The Best Thing I Ever Had - Season 2 Episode 10 - Season Finale

Tuesday, August 30, 2011


Author's note: Maraming maraming salamat po sa lahat ng nagbasa ng story na to. Sorry po kung mejo nalate update hehe. Special thanks to: Jasper Paulito, Jayfinpa, kuya ken (dark_ken), Erwin Fernandez, R3b3L^+ion, dada, Jack, wastedpup, kuya Ace, superman, mhei and kuya Jeffrey kong super naughty lol.
kuya coffee- nabasa ko po yung comment mo sa Hiling and natuwa nmn ako sa sinabi mo kuya :) idol raw? lol.
also, thanks sa mga anonymous and ung mga silent readers. maraming salamat din po kila kuya jayson and kuya mike :).
ken-ken ko - i miss you :(.
anyway, eto na po ang season finale of The Best Thing I Ever Had! enjoy reading!

Episode 10 - Goodbye Av - The Season Finale

Nagising ako. Naramdaman kong may nakatapal sa bibig ko. Parang tape or something. Nakataling magkasama ang mga kamay ko sa likod. Tumingin ako sa paligid. Nakita kong nasa loob ako ng isang kwarto. Maliit lang ang kwarto na ito, tama lang pang-isang tao. Mukhang hindi nagagamit ang kwartong ito dahil sa makikita mo ang alikabok sa kisame at mukhang faded na ang pintura ng pader. Nakaupo ako sa isang simpleng kama na may isang unan. May isang bintana ang kwarto ngunit masyado itong mataas at hindi ko maabot. Gusto ko sanang tingnan kung nasaan ako.

Nasaan ako? Sino ang nagpakidnap sa akin? At bakit niya kailangan gawin sa akin to?


Teh, natatakot ako.


Natatakot din kaya ako. Teka, Si Marco? Nasaan si Marco??? Biglang nagflash back ang lahat ng nangyari sa utak ko. Si...Marco...sinaksak...may dugo.. Biglang pumatak ang luha ko. Sana buhay pa si Marco..Lord..please..

Lalo pa akong natakot ng marinig kong may nagbubukas ng lock ng pinto. Takot na takot ako dahil hindi ko alam kung sino yon. Pagkabukas ng pinto, tumambad sa akin ang dalawang lalaki. Yun yung dalawang lalaking dumukot sa akin kanina.

Teka parang kilala ko tong isa na to.. TAMA!!! Siya yung lalaking nasa panaginip ko na gusto akong patayin! 


Wait so ibig sabihin, mangyayari yung nasa panaginip mo?


Wag naman sana. hindi pa ko handang mamatay,.Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko.


Napuno ng takot ang buo kong katawan. Biglang lumapit ang isang lalaki. Sa sobrang takot, sumiksik ako sa corner ng kwarto. hinablot niya ang braso ko ng mahigpit at hinila patayo. Nagpumiglas ako at nasipa ko ari ang isang lalaki. "Aray Put*ng ina!!!!" sigaw ng lalaki. Bigla naman akong sinuntok ng isa pang lalaki sa tiyan. "Uhmp!" Bigla akong nanghina, halos hindi ko maigalaw ang katawan ko at bumagsak sa sahig. Binuhat akong muli ng dalawang lalaki patayo.. Narinig ko ang mga yapak ng tao papalapit sa kwarto. Nakatingin lang ako sa may pinto at hinihintay kung sino ang taong iyon.


Malamang siya ang nagpakidnap sa akin. Pero sino naman ang gagawa sa akin nito?


Laking gulat ko ng makita kung sino ang taong iyon. SI JENNY!! 


Ang demonyitang babae na yan ang salarin?! no wonder! Tunay na anak ni Satanas yang babae na yan!


Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Jenny. Nakangiti siya't nakatingin sa akin. "Hello Av."

"Hmmmp hmmp.hmmp!" ang nasabi ko dahil may takip ang bibig ko.

Sumenyas si Jenny sa isa sa mga lalaking nakahawak sa akin. Biglang tinanggal ng lalaki ang tape na nasa bibig ko. "Arrrghhh!" daing ko.

"You were saying?" sabi ni Jenny.

"Walanghiya ka! Bakit mo ko pinakidnap?!" sumbat ko sa kanya. Gusto ko siyang sugurin at tadyakan or sabunutan pero hindi ako makagalaw sa sobrang higpit ng hawak sa akin ng dalawang bakulaw na to.

Tumawa si Jenny. "Hindi pa ba halata? Akala ko ba matalino ka Av? Bakit ayaw mong gamitin yang utak mo ngayon?" Tinusok niya ng daliri niya ang noo ko. "Inagaw mo siya sa akin."

"Wala akong inaagaw sa'yo!" sagot ko. Bigla niya akong sinampal. Aray! Lecheng babae na to. Naku kung hindi lang ako nakatali kakalbuhin ko tong babae na to at ikikiskis sa pader ang mukha.

"Inagaw mo siya!!!" punung-puno ng galit ang mukha niya. Makikita mong nag-aalab ang galit sa kanyang mga mata.

Anu yun? May fire sa mata niya? di kaya mabulag yan?


Gaga! Nakita mo na ngang tinotorture to death na nga ako dito, nakuha mo pang mang-okray!


"Tahimik kaming nagmamahalan noon. Ang saya saya namin noon. Pero nagbago ang lahat nung dumating kang ahas ka!" At sinampal niya akong muli,.

Aray!!!! Naku isa na lang talaga! Kikitilin ko buhay nitong babae na to!


"Kaya nung iniwan niya ako, walang ibang pumasok sa utak ko kundi ang maghiganti sa inyong dalawa. Sa pang-aagaw mo sa akin sa kanya. At ang pang-iiwan niya sa akin choosing you over me. Ano bang meron sayong bakla ka at nagustuhan ka ni Van ha? Siguro ginayuma mo siya no?" pang-aakusa niya sa akin.

Aba, woah woah woah teh, you're crossing the line. "You know what Jenny?", tumingin ako sa kanya. "Why don't you ask that yourself? Isipin mo, sa tingin mo ba titikim pa siya ng iba kung nasasarapan na siya sa kung ano ang nasa harap niya? Parehas lang tayong mga ulam Jenny. Pero hindi ko na kasalanan kung nagsawa na sa lasa mo si Van at humanap ng iba!" sagot ko sa kanya.

You go girl! Go go go teh!


Galit na galit na siya. Bigla niya akong sinabunutan at tinitigan. "Ito ang tatandaan mo Av, magkaiba tayo kaya wag na wag mong sasabihin na parehas lang tayo!"

"Tama ka. Magkaiba tayo. All you are is mean, liar, pathetic and alone in life! And I'm not." at tinawanan ko siya.

Mas nagalit pa siya sa sinabi ko. "Wag mong ubusin ang pasensiya ko Av. Baka hindi ako makapagpigil,." at itinutok niya ang baril niya sa ilalim ng baba ko. "mapatay kita kaagad!"

Bigla akong natakot. Pero hindi ko ito ipinakita sa kanya. Dahil pag pinakita kong natatakot ako, mas matutuwa pa siya. And ayokong matuwa siya. Tinanggal niya ang pagkakawak sa akin. "Anyway, may bisita ka nga pala. I'm sure you'll be happy to see him." sabi ni Jenny ng nakingiti.

Biglang may pumasok na lalaki sa kwarto. Si Ram!


Kasabwat din siya?! oh my god!


Sh*t si Ram?! Anong ginagawa niya dito?


Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko siya.Nakatingin lang siya sa baba at hindi makatingin sa akin. Pinagkitawalaan ko tong gago na to! Tapos eto igaganti niya sa akin?


"I believe you know each other." sabi ni Jenny.Napatingin sa akin si Jenny,. "O bakit parang nakakita ka ng multo diyan Av?" at tumawa siya. "Bakit? Masakit bang malamang ginamit ka lang niya? Sa tingin mo ba magkakagusto siya sa'yo?" sabi ni Jenny at humalakhak muli ang demonyitang bruhang gagang retarded.

"Iwanan niyo muna kami." sabi ni Ram. Nagkatinginan ang dalawang lalaking may hawak sa akin. "Ang sabi ko, IWANAN NIYO MUNA KAMI!!!!" sigaw niya.

Sumunod naman ang dalawang bakulaw at pati si Jenny ay lumabas ng kwarto. So ibig sabihin, si Ram ang mastermind?


Umupo ako sa kama at tumingin lang sa kanya ng masama. Tiningnan niya ako. Seryoso lang ang mukha niya. "Alam kong galit ka sa akin."

"Hello???? Hindi pa ba halata? Sige nga! Ikaw lumagay sa sitwasyon ko! You kidnapped me! And what do you expect me to do? To feel happy about it?!" sabi ko sa kanya. "Pinagkatiwalaan kita Ram! Tapos eto ang igaganti mo sa akin?!" huminto ako para habulin ang hininga ko. "Akala ko kaibigan kita Ram." sabi ko at pumatak ang luha ko..

"Ikaw din ang may kasalanan nito Av." sabi niya.

"Me?? How did it became my fault Ram? Huh?!" sabi ko ulit.

"Minahal naman talaga kita Av eh! Pero anong ginawa mo?! Binaliwala mo lang lahat ng iyon?! Oo, noong una, gusto ko lang makaganti kay Van. At ikaw ang susi para maisagawa ko ang plano ko. Naging kasabwat ko si Jenny. dahil sa gusto naman niyang maghiganti sa'yo. Ang plano dapat ay paibigin ka't iwanan ng luhaan. At palabasin na buntis siya kay Van." huminto siya sandali at nag-buntong-hininga. "Pero habang isinasagawa ko ang plano ko, hindi ko na namalayaang nahulog na ako sa'yo..Kaya nagbago ang isip ko..Pero umeksena ulit yang Van na yan..kaya ginawa ko ang lahat para lang mapasakin ka Av..Pero siya pa rin ang pinili mo..Ano bang meron sa kanya na wala sa akin Av ha? Ano?! Mayaman ako, maibibgay ko sa'yo lahat ng gugustuhin mo! Bakit siya pa ang pinili mo?! Tapos nung wala naman kayu, akala ko malaki na ang chansa ko,. ginawa ko ang lahat. pero ngayon, si Marco naman ang pinili mo! Bakit Av?! Bakit?!" sabi niya.

Aba! Anong akala niya sayo? Mukhang pera? Hello, mayaman ka rin kaya! 


Shhh! Tahimik ka muna!


"I'm not looking for material things Ram. Kahit ibigay mo pa sa akin ang buong mundo, you will never have my heart." sabi ko sa kanya.

Sinampal niya ako. Sobrang sakit na ng mukha ko, ikaw ba naman sampalin ng ilang beses ng isang babae tapos eto pa dinagdagan pa ng mas mabigat na kamay ng isang lalake. Naluha ako sa sakit. Nakita niyang pumatak ang luha ko. "I'm sorry Av.." lalapitan na sana niya ako.

"Lumayo ka sakin!!" hinawakan niya ang mukha ko. "Wag mo kong hawakan! Baliw ka na Ram. Kung mahal mo talaga ako, papakawalan mo ko dito!" sabi ko.

"Papakawalan kita kung sasabihin mong ako lang ang mamahalin mo!" sigaw niya.

"Love is a very big word to use on such worthless things." Akma niyang ako'y muling sasampalin. "Sige! sampalin mo ko! Bakit? Sa tingin mo ba kapag namanhid na ang buo kong katawan sasabihin ko sayong mahal kita? Hindi ako baliw para sabihing mahal ko ang taong gustong ipahamak ang buhay ko! Patayin mo na lang ako!"

"Well I guess mabubulok ka na lang dito!" sabi niya. at lumabas na siya ng kwarto. Umupo ako sa sahig at saka nag-iiyak.


Lord..bakit ko kailangang pagdaanan to? Kung kukunin niyo na ko, please naman po, hindi ba pwedeng yung isang sakit na lang, hindi yung inuunti unti pang pinapatay ang bawat parte ng katawan ko.. Sana nandito ang mommy ko at daddy ko,.Sana nandito si kuya Marco at si kuya Van, dahil alam kong ipagtatanggol nila ako sa mga baliw na ito at hindi nila hahayaang saktan ako ng mga taong to. Sana nandito sila.


Kailangan mong magpakatatag Av. We'll get through this. 


Nawawalan na ako ng pag-asa. Sa tingin mo ba makakalabas ako ng buhay dito? Nakita mo naman kung gaano sila kagalit sa akin, lalo na si Jenny, hindi yun magdadalawang isip na patayin ako on the spot!. Patuloy na umaagos ang luha ko.

Lord..bigyan niyo po ako ng lakas para malampasan ko ang lahat ng ito.Huwag ninyo po ako papabayaan.


Nakatulog akong may luha sa aking mga mata. Kinabukasan,.

Kailangan ko ng makatakas dito.


Pero pano?


Sinubukan kong galaw-galawin muli ang aking mga kamay na nakatali sa aking likuran. Pinilit kong tanggalin ang kamay ko sa tali. First try, failed..Ginalaw-galaw kong muli ang mga kamay ko baka sakaling lumuwag ang buhol ng tali,.Medyo lumuwag na ang tali kaya pinilit kong muli na mailabas ang kamay ko. Masakit. Parang tinatanggalan ako ng balat. Konti pa..Malapit na..Agghhh! at nailabas ko na ang isa kong kamay. Pagkatapos ay tinanggal ko na rin ang isa pa. Now I just have to figure out how to get out of here. Maingat at dahan dahan kong binuksan ang pinto. Tiningnan ko kung may tao sa labas. Wala. Wala yung mga bakulaw. Now's my chance. Dahan dahan akong naglakad sa hallway ng building na iyon. Ngayon ko lang napagtanto, nasa isang abandoned building siguro ako.


Will you please just concentrate on how are gonna get the heck outta here?


Right. Escape plan....Hmmm..bahala na! Naglalakad ako sa hallway ng marinig ko ang sunud-sunod na putok ng baril.

Saan kaya galing yung mga yun?


Hello?! Kumilos ka na kung ayaw mong ikaw ang tamaan ng baril! 


Naglakad-lakad ako muli. Bingo! Ayun yung hagdan! Papalapit na ko sa hagdan ng lumitaw ang isang bakulaw na paakyat papunta sa akin. Wala akong nagawa kungdi ang tumakbo papalayo sa kanya. Ganitong ganito yung nasa panaginip ko.


(Bang! Bang!) Bumagsak ako sa sahig. Naramdaman kong mainit ang hita ko. Nakita ko ang dugo na umaagos palabas ng hita ko. Tinamaan ako ng bala.

Tayo! dali! tayo! nandyan na siya o! takbo na dali!

Tinry kong tumayo pero bigla akong sinuntok sa mukha ng lalaking bumaril sa akin. Iniangat niya ang ulo ko by pulling my hair.

"Any last words?" sabi niya at initutok ang baril niya sa aking ulo.

Dinuraan ko siya ng dugo ko sa kanyang mga mukha. "Put*ng ina!!." sabi niya. Tinadyakan ko siya sa tiyan, napaurong siya. Nakapa ko ang isang matigas na bagay sa aking tagiliran, kinuha ko ito at inihampas sa kanyang mukha. Tumumba siya. "Argghhh!!!" sigaw niya.


Now's my chance, kailangan ko nang makatakas sa kanya.


Tumayo ako at paika-ikang tumakbo palayo sa lalaki. Tumayo ang lalaki at hinablot muli ang buhok ko, "Saan ka pupunta ha?!" sabi niya.

"Bitawan mo ko! Arrrggh! Tulong!! tulong!!" sabi ko. Inihampas niya ang ulo ko sa pader. Parang nabasag ang ulo ko sa lakas ng pagkakahampas niya ng ulo ko. Naramdaman kong tumulo ang mainit n dugo galing sa ulo ko. Bigla akong nanghina at  tumumba. Nakaupo ako sa sahig paharap sa lalaki, habang umaagos ang dugo ko sa hita at sa ulo. Hindi na ako makatayo. Wala na rin akong lakas para sumigaw pa. Nakatutok ang baril niya sa ulo ko. "W-wag..p-please.." pagmamakaawa ko sa kanya.

(Bang!)

Biglang bumagsak ang lalaki. Tinamaan siya ng baril sa ulo. Nagtaka ako kung sino ang nakabaril sa kanya. Pagkalingon ko sa kanan ko, nakita ko si Van. Van!


"V-van.." hinahabol ko ang hininga ko.

"Av!" At niyakap niya ako. "Halika na! Aalis na tayo dito!" Binuhat niya ako at bumaba kami sa building. Sa likod kami nagdaan. "Nasa harap silang lahat kaya mas mabuting dito tayo dumaan,."

"Paano mo ko nahanap?" tanong ko.

"Simple lang, alam kong si Jenny ang nagpadukot sayo dahil siya lang nag may motibong gawin sayo ito. Kaya pinatrace ko yung cellphone ni Jenny kung nasaan siya at ayun lumitaw ang lugar na ito."

Niyakap ko siya ng mahigpit. Sobrang thankful ko dahil nandito na siya muli sa tabi ko. Pero hindi pa pala tapos ang lahat. Buhat buhat ako ni Van papalabas sa likod ng building ng biglang sumulpot si Ram sa likod namin. Nakatutok ang baril niya sa ulo ni Van

"Bitawan mo si Av." sabi ni Ram. Hindi ako binitawan ni Van. "Bitawan mo siya!" sabi ni Ram ulit. Binitawan na ako ni Van. Hinablot ni Ram ang aking braso at lumakad palayo kay Van, papunta sa gubat. "Wag kang susunod, kung hindi, papatayin ko tong si Av!" tinutok niya ang baril niya sa akin. Takot na takot ako na lumuluha na ako sa sobrang takot. Sinubukang lumapit ni Van ngunit binaril siya sa balikat ni Ram..

"VAAAAANN!" sigaw ko.

"Sabi nang wag lumapit eh!" sabi ni Ram.

Lumapit siyang muli kay Van at itinutok ang baril niya sa ulo nito,. Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang isang baril sa lupa. Agad ko itong kinuha at itinutok kay Ram.

"Ibaba mo ang baril mo!" sabi ko.

Humarap sa akin si Ram at tumawa. "Sige nga! iputok mo! Parang kaya mo kong--" hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng barilin ko siya sa dibdib.

Bumagsak si Ram. Patay na siya. Nabitawan ko ang baril at napaupo ako. Natulala ako. Nakapatay ako ng tao. Paano ko nagawa to??


Lumapit sa akin si Van at niyakap ako. Humarap siya sa akin. "Kailangan na nating makaalis dito." Narinig namin ang mga yapak ng mga tao at mga putok ng baril malapit sa amin. Tumayo kami at inakay niya ako papunta sa gubat para makapagtago. Habang naglalakad kami, biglang may sumigaw sa likod namin,.

"Av!! Van!!" sigaw ni Jenny,. may dala dala siyang baril at ipinutok niya ito. Muntik na kaming tamaan. Nagmadali kami sa paglalakad at tumambad sa amin ang isang tulay. Mukang hindi matibay ang tulay na ito dahil gawa lang ito sa lubid at mga kahoy. Pero wala kaming choice,. Kailangan naming magpatuloy sa pagalalakad dahil baka maabutan kami ng demonyitang bruha. Tumawid kami. Umuuga-uga ang tulay at parang magccrack na yung kahoy na tinatapakan namin. Nasa gitna na kami ng tulay at napansin naming nakalabas na ng gubat si Jenny,.

"Tingnan mo nga naman, kung suswertehin ka naman oo. Mukhang magiging libingan niyo na ang bangin na yan." sabi niya.

Napatingin ako sa ilalim ng tulay. Nasa gitna pala kami ng isang bangin. Foggy ang parteng ibaba kaya hindi mo maaaninag kung lupa ba o tubig yung nasa ibaba.

"Goodbye Av! Goodbye Van! See you in hell!" binaril ni Jenny ang isa sa mga poste na sumusuporta sa tulay kaya naputol ang lubid nito.

"Waaaahhhh!!!". Muntik na akong malalaglag. Buti na lang, nahawakan agad ni Van ang kamay ko. Ang isang kamay naman niya'y nakahawak sa kabilang lubid ng tulay na maayos pang nakakabit sa magkabilang poste. Takot na takot ako. Hindi pa nakuntento si Jenny at binaril pa niya ang isa pang poste. Kaya nalaglag nang tuluyan ang tulay at humampas ito sa mga batong dingding ng bangin. "Waaahhh!" Nakawahawak pa rin si Van sa lubid at ang isa namang kamay niya'y nakahawak sa kamay ko. Tumingin ako sa itaas at nakita ko si Jenny na nakatingin sa amin sa edge ng bangin. Nakatutok sa akin ang baril niya. "Goodbye Av!" Pero biglang may bumaril sa kanya. At dahil nasa dulo siya ng bangin, nalaglag ang katawan niya't gumulong gulong hanggang sa huminto ito sa isang part na may nakausling lupa. Patay na siya dahil hindi siya gumagalaw. At nakita kong sa dibdib siya tinamaan ng baril.

"Wag kang bibitaw!" Sabi ni Van. "Arrggh!" daing niya. Naalala kong may tama siya sa balikat.

"Wag mo kong bibitawan Van!" sabi ko habang dumadaloy ang luha ko sa aking mukha.

"Hinding hindi kita bibitawan." sabi niya sa akin.

Narinig kong nagsisimula ng maputol ang lubid na hinahawakan ni Van. Marahil ay sa sobrang bigat namin.

"Kahit anong mangyari wag kang bibitaw Av! Wag kang bibitaw!" sabi niya sa akin.

Kung hindi ako bibitaw, parehas kaming malalaglag dahil sa mapuputol na ang lubid. Ayokong parehas kami ay mamatay..


Ano ba yang pinagsasabi mo?


Kailangan ko tong gawin. Mas okay na ako na lang ang mamatay, wag lang siya.


Av tumigil ka nga!


Unti-unti akong bumibitaw sa kanya. "Av! Anong ginagawa mo?! Bakit ka bumibitaw?!" sabi niya.

"I love you Van." Umaagos pa rin ang luha ko at ngumiti sa kanya.

"No Av! don't!" nagsimula na ring pumatak ang luha niya.

Tinanggal ko ng tuluyan ang pagkakahawak niya sa aking kamay at nalaglag na ako sa bangin.

Lord kayo na po ang bahala sa akin.

"AVVVVVVVV!!!!!!" sigaw ni Van.

----------------------------------








Season 3 Sneak peek! :3
Here's the special sneak peak of TBTIEH season 3.

Van Romero
Ilang araw na ang nakakalipas. Sinubukan naming hanapin si Av sa bangin kung saan siya nalaglag, ngunit wala. Hindi namin makita ang katawan niya. Pero hindi pa rin kami nawawalan ng pag-asa. Mahahanap ko si Av. Alam kong buhay pa siya. Nararamdaman ko.

Marco Rosales
Ako ang may kasalanan nito. Kung naprotektahan ko lang sana siya sa beach noon, edi sana hindi na mawawala si Av sa akin. Sana ako na lang ang kinuha ni Lord! Lord,  gagawin ko ang lahat, ibalik mo lang si Av sa amin.

Rosalie Lopez (Av's Mom)
Anak ko...nasaan ka na...sana buhay ka pa..hindi ko kakayanin kapag...kapag...mawala ka sa amin ng papa mo..panginoon, ibalik niyo na po sa amin ang anak ko.pakiusap..

---------------------------------------------------------


Ken Wilson
14 years ng nawawala ang kapatid ko, pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asang makikita ko siyang muli..Hintayin mo lang ako Sam..

Amy Wilson
Jim! We finally found him! Nakita na namin ang anak natin! Nakita na namin si Sam!!

Max Wilson
Talaga bang hindi mo na kami natatandaan Sam? Ang swerte mo Sam,. Ang malas ko, kasi ikaw, hindi ka namin nakalimutan.

Sai Wilson
I hate you Sam! Dahil simula nung dumating ka, inagaw mo na lahat sa akin! Lahat ng pagmamahal napunta na sa'yo!


????????
Hindi ko alam kung paano maging si Sam, ni hindi ko nga alam kung gugustuhin ko pang maging si Sam.

----------------------------------------------------------

New characters:
Amy and Jim Wilson and their sons:
Marc Anthony Xyrus "Max"
Kristoff Ezekiel Nicholas "Ken"
Steven Ace Matthew "Sam"
Stephen Ace Isaac "Sai"


New faces, new challenges, new life.
Don't miss the season premiere!
Until the next episode of The Best Thing I Ever Had.


Read more...

DAglat presents: TEE LA OK II part 1

Sunday, August 28, 2011


Unang Bahagi: /oo-nang/ - /ba-ha-gee/

Number 1

“Anung problema mo?” tanong ni Martn kay Harold pagkakita pa lang dito.

“Wala.” tugon ni Harold. “Medyo pagod lang.”

“Kasi sumama ka pa kahapon. Alam mo namang mag-aayos pa tayo ng graduation ngayong araw.” sabi pa ng binata.

“Ganun talaga eh!” napangiting sagot ni Harold.

“Alam mo, medyo weird ang feeling ko sa’yo last week.” banggit pa ulit ni Martin sa napuna niya.

“Mahabang kwento tol!” sagot ni Harold. “Tapos iisipin mo pang loko-loko ako kung malalaman mo iyong kwento.” dugtong pa nito.

“Kung sa transcendental being nga naniniwala ako, saka ang astral body ng Indian Philosophy naniniwala ako, lahat ng extra super natural phenomena pwedeng paniwalaan.” sabi pa ulit ni Martin.

“Hay Martin! Stupid lang talaga ako last week.” nakangiting tugon pa ni Harold na ayaw magkwento sa kaibigan.

“Naku Harold! Sige, huwag kang magkwento!” may tampo sa himig ni Martin. “Last week para kang ewan, tipong hindi si Martin ang kaharap ko kung hindi isang na-trap lang sa katawan ni Martin, pero ngayon masyadong down ang spirit mo.” komento pa nito. “Hindi lang basta tamlay, kasi sobrang down ang energy.” dugtong pa ng binata.

“Kulit mo din!” napapatawang sabi ni Harold. “Huwag kang gumanyan, hindi bagay sa’yo.” bati pa nito.

“Kung ayaw mo akong makitang ganito mag-smile ka! Ayokong simangot na Harold ang kasama kong nakapila dito maghapon.” pangungundisyon ni Martin.

“Sige na! Ayan na! Ngingiti na ako.” sabi ni Harold saka naglagay ng isang ngiti sa labi.

“Good dog!” sabi ni Martin saka ginulo ang buhok ni Harold.

“After ng mahabang pila na’to, aakyat pa tayo sa taas di ba?” paninigurado ni Harold kay Martin.

“Yeah! Kasi iniintay tayo dun ng society para sa seminar. Alam mo na, nakasalalay sa fourth year ang pag-aasikaso nun.” sagot naman ni Martin.

“Ayos din iyong third year no! Napayabang pa nung merge meeting tapos ngayong trouble shooting na ngangawa din ng tulong.” komento pa ni Harold.

“Sabi nga ni Kuya Alfred, iyong third year maporma unlike sa batch nating magawa.” sabi ni Martin.

Matapos ang isang mahabang pila at maibigay ang evaluation of grades ay umakyat na ang magkaibigan sa taas at tumulong para sa trouble-shooting ng seminar at nang katanghalian na ay mga nagsiuwi.

“Guys, di na muna ako makakasama sa lakaran natin.” sabi ni Harold.

“May bago?” may pagkasarkastikong tanong ni Martin.

“Wala!” natatawang sagot ni Harold.

“Ako din, may lalakarin din kasi ako.” paumanhin din ni Martin sa mga kabarkada.

“Sige ayos lang iyon!” sagot naman ni Robert.

“May kumakaway ata sa atin.” pansin pa ni Angelo.

“Hoy Martin! May kumakaway sa’yo.” sabi ni Harold saka turo sa kotseng nasa di kalayuan.

“Kuya Perry?!” nagtatakang pagkilala ni Martin.

“Tinatawag ka ata nun.” komento pa ng kabarkada nila Harold.

“Sandali lang mga dude.” paalam ni Martin sa mga kabarkada saka nilapitan ang lalaki.

“That guy looks familiar!” sabi ni Harold sa sarili. “I can’t remember pero parang nakita ko na iyan somewhere!” komento pa nito.

Maya-maya pa ay bumusina nang dalawang beses ang lalaking kausap ni Martin na agad tumawag ng atensiyon sa lahat. Napansin din nilang bumaba ang lalaki at kasunod ni Martin papunta sa kanila.

“Hey guys! This is my Kuya Perry.” pakilala ni Martin sa kuya-kuyahan niya.

“Kuya Perry, these are my buddies.” pakilala naman ni Martin sa barkada niya.

“Call me Fierro!” paglilinaw ni Perry. “Only Martin can call me such annoying Perry name.” nakangiti nitong turan.

“Nice meeting you.” sagot naman ng mga kabarkada ni Martin.

“Guys, mauna na ako, sabay na kasi ako sa kuya Perry ko.” paalam naman ni Martin sa mga kabarkada niya.

“Yeah! Tama! Fierro Gutierrez!” sabi ni Harold nang maalala ang taong kaharap.

Samantalang si Gabby naman –

“Joel!” simula ni Gabby. “I told you to prepare all the statistics and reports but look what you did? Instead of filling them, sabog-sabog ang files.” puna ni Gabby dito.

“Sorry Sir!” paumanhin ni Joel.

“You really know so much that I want everything to be in order pero ang gulo-gulo nito! Look, anung gusto mong mangyari? Iisa-isahin ko to?” sabi pa ng galit na si Gabby.

“Sir! Sabi po ninyo last week ganyang ayos ang gawin ko.” sagot ni Joel.

“I can’t remember na may ganuong order ako?” sagot ni Gabby.

“Meron Sir!” sabi pa ulit ni Joel. “Tapos you treated me lunch and napakakalmado pa po ninyo.” sabi pa ni Joel.

“Ako?” nagtatakang tanong ni Gabby.

“Yes Sir.” sagot ni Joel.

“Last week huh!” napaisip si Gabby at muli ay may sumagi sa isip ng binata.

“I am in Harold’s body last week and malamang the order came from Harold. Harold! Kamusta ka na kaya? I miss you.” biglang lumungkot na sabi ni Gabby.

“Is there any problem Sir?” tanong ni Joel.

“Anung pakialam mo?” sarkastikong tanong ni Gabby. “So, dahil sa mabait ako last week sinasamantala mo na ngayon?” dugtong pa nito.

“Hindi po Sir! Sorry na po talaga.” paumanhin pa ni Joel.

“Ibalik mo sa dati itong arrangement ng files and by 10, we will meet Mr. Gutierrez.” saad ni Gabby.

“Copy Sir!” sagot ni Joel saka mabilis na kumilos palabas ng opisina ni Gabby.

After ng meeting at pirmahan ng deeds of sale –

“Good Mr. Gutierrez!” sabi ni Gabby.

“Well, excuse me for something, pero my senses keep on telling me that I am in front of different Gabby.” simula ni Fierro sa usapan habang palabas ng conference room.

“Let’s talk business here.” sagot ni Gabby.

“Sorry Mr. Fabregas.” paumanhin pa ni Fierro.

“Saan na ang punta mo ngayon?” usisa naman ni Gabby kay Fierro.

“Sa Philippine University!” sagot ni Fierro. “May susunduin lang ako.” dugtong pa nito.

“Philippine University! Harold! Lalo kitang gustong makita. Bakit ba lahat nang marinig ang mangyari sa akin sa araw na’to laging may koneksyon at nagpapaalala sa’yo.” sabi ni Gabby sa sarili.

“Sige Mr. Fabregas, I’ll go!” paalam ni Fierro saka patiuna nang lumakad.

“Harold! May the wind carries this feeling I have for you. May the wind gently tell you how much I wanted to see you.” sabi ng diwa ni Gabby saka tumingin sa labas.

Kinagabihan, tulad ng nakagawian na ni Gabby ay tatambay muna ang binata sa veranda ng kanyang kwarto habang umiinom ng wine at nagpapahangin.

“If only the wind carries your breath,

I will take every bit even up to my death,

This sultry room that became so cold,

When you left I turned out to be so mold.” mga tugmang pinaglalaro ni Gabby sa isipan habang nakatitig sa hawak na baso ng wine.

“My heart shouted, cried and now will die,

For I lost the part that will complete the pie,

You leave me hanging and walked out my sight,

Swollen life will never again smile and be bright.” saka dahan-dahang pumatak ang luha sa mga mata ni Gabby.

“I don’t know what my tomorrow prepared for me

Possibly incomplete knowing you’re away from me

Ill, crying, bleeding, damaged, dying I can be

Waiting is the greatest inspiration that pushes me.” huling tugmang pinaglaro ng diwa ni Gabby saka napagpasyahang matulog.

Samantalang si Harold naman habang nakahiga at hindi makatulog –

“Doble effort na akong kalimutan ka pero bakit ba lagi ka na lang nagsisiksik sa utak ko? I realized that I cannot smile kung may regrets pa akong nararamdaman. Hay! Bakit ba pilit kitang kinakalimutan pero always kang nagpapakita sa solemn moments ko?” mga bagay na naglalaro sa utak ni Harold. “I know, short term lang to. Wala ka naman sa buhay ko dati at masaya ako, thus, kaya ko ding maging masaya kahit wala ka. Wait, statement invalid! Kasi may regrets ako therefore hindi ko kayang maging masaya, pero I can be happy dahil wala ka sa buhay ko dati. If I cannot smile, therefore I cannot be happy kasi smiling means expression of happiness, except kung may topak o sintu-sinto ako, but I’m a normal kid with an I.Q. of 170. I cannot be happy or sad at the same time, thus, statement invalid.” naguguluhang pag-iisip ni Harold. “Letse! Fallacious na nga lang!” mapasigaw ang binata dala ng kaguluhan.

“Kung talagang mahalaga ako sa kanya dapat man lang nag-text na siya sa akin kanina. O kaya naman hinabol niya ako kaninang nagpaalam ako sa kanya. Pwede ding ibabalik niya iyong pera ko, tapos sasabihin mahal kita o kaya naman iisip nang bagong utang na loob. Iyong tipong mga drama talaga sa T.V.” saad ulit ng diwa ni Harold. “Ayusin na ang buhay Harold! Harold! Harold! Harold! May bagong umaga bukas at ang dapat mong unahin ay ang paghahanda sa papapulang silangan! Gabby is just a small part of the universe at ang dapat mong pagtuunan ng pansin ay ang mga bagay na mas mahalaga! Ang dapat mong bigyan ng atensyon ay ang mga bagay na papakinabangan ng marami.” diwang kikiwal-kiwal sa malikot na isip ni Harold saka pinikit ang mata para piloting makatulog.

Kinaumagahan –

“Rold! Musta na?” simulang bati ng nakangiting si Sean.

“Nice morning buddy!” ganting bati ni Harold dito.

“Bakit nadoble ang eyebags mo?” birong tanong ni Sean.

“Namanget na naman ako!” sagot ni Harold saka kinapa ang sinabing eye bags ni Sean.

“You’re still cute pa din kaya huwag kang mag-alala.” komento ni Sean.

“You’re getting so konyo today buddy ah.” natatawang sabi ni Harold.

“Coz you’re getting konyo din kasi eh!” ganti ni Sean.

“Hindi ka pa ba sanay sa akin?” tanong ni Harold.

“Sanay akong pag may klase at recitation straight English or Tagalog ka kung magsalita. Pag sa mga kaibigan mo at kaklase o ordinaryong tao, nagmimix ka ng English pero Tagalog pa din. Pag formal English kung English. Pag ako ang kaharap mo o si Kenneth o mga kasama natin, Tagalog na Tagalog at humahalukay kami sa baul ng mga alien tagalong mo.” sabi ni Sean.

“Ganun pa din naman ako ngayon ah.” giit ni Harold.

“Hindi kaya!” tutol ni Sean. “Konyo ka na ngayon at last week hindi ko mawari kung pang-asta mo lang ba ang straight English or way of life mo na.” pansin pa ni Sean.

“Last week?” tanong ni Harold. “Si Gabby iyon! Peste! Wala na nga sa utak ko naalala ko na naman! Lord of the Rings naman! Please paki-alis si Gabby sa isip ko!”pakiusap pa ng isipan ni Harold.

“Bakit umasim na naman iyang mukha mo? Lalo ka tuloy nagiging cute!” komento ni Sean saka inakbayan si Harold.

“Kung makaakbay ka! Bakit ba ang hilig mong akbayan ako?” tanong ni Harold kay Sean.

“Gusto kita eh!” biglang nasabi ni Sean.

“Ano kamo?” tanong ni Harold.

“Ah, eh, sabi ko gusto ko!” nangangatal na sagot ni Sean saka inalis ang pagkakaakbay kay Harold saka nagpatiuna sa paglakad.

“Hoy! Hintayin mo ako!” habol ni Harold sa kaibigan.

Samantalang si Gabby naman –

“Ang dami ko palang nakatambak nang damit.” unang nasabi ni Gabby pagkabukas ng closet niya at sinunod ang isa pa at ang isa pa ulit at ang isa pa ulit na closet niya.

Napangiti ang binata na tila ba may naiisip na kung ano.

“Bakit ang tagal n’yo?” angil ni Gabby pagkadating nila Nick at Joel.

“Sir! Maaga pa nga po kami ng thirty minutes!” paliwanag ni Joel.

“Hindi ako humihingi ng opinyon mo!” sabi ni Gabby.

“Nagtatanong tapos ayaw ng sasagot. Kay aga-aga irritable!” bulong ni Joel kay Nick.

“May sinasabi ka?” tanong ni Gabby.

“Wala po Sir!” maang na sagot ni Joel. “Sakay na Sir!” anyaya pa ni Joel saka pinagbuksan ng pintuan si Gabby.

“Inuutusan mo ba ako?” tanong ni Gabby kay Joel.

“Sorry sir! Hindi po.” sagot ni Joel.

“Umakyat ka ng kwarto ko, tapos ibaba mo lahat ng bag na nasa may pintuan.” utos ni Gabby kay Joel.

“Sige po Sir!” sagot ni Joel saka mabilis na sinunod ang utos ni Gabby.

Pagkababa ni Joel –

“Nick tulungan mo ako!” aya ni Joel kay Nick.

“Ikaw lang ang kukuha!” nakangising sabi ni Gabby.

“Hay!” reklamo ni Joel. “Nakakainis!” sabi pa nito.

“May reklamo ka?” tanong ni Gabby.

“Wala po Sir!” sagot ni Joel saka muling umakyat.

Matapos ang labing limang akyat panaog ay nakapagbaba ng thirty bags si Joel.

“Nick, here’s the key of my pick-up van.” sabi ni Gabby saka hagis kay Nick ng susi. “Joel, put all those bags inside the van.” utos naman ni Gabby kay Joel.

“Hay Sir Gabby! Paborito talaga ninyo akong pahirapan.” reklamo ni Joel.

“Ang paborito mo din kasing magreklamo.” sagot ni Gabby.

Patung-patong at hindi magkasya ang mga bags sa likod ng pick-up dahil bukod sa malalaki ang bags ay namumutok pa ito sa laman. Matapos mailulan lahat ng bags ay –

“Joel and Nick, drive these bags to this area.” utos ni Gabby saka ibinigay kay Nick ang location. “Make sure they will receive it especially the family of Carding Rodriguez.” utos pa ni Gabby.

“Lahat to Sir?” tanong ni Joel.

“Of course not!” sagot ni Gabby. “Find other places where you can donate those clothes.” sabi ni Gabby saka sumakay sa kotse niya. “After that, you can go home!” nakangiting utos pa nito saka pinaharurot ang kotse niya.

“Minsan talaga may banto si Sir Gabby!” komento ni Nick pagkaalis ni Gabby.

“Oo nga!” wika ni Joel. “Kung hindi lang talaga mabait at matinong amo si Sir matagal na akong umalis.”

“Harold! I learned something from your life and I owe you so much for that!” nasa isip ni Gabby habang nagmamaneho papasok ng opisina.

Pagkagat ng dilim –

“Sunog!” malakas na hiyawan malapit sa unibersidad na pinapasukan ni Harold.

Nakaramdam ng kaba si Gabby sa narinig niyang hiyawang iyon lalo na at ang usok ay nasa gawi kung saan nakatayo ang dorm ni Harold. Binilisan ni Gabby ang pagmamaneho papunta kay Harold dala ng pag-aalala sa binatang iniirog. Tama ang kutob ni Gabby, ang dorm ni Harold ay kasama sa nasusunog ngayon. Madaming truck ng bumbero ang nasa lugar at lahat ng taong nakapaligid ay umiiyak dala ng pagkawala ng ari-arian.

“Manong!” tawag ni Gabby sa isang bumbero. “May tao po ba sa loob nuon?” tanong ni Gabby saka turo sa silid ni Harold.

“Hindi pa namin nakikita saka wala namang sumisigaw pa.” sagot ng bumbero.

I-dinial ni Gabby ang cellphone at tinawagan si Harold. Hindi mawari ni Gabby ngunit labis ang kaba niyang nadarama para sa binata.

Samantalang si Harold –

“Bakit ba ang ingay?” tanong ni Harold na pupungas-pungas pa.

Unti-unti na ding nararamdaman ng binata ang init na tila pugon at nagliliyab ang kanyang silid. Kasunod pa nito ang usok na pumupuno sa loob. Idinilat ni Harold ang mga mata at sa kanyang pagkabigla –

“Anak ng tinapa!” sabi ni Harold saka madaling bumangon at nagmamadaling bumaba.

Gawa sa lumang kahoy ang dorm ni Harold, sa itaas siya natutulog samantalang sa baba niya ay ang tinutulugan ng caretaker. Dahil sa lumang kahoy ay madali para sa apoy na kainin ng buong-buo ang buong kabahayan. Biglang bumagsak ang kisame ng silid ni Harold na humarang sa daan niya palabas. Nagliliyab ang buong silid, ang mga apoy ay walang sinasanto na kahit saan ilingon ni Harold ang paningin ay puro apoy ang nakikita at makapal na usok. Muling tumakbo si Harold papunta sa higaan niya, kinuha ang kumot saka tumakbo papunta sa banyo para basain ang kumot. Sa kamalasan ay bumagsak na din ang sahig ng banyo ni Harold. Muling tumakbo papuntang bintana si Harold at pinilit itong buksan.

Kahit na nahihirapan ay pinilit niyang pakalmahin ang sarili. Unti-unting nahihirapang huminga ang binata, dala na din nang sobrang usok at ang sakit nitong asthma. Ganunpaman ay buong lakas niyang binubuksan ang bintana dahil iyon na lang ang tanging paraan para makahingi siya ng saklolo. Tila naglalaro ang kapalaran dahil kinain na din ng apoy ang sahig kung saan nakalagay ang higaan niya at madali na itong bumagsak paibaba. Malapit na ding kainin ng apoy ang tinutungtungan ni Harold at higit niyang ibinigay ang lakas para mabuksan ang bintana. Sa wakas, nabuksan ang bintana, nang dahil sa apoy ay kumalas ang capiz na bintana sa kinakapitan nito at buong lakas na humingi nang tulong.

Ibinigay ang lahat ng hangin at sumigaw nang malakas - “Tulong!” sigaw ni Harold na nakakuha ng atensyon saka biglang nabuwal ang binata dahil sa kakapusan ng hangin.

“Harold!” nasabi ni Gabby saka tinakbo ang mga bumbero. “Manong! Unahin po muna ninyo iyon!” pamimilit ni Gabby sa mga bumbero.

“Sandali lang hijo!” sagot naman ng isa.

“Manong kahit pakiulanan ng tubig iyong lugar na iyon!” pakiusap pa ni Gabby na kitang-kita ang pag-aalala sa mga mata.

“Hay!” sabi naman ng isa saka sinunod si Gabby.

“Pahiram!” sabi ni Gabby saka kinuha ang helmet sa isang bumbero.

May nakita si Gabby na isang hagdan na sa tantya niya ay aabot sa bintana para makuha si Harold. Dali-dali niya itong kinuha dahil busy pa ang rescue team sa isang part ng sunog na mas madaming kailangang iligtas. Walang pag-aalinlangang inakyat ni Gabby si Harold at kahit nahihirapan ay buong lakas niya itong hinatak pa-angat. Kitang-kita ng mga mata niyang ilang pulgada na lang at si Harold na ang kinakain ng apoy na iyon na lalong nakadagdag sa pag-aalala niya. Sa wakas, nakuha na din niya ang walang-malay na si Harold at ang ibang bumbero ay hinihintay siya sa baba at para iabot si Harold sa kanila.

“Sa amin na iyan para maisakay sa ambulansya!” sabi ng isang bumbero.

“Kaninang walang nagliligtas ayaw ninyong tulungan, ngayong nakababa na at nakita ninyong walang malay saka ninyo kinukuha!” sabi ni Gabby saka isinakay si Harold sa kotse niya.

“Hijo! Hayaan mo nang masakay si Rold sa ambulansya!” sabi ng isang matandang may saklay.

“Ako na po ang magdadala kay Harold sa ospital.” sagot ni Gabby dito. “Sumama na din po kayo.” sabi pa ng binata.

“Labag sa batas iyang ginagawa mo!” sigaw ng isa ng makitang sinasakay si Harold sa kotse.

“Then see me in court!” sagot ni Gabby na hindi papapigil sa mga ito.

Kasama nga ni Gabby ang matandang caretaker ng dorm ni Harold at ang anak nitong kasama. Dinala niya sa pinakamalapit na ospital si Harold at agad din namang inasikaso dala ng panimulang panuhol nito.

“Harold, please hold on! I don’t want to loose you!” napapaiyak na sabi ni Gabby. “Now I realized how much I love you. Mahal na mahal kita at hindi lang ito short-term dahil hindi ko kakayaning mawala ka sa akin.” at dumaloy ang saganang luha sa mata ng binata.

“Hijo! Huwag kang mag-alala malakas si Harold at lalaban iyon dahil may isang bagay siyang gustong makuha.” pang-aalo naman ng matanda kay Harold.

“Salamat po tito!” sagot ni Gabby.

“Hindi pwedeng pataubin si Harold ng sunog na iyan dahil mas matindi pa ang pinagdaanan ng batang iyan.” sabi ulit ng matanda.

“Alam ko po!” nakangiting sabi ni Gabby. “Huwag na po sana ninyong sabihin kay Harold na ako ang tumulong sa kanya.” paalala pa ni Gabby.

“Bakit?” tanong nang matanda.

“Ayoko po kasing madagdagan ang iniisip niya.” sagot naman ni Gabby saka tumayo at pumunta sa emergency room at sinilip ang kalagayan ng binata.

Ilang sandali pa at –

“He’s fine!” sabi ng doctor pagkalabas. “Inatake lang ng asthma saka sobrang usok ang nalanghap niya kaya ganuon pero okay na naman siya ngayon.” sabi pa nito saka lumakad palayo.

Napabuntong-hininga ng malalim si Gabby saka napangiti.

“Tito! Alis na po ako.” paalam ni Gabby sa matanda.

“Sige hijo!” sagot ng matanda. “Mag-iingat ka.” sabi pa nito.

Sa bahay –

“I am broken, I am half

I need part to be back

I need smile in the gulf

I need one from the sack.” ang tugmang nasa diwa ni Gabby habang nakaupo sa veranda.

“Explosive emotions knowing that you will leave

My heart says, missing piece has nothing to breathe

To drift you safely, it is the best thing I can give

I can offer you everything even if it means sleeve.” tugmang pinaglalaro ni Gabby sa isip bago napagpasyahang ihimlay ang pagod na katawan sa kanyang higaan.

“I cannot watch your dying moment

I cannot watch you fighting sentiment

I have nothing but to ask for nothing

Rather than seeing you forever lying.” huling tugmang nasa diwa ni Gabby saka tuluyang ipinikit ang mga mata.

Matagal-tagal na din mula ng maganap ang sunog na iyon. Ito na ang araw na hinihintay ni Harold at ng buong batch nila – ang graduation.

“Gabby?” tanong tila nangingilalang tanong ni Harold.

Naging mabilis ang pagtibok ng puso ni Harold ng mga oras na iyon. Ang isang taong pilit niyang kinakalimutan ay ang taong patuloy na bumabalik sa kantang buhay.

“Ako nga.” nakangiting sabi ni Gabby.

“Bakit na nandito?” tanong ni Harold.

“Sinabi sa akin nung caretaker ng dorm mo.” sagot pa nito.

“Tapos? Bakit ka nga nandito.” tanong ni Harold.

“I am here to escort you.” sagot ni Gabby.

“Escort?” nagtatakang tanong ni Harold.

“Tito caretaker told me that you approached him to attend your graduation rights.” sagot ni Gabby.

“Then?” tanong ni Harold.

“I asked him if I can do his part.” tugon ni Gabby.

“At napapayag mo si tito?” tanong ni Harold.

“Oo naman Rold!” sagot ng matanda mula sa likuran ni Harold.

“Tito naman!” tila may tampo sa tinig ni Harold.

“Aba! Don’t you forget, utang mo sa akin kung bakit ka buhay.” singit ni Gabby.

“Ha?” tanong ni Harold.

“I saved you in the middle of fire. I risked my life just to save you.” sagot ni Gabby.

Nakaramdam naman ng kiliti si Harold sa narinig niya mula kay Gabby.

“Weh! Di nga?” ayaw maniwalang kontra ni Harold.

“Oo Rold!” sagot ng matanda. “Siya ang nagligtas sa’yo sa sunog at nagbayad ng hospital bills mo.” nakangitng tugon ng matanda.

“Eh di thank you!” sabi ni Harold.

“Ganun lang!” tutol ni Gabby.

“Ano ba ang gusto mo pa?” tanong ni Harold.

“Gusto ko ako ang kasama mong umakyat ng stage!” sabi ni Gabby.

“Tito!” sabi ni Harold saka lingon sa caretaker ng dorm niya.

“Wala na akong magagawa, siya ang nagligtas sa’yo.” sagot ng matanda.

“Sige na nga! Nakakaawa ka naman!” napapangiting tugon ni Harold.

“Di bali Harold! Ngayon lang naman to! Winning moment mo ngayon kaya bakit kailangan mo pang magmalungkot. Samantalahin mo na at makakasama mo ulit kahit isang araw ang taong mahal mo.” bulong ni Harold sa sarili.

“Ako pa ang nakakaawa.” tutol ni Gabby.

“Papasok na ako hijo!” paalam ng matanda.

“Sige po.” sagot ni Harold.

“Ayokong mawala ka sa akin Harold!” bulong ni Gabby kay Harold.

Napangiti na lang ang binata sa tinuran na iyon ni Gabby.

Read more...

The Best Thing I Ever Had - Season 2 Episode 9

Saturday, August 27, 2011


Author's Note : Thank you thank you po sa lahat ng mga nagbabasa ng story na toh! I would like to thank the following:
from MSOB: Patrick, dada, Mr. Jayfinpa, Roan, President Wastedpup (lol!) , Russ, Darkboy13, dark_ken (KUYAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!! wla lng.lol) , Erwin Fernandez, Icy , and Jack.
from LoL: Kuya James/Coffee Prince- Sorry kuya kung hindi kita namention sa nakaraang episode ko, di ko kasi kaagad nakita comment mo. :( pero eto, super duper bonggang mention ka! lol mwah!
superman and mister anonymous.
from AVR - Mackypot and Coleengot lol..
from my heart - (may ganun?!) kenken ko :) hugs* mwah!

and sa mga silent readers and sa iba pa lol.
anyway, eto na po ang episode 9! sorry po kung mejo nalate ang update, may hurricane kasi dito, eh pati yung utak ko binagyo lol.. anyway enjoy reading!



Episode 9 - Love.

------------------------------------
"BOYFRIEND?!" ang sabay at gulat na gulat na sabi ni Ram at Van. Napatingin lang sakin si kuya Marco.

Teh?! ano ba yang sinasabi mo? boyfriend? bakit di ko alam yan ha?!


Mamaya ko na ieexplain, I'm in the middle of something. Can't you see??


K, Fine!


"Oo, boyfriend ko si Marco. Di ba Marco?" tumingin ako sa kanya at kinindatan siya.


Nakuha naman niya ang nais kong sabihin,."Ah oo. Kami na." sabay akbay sa akin ni Marco.Yumakap naman ako sa kanya para magmukhang sweet talaga na kami talaga. Tumingin kami sa dalawa ng nakangiti.

"Hindi! Hindi mo siya boyfriend! Nagsisinungaling lang kayo!" sabi ni Van.

Tumawa si Marco. "Gusto mo ng proof? sige." Nagulat ako ng bigla akong hinalikan ni kuya Marco sa labi. Nakapikit siya nung hinalikan niya ako. Napapikit din ako. Mainit at malambot ang kanyang mga labi. Mga ilang segundo ring nagtagal ang halik niya. Pagkatapos ng halik ay nagkatitigan ang mga mata namin at nagtawanan. "O ano, kulang pa ba?" Hindi nakasagot ang dalawa. "Kung wala na kayong sasabihin, pwede na kayong umalis. Marami pa kaming gagawin ng bebe ko. Diba bebe?"

"Yes babe. So please, umalis na kayong dalawa." sabi ko. Masama ang tingin ni Ram kay Marco. Ngunit ng tumingin siya sa aki'y malungkot ang kanyang mukha. Ganoon din si Van. Ng makaalis na ang dalawa, tinulak ko ang noo ni Marco. "UM!"

"Aray!" daing niya.

"BEBE?! ang corny ha! Sana naman baby man lang or something. Abnormal ka talaga kuya!" sabi ko.

"Eh yun yung unang pumasok sa isip ko eh..pero..kinilig ka naman." sabi niya ng may pilyong ngiti.at kiniliti-kiliti ako.

"Aysshh! tigilan mo nga ako kuya!" sabi ko sa kanya at tumawa.

"Naku! Lalo na nung hinalikan kita!" sabi niya. "Ano? Nagustuhan mo ba ang mga labi ko? Masarap ba?" sabay kagat labi niya.

"Yuckkk!!! Kadiri ka kuya! Bakit mo ba kasi ginawa yun?! Abnormal ka talaga!" sabi ko.

"Hmmm. Ewan ko..pero nagustuhan mo naman diba?" Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Hindi ako makagalaw. Parang nanigas ang buong katawan ko. Ilang inches lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko. Tinitigan niya ang mga labi ko sabay kagat ng labi niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.


Grabe bakit ganito ang nararamdaman ko?


Nagulat na lang ako ng bigla niya akong nakawan ng halik. Bigla siyang tumakbo at tumawa ng tumawa. "KUYAA!!!!!!! Lagot ka sakin kapag na huli kita!" hinabol ko siya.

Loko tong mokong na toh!


Naku! Pero kinikilig kilig ka naman! 2nd kiss niyo na yan ah! 


Kaya nga hinahabol ko siya para makakuha ako ng 3rd!


Ang lantod!!


Joke lang gaga!


Naghabulan kami sa buong bahay. As in naikot namin yung buong 1st floor ng bahay namin, except banyo. Mula sa dining area, kitchen, hanggang pabalik ng sala, maririnig mo ang takbuhan namin at tawanan naming dalawa. Hindi ko siya mahabol kaya nag-isip ako ng ibang paraan. Naalala ko ang paa ko. Okay na naman siya, hindi na siya masakit, nakakatakbo na nga ako eh.

"Aray!" bigla kong daing at tumigil at nagkunwaring masakit ang paa. "Aray! ang sakit ng paa ko!" Magaling ako sa pag-arte kaya kayang kaya kong lokohin ang mga tao. Umupo ako sa sahig.

"Oh Av anong nangyari sa'yo?" dali-dali siyang lumapit sa akin at naupo sa tabi ko.

"Aray!" sabi ko ulit.

"San masakit?" tanong niya.

"Dito sa paa ko." sabi ko. Tumingin siya sa paa ko. Now's my chance. Pinitik ko yung tenga niya.

"Aray! Bakit mo ginawa yun?!" tanong niya. mukhang iritang irita siya.

Dali-dali akong tumayo at lumayo sa kanya sabay dila. "Bleh!" tumakbo na ulit ako.

"Ah ganon? Humanda ka sakin!".Mabilis siyang tumakbo at nahuli niya ako kaagad. "Huli ka!"

"Waaahh!!!" sigaw ko. Kiniliti niya ako ng walang tigil. "Kuyaa!!!! Tama na!" sabi ko habang tumatawa.

"Ehem ehem." biglang eksena ng boses na nanggaling sa likod namin. Si Daddy pala iyon.

Huli kayo! hahah.

 Katabi niya si mommy na nakangiti sa amin ni kuya Marco. Nag-ayos kami ng sarili.

"Hi dad!" bati ko kay daddy at niyakap siya.

"Hi anak!" sabi niya at hinalikan ako sa noo. Ewan ko, basta simula nung nagsabi ako na ganito ako, parang babae na ang turing sa akin ng daddy ko. Pero hindi naman ako nagrereklamo, kasi tanggap pa rin niya ako.

"Hi mom!" bati ko naman kay mommy sabay beso sa kanya at yakap.

"Hello anak." tugon naman ni mommy.

"Tito.tita." bati ni kuya Marco sa mga magulang ko. Nagmano siya kay daddy at bumeso kay mommy. "Ahh ehh mauna na po ako tito,tita, may gagawin pa po kasi ako."

"Salamat sa pagsama mo dito kay Av ha?" sabi ni mommy.

"No problem po tita, anytime." sagot naman niya.

"Sige Av,." niyakap niya ako at hinalikan sa noo. Nagulat ako. Oo, sanay na ko sa gesture niya na yon. Pero sa harap nila mommy and daddy????? Hiyang-hiya ako sa kanila. "Sige po tito,tita,. alis na po ako."

"Ingat ka ha." sabi ni mommy. At umalis na si kuya Marco.

Nakatingin ako sa kanya hanggang sa makalabas siya ng pinto. Paglingon ko kila mommy, nakatitig sila sa akin at nakangiti.

"Bakit po?" tanong ko sa kanila. Anong meron?


Nagtinginan silang dalawa, at ngumiti muli sa akin. "Halika na nga anak! Kain na tayo! nagugutom na ang mommy mo." sabi ni daddy. At tumuloy na kami sa dining area. As I was slicing my steak, biglang nagsalita si Daddy.

"Anak." sabi niya.

"Po?" sagot ko naman. Tumingin ako sa kanya.

"Tapatin mo nga kami." sabi niya.

"Ano po yun?" tanong ko.

"Kayo na ba ni Marco?" sabi niya.

"Hindi po!" sagot ko agad.

"Eh bakit ang sweet sweet niyo?" sabi ni mommy na nakangiti sa akin na parang nanunuksong kaibigan.

"Hindi po mommy, daddy, magkaibigan lang po kami niyan. Parang kuya ko na rin po si Kuya Marco." sagot ko.

"Naku, eh jan din kayo nagsimula ni Van eh." sabi ni mommy.

"Mommy!" sabi ko.

"Alam mo anak, okay lang naman eh. Mabait naman si Marco. Lagi kang inaalagaan, maaasahan, at masipag namang mag-aral. Kaya pasado siya para sa akin." sabi naman ni daddy.

"Daddy! pati ba naman ikaw?" sabi ko.

"Anak, tama ang daddy mo. Gusto ko rin si Marco. Teka, nanliligaw ba sayo yun?" tanong ulit ni Mommy.

"Ah ehh." sabi ko. "O-opo."

"O sagutin mo na! sayang!" sabi ni mommy.

"MOMMY!!!" sabi ko.

"Hon, hayaan na lang natin ang anak natin." sabi ni daddy. Akala ko yun lang ang sasabihin niya. Pero mero pa pala. "Pero anak talaga okay na okay samin ng mommy mo si Marco." Sabay tawa.

"Dad! Please, tigilan niyo na nga po ako jan sa pag-aanu kay kuya Marco,. Friends lang po kami nun!".bigla namang kumirot ang sugat ko sa ulo. "Arggh!"

"Ay oo nga pala, montik ko nang makalimutan. Tumawag sa akin si Marco kanina, sinabi niya sa akin ang lahat ng nangyari." sabi ni Mommy.

Naku patay! Ayan na!


Patay ka talaga! hahah


Akala ko magagalit sa akin ng todo si daddy. Pero naging mahinahon lang siya. "Anak, diba sabi ko sa'yo, layuan mo na yang Van na yan? Ayan tuloy, tignan mo nangyari sa'yo. Sabi ko sa'yo diba? Masasaktan ka lang anak." sabi ni daddy at hinawakan niya ang isang kamay ko.

"Tama ang daddy mo anak. Please, lumayo ka na lang. Ikaw lang naman ang iniintindi namin ng daddy mo, ayaw naming nasasaktan ka." sabi ni mommy.

"Ako naman po yung lumalayo eh, pero siya po tong lapit ng lapit." sabi ko.

Nagbuntong hininga si daddy. "Gusto mo lumipat ka na lang ng ibang eskwelahan? yung malayo dito, para hindi ka na niya malapitan ulit?"

Hindi ako nakasagot. Actually maganda ang offer ni daddy na yun. Kung lilipat ako ng school, malayo sa kanila, mas madali ang pag-momove-on ko. Pero may isang parte ng katawan ko ang ayaw lumayo dito.

"Sa tingin ko tama ang daddy mo anak. Pag-isipan mo." sabi naman ni mommy.

"Sige po pag-iisipan ko." sabi ko na lang. Tinapos ko na ang pagkain ko. Aakyat na sana ako ng hagdan papunta sa kwarto ng mapansin ko ang isang maliit na box sa couch sa living room. Agad kong nilapitan ito at nakita ko na nakalagay sa labas ng box ang pangalan ko,.Umakyat ako sa kwarto at binuksan ang box. Nakita ko yung singsing na binigay sa akin ni Van noon. Yung may naka-engrave na "Van loves Av". Tapos, may sulat ding kasama. Sa sulat:

Dear Av,
I'm sorry sa nagawa ko. Hindi ko gustong masaktan ka. Ayaw ko lang kasing mapunta ka sa isang taong tulad ni Ram. Hindi ka niya mahal Av. Niloloko ka lang niya. Ginagamit para makapaghiganti sa akin. Hindi ka niya mahal. Pinapaikot ka lang niya. Kaya mag-iingat ka sa kanya. Alam kong wala ako sa posisyon para pagbawalan ka. Pero ginagawa ko lang to dahil ayokong masaktan ka Av. Alam kong ayaw mo na akong makita o makausap. Dahil sabi mo gusto mo na akong layuan at pagtuunan na lang ng pansin ang kanya-kanyang buhay. Pero hindi ko kaya Av. Hindi ko kayang malayo sa'yo. Kahit ipagtabuyan mo man ako. Kahit mayroon ka nang iba. Nandito pa rin ako. Nagmamahal sa'yo. At hindi iyon mawawala. Ikaw lang ang mamahalin ko habang-buhay Av. May responsibilidad man ako sa magiging pamilya ko, pero ang puso ko, ay nakalaan pa rin para sa'yo. At tumitibok lang ito para sa'yo. Mahal na mahal kita Av. Sana, mahal mo pa rin ako.


Nga pala. Ibinibigay ko sa'yo ulit yang singsing na iyan. Alam kong ibinalik mo na sakin iyan noon nung magkahiwalay tayo, pero binibigay ko na ulit yan sa'yo. Yang ang tanda ng pagmamahal ko sa'yo. Ikaw na ang bahal kung isusuot mo o itatapon mo. Pero sana, wag mong itapon ang pagmamahal ko sa'yo. Mahal na mahal kita Av.


-Van.


Biglang tumulo ang luha ko. Tinitigan ko ang singsing na bigay niya,. Hanggang ngayon, mahal pa rin pala niya ko.


At mahal mo pa rin siya,. Tama ba ko?


Oo, mahal ko pa rin siya. Kahit na may pamilya na siya. Hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ko sa kanya. Kahit na sinaktan pa niya ako. Mahal ko pa rin siya.


Ang martyr mo talaga teh!


At umiyak lang ako ng umiyak. Mahal ko pa rin siya. Isinuot ko ang singsing na binigay niya at hilakan ito. At ayon, nakatulog na ako. Kinabukasan, dahil Saturday naman, napagpasyahan kong pumunta sa resthouse namin sa Batangas. Hindi ako pinayagang umalis mag-isa kaya isinama ko sina Coleen at Macky. Nagpumilit ring sumama si Kuya Marco kaya isinama ko na rin.

Naku! pero gusto mo naman talaga isama si Marco!


Shhh! tumigil ka nga!


Medyo matagal din ang biyahe kaya nakatulog ako sa daan. Pagkagising ko, nandun na kami. Tamang-tama ang pagkakatayo ng resthouse namin, katabi ang dagat at maraming mga punong nakapaligid. Kaya fresh air talaga ang malalanghap mo. Mayroon din pool. Pagdating namin, agad nagpunta sa pool ang dalawang babae. Ako naman, naglakad lakad sa dalampasigan.

"Ang ganda pala dito."sabi ni Kuya Marco. Nagulat ako dahil sinusundan pala niya ako.

"Ah.Oo nga eh." sabi ko.

Naglalakad kami ng biglang nag-ring ang phone ko. Si Van ang tumatawag sa akin. Sinagot ko ang tawag niya.

"Hello?"

"Av! Matutuwa ka sa sasabihin ko!" sabi niya.

"Ano?"

"Hindi buntis si......!" sabi niya.

Hindi ko na narinig ang mga sinabi niya dahil biglang may humablot sa akin mula sa likuran. 3 lalaking nakaitim. Pamilyar ang mukha ng isa sa kanila. Parang nakita ko na somewhere hindi ko lang maalala. Binuhat ako ng isang lalaki,. "Bitiwan niyo ko! Sino kayo! Bitawan niyo ko!" sigaw ko. Kahit anong pag-pumiglas ko, hindi ako makawala, masyadong malakas nag lalaki.

"Bitawan niyo siya!" sigaw ni kuya Marco. Hindi siya makagalaw dahil hawak hawak siya ng isa pang lalaki. Sinubukan niyang pumalag ngunit biglang sinaksak ng isa pang lalaki ang kanyang tagiliran at sinuntok sa mukha. Biglang bumagsak si kuya Marco sa buhangin.

"Kuya Marco!!!" sigaw ko. biglang tumulo ang luha ko ng nakita ko ang dugong umaagos palabas ng katawan ni kuya Marco. "Kuya Mar- uummmppphh!!" hindi na natuloy ang sasabihin ko ng biglang takpan ng panyo ang aking mukha.. Biglang nagdilim ang lahat at nawalan ako ng malay.


-------------------
Until the next episode,




Watch out for the next episode, Episode 10 - The Season Finale entitled "Goodbye Av". Abangan kung sinu-sino ang magbubuwis ng buhay, sino ang mga mawawala. Blood will flow the rivers of tears. 
Plus a special sneak peek for the upcoming season, Season 3 of the Best Thing I Ever Had. Don't miss it!


Av.

Read more...

The Best Thing I Ever Had - Season 2 Episode 8

Thursday, August 25, 2011


Author's Note: Maraming maraming maraming thank you po sa mga readers!!!!! thank you thank you thank you ng bonggang bonggang major major! lol. I would like to thank the following: (parang sponsors lang ng artista lol)
wastedpup - the president of Marco-Av love team fans club and anti AvRams lol
dark_ken - KUYA!!!!! lol., kaya lang feeling ko ang sama sama ko kasi parang inagaw kita dun sa isa mo pang bunso. >.<..
Jayfinpa- sana po hindi ka madisappoint sa part na to, hahaha i tried my best naman po lol
MArc, Darkboy13, Jack, Roan, warren, Superman and Mr. Anonymous na member din ng Marco-Av fans club. lol..also, I would like to thank my friends Macky and Coleen for helping me out. :) thanks guys love ya! And ciempre, thank you kay kenken ko :D mwah!

Anyway, enough with those,.this is episode 8 of The Best Thing I Ever Had Season 2! Enjoy reading! just leave comments below or send me a feedback, thanks! :)

Episode 8 - Confused

----------------------------------------
Everybody in the room is expecting me to say yes. But I don't think that's what in my mind.

Eh ano ba kasi talaga ang nasa isip mo?


Hindi ko alam.. Nabablanko ako!

Hindi ko talaga alam ang isasagot ko,. I'm not yet sure if he's the right one for me. I don't want to hurt him din naman. I don't want to humiliate him in front of everybody. Argghhh pano ba to? anong gagawin ko? Eh kung magkunyari na lang kaya akong himatayin para hindi na lang ako makasagot? 


Gaga! ikaw ang sama mo talaga! bakit mo naman yun gagawin sa kanya? eh kita mo namang mahal na mahal ka niya o.


Eh anong gagawin ko?! 


Sumagot ka na ng yes or no!


Arrgggghhh! Sana may bumagsak na UFO galing sa langit, or sana biglang lumidol, or terrorist attack?!


Gaga! edi ipinahamak mo naman lahat ng tao dito!


"Wag Av!" ang sabi ng boses na nanggaling sa likod ko.

O? sinong panira sa moment? 


Lumingon ako. Si Van! Anong ginagawa niya dito?


"Bakit ka nandito?!" ang pasigaw na tanong ni Ram.

Nilapitan ako ni Van at hinawakan ang magkabilang balikat ko,. "Av, niloloko ka lang niya. Wag kang maniniwala sa kanya,. ginagamit ka lang niya." sabi ni Van.

Nakatingin lang ang lahat sa amin na parang isang teleserye ang pinapanood. "Ako?! niloloko ko si Av? Teka, sino nga ba satin dalawa ang nangloko sa kanya ha?!" sagot ni Ram.

Hindi ako makapagsalita,. Parang nagfreeze ang buong katawan ko sa gitna nilang dalawa. "Anong sinabi mo?!" sabi ni Van na halatang galit siya.

"Ikaw ang manloloko!" sigaw ni Ram.

Nag-init ang ulo ni Van na bakas na bakas sa kanyang mukha ang matinding galit. In a split of a second, Van rushed towards Ram and gave him a punch in the face. Nagkagulo ang mga kaklase ko at dali daling umakyat sa stage. Agad ding sinuntok ni Ram si Van sa mukha. Nagbugbugan ang dalawa. Agad akong hinila nila Macky palayo sa kanilang dalawa. Sinubukang awatin ng mga kaklase ko ang dalawa ngunit sadyang malakas ang mga ito at talagang hindi natinag sa pakikipagsuntukan sa isa't isa.

Well don't just stand there! DO SOMETHING!!!!!


I finally came back to my senses. Ewan ko kung anung nangyari sa akin. "Tama na!" sigaw ko. pero hindi pa rin sila nagtigil. "TAMA NA!!!!" sigaw ko ulit. Lumapit ako para awatin sila ngunit bigla nila akong naitulak pabalik at natapilok at tumumba. Tumama ang ulo ko sa sahig. "Arrggh! Aray!" sigaw ko.

"Av!" sigaw ni Coleen at Macky,. Tinulungan nila akong makatayo.

Napigilan na ng mga kaklase ko ang dalawa. Pumipiglas piglas pa sila habang hawak hawak ng mga lalaki kong kaklase ang mga katawan nila. Parehas na may dugo sa kanilang mga labi. Tumingin sa akin si Van at napuno ng pag-aalala ang kanyang mukha. "Av." sabi niya

"Epal ka talaga kahit kailan! Kita mo? Dahil sa'yo nasaktan si Av!" sabi ni Ram kay Van.

"Ikaw ang may kasalanan nito!" sabi ni Van.

"Shut up! Kung ayaw niyong tumigil! Sige! Magpatayan kayong dalawa diyan! Magsama kayo!" sabi ko sabay walk-out.

"Av sandali!" sigaw ni Van. susundan na niya sana ako ng bigla siyang harangin ng teacher ko.

"Hep hep! Anong kaguluhan to?" tanong ni Miss Mercado, ang acting class instructor namin. "Kayong dalawa! Mr. Romero and Mr. Chua! In the office now!" sabi ng teacher ko. "The rest of you, stay here and wait for me til I get back."

Paika-ika akong lumalakad palayo. "Mr. Lopez!" Tumigil ako at humarap sa kanya. Biglang kumirot ang ulo ko. Naramdaman kong may dugong lumabas dito. Lumapit siya't napansin ang dugo sa ulo ko. "Oh my gosh! Ms. Rosales! samahan mo si Av papunta sa clinic bilis!"

Hindi na ako umimik. Dinala ako ni Macky sa clinic. Agad namang ginamot ang sugat ko sa ulo ng school nurse. Pinapunta ko na si Macky sa klase dahil baka pagalitan pa siya ng teacher namin. Nung una'y ayaw pa niyang pumayag pero napilit ko rin siyang bumalik sa klase.

 Hinilot din ng school nurse ang natapilok kong paa. Hindi ko namang maiwasang hindi mapaluha sa sobrang sakit ng paa ko. "Aray!" nasigaw ko.

"Sorry pero tiisin mo lang. Sandali na lang to." sabi ng nurse.

Tumango lang ako sa kanya. Pasalamat ka gwapo kang nurse ka kung hindi! naku baka sinipa na kita! Ang sakit kaya!


Yan ang napapala! Hindi pa kasi nadala noon,.


Tumahimik ka na nga lang kung wala kang magandang sasabihin! 


At hindi na sumagot ang boses. Nakaupo ako sa gilid ng kama ng biglang bumukas ang pinto. Si Marco.

"Av!" dali-dali siyang lumapit sa akin. "Nalaman ko ang nangyari, ano ayos ka lang ba? Anong masakit sa'yo?" ang alalang alalang tanong niya,. Bakas sa mukha niya ang sobrang concern para sa akin. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.

Natouch ako sa sobrang concern na ipinakita niya. Hindi ko namalayang bumagsak na pala ang luha ko. "O bakit ka umiiyak?" tanong niya. Pinunasan niya ang mga luha ko sa pisngi.

Hindi na ako sumagot at niyakap lang siya at umiyak ng umiyak. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak, basta kusa na lang bumagsak ang mga luha ko. Siguro dahil sa sakit na nararamdaman ko dulot ng pagkatapilok ko at pagtama ng ulo ko sa sahig. Siguro rin dahil sa nahihirapan na ko sa sitwasyon ko ngayon. Sino ba naman kasi ang hindi maprepressure diba? Ikaw ba naman ang maging dahilan ng awayan ng dalawang tao na laging nauuwi sa sakitan, hindi ka mabobother? Ang hirap kayang isiping nag-aaway ang mga tao dahil sa'yo. Parang kapag sila yung nakikita mong nasasaktan dahil sa'yo, mas masakit ang dulot nito sa'yo.


Niyakap niya rin ako't hinimas himas ang aking likod. "Sige, iiyak mo lang iyan,. Nandito lang ang kuya Marco. hindi kita iiwan." sabi niya. Hinigpitan

Ang bait talaga ni kuya Marco. Lagi siyang nandiyan para sa akin..Whenever I'm with him, I feel so secured. Yung feeling na alam mong walang mananakit sa'yo dahil ipagtatanggol ka niya,.


So naiinlove ka na sa kanya?


Mabait si Marco. Sweet.. Naiinlove? Hindi ko alam..Parang...Ata..Baka..Maybe?.


Naku!


Hindi ko alam.,basta ang alam ko, I feel peace when I'm with him.


Simbahan teh?


Che! Pero alam mo, thankful ako na lagi siyang nandiyan para sa akin. Kahit na alam niyang mahal ko pa rin si Van, hindi siya sumusuko. Kung pwede nga lang na siya na lang ang mahalin ko. Kung pwede ko nga lang burahin sa puso ko si Van.


Pwede naman eh! You just have to try. Ang problema kasi sa'yo, masyado mo siyang minahal, kaya ayan, nasasaktan ka at nahihirapang makalimutan siya,.


Hindi ko nga alam kung bakit hindi pa matanggal sa puso ko yang abnormal na mokong na Van na yan eh. 


Kaya mo naman eh! Ayaw mo lang!


Gusto ko kaya!


Kung gusto mo, edi sana, nakalimutan mo na siya ngayon,. eh hello? ang tagal na kaya nyong wala! Napagiiwanan ka na ng panahon!


Bakit? HELLO?????? 16 pa lang po ako, napagiiwanan ka dyan!


My point is, it's time to move on teh!


Nasa ganoon akong argument with the voice on my head ng biglang magsalita si Marco. "Sino ba sa kanilang dalawa ang gusto mong una kong bugbugin?" tanong niya.

Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya at tumawa. Pinunasan ko ang mga luha ko. "Kuya talaga." sabi ko.

"Seryoso ako Av." Seryoso ang mukha niya. "Patay sakin yang dalawa na yan." sabi niya.

"Kuya,." hinawakan ko ang pisngi niya. "I appreciate your concern. Pero please..wag na." sabi ko sa kanya.

"Pero Av, nasaktan ka! Tingnan mo oh, nagkaroon ka ng injury dahil sa dalawang." sabi niya.

"I know kuya..Pero ako rin naman ang may kasalanan kung bakit nangyari sakin toh..besides, ayoko rin namang madamay ka pa. at masira ang pagkakaibigan niyo dahil sa akin." sabi ko.

"Oo, kaibigan ko sila. Pero kapag ikaw na pinag-usapan. Walang kaibigan kabigan.." sabi niya.

Ang sweet naman! Mahal na mahal ka talaga!


Niyakap ko siya. Pagkatapos ay humarap muli sa kanya. "Thank you kuya. Pero please. Wag na nating palakihin pa ang gulo. Okay?" sabi ko sabay ngiti.

Hinalikan niya ako sa noo. "Ikaw lang naman ang iniisip ko Av. Pero kung yan ang gusto mo. Sige. Pero next time na saktan ka nila o kahit sino man, magbabayad sila." sabi niya habang nakalapat ang mga palad niya sa pisngi ko.

Nginitian ko siya at tumango. Pinauwi na ako ng nurse dahil mas makakabuti daw sa akin ang magpahinga na lang. Wala naman kaming teacher sa next class ko kaya okay lang na umabsent ako. Besides, kung may teacher man, excuse naman ako kaya okay lang. Nagpasundo ako sa driver namin. Unusual nga eh, hindi naman kasi ako nagpapahatid or nagpapasundo sa driver namin. Kahit kasi pinipilit ako ng daddy na magpahatid sa driver namin, lagi kong sinasabi sa kanya na gusto ko ring matutong maging independent. Matutong mabuhay ng walang luho. Maging normal teenager. Anyway, pagdating ko sa bahay, si manang lang ang tao. Nasa work pa sina mommy at daddy. Agad akong Umakyat sa aking kwarto at natulog. Paggising ko, nakita ko si kuya Marco na nakaupo sa couch sa kwarto ko at nanonood ng tv. "Kuya Marco?" tanong ko habang kinukuskos ang mata ko.

Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko sa kama. "Sorry nagising ba kita?" sabi ni kuya Marco.

"Hindi naman.. anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Tinawagan ko kasi ang mommy mo para sabihin ang nangyari. .Ipininakiusap niya rin sa akin na samahan daw kita dito sa bahay niyo at bantayan ka,." sabi niya.

Naku! oo nga pala! hindi ko pa sinasabi sa kanila! Patay ako kay daddy pagdating mamaya. Papagalitan na naman ako ni daddy pag dating nun! Arggh.


"Salamat kuya ah." sabi ko na lang.

Nginitian niya ako. Biglang may kumatok sa pinto. "Pasok!" sabi ko.

"Av, may bisita ka sa baba." sabi ni Manang.

"Sino daw po manang?" tanong ko.

"Si Van at Ram daw." sabi niya.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Kuya Marco. Nagtataka ako kung bakit sila nandito. "Sige po manang susunod na po ako sa baba." sabi ko. Naghilamos ako ng mukha at sabay kaming bumaba ni Kuya Marco. Naabutan naming nakaupo ang dalawa sa magkabilang dulo ng couch.

"Anong ginagawa niyo dito?!" ang galit na tanong ni Kuya Marco.

Lalapitan na sana sila ni kuya Marco pero hinarang ko ang kamay ko."Kuya. please." sabi ko. Nakapagpigil naman si kuya Marco sa nais niyang gawin. "Anong ginagawa niyo dito?" ang mahinahon kong tanong sa kanila.

"Nandito ako para mag-sorry sa nagawa ko. Hindi ko sinasadyang masaktan ka Av." sabi ni Ram. Nagmamakaawa ang mga mata niya.

"Ako rin Av. Hindi ko sinasadyang manggulo. Ayaw lang kasi kitang masaktan. Pero, nasaktan pa rin kita. Kaya sorry." sabi naman ni Van. Malungkot din ang mukha niya.

"Pero sinaktan niyo pa rin si Av!" sabi ni kuya Marco.

"Kaya nga nagsosorry eh,." sabi ni Van.

"Bakit? sa tingin niyo ba magiging okay na ang lahat after niyo magsorry?" sabi ni Marco,.

"Teka nga, bakit ba nakikielam ka ha? Si Av ang pinunta namin dito. Hindi ikaw! Sino ka ba sa akala mo ha?" tanong ni Ram.

Biglang natahimik si kuya Marco. Napahiya siya. Naawa ako sa kanya. Ipinagtatanggol lang naman niya ako. Tumawa si Ram. I have to do something.

"Will you please stop it!" sabi ko. "Wala kang karapatan para pagsalitaan ng ganyan si kuya Marco!".sabi ko.

"Bakit? Kaano-ano mo ba siya? eh kaibigan mo lang naman yan." sabi ni Ram.

"Siya?".lumapit ako kay kuya Marco at umakbay sa braso niya. "Siya ang boyfriend ko." sabi ko.

Boyfriend?!?!.




-----------------------
Until the next episode,
Av.

Read more...

The Letters 9

Wednesday, August 24, 2011

WRITER:Unbroken

Unbroken's Blog:http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/
Dhenxo's Blog:http://angbuhaynidhenxo.blogspot.com/

Ang pagkakapareho ng mga pangalan at pangyayari ay pawang conincidental lamang.



September 17 2009,

Mabilis lumipad ang mga buwan. Napabayaan ko na din ang journal ko dahil sa trabaho. September na at natapos na din ang bday ko. Naging medyo abala ako sa trabaho. May bagong pasok sa barkada namin nila Allyna na si Rovi. Nagstart si Rovi nang June. Naging masyado akong busy nung mga nakaraang mga buwan. Nakakafrustrate.

Wala pa din namang pinagbago. Ganoon pa din ang buhay ko. Bahay,trabaho konting gimik. Kahit papaano ay nabawasan na ang paggimik ko sa Malate na halos weekly dati. Di ko alam kung bakit pero masasabi ko na ang barkadahan namin sa office ay isa sa mga dahilan kung bakit ako nagiging mas matino. Syempre.kahit wala syang sinabi o pinagbawal sakin,si George pa rin ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nagbabago. Gusto ko,kahit papaano ay makita nya ako bilang isang responsableng tao. Ayokong isipin nya na wasted ako. Tingin ko di nya yun magugustuhan.

George. Si George na naman. Lagi namang si George eh. Nangungulit pa din naman si Hubby sakin pero ayoko na talaga. Wala na akong maramdaman eh. Alangan namang pilitin ko. Always remember not to stay whenever you find yourself unhappy,and that's what I did. Masaya naman ako sa nagiging takbo ng buhay ko as of the moment,with my friends around and George,undefined,with me.

Gumising ako ng maaga para sa araw na ito. Excited akong makita ang mga workmates ko. Ewan ko ba,the moment I opened my eyes,positivity seemed to run deep in me. I feel so positive today. I just hope na maging okay lahat sa akin. I hope all is well.

After pressing the clothes I usually wear,naramdaman ko ang aking phone na nagvavibrate sa aking bulsa. I instantly picked it and was a bit surpised to see that George was actually calling me.

“Hello”

“Chris nasaan ka?” sagot nito sa kabilang linya.

“Nasa bahay bakit?”

“Bakit di ka sumabay samin papalabas ng building? Ha?”

“Ang tagal nyo eh. Inaantok na ako.”

“Baka naman may katagpo ka?” may halo ng sarkasmo sa kanyang tono.

Napahinto ako sa sinabi ni George. I sensed something. Is he getting jealous?

“Ha? Sino naman katagpo ko ha?”

“Aba! Ewan ko sayo!” pagalit nitong sabi.

“Ano problema George? Nahihilo ako kagabi at ang tagal nyo pang bumaba. Kaya nauna na ako. Sorry kung di man lang ako nakapagpaalam.”

Natahimik si George sa kabilang linya.

“Ganoon ba?” halata ang pagaalala sa boses nito.

“Kamusta na pakiramdam mo?” dagdag pa nito.

Napangiti ako sa inaasal nya. Kahit papaano ay concern sya sakin.

“Okay na ako. Antok lang siguro yun.” sagot ko.

“Good.”

“Yep.”

“Ingat ka. See you later sa work.”

“Bye.”

“Bye.”

The line got disconnected.

* * *

Nakangiti kong tinapos ang pagpaplantsa.

Oh George. Nakakainis ka paminsan-minsan. Ang sarcastic mo sa akin pero kahit na ganun ka,sa t'wing magkakasakit ako,kahit nagsusungit ka,alam kong nagwoworry ka. Alam ko at nararamdaman ko na concerned ka sakin.

Ano na nga ba tayo George? Ano ba ako sa'yo? Kasi alam ko sa sa sarili ko kung ano ka sakin eh. I know na mahal kita. I really do love you. I knew it. Eh ikaw? After all the sarcasm you've shown and somewhat the concern you've let me feel? Ano ba talaga ako sa'yo? Do you need to clarify this? Do I have to clarify this? Rather,do we have to clarify this?

Buntong-hininga.

Naiinitan ako. Dapat na kong maligo.

I took a shower. The bathroom was a bit spacious para sa isang kwarto. Okay naman at tiles ang sahig maging ang mga pader nito. May isang life-sized mirror din na nakadikit sa pader. Nakakatuwa kasi you would be able to see your own body while giving yourself a bath. It was just wonderful. Habang nagsasabon ako,di ko maiwasang mapatingin sa katawan ko sa salamin.

Medyo nanibago ako sa nakita ko.

Am I actually losing weight?

Kita ko na ang collar bone ko. Di to maganda. Bakit ako nangangayat? Kain naman ako ng kain ah. Ang weird ng katawan ko.

Why do I have rashes sa may chest ko?

Saan na naman ako naallergy? Ano ba to.

After having a quick shower, I got myself dressed. Typical office boy get-up. Had my hair fixed. Went down. Hailed a cab.

* * *

“Chris kain na tayo.”

“Sure.”

Bumaba tayo at kumain sa isa sa mga fastfood sa ibaba ng building. Same set-up,magkatapat tayo sa upuan. Kumakain ng mga paborito nating pagkain. Iba nga lang ngayon dahil nakakabingi ang katahimikan natin. Nakakapanibago lang. May mali ba?

“Chris.”

“Bakit George?”

“Wala na kami ni Joy.”

Nagitla ako sa narinig.

“Ahhh.” tangi kong nasabi.

I saw how you sighed. Malalim. I know that you're really having a tough time.

“I know you're in deep sadness. If you feel like talking about it sa grupo sabihin mo lang. Makikinig naman kami.” sabi ko.

I was a bit confused sa inasal ko. Bakit kailangan pang sa grupo nya iopen? Bakit di nalang sakin? Oo nga? Bakit sinuggest ko pa na sa grupo nya na iopen? Kung tutuusin chance ko na yun para makausap sya about that eh. I think I've wasted my chance. Ayoko na naman bawiin baka sabihin nya eh inconsistent ako sa mga sinasabi ko. Di naman siguro tama yun,isa pa may pride ako. Ano ba yan.

“Salamat Chris.”

“No worries.”

I gave you a reassuring look that I would always be here for you. You stared at me as if you wanted to say something. Nagtitigan tayo. I just realized how handsome you are. I don't know,you may not be the man some people think of as handsome but to my heart you carry the key.

“Chris.”

Napapitlag ako sa pagkagulat.

I saw you smiled upon seeing that look on my face. I tried to bring my composure back as fast as I could.

“Oh?”

“Salamat sa lahat.”

“Ha?”

“Thanks for always being there for me. Paano ba ako makakabawi?”

“Wala yun George. Kaibigan mo ko.”

Kaibigan? Naitanong ko sa sarili ko.

“Oo nga Chris. Salamat.”

I smiled. Natapos na nating kainin lahat ng orders at naisipan na nating umakyat sa building.

We waited for the lift. We got in at tayong dalawa lang ang tao. I kept my distance,mga ilang tambling din ang layo ko sa'yo.

“Chris?”

“Oh?”

“Bakit ang layo mo? Tara nga rito.” pagaya mo sakin.

Walang salisalita ay agad mo akong hinatak papalapit sayo. Tinago ko ang pamumula ng aking mukha. Nanahimik ako,bigla mo kong inakbayan. Nakakagulat.

“Bakit natahimik ka?” tanong mo sakin.

“Ha?”

“Nanahimik ka Chris. Haaay. Ayoko na magmahal. Lagi nalang akong nasasaktan.”

“Di mo naman kailangang masaktan. Nandito lang naman ako,ayaw mo lang sakin.” nagulat ako at nasabi ko yun sayo.

Tumingin ka sakin,trying to weigh kung nagsisinungaling ba ako or hindi. Hinigpitan mo ang akbay mo sakin. Lalong gumulo ang nararamdaman ko para sayo. Hindi ko alam kung naging masaya ka ba sa narinig mo or what? Di mo man lang iconfirm kung masaya ka sa akin o hindi. Ano ba talaga?

Lalo mong hinigpitan ang akbay mo sakin.

“Chris? Ano yung sinabi mo? Pakiulit?”

“Wala George. Wala.”

“Gusto mo ba ko Chris?”

“Ha?”

At bumukas ang elevator. Sinagip ako ng elevator sa kapahamakan. Nagmadali akong bumalik sa station ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, Nagpapawis ako pero di ko alam kung bakit,ngayon ko lang napagtanto na umamin na pala ako sa'yo. Narinig mo ito pero umarte ka at nagbingibingihan. Di ko na alam kung paano ako aarte sa twing magkasama tayo.

Nakaramdam ako ng pagkailang sa nangyari kanina. Dapat nga maging okay na ako dahil nasabi ko na rin sa'yo na gusto kita. Pero bakit ganun? Nahihiya na akong tumingin at makipagusap sayo? I saw you looking at me,natetense ako. Di ko alam kung bakit.

“Chris? Bakit ganyan ka? What's wrong?” tanong mo sakin.

“Ha? Wala naman George. Di lang maganda pakiramdam ko.” pagpapalusot ko.

“Chris. Di mo naman kailangang magpalusot eh. Narinig ko. Gusto ko lang marinig ulit.”

“Ha?” I said,natameme.

“Chris,let's talk after shift. Let's have coffee.”

“Ha? George kkaa..siii..”

“I won't take no for an answer.”

Then you turned away.

Wala akong choice kundi sumama mamaya. I don't know if this is what I really want. I wanted to blame my stupid mouth for admitting that I do like you. Di ko alam kung bakit,bahala na nga mamaya.


Till next time,
Chris.


Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP