Part 3 : Engkantadong Gubat
Friday, January 21, 2011
Author: Jayson Patalinghug
Genre: Homo-erotic, Fantasy
Next Update: January 25, 2011 @ 12:00 Noon
Note: Maraming salamat sa pagsubaybay, MIgz, Royvan, Myx and Chak.
*************************************************************
Sa dulo ng daan na kanilang tinahak ay may isang lawa, sa si maipaliwanag na dahilan ay biglang sumikat ang araw at uminit ang paligid. Napag desisyunan ni Joseph na maligo sa lawa, matagal na din siyang di nakakaligo mula nang maging bato siya. Nakaupo lang si Jed sa tabi tinitingnan si Joseph habang dahan dahan nitong hinubad ang saplot sa katawan. Lubhang nalibugan si Jed sa nakita at nang siya na ang maghubad upang maligo, pilit niyang itinago ang pagtigas ng kanyang alaga.
Nang tumalikod si Joseph upang kunin mula sa kanyang backpack ang isang sabon at pang ahit, agad namang lumosong si Jed sa tubig na hindi napapansin ng lalaki. Pagkatapos sabunin ni Joseph ang sarili, nilapitan niya si Jed at hinila ito sa tabi ng lawa at sinabunan ang katawan. Marahan at banayad ang mga haplos ni Joseph na pinadulas ng sabon. Ilang sandali lamang at ang bawat isa ay nakahawak na sa matigas na alaga na hindi naman kanila.
Talo na si Jed sa simula pa lamang. Mas malaki at mas malakas si Joseph. Hindi nagtagal naalimpungatan nalang niya na nakaluhod na siya sa harap ni Joseph hawak-hawak ang tarugo nito. Naramdaman niya ang isang kamay na tumulak sa kanyang ulo papalapit sa galit na alaga ni Joseph, naghihintay na mapasok ang mainit niyang bibig.
Sa puntong iyon, nagpa-ubaya nang lubos si Jed at binuka niya ang kanyang bibig at dahan-dahan niyang nilamon ang matigas na tarugo ni Joseph. Umungol si Joseph sa sarap ng pakiramdam habang nilabas pasok niya ang kanyang tarugo sa bibig ni Jed. Namangha naman siya ng nilaro ni Jed ang kanyang alaga sa pamamagitan ng dila nito. Noong una, plano ni Joseph na gahasain si Jed, ngunit sa sobrang sarap sa ginawa ni Jed sa kanya ay nakalimutan na niya ito at hinayaan na lamang niya itong laruin siya at dalhin sa tuktuk ng kaligayahan. Dahil sa matagal ng panahon na ang nakalipas mula ng huling nakipagtalik si Joseph ay di maiiwasang marating niya ang langit ng wala sa oras.
Ilang kadyot lamang sa ulo ni Jed at nagsimula ng sumuka ang tarugo no Joseph sa loob ng bibig ni Jed. Kinuha naman ni Jed ang isa niyang kamay mula sa pagkahawak nito sa tarugo ni Joseph at inilipat sa sarili nitong alaga na sa puntong iyon ay tigas na tigas na rin.
Napakabilis ng pangyayari at pakiramdam ni Jed ay nalamangan siya. Nilunok niya ang tamod ni Joseph at nang maramdaman na niya ang pagsuka ng sariling alaga ay sinigad niya ang paglamon hanggang sa umabot ito sa kanyang lalamunan.
Pagkatapos ng mainit na eksenang iyon ay nahiga silang dalawa sa tabi ng lawa, hinyaang tuyuin ng araw ang kanilang mga hubad na katawan. Nanlupaypay naman si Joseph, wala nang kakayahang abusuhin pa ang bata. Ikinwento niya kay Jed ang buong detalye ng kanyang mga plano pagsapit ng gabi. Para sa kanya, napakaliksi ni Jed at sa tingin niya ay makakatagal ito ng ilang rounds pa. Hindi naman makapaghintay pa sa Jed at gusto niyang pasukin na siya ni Joseph dun mismo sa may damuhan sa tabi ng lawa. Ngunit wala nanng lakas pa si Joseph, hindi na makalaban pa ang kanyang alaga.
Nang makapag bihis na sila, muli nilang tinunton ang daan pabalik kung saan silang nanggaling. Muli nilang pinasok ang kakahuyan at nang makalabas sila sa kasukalan ay papalubog na ang araw. Tiempo namang nakakita sila ng isang kweba sa tabi ng isang burol, doon maari silang magpalipas ng gabi. Maingat nilang pinasok ang kweba, at nang makapasok na sa bunganga ng kweba bigla nalang napahinto si Jed.
“Anong problema?” tanong ni Joseph.
“Nasa ibang lugar tayo.” Sabi ni Jed na naguguluhan.
“Anong pinagsasabi mo? Anong nasa ibang lugar tayo?”
“Ang kwebang ito, dito sa loob ay iba sa labas, wala ito sa iisang lugar,” sabi ni Jed.
“Syempre hindi! Iba ang loob sa labas...ibang lugar talaga iyan!” sabi ni Joseph na sa puntong iyon na nagiisip na kung gaano Katanga ang bata.
“Hindi iyan ang ibig kong sabihin. Sa labas ng kweba may ilang oras lamang ang iyong lalakarin patungo sa lugar kung saan kita natagpuan, ngunit dito sa loob para tayong nasa kalagitnaan ng kagubatan at parang nasa kinailaliman tayo ng lupa.”
“Pero, imposible iyang sinasabi mo!”
“Tama ka, imposible nga at imposible din naman ang pagiging statwa mo dahil sa isang sinumpang kopa.”
“Okay, panalo ka na. Mag ingat nalang tayo dito,” sabi ni Joseph, na sa ngayon ay naghihinala na sa paligid.
Kinuha ni Joseph ang kanyang bag at dumukot ng isang lighter. Pagkatapos ay namulot ng tuyong kahoy at gumawa ng isang sulo at sinindihan niya ito. Pagkatapos ay tumuloy na sila papasok sa kweba. Nang makapasok na, laking pagkamangha nila nang tumambad sa kanilang harapan ang isang malawak na silid. Sa gitna nito ay may isang malaking mesa kung saan nakalapag ang maraming pagkain at inumin. Sa ding-ding ay may lamparang nakasabit; sinindihan nila ito at nagliwanag ang buong paligid. Sa likod ng silid na iyon ay may isa pang silid kung saan mayroong maraming malalambot na tela; tamang tama lang upang makagawa ng isang comportableng higaan.
“Mukhang isa tayong bisita sa lugar na ito at pinaghandaan talaga ang ating pagdating,” sabi ni Joseph.
“Sa tingin mo pwede kaya nating hawakan an gating nakikita,” tanong ni Jed.
“Sa tingin ko kung sino man ang nagbigay ng mga pagsubok sa atin ay mukhang matutuwa siya na makitang tayong mamatay sa gutom habang pinagmamasdan ang masasarap na pagkain na iyan. Matagal na panahon na rin mula noong huli akong maka kain.”
Tinungo ni Joseph ang mesa at tiningnan ang nakalapag dito. Ang mga pagkaing malapit sa lagusan ay simple lamang; tinapay, keso, itlog at tubig; Habang ang mga pagkain sa kabilang dulo ay napakasarap at nakakagutom; letsong baboy, manok, inihaw na isda, cakes at may red wine pa.
Tiniis ni Jed ang gutom at nag atubiling kumain sa takot na may sumpa na naman ang mga pagkaing iyon ngunit si Joseph ay hindi makatiis. Kinuha niya ang kanyang balisong at humiwa ng kapirasong keso at pinalaman niya ito sa tinapay. Tinikman lamang niya ito noong una at sa kalaunan ay napalakas ang kain nito. Sa inggit ni Jed at sa tingin niya ay wala namang nangyari sa kasama ay na-ingayo na rin siyang kumain. Humiwa siya ng kaunting cake, napansin niyang may bahid ito’ng kulay berde, ngunit huli na ang lahat, nang makagat niya ang cake biglang sumabog na naman ang isang nakakasilaw na liwanag. Nahilo si Jed at nawalan ng ulirat. Nang bumalik na ang kanyang ulirat napansin niyang may kakaiba sa kanyang paligid. Una, nakita niya si Joseph sa isang tabi halos mamatay sa kakatawa. Pangalawa napansin niyang kakaiba ang kanyang posisyun, nakadapa siya at nang sinubukan niyang tumayo ay nahirapan siya. Ang kanyang paningin ay kakaiba rin. Nakikita niya ang gilid ng kanyang paligid nunit di niya gaanong makita ang nasa harap. Sa sahig nakita niya ang kanyang mga damit. Sinubukan niyang magsalita ngunit di niya magawa. At sa sandaling iyon alam niyang hindi na siya isang tao.
“Napakaganda mo palang kabayo Jed,” sabi ni Joseph na natatawa pa rin.
Muling tiningnan ni Jed ang mga pagkain at napansin ang kaibahan ng mga pagkaing nakalapag sa mesa. Yung mga sempleng pagkain ay parang normal lang ngunit yung masasarap ay may bahid ng liwanag na kulay berde, dun niya napagtantong may sumpa ang mga iyon at ngayon isinumpa na rin siya!
“Hahaha.. sa tingin ko ay di ka na talaga kakain ng masasarap na cake ngayong gabi sapagkat nandun sa labas ng kweba ang iyong pagkain.” Sabi ni Jed na nakatawa sabay turo sa damuhan sa labas ng kweba. Medyo nasaktan si Jed ngunit ang kanyang tiyan ay sumang ayon kay Joseph kaya tumalikod siya upang lumabas sa kweba at tunguhin ang damuhan.
“Nakakalungkot naman,” sabi ni Joseph na nakatawa pa rin. “May plano pa naman akong sakyan ka ngayong gabi, ngunit sa tingin ko ay bukas nalang kita sasakyan.”
Tumalikod si Jed upang tingnan ang lalaki ngunit nakita niya itong tumalikod na sa kanya. Sa kanyang inis ay sinipa niya ito mula sa likuran at laking gulat nalang niya ng tumilapon ang lalaki at naglanding doon sa ginawa niyang higaan. Bilang isang kabayo di hamak na mas malakas siya kesa noong isa pa siyang bata; kailangan niyang mag ingat kundi baka matuluyan pa ang lalaki kapag nasipa niya itong muli.
Nang makalabas na si Jed ng kweba nakita niya ang berdeng damo at sa di maipaliwanag na dahilan, nagutom siya sa pagtingin pa lamang nito; kumain siya ng maraming damo. May naidulot din namang maganda ang pagiging kabayo niya: di kailangan maghanap ng pagkain sapagkat kahit saan siya lumingon ay napakaraming masasarap na damo; di na niya kailangan na maghukay upang dumumi. At mas maganda at presko ang pakamramdam niya kapag wala siyang saplot sa katawan. Kinaumagahan gumising ng maaga si Joseph at lumabas ng kweba.
Read more...