Chapter 12: Unbroken

Friday, February 4, 2011

"Unbroken 12"
"THE FINALE"
-It's Unbroken.-
-unbroken-


Ramdam ko ang init ng katawan ni Daniel. Nalalasap ng aking balat ng init ng kanyang paghinga. Sa pagkakalapat ng aming mga katawan ay ramdam ko ang pagpintig ng kanyang puso. Hindi pa rin umaalis ang kotse. Tahimik lahat ng tao rito. Walang gustong bumitaw sa aming dalawa. Nararamdaman ko ang pagdiin ng yakap ng aking lalaking pinakamamahal. Piniga ko pa ang aming mga katawan. Lalong diniinan ang pagkakadikit nito. Ayoko ng maalis ang init ng kanyang katawan sa akin.

Dahan dahang naramdaman ko ang pagdausdos ng kanyang katawan. Bumitaw sya mula sa aming pagkakayakap at tumitig sa akin. Nangungusap ang mga mata nito. Natutunaw ako sa titig ng kanyang mapanuksong mga mata. Inilapat nya ang kanyang noo sa akin,nagtatama ang aming mga ilong. Tila ba nageespadahan ang mga ito. Mula sa ganoong posisyon ay nasilayan ko muli ang pagguhit ng pakurbang linya sa kanyang mga labi. Namalas ko ulit ang ngiti sa kanyang mga labi. Wala pa ding nagbago,ramdam ko pa din na malakas si Daniel. Wala pa ding nagbago,alam kong kaya ni Daniel to. Alam kong magtatagal pa kami,magkasabay kaming tatanda at sabay kaming mamamatay.

Mula sa ganoong posisyon ay dahan dahang dumampi ang kanyang malambot na labi sa akin. Nalasahan ko muli ang tamis nun. Di ko maipaliwanag,automatic na lumaban ang aking mga labi. Ramdam ko ang pagmamahal. Ramdam ko ang sinseridad. Ramdam ko na parang walang nangyari,na hindi sya umalis at hindi nya ko iniwan. Halik palang niya ay parang nakabawi na sa lahat ng sakit na naidulot nya sa akin. Nasa ganoon kaming tagpo ng magsalita si Pixel.

Read more...

Chapter 10 to 11 : Unbroken

Anybody's Heart
“The heart that you broke,it wasn't just anybody's heart.”
-Katharine Mcphee,Anybody's Heart.


Kakaibang intensity ang aking naramdaman ng muling magtama ang labi namin ni Daniel. Ibang-iba ito. Muli kong naramdaman ang lambot ng mga labi nya. Muli kong nalasahan ang tamis ng kanyang laway at bango ng kanyang hininga.. Muli kong nasaksihan ang kanyang mukha. Hindi ko maipaliwanag ang nadarama. Hindi ko mawari kung anong dapat kong maging reaction sa nangyayari. Basta ang alam ko,sobrang kakaiba ang nararamdaman ko ng muli kong nalasap ang mga halik ni Daniel.


Patuloy ang pagtutungali ng aming mga labi. Masiglang nanunuod ang buwan at ang mga bituin. Kitang kita nila ang nagaalab naming mga emosyon kasabay na rin ang pagdampi ng malamig at mapanuksong hangin sa aming mga balat. Kumalas si Daniel mula sa pagkakahinang ng aming mga
labi at tumitig sa akin. Gustong kong matunaw sa mga titig nya. Alam ko sa  sarili ko na hindi din magiging okay. Mali na ito. Makakasakit ako ng tao. Ayokong masaktan ulit. Ayoko masaktan si Carlos.


Carlos. Naalala ko si Carlos. Ang lalaking nagtyaga sa akin mula ng binasura ako ni Daniel. Si Carlos na hindi man lang ako iniwan kahit minsan. Si Carlos na naging tapat at nagparamdam sa akin na mahalaga pa rin ako after ako iwanan ng lalaking pinahalagahan ko. Si Carlos na mabait.
Si Carlos na mahal na mahal ako. Tila malakas ang naging impact sa akin ng pagpasok ni Carlos sa isip ko. Naalala ko na kung gaano nya ako minahal ay ganun naman ako binasura ng lalaking nasa harap ko para sa babaeng binuntis nya. Mula sa tuwa,unti-unti akong binalot ng galit.


“FR. Happy Birthday.” Malambing na sabi ni Daniel.

Read more...

Chapter 8 to 9 : Unbroken

“Unbroken 8”
Say Goodbye
“Words are like scissors in your hands.”
~Katharine Mcphee,SAY GOODBYE~


Nagitla ako sa aking nabasa. Hindi ko alam kung anong dapat kong ikilos. Magiging masaya ba ko para sa kanya at sa bago nya? Magiging bitter ba ko dahil ako dapat ang kasama nya sa States?Ano ba dapat kong maramdaman. Again,Unlimited Luha na naman. Kahit ako naguguluhan na sa mga nangyayayri. Si Daniel pupunta sa States? Bakit? Anong aayusin nya? Teka. Ano ba to? Bakit pa nya ko kailangan itext at may pa “HON-HON” pa? Bakit pa ba ko naapektuhan? Bakit pa ba ko umiiyak? Bakit ba sobrang sakit pa rin? Di ko namalayan na hikbi na pala ako ng hikbi na parang batang nawalan ng laruan. Talunan na talunan. Durog na durog.

Dali dali naman akong kinomfort ng naalimpungatang si Pixel.


“Uyy? Best? Hala? Bakit ka umiiyak hala?”natatarantang sabi nito


“Best.” At muli na naman akong bumigay.


Sumubsob ako sa kanyang dibdib na parang bata. Yinakap ako ng mahigpit ng aking matalik na kaibigan. Isang yakap na alam king kailangan ko as of the moment. Patuloy pa din ako sa paghagulol habang patuloy nya akong tinatanong kung anong nangyari. Marahil sya din ay nagtataka na ng husto sa mga nangyayari. Patuloy ako sa pagluha ng bigla nyang kong hinarap sa kanya. Tumitig sya sa aking mga mata at nagwika.

Read more...

Chapter 5 to 7 : Unbroken

 “Unbroken 5”
If no one will listen”
“I will be here,if no one will listen.”
-Kelly Clarkson

Eversince talaga takot ako sumasakay sa eroplano. Hindi ko maintindihan pero di ako mapakali. Hindi ko alam kung anong ayos ba dapat. Dapat ba simpleng upo lang? Dapat ba sa kanan ako nakatingin? Kaso kita ko naman yung katabi ko. Dapat ba sa kaliwa? Kita ko naman yung  mga ulap. Natutukso akong tumingin sa ibaba pero pag nakita ko naman eh nahihilo na ako sa takot dahil mataas. Whew.


Naupo ako sa assigned seat sa akin. Ikinalma ang sarili. Pinipilit kong ipakita sa mga kasama ko sa eroplano na hindi ako takot sumakay dito. Na kunwari ay matapang ako at lalaking lalaki. Hindi ko ipapakita sa kanila na nanginginig ang mga tuhod ko habang nagaantay ng paglipad ng eroplano.
Kunwari ay beterano na ako sa pagsakay dito. Muli,for nth time,muling pumasok sa isip ko si Daniel. Siya ang unang taong nakasama ko sa pagsakay ng eroplano. Siya ang nagturo sa akin kung paano magayos ng seat belt.Siya ang nagpapakalma sa akin when my knees start trembling. Siya ang nagiging dahilan kung bakit kalmado akong nakakatiis sa loob ng eroplano. Kahit medyo shaky ang pagtakeoff ng piloto,gagawa sya ng paraan para maiiwas ang atensyon ko sa pagtakeoff.

Nandung kwentuhan nya ko ng kung anu-ano. Nandung kakantahan nya ko para matawa ako. Nandung bigla nya akong pipitikin sa tenga para madistract. Noon yon. Pero sa ngayon,sa tingin ko kailangan kong labanan ang takot ko sa pagsakay sa eroplano. At ako'y nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

“Ilang saglit na lamang po ay lilipad na ang eroplano. Maari lamang po na pakisuot ng maayos ang ating mga sinturong pangkaligtasan.” Mahinahon at nakangiting sabi ng stewardess.

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP