No Boundaries - C19
Saturday, February 5, 2011
Pagbabalik ni Stephanie
Dalawang taon na ang nakalilipas buhat ng lisanin ni Nicco ang seminaryo. Isang magandang bagay din at sa pagpasok niya sa unibersidad ay hindi na siya nagdaan sa first year. Hindi nasayang ang isang taon niyang pamamalagi sa seminaryo. Ngayon nga ay bakasyon at pagpasok nila ay forth year college na sila. Siya ay umaasang makakatapos sa oras. Napagtanto niyang napakahirap pala ang kumuha ng ABPhilosophy sa labas ng seminaryo. Isang kursong tunay na pumapanday sa karunungan ng isang tao. Si Andrei ay 5year course, kung kayat may dalawang taon pa itong bubunuin sa pag-aaral. Samantala, si Andrew naman ay hindi kumuha ng mga advance subjects kung kayat ang dapat na 4years ay magiging 5years.
Matagal na ding tumatakbo ang relasyon nila Nicco at Andrei. Hindi maiiwasan ang tampuhan, sa tuwing darating ang mga oras na ganito ay si Andrew ang lagi nilang takbuhan. Natanggap na ni Andrew unti-unti ang kapalarang hindi na magiging kanya si Nicco. Kung kayat naging malaking tulong siya upang lalong tumibay ang samahan ng dalawa.
“Hey, Andrew and Andrei” sabi ng tinig habang kumakain sila sa isang karideryang malapit sa simbahan “Did you miss me?” tanong ng babae.
“Stephanie, is that you?” tanong ni Andrei na may pagkamangha sa itsura ng dalaga “lalo ka atang gumaganda” dugtong pa ng binata.
Hindi alam ni Andrei, dahil sa ginawa niya ay nakaramdam ng inis ang batang si Nicco. Alam ni Nicco ang tungkol kay Stephanie kung kaya’t lalo itong nagpasiklab sa kanyang damdamin upang magselos.
“Yes, it’s me.” sagot ni Stephanie at napatingin kay Nicco “Nicco, ikaw ba yan? Biruin mo nga naman, walang pinagbago.”
“Tama! Same old Nicco. Nothing changes but quality wise, I’m improving, that is what men need to achieve” kasunod ang mahinang tawa.
“Salamat sa mga words of wisdom mo. It helps me so much.” pasasalamat nito. Ginatihan naman ng ngiti ni Nicco ang sinabi ng dalaga.
“Andrew, hindi ka na nagsalita dyan” biro ni Andrei sa kakambal.
“Tara na kuya Andrei, iwan na muna natin sila para makapag-usap” pagkasabi nito ay hinila ni Nicco palayo si Andrei.
Nang makalayo na sila Andrei ay sinita ni Nicco ang kuya niya “Ikaw ah, kung makatingin ka kay Steph parang hinuhubaran mo na.”
“Nagseselos ang Nicco ko, wag ka ng magselos, nabigla lang ako sa itsura n’ya. Pero ikaw lang ang mahal ko at mamahalin ko. Ikaw na ang last at hindi na babalik sila past.” Nakangiting wika nito.
“Sige na nga, tutal naman mahal din kita kaya pinapatawd na kita. Wag ka na lang uulit. Maliwanag ba?” sagot ni Nicco.
“Opo mahal kong Nicco.” nakangiting sagot ni Andrei.
Sa kabilang banda ay nag-usap din si Steph at Andrew.
“Kamusta ka na?” panimulang tanong ni Andrew kay Steph.
“Mabuti naman ako. Ikaw ba?” balik na tanong ni Steph “Hindi na nga pala ako babalik ng Australia.” dugtong pa ng dalaga.
Bumakas ang saya sa mukha ni Andrew “Talaga? Magandang balita.” sabi nito “Iyong tinatanog ko sa iyo dati pa? Handa ka na bang sagutin?”
“Tulad ng sinabi ko dati, makakapaghintay ang ganyang mga bagay. Kung magagawa mo pang maghintay kahit ilang linggo na lang malalaman mo ang kasagutan ko.” Sabi ng dalaga.
Tila nahulaan niya ang ibig sabihin nito kayat ang naisagot niya ay “Oo naman, kung tatlong taon nga ay nahintay kita, ilang linggo pa kaya.” Nakangiting sagot nito sa dalaga.
Mahabang oras din na nag-usap ang dalawa hanggang sa mapagpasyahan nilang umuwi na sa kani-kanilang mga bahay. Hinatid ni Andrew si Steph sa bahay nito at nagpaalam na din.
Umaasa ang puso ng binata sa magandang kasagutan ni Steph sa kanya.
0 comments:
Post a Comment