Unexpected Love Chapter 22 (JOM)

Monday, May 16, 2011

Note: Ang chapter na ito po ay aminado ako mejo magulo pero sana magustuhan niyo parin naman po... kung may mga questions kayo dont hesitate to post it as a comment or send ninyo na lang sa akin as email kahit ang mga pointers na naguguluhan kayo kahit na sabihing spoiler pa yan baka masagot ko pero wag ninyong ipagkakalat kung sakaling spoiler nga...

email: ako_si_3rd@yahoo.com.ph

sa mga walang sawang nag comment nag bibigay ng criticism lalo na sa mga nagkakagusto ng mga gawa ko salamat ng po ng marami...

it is kinda weird for me to say thank you sa mga nag criticize ng UeL... pero al least is nag basa sila kaya keri lang...

malapit na pong magtapos ang UeL pero biglang nawalan ng mukha si Jam kasi uamyaw na si Eban....

guys i need your help kung sino sa tingin ninyo ang pwedeng maging bagong Jam.. please im begging you guys i need you help... sana mabigyan na ulit ng mukha si Jam bago pa man matapos ang UeL malapit na po ang ending....

ang chapter po palng ito ay di ko pwedeng ipost sa MSOB dahil sa may laman itong Torrid part... at di siya magiging maayos kung puputulin ko siya....

-3rd-

***************************************

These chapter may be considered as torrid to some readers.....

Ipinag sa diyos ko na lang ang sarili ko di ko alam kung anu nag gagawin nila sa akin. Gusto ko na talagang umiyak sa mga oras na iyon, wala na akong saplot sa buo kong katawan, walang magpalayang ang aking kaba at mas kumalala pa ito dahil naririnig kong ginagawa nila kay Jeffrey sa di kalayuan. Di ko nakikita kung anu talaga ginagawa nila sa kanya pero natatakot ako dahil sa mga pumapasok sa isip ko hatid ng mga ungol at iyak na aking naririnig.
Pilit akong nagsisisigaw pero at nag pupumiglas para ipakita sa kanila na lalaban ako pero bigo ako dahil sa pagkakatali nila sa akin ay di ako maka galaw at di rin naman nila ako naiitindihan dahil sa busal ko sa bibig..
Ilang sandali lang ay narinig ko na si brad na nag salita
Brad: Jom... wag kang atat pwede ba... alam ko magugustuhan mo ang gagwin ng bata ko sayo... diba... naririnig mo kapatid mo?.... huh....
Sigaw parin ako ng sigaw at pinagmumura ko siya kahit na may busal ako nagbabakasakaling baka maitindihan nihya ako.
Brad: oh...oh.....oh....oh... wag kang atat.... excited ka naman eh..... pero kung gusto mo sige... pag bibigyan kita....
Sabay halik sa aking labi, di ko lubos maisip na ganito si Brad, kung gaano kabait si Joana ay siya din naman palang hayop ng kanyang kapatid, di lang hayop si Brad kundi isa siyang demonyo mas masahol pa sa demonyo....
Naririnig ko ang papalyong boses ni brad habang may mga yabag din naman ng mga paa akong naririnig na papalapit sa akin ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang kanyang mga kamay na dumapi sa aking pisngi na tila inaakit ako, nanginginig ako sa takot at kabang nararamdaman ko ilang sandali lang ay narinig ko siyang nagsalita..
???: sayang... gwapo ka pa naman..... pero at least..... kahit......di ko masikmura ang pinapagawa saakin..... ok lang...... gwapo din naman pala...... ang mapapasukan ko.....

Read more...

Task Force Enigma: Cody Unabia 8

Chapter 8 



"Sigurado ka bang kapag umali-aligid ka rito sa Kearse na ito ay makakakuha ka ng lead tungkol sa illegal na activities ni Jhay-L Lagman?" 

Seryosong tanong iyon kay Cody ni Rick. Actually, paulit-ulit na lang ang tanong na iyon. Nakakabobo na. Naiirita na rin siya. Kung hindi lang sa takot niyang katayin siyang bigla nito ay nunca na pagtitiisan niya ang pang-i-scrutinize nito sa kanya.

Alam niya kasi ang itinutumbok ng isipan nitong mas kumplikado pa sa sala-salabat at pulupot ng mga octopus wiring na makikita sa mga kalsada. Ganoon ka-gulo ang takbo ng utak nito. Hindi kayang i-solve ng isang henyong katulad niya.

"Unabia, ayoko ng ngiti mong iyan."

Natigilan siya sa narinig. Napatingin siya sa kaharap niyang salamain. Napapalatak na lang siya ng lihim. Nahuli pala siya ni Rick na nilalait ito sa isip niya. Ang tindi talaga.

Hinarap niya ang team leader nila sa Task Force Enigma. Treinta y cinco na ito. Matikas ring katulad nila. Pero ang pinakapamatay nito ay ang disposisyon nito sa buhay. Ang pagiging ultimate, super-megaduper, to the highest-level, at kung meron pang itataas ang mga iyon ay iyon na ang estado ng pagiging suplado ni Rick.

Nakakamangha dahil kahit tapunan na nito ng deadly stares ang mga babae, bakla, silahis, straight-acting daw kuno pero kung makahabol ng kapwa lalaki wagas, matrona at kung sinu-sino pang magpapa-cute dito, ay talaga namang naririto pa rin ang atensiyon.

Bakit kaya? tanong niya sa isip.

"Ayoko rin sa paulit-ulit mong tanong Ricardo." pang-aasar niya.

Tiningnan siya nito ng masama. Kung may ayaw na ayaw man ito at si Perse, iyon ay banggitin mo ang tunay nitong mga pangalan. Kay Perse siguro ay mauunawaan pa niya, pero siya lang ang nakaka-alam nun, sa pagkaka-alam niya. Malay ba niya kay Rick. May sarili kasi itong intel at talaga namang nasosorpresa sila ng husto kapag may tinawagan ito o ipinadalang tao.

"Ano bang masama duon? Gusto ko lang makasiguro na hindi mo makakalimutan. May ugali ka pa namang mag-side trip." 

Napasimangot si Cody sa hayagan nitong pambubuking. Wala man lang talagang preno ang bibig ng talipandas. Kung hindi lang ito masyadong matinik sa labanan eh. Hindi naman din kasi siya talaga lalaban dito ng totoong laban. Kahit naman sobrang asar na sila sa isa't-isa ay magkakapatid pa rina ng turingan nila. Laban ng isa, laban ng lahat.

"Wala! Walang masama. Parang pang-sampung beses ko lang naman na narinig ang mga tanong mo sa loob lang ng trenta minutos, so okay lang. Walang problema, success. Pwede ko na ngang i-dictate sayo lahat ng tanong mo eh."

"Very good." sagot lang ni Rick sa obvious na sarcastic outburst niya.

Read more...

I Don't Wanna Be Your Friend: Stanza 4


One small gesture can change a huge part of your life like the way a pebble makes gigantic ripples in the water.

“Oh god, I’m so sorry.” Nasabi ko nalang nang kumawala si Matt sa halik. Ang sarap ng halik ng ungas. Di naman siya makatingin ng maayos sa akin.

Makalipas ang ilang minute ay hindi pa rin umimik si Matt. Sa halip, tumayo lang ito at bumalik sa loob ng bahay. Sumunod naman ako. Gusto kong magpaliwanag, pero di ko alam kung pano eh. Tahimik nalang akong sumunod sa kanya. Hinintay siyang magsalita.

Narating naming ang bahay nang hindi nagkikibuan. Naupo siya sa sofa, habang naiwan akong nakatayo sa tabi. Nang hindi na ako makatiis ay nagpaalam na akong aalis.

“Aalis na ako Matt. I’m sorry, about Dianne, at ang nangyari kani-kanina lang.” iyon lang at tumalikod na ako at naglakad patungo sa pintuan. Saktong iikutin ko na sana ang doorknob ay biglang may humablot sa akin pabalik. At saktong pagharap ko nagdikit ang mga labi namin ni Matt.

I didn’t want the kiss to end. Pero syempre, hindi natupad yun. Humiwalay sa akin si Matt. Magkalapat ang aming mga noo.

“’Wag ka munang umalis. Please.” Pagmamakaawa nito. “I need someone to talk to.” Pagpapatuloy pa niya.

“Shh. I’m here.” Sagot ko naman at niyakap siya at hinaplos ang likod.

3:50 PM

“Nagugutom na ako Matt.” Sabi ko na ikinatawa naman nito,

“Haha! Kahit kelan talaga napakapatay-gutom mo!” tukso niya.

“Ahh ganon!” sagot ko naman sabay pitik sa tenga nito na agad naming namula.

“Aray! Ulol! Masakit kaya!” reklamo nito

“O, sino ngayon ang patay – gutom?!” sabi ko.

Biglang sumeryoso ang anyo ni Matt. Tumayo siya at nag-ayos ng damit, sabay sabi ng “IKAW!!” at binuntunan ng tawa saka tumakbo sa likod bahay.

Hinabol ko siya hanggang makarating sa may ilog. At dahil medyo may kalaliman iyon na hanggang dibdib, hindi makakatawid si Matt.

“May sinasabi ka?” natatawa kong tanong nang makitang wala na siyang mapupuntahan.


“Ah eh, sabi ko, napakagwapo ng bespren ko.” Sabay ngiti.


“Ahhh, iyon naman pala eh.” Sabi ko naman.

“Ba’t ka tumatawa? Sabi ko, gwapo pero patay-gutom!” kantiyaw ulit nito.

Dahil dun, sinugod ko siya papunta sa may ilog.

“O, o, teka lang, wala akong…” hindi na natapos pa ni Matt ang sasabihan dahil sabay na kaming nahulog sa may ilog. Nagpambuno kami sa may tubig. Nagkatawanan. Maya – maya pa ay nagtama ang paningin naming ni Matt. Parang biglang tumigil ang mundo ko, and then something from somewhere seemed to pull my face closer to his. At sa isang iglap, nagdikit ang aming mga labi. Hindi naman pumalag si Matt, bagkus, gumaganti rin ito ng halik. Isang halik na pinangarap kong sana’y hindi na matapos.

Nang matapos ang halik ay hindi ako makatingin ng deretso sa mga mata ni Matt. Hindi ko rin maipaliwanag ang nararamdaman ko. Am I still just comforting him? Am I gay? I’ve had girlfriends before and I’ve had sex with them before, pero iba ang nararamdaman ko para kay Matt. It’s like I don’t wanna lose him.

Napansin ko ang tension sa aming dalawa. Walang nagdare na magsalita sa amin kaya ako na ang bumasag sa katahimikan.

“Nagustuhan mo ang halik ko no?” tukso ko sa kanya.

“Tang ina mo! Kapal ng mukha, ni hindi ka nga marunong humalik eh.” Balik pang-aasar niya sa akin.

“Ahh ganun, eh di ulitin natin.” Paghahamon ko.

Akmang hahalikan ko na siya nang pigilan niya ako.

“O sige na, ikaw na.” sabi nito sabay tawa. Maya – maya pa ay naghubad ito ng damit.

“O anong ginagawa mo?” taking tanong ko naman.

“Ano ba sa tingin mo, eh di naghuhubad.” Pilosopong sagot niya.

“Alam kong naghuhubad ka, ang tanong ko bakit.” Sabi ko naman.

“Eh, total basa na rin lang tayo, ba’t hindi nalang tayo maligo diba.” Sabi nito saka tinapon ang hinubad na damit sa may tabing-ilog. Maya-maya pa ay pantalon naman ang hinubad nito, at hinagis na rin. Ginawa ko naman ang ginawa niya hanggang boxer shorts at brief nalang ang natira sa aming dalawa.

Naligo kami, naglaro, nagkantyawan. We enjoyed ourselves hanggang gumabi na. Kaya naisipan na naming bumalik ng bahay.

“Pano ngayon to?” tanong ko habang hawak-hawak ang basing pantaloon at sando.

“May mga damit ako sa taas. Teka kukunin ko lang.” sabi naman ni Matt.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nang makuha ay agad kaming nagbanlaw at nagbihis. Napagdesisyonan rin naming sa labas nalang kumain. Napagkasunduan din naming isama sila Jason at Andrew. We decided to eat sa paborito naming kainan malapit sa school. Masarap kasi doon kahit pa sabihing cheap lang ang pagkain.

“Ang tagal naman nila Jason.” Sabi ni Matt.

“Oo nga eh. Kanina pa tayo nagtext di ba?. Hindi ka ba tinext?” tanong ko.

“Di eh. Hintay nalang tayo konti.”

Bago pa ako makasagot ay nakita kong pumarada ang sasakyan ni Andrew sa harap ng restaurant. Bumukas ang pintuan ng sasakyan at iniluwa nito sina Andrew at Jason and one unexpected person. Si Michelle.

TO BE CONTINUED….


By: Ji Jei (kill_joy145@yahoo.com.ph)

Read more...

Jed, I love You

by Jayson Patalinghug

Note: Ang kwentong ito ay kathang isip lamang. Alin mang pagkakahawig sa totoong buhay o tao o pangyayari ay hindi po sinasadya ng may akda. Naglalaman din po ito ng sensitibong eksina sa pagitan ng dalawang lalaki. Kung hindi po kayo komportable sa ganitong kwento ay maari po lamang na lisanin ninyo kaagad ang blog na ito.

Nais ko din pasalamatan si Jethro Patalinghug sa pagpayag niyang maging model sa mga posters ng aking mga kwento. Sana ay magustuhan ninyo it at magsilbi itong inspirasyon sa inyong mga buhay. 

Labis ko pong ikakatuwa kong mag-iiwan kayo ng commento matapos ninyong basahin ang kwentong ito.

-Admin Jayson
*****************************************


Ano ba itong nasa isip ko? Ang isiping pwede kong sabihin sa kanya ang aking nararamdaman at sasabihin din niya sa akin na mahal niya ako pagkatapos ay magyayakapan kami at maghahalikan ay isang kahibangan. Si Jed na yata ang pinaka perpektong lalaki para sa akin. Masarap sana kung totoo ang lahat ng aking mga agam-agam. Kailan pa ba ako matututo? masakit ang katotohanan.

“Pasensya ka na Jay… pero alam mo namang babae ang gusto ko.” Malinaw pa ang mga katagang iyon sa aking ala-ala. Para itong isang sibat na tumusok sa aking puso… napakasakit…walang kasing sakit. Hindi iyon ang inaasahan kong mangyari pagkatapos ko siyang mahalin ng lubos-lubos sa loob ng dalawang taon. Siya lang ang lahat para sa akin na kahit ang tumingin man lang sa ibang gwapong lalaki ay isang malaking kasalanan na para sa akin. Sabi ko sa aking sarili na matatanggap ko kung isang araw, sasabihin niyang magkaibigan lang talaga kami, pangako ko sa sarli ko na magiging matatag ako kapag sinabi niya sa akin na hindi lalaki na tulad ko ang type niya. Ngunit tila may sariling utak yata ang aking puso, ginagawa nito ang gusto nitong gawin, at ang katotohananang mawalan ka ng taong sobrang mahal mo ay nagdudulot ng sakit na di mo makokontrol. Napaka tanga ko talaga nang maniwala ako sa aking sarili na kaya kong ihandle ang mareject ng taong mahal ko. At ngayon, ang sakit ay tila walang katapusang batis na nagdudulot ng matinding paghihinagpis.

Marahil ay gawa-gawa ko lang ang lahat. Ang aming relasyon…ang aming samahan. Ang bawat dampi ng kanyang mga kamay sa aking katawan, ang mga bulungan, tawanan, at ang mga makahulugang titig. Sobrang mahal ko siya na niloloko ko na ang aking sarili, pilit na kinikombense na totoo ang lahat ng mga iyon. Pinaniwala ko ang aking sarili na gwapo ako, sexy at maari ding balang araw ay magkakagusto din siya sa akin. Haaay…kahit kailan di niya ako minahal, ang lahat ay pawang pangarap lamang na kahit ang pinaka simpleng bagay na ginagawa niya ay binibigyan ko ng kahulugan. Yung parang baka mahal din niya ako ngunit nahihiya lang siyang umamin. Pero mali ako. Naiinis ako sa katotohanang babae ang gusto niya. Walang babae ang magmamahal sa kanya ng gaya ng pagmamahal ko. Walang babae ang makakapagpatawa sa kanya gaya ng ginagawa ko, walang babae ang nakaka alam ng kanyang mga problem at mga sekreto, o makapagbibigay sa kanya ng kanyang mga kailangan gaya ng pwde kong ibigay.  Wala. Pero, hindi pa rin ba iyan sapat? Isinilang lang ako sa maling katawan.

Read more...

Mr. Sunshine Meets Mr. Gloom - Chapter 2

“IKAW!” sabay nilang sigaw.Medyo na bulabog ang mga tao sa La Mia Taza at medyo na pansin ito ng manager kaya naman lumapit ito at nagtanong ng nangyayari.
            “Um sir meron po bang problema?” tanong ng manager
            “Ah wala naman” sabi ni Nico habang nakasmile ng sobrang tamis
            “Ganoon ho ba? Medyo na bulabog kasi ang ibang customer” sabi ulit ng manager
            “Um Sir we’re sorry for the commotion that we made but everything’s fine” sabi naman ni Mark. Na medyo kinatakutan ng manager dahil sa aura nitong nakakatakot.
            “Ok sir” pagkasabi nito ay dali daling umalis. Sa pagalis ng manager ay natahimik ang dalawang campo. At umopo na si Mark paharap kay Nico. Sa pagupo ni Mark hindi sinasadyang matitigan ito ni Nico at medyo nainis si Mark sa ginawa niya.
            “Bat ka nakatingin ng ganyan?” tanong ni Mark na may diin
            “W-Wala. Akala ko kasi ikaw yung nakikita ko sa labas na baliw” sabay tawa
            “Pwede ba andito ako para sa business so let’s just talk business”
            “Alam mo bang kanina pa kami naghihintay sayo” medyo umiinit na ang mga campo
            “Sa tingin mo. Syempre alam ko yun kaya nga nagmamadali ako pumunta dito at ang dadatnan ko lang pala eh mga taong naguusap na para bang date ito.” Ratrat ni Mark
            “Ako kasi kinakausap ko ng maayos ang mga taong nagiging cliente ko para naman magi silang comportable sa akin at mga pauusapan. At alam kong hindi ito date kinikilala ko lang ng mabuti ang mga cliente ko!” Ratrat naman ni Nico.
            “Let’s talk business alright guys” awat ni Alex sa dalawa dahil baka makagawa nanaman ito ng commotion sa shop
            “Oo nga naman” sabat naman ni Jamie. At dahil doon natauhan ang dalawa at pinagusapan na ang business. Ilang oras rin silang nag usap at sinabi ang mga condisyones sa pagiging partner nila. At ayon na nga nag signing of contract na at natapos na ang lahat. Tumayo na si Nico at papalabas na ng.
            “AHhhhhhhhhhhhh!” sigaw ni Nico dahil na rin sa my hindi siyang napansing paa na nakaharang sa kaniyang daanan. Dali daling tumayo si Alex at sinalo si Nico. Dahil sa pagkakasalo ni Alex kay Nico ay saglit na tumigil ang mundo ni Nico. “Shit, ang gwapo talaga ni Alex maslalo na sa malapitan.” sabi nito sa isip niya.
            “Nico ayos ka lang ba?” tanong ni Alex na nagpabalik kay Nico sa realidad
            “Ah eh anu...Ok lang ako” taranta sagot ni Nico. At itinayo na siya ni Alex
            “S-Salamat nga pala Alex” sabi Nico
            “Ah wala yun” sabi naman ni Alex.
            “Ah sige mauna na kami” sabay hila kay Jamie na nakaupo pa. Ngunit walang nagawa si Jamie at sumunod na kay Nico. Nasa pintuan na sana sila ng my humawak kay Nico ng kaniyang kamay na nagpatigil sa kaniya, sasapakin na sana niya ang taong yun ngunit nakita niya si Alex na my dalang panyo.
            “Oh nahulog mo Nico”
            “Ah salamat ulit” sabay kuha ng panyo
            “Ah Nico....May itatanong sana ako” medyo nahihiyang sabi ni Alex
            “Anu yun Alex?”
            “Pwede ko bang mahingi ang number mo?” tanong ni Alex
            “Ah yun lang ba oh ito” sabay bigay ng kaniyang calling card
            “Ah sige salamat ulit Alex” sabay ngiti si Nico na napakatamis. Lingin sa kanilang lahat ay nakamasid lang si Mark sa lahat ng ngayayari. Ang akala niya ay gegerahin siya ni Nico dahil sa pagkatisod nito ngunit bigo siya at sa tuwing nakikita niya si Nico ay umiinit talaga ang dugo niya.
Samantala pagkatapos ng usapan iyon ay dumeretso na sila Nico sa restaurant:
            Naka upo sila Nico sa opisina niya sa loob ng restaurant at kasama si Jamie.
            “Haiiiiiiiiii” sabi ni Nico
            “Hoy nagdedaydream ka nanaman Nico”
            “Ikaw ba naman kasi unang taong humingi ng Number mo”
            “Ngek number lang naman ah eh an rami kaya ng humihingi ng number mo ng college and high school hindi mo binibigay kasi ang sabi mo mauna ang studies mo. Tapos ngayong tapos kana at my sarili ng resto eh marami parin huminhingi di mo naman binibigay. Kay Alex lang yata ah.” Ratsada ni Jamie
            “Eh sa angwapo naman noon eh at isa pa mayaman dream guy ko na yun te. Pasalamat yung isa doon hindi ko na siya geneyera dahil sa nataranta ako sa giniwa ni Alex sus kong hindi lang sana ako na salo ni Alex kakalbohin ko yung isang yun!” galit na sabi ni Nico
            “Ganoon haba ng hair mo ah. Hay naku masgusto ko si Mark ang gwapo at naks sa attitude.”
            “He! anu naman kung gwapo yun eh ansama naman kaya ng ugali ni hindi nga nagpakilala sayo at saakin diba”
            “Ay oo nga no pero gash ang gwapo talaga”
            “Hay naku bes mabuti pa bumalik kana sa opisina mo at baka anu pang mapagusapan natin”
            “Mabuti pa nga” umalis si Jamie sa at naiwan si Nico na nagiisa at nagiisip kay Alex
Sa kabilang dako naman ng ating storya:
            Nasa opisina na rin si Mark at si Alex na pinagusapan ang nangyari kanina
            “Nakakainis talaga!” bulyaw ni Mark
            “Anu naman kinaiinisan mo?”
            “Yung Nicong yun. Hay makita ko lang eh nabwibwisit na ako. At isa pa Alex bakit mo pala hiningi number noon wag mong sabihin na my gusto ka doon.”
            “Anu ba ikinagagalit mo kay Nico ha? Eh anu ngayon kung gusto ko yung tao alam mo naman na BI ako ah.”
            “Eh yun kaya yung nakatama sakin sa ulo sa coffee shop. At isa pa pagnakikita ko yun eh nabwibwisit talaga ako ng di ko alam. Anu!? Alam kong BI ka Alex pro hindi ganoon mga gusto mong diba?”
            “Hindi ko rin alam bro basta nong kasama ko si Nico parang angaan ng loob ko. Parang ansarap niya protektahan at ansarap ng pakiramdam pag tumatawa siya”
            “Don’t tell me bro you’re in love with that fag?
            “Maybe, I’m not sure. Eh anu naman kung in love nga ako kay Nico. Wag mong sabihing nababakla kana sakin bro?”
            “Gago, hindi anu. Nakakabwisit lang talaga yun Nicong yun. I hope I never see him again”
            “Bahala ka nga sa buhay mo bro. Oh siya aalis na ako at my gagawin pa ako sa office ko. Just call me if you need me and wala pa pala akong pamalit na secretary mo. Ayaw na yata ng mga hiring company na magbigay dahil lahat naman daw eh nasisisante kung hindi isang araw mga oras palang wala na.”
            “Oh sige ako na muna magmamanage kaya ko naman .”
            “Sure ka dyan ha?”
            “Oo nga umalis kana kaya”
            Pagkasabi ni Mark noon ay hindi na nagsalita pa si Alex at umalis na ng opisina. Habang naiwan si Mark na nagiisip kung pano makagaganti kay Nico.   
Kinabukasan sa ating bidang si Nico
            Nakaupo si Nico sa opisina niya at ginagawa ang lahat ng gawain ng biglang mag ring ang cellphone niya dali dali naman niya itong sinagot.
            “Hello this is Nico speaking”
            “Ah Nico this is Atty. Alex”
            “Oh ikaw pala Alex bakit napatawag ka? Akala ko kung sino na”
            “Ah ganoon ba. Um Nico my gagawin kaba after work?”
            “Wala naman bakit?” medyo kinikilig na si Nico dahil alam niyang yayain siya ni Alex na mag date
            “Mabuti naman. Yayain sana kitang kumain sa labas. So I’ll pick you up at 6?”
            “Sure” gustong humiyaw ng puso ni Nico dahil sa kilig.
            “Ah sige so 6?”
            “Oo nga. Ulit ulit kana yata ah?” natatawang sabi ni Nico
            “Ah ganoon ba medyo excited yata ako. Oh sige bye na baka nakakaistorbo na ako sa ginagawa mo.”
            “Ok lang yun basta ikaw Alex wala ko pakialam sa mga gagawin ko.” Gusto sanang isatinig ni Nico ngunit hindi niya nagawa dahil alam niyang magmumukha siyang tanga at malandi.
            “Ah sige. Di naman konti lang naman ginagawa ko.”
            “Oh sige bye Nico see you Later”
            “Bye Alex. Later” pagkatapos noon ay pinindot na niya ang end call. Lumipas ang oras at naghanda na si Nico sa Date nila ni Alex. Paglabas na paglabas ni Nico sa office ay nakita sa labas ng resto ang isang  na sa tingin niya ay kay Alex. Kaya naman humugot siya ng isang buntong hininga, iniligay ang napakatamis niyang ngiti at lumabas sa resto. Hindi nga nagkamali si Nico kotse nga ito ni Alex kaya naman paglabas na paglabas niya ay binusinahan agad siya ni Alex at ibinaba ang salamin ng kotse
            “Nico!” sigaw ni Alex kay Nico
            “Ako nga bakit?” tanong ni Nico na nakangiti
            “Sandali alam ko may pupuntahan ako. Alam mo ba kung sino ang sundo ko Alex?” dongtong nito
            “Sandali sino naman kaya yung hinihintay kong cute? Ikaw ba yun Nico”
            “Ako cute hindi ako cute gwapo ako?” sabay tawa. Sa pagtawa ni Nico ay hindi niya namalayan na nasaharapan na niya pala si Alex.
            “Ay Kabayo!” gulat na sabi ni Nico
            “Ako kabayo?” sarkastikong tanong ni Alex
            “Nang gugulat ka naman eh”
            “HIndi kaya ikaw lang naman ang gugmulat sa sarili mo.” Tawang sabi nito
            “Ah ganoon edi hindi na lang ako sasama” tampong sabi ni Nico
            “Oh sige na ako na po ang may kasalanan. Sorry na” sabay luhod
            “UY anu kaba anraming nakakita tumayo ka nga”
            “Hindi ako tatayo hanggat hindi ka nagsasabing sasama ka”
            “Oh sige na sasama na ako. Para tayo nitong magjowa tumayo kana nga”
            “Bakit ayaw mo ba?” tumayo na si Alex.
            “Ngek ni hindi ka panga nanliligaw eh” hindi na sumagot si Alex at pinagbuksan na lang si Nico ng pintuan. Naintindihan naman ni Nico ang ibig sabihin ng ginawa ni Alex kaya pumasok siya sa kotse at pumasok na rin si Alex. Nasa driver seat si Alex habang si Nico naman ay katabi nito.  At pumunta na sila sa kanilang destinasyon. Inihinto ni Alex ang sasakyan sa harap ng isang resort.
            “Hanggang dito muna tayo Nico”
            “Bakit naman?”
            “Mabliblindfold ka muna”
            “Ngek kailangan ba talaga yun?
“Oo sympre para surprise”
            “Edi magblindfold”
            “Lumabas si Nico sa kotse at tumalikod kay Alex” lingayan naman ni Alex ng blindfold si Nico. At nagsimula na silang maglakad. Mula sa tiles ng resort ay naramdaman na niya ang buhangin sa paa at naririnig na niya rin ang alon mula sa dagat at umiihip na rin ang malumanay an hanggin sa tabing dagat. Dahan dahang inalis ni Alex ang blindfold at.
            “WOW” nanlaki ang mga mata ni Nico sa nakita

To Be Continued........

Read more...

Daglat presents: SEE LAU part2

Naaalala pa ba ninyo ito? Hahaha! Super duper late na ang update ko ng See Lau, almost 3months na din ata.. Hahahaha..

Salamat kay Kuya Jayson, para sa'yo, tatapusin ko po itong See Lau..
Russel, salamat sa lagi at laging pagtatanong mo sa pag-uupdate ko..
Jaceph, libre ko, huwag mong kalimutan!!

EMRAY08, wala lang, mention lang kita..

Daglat Series presents
See Lau
Ikalawang Bahagi: /ee-ka-la-wa-ang/ - /ba-ha-gee/
A – B – C – D
“Ikaw na naman?” naibulalas ni Martin ng makilala kung sino ang kundoktor sa bus na sinasakyan niya.
“Co-incidence.” makahulugan at nakangiting sagot ni Cris kay Martin.
“Co-incidence?!” ayaw maniwala sa sagot ni Cris na tugon ni Martin. “Baka naman sinasadya mo na lang? Palipat-lipat ka ng bus.” dugtong pa nito.
“Hindi kaya!” tanggi naman ni Cris. “Hindi daw kasi masakay ng ganitong oras kaya mas madali daw matuto.” sagot pa nito.
“Sabi mo eh.” pilit pa ding pinapaniwala ni Martin ang sarili sa sagot ni Cris.
“Huwag kang magpapatabi ah!” bilin ni Cris kay Martin. “Tatabi ulit ako sa’yo.” nakangiti pa nitong paalala.
“Sabi mo eh!” napangiting sagot ni Martin. Hindi maipaliwanag ni Martin kung bakit gusto niya ang ideyang makatabi si Cris sa upuan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit ba nagiging malaking bagay sa kanya na matabihan nito at makausap.
“Asan na ticket ko?” tanong ni Martin kay Cris pagkaupo nito sa tabi niya.
“Titicketan pa! Huwag na!” nakangising wika ni Cris.
“Baka masisante ka niyan! Bago ka pa lang nagloloko ka na.” nag-aalalang sabi naman ni Martin.
“Hindi yan!” kontra ni Cris.
“Sige na! Asan na ticket ko!” pilit ni Martin kay Cris.
“Huwag na sinabi! Kay kulit naman!” pagtutol pa din ni Cris.
“Akin na yang ticket at ako magtiticket sa sarili ko!” sabi ni Martin saka kinuha kay Cris ang ticket.
“Pasaway!” sagot ni Cris saka taas ng kamay niyang may hawak ng ticket.
“Akin na yan sabi!” pamimilit ni Martin saka tumayo para abutin ang nasa kamay ni Cris.
“Bawal nga!” biglang baba naman ni Cris sa kamay ngunit nahabol agad ito ni Martin at nakuha ang ticket.
Biglang niyakap ni Cris si Martin na tipong pinipigilan niya ang binata sa ginagawa nito.
“Pakawalan mo nga ako.” natatawang turan ni Martin.
“Balik mo muna iyan sa akin!” sagot naman ni Cris saka idiniin ang baba niya sa balikat ni Martin.
Malutong na tawa ang naging tugon ni Martin sa ginawang iyon ni Cris.
“Akin na yan!” saad ulit ni Cris habang patuloy pa din niyang kinikiliti si Martin.
“Ayoko nga! Ticketan mo muna ako!” tanggi pa din ni Martin.
“Hay! Ang ‘ulit!” nakayakap pa din si Cris kay Martin.
“Tigil na!” sabi ni Martin. “Hinihingal na ako.” sabi pa ng binata saka bigay kay Cris ng ticket ng bus.
“Bibigay ka din pala!” nakangiting saad ni Cris. “Pinahirapan mo pa sarili mo.” dugtong pa nito.
“Saka nakakahiya! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao.” katwiran pa ni Martin.
“So what?” sagot naman ni Cris na pinapungay ang mga mata at tiningnan si Martin sa mga mata. “Who cares about them?” tanong pa ng binata.
“Sosyaling ingleserong kundoktor talaga ‘to.” sa isip-isip ni Martin. “Baka isipin nila bakla tayo.” paliwanag pa nito.
“Bakit binigyan mo bang malisya iyong ginawa ko sa’yo kanina?” tanong naman ni Cris kay Martin.
Biglang natigilan si Martin sa tanong na iyon ni Cris. Hindei niya alam kung ano ang isasagot. Sa katotohanan lang ay nagulo ang mundo niya sa tanong na iyon ni Cris. May kung ano sa kanya at nagbubulong na oo, binigyan niya ng malisya ngunit may bahagi niya ang tumututol. Dahil sa tanong na iyon ni Cris bigla siyang nakaramdam na may malisya ba talaga sa kanya ang nangyari kanina.
“Hoy Emartinio!” bati ni Cris sa natigilang si Martin.
“Hindi!” mariing sagot naman ni Martin.
“Hindi naman pala eh!” sang-ayon ni Cris. “Sa gwapo kong ito magiging bakla ako.” pagyayabang pa nito.

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP