Ang Kwintas, ang Snickers at Si Patrick. (Part 7)

Wednesday, October 26, 2011

Salamat sa mga patuloy na sumusubaybay ng series na ginawa ko. Ganun din sa mga silent readers na nagbabasa rin ng series ko. Nawa'y kung merong mga grammar flaws kayo na makikita, ipagpaumanhin ninyo na lang kasi first time ko lang magsulat.

Salamat din sa mga:

Kaibigan ko, kaklase ko sa block section ng MBA sa PLM, mga ka-officemate ko na habang tina-type ko ito ay binabasa ng patago ang nobela ko, sa bestfriends ko at mga barkada ko, at higit sa lahat, kay Patrick na siyang naging dahilan para makapagsulat ako ng ganito. (Sino siya?! Well... Secret!! Hehehehe..)

Siyempre, sa mga avid readers na palaging nagko-comment ng nobela ko:

Sina Dada, jac, mArk, mcfrancis, j.v, Erion, coffee prince(unang nagbasa ng first five chapters ng novel ko), anonymous(my mentor pagdating sa grammar and spelling) Ross ram, dark_ken(fan ako ng novel niya..) Ernes_aka_jun, Magno, Jay aka Jcoi, chris018, jayfinap(in-add ako sa account niya at isa sa mga idol ko pagdating sa series) Nitro, zenki, ogie8906, at si JhayCie. Guys.. Sana nagustuhan ninyo ang story ko!!!

ANY COMMENTS, OPINIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE AFFABLY WELCOME!!!

(This story is based on my real life. I changed the names of those persons involved including myself to keep our characters confidential and personal.)

Any commonality to any individual, place, or written works are absolutely COINCIDENTAL.

DISCLAIMER: The author withholds all his prerogatives to the work, and requests that in any use of this material that his rights are purely respected. No part of this story maybe reproduced or transmitted in any form or by any means: replicating, copying, duplicating or otherwise, without the prior consent or permission of the author himself.

To visit my accounts, just get me in track here:

Blog: http://pinnohy.blogspot.?com/
FB: http://www.facebook.com/pINNOHy
TWITTER: http://www.twitter.com/pINNOHy

------------------------------------------------

Part 7

Isa na namang panibagong araw para sa akin ang araw na ito. Swerte na lang at dumating si kuya Kenneth sa buhay namin kaya nagkaroon na ng kulay ang buhay ko na inakala ko noon na wala. Alas singko y medya na pala! Binuksan ko ang ilaw namin sa kwarto at nakita ko si kuya Kenneth na natutulog sa kanilang double-deck. Bumaba ako at nagtungo agad sa CR. Umihi ako. Pagkatapos niyon ay nagtungo ako sa sala para buksan ang TV. Unang Hirit na pala. Medyo kakaumpisa pa lang at nakita ko si mommy na nagluluto ng sinangag habang si daddy naman ay nasa sala at nagbabawi ng tulog dahil nakipag-inuman siya kay kuya Kenneth.

Agad akong nagpunta sa kusina at naghain na rin. Tinulungan ko si mommy na mag-ayos ng hapag at nagtimpla sa pitsel ng kape at gatas para sa aming dalawa ni mommy. Pumunta si mommy sa lamesa at inilagay ang pritong galunggong at sabay umupo.

"Jay, halika dito't kumain ka na.. Anong oras na oh, mahuhuli ka na naman."

Pumunta ako sa tabi ni mommy habang hawak-hawak ang tinimplang pampainit sa pitsel. Sabay kaming kumain ni mommy.

"Jay, Kamusta na kayo ni Cheney? Balita ko your relationship with her is getting stronger ah.. Naku jay, Kung alam mo lang! Yung kuya Kenneth mo, sobrang dinamdam ang huli nitong nakarelasyon at mukhang hindi na yata mag-aasawa! Sana mahanap mo ang one true love mo, at sana, si Cheney na talaga!!"

Hindi na ako nagsalita sa puntong iyon habang nagsasalita si mommy. Oo nga at mahal na mahal ko si Cheney, pero parang may pumapasok sa isipan ko na isipin si Patrick. Despite the fact that I'm so much fierce with angriness to what he had done in my life, yet, there is always a reason for me to think about him. Nasaan kaya siya ngayon? Bakit iniwan niya ako? Mahal pa ba niya ako? Hay naku!!

Mariin kong itinuon ang sarili ko kay Cheney. Natutuhan ko siyang mahalin simula pa noong iniwanan ako ni Patrick sa buhay ko. Ibinigay niya ang lahat sa akin kahit na ang kanyang napakagandang katawan nito. Hindi ko lubusang maisip na sa kabila ng mga musmos at batang edad ay may nangyari na sa amin nito. Mahal ako ni Cheney, at iyon ang dahilan kung bakit niya ginagawa iyon para sa akin.

Natapos na kaming kumain ni mommy. Pumunta agad sa water station na family business namin si mommy para buksan iyon. Samantalang ako naman ay nagtungo sa CR at naligo. Pagkatapos ay nagbihis at umalis na rin na di-nglaon.

Sa school, nakita ko agad si Cheney, andun na pala siya. Kasama niya ang mga barkada kong sina Nikol at Joseph.

"Bro, kamusta!! Nakapag review ka ba ngayon?" Sabi sa akin ni Nikol.

"Ah, ako pa!! I'm always on the go noh!!" Pagmamayabang na pagsagot ko kay Nikol.

"Ah, siya nga pala, Cheney, dumating na pala si kuya Kenneth ko galing Dubai and I'm inviting you to go with us outside after class. Would you mind to go mamaya?"

"Oh, sorry my cakie, I can't go with you kasi may meeting pala kami para sa gagawing program show bukas, kami yung napiling organizer for the coming Mr. and Ms. Lakanduleñan 2003 eh."

"Ah, ganun ba?"

"Wait, my cakie, I have a suggestion, what if I'll talk to your bestfriend and sue him he'll be the one to go with you, if you don't mind?"

"Sige, siya na lang!"

Hinalikan ako ni Cheney sa lips sabay alis sa harapan nito. Samantala, si Nikol ay kinausap ako para sa gagawing pageant ng school.

"Bro, sali ka! Grab this opportunity! You have the looks and the killer physiques na hinahanap ng year level namin. You know what, wala talaga kaming mapili sa batch natin, so I decide to recommend you."

"Sige, I'll think about it, malalaman mo yung sagot right after exam."

"Sige bro!!"

Sabay kaming naghiwalay ni Nikol at Joseph. Samantala, si Lei ay naglalakad mag-isa sa corridor ng 3rd floor at nagbabasa ng ni-lecture sa amin.

"Baby bro!! Musta!! Di ka pa rin tapos magreview?"

"No, Big bro.. I just want to make sure that I reviewed everything. Hirap na, Baka matalo mo ako!!" Pangasar na sinabi ni Lei sa akin..

"Aba at nagyayabang na agad tong kapatid ko ah!! Sabi mo yan ah!! Panindigan mo yan!!"

"Ako pa!!"

Sabay kaming pumasok sa room. Magkakahiwalay ang mga upuan. Mukhang pahihirapan kami ng class advisor namin ngayon ah, pumunta ako sa harapan malapit sa pintuan ng room para walang makakopya sa akin. Ganun din si Lei. Pinantay ko ang upuan ko sa lebel na upuan ni lei at ng iba pang ka-hilera ng upuan ko. Inilabas ang mga reviewer para siguraduhing na-memorize kong maigi ang mga ni-review sa akin ni Lei. Mga saktong 7:30am nang dumating si Ma'am Trinidad na dala-dala ang answer sheets at kanyang pekeng Chanel na shoulder bag.

"Ok class, stop reviewing.. Be ready for the exam today. If you have any questions regarding the exam, please! Don't hesitate to ask me. If I caught you cheating with your seat-mate, you are about to face the automatic failure in exam. Goodluck class!!"

Ibinigay niyang isa-isa sa amin ang test paper. Syempre at nauna na kaming sumagot ni Lei dahil nasa unahan kami at katabi namin si ma'am kaya ligtas kami sa kopyahan ng mga kaklase ko. Lumipas ang ilang minuto. Ayun pa rin si ma'am at matiyagang nagmamanman sa mga estudyanteng gagawa ng katarantaduhan o di kaya magtatanong tungkol sa test paper. Walang anu-ano, lumapit ang isa sa mga kaklase ko at nagtanong.

"Ah, Ok class, please lend me your ears first, turn your test paper on page 2 and I'll explain to you the instructions on how will you answer it."

Dire-diretsong inilahad ni ma'am ang correction sa exam at agad naman namin nakuha iyon. Habang nakikinig ako, di ko pala namamalayang kanina pa ako tinitignan ni Lei sa kaliwa ko.

"Hoy, mind your own paper, baby bro!!"

Hindi niya ako sinunod, tumingin siya sa mga mata ko na parang may gustong sabihin sa akin.

"Sorry Big bro, I'm done!!"

Nagulat ako dahil 30 minutes pa lang ang nakakalipas nang kami ay nag-start at natapos niya agad iyon!

"Are you sure? Teka nakinig ka ba sa mga instructions ni ma'am? Sagot ka ng sagot, baka mamaya ay maungusan kita dyan."

"Haha, I've been there done that, big bro!! Ako pa!! Pagmamayabang ni Lei.

Mga five minutes pagkatapos ay natapos din ako. Pagkalingon ko sa kanya, agad kong napansin, habang nagsusulat si Lei ang pilat nito sa kanang wrist niya. Pahalang at mukhang malalim. Saan kaya niya nakuha iyon? Pagkatapos ay tumingin sa akin si Lei na nakangiti. Ang gaganda ng mga ngipin niya. Pantay ang taas at baba. Walang sungki o isang bulok sa pagitan ng mga ngipin nito. Mapuputi, siguro dahil na rin sa me pagka-banidoso nitong lalaking ito kaya ganun siya. Lumabas ang haring araw sa corridor at unti-unti kong napapansin ang ganda ng buhok nito. Kulay brown na me pagka-red. Brunet kung tutuusin. Tumingin naman ako sa mukha niya. Parang kastila na hinaluan ng amerikano ang mukha nito. Halos natural at kahali-halina!! At ang mga malalaki at mapupungay niyang mga mata na kahit nakasalamin ay kitang-kita sa kanya pati ang hazel brown na kulay ng mga mata nito at ang mahahabang pilik-mata. Nasa kanya na rin siguro ang mga qualities na hinahanap ng isang babae sa lalaki bukod sa ugali at sex appeal nito kahit payat.

Pagkatapos niyang tumingin sa akin ay niyaya niya ako na ipasa na sa harapan ang test paper at sabay sandal ng ulo sa armchair. Parehas kaming nakasandal. Tumingin ako sa labas ng pintuan. Maganda ang tanawin sa labas. May mga humuhuning mga ibon at nakikita ko din ang mga estudyanteng first year na nagdidilig ng halamanan sa labas. Nang nakuntento na ay lumipat naman ako sa kaliwa. Andun si Lei at nakatingin sa akin. Siguro mga isang minuto kaming nagtitigan sa isa't-isa.

"I LOVE YOU, BIG BRO!!". Pabulong niyang sinabi sa akin habang nasa ganun kaming posisyon.

Nabigla ako. Bakit kaya niya sinabi sa akin ang ganoong salita? Bigla ko tuloy naalala si Patrick sa kanya. Agad na kumunot ang mga noo ko sa harap niya at nagbitaw ng salita.

"Loko!!"

Sabay ngiti niya sa akin. Maputi na, gwapo pa. Iyon ang unang impresyon ko kay Lei kahit hanggang ngayon. Sayang lang at payat siya. Lumipas ang isang oras at sa tingin ko ay tapos na ang lahat.

"Please pass first the answer sheets then the test paper in your front." Sabi ni Ma'am Trinidad.

Pagkatapos niyon ay inilagay ko ang ballpen ko sa bag ko at tinignan ang CP ko, may isang text at nakita kong si Cheney pala nagtext sa akin.

"cakie, break a leg!! Kaya mo yang exam na yan!! Keep it up!! I love you.."

Agad na tinago ko ang CP ko sa bag pagkatapos basahin. Mamaya ko na lang siya itetext. Inayos ko ang bangko ko at tinapat kay Lei. Umalis si Ma'am Trinidad na palatandaan ng pagtatapos ng klase namin sa kanya. Umalis rin si Lei saglit at nagpaalam sa akin na mag-si CR lang siya. Pumunta ako sa mga kaklase ko para kausapin sila.

"'cob, balita ko daw, ikaw ang ilalaban ng buong third year sa Mr. Lakanduleñans ah!! Sige boto kami sa'yo." Sabi ng president ng section namin, si Arah.

Si Arah ay kakumpitensiya din namin ni Lei pagdating sa exam. Minsan siya ang pinakamataas sa amin ni Lei pero lagi kaming naglalaban ni Lei when it comes to final average.

Nakalimutan ko palang magdesisyon kung sasali ako sa Mr. Lakanduleñans .Siguro ito na rin yung time ko para sumikat sa buong campus. Iyon talaga ang pinapangarap ko na tingalain ako ng mga tao na parang diyos at sinasamba nila. Agad kong naisip si Cheney kung papayag siya sa alok ni President. Naku, eh iyon pa, isa rin yun sa mga sulsulero na nakilala ko eh..

Bumaba akong saglit at pumunta sa kabilang building para puntahan ni Cheney. Andun siya at mukhang busy sa pagsagot ng exam. Sinitsitan ko siya at nang narinig ako ay ngumiti siya sa akin.

"Me sasabihin ako sa'yo mamaya!!" sigaw ko na pabulong sa kanya. Nakita kong tumango siya sa akin at sabay nag flying kiss. Agad niya itong sinalo gamit ang kanang kamay niya at inilagay sa puso niya. Bumaba ako at naisipang pumunta sa Library dahil may natitira pang 30 minutes bago ang isang subject namin. Binisita ko si Ma'am Pelaez at maganda naman ang approach nito sa akin. May binigay siya sa aking aklat at iniutos na ibigay ko daw iyon sa susunod na magiging teacher namin. Sumilip ako sa Filipiniana section at nakita ko si Nikol.

"Bro, anong ginagawa mo diyan?"

"Ah.. Eh, nagreresearch para sa El Filibusterismo. Teka, baka alam mo ito."

Ibinigay niya sa akin ang notebook niya at itinuro ang ireresearch.

1. Ibigay ang totoong pangalan ni Crisostomo Ibbara.

2. Saan hango ang nobelang ito at bakit namulat ang mga Pilipino sa ginagawa ng kastila sa kanila pagkatapos nilang basahin ito.

3. Kailan at saan ginawa ni Josè Rizal ito.

Agad akong humiram ng ballpen kay Nikol para sagutin at tulungan na rin ang naghihirap kong kaibigan. Sinagot ko isa-isa ang lahat na parang sisiw lang para sa akin. Wala pang 15 minutes nang natapos ako at ibinigay ko ang ballpen at notebook sa kaniya.

"ambilis mo naman, bro!! Buti ka pa, alam mo!! Teka, itinuro na ba ito sa inyo?"

"Hindi pa bro. Nag advance reading kasi ako eh, kaya may idea na ako para sagutin yang research mo."

"Salamat ah!!"

"Sige bro!! Una na ako!!"

Umalis agad ako sa Library pagkatapos. Pumunta ako agad sa room namin kung saan nakita ko si Lei na nakaupo at nagbabasa ng Bob Ong na libro.

"Pahiram naman ako niyan!!" pagkatapos ay sabay upo ako sa tabi nito.

"Mamaya, pagkatapos."

"Sure??"

"Oo.."

Maya-maya, pumunta na si Ma'am Cristobal para sa subject namin sa Math. Sakto at agad kong ibinigay sa kanya ang libro na ibinigay sa akin ni Ma'am Pelaez. Agad tinago ni Lei yung binabasa niya sa bag sabay sarado gamit ang zipper na malalaki.

Tumagal ang pagtuturo ni Ma'am Cristobal. Sumobra pa nga sa 15 minutes niya kaming ni-lecturan. Medyo magulo ang pagtuturo niya. Sumakit bigla ang ulo ko at agad na binigyan ko ng hilot sa pagitan ng mga sentido ko.

Hinubad ni Lei ang salamin niya sa lapag ng armchair nito. Sabay punas ng mga mata nito gamit ang maliit na bimpong kulay green at pagkatapos ay sinabay niya rin ang kaniyang salamin sa mata.

"Baby bro, naintindihan mo ba tinuro ni ma'am? Medyo magulo eh.." Sambit ko sa harap niya habang nangangamot sa batok.

"Oo, ako pa!!"

"Turo mo sa akin mamaya ah!!"

"Sige."

Ilang minuto na rin at tumunog ang napakalakas na ingay ng bell. Senyales Ito na patapos na ang kanyang time sa pagtuturo sa amin.

Lumipas ang tatlong oras pagkatapos. Pinahiram sa akin ni Lei ang Bob Ong book niya. Binasa ko ang likuran at natawa sa bawat birada niyang may halong humorous wit.

"Nakakatawa to Baby Bro ah! Mas naintindihan ko kesa sa mga turo ni Ma'am Cristobal!" Sabi ko sa kanya habang naglalakad ng magkasabay.

Habang naglalakad sa corridor, itinigil ko muna ang pagbabasa ng libro. Agad na inipit ko sa kaliwang kili-kili ang aklat. Tumingin ako sa dinadaanan ko at inobserbahan ang mga taong dumadaan sa harapan namin ni Baby Bro. Para kaming baliw, kasi ginagawa pala niya ang ginagawa ko.

"Big bro, kita mo yung girl ?! Anlaki ng boobs niya noh.. Nakakalibog!! Hahaha." palokong biro ni Lei habang nakikitig sa dibdib ng isang ka-schoolmate na Babae.

"Baby bro, kailan ka pang natutong tumingin ng ganyan? Ah?? Tandaan mo, I'm your Big Bro!!

Pinagsabihan ko si Lei dahil sa maling ginagawa nito. Nakita ko siya habang pinagsasabihan. Nakita ko ang pagsisimangot niya sa akin na parang nalugi sa isang negosyo. Medyo matangkad siya sa akin ng bahagya. 5'7" ako samantalang, 5"8 naman siya, kayang-kaya kong kutusan siya sa ulo ng sobrang lutong kung gagawa siya ng mali.

Itutuloy..

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP