No Boundaries - C26

Saturday, February 5, 2011

Pakiusap kay Andrew

Bago tuluyang umuwi sa bahay ay pinutahan niya ang mga kapatid para sabihin sa mga ito ang desiyon niya. Nabuhay ang loob niya ng malamang suportado ng mga kanyang mga plano, gayundin ang kanyang ama na sa unang pagkakataon ay naabutan niya sa bahay na hinihintay siya.
May isang buwan na din ang lumilipas nang magkatampuhan sila ni Andrei. Mula nuon ay hindi pa sila nagkikita, maging ang mga tawag nito ay hindi niya sinasagot. Dalawang araw na lang at kakausapin na siya sa seminaryo para tanungin ukol sa gagawin niyang pagbabalik. Mula ng araw na malamn niya ang tungkol sa kalagayan niya, ang bawat gabi sa kanya ay isang napakalaking pagsubok. Sa bawaty umaga ay tila napakihirap harapin para sa kanya, ngunit tulad nga ng kanyang pananaw sabuhay, hanapin sa puso ang mumunting sisdlan ng pag-asa.
Ayaw niyang pumunta ng seminaryo na hindi nakakausap si Andrei, lahat ng paraan na alam niya ay ginawa niya. Maliban na lang sa isang bagay, alam ni Nicco na maging si Andrew ay galit sa kanya, subalit nagbaka-sakali pa din siya na makausap si Andrei sa pamamagitan ni Andrew. Kaya naman tinawagan niya ang kakambal ni Andrei .
“Kuya Andrew” sabi niya sa kabilang linya.
“Nicco, napatawag ka?” sagot ng malungkot na ting mula sa kabilang linya.
“Pwede po ba tayong magkita” sabi nito.
“Sige, gusto din naman kitang makausap tungkol sa ilang bagay” sabi niuto “mamayang hapon, bandang ala-singko magkita tayo sa lumang bahay ng namin.
Pagkasabi niyon ay pinindot na ni Andrew ang end call.

Nang hapon ngang iyon ay maagang nagtungo si Nicco sa lumang bahay ng mga del Rosario. Naramdaman niyang lalo ang kalungkutan dahil punung-puno ng mga alaala ang lugar na iyon. Iyon ang tagpuan nilang dalawa ni Andrei. Duon sila masayang nag-uusap habang magkayakakp. Naaalala niya ang mga matatamis na salita mula dito. Ang bawat tawa, ngiti at kakulitan ng kanyang Kuya Andrei. Hindi niya namamalayang tumutulo na pala ang kanyang mga luha ng may tumagaw sa pangalan niya.
“Nicco” sabi ng tinig.
Lumundag ang puso niya ng isiping si Andrei iyon, subalit sa paglingon niya.
“Andrew” biglang pumanglaw ulit ang kasiyahang saglit na bumakas sa mukha ng binata.
“Ako nga? Sino pa ba ang inaasahan mo?” sagot ni Andrew “Ano iyon sasabihin mo?” tanong nito.
“Kuya Andrew, pwede mo ba akong tulungan para makausap si Kuya Andrei?” kinalimutan niya ang alinlangan dahil mas mahalaga sa kanya ang makausap ang mahal na si Andrei.
“Bakit mo naman gustong makausap? Hindi mo ba alam na nahihirapan ang Kuya Andrei dahil sa ginawa mo?” tila may paninisi sa tinig nito.
“May dahilan ako kaya ko nagawa iyon.” agad na sagot niya “isang napakabigat na dahilan” muli ay tumulo ng dahan-dahan ang mga luha sa mga mata nito.
“Anong dahilan? Sige sabihin mo sa akin?” pamimilit ni Andrew “baka sakaling maintindihan kita.”
“Isang dahilan na hindi pa kayo handa para malaman, isang dahilan na hindi pa pwedeng sabihin” depensa ni Nicco sa sarili.
“Makasarili ka Nicco, sarili mo lang ang iniisip mo.” Panunumbat ni Andrew.
“Kung pagiging makasarili ang pagprotekta sa mga mo mahal para hindi sila masaktan, sige makasarili na ako” saglit pa dinugtungan ito ni Nicco “kahit pa tawagin niyong kasakiman ang bagay na iyon tatanggapin ko.”
Walang nasabi si Andrew kung hindi “Nicco” ramdam niya ang bigat sa kalooban ng batang si Nicco. Ang galit niya dito ay napalitan tila ng awa at malasakit para dito. Sa pakiramdam niya ay hindi niya kayang makita si Nicco sa ganitong sitwasyon. Agad ay tinapos niya ang usapan at sinabing gagawin niya ang lahat ng makakaya para makapag-usap sila ni Andrei.
“Salamat Kuya Andrew” tanging nasabi ni Nicco.
Agad nilisan ni Andrew ang lugar na iyon, sa sasakyan magmamaneho siya, tanging lungkot ang kanyang nararamdaman. Tumutulo ang luha niya dahil sa nangyari. Hindi niya kayang makitang umiiyak ang kaibigan. Sa isip niya –“Kahit ano pa mang galit ang nasa puso mo, agad itong mawawala kong mahalaga ang taong ito para sa iyo.”
Lingid sa kaalaman ng dalawa ay may isang taong nasa lugar ding iyon ng mga oras na iyon at naririonig ang kanilang usapan.

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP