Catch Me, Irwin 6

Tuesday, May 17, 2011

"Mabuti naman at nakarating kayo ng payapa dito sa resort Sir RJ," bakas ang kasiyahan sa mukha ni Yaya Dolor pagpasok ni RJ sa pintuan ng malaking bahay. Inilahad nito sa kaniya ang kanang kamay. "Ako nga pala si Yaya Dolor, ang yaya ng Kuya mo."

Mabilis namang inabot ni RJ ang kamay ng may edad na babae. "Kilala niyo na po pala ako," nakangiting sabi niya.

Ngumiti si Yaya Dolor. "Oo naman, naikwento ka na sa akin ng Kuya mo kaya nga nagpasya akong pasabihan ka na bumisita man lamang dito." Parang may gusto pa itong sabihin sa kanya nang mabaling ang tingin sa kanyang kasama.

"Siya po si Irwin--" napatigil si RJ, biglang naisip kung bilang ano niya ipakikila. "--kaibigan ko po."

Napatango lang si Yaya Dolor. Bumaling naman sa mga kasamahang nasa kaniyang kaliwa. "Ito po si Luis, ang pinaka-caretaker dito sa resort at ang anak niyang si DM."

Sa tantiya ni RJ, nasa mahigit kwarenta anyos si Mang Luis. Kita sa suot na puting tshirt ang outline ng muscles nito sa chest area. Sunog ang balat pero may kakaibang sex appeal. Puti na ang karamihan sa itimang buhok sa may itaas ng tainga. Mas mataas siya ng ilang pulgada sa lalaki.

Ang anak naman nitong si DM, tantiya niya ay lampas bente anyos. Mas mababa ang height ng kaunti sa ama. Payat tingnan pero sa tingin ni RJ kapag tinanggal nito ang suot na asul na tshirt malamang lean and toned ang pangangatawan nito. Iyong tipong batak ang katawan sa mga gawain sa dagat. May kakaibang hatak din ang kagwapuhan nito sa mga bading.

"RJ po," pakilala niya kay Mang Luis saka nakipagkamay. Bumaling kay DM at inilahad ang kamay. "RJ..."

Hinawakan naman nito ang kamay niya. "David Miguel Mirante po Sir RJ, pwedeng DM na lang," nakangiting pakilala nito sabay pisil sa kaniyang kamay. Titig na titig ito sa kaniyang mukha.

"Si Irwin po kaibigan ko," pakilala niya sa kasama. Tinanguan lang ni Mang Luis si Irwin habang nanatili pa ring nakahawak sa kamay niya si DM at nakatitig sa kaniyang mukha.

Napansin din yata iyon ni Yaya Dolor at ikinakunot ng noo ni Mang Luis kaya nagsalita na ito. "DM kunin mo na ang mga bagahe ni Sir RJ nang madala na sa silid."

Para namang natauhan si DM na bumitaw sa kamay ni RJ at parang namumula ang pisngi na kihuha kay Irwin ang maleta.

"Alin ba ang kwarto nila?" tanong ni Mang Luis kay Yaya Dolor.

Read more...

Parafle na Pag-ibig Chapter 19

By: Mikejuha
Email: getmybox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com

*************************************************

Chapter 19

Marahil ay totoo nga ang sumpa na sinabi niya. “Ambagsik naman. Ambilis umepekto... Hindi man lang kami pinaabot sa flat ko, at heto... mukhang masira na ang aming magandang samahan.” Bulong ko sa sarili.

Tinawagan ko kaagad si Fred at isiniwalat sa kanya ang lahat.

“Ano ka ba Fwen! Huwag ka ngang magpaniwala sa sumpa-sumpa na iyan! Hindi totoo iyan! Nagkataon lang na may mangyaring ganyan talaga.”

“Hindi Fred. Iba ang naramdaman ko. Kinikilabutan ako, natatakot.”

“Asuss. Dahil iniisip mong totoo nga iyang sumpa na iyan. Relax ka lang. Maaayos din ang lahat. Hindi naman siguro balikan ni Aljun iyang babaeng iyan ano. Pagkatapos ng lahat, bigla na lang siyang susulpot! At huwag ka nang mag-alala. Huwag ka nang umiyak.”

“P-parang gusto ko nang i-give up na lang si Aljun...”

“Ano ka ba gurl! Huwag ganyan! Lalaban tayo!”

“P-pakiramdam ko kasi ay isa akong outcast. Isang sampid na nakisingit lang. Sila naman talaga ang nararapat sa isa’t-isa, di ba? Perfect couple sila Fred. Napakaganda ni Emma at... si Kristoff, nararapat siyang matikman ang pagmamahal ng isang tunay na ina. At hindi ako karapat-dapat Fred...”

“Hoy! Hoy! Hoy! Huwag ka ngang ganyan. Hintyin mo ang desisyon ni Aljun no! I’m sure, ikaw ang pipiliin noon. At isa pa... granting na maniwala tayo sa sumpa ng ibong... whatever na iyon, di lalo mong huwag bitiwan ang pag-ibig mo kay Aljun. Di ba, sabi niya, huwag kang bibitiw sa pag-ibig mo sa kanya? Di ba ayon din sa sabi mo, ang pangontra ng sumpa ay ang wagas na pag-ibig? Paano mo ipakita ang wagas na pag-ibig na iyan kung i-give up mo si Aljun? E, di bagsak ka na. At d’yan pa lang fwend, siguardong magkatotoo talaga ang hula na trahedya sa iyo kapag nagkataon kasi, pasasagasaan kita sa pison kapag ganyang ang tanga-tanga mo pala sa pag-ibig!”

Natawa naman ako sa sinabing iyon ni Fred. Pero may point siya. Napaisip tuloy ako, hindi agad nakasagot. Paano ko ipakita ang wagas kong naramdaman kung igi-give up ko nga siya?”

“Woi! Nanjan ka pa ba? Biro lang iyong pasasagasaan kita ha? Huwag mong dibdibin.”

“Hindi naman iyon Fred. Iyong sinabi mong hindi ko siya dapat i-give up ang inisip ko...”

“Naman! Kaya ipaglaban mo siya ng patayan fwend. Iyan ang pag-ibig na wagas. Gets mo?”

“Pero kasi...”

“No-no-no-no-no! Walang pero-pero. Hindi iyan ang attitude! Kahit saang tambol mayor pa aabot, ipaglaban natin sila doon. Kahit pa sa impyerno pa, susuungin natin lahat iyan fwend! Huwag kang matakot. Dalhin natin ang lahat ng mga baklang bombero dito sa lupa, at ang buong federasyon ng mga bakla sa mundo. Tutulungan ka namin.”

“Ikaw talaga, puro ka biro.”

“Ay hindi ako nagbibiro Fwen! Gagawin talaga natin iyan. Makikita mo... Nakita mo naman ang ginawa namin kay Giselle at sa dalawang propesor natin. Kaya nating labanan iyan sila... All for one, one for all!”

“Salamat Fred...” ang nasambit ko na lang.

“Atsaka iyang ibong na iyan ha... gusto na niya akong sapawan sa supporting role. Magpakita nga iyan sa akin at kakainin ko talaga iyan ng hilaw. Walang hiya siya. Kahit pa extinct specie pa iyan wala akong pakialam.”

“Woi! Wag kang magsalita ng ganyan. Alaga daw iyon ng mga engkanto!”

“Pwes, walang binatbat sa aking ang mga engkantong iyan dahil ako ang diyosa nila. Hindi kaya ng powers nila ang ganda ko!”

Napatawa tuloy ako sa mga biro ni Fred.

“Hayann... dapat laging kang tumatawa fwen. Bukas mag-usap tayo fwend... Relax ka lang at ipanatag ang kalooban. Ok. Huwag sirain ang byuti... Remember, a beauty a day keeps Dra. Belo away.”

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP