. Rick Tolentino habang nasa isang van sila di kalayuan sa mansiyon ng mga Arpon. Pinagplanuhan nila ang gabing iyon. Mula kasi ng makatanggap siya ng mga text sa isang anonymous na mukhang may masamang balak sa pamilya nila Gboi ay hindi na siya mapakali.
Noong gabi ng imbestigasyon sa kamatayan ng Don Armando Arpon ay nakatanggap siya ng mensahe mula sa hinihinala niyang salarin. Nakakapangilabot iyon. Nakasaad doon na dahil sa hindi niya pagtulong dito ay gumawa na ito ng hakbang.
And he did. He took Don Armando's life. The culprit may be delusional because he was keeping him updated of the happenings. He also said that one of the family members is going to die soon. Kaya nandoon sila ngayon. Nagbabantay.
Sa paki-usap ni Gboi ay naging sikreto ang operasyon. Kay Rick na ito nakipag-usap. Nami-miss na niya ito. Ngunit may panahon para sa pag-uusap nila. Ang importante ay ang kaligtasan nito at ng ibang miyembro ng pamilya nito.
Read more...
Chapter 11 : Tol... I Love You! Ending
By: Mikejuha
Email: getmybox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com
Blogspot: http://www.michaelsshadesofblue.blogspot.com
Noong magsimula na ang misa at nasa parteng tinanong na ako ng pari kung tatanggapin ko ba si Sarah bilang kabiyak ko sa habambuhay… hindi kaagad ako nakasagot. Natulala ako at tila may kung anong bagay ang bumara sa aking lalamunan.
Tinanong uli ako ng pari. “Warren, tinatanggap mo ba si Sarah na maging katuwang mo sa habambuhay, sa hirap at ginahawa…?”
Read more...
Chapter 14 : Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako
By: Dalisay
E-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com
Blogspot: dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I was born to stand out.
Tulala lang si Gboi habang nakatitig sa kabaong ng kanyang ama. Ikalawang araw na iyon at walang patid ang pagdating ng mga bisita para makiramay. Nagkalat din ang media sa labas na humihingi ng reaksiyon at kumpirmasyon kung totoo nga ba ang kumalat na balita na isang murder case ang pagkamatay na iyon ni Don Armando Arpon.
May mga bumabati sa kanya ng pakikiramay ngunit hindi na niya masyadong pinagkaka-abalahan na sagutin iyon. Hindi pa nagsi-sink in ang lahat sa kanya. Kahit pa kinausap na siya ng pulis na kaibigan ni Pancho na may hawak ng kaso ukol sa pagkakapaslang ng ama.
Solido at kongkreto ang ebidensiya. May nakuhang mga holen na naging dahilan ng pagkadulas ng kanyang ama sa ituktok ng kanilang hagdanan. Isa sa mga holen ay may bahid ng dugo na nakompirmang nag-match sa kanyang ama. Ngayon ay binabalot ng pag-aalala para sa kanyang kaligtasan ang kanyang puso.
Hindi niya matukoy kung sino ang dapat paghinalaan. Marami siyang gustong sisihin. Kasama na ang sarili niya. Tiningnan niya ang kanyang madrasta na tulad niya ay namamaga ang mata. Hindi pa ito tumitigil na kaka-iyak at madalas na nase-sedate ng dahil doon.