Ang Kwintas, ang Snickers at Si Patrick. (Part 25)

Saturday, December 17, 2011



Salamat sa mga patuloy na sumusubaybay ng series na ginawa ko. Ganun din sa mga silent readers na nagbabasa rin ng series ko. Nawa'y kung merong mga GRAMMAR FLAWS kayo na makikita especially this EPISODE, ipagpaumanhin ninyo na lang kasi first time ko lang magsulat.

Salamat din sa mga:

Kaibigan ko, kaklase ko sa block section ng MBA sa PLM, mga ka-officemate ko na habang tina-type ko ito ay binabasa ng patago ang nobela ko, sa bestfriends ko at mga barkada ko, at higit sa lahat, kay Patrick na siyang naging dahilan para makapagsulat ako ng ganito. (Sino siya?! Well... Secret!! Hehehehe..)

Siyempre, sa mga avid readers na palaging nagko-comment ng nobela ko:

Sina Dada, jac, mArk, mcfrancis, j.v, -Ram, Nujum, LightRundle, Erion, boy jazz, coffee prince( number one fan ng novel ko..) Kuya Nitro, mga anonymous readers (mga mentor ko pagdating sa grammar and spelling) Ross ram, salamander, jeh, Aqua16, Sen Janus(Don't worry, i will post some of my missing parts of my story ASAP, but not now..) dark_ken(fan ako ng novel niya..) jasper.escamillan(nag-iwan pa ng number sa akin, don't worry, I'll text u if I have some spare time Hahaha!!) Ernes_aka_jun, Magno, Jay aka Jcoi, BourbonConan, chris018, jayfinap(in-add ako sa account niya at isa sa mga idol ko pagdating sa series) zenki, Ronn, ogie8906, at si JhayCie. Guys.. Sana nagustuhan ninyo ang story ko!!!


ANY COMMENTS, OPINIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE AFFABLY WELCOME!!!

(This story is based on my real life. I changed the names of those persons involved including myself to keep our characters confidential and personal.)

Any commonality to any individual, place, or written works are absolutely COINCIDENTAL.

DISCLAIMER: The author withholds all his prerogatives to the work, and requests that in any use of this material that his rights are purely respected. No part of this story maybe reproduced or transmitted in any form or by any means: replicating, copying, duplicating or otherwise, without the prior consent or permission of the author himself.

To visit my accounts, just get me in track here, AyT?!:

Blog: http://pinnohy.blogspot.?com/

FB: http://www.facebook.com/pINNOHy

TWITTER: @pINNOHy (just follow me and I'll follow you back!!)

ADVANCE MERRY CHRISTMAS, Everyone!!

----------------------------------------------

Part 25

Libing ni Cheney. Nakatakda akong puntahan si Lei sa bahay namin sa Tondo, ilang araw na kasi siyang puyat kaya kailangan daw niyang magbawi ng tulog. Nasa St. Joseph pa rin ako at natutulog sa likod ng Chapel.

Mag-aalas sais ng umaga ng nagising ako. Napagod kasi ako sa kaka-entertain sa mga tao kahapon. Nagmadali ako na puntahan si Lei para sunduin siya sa bahay dahil saktong alas nuebe ng umaga siya ililibing sa Loyola Memorial Park.

Nakarating ako sa bahay ng alas siyete ng umaga. Medyo mabilis ang biyahe kasi umaga. Hindi na ako nagtumpik pa. Tinawag ko sa itaas si Lei para sunduin siya. Ginising ko siya at pinahiram ng susuoting damit na kulay puti para sa libing ni Cheney. Mas pumuti siya ng sobra sa damit na pinahiram ko sa kanya. Pinahiram ko rin siya ng shades in case na baka maluha kami habang binababa si Cheney sa lupa. Nagpalit din ako, pagkatapos nun ay agad na umalis na kami para makahabol sa libing ng nag-iisa kong cakie.

Nakapunta kami ng St. Joseph saktong alas ocho. Marami ng tao. Karamihan sa mga makikipaglibing ay mga kaibigan, at kaklase na nagpasiyang hindi muna pumasok para ihatid siya sa huling hantungan. Nandun din sina Shaine, Joseph, Jayson, Nikol at Hiro, na tulad namin ni Lei, nakaputi din. Nakita ko rin na inaayos ng mommy ni Cheney ang mga dadalhing gamit sa libing ng kanyang anak at mga isasamang gamit sa kanyang libingan.

Umabot ng isang oras ang pagpe-prepare para sa libing. Nang kinumpirang ayos na lahat, napagdesisyunan na magsimula ang seremonya. Nagbigay ng pin na bilog na usually nilalagay sa bag ang mga kamag-anak nito na nakasulat ang "We Miss you Cheney" pabilog. Maganda siya sa picture.

Agad kaming sumakay sa pulang van. Nakikita ko ang nangyayari sa loob ng Chapel. Sinara na ang kabaong ni Cheney habang dinadasalan ni Father Michael ang katawan nito. Nang natapos ay agad na dinala ng mga staff ng punerarya ang mga labi nito at isinakay sa karo.

Sa karo, makikita ang malaking tarpaulin na mukha ni Cheney at nakasulat ang message na nasa pin din namin na nasa harapan nito. Pinatugtog sa karo ang "I'm Missing You" na pinatugtog kahapon sa necrological service niya. Siyempre, pinauna namin ang karo niya at sabay sumunod kami.

Medyo isang oras at kalahati ang biniyahe namin para makapunta sa Loyola. Medyo ma-traffic papuntang Cubao kaya tatlong minuto kaming naka-stuck sa kalye. Nang nakapunta kami sa paglilibingan, tinawag ako ni Lei para sabihin na isa daw ako sa mga magbubuhat ng kabaong ni Cheney. Bumaba kaagad ako at tinungo ang karo para buhatin si Cheney sa huling pagkakataon.

Medyo mabigat ang kabaong niya. Hindi ko ma-imagine na nasa loob ng binubuhat ko ang mga katawan niya na minsan ay natikman ko. Kasama ko si Lei sa likod ko na nagbubuhat. Nang nakarating kami sa paglilibingan ni Cheney ay dahan-dahan namin siyang binababa. Pagkatapos ay agad kaming naghanap ng mauupuan nina Lei para makinig sa huling misa ni Father Michael kay Cheney.

Natapos ang misa ng isang oras. Kaagad kaming pinapunta ni father sa harapan to take the final look for Cheney. Hindi ko nakaya ang nararamdaman ko sa puntong iyon. Tanggap ko na wala na si Cheney pero hindi ko pa matanggap sa puso ko na yun na ang pinakahuling sandali na makikita ko si Cheney. Masakit, pero kailangan kong ilabas, ilabas sa huling pagkakataon ang pagtatangis ko sa isa sa mga nagmahal sa akin. Kung batid lang talaga ni Patrick kung ano ang nangyayari sa amin ngayon, sigurado mas malulungkot siya kapag nalaman niya ito.

Binigay sa akin ni father ang holy water para basbasan si Cheney sa huling pagkakataon. Nang natapos basbasan, ay kaagad akong tumabi sa paanan ng kanyang kabaong kasama ang mga barkada namin at ng mga kaklase niya. Limang minuto natapos ang pagbabasbas.

Nang natapos, ay kaagad nang isinara ang kanyang kabaong. Kasabay din nun ang pagpapalipad ng mga paru-paro na magandang pagmasdan kapag lumilipad. Agad kaming kumuha ng bulaklak sa mommy niya at agad tumabi sa gilid ng paglilibingan niya. Agad na kinuha ang kanyang kabaong at sabay nilagay sa paglilibingan niya. Medyo mukhang malalim ang paglilibingan niya dahil hindi na namin tanaw ang ilalim ng lupa na kung saan siya ililibing. Sinimulan ang pagbababa ng unti-unti sa kanyang mga katawan sa ilalim ng lupa at kami ay dumistansya ng kaunti para masaksihan sa huling pagkakataon na binababa ang kanyang mga labi.

"Cheney!! Ma-mimiss ka namin!! I love you!!". Sigaw ng mommy niya habang binababa ang kanyang kabaong sa ilalim ng lupa.

Tumagal ang pagbababa sa kanya ng 30 minutes. Nang nakita kong nasa ibaba na ang kanyang mga labi ay inihulog ko kaagad ang mga bulaklak.

"I love you, Cakie!! See you after life!!"

Masakit! Napakasakit para sa akin na nakikita kong nililibing ang mahal ko sa lupa. Kailangan kong magpakatatag! Hindi ito para sa akin kundi para rin 'to sa kanya.

Natapos ang seremonya ng paglilibingan kay Cheney nang may napansin akong lalaki. Isang kahina-hinalang lalaki na naka-sumbrero at maputi. Para siyang foreigner. Nakasalamin siya at mayroon akong nakitang parang necklace sa naglalakihang dibdib niya. Matangkad siya, siguro mga nasa 5'9" ang height niya. Kaagad ko siyang pinuntahan pero mukhang naramdaman niya na lumalapit ako sa kanya. Bigla ko siyang hinabol pero bigo akong makita siya.

"Kuya, saan ka pupunta?"

Hinabol din ako ni Lei. Napansin ko na malayo na ako sa libingan ni Cheney. Talagang mabilis siyang tumakbo na parang kidlat kung iisipin. Hinila ako ni Lei nang naabot niya ako.

"Kuya, sino yung hinahabol mo? Bakit ka nagmamadaling habulin siya? Sino ba siya?"

Iyan din ang gusto kong malaman kung sino ba talaga siya? Bigla kasi akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko na hindi ko mawari. May hinala ako na si Patrick yun. Sana siya na nga si Patrick!! Sana siya na nga!!

Niyaya ako ni Lei na sumakay na para umuwi. Nawala ang lungkot ko sa pagkamatay ni Cheney nung nakita ko ang mysteryosong lalaki na nakasuot ng puting t-shirt na matipuno ang katawan na mukhang Fil-Am . Feeling ko magkasing edad lang kami.

Nasa loob na kami ng sasakyan. Kinuha ko ang bag ko at nilagay ang shades ko sa mata. Bigla kong naalala si Patrick. Siguro gusto niyang makita si Cheney sa huling pagkakataon. Siguro siya ang nakita ko? Gusto ko siyang makita!! Gusto ko siyang makausap!!

Dinala ako ni Lei sa likod para magpahinga. Nakatulog ako ng hindi inaasahan. Siguro napagod ako sa kakaiyak kay Cheney at kakahabol dun sa mysteryosong lalaki kanina. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nito? Basta, nararamdaman ko na nandito si Patrick at minamanmanan niya ako.

Lumipas ang isang araw sa pamamaalam ko kay Cheney, pero lumipas din ang mga araw na may kung anong tumatakbo sa isip ko na naguguluhan ako sa mysteryosong lalaki na nakita ko sa libing ni Cheney. Kung sino man yun, sa tingin ko ay may kinalaman siya sa buhay naming tatlo ni Cheney.

-------------------

Isang araw na lang at graduation na namin!! Sa wakas!! Ga-graduate na kaming lahat. Kasama namin ang mga magbabarkada na gagraduate din. Medyo malungkot dahil hindi na namin makakasama si Cheney na gagraduate pero, unti-unti naming natututuhan na matanggap sa sarili namin pati sa sarili ko na wala na siya.

Nang natapos ang libing ni Cheney ay lagi kong nakakasama si Lei. Lagi siyang nandiyan para sa akin. Para ngang kapatid ko na siyang talaga. Laging sunod sa layaw siya sa akin. Minsan kapag nagkakatampuhan kami, ako ang nagbibigay ng snickers na favorite namin, kaya hindi na gaanong tumatagal ang pagtatampuhan namin ng isang araw. Well, running for best in mathematics si Lei sa graduation while ako naman ay makakatanggap ng Rajah Matanda awards dahil naging undisputed Mr. Lakandula ako ng dalawang taon.

Bumalik ang mommy ni Patrick sa ibang bansa para magtrabaho. Nagiging mas ok na rin ang mommy ni Cheney na tanggapin ang katotohanang wala na ang anak nila.

Simula noong nakita ko ang lalaki sa libingan ni Cheney ay sunod-sunod na ang sulat sa akin ni Patrick. Mag-aaral daw siya sa college malapit sa intramuros na plano din namin ni Lei pagkatapos.

Nakapasa ako sa PLM at kasalukuyang hinahanda ang sarili para sa enrollment, samantala, sa Mapùa naman si Lei at mukhang balak sundan ang daddy niya sa ibang bansa. Sina Shaine, Joseph at Jayson ay mag-aaral sa Lyceum samantalang sa PNU naman si Nikol. Nag-iba lang dahil sa FEU mag-aaral si Hiro pero hindi pa rin niya alam kung ano ang course nito. Lahat kami ay nakatakdang umalis sa Alma Mater namin na alam na kung saan mag-aaral.

Napagdesisyunan namin ni Lei na pumunta sa Loyola pagkatapos ng graduation para ialay ang mga diploma namin sa kanya.

Habang nagpe-prepare para sa graduation bukas may nagtext sa akin ng isang di kilalang tao. Nami-miss na daw niya ako at kailangan ko na daw siyang makilala. Agad ko siyang nireplyan pero wala akong natanggap kahit isa sa mga reply niya, kaya si-nave ko ang number niya. Bigla akong tinawag ni Lei sa labas ng bahay at mukhang nae-excite na sa graduation.

"Kuya, nagtext sa akin si Joseph, inuman daw tayo pagkatapos ng graduation."

"Sige, pagkatapos nating pumunta sa puntod ni Cheney."

"Kuya, excited na ako para bukas!! Kakatapos lang ng last practice natin kanina. halika labas muna tayo! Punta tayong SM Manila!!"

"Sige, punta tayo!"

Wala naman akong gagawin sa puntong iyun. Tapos na akong ihanda ang susuotin sa graduation kaya wala na akong dapat ipag-alala pa.

Medyo nagtagal akong magpalit ng damit, kaya pinapasok ko muna ang aking kapatid para maghintay sa akin. Pagkatapos magbihis suot ang fitted na damit kulay navy blue at naka-fitted na faded jeans at yung converse na sapatos ko na kulay puti, agad kong niyaya siya na umalis para pumunta ng SM.

Sa SM maraming tao, mas marami ang estudyante kumpara sa mga ordinaryong tao na nagpapalamig sa loob. Dumaan kami sa Teriyaki boy para bumili syempre ng favorite naming chicken teriyaki at pork teppanyaki na favorite ng buong barkada. Nang natapos ay pumunta kami sa American Boulevard para tumingin ng mga bagong labas na damit. Nandun pa rin yung favorite kong damit na may tatak ni Bob Marley. Kinuha ko yun at tinignan. May kung sinong humablot sa kamay ng kapatid ko, agad akong nabigla. Nang tinignan ko ay may isa pala siyang kakilala na nandun din pala. Ipinakilala niya siya sa akin.

"Oh, pare, kamusta?!" Sigaw ng kakilala ni Lei.

"Ah..same here, when did you arrive from here?!"

"Ah, just last month ago. My mom wants me to study here in college that's why I'm here for my enrollment."

"Oh I see, by the way I want you to meet my Kuya, my Big brother, Kuya Jacob."

"Isn't that your biological Kuya? I thought you don't have any siblings, do you?!"

"Aw.. He's not my real sibling, I just called him Kuya because he treated me like his own brother, more than his bestfriend."

"Ah!! By the way, I'm Jan. Childhood friend of Lei!!"

Si Jan. Kababata ni Lei. Siya ang nakita namin na humatak sa kanya. Matipuno siya, mukhang 5'9" ang height niya. Mas matangkad siya kay Lei. Gwapo siya. Maputi na parang si Cheney kung tutuusin, matangos ang ilong nito na parang si Lei. Halata ang mga dimples nito sa magkabilang parte ng bibig, nakakabighani talaga!! Mapapansing walang peklat ang mukha nito. Kung tutuusin, para siyang brapanese na model ngayon na may hawig kay Fabio Ide na may pagka-Bobby Andrews ang type. Mukhang may kulay ang buhok nito, parang kay Lei na natural ang pagkakulay ng buhok niya. Pansin ko rin ang umbok sa harap ng pantalon nito. Parang nakakahalina at nakakalibog kung iisipin, mukha kasing malaki. Napansin ko na may necklace siya na nakatago sa damit niya. Mukha talaga siyang boy-next-door sa tipo niyang yun. Nakakabakla!!

Laking America si Jan. Ang mommy niya nasa Dubai at nurse din na tulad ni Lei, samantala, Electrical Engineer naman ang daddy niya sa Dubai. Halos pareho ng propesyon ng mga magulang ni Lei. Lumaki siya sa kanyang lola sa Jacksonville sa may Dallas Kung tutuusin, talagang parang magkapatid sina Lei at Jan, magkahawig kasi sila eh, pero mas gwapo pa rin si Lei sa kanya dahil mas maputi at mas may dating ito kaysa sa kanya.

Niyaya niya kaming kumain sa starbucks. Sagot daw niya kaya wala akong choice kundi mamili ng mahal na pagkain para sa aming tatlo. Pinili ko ang cheese cake at umorder din ng kape, samantala, nag-order lang sila ng venti-size na frappocino. Nag-usap sila tungkol sa kanilang pagkabata. Sa ngayon, sa TIP siya nag-aaral, 2nd year college siya at mukhang me balak lumipat ng ibang school. Mas mataas siyang mag-ingles kaysa kay Lei na tipong kakagaling lang sa abroad. Maganda ang ngipin niya, buong buo at walang kahit anong sira. Pouted din ang lips ni Jan. Naka-fitted na kulay itim ang damit nito. Bakat ang matitikas na dibdib pati ang nangangalit na mga utong nito. Eighteen lang siya pero parang mas matured ang mukha nito kaysa sa aming dalawa. Maikli ng konti ang buhok niya. Ang linis niyang tignan at higit sa lahat, pagdating sa physical appearance, mas lamang siya kay Lei, pero pagdating sa puso, kay Lei pa rin ako.

Pansin ko na lagi niya akong tinititigan, mukhang me gusto siyang sabihin sa akin. Hindi ko na lang siya kinibo. Bumaling ako ng tingin kay Lei at napansin ko na may dumi ang kanyang mga labi. Agad akong kumuha ng napkin at pinunas sa bibig nito.

"How sweet!! Hey, dude, kaya ba Big bro mo yan because you have serious relationship to him?!"

"Ah?! Wala ah!! We're just only siblings and no other extra feelings has been involved in our relationship. Yun lang at wala nang iba!!"

Biglang napatawa si Jan. Hindi ko alam kung ano ang gustong ipalabas ng lalaking yun. Nakaramdam ako ng sakit sa pantog ko kaya napagpasya kong umihi muna saglit.

Limang minuto pagkatapos umihi, napansin ko na umiiyak si Lei. Siguro kinukwento niya ang nangyari kay Cheney. Hinimasmasan ni Jan si Lei gamit ang malalaking kamay. Hinalikan ni Jan si Lei sa pisngi na kinagulat kong bigla. Bakit kaya niya ginawa yun sa kapatid ko knowing na magkababata lang sila? Bumalik ako para tanungin kung bakit siya umiiyak.

Tumagal ang usapan naming tatlo na walang nakuhang impormasyon sa kanila. Lagi nilang nilalayo ang usapan kapag tinatanong ko ang tungkol sa nakita kong paghalik ni Jan sa baby bro ko. Bigla akong nakaramdam ng selos, selos na first time ko lang naramdaman sa lalaking kasama namin ni Lei. Sino ba talaga itong si Jan? Ano ang motibo niya sa buhay ni Lei? Bakit niya hinalikan siya sa pisngi. Ang lahat ng katanungang yun ang gumugulo sa akin habang ako ay kumakain ng cheesecake at umiinom ng kape.

Natapos ang usapan namin noong natapos akong kumain. Umuwi kaagad si Jan dahil walang nagbabantay sa dorm niya malapit sa SM Manila. Samantala, napagdesisyunan na rin namin ni Lei na umuwi, hanggang sa may nakita akong papel na nakalukos sa ibaba. Binuksan ko iyon at tumambad sa akin ang mga salitang nakita ko rin noon sa kwarto ni Lei habang may sakit siya nun. Magkabilaan yun, pero sa puntong yun, baligtad ang salitang nakita ko


I still do love you!! Sorry Jacob!!
I still do love you!!Sorry Jacob!!
I still do love you!! Sorry Jacob!!

Tinignan ko ang date, August 18 1997. Medyo matagal na palang nakasulat yun. Kanino kaya itong papel na nakita ko una sa kwarto ni Lei at pangalawa, dito sa starbucks?!

Tinabi ko ang papel sa bulsa. Inoobserbahan ko si Lei kung my kinalaman siya sa nahulog na papel pero wala akong nakitang kahina-hinala sa ginagawa niya. Kanino kaya itong papel na ito?
Saan at papaano ito nakarating sa akin? Ano ba ang motibo ng taong to kung bakit niya iniwan ang mysteryosong papel? Hindi ko alam, hindi ko alam ang susunod na mangyayari.

Nakauwi akong tulala sa mga nangyari sa akin. Gabi na at hindi ko kinausap si Lei hanggang sa nakauwi kami. Hinalikan ako ni Lei sa labi hanggang sa nagpaalam siya sa akin. Kinakailangan ko nang matulog para makapaghanda sa graduation namin bukas.

--------------------------

Umaga. Isang araw na kailangang ipagdiwang dahil ngayong araw matatapos ang araw namin bilang highschool student.

Alas sais ng umaga nang kami ay nakapunta ni mommy sa school. Hiwalay ang parents sa students kaya nasa gilid lang sila kasama ang mga magulang ng barkada ko. Pumunta ako sa grupo ko para kamustahin sila. Nandun din si Lei. Agad kaming nagpicture taking na sa una ay seryoso, pagkatapos ay nag-wacky style. Nasa tabi ko si Lei at nang natapos ng biglaan ay nakita ko siyang sinusungayan ako, agad ko siyang kinutongan at nang nahuli ay natikman din niya ang pinaka malutong na kutos sa buong buhay niya.

"Aw!! Kuya naman eh!!"

Tumawa kaming lahat. Nanginginig na hinihimas ni Lei ang ulo nito. Mukhang napuruhan kaya pumunta ako kaagad sa kanya at nag-sorry. Well kailangan din niyang mag-payback kaya nabiktima rin ako ng pinakamalutong na kutos na nakuha ko sa kanya.

Umpisa na ng marcha. Iniisa-isa kaming binibilang ng adviser namin kung kumpleto kami sa pila. Pumunta na ako sa section ko kasama si Lei.

Medyo nakakaantok ang program ng graduation. Nagising lang ako ng sinabi ng school principal namin na hinahandog ang graduation sa namayapang estudyante at girlfriend ko na si Cheney. Biglang tumahimik ang lahat para magbigay pugay sa kanya.

Sumunod nun ay tinawag ako sa stage para ipagkaloob sa akin ang Rajah Matanda award. Medyo mabigat ang medalya kasi gawa pa daw to sa silver at pilak. Pumanik din si mommy at sinamahan ako. Sumunod si Lei para igawad sa kanya ang best in mathematics award. Hindi ko na narinig na tinawag ang pangalan ni Lei dahil biglang tumawag si Kuya overseas.

Tumagal ang pag-uusap namin ni Kuya ng tatlong minuto. Pagkatapos ay umupo ako at nagsimula nang tawagin isa-isa ang mga pangalan namin sa stage.

Medyo tumagal ng 15 minutes bago kami nakapunta sa stage. Habang pumapanik ay bigla akong hinawakan sa kamay ni Lei.

"Congrats sa atin, Kuya!!"

Binati niya ako. Syempre sa rin. Dire-direcho lang ang lakad hanggang sa tinawag na ang pangalan ko at kinuha ang diploma. Sumunod nun ay kaagad kaming pinaupo. Natapos tawagin ang aming mga pangalan mula higher section papunta sa lower section ng isang oras at kalahati. Nakaka-bored. Medyo gutom na rin ako nun, kaya naghikab tuloy ako ng di oras.

Natapos ang graduation saktong alas 10:30, marami pa kasing mga puchu-puchu na seremonyas na hindi naman kailangan eh. Buong 4 na oras akong na-bored! Kaya nang natapos ay kaagad kong pinuntahan ang mga barkada ko. Nakipag picturan kami sa bawat isa. Syempre, hindi rin ako nagpahuli. Nakigulo ako na parang baliw na nagpapakuha sa kanila, hanggang sa napagdesisyunan namin na kaming dalawa naman ni Lei ang magpakuha.

Ang saya ng graduation after. Hindi ko nagustuhan ang program pero nang patapos na ay mas na-experience ko ang saya at essence ng okasyon. Merong iyakan, tawanan, lokohan, at higit sa lahat, pangakuan na hinding-hindi iiwan ang isa't-isa.

Mga 10:55am nang umalis kami ni Lei para pumunta sa Loyola. Susunod kami sa bahay nina Joseph para sa inuman.

Alas 12:45pm nang nakapunta kami ni Lei sa libingan ni Cheney. Iyun ang first time na nakita ko ang lapida niya. Kulay itim ito na marmol na kulay silver ang engrave ng lahat ng impormasyon niya. Well as usual, nandun ang pangalan niya, ang birthday niya at ang date of death niya. Napansin din namin na may picture siya sa gilid ng pangalan niya. Iyon yung picture niya sa burol niya. Ang ganda niya talaga. Sayang lang at namatay siya sa napakabatang edad.

Nagtirik kami ng kandila para sa kanya at nag-alay ng isang bouquet na bulaklak na kulay lavender at nagdasal ng sabay. Umupo kami sa baba na pinamumugaran ng mga bermuda grass.

Kinuwento namin ni Lei ang lahat ng nangyari kanina sa graduation as if she's really there. Para kaming tanga na tumatawa na nakaupo sa sementeryo. Halakhakan dito, halakhakan dun. Kahit wala si Cheney alam ko, nakikinig siya sa amin habang kami ay nagsasalita sa harap ng lapida niya na parang baliw.

Walang anu-ano, biglang me napansin ako sa dulo na isang lalaki. Nakaputi siya at naka-shades na kulay pula na madilim. Maputi siya. Mukha siyang foreigner. Parang kilala ko siya, kaso hindi ko mawari kung saan kami nagkita o papaano. Sinundan ko ang bawat kilos niya. Mukhang nagluluksa din ito. Nang nabaling ako sa kwintas na nakasuot sa kanya ay biglang bumalik sa akin ang alaala ng nakaraan. Si Patrick. Ang kwintas na ibinigay sa akin ni Patrick. Hindi ako nagdalawang isip na sundan siya ng tingin hanggang nagpasya akong takbuhin siya papunta sa kanya.

"Si Patrick.... Paaaaattttttttrrrrrickkk!!!!"

Itutuloy...

Read more...

Daglat Presents: TEE LA OK III - part 2

SORRY GUYS FOR THE LONG WAIT! Hindi ko kasi nahawakan itong PC ko since nung huling post ko eh kaya ngayon iyong kasunod.. :-)
may sagot din po pala ako sa mga comment ninyo ah.. thank you for reading TLO.. Sana matapos ko din iyong E TEE NA NEEM.. hahahaha

nota benin: hindi ko sigurado kung ang mapopost eh iyong word format ko ah.. sorry kung medyo magulo..

Ikalawang Bahagi: /ee-ka-la-wang/ - /ba-ha-gee/
Titik B, Bilang 2

“Handa ka pa rin bang tanggapin si Gabby kung malalaman mong ang lolo niya ang dahilan kung bakit namatay ang lolo mo?” simula ni Mrs. Fabregas.
Kita ang pagkagulat kay Harold ng mga sandaling iyon. Oo, hindi niya nakita ang lolo niya, pero kung may anung sumingit para magngitngit ang damdamin niya sa narinig. Umiral pa din ang pananalaytay ng dugo sa kanya ng mga oras na iyon.
“You heard it right darling! Nang panahong iyon, nagtalo ang lolo mo at ang papa dahil sa kumpanya. Ang lolo mo naman kasi, masyadong mabait na gustong bahaginan ng shares ang mga matagal ng empleyado at salary increase ang mga trabrahador. Nagkaruon ng konting pagtatalu-talo. Sinabi pa nga ng lolo mo, kung hindi daw papayag si papa sa usapan nila, mag-quit ito at babawiin lahat ng shares niya and will do legal actions. He’s just 20% percent of the total company at inambon lang iyon ng papa sa lolo mo. Of course, galit na galit si papa!” simula ng kwento ng ginang. “Mang-aagaw na ang lolo mo tapos ngayon aariin pa niiya ang 20% ng kumpanya. He called his secretary to do the job. Pinasundan ni papa ang lolo mo and the plan is to ambush him. Pero ano ba at nakagawa ng madaling paraan ang papa, pinaalis niya ang break control sa kotse ng lolo mo para magmukhang aksidente ang lahat.” nakangisi at walang pagsisising wika ng ginang. “Gabby was there habang kausap ni papa ang secretary niya and alam kong at sigurado akong alam iyon lahat ni Gabby.” kwento pa ulit ng ginang.
“Kaya pala ng makita niya si lolo nabigla siya.” nasabi ni Harold na may pigil na luha dahil kaharap niya ang pumaslang sa lolo niyang hindi niya nasilayan.
“Oh! Alam na pala ni Gabby ang lahat! I pity you darling! Malamang itutulad ka lang din nuon sa lolo mo. Gusto mo bang maulit ang nakaraan? Apo laban sa apo? Hindi na ako magtataka kung gagamitin ka lang din ni Gabby at malay mo, one of these days itapon ka din niyang parang basura.” mapang-hamong wika ng ginang.
“May dahilan si Gabby kaya niya nilihim ang lahat sa akin! Alam ko na his love is pure kaya hindi niyia kayang gawin ang sinasabi ninyo.” sagot ni Harold na bagamat na-babrainwash na ay patuloy pa din ang pagtitiwala kay Gabby.
“What if malaman mong ang pagkamatay ng nanay mo ay kagagawan din ng pamilya niya?” tanong ng ginang.
“Ano pong ibig ninyong sabihin?” nangagatal na tanong ni Harold.
“Hindi naman talaga namatay ang nanay mo dahil sa sakit niya. Honestly, it’s curable; pero si papa may naisip na paraan dahil nuong panahon na iyon, nalaman na ng nanay mo ang lahat ng nangyari. She had all the evidences she needed, pero mas maagap si papa! She told the doctor na nataong family friend to put some, just a little chemical na untraceable to poison your mother’s blood.” kwento pa ng ginang.
Natigilan si Harold, hindi niya alam kung papaano magsasalita. Naumid ang dila niya, nawala ang lakas ng loob niya. Gumuho ang mundo niya! Ang lalaking pinakamamahal ay apo ng taong pumatay sa kanyang mga mahal sa buhay.
“Kung balak mong magsuplong, prepare lots of money kasi kayang baliktarin ng pera ko ang sitwasyon at malamang na ikaw pa ang makulong.” pagbabanta pa ng ginang.
“Mama ka nga talaga ni Gabby!” napangiting komento ni Harold.
Ito ang laman ng isip ni Harold habang naglalakad patungo sa daang hindi niya alam kung saan papunta. Naluluha at mabigat ang dibdib dahil sa kaganapang biglang sumampal sa kanya. Hindi siya handa at lalong hindi siya magiging handa sa ganitong uri ng rebelasyon.
“Gabby! Sana ay makita ko pa ang daan pabalik sa’yo. Sana ay makita ko pa ang dahilan para balikan ka.” bulong ni Harold sa hangin.
Sa gitna ng paglalakad ay biglang kinutuban si Harold – biglang napahinto at sandaling nakiramdam. Sigurado siya, may nagmamatyag sa kanya at sinusundan siya – kanina ay akala niyang wrong impressions lang dahil sa laman ng isip niya ang usapan nila ng mama ni Gabby, ngayon ay nasisigurado niyang sinusundan siya.
Binilisan niya ang lakad dahil alam niyang hindi iyon si Gabby o kung sinumang kakilala niya. Ramdam niyang hindi ganuon ang aura ni Gabby para matakot siya nang ganuon at isa lang si Gabby kung ikukumpara sa mga matang pakiramdam niyang kanina pa siya pinapanuod.
Ang mabilis na lakad ay naging takbo at duon na nagsimula ang isa pang mas maaksyon na habulan. Sumuot si Harold sa mga magkakapatong na tosang para magtago at saka nag-isip nang plano kung papaano makakatakas.
“Shitness all the way! Sino ba itong mga ito!” bulong ni Harold sa sarili. “Don’t tell me makakauna pa ito sa puri ko kaysa kay Gabby! The hell! Papaano na!” maya-maya pa at – “got it!” tila may nagliwanag sa isip ni Harold saka tumakbo palabas ng tosang.
Binilisan ang takbo saka madaling tinumbok ang highway. Sa kamalasan ay madalang ang mga sasakyan at sa tingin niya ay liblib na bahagi iyon ng Maynila. Walang nagawa si Harold kung hindi wlaang-lingong tumakbo – palayo sa tahimik na lugar na iyon at pilit tinutumbok ang mataong lugar.
Sa kamamadali ay hindi niya napansing may nakaabang na sa kanya sa harap at dito siya nabunggo. Ang laki ng katawan ng mama ay nakapagpatumba sa kanya.
“Gullible!” nausal ni Harold saka tumingin sa nakabangga.
Naka-civilian ang lalaki, malaki ang katawan, bigotilyo at sa tantya niya ay nasa 6ft. isang tipikal na itsura ng isang sundalo. Walang pagdadalawang-isip na tumayo si Harold para tumakbo ngunit sa kamalasan ay madali siya nitong nahawakan sa buhok.
Pumalag si Harold! Kampay dito, kampay duon, suntok dito, suntok duon! Ngunit malakas ang lalaki, isang wasiwas lang sa kanya ay bumagsak siya kaagad sa dibdib nang isa pang lalaki. Matapos nuon ay naramdaman na lang niyang binuslaan siya sa bibig at pinagtutulungang isilid sa tila sako. Patuloy sa pagpalag si Harold at tila mga demonyong sinuntok siya sa sikmura ng isa pang lalaki. Hindi niya makita ang mga mukha nito, pero sigurado siya, walang laban ang kanyang lakas kung ikukumpara sa mga ito.
Hindi nawalan ng pag-asa si Harold, kaya naman patuloy itong lumalaban at pumapalag. Isang hampas sa ulo na lang ang naramdaman niya. Kaiba sa dinanas niya sa mob, mas malakas, mas may pwersa at mas may lakas. Pumanaw na ang ulirat ni Harold at agad na bumigay ang katawan niya, nawalan ng malay ngunit nakakaramdam pa sa paligid.
“Katapusan ko na ba?” tanong ni Harold sa sarili.
Samantalang si Gabby naman ay hindi mapanatag ng mga ora na iyon. Nakailang dial na din siya sa cellphone pero walang Harold na sumasagot. Ring lang ng ring hanggang sa tila nagsawa na ata at out of coverage area na kaagad. Hindi din nagawang makatulog ni Gabby ng gabing iyon, gawa na nga ng puno siya nang pag-aalala para kay Harold, pangamba at kaba. Hindi niya maipaliwanag, pero sa tingin niya ay na sa malaking kapahamakan si Harold. Walang kaalam-alam ang binata na tama ang kutob niya.
Kinabukasan –
“Joel, pupunta muna ako ng Tarlac.” paalam ni Gabby kay Joel.
“Bakit Sir?” tanong ni Joel.
“Dadalawin ko lang si Harold.” sagot ni Gabby.
“Hindi pa po kayo nakakatulog.” sagot ni Joel na tila ba natakot.
“It’s alright. Huwag mo lang sabihin kay mama kung saan ako pumunta.” sagot ni Gabby saka lumakad palayo.
Sa Tarlac –
“Where’s Harold?” tanong ni Gabby kay Luis na siyang sumalubong sa kanya.
“Di ba kasama mo?” balik na tanong ni Lusi.
“Hindi siya umuwi kagabi?” bumakas ang pag-aalalang tanong ni Gabby.
“Kung umuwi man siya kagabi sana alam ko!” sagot ni Luis. “Kagagaling ko lang sa bahay at walang tao.” habol pa nito.
“Well, thanks!” sagot ni Gabby saka tinawid ang kalsada papunta sa bahay ni Harold.
Gamit ang susi niyang binigay ni Harold ay binuksan ang naka-lock na pintuan. Unang pinuntahan ang kwarto nila ngunit hindi man lang nagulo ang ayos nito buhat ng umalis siya kahapon.
“Saan kaya nagsuot si Harold?” nag-alalang tanong ni Gabby na lalong nagpatindi sa kaba niiya.
Humanap si Gabby ng kahit na ano para makapagturo sa kanya kung nasaan si Harold subalit bigo ang binata.
“Kamusta ang sales kahapon?” tanong ni Gabby kay Luis.
“As usual, mas may hatak pag gabi. Getting larger na ang mga grupong pumupunta sa atin. Kahapon may nag-request na bisitahin ang bahay pero wala naman si Harold or ikaw para mag-assist. Willing daw siya magbayad ng kahit magkano just to see the whole house.” balita pa ni Luis.
“Bakit hindi mo i-nassist?” tanong ni Gabby.
“Walang iniwang susi sa akin.” sagot ni Luis. “Saka ayos na ding hindi nakapag-tour iyong manong kasi mukhang hindi gagawa ng mabuti.” komento pa nito.
“Paano mo naman nasabing hindi gagawa ng mabuti?” tanong ni Gabby.
“Sa itsura pa lang nakakatakot na. Tipong goons ang itsura.” sagot ni Luis. “Naka-camouflage na pants tapos black shirt, malaki ang katawan saka semi-kalbo.” paglalarawan pa ni Luis.
Nakaramdam ng kutob si Gabby base sa ginawang paglalarawan na iyon ni Luis.
“Hindi naman kaya napaano na si Harold?” tanong ni Gabby sa sarili. “No! Harold needs space and iyon ang dahilan ng pagkawala niya.” pilit na pinakakalma ni Gabby ang sarili kahit na nga ba sa loob niya ay may mga pagdududa na.
“I need to go now!” paalam ni Gabby kay Luis.
“So early.” komento ni Luis.
“Wala pa kasi akong tulog and I need to take some rest.” komento ni Gabby. “I’m in-charge to my mother’s this evening.”
“D’yan ka na lang matulog saka ka na bumalik sa mama mo.” suhestiyon ni Luis. “Malay mo umuwi na si Harold.” saad pa nito.
“Brilliant!” napangiting turan ni Gabby at natuwa sa ideyang makikita na niya si Harold.
“Don’t worry about the restaurant! Kami na ang bahala muna.” saad ni Luis saka nagbigay ng ngiti kay Gabby.
“Thanks dude!” sabi ni Gabby saka muling lumakad papunta sa bahay ni Harold.
Sa higaan ay amoy na amoy pa niya si Harold, ang katawan nito, ang mabangong pawis na kumapit sa higaan at ang amoy ng buhok nitong nasa unan. May pag-aalala man ay pilit niyang pinakalma ang sarili sa pamamagitan ng simpleng kaligayahang naibibigay ng mga bagay na iyon. Itinakip din niya ang kumot sa katawan at sa pakiramdam niya ay yakap iyon ni Harold. May luhang unti-unting pumatak sa mata ng binata nang isiping malayo si Harold sa kanya at hindi niya alam kung babalik pa ito o hindi na.
Isang linggo na ang lumilipas –
“Luis! Hindi pa din ba umuuwi si Harold?” tanong ni Gabby kay Luis mula sa kabilang linya.
“Sorry Gabby pero hindi pa din eh.” sagot ni Luis.
“Are you sure?” tanong ni Gabby.
“Oo naman!” sagot ni Luis.
“Baka naman sabi ni Harold huwag mong sabihing nandyan na siya.” kontra ni Gabby.
“Alam mo namang ayokong may away kayo di ba?” sagot ni Luis.
“Sorry!” paumanhin ni Gabby saka pinindot ang end call.
“One week na walang paramdam? Hindi na contemplation iyon! Nag-iinarte na lang si Harold.” bulong ni Gabby sa hangin habang muling dumidial.
“Good afternoon, is this Sean?” tanong ni Gabby sa kausap sa kabilang linya.
“Yes, speaking.” sagot ni Sean.
“Do you know where’s Harold?” tanong ni Gabby.
“May I know who’s in the line?” tanong ni Sean sa kausap.
“Gabby! Gabby Fabregas.” sagot ni Gabby.
“Ikaw lang pala yan!” sagot ni Sean. “Tatawagan ka na nga din namin para itanong kung alam mo kung nasaan si Harold.”
“Meaning, wala din si Harold sa inyo.” sagot ni Gabby.
“Oo! Akala nga namin kasama mo eh.” sagot ni Sean. “One week nang hindi ma-contact, tapos kahit sino sa mga kakilala naming kakilala niya hindi din alam kung nasaan siya. Inactive ang Facebook na impossibleng mangyari at hindi din matawagan. Nag-aalala na nga kami kay Harold.” saad pa ni Sean.
“Same here!” sagot ni Gabby. “Thank you for answering. Matamlay na tugon ni Gabby saka pipindutin n asana ang end call nang –
“Wait Gabby! May ibabalita ata si Kenneth.” awat ni Sean matapos ay pinaghintay si Gabby sa kabilang linya.
Matapos ang ilang minuto at –
“Gabby! We’re not sure pero pumunta ka na lang dito sa headquarters namin.” sabi ni Sean.
Mabilis pa sa ipu-ipong kumilos at gumayak si Gabby papunta kay Sean at umaasa siyang makikita na niyang muli si Harold.
“So, where’s Harold?” tanong ni Gabby kay Sean at Kenneth.
“Sa kotse na lang tayo mag-usap. Sa ngayon, kailangan nating bumiyahe papuntang Nueva ecija.” sagot ni Kenneth.
“Why?” nagtatakang tanong ni Gabby.
“Basta Gabby! Sa kotse na lang.” sagot ni Sean.
Agad na ngang bumiyahe ang mga ito papuntang Nueva Ecija at –
“Now that we’re on our way, can you please tell me what happened to Harold.” irita at kinakabahang pamimilit ni Gabby.
“Alam mo na naman di bang aktibista si Harold.” simula ni Kenneth na may pigil na emosyon. “Kasama sa pagiging aktibista niya ang lahat ng banta ng panganib, sa military, sa mga pulis, sa mga mayayaman, sa gobyerno at hindi maiiwasang…” itutuloy pa sana ni Kenneth ng –
“Please be direct to the point!” may kaba man ay pilit niyang itinago iyon sa galit niyang pananalita.
“May nakitang sunog na katawan sa Nueva Ecija at ang initial description ay tumutukoy lahat kay Harold.” sagot ni Kenneth na pilit pinapatatag ang katawan.
“So, pinapunta ninyo ako para lang maging driver ninyo? Malamang hindi si Harold iyon.” sagot ni Gabby na bagamat lalong tumindi ang kaba ay pilit niyang itinatanggi na si Harold iyon.
“Madalas mangyari sa buhay namin ito Gabby! Mga desaparacidos kung tawagin sa amin ang kasong ito, political killings, mga aktibistang pinapaslang, iyong iba makikita lang after couple of years, iyong iba hindi na talaga kahit kailan. Wala kasing hustisya at bulag ang human rights sa mga katulad naming lumalaban sa gobyerno. Akala ng iba basta lang kami nag-iingay, pero hindi nila alam na ang bawat ingay namin, malaki ang patama sa mga nakaupo at buhay namin ang nakasalalay dahil mamaya, sa isang iglap, bigla kaming mawala at sa susunod na makita ay malamig ng bangkay. Kay Harold, iba pa din ang nakakasigurado.” paliwanag ni Kenneth. “Pero kung ayaw mong sumama, ibaba mo na kami ni Sean at hahanap na lang kami ng masasakyan.” suhestiyon pa ni Kenneth.
Ayaw sanang isipin ni Gabby na si Harold iyon, pero paano kung si Harold nga. Kaya mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan at hagibis niya itong pinalipad sa kalsada. Sabik na ang puso niya kay Harold pero ayaw niyang isang malamig na bangkay itong aabutan. Halu-halong emosyon ang naglalaro sa kaibuturan ni Gabby, ayaw niyang umiyak, ayaw niyang ipakitang naniniwala siya, ayaw niyang sabihing tinatanggap na niya ang ideyang patay na si Harold.
Wala, napalambot na ni Harold ang puso niya kaya naman kahit na anung pagtatago ng saloobin ay agad siyang pinagtaksilan ng mga luha sa kanyang mga mata.
“Harold! Akala ko ba hintayin ka? Pero bakit? Bakit ngayon, binigo mo akong babalik ka?” katanungan ni Gabby sa sarili.
Puno ng kalungkutan, pag-aalala at pangamba, iyan ang mababanaag sa mga mata ni Gabby. Hindi niya alam kung papaanong tatanggapin kung si Harold man nga iyong katawang iyon.
Ilang oras din silang bumiyahe at sa wakas ay nakarating na din sila sa laboratoryong sumuri sa bangkay –
Hindi magawang titigan ni Gabby ang bangkay na nasa harap. Mahirap nang i-identify iyon dahil sunog na sunog na at halos puro buto na lang ang nakikita. May pigil na luha ang nais kumawala sa kanya, ngunit ayaw tanggapin ng puso niyang si Harold nga ang kaharap. Iba ang damdaming nasa puso niya, kaiba sa damdmaing ang tunay na Harold lang ang may kakayahang magparamdam sa kanya.
“Doc, kamusta na po ang initial findings?” tanong ni Kenneth sa doctor.
“May nakita kaming mga bagay sa kanya na pwedeng magamit to identify the body. Iyong sa ngipin niya at bone structure.” sagot ng doctor.
“Yes dok! Kapareho nga po ang ngipin at bone structure ng hinahanap namin, pero pwede po bang makita namin iyong bagay na nakakabit sa kanya.” pakiusap ni Kenneth.
“Ito ang singsing na nakuha naman sa left ring finger niya.” pakita ng doctor sa singsing.
“Wala naman akong maalalang nagsusuot si Harold ng singsing.” komento ni Sean.
Biglang napalingon si Gabby sa sinabing iyon ng doctor, singsing. Maaari kayang iyon na ang hinihintay niyang ebidensya para makumbinsi siyang si Harold nga ang kaharap.
Nangingilid ang luhang kinuha ni Gabby ang singsing –
“Yeah! This is Harold’s” putol-putol na kumpirmasyon ni Gabby.
Nagsimula na ding kumawala ang mga luha kina Sean at Kenneth sa kumpirmasyong iyon ni Gabby –
“Papaano namang magkkaruon ng ganyan si Harold?” tutol ni Kenneth na bagamat may duda ay tila nasampal dahil sa kumpirmasyon ni Gabby.
“I am the one who gave him this ring.” tila patay na sagot ni Gabby, walang emosyon, tanging mga luha lang ang nagsasabi ng nararamdaman nito.
“Madaming may ganyang singsing.” kontra ni Kenneth na hinawakan pa sa kwelyo si Gabby.
“No! Ako sa si Harold lang ang may ganyan!” sagot ni Gabby saka pakita sa kapares na singsing sa kamay niya.
Lalong napadalas ang mga luha sa mata ni Sean. Walang pagdadalawang-isip na niyakap si Harold.
“Harold! Bakit ba ikaw pa! Pwede namang ako na lang ang magkaganya pero bakit ikaw pa?” tanong ni Sean sa bangkay ni Harold. “Shit naman Rold! Wala na akong ka-buddy, sino na lang ang sasaluhan ko ng pukpok ng mga pulis ngayon? Wala nang pipitik sa ilong ko, wala ng magsasabing, sabi nga ng kung sinumang Pontio Pilatong iyan! Wala nang tatanga-tangang papahuli sa papabugbog sa mga pulis, wala ng tatakas sa patak-patak system natin.” mga pag-alala ni Sean kay Harold. “Hoy gago! Bakit ka kasi nagpahuli? Akala ko ba mabilis kang tumakbo at magaling kang tumnakas? Ang yabang-yabang mo pa na hindi ka maabutan pag habulan na. At akala ko ba matalino ka? Kaya mong mabilis na makaisip na plano? Bakit nabobo ka at madali kang nahuli? Wala ka pala eh! Hanggang yabang ka lang pala eh.” paninisi pa ni Sean kay Harold.
“Nakita din ito sa may di-kalayuan sa bangkay.” sabi ulit ng doctor saka binigay ang nakita nilang kwintas dito.
“Si Harold nga!” saad ni Sean nang makita ang family pendant ni Harold.
Hindi magawang lapitan ni Kenneth ang bangkay ni Harold. Pakiramdam niya ay pinipilipitan ang puso niya ngayong kaharap si Harold – walang malay, walang buhay, isa nang bangkay. Isang malakas na suntok ang binigay ni Kenneth sa pader ng laboratoryo. Ang isa ay nasundan ng isa at ng isa pa kasabay ng mga luhang nasa mata. Pagpapahiwatig ng emosyong nararamdaman niya at nag-babadya sa isang paghihiganting binubuo sa isipan.
Samantalang si Gabby naman ay kinuha ang pendant at singsing, nilapitan ang bangkay, buo ang loob na tinitigan at inalala ang mga sandaling kasama ang binata. Sapat na ang katahimikan niya para malaman kung gaano siya nasaktan sa pagkawala ni Harold. May mga pigil na luhang pilit na kumakawala sa mga mata, may mga hikbi ng pangungulila, may mga mapapait na ngiting pilit binitawan. Ang puso ni Gabby ay tila ba ginapusan ng mga tinik, ng chicken wire, ng electric wire na may milyong boltahe. Buhay na patay ang pakiramdam ni Gabby, oo, buhay ang katawang lupa niya subalit piñata na naman ang puso niya. Buhay na buhay siya, pero pumanaw na ang diwa niya, ang damdamin niya, tinangay lahat ni Harold ang katinuan niya. “Sana, niyakap na kita ng mahigpit, hinalikan sa mga labi at sinabihan na kita kung gaano kita kamahal nung huling beses kitang nakita. Sana hindi ako naduwag nuon kung alam ko lang na iyon na ang huli nating pagkikita.” bulong ni Gabby sa sarili. “Mali pala! Sana hindi na ako pumayag na umalis ka, sana hindi kita hinayaang mawlaay sa akin, sana hindi nangyari ang lahat ng ito.” pagbawi ni Gabby.
“Doc, gaano pa po katagal i-aautopsy ang katawan ni Harold?” tanong in Kenneth sa doctor.
“Sa sobrang pagkasunog ng katawan niya, matatagalan pa tayo. Hindi din ganun ka-advance ang equipments namin dito.” sagot ng doctor.
“Prepare all the documents doc. Iuuwi na namin si Harold sa Tarlac.” wari ba isang hari n utos ni Gabby sa doctor.
“Hindi pa pwede, may procedure kaming sinusunod at may isa pang pamilya na pupunta dito para tingnan ang bangkay.” katwiran ng doctor.
“Tell the family that the body was identified.” sagot ni Gabby. “Tell them that the ring and pendant justified the identification. Parehas iyon na unique kay Harold.” habol pa ng binata.
“Hindi dok! Ituloy po ninyo ang autopsy sa katawan.” tutol ni Kenneth. “Gusto kop o talagang masiguradong si Harold yan!” paliwanag pa nito.
“Aren’t you pity Harold’s body? Imbes na mabigyan na natin siya ng maayos na pamamahinga, ipapalapirot mo pa ang katawan niya. Imbes na matahimik na ang katawan niya, ibubuyanyang mo pa.” kontra ni Gabby. “Have a little mercy for Harold! Four years niya kayong sinamahan at nakibaka para sa bayan. Apat na taon niyang ginagawa ang sarili niyang hukay para sa kamatayan n’ya ngayon.” paliwanag ni Gabby.
“Tama siya Kenneth!” sang-ayon ni Sean na sa wakas ay nakapagsalita na. “Papagpahingahin na natin si Harold Kenneth. Alam kong masakit pa ang katawan niya kaya naman hayaan na nating makapagpahinga.” paliwanag pa nito.
Muling pumatak ang luha ni Kenneth. “Kung alam ko lang na ganito sana itinago na lang namin si Harold sa headquarters.” sisi pa nito sa sarili.
“It’s not your fault!” pang-aamo ni Sean saka niyakap si Kenneth. “Walang may gustong mangyari ito kay Harold.”
“Doc, iuuwi na namin si Harold sa Tarlac.” muling pamimilit ni Gabby sa doctor na sinagot naman ng tango.
Sa Tarlac –
“Oh! Ano ito?” asar na usisa ni Luis sa humintong funeral service.
“Sir! Napag-utusan lang po kami.” sagot ng isa saka isa-isang binaba ang mga gamit.
“Wala naman kaming patay dito ah.” kontra ni Luis subalit tila hindi siya naririnig ng lalaki. Unti-unti nang nakaramdam ng kaba si Luis dahil tila siguradong-sigurado ang mga nagbababa ng gamit na tama ang bahay na hinintuan.
“Let them do their jod Luis.” malungkot na sabi ng tinig mula sa kotseng huminto.
“Gabby?” alinlangang tanong ni Luis. “May ano ba Gabby? Bagong promo ba ng Restaurant? Matagal pa ang Halloween di ba, saka hindi uso ngayon ang ganyan.” sunud-sunod na tanong ni Luis.
Walang sinagot si Gabby sa mga tanong at kumpirmasyon ni Luis – “Luis, I want you to meet Sean and Kenneth. They are Harold’s friends.” pakilala ni Gabby sa dalawa.
“Kenneth and Sean, he’s Luis, he serves as Harold’s older brother.” pakilala naman ni Gabby kay Luis.
“Nice meeting you!” wika ni Luis sabay abot sa kamay ng dalawa. “Nasaan si Harold?” tanong pa ng binata.
Nanatiling tahimik lang ang tatlo.
“Nasaan ka ko si Harold?” ulit na tanong ni Luis na lalong kinutuban sa kung sino ang laman ng ataul. “Don’t tell me na si Harold nga iyon?” nanginginig na tanong ni Luis.
Tango lang ang sagot ni Gabby na may kasamang tahimik na pagluha.
“Is this some sort of a joke?” nangangatal na tanong ni Luis.
“Sana nga!” sagot ni Sean.
“Pero totoo!” sagot naman ni Kenneth.
Mabilis na tinakbo ni Luis ang kabaong at pinipilit na pinapabuksan iyon sa mga bumubuhat.
“Sean, here’s the key! Buksan mo na ang pinto para maipasok na lahat ng gamit.” utos ni Gabby kay Sean. “Luis! Huwag mo nang pabuksan or else you will be dismayed.” sabi naman ni Gabby kay Luis saka inaya si Kenneth na sundan na si Sean.
“Hindi!” tutol ni Luis saka pinipilit na buksan ang kabaong.
“Buksan na nga ninyo.” utos naman ni Gabby.
Natulala si Luis sa nakitang sunog na katawan ni Harold. Hindi pa sana siya maniniwalang si Harold iyon kung hindi lang dahil sa kwintas nitong siya lang ay mayroon at sa singsing na nakita niyang suot nito lagi. Natahimik at hindi maigalaw ang buong katawan. Nanginginig, naluluha, umaapaw ang kalungkutan. “Harold? Ito na ang kinatatakutan ko. Akala sasamahan mo na ako pero bakit iniwan mo din ako kaagad? Ang daya mo naman, hindi ka marunong maghintay. Ang damot mo naman, sandali mo lang pinadama sa akin ang sayang makasama ka. Ang tanga mo naman! Namatay kang hindi mo alam na mahal kita.” bulong ni Lusi sa sarili na may matitipid at tahimik na pagluha.
Naikwento na nila kay Luis ang lahat ng opinion nila sa kamatayan ni Harold at naging napakaskit niyon para sa binata. Kinagabihan ng unang lamay –
“Bukas?!” tila may pagtutol na tanong ni Luis.
“Yeah! Bukas na natin ililibing si Harold. We’d talked about it and Sean and Kenneth agreed with my decision.” sagot ni Gabby.
“Sino ka ba sa buhay ni Harold para magdesisyon?” tanong ni Luis kay Gabby.
Iniangat lang ni Gabby ang daliri kung saan suot niya ang kaparehong singsing na gaya ng kay Harold. Natahimik na lang si Luis dahil alam na niya ang sagot sa katanungan.
“Maawa ka naman kay Harold kung patatagalin pa natin ang libing niya. Tinganan mo naman ang katawan niya, halatang matinding hirap ang pinagdaanan, tapos patatagalin pa nating expose.” katwiran ni Sean.
“Pero paano iyong iba niyang kakilala at kaibigan dito?” tanong ni Luis.
“We had informed them, kaya nga madami na ang nakadalaw mula kanina.” sagot ni Gabby na may pilit na mga ngiti.
“Iyong mga kaklase niya sa Manila?” tanong pa ni Luis.
“Malapit na din sila, kakatext lang sa akin.” sagot ni Sean.
“Pati ang ibang kasama, malapit na din daw sila.” singit naman ni Kenneth.
“Kaya pala kakaiba ang kaba ko nung may gustong mag-tour sa bahay.” simula ni Luis.
“Ano kamo?” pag-uulit ni Kenneth.
“Last time, nuong huli kong makita si Harold at lumuwas ng Maynila, may lalaking nagpupumilit na pumasok sa bahay na’to. Magbabayad daw siya kahit magkano makapasok lang. Kaso wala namang susi kaya hindi nakapasok.” sagot ni Luis. “Akala ko nga hindi gagawa ng mabuti, kasi ang bikas at itsura nakakatakot talaga. Ngayon, na-realize ko, mas mukha nga siyang sundalo.” kwento pa nito.
“Nasa list na talaga nila si Harold.” sagot ni Kenneth. “Talagang kasama na sa listahan nila si Harold kaya naman may nagmamanman na.” dagdag pa nito.
“Pero bakit si Harold?” tanong ni Sean. “Hindi mas expose tayo kaysa sa kanya?” tanong pa nito.
“Iyon nga din ang pinagtataka ko, kasi kung tutuusin, mas delikado tayo kaysa kay Harold.” komento pa ni Kenneth.
“Magandang gabi po!” bati mula sa pinto na nagpahinto sa usapan nila.
“Martin! Ikaw pala.” simulang bati ni Gabby. “Mr. Gutierrez!” bati naman niya sa kasama ni Martin.
“Magkakilala kayo?” tanong ni Martin.
“Business partner kami.” si Fierro na ang sumagot.
Kasunod namang dumating nila Martin ang iba pang mga kaklase ni Harold, mga kabarkada ang mga kasamahan sa organisasyon. Walang natulog buong magdamag, naging maingay ang burol ni Harold. Tulad nang nakasanayan na sa probinsya ay may nag-aalay ng dasal kay Harold, mga nagrorosaryo, gumagawa ng kung anu-anong seremonya, mga pagtatangi at kung anu-ano pang tradisyon. Sa pagbubukang-liwayway ay ang grupo naman nila Kenneth ang nagsagawa ng parangal para kay Harold.
“Mga kasama! Gamitin nating halimbawa si Harold sa ating layuning palayain ang bayan. Huwag tayong susuko at bibitiw sa ating ipinaglalaban. Huwag nating biguin si Harold na katulad natin ay umaasang papasikatin ang araw sa kanluran, na umaasang patuloy pa ding mag-aalab ang ating damdamin para sa hinihintay na pagpula ng kalangitan. Malaking kawalan si Harold sa samahan, malaking bahagi nang ating mga katauhan ang mananatiling kapiling niya, marami siyang pangarap na kailangan nating bigyang nang katuparan. Natatangi si Harold mga kasama, dahil siya ay ang halimbawa ng may tunay na tapang at lakas, walang takot at handang ialay ang buhay para sa inaasam na kalayaan ng bayan. Huwag nating biguin si Harold na minsan nating nakasamang nangarap para sa malayang inang bayan!” emosyonal na pahayag ni Kenneth habang pinangungunahan ang seremonya ni Harold.
“Harold! Kami’y kasama mong naniniwala na may pag-asang mabago pa ang hugis ng lipunan. Kami’y naniniwala na hanggang sa mga oras na ito ay hindi ka bumitiw sa ating ipinaglalaban. Kami’y umaasa at humingi sa iyo ng patnubay para an gating mabuting hangarin ay mabigyan ng katuparan.” pagwawakas naman ni Sean na siyang naging ka-buddy ni Harold sa loob ng apat na taon.
Salitan sila Luis, Kenneth at Sean na nakatayo sa paanan ng ataul samantalang si Gabby ay hindi iniwan ang pwesto niya sa ulunan nito. ang restaurant naman ang nagpapakain sa mga bisita at kasamang umiistima ng bisita ang mga kabarkada, kaibigan at kaklase sa Maynila. Kinaumagahan ay lalong dumagsa ang tao kila Harold. Dumating ang mga nakasama nito sa iba’t-ibang mass integration at paglilibot sa mga mahihirap na lugar. Lahat sila ay may pabaong mensahe para kay Harold. Lahat ay emosyonal at umiiyak sa paglisan ng isang mabuting kaibigan. Wala nang mapaglagyan ang mga tao, animo’y isang artista si Harold na bagamat nakasara ang ataul ay napakahaba ng nakapila at nagnanais na makayakap sa ataul ng binata at makapag-alay ng dasal sa kanyang labi.
“Kuya Harold!” simula ng isang bata. “Naaalala mo pa po ba ako? Ako po si Rainier, ako po iyong madalas ninyong bigyan nang pagkain sa riles. Namimiss na po kita, kasi wala nang kumakausap sa akin, wala na ding nakikipaglaro ng habulan. Di po ba sabi mo gusto mong makilala sina Mama at Papa ko? Heto po dinala ko sila dito para makilala mo. Sige na kuya Harold, bangon ka muna d’yan! Sabi kasi ni Kuya Sean, iyong lagi mong kasama at nagdala sa amin dito natutulog ka lang daw. Huwag ka daw naming gigisingin kasi maiistorbo ka. Ang ingay ingay kaya nila kasi umiiyak sila sa harap mo. Kaya nga ako ayokong umiyak kasi baka magalit ka. Pero kuya Harold, pag punta mo ulit sa Maynila bisitahin mo kami dun ah.” pagwawakas nang bata saka hinalikan ang gilid ng ataul ni Harold.
Rinig na rinig ni Gabby ang mga sinabing iyon ng bata. Hindi niya alam pero dahil sa mga taong nakasalamuha ni Harold ay mas nakilala niya ang katipan. Nakilala niya ang Harold na hindi niya magagawang makilala sa loob lang ng isang buwan nilang pagsasama.
“Gabby! May parating pa daw na kasunod.” pagbabalita ni Sean kay Gabby. “Kahit kasi limitahan lang namin iyong pwedeng sumakay sa truck eh nakikigitgit sila para makita si Harold. I mean, nakikipag-away para lang makapunta dito.” dagdag pa ni Sean.
“Sige, I’ll take the expenses. Isama lahat ng gustong sumama.” sagot ni Gabby.
“Dapat pala sa Manila muna natin dinala kahapon si Harold.” suhestiyon ni Sean.
“Wala na! Saka mahihirapan pa si Harold sa byahe.” sagot ni Gabby.
“Idol, salamat sa’yo kasi hindi na ako addict sa solvent ngayon.” sabi naman ng isang binata. “Buti na lang pala at hindi mo ako tinigilan dati at kinulit para lumubay na sa solvent. Alam mo, idol talaga kita, kasi iyong iba iniiwasan kami, nilalayuan, pero ikaw hindi. Umaakbay ka pa sa amin tapos nakikipagkwentuhan ka pa. Idol, di ba may promise ako sa’yo dati? Sabi ko maghahanap ako ng matinong trabaho para hindi na ako magsosolvent? Idol, tinupad ko na iyon. Janitor na ako ng City Hall, tapos nagsisimula na din akong mag-aral ng high school. Idol kasi kita eh, iba pala ang feeling nang pumapasok sa school tapos naka-uniform. Buti na lang talaga idol hindi ka nandiri sa akin dati. Hindi ka natakot, idol, bakit isang kagaya mo pa ang namatay? Pwede namang iyong nandiri sa amin ang mamatay di ba? Bakit ikaw pa? Kawawa naman iyong ibang kailangan pa ng tulong mo, hindi ka na nila makikilala.” at humulagpos na ang pigil na luha sa binata skaa niyakap ang ataul ni Harold.
“Boss! Tama na iyan!” sabi naman ng nasa likod ng binata saka ito niyakap din na tila pinapakalma at pinapapanatag.
Ilang tao din ang nagdaan, pare-pareho ng nasasabi tungkol kay Harold, puro kabutihan, alaala, masasayang sandali, kabaitan ng binata at kung anu-ano pa. may isang umagaw ng atensyon kay Gabby, isang lalaki na naka-long sleeves, slacks at leather shoes. Madami din ang dumaang ganuon sa harap niya na nakapila, pero ang nakatawag sa kanya ng pansin ay ang sinabi nito tungkol kay Harold.
“Tol! Salamat sa payo mo sa akin! Walang madaling paraan sa taong wala ng pag-asa, nagamit ko iyon sa buhay ko at heto, tama ka! Hindi ko kailangang magbenta ng katawan ko para kumita. Alam mo bang nakakita din ako ng trabaho, naging factory worker muna ako tapos ngayon supervisor na ng maliit na kumpanya, ayos lang kahit maliit ang sahod, mas masaya naman ako. Akala ko talaga dati katawan ko ang habol mo kaya nga todo giling ako sa harap mo na nakabrief lang. Sinabi mo pa nga nuon na hindi ko kailangang gawin iyon sabay abot ng twalya kinulit pa din kita, kasi trip din kita. Pero hanga ako sa’yo, nakaresist ka sa akin! You affected me so much. Ipinakita mo sa akin na hindi lahat ng bagay sa madaling paraan nakukuha, dapat pinaghihirapan pero dapat masaya ka. Nalungkot nga ako nang malaman kong patay ka na. ayoko ngang maniwala pero iyong mga kasamahan ko dati, kinonfirm na patay ka na nga daw, ayun, napabyahe ako agad. Nag-file agad ako ng leave of absence kasi, gusto ko, kahit sa huling pagkakataon, makapagpasalamat ako sa’yo.” at bumigay na ang lalaki at napaiyak ito. “Alam ko ayaw mong umiyak ako, kasi gusto mo malakas ang lahat, matibay at matatag, pero sorry tol! Hindi ko kaya! Hindi ko kayang sa muli nating pagkikita, sa pagkakataong makakapagpasamalat na ako sa’yo, hindi mo na ako naririnig at nakikita. Salamat talaga!” sabi pa ng lalaki at biglang umalis sa harap ng ataul ni Harold.
“Ito ba ang sinasabing respeto ni Harold? Respetong hindi nabibili pero kusang binibigay? Harold! Ngayon ko napatunayang mas mayaman ka pa kung ihahambing sa akin. Sa dami nang nagmamahal sa’yo, walang-wala ako na pera ko lang ang mahal nila at ginagalang nila. Sorry Harold dahil ngayon ko lang naintindihan ang sinasabi mo dati. Bakit kailangan mo pang mamatay? Salamat kasi kahit na sa huling pagkakataon, nililiwanagan mo ako sa tunay na kulay ng buhay. Salamat din Harold, kasi hindi ang pera ko ang tinaggap mo, kung hindi ako, kahit gaano ako kasama, minahal mo pa din ako. Salamat Harold, dahil tulad nila na nakapila, tinulungan mo din akong magbagong-buhay. Salamat Harold! Kasi pumayag kang maging Prince Charming ko at ipinakilala mo ako sa mundo mong makatao.” muling napaiyak si Gabby.
Kinahapunan –
“Ikaw, Harold Mark ay kapiling na nang ating Dakilang Maylikha, naging makabuluhan nag iyong buhay sa lupa at ngayon ay aming ipinapanalangin ang iyong matiwasay na paglalakbay sa kabilang ibayo ng buhay. Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Espiritu Santo. Amen!” pagbababasbas ng pari.
Isa-isang nag-alay ng bulaklak ang mga taong malalapit kay Harold, at kasunod niyon ay mga lupang itinabon. Matagal din bago nabawasan ng tao sa sementeryo kung hindi pa umulan ay malamang hindi pa din mahulugang karayom. Madami ang tunay na nakidalamhati, madami ang nakiramay at nakisimpatya.
“Sige na! Susunod na lang ako.” sabi ni Gabby kay Sean na inaaya na siyang umuwi.
“Sigurado ka ba? Umuwi ka din agad, kailangan mo na ding magpahinga.” sabi pa nito.
“Sandali lang ako, sige na, pagod din kayo kaya magpahingan na muna kayo.” sabi pa ni Gabby.
“Sige!” sagot ni Sean na batid na kailangan ng oras ni Gabby para kausapin pa si Harold.
Maya-maya pa at –
“Harold! Alam ko, matatagalan bago maghilom ang sugat sa puso ko, pero sana tandaan mo at bauunin mo kung gaano kita kamahal ikaw lang ang nag-iisang dahilan ng pagtibok ng puso ko. Ikaw lang ang bukod tangi kong mamahalin at pag-aalayan ng buong pag-ibig. Asahan mo din Harold, kakayanin ko ang bawat araw na hindi kita kasama. Kakayanin ko ang bawat araw na hindi kita nakikita. Para sa’yo, lalaban ako.” pangako ni Gabby na pinipilit nang ngumit kahit na sa katotohanan ay puro pa din sakit ang kanyang nararamdaman. “Asahan mo, pagbabayarin ko ang gumawa sa’yo nito. Pagdudusahin ko ang naglayo sa iyo sa akin. Sisiguraduhin kong pagsisisihan niyang piñata ka niya.” turan pa ni Gabby.

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP