Perfect Two - Episode 2
Monday, September 26, 2011
Author's note: Thanks po sa mga nagbasa ng una..sorry po kung sobrang ikli hahaha. Btw, the song has a role to the story..not just kaparehas ng title. basta may role siya kaya ko nilagay yung song na yun hahaha. anyway, eto na! hahaha
Enjoy reading! lol
Episode Two - Vinvin ko
You got one message from greatprince.
Yan ang nakalagay sa notification bar ng cellphone ko. Binuksan ko yung message.
greatprince : hi. sensya na kakabalik ko lang sa pwesto ko, lunchbreak eh. kaw ba? nag lunch ka na?
Hala? sino toh? Malay ko ba kung sino to..ang alam ko, wala naman ako pinagbibigyan ng e-mail ko.
me: Hmmm? Uhmmm..kilala po b kita?
greatprince: hindi mo pa ako kilala..pero ikaw..parang..isa ka sa mga authors ng MSOB right? Yung author ng TBTIEH?
Ahhh alam ko na kung paano niya nakuha..Ang tanga ko talaga..nilagay ko nga pala sa info ko sa profile ko yung e-mail ko. hay nako ang tanga ko talaga. Natawa lang ako sa katangahan ko..
me: yup! :) thank you po sa pagbasa!
Natuwa naman ako dahil may nagbabasa pala ng story ko..malay ko ba kasi kung meron nga..actually nga eh hindi ko naman inaasahang may magbabasa ng story ko at magtitiyagang subaybayan..compared kasi sa ibang mga authors, pipichugi lang ang story ko. hahaha.
greatprince: gusto ko yung takbo ng storya at hanga ako sau sa galing ng imagination mo at pagiging creative mo..
Wow! Creative raw ako? naku, binobola lang ata ako nitong tao na to eh.
me: maraming salamat po! uhmmm..ano po b name niu?
greatprince: John Marvin here, pero you can call me Marvin.
Nagulat naman ako dahil magkamukha pa kami ng pangalan.
me: Wow! same name tayu kuya! :) just cal me Vin or Vinvin hehe.
greatprince: ou nga eh. at wag mo na ako i-po, pakiramdam ko lalo ako tumatanda.
me: oki po hehe. sige, kuya na lang..kuya Vin.
greatprince: :) hope we can be good friends.
So ayun, humaba ng humaba ang conversation namin ng gabing iyon,.nagkwentuhan kami ng mga kung-anu-anu..kung taga-saan ba kami, kung paano ako nakapunta dito sa US.at kung anu-ano pa.nalaman kong nagtatrabaho na pala siya...hindi ko alam kung bakit pero parang ang gaan ng loob ko sa kanya. btw, eto full name niya : John Marvin Santos, nakatira sa Pilipinas. Kaya we're thousand miles apart. Ang cute nga eh, kasi same name kami.
greatprince: pde magtanong?
me: ano po yun kuya?
greatprince: ano pakiramdam mo sa akin? Sa tingin mo ba mabait ako at mapagkakatiwalaan?
Nagisip muna ako saglit bago makasagot.
me: hmmm...hindi ko alam kung bakit pero..ang gaan kaagad ng loob ko sayo..maybe dahil same name or something..ewan! lol
greatprince: talaga? :)
me: opo eh hehe.
greatprince: cge, simula ngayon, kuya vinvin na ang tawag mo sa akin, at little vinvin naman ang tawag ko sayo. :)
me: ang cute naman! "little vinvin" heheh :)
Normally kasi, ang tawag ng mga nagiging kuya-kuyahan ko sa akin, ay bunso..siya pa lang ang unang tumatawag sa akin ng little vinvin.
greatprince: cute diba? so from now on,..ikaw na si my little vinvin. :D ok ba yun sayo?
Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinilig nung nabasa ko yung "MY" little vinvin..Ang lantod ko talaga!
me: oks na oks kuya vinvin! :)
greatprince: nagulat ka ba ng may biglang nag-add sa'yo sa ym?
me: opo hehe. I was like, who's this?!?
greatprince: hehe, buti na lang at hindi mo ako ni-reject at binlock?
me: Di naman po ako ganun, titingnan ko muna if kilala ko ung tao or isa ciang taong gustong makipagkaibigan..bsta good influence, ok sakin un..pero kung ang first message mo kaagad sa akin eh naoffend mo ko, block ang aabutin mo hahaha.
greatprince: don't worry little vinvin ko, pipilitin ko maging good influence sayo.... :)
Naku ayan na naman, kinikilig na naman ako sa "little vinvin KO". Namemental block tuloy ako! Ganun kasi ako, kapag kinikilig, namemental block..parang nawawala bigla lahat ng iniisip ko..ewan ko ba! Abnormal na nga talaga yata ako.
So ayun, kuwentuhan to the max ulit. hanggang sa nalaman kong 32 years old na pala siya. Honestly, di naman ako naturn-off sa edad..wala naman akong standards na kailangan pagdating sa age,.
greatprince: nakakahiya naman little vinvin kase layo ng agwat ng edad natin eh..baka mailang ka sa kuya vinvin mo.
me: naku kuya! ok lang yun! Age doesn't matter! :)
greatprince: talaga? hindi ka naiilang? yung totoo po?
me: ndi po ako naiilang kuya..so what if you're 32? wala naman pong kaso yung age..kuya kita,..ur my friend,.ur a good guy naman eh,.and nothing's gonna change satin..
greatprince: salamat little vinvin ko..sana makapag-cam ka dyan para makita ko naman si little vinvin ko.
OMG naku! Cam daw! Anong gagawin ko? Hmmm isip! isip!
me: siguro next time na lang po kuya vinvin ko...gabi na kasi, baka pagalitan na ako ng parents ko po.
greatprince: ahh ganun ba? sige next time n lng....
Hindi ko alam kung bakit pero kahit malayo siya sa akin eh, nararamdaman kong na-upset siya..kaya naisip kong mag-send na lang ng picture sa kanya..nag-send din siya ng picture sa akin..cute si kuya vinvin..hindi mo mahahalatang 32 years old na..akala ko niloloko niya lang ako na 32 siya kasi mukha lang siyang 25 or something..nagkuwentuhan pa ulit kami ng kaunti hanggang sa dalawin na ako ng antok..time check: 3:39 am..
me: kuya vinvin ko, matutulog na po ako..inaantok na po kasi ako eh.
greatprince: ahh ganun ba? sige usap na lang ulit tayo next time,.matulog ka na little vinvin ko,.
me: sige po kuya vinvin ko, goodnight po! :) hugs*
Magsisign-out na sana ako ng ym ng bigla pa ulit siya nag-message. tiningnan ko naman ito.
greatprince: hugs lang?
Hala! Demamding?
greatprince: ala ba goodnight kiss si kuya?
Hindi ko alam kung bakit pero kinilig ulit ako..namental block na naman tuloy ako.
me: Mwah! ayan po ah! :) goodnight po, ingat ka po jan kuya vinvin ko.
greatprince: thanks little vinvin ko,.and goodnight sayu jan, ingat din ikaw palagi..mwah!
At nagsign-out na nga ako at nakatulog. The next day, 12 pm na ako nagising.,Inaantok pa ako habang naglalakad palabas ng kwarto papuntang bathroom para maghilamos..Pagkahilamos ko'y nakita ko ang mommy at daddy ko na naglilinis ng mga kalat ng party kagabi..
"Good morning anak!" bati sa akin ni mommy.
"Morning mommy.." sabay kiss sa pisngi..naghikab pa ako pagkatapos batiin si mommy. Tinulungan ko sina mommy magligpit at mag-ayos ng bahay,. Haayy nako, kung hindi lang birthday ni kuya, siya paglilinisin ko dito! Pinulot ko ang mga nakakalat na mga cups sa floor, ang mga basyo ng bote ng beer, at ipa bang mga kalat. Nagwalis-walis, nag punas-punas, and at last, natapos din..
After kong maglinis ng bahay, pumunta ako sa balcony para magpahangin..doon na rin ako kumain..kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang conversation namin ni kuya vinvin kagabi. Habang tinitingnan ko ang conversations namin, hindi ko maiwasang mangiti..hindi ko alam kung tama ba itong nararamdaman ko pero bahala na!
Lumipas ang oras at nagdilim na rin ang kapaligiran..
Grabe ang tagal naman mag-online ni kuya Vinvin ko. Halos matunaw na ang cellphone ko sa dahil nakatitig lang ako habang hinihintay makapagonline c kuya Vinvin.
Teka, mag-7 PM pa lang naman pala..so mag-7 AM pa lang sa kanila, eh mga 8 pa daw cia makakapagOL, sabi niya kagabi...Masyado akong atat! Hahaha! Eh anong magagawa ko? Eh namimiss ko na yung tao?
Hindi ko alam kung bakit ko siya namimiss,.siguro dahil naging maganda ang conversation namin kagabi kaya namimiss ko na siya kausapin agad..
Ewan ko! Ang lantod ko talaga!
Para akong tanga na nakikipagtalo sa sarili ko habang nakaupo sa isang upuan sa balcony ng bahay namin..Nakatingin lang ako sa kawalan.naisipan kong mag-sound-trip ulit, nilagay ko muna yung phone ko sa back pocket ko.mga ilang kanta rin ang nakalipas at tumugtog muli ang kantang Perfect Two..Maya-maya'y nagvibrate ang pwet ko.
Yes, my butt vibrated hahaha
Nagulat ulit ako..Gosh! I have to stop putting my phone on my butt!
Kinuha ko ang phone ko. Sino naman kaya ito?
------------------------------
Until the next episode,
little vinvin <3
contact me @:
fb: vince_blueviolet@yahoo.com [pakilala na lang po kayu :) ]
ym: binz_32@yahoo.com