Terrified (ReRun)

Wednesday, April 13, 2011

Author:Unbroken
FB:Iheytmahex632@gmail.com
BLOG:http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/

Please follow! Comments are highly appreciated.


NOTE:Bago tayo magpunta ng story proper,magpapasalamat muna ako sa mga readers ko. Maging sa silent readers ko na nagmemessage nalang bigla sa FB ko or even sa aking e-mail. Maraming salamat po!


--------------------------------------
“Nakikita kita Jared. Alam ko lahat ng sakit na dinaranas mo. Wag kang matakot sa bukas,kahit anong mangyari,andito ako. Ako ang kaisaisang taong hindi tatalikod sa’yo. Ganoon kita kamahal.”


“Anak,am a bit worried sa mga nangyayari sa’yo recently. Ano bang nangyayari? I’ve heard you’re screaming sa kwarto mo. Ano bang problema?” Alalang tanong ko sa aking unico hijo.

“Hijo,you can tell us what’s bothering you. We can help you. Wag kang mahiya sa amin ng mommy mo.”sabi ng aking esposong si Victor

“Anak,please. Magsalita ka naman,hindi ka naman ganyan dati ah? Please anak,what’s wrong?”ulit kong sabi sa aking anak.

“I am okay mom. Don’t act as if you care.”mahina ngunit sarkastikong tugon ni Jared sa akin.

Nakaramdam ako ng pamumula sa aking pisngi. Kahit paano ay nakaramdam ng pagkainsulto. Nalungkot dahil hanggang ngayon ay may galit pa din si Jared sa aking ginawang pagkakasal sa kanyang amain at aking asawang si Victor. Hindi ko alam,may mga pagkakataon na okay naman si Jared,may mga oras naman na biglang nagiiba ang mood nito. Minsan ay sobrang okay naman ang relasyon nila ng kanyang Tito Victor,minsan naman ay halos kamuhian nya ito. Hindi ko alam kung anong meron o anong nangyayari kay Jared. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganoon ang attitude nya. Dati naman ay ayos ang aming pagsasama sa aming lumang bahay. Pero ngayon,mas madalas na magkulong si Jared sa kanyang sariling kwarto. May mga panahon na maririnig mo ang kanyang sobrang lakas na pagtawa,minsan naman ay sumisigaw ito,minsan makakarinig ka ng dabog at pagbalibag ng gamit sa kanyang kwarto. Ano bang nangyayari sa anak ko.

Unconsciously,dala na rin ng disappointment na nararamdaman ko sa nangyayari sa anak ko,di ko naiwasang lumuha sa harap ng hapag kainan.

“Ma,wag ka na umiyak.”sabi ni Victor habang tinatapik ang aking balikat.

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP