No Boundaries - C16

Saturday, February 5, 2011

And Desisyon ni Nicco

Matapos ang pag-uusao na iyon sa pagitan ni Dok Matthew at Nicco ay tila ba punung-puno ang puso niya ng pag-asa at unti-unting nabubuo ang loob niya para sa kanyang desisyon. Lumipas ang mga araw ay wala pa ding Andrei at Andrew na nagpapakita sa kanya sa seminaryo. Walang sulat o tawag na mula sa mga ito. Malapit ng magwakas ang 10buwan para masabing nakapagsikap siya ng isang taon sa loob ng seminaryo.

Dumating ang araw, saktong dalawang linggo bago sila pauwiin sa kani-kanilang mga bahay, may hindi inaasahang bisita si Nicco. Ang kanyang mga kuya-kuyahan ay bumalik, matapos ang madaming linggo ay muli nila itong pinuntahan. Magkahalong pananabik at tuwa ang naramdaman niya.

“Niks, pasensya ka na ngayon lang kami nadalaw ulit.” Sabi ni Andrew na nakangiti “madami lang kasing ginagawa.” dugtong pa nito.

“Ayos lang iyon” sagot nito “mas mahalaga at nakadalaw pa kayo”

Tila walang kibo si Andrei ng mga sandaling iyon. Tila baa yaw siyang makausap o kung ano pa man. Hindi makatiis si Nicco sa ganuong siwasyon kaya siya na mismo ang gumawa ng hakbang para mabali ang katahimikan nito “Kuya Andrei, may magandang balita azko sa iyo, pero hindi ko muna sasabihin” pagkasabi nito ay ngumiti si Nicco.

Napaisip ang dalawa lalo na si Andrei – “ito nab a ang hinihintay kong pagkakataon para makasama ka Nicco” tanong ng isip ni Andrei sabay ngiti.

“Malamang tama ang iniisip mo ngayon” nakakalokong saad ni Nicco “basta ba susunduin niyo ako dito pagpinauwi na kami eh” dugtong pa nito.

Nawala ang kalungkutan sa puso ni Andrei, nawala din pagtatampo dahil sa paniniguradong sinabi ni Nicco. Mas nanaig ngayon ang pananabik na makasama ang taong nagpababago sa kanya.

Pagkaalis ng dalawa ay agad na tinungo ni Nicco and opisina ng Rector para sabihin ang binabalak nito. Sa una ay hindi matanggap ng rector ang pamamaalam ni Nicco subalit lubhang mapilit at mapanindigan ang bata kaya pinayagan na din niya.


“Salamat po Father at inunawa mo po ako. Maraming salamat po at pinagbigyan ninyo ako sa gusto kong hanapin pa ang ibang mundo ko. Maraming salamat po at hinayaan ninyo akong ibuka pa ang mga pakpak ko at lumipad ng mas Malaya at mas mataas. Salamt po dahil hindi ninyo ipinagkait sa akin ang posibleng kaligayahan ko. Maraming salamat po talaga sa pagpayag.” Pasasalamat ng batang si Nicco.

“Walang anuman iyon iho. May tiwala ako sa kakayahan mo. Alam ko nais mo lang sundin ang dikta ng puso pmo. Kung sakali mang mapagtanto mong nagkamali ka ng piniling daan, bukas kami lagi para sa isang katulad mo at handa ka naming tanggapin sa oras na dalin ka ulit dito ng puso.” masayang pagwawakas ng pari sa usapan.

Dumating nga ang araw para ang lahat ng seminarista ay makauwi. Alam ni Nicco na iyon na ang huling tapak niya sa lugar na iyon. Hindi na niya iyon babalikan pa sa susunod na buwan at maging sa kasunod pa. Dumating na din ang pinakahihintay niyang susundo sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay si Andrei lang ang sumundo sa kanya walang kasamang iba.

“Oh, bakit ikaw lang? Nassan si Kuya Andrew?” tanong nito.

“Di kasi ako mapanatag kung ano ba iyong magandang balita mo sa akin” sagot ni Andrei “kaya pinilit kong ako na lang ang susundo sa iyo at ginawan ko ng paraan para magkaroon siya ng lakad sa araw na ito.” Nakangiting dugtong pa nito.

“Ikaw talaga” tanging nasambit ni Nicco “halika na umalis na tayo, nakapagpaalam na ako sa kanilang lahat bago ka pa man dumating”

Nanaig ang katahimikan sa kanila ng magsalita si Andrei “Ano ba kasi iyong sasabihin mong magandang balita?” tanong nito.

“Hindi na ako babalik sa seminaryo.” Sabi ni Nicco.

Biglang hininto ni Andrei ang sasakyan “Talaga?”

“Opo, buti nga at –“ hindi na natapos ni Nicco ang sasabihin dahil ginawaran siya ng halik ni Andrei sa mga labi.

“Buti naman kung ganuon” sabi pa nito “sa wakas magkakasama na tayo.”

“Napakabilis mo, bigla ka na lang naghahalik” nakangiting sabi ni Nicco. “Sige na paandarin mo na ang makina para makauwi na tayo, kakausapin ko din si Fr. Rex sa bagay na ito.”

“Ano ngayon ang balak mo?” tanong ni Andrei “gusto mo mag-aral ka sa Maynila para magkasama na talaga taya?” dagdag pa nito.

“Mag-aaral ako, kaso wala ako pang-Maynila” sagot ni Nicco “siguro kukuha na lang ako ng scholarship para makapagtapos ako ng pag-aaral o kaya working student.” Dugtong pa niya.

“Hindi mo na kailangan pang gawin iyan.” kontra ni Andrei “kakausapin ko si Papa para siya na ang magpaaral sa iyo.”

“Ayoko, nakakhiya sa Papa mo.” Sagot ni Nicco.

“Hindi iyan, gustung-gusto ka nga niya. Malamang matutuwa iyon na tulungan ka.” Sagot ni Andrei.

“Basta nakakahiya pa din” sagot ni Nicco.

“Saan ka unang pupunta?” tanong ni Andrei.

“Kay Fr. Rex muna.” Sabi ni Nicco “kakausapin ko muna siya para makahingi ng tawad”

“Hihingi ka ng tawad dahil pinagpalit mo ang pagpapari para sa akin?” nakangiting saad ni Andrei.

Gumanti na lang ng ngiti si Nicco. Sa isip niya –“oo, pinagpalit ko silang lahat para sa iyo at walang pagsisisi kong ginawa ito”

Namasyal muna sila bago umuwi. Sa sobrang saya nilang dalawa ay hindi nila namalayan ang oras, basta pakiramdam nila ay hindi na magwawakas ang kasiyahan nila. Tapos na ang huling misa para sa araw na iyon ng dumating sila ng San Isidro. Pagkababa ni Nicco sa sasakyan ni Andrei ay pinakiusapan nito ang binata na umuwi na at hayaan na siyang kausapin si Fr. Rex. Labag man sa kalooban ni Andrei ay iniwan niya ang pinakamamahal na si Nicco.

“Fr. Rex, patawarin mo po ako” panimula ni Nicco.

“Wala kang dapat ihingi ng tawad” nakangiting sinabi ni Fr. Rex “naiintidihan ko kung bakit mo ginawa ang bagay na iyon.” Dugtong pa nito.

“Sinabi na sa akin ng Rector ang lahat” agad sabi ng pari nang mapansin ang pagtataka sa muka ng binatang si Nibbo.

“Alam mo iho, mahirap talagang intindihin kung ano nga ba ang gusto mong gawin sa buhay. Minsan ang akala mong iyon na ay hindi pa pala. Minsan andiyan na sa tabi ang para sa iyo, hindi mo pa napapansin, minsan darating sila kung kailan huli na, minsan darating sila pag kumplikado ang lahat.” saad ng pari.

“Hindi mo pwedeng diktahan ang puso” sabi ulit ng pari “laging naitatama ang pagkakamali, kaya naman, kung sa tiningin mo ay may mali sa ginawa mo, mag-isip ka na lang ng paraan para maitama iyon.”

Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto. “Ano na ang balak mo ngayon?” tanong ng pari.

“Balak ko po sanang kumuha ng trabaho o kaya ay scholarship para makapag-aral.” sagot ni Nicco.

“Sige, tutal naman bukod tangi ka sa lahat at minahal na kita parang tunay kong anak, ako na ang magpapaaral sa iyo, sa Maynila ko sana gurong pag-aralin ka.” Sabi ng maradang pari.

“Nakakahiya naman po sa inyo” sagot ni Nicco.

“Hindi ka dapat mahiya, tutulong ako ng bukas sa puso ko, may malinis na hangarin” sagot ng pari “Ano naman ang kukunin mong kurso?”

“Nais ko po sanang ituloy ang Pilosopiya, magandang pag-aralan ang Pilosopiya dahil kaya niyang ibigay ang mga bagay at karunungang wala sa iba.” Sagot ni Nicco.

“Maganda iyan iho, basta ako ang bahala para sa mga gastusin mo.” Sabi ng pari “Siya, umuwi ka na, masyado ng gabi papadelikado sa daan.

“Salamt po ng marami Father.” Pasasalamat ni Nicco.

Tulad ng dati wala ni isang anino na nasa bahay nila. Nalungkot man si Nicco dahil walang pinagbago ang ayos ng kanilang tahanan ay natuwa pa din ito sa isiping makakasama niya si Kuya Andrei niya na mag-aral sa Maynila. Nakatulog si Nicco na masaya sa ganitong mga isipin.

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP