Task Force Enigma : Cody Unabia 12

Friday, May 20, 2011

Chapter 12

"Masakit na Cody. Bitiwan mo ang kamay ko!"

Naiiritang sigaw ni Kearse ng makalabas sila ng Coffee Haven. Nagtitinginan pa rin ang mga usisero at usiserang customer na nakasaksi sa eksena nila kaya napilitan siyang itulak ito sa van na kinaroroonan ni Jerick.

"Ano bang problema mo?" badtrip pa ring sabi niya.

Nanatili lang itong nakatingin sa kanya ng nakakunot-noo. Madilim na madilim ang mukha na parang gusto siyang sapakin. Gusto niyang manlamig sa tingin na iyon pero galit rin siya dahil naalala niya ang pangloloko na ginawa nito sa kanya.

Ang paglilihim ng tunay na sexual orientation nito sa kanya.

Big deal iyon. Promise. Maaaring di siya mage-gets ng iba, pero kabilang siya sa mga old school na bading sa henerasyon ngayon. Ayaw niya sa Kapwa Ko, Mahal Ko. Ayaw niya ng tansuan. Ayaw niya ng lasunan. Ganoon lang iyon.

"Tell me Cody, bakit ka ba nagkakaganyan?" nauubos na ang pasensiya niya sa pananahimik nito.

"Tinatanong mo pa?" balik-tanong lang na sagot nito.

"Ha? Eh okray ka pala eh. Anong tingin mo sa akin? Manghuhula?"

"Ang problema ko, hindi mo ginagawa ang trabahong ipinangako mo sa amin ng maayos!" mahinang bulyaw nito.

"Ay? Sorry Bossing ha? Hindi ko alam na incompetent pala ako. Wala kasi akong training sa mga ganito. Pasensiya na. Hindi ko naabot ang expectations mo." Kearse said sarcastically.

"Hindi iyon eh. You're actually flirting with our suspect!" tila napupunding sabi na rin nito.

"Ay? Hindi ba ang purpose ng paglapit ko sa kanya eh maging feeling-close? What do you expect me to do? Mag-yoga sa harap niya?"

"Huwag kang pilosopo Kearse. Naiinis na ako sa'yo."

"Mas naiinis ako sa'yo! I'm doing my best to keep my part of the bargain. Hayaan mo ako sa diskarte ko! And for your information, kung naiinis ka na, ako galit ako. Galit ako sa'yo!" humihingal na sabi niya.

Read more...

Task Force Enigma : Cody Unabia 11

Chapter 11


"J-jhay-L?"

"Wala ng iba." nakangising-aso na sabi ng lalaki sa kanya.

"Anong ginagawa mo rito?" mabilis na umangat ang depensa niya para dito. Naisip niyang wala na siyang pagpipilian kundi ang tapusin ang naipangako niyang pagtulong kina Cody kahit pa niloko siya nito. Ganoon kahalaga ang palabra de honor sa kanya.

"Malamang ay iinom ng kape. Ano bang klaseng tanong iyan?" mataray na singit ni Marisay Penta sa kanilang dalawa. Nakataas ang kilay ng hitad na lalong nagpatingkad sa katarayang taglay.

Tinapatan niya ng nang-aasar na ngisi ang babae.

"Hindi ko kasi alam na mahilig palang uminom ng kape ang mga alien."

"Sinong alien?" sumisingasing na sabi nito.

"Ewan ko. May nakita ka ba?"

"Ako lang ang kausap mo dito kaya alam kong ako ang pinatatamaan mong bakla ka."

"Uy, nakakahiya naman sa balat mo. Feeling mo ikaw ang kausap ko? Binanggit ko ba ang pangalan mo? Ano nga ulit iyon? Hindi ko kasi maalala eh. parang tunog laos na."

"Aba't..."

"Tama na yan." awat ni Jhay-L sa kanilang dalawa.

Sabay silang napatingin dito ni Marisay.

"Kinakampihan mo ba ang baklitang ito Jhay-L?" naiinis na tanong nito sa kasama.

"Haller. Never akong kakampihan niyan. Hindi kami close." pambabara niya sa mga ito.

"Shut up. Hindi ka kasali sa usapan."  singhal sa kanya ni Marisay.

Naiimberna na si Kearse pero ipinagpatuloy lang niya ang ginagawa. Sira ang diskarte niya kapag nagkataon. Kung bakit kasi naririto ang artistang si Marisay Penta. Wala tuloy siyang magawang segway para maging mabait kay Jhay-L. Sinisira ng babaeng ito ang balak niya.

"Ikaw ang naunang umepal sa usapan namin kaya quits na tayo." balik niya rito.

"Sinabi ng tama na eh." napipika ng sabi ni Jhay-L sa kanilang dalawa.

Read more...

Unexpected Love Chapter 23

guys heto na po ang UeL 23...

sorry po kung mejo delayed...

pero may good news kasi nga diba may new face na si JAM... and that is thanks to

kasi siya ang nag kumbinse kay WOO JUNG para maging mukha ni JAM..

kaya isang masigabong palakpakan naman jan para sa ating HERO.. :)

malapit na po ang katapusan ng Unexpected Love...

abangan nyu na lang po ang susunod kong gagawin ang "Hiling" after ng UeL.. salamat sa mga nag participate sa Poll ko..

at sa mga nag comment, sa mga silent reader, sa mga taong gusto na akong patayin dahil sa pag paaprape ko daw kaina JOM at JEFFREY.. hehehehe salamat parin...

wow for the first time.. umabot sa all time high ang nag view ng UeL 22 umabot ito sa 155 page views... maliit lang to pero para sa akin malaki na to dati rati kasi hanggang 59 lang ang nag babasa ng UeL sa blog ko pero di ko expected na aabot sa almost 3X hehehehe.. salamat sa mga nag babasa... pero alam ko marami pang readers ng UeL lalo na sa MSOB kaya salamat parin super salamat.

-3rd-
_____________________________________________________________
Woo Jung as the New face of JAM..
__________________________________________________________

Patuloy ako sa pag darasal ko sa loob ng chapel, nag susumamo na iligtas niya si tita. Walang kasalanan ang tao bakit kailangan ganito pa ang magyari sa kanya. Ilang minuto lang ay may tumapik sa likod ko..
???: insan.....
Napalingon ako at doon nakita ko si Joana...
Ako: Insan.. akala ko ba nasa amerika ka....
Joana: dapat.. pero di ako tumuloy... bigla kasing bumalik si kuya at nagkasalubong kami sa airport. Insan.. sorry sa nangyari ka tita... kung...
Ako: shhh wala kang kasalanan insan.. kahit kailan ay wala kang ginawang mali sa amin...
Sabay yakap sa kanya...habang nakayakap ako ay nag salita siya....
Joana: insan... sorry... ako kasi nag sabi kay kuya kung saan ang bahay nila JOM...
Nabigla ako sa kanyang sinabi kaya bahaya ko siyang itinulak para magkaharap kami doon ako napabulyaw sa kanya...
Ako: anu?! Bakit mo yun ginawa?! Di mo ba alam na nakaratay ngayon si tita sa ICU at nag aagaw buhay dahil sa kuya mo!!!
Joana: sorry na nga!!
Ako: sa tingin mo mababawi ng sorry mo ang nangyari kay tita... Joana... itinuring kang sariling anak ni tita pero bakit ganito ang ginawa mo!!
Joana: JAM!! Di ko gusto ang ginawa ko!!! Pero sinaktan ako ni kuya!! Pinilit niya ako!!! (sabay tulo ng luha)
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko sa kanya, di ko akalaing kaya ni brad na saktan ang sarili niyang kapatid. Doon ko lang talaga napansin ng mabuti kung bakit siya naka shades kahit madilim pa. Inalis ni Joana ang kanyang shades at doon ko nakita ang pasa niya na halos pumikit na ang isa niyang mata dahil sa pamamaga. Niyakap ko na lang siya at saka ako humingi ng sorry..
Ako: sorry insan..sorry.... pati ikaw nadamay na...
Joana: ok lan yun insan... ako rin naman may gusto na protektahan kayo, pero bigo ako. ngayon hayaan mo akong bumawi. Alam ko kung asan ni kuya dinala sina Jom..
Ako: alam ko na rin...
Joana: panu mo nalaman?
Ako: tumawag siya kagabi sa akin, at sinabi niya na pumunta daw ako sa warehouse ng mga sasakyan alas 10 ng gabi... kundi ay si Jom at Jeffrey ang magbabayad...
Joana: insan kilala mo si kuya... walang sinasanto iyon.... isa pa kaya ako nandidito ngayon dahil sa dady mo... humihingi siya ng sorry sa nagawa niya... gusto niyang ipaabot sayo na wala siyang kinalaman sa ginagawa ni kuya... maging siya ay nabigla... talagang nandilim lang ang paningin niya noong pinagtapat mo sa kanya ang relsyon ninyo ni Jom... kaya sana daw... mapatawa mo pa siya....
Di ko alam kung anu ang isasagot ko sa kanya, sa mga oras na iyon ay saraado ang puso ko pag tungkol kay dady, masayadong masakit ang kanyang mga nagawa sa akin, kay Jom lalo na kay Jeffrey na tanging gusto lang ay mag paalam sa kanya na may gusto siya sa akin..
Ako: pasensya na insan pero, di ko siya mapapatawad sa ngayon. Kasi kung di naman talaga siya nag wala at tinggap niya si Jom ay siguro ligtas ngayon sila tita, Jom at Jeffrey..... ok lang sana kung pinalayas niya na lang ako pero ang pag bantaan akong papatayin niya ako sa harap ni momy... ibang usapan na yan insan, kung naalala mo maging ikaw ay pinagbantaan niya diba..

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP