Showing posts with label by Mike Juha. Show all posts
Showing posts with label by Mike Juha. Show all posts

Ang Aral ng Isang Ibon

Wednesday, February 23, 2011

By Mike Juha
Official Entry 2010 PEBA


Palagi kong nakikita ang dalawang ibon na iyon sa malaking puno sa tapat ng aking maliit na tindahan.Hindi ko alam kung anong klase o anong tawag ngunit may brown na kabuuang kulay ang mga ito, may matingkad na dilaw ang kanilang mga tuka, at kapag lumilipad, makikita ang puting stripe sa kanilang mga pakpak.
Ngunit ang nakapagbigay-pansin sa akin ay ang pagiging palagi nilang magkasama na tila ang isa’t isa sa kanila ay hindi alam ang gagawin kapag wala sa tabi ang isa. Minsan nakikita kong mistula silang nag-uusap, o naghahalikan, o nagkikilitian. Kapag nanginginain sa damuhan sa ilalim ng malaking puno na iyon kung saan paborito din nilang pahingahan, ang isa’t isa ay nasa di kalayuan lang. Kapag lilipad naman, sabay din silang tutungo sa parehong direksyon at lugar.

Sobrang nakakaaliw silang pagmasdan. Pakiramdam ko ay nawawala ang pagod ko at naiibsan ang mga hinaing ko sa buhay kapag ganyang nasilayan ko ang dalawang ibong iyon.

Kada alas-tres ng hapon ay halos hindi sila pumapalyang dumadayo sa malaking punongkahoy. At araw-araw sa ganoon ding oras, lihim ko silang pinagmamasdan.

Isang araw, napansin kong iisang ibon na lang ang naglalakad, palundag-lundag na nanginginain sa damuhan. Laking pagtataka ko kasi hindi naman ganoon ang eksenang palagi kong nakikita. Noong lumipad ito patungo sa isang sanga, nakita kong may pugad na pala sila at habang ang isang ibon ay naglimlim, ipinagdadala naman ito ng pagkain ng isang ibon.

Napahanga ako sa ipinamalas nilang pagtutulungan. Para silang mga magsing-irog, o dalawang taong nagmamahalan. Iyong pagdadala ng pagkain para sa naglimlim na kapareha; iyong pagtutulungan nilang itayo ang pugad, at iyong pagbuo nila mismo ng isang pamilya kung saan katuwang nila ang isa’t isa… nakakaramdam din kaya ng awa at pagmamahal ang mga ibon?

Inamin ko; nainggit ako. “Bakit kaya hindi magawa ng ibang tao ang ginawa nila? Bakit sadyang may mga taong mapanlinlang, taksil, mapaglaro, manggagamit…?” ang naitanong ko tuloy sa sarili sabay bitiw ng malalim na buntong-hininga.

Oo, napakasimple ng buhay ng mga ibon at maituturing na mababa lang ang level ng kanilang mga utak. Ang sabi pa nga ng mga eksperto ay hindi nila kayang gamitin ito sa pag-iisip at wala silang kakayahang magmahal. Ngunit sa nakita ko, naipamalas nila ang kahalagahan ng pagtutulungan, ang pagbibigay-suporta, ang pagdadamayan, ang pagiging tapat, at ang pagpapahalaga….

May nabasa akong mga pagsusuri tungkol sa panghabambuhay na partnership o pagka-monogamous ng ibang mga ibon; na kapag nakahanap na ang mga ito ng partner, hanggang sa kamatayan na. May isang article din akong nabasa tungkol sa isang wild black swan na na-attract sa isang puting swan boat ng isang recreation park. Bagamat ilang doble ang laki ng swan boat sa kanya, hindi na umaalis ang maitim na swan sa gilid ng bangka. May ilang buwan din iyon, hanggang sa isang araw ay nakahanap din siya ng isang tunay na swan na siyang naging partner niya sa habambuhay. Nakakamangha. Nakakapagbigay ng inspirasyon. Nakakaantig ng damdamin.

Ano ang silbi ng katalinuhan kung sarado naman ang isip? Ano ang silbi ng pagiging tao kung ang isip naman ay mas mababaw pa kaysa hayop? Ano ang silbi ng kakayahang magmahal kung hindi naman kayang panindigan ito?

Minsan, nasabi ko sa sarili. “Sana ay naging ibon na lang ako. Nakakalipad, malayang napupuntahan ang mga lugar. At bagamat hindi taglay ng mga ibon ang katalinuhan ng tao, hindi rin kumplikado ang tinatamasa nilang buhay. Simple lang. Walang maraming iniisip, walang maraming iniintindi, walang maraming tanong….”

Kaya, hindi maitatago ang inggit ko sa dalawang ibon na iyon. Naikukumpara ko kasi ang mapait na karanasan ko sa pag-ibig na kabaligtaran sa nasaksihan ko sa dalawang ibon. Magda-dalawang taon na ang nakaraan, hindi pa rin ako makapag move-on sa naranasang sakit kung saan pinagtaksilan at hinudas ako ng taong aking minahal.

Si Lito… ang asawang tinutukoy kong nagtaksil sa akin. Tatlong taon kaming nagsama bago ako nangibang bansa. Kagaya ng ibang nagmamahalan, nagsumpaan kami na walang iwanan; na habambuhay kaming magdamayan at magtulungan upang makamit ang aming mumunting minimithing mga pangarap bilang isang buo at masayang pamilya. At sa tatlong taon naming pagsasama, biniyayaan kami ng isang malusog na batang lalaki - si Andy.

Masasabing kumpleto na sana ang pamilya namin at masaya na sana kami sa ibinigay na biyaya. Subalit walang trabaho si Lito at ang kita ko ay hindi sapat para sa aming lumalaking pamilya. Dahil dito napagdesisyonan kong mangibang-bansa dahil sa hirap ng buhay . Limang taon din akong nagtrabaho sa abroad bilang isang nurse.

Sa pangingibang-bansa ko naranasan ang matinding sakit at hirap na mapalayo sa pamilya. Mistula akong mababaliw sa sobrang pananabik, sa pakiramdam na nag-iisa lang mundo, walang karamay, nahihirapan sa trabaho… Ngunit tiniis ko ang lahat mabigyan lang ng magandang kinabukasan ang aking anak at upang matupad ang pangarap naming mag-asawa na magkaroon ng maliit na negosyo na siyang magpatatag pa sa aming pagsasama kapag ako ay titigil na sa pangingibang-bansa.
Ngunit kabaligtaran ang naging nangyari. Panlimang taon ko na sa abroad iyon at abot-kamay ko na sana ang katuparang ako ay uuwi na at hindi na muling babalik pa sa pangingibang-bansa nang isang masaklap na balita ang ipinarating sa akin ng aking kapatid: may ibang babae si Lito.

Mistulang gumuho ang mundo ko sa pagkarinig sa balitang iyon. Iyon ang pinakamasaklap na mensaheng narinig ko sa buong buhay ko. At kasabay noon ay ang pagkawasak ng aking mga pangarap. Hindi ko alam ang gagawin. Nanginginig ang buo kong katawan sa magkahalong poot at awa sa sarili. Maraming bagay ang pumasok sa aking isip, at kasama na dito ang pagkitil sa sarili kong buhay. Mabuti na lang at nanaig ang aking katinuan nang maalaala ko ang aking anak. At bagamat nag-iiyak ako, naghihiyaw, naglulupasay sa sobrang sakit na naramdaman, pinilit kong magpakatatag para sa aking anak.

Dali-dali akong nag-resign sa trabaho at noong makauwi, nakumpirma ko ang buong katotohanan. Tatlong taon na pala akong niloloko ni Lito at napag-alaman kong nagkaroon din sila ng anak ng babae niya. At ang masaklap pa, sinimot niya ang lahat ng savings namin sa bangko at ginastos ito sa pagpatayo ng bahay para sa bago niyang pamilya. Mabuti na lang at may ipinagkatiwala ako sa kapatid kong babae na isang maliit na sari-sari store. Ito ang naiwan sa akin at ito rin ang nagsilbing munting pag-asa ko na ipagpatuloy ang buhay at buuin ang pangarap ko para sa aking anak.

Pinanindigan ko na rin na pakawalan si Lito. Naisip ko na kapag idaan ko pa sa legal na proseso ang hiwalayan namin ay gagastos lamang ako ng malaking halaga na wala ring patutunguhan. Wala rin naman kasi akong mahahabol na financial assistance sa kanya dahil wala siyang trabaho at binubuhay lang ng kanyang babae. Pinilit kong magpakatatag; pinilit kong maging bato ang aking puso sa kabila nang pagtatanong ng anak ko kung nasaan ang papa niya at kung bakit ang ibang mga bata ay mayroon nito samantalang siya ay wala. Mistulang pinagsasaksak ang puso ko sa bawat pagbigkas niya sa tanong na iyon.

Lumipas ang isang taon at sa wakas, dumalaw din si Lito. Nagkataon namang ipinasyal ng kapatid ko ang anak naming si Andy kaya hindi rin sila nagkita.

Masama ang balita ni Lito. Sumama sa isang Amerikano ang babae niya at nagpakasal ang dalawa sa Amerika. Huli na noong malaman niya ito. Ang naiwan na lang sa kanya ay ang kanilang apat na taong gulang na anak na isinama pa niya sa pagdalaw niyang iyon sa akin. Ang masaklap, wala siyang trabaho at may iniindang karamdaman – diabetis. Putol na ang kaliwa niyang paa. Ito ang dahilan kung bakit siya iniwanan ng kanyang asawa. Wala na siyang silbi para sa kanya. At naibinenta na rin niya ang lahat ng mga ari-arian nila, kasama na ang bahay na nanggaling sa pera ko. At… ubos na rin ang lahat ng pera.

“Karma?” ang sarcastic kong paninisi sa kanya. “May Diyos pala talaga, ano? May kabayaran pala talaga ang mga ginagawa nating kababuyan sa kapwa ano? Pero alam mo, kulang pa iyan eh. Hindi pa iyan sapat kumpara sa sakit na naramdaman ko sa ginawa mong panloloko sa akin! Dapat sana ay natodas ka na!”

Hindi na magawang sumagot ni tumingin ng diretso sa akin si Lito. Tahimik lang siyang nakayuko hanggang sa nakita kong dumaloy ang mga luha niya sa kanyang pisngi at ang nasambit ay, “P-patawarin mo ako, Mira… alam kong matindi ang sakit na naramdaman mo sa ginawa kong panlilinlang sa iyo… Napakasama ko. Ngunit nagsisisi na ako. Gusto ko na kayong makapiling ng anak natin. Sana ay tanggapin mo ako.”

“Tanggapin? Baliw ka ba? Akala mo ganyan lang kadali iyon? Wala… wala akong patawad na maibibigay sa iyo. Nandito pa sa puso ko ang poot. At hindi kita mapapatawad hanggang buhay pa ako! Ngayon, kung nandito ka upang humingi ng tulong sa akin, pasensya na. Sinimot mo na ang lahat ng perang pinaghirapan ko! Wala nang natitira pa para ipamigay sa iyo!”

“K-kahit patawad na lang Mira… p-para sa ating anak. Iyon na lang. Sana bago ako mamatay ay may kapatawaran galing sa puso mo. Ramdam ko na ang maraming kumplikasyon sa sakit ko. May high blood ako, malabo pa ang paningin, at natatakot akong ang sunod na maapektuhan ay ang kidney ko.”

“Ang kapal mo talaga ano? Sa panahon ng aking pagluluksa at sakit na naramdaman sa ginawa mong pagtraydor, anong ginawa mo? Ni hindi ka man lang dumalaw o nagpaliwang o kahit na mag text man lang… Hindi kita naramdaman, alam mo ba iyon? Tapos ngayon…? Sorry, wala kang mapapala sa akin! At huwag ka nang bumalik pa dito dahil kinamumuhian kita! Mamatay ka na sana!” Bulyaw ko.

Iyon lang. Bakat sa mukha ang matinding kalungkutan, walang imik na itinukod ang isang kamay sa upuan samantalang ang isang kamay ay inarko sa dalang crutches at noong makatayo na, hinawakan si Junjun na ang pakilala pa sa akin ay Tita Mira, at tinumbok nila ang pintuan.

May kirot din sa puso ang tagpo na iyon. Nahirapang maglakad, ang damit na suot ay gusgusin na parang sa isang pulubi. Nakakaawang tingnan lalo na noong bago tuluyang lumabas sila ng bahay, lumingon pa sa akin si Junjun, na sa kabila ng kanyang musmos na pag-iisip ay bakas sa mga mata ang pagkalito at ang binitiwang tingin sa akin ay mistulang nagtatanong, “Bakit puno ng galit ang puso mo para sa papa ko?”

Ngunit, sadyang sintigas na ng bato ang puso ko. “Winasak na nga niya ang mga pangarap ko, hanggang sa kasiraan ba ng buhay niya, idadamay pa niya ako?” bulong ko sa sarili.

Iyon ang huling pagkikita namin ni Lito, tatlong buwan na ang nakalipas.

Alas-tres ng hapon at pinagmasdan kong muli ang dalawang ibon. Doon ko nadiskubre na inakay na pala ang mga nilimlimang itlog. Naririnig ko pa ang mga mumunting iyak ng mga ito kapag pasulpot-sulpot sa pugad ang mag-asawang ibon upang pakakainin sila.

Sa eksenang iyon, naihalintulad ko ang sarili. Naghahanap sila ng makakain para sa anak nila at ako, napadayo sa ibang-bansa, lumipad din kumbaga sa malayo, upang mabigyan ng magandang bukas ang aking anak. At kagaya ng pagtutulungan nila, ganoon din kami ni Lito. Bagamat sa simula nga lang… 

Habang nag-eenjoy akong pinagmasdan sila, nagulat naman ako sumunod na nangyari. Aksidenteng nahagip ng dumadaang sasakyan ang isa sa mag-asawang ibon habang lumilipad ito patungo sa kanyang pugad. Bumagsak ito sa damuhang parte sa ilalim ng puno, malayo-layo sa kalsada. Hindi na nito magawang lumipad pa.

Hindi ko alam ang gagawin sa nasaksihan. Nataranta na rin ako sa sobrang pagkabigla, hindi alam kung kukunin ko ba ito at gamutin, o hayaan na lang sa kinalalagyan. Ngunit napag-isip-isip ko na wild ito, at baka kapag kinuha ko, magpipiglas lang at lalong makasama.
At doon ako namangha at naantig ang damdamin noong makita ng kapartner ng ibong natamaan ang nangyari. Lumapit siya dito at mistulang pinapalakas nito ang loob ng kapartner na nasaktan, nag-iingay na parang nagsisigaw o may sinasabi, hindi niya ito iniwan. Noong makitang hindi na talaga ito makalipad, saka niya ito iniwan pansamantala at noong bumalik, dala-dala sa kanyang bibig ang pagkain.

Ngunit patay na ang partner niya.

Hindi ko alam kung ano ang tunay na naramdaman ng naiwanang ibon sa pagkakita niyang lugmok na ang kanyang kabiyak. Tinuka-tuka niya ang pakpak nito na pilit ipinabalik ang malay. Lumulundag-lundag paikot sa patay na katawan, patuloy ang pagtutuka dito hanggang sa marahil ay nawalan na ng pag-asa, huminto din siya. Ngunit patuloy pa rin itong nag-iingay na parang isinisigaw ang kanyang paghihinagpis.

Maya-maya, lumipad siya patungo sa isang sanga at humapo doon. Nagpalipat-lipat; hindi mapakali o ni makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari.

Hindi ko lubos maisalarawan ang naramdaman. Isang hayop lang ito ngunit dama ko ang paghihirap niya. Alam ko ang tindi ng sakit ng mawalan ng minahal. Ramdam ko pa rin ito sa puso ko.

Naalala ko ang mga inakay niya; awa ang naramdaman ko para sa kanila sa pagkawala ng isa sa kanilang mga magulang.

Maya-maya din lang, lumipad ito at bumalik sa pugad, ipinagpatuloy ang pagpapakain sa kanyang mga inakay. Naantig naman ang aking damdamin. Sa kabila ng nangyari, instinct para sa kapakanan ng mga inakay niya pa rin ang sinunod. Nawala man ang partner niya, pilit pa rin niyang binuo ang pamilya niya, ipinagpatuloy ang pagtaguyod na mabuhay ang mga inakay na umaasa sa kanya.

Sobrang napa-“Wow!” ako sa ipinakita niyang kagandahang-loob. Oo nasaksihan ko ang masaklap na nangyari sa kanya, na maituturing na kasing sakit din ng naramdaman ko. Ngunit hindi ito naging dahilan upang magalit siya sa mundo; upang sirain niya ang buhay niya at ang buhay ng mga umaasa sa kanya…

Biglang pumasok sa isip ko si Andy at ang palagi niyang pagtatanong kung saan na napunta ang kanyang ama. Sumagi din sa isip ko ang inosenteng mukha ni Junjun at ang titig nitong binitiwan na mistulang may ibinatong tanong na kumurot sa aking puso, “Bakit puno ng galit ang puso mo para sa papa ko…?”

Isang munting hayop ang nagbukas ng aking mga mata sa kahalagahan ng pagmamahal; sa kahalagahan ng pagtaguyod at pagbuo ng buhay at pamilya.Hatak-hatak ang anak naming si Andy, agad kong tinungo ang address na binigay ni Lito kung saan sila nakatira. Alas-syete ng gabi noong matunton ko ang lugar na sinabi - isang squatter area. Tinahak ko ang makitid na eskinita at noong marating ko ang bahay niya, napansin kong madilim ang loob.

“Natutulog na po ang mag-ama!” sabi sa akin ng isang kapitbahay. “Madalas maagang natutulog ang mga iyan.” Dugtong pa niya.

“Lito!” Sigaw ko.

Maya-maya, lumabas si Junjun, kinuskos-kuskos ng isang kamay ang mga mata at noong makita ako, napasigaw ng “Tita Mira!” sabay takbo palapit sa akin at nagmano.

Ewan ko, ngunit sa inasal ni Junjun kung saan kusa na lang itong lumapit sa akin bagamat hindi pa niya ako lubusang kilala, pakiramdam ko ay lumambot ang puso ko. Alam ko na kung si Andy ay sabik na sabik na makita at makasama ang kanyang ama, si Junjun ay naghahanap din ng pagkalinga ng isang ina.

“O bakit hindi ka pa natulog?” ang tanong ko sa kanya.

“Hindi kasi ako makatulog e.”

“Bakit?”

“Nagugutom po ako. Sabi kasi ni papa, matulog na lang kami kasi wala kaming pagkain. Bukas na lang daw po maghahanap si papa…”

Mistulang namang piniga ang puso ko sa narinig. At nagisnan ko na lang ang sariling niyakap at kinarga ko ang bata sa aking mga bisig. At habang karga-karga ko siya, hindi ko maiwasang hindi pumatak ang aking mga luha.

“O… e… dapat lang na hindi ka pa matulog dahil kakain pa tayo kasama ang kuya Andy mo sa labas e!” Ang sambit ko.

“T-talaga Tita! Yeeeeeyyyy!” sigaw niya, ramdam sa boses niya ang sobrang kagalakan.

“Oo naman!”

Maya-maya lumabas naman si Lito, kitang-kita niya ang kasayahan namin ni Junjun.

Tinitigan niya ako. “N-napatawad mo na ako?”

Binitiwan ko ang ngiti bagamat dumadaloy pa rin sa pisngi ko ang mga luha. “Tinatanong pa ba iyan?” sagot ko. At sabay lingon sa anak aming si Andy, “Andy… siya ang papa mo. Naalala mo pa ba siya? Hug ka sa papa mo, dali!” ang paghikayat ko.

Hindi ko lubusang maisalarawan ang kasiyahang naramdaman sa pagkakita ko sa eksanang nagyakapan ang mag-ama, bakas sa kanilang mga mukha ang ibayong kaligayahan at kasabikan sa isa't-isa. Muli akong napaiyak.

“Anak, miss na miss ka na ni papa… Pa-kiss nga si papa.” sambit ni Lito sabay halik sa pisngi ng anak.

“Na-miss din kita papa…” ang inosenteng sagot din ni Andy.

At naalimpungatan kong nagyakapan na kaming apat.

Iyon ang simula ng pagkabalikan namin ni Lito at ang muling pagkabuo ng aming pamilya. Masayang-masaya ako dahil sa muli naming pagsimula, nadagdagan pa ito ng isang munting anghel – si Junjun. At dahil napalago ko rin naman ng paunti-unti ang sari-sari store ko, kahit papaano ay naitataguyod pa rin namin ang aming mga pangangailangan pati na ang regular na check-up at maintenance na gamot ni Lito.
Ngayon, sinimulan na naming muling buuin ang aming mga pangarap. Ipinangako rin namin sa isa’t-isa na kahit ano man ang mangyari, patuloy naming itaguyod at panatilihing buo at mas matatag ang aming pagsasama bilang isang pamilya. Hindi na namin hahayaang mawasak muli ang aming binuong mga pangarap, lalo na para sa aming mga pinakamamahal na supling na sina Andy at Junjun.

Alam ko na marami pang darating na bagyo at unos ang magtangkang sumubok sa aming pagsasama. Ngunit handa naming harapin ang mga ito; gaano man katindi, gaano man kahirap...

Hindi ko na nakita pang muli ang ibon at ang kanyang mga inakay sa puno na iyon. Ang taging natatanaw ko na lamang sa sanga nito ay ang kanilang pugad na nagsilbing ala-ala ko sa simpleng leksyon na natutunan ko sa buhay. Saan man sila napadpad, alam kong malaya na rin silang lumipad, tumahak, at humarap sa mga sariling pagsubok sa kanilang buhay.

Wakas.

Read more...

Tsinelas

Thursday, January 13, 2011

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
blogstpot: http://michaelsshadesofblue.blogspot.com

-----------------------------------

Tawagin nyo lang ako sa pangalang Nestor. Dalawampung taong gulang at panganay sa walong magkakapatid na apat na lalaki at apat na babae. Simula noong mamatay ang tatay, ako na ang katuwang ng nanay sa paghahanap-buhay. Kung anu-anong trabaho ang pinasukan – kargador, pangongopra, pagiging laborer – lahat na mabibigat na trabaho. Kaya sa katawan ko bakat ang epekto sa hirap na mga gawain: matipunong dibdib at malalaking mga braso at hita. At sa tindig na 5’10, tangos ng ilong, at sabi nila, nangungusap na mga mata, di hamak na may maipagmamalaki din naman.

Iyan ang sabi lalo na ng mga babae. Pero, di ko na binigyang pansin pa ang mga ito. Para sa akin, ang mahalaga ay ang perang kikitain sa araw-araw at ang pagkaing mailalatag sa mesa. Di kagaya ng ibang kabataan na kapag nagkapera ayun, nasa inuman na, sa barkada, o sa pagdi-date. Pero ako, kapag may kaunting bakanteng oras, nagpapahinga lang sa bahay. Trabaho, trabaho, at trabaho pa. Iyan ang routine na nakasanayan ko. Noong mamatay kasi ang tatay, inihabilin nyang huwag pabayaan ang mga kapatid. Kaya sa edad kong iyon, kahit girlfriend, hindi pa ako nakaranas. At kahit may mga pagkakataong tinatanong ko sa sarili kung ano ang pakiramdam ng isang may kasintahan, hindi rin sumagi sa isip na maghahanap ako nito.

Read more...

When It Rains...

Sunday, January 9, 2011

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com

------------------------------------

When I was a little kid, I used to run naked and barefooted under the rain and enjoy every drop of it into my skin. As I ran through the tiny currents it created, I felt I had the whole world beneath my feet. It was always for me the best part of life, the joy of innocence, and of being unattached... Nothing made me feel happier than when it rained. And nothing was more important to me than to indulge myself in it. For me, life was just about it.

But, things changed. As I became older, things grew more complicated. I was sucked in to the currents of vicious circle of competition and of wants. And I didn’t know how to free myself from it. The rain didn’t make me feel happy anymore and I didn’t even know what else could make me. I wanted something and when I get it, I wanted more. My daily preoccupation had been on the pressing issues of survival and the standards set by people around. It became a routine to manage my time and resources to the limit, and to walk on tightropes in order to secure my place in the societal structure. I learned to be someone I was not.

I had to think fast and make wise decisions. I had to mingle with the right persons in order to keep afloat. I had to act intelligent in order to have my ideas recognized. I had to look nice in order to gain acceptance. I was totally lost, drifted from, and stripped of the simple things of my childhood.

A lot of people surrounded me, but I feel all alone. My horizons widened but the world is choking me. There are countless of opportunities but I am lost for values. Luxury abounded but I still feel unhappy with my peace and wisdom eroded. I struggled to surmount the challenges but I can’t seem to find the meaning. 

This morning, I woke up to the sweet sound of rain landing onto my rooftop. As I heard it dropping heavier and heavier, it reminded me of home and of the simple things I used to enjoy: my family and childhood friends, the cool and refreshing countryside air, the sights of farm and lush vegetation, the fresh and uncontaminated waters of the creek and mountain spring, the taste of native foods, and the smell of the harvests. 

I wish I were a little kid again; naive, unsullied, oblivious, innocent, and carefree. I wish I could run naked and barefooted under the rain and enjoy every drop of it into my skin... 

I wish that life was just all about it.

Read more...

Sana Ay Ikaw Na...

Monday, January 3, 2011

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com

Author's Note:

Straight po ang kuwento na ito, at nagawa ko ito may 2 taon na ang nakalipas. Actually, nalimutan ko na ang kwentong ito na naipost ko sa isang straight na site...

Anyway, heto pinost ko pa rin. Sana ay mag-enjoy pa rin kayo kahit papaano.

-Mikejuha-

----------------------------------

Sana Ikaw Na… [1]

Lumaki ako sa mahirap na pamilya. Ang tatay ko ay isang magsasaka at ang nanay ko naman ay isang housewife. Panganay ako sa pamilyang may 2 lalaki at 2 babae. Dahil sa kahirapan, hindi na magawang makatapus pa ng college ang mga nakakatandang kapatid. Nung magkaroon na rin sila ng mga sariling pamilya, nasaksihan ko ang kahirapan din nila. Kaya nung makapag-college at makakuha ng academic scholarship, ipinangako ko sa sarili na tapusin ang pag-aaral. At ito nga ang ginawa ko – aral, aral, at aral pa. Ganyan ako kadeterminadong makatapus. 

Mahiyain, may inferiority complex. Yan naman ang personalidad ko. Ang tingin ko sa sarili ay isang hamak, mahirap, at mababa lang ang kalagayan. Walang bisyo, ni hindi tumitikim ng sigarilyo o alak. Hindi din ako sumasali kahit sa mga fraternity at halos walang barkada. Kung may grupo man akong sinasalihan, iyon ay mga clubs na accredited ng schools lang at kung may mga kaibigan man, yun din yung mga tipong walang bisyo, kagaya kong mahirap lang din, ang mga utak ay nakatutuk sa pag-aaral. Ang regular hangout ko lang ay library, classroom, o ang botanical garden, paborito kong pahanginan. 

Pero may positive din naman akong ugali. Likas na matulungin. Gentleman kumbaga. Halimbawa, kahit maliliit na bagay kagaya ng paglinis ng blackboard, hindi ko na hintayin pang linisin mismo ni maam o sir ito, kusa kong linisin na ang board bago pa ito magamit. Kapag may mga activities naman ang school na kailangan ng volunteers, nanjan kaagad ako.

Read more...

"Sam"

Monday, November 29, 2010

By Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
blogspot: http://www.michaelsshadesofblue.blogspot.com

-----------------------------------------

Part 1:

I was in my first year of college when I started to be a little enterprising about anything. I tried a little of cigarette and alcohol. And although I considered myself to be kind of aloof and picky when it comes to friends, I got a handful of close male friends with whom I would always hang around with.

Our favorite hangout was my place. My sister had this two-story house just opposite ours and her whole family moved to the big city for good. She left the house under my charge. It was a perfect hotbed for some nasty undertakings.

Well, actually, not really nasty. All I and my friends wanted was to share time and fun like go fishing or swimming in the nearby creek, harvest young coconut, sweet potato or banana, grill freshly harvested young corn, chicken from our livestock, or the fish we caught. And when there would be no class the following day we would either campfire in the middle of the coconut plantation, or stay indoor overnight and buy the province’ most popular drink, “tuba”.

Read more...

Jake...

Saturday, November 20, 2010

(To My Best Friend and Hero)

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
blogspot: http://www.michaelsshadesofblue.blogspot.com

-----------------------------------------------------

When I was twelve years old, I used to visit a rice paddy a few meters away from our house. The paddy, measuring like 150 square meters, was situated at the foot of a hill which teemed with wild plants. I liked the place so much because on its edge, the big trees provided cool shades and refreshing air, not to mention the wild fruits like guavas and papayas ready for grabs. Nearby, a small fresh-water creek provided for an added touch of communing with nature if not an invitation for a swim. On the hill, I could see the bird’s-eye view of my entire village, a place of just around thirty families where everyone knows everybody, even the names of our neighbors’ pet dogs and cats.

Read more...

Sensya Na Bro... Ako Ang Secret Admirer Mo

Sunday, November 14, 2010

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com

---------------------------------------------------------


Tawagin nyo na lang ako sa pangalang Francis, 17 years old at nasa second year college. Apat kaming magkabarkada sa school – ako, si Jojo, si Larrie at Wency. Nineteen years old na silang tatlo at nasa third year college. Dahil na rin sa pareho kaming meyembro ng college volleyball varsity team kaya kami naging close sa isat-isa. Si Larry at Wency ay may mga kanya-kanya ng girlfriends ngunit ako at si Jojo ay wala pa.

Ok naman ang samahan namin except kay Jojo na talagang nayayabangan kami. Nanjan yung ipagyayabang na ang ganda-ganda raw ng girlfriend nya, wala namang maipakita kahit picture. Ipinagyayabang din nya na naging girlfriend nya yung muse na pantasya ng bayan at kung sinu-sino pang mga magaganda sa campus. Kahit iyong chick na nakasama lang nya sa sasakyan ay ipinagyayabang na na may crush daw ito sa kanya.

Ganyan ka ilusyonado at bilib sa sarili si Jojo. Hindi naman talaga sya kagawapuhan pero in fairness, masculine na masculine ang dating at kahit maitim ang balat, makinis naman ang mukha. At hindi lang yan, may magandang mga lips na match naman sa mapuputing ngipin na pansinin ang symmetry kahit hindi pantay. Kapag ngumiti ito ay nakakabighani.

Read more...

Ang "King" At Ang Kanyang Alarm

Friday, November 12, 2010

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
------------------------------------------

Alas 10 ng umaga, June 9, 2010 noong umalis ang sasakyan naming bus galing North Terminal ng Cebu. Walang mapagsidlan ang saya at excitement ko sa biyaheng iyon. Hindi lang dahil unang pagkakataon ko pa lang na makapuntang Bacolod City, ang siyudad na tinatagurian nilang City of Smiles ngunit higit sa lahat, iyon ang pagkakataon sa isang taong pag-aabroad ko ang makita ang isa sa pinakamalapit na tao sa puso ko – si Dennis.

Read more...

The Something Special

Tuesday, November 9, 2010

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com

--------------------------------------

For an OFW, a homecoming is a grand opportunity for reunion, for celebration, and for making up for the lost time with loved ones. It is one of the happiest moments for the family. 

My last vacation wasn’t supposed to be that really different; except that it turned out to be a little unexpected. It was my first Christmas in six years with family since I worked overseas. Aside from that, I was looking forward to many exciting occasions. But the most sought-after celebration each member of my family eagerly looked forward was our very own reunion. Everyone was so excited. 

Two months prior to my scheduled vacation, I already got everything ready – from my schedule of activities to the presents for each member of my family. I mean, except for the present of one person: my father. I promised myself to give him something special in that homecoming. I thought it must be something useful, important, unique, and… expensive. But at that time, I couldn’t think yet of anything that would match my criteria of a “something special” for him.

The other year, I gave him a TV set. I personally chose such item because of his fondness for movies. There were two movie-related incidents which I could not forget about my father. First, when he brought me to the theater. I was only about five or six years old then. It was my baptism of fire with movies. Unfortunately, it happened to be a horror movie. I remembered how I hid frantically under the chair every time Dracula would appear on the screen, and how I pleaded with him that we go home. It was disastrous. I could not sleep the whole night after that. All I could see and hear were the face of Dracula and the loud voice of mother giving a very long “Dracula-sermon” to father. 

But it didn’t end there. The following week, father again brought me to a movie. It was not anymore Dracula but a thriller movie. I saw blood and mutilated bodies, lots of them. Again in the evening, I could not sleep because I imagined the corpses plus the loud “thriller-sermon” of mother in the middle of the night. I then developed a phobia on movies. I thought that all movies were terrifying.

Read more...

The Witch

Sunday, November 7, 2010

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
blogspot: http://www.michaelsshadesofblue.blogspot.com

-------------------------------

I was ten years old when I had this group of friends, about my age, who were really naughty. During our spare time we would congregate at the front yard of one of these friends’ house. The front yard happens to be facing the road. Whenever we ran out of things to do, we would stone everyone passing by that road: boys, elderly people, vehicle, etc, just to scare them. And when the poor terrified persons would focus their furious eyes towards our direction, we would scamper to hide laughing vigorously at our wickedness.

There was this one old woman who lived in a bamboo hut on the hill nearby the road, opposite this friend's house. The hut used to be a place to smoke and dry copra but the owner did not use it anymore. It measured like four square meters; its thatch was rotting and was dotted with cracks and openings. Inside, a narrow bamboo elevation just enough to lie down could be seen and for which the old woman used as her bed and the whole flooring was the filled ground used to be the hollow for producing fire and smoke. On its surroundings, cacao and coconut trees abounded which made it a cool and dark place even on a noon sun.

The old woman was in her seventies, had a long grey hair and usually wore an old dark patched dress. At her age, she looked healthy and strong although she walked like her body was bent all the time. She did all her chores: cooking, laundry, cleaning the surroundings, and fetching water. She also gathers fire woods and odd fallen coconuts which she used to sell for a living. The only things she personally treasured were that hut, a handful of old dresses, and an arched silky comb which she always slot in on her hair.

Read more...

THE OTHER FACE OF CHRISTMAS (An OFW Story)

Thursday, November 4, 2010

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com

-----------------------------

For a lot of people, Christmas is a happy occasion to look forward to - a celebration of togetherness with family and loved ones. But Christmas has two faces; while the lucky ones luxuriate themselves in profligacy and profusion, the less fortunate go through agony, loneliness, or deprivation. 

It has been three years since I last celebrated Christmas with my family. We are only poor but the happiness that we feel together in the celebration of this special occasion was never lesser than the happiness that the rich feel - even in the absence of delicious foods or costly gifts. For the members of my family, seeing each other healthy and reunited are the happiest things that happen every Christmas. We might not eat the most exquisite foods on earth but we have always liked to savor of whatever was served on the table. We might not have enough money to buy the things we wanted, but there was always something for everyone. What counted most to us was to celebrate the occasion together; to enjoy and to share whatever little or simple was there, like our dreams as a family. And one of these dreams is to be together, at least, every Christmas. 

But on the Christmas since I left, things changed. It was when I decided to work overseas - here in KSA. I came up with that decision because I have always wanted to help my old parents, and my nephew and a niece to go to college. I am the youngest and the only professional in my family. My two elder sisters were both intelligent but they were unable to finish a degree due to financial reasons. When it was my turn to go to College, they supported me in spite of their own hardships. And seeing how difficult life had become of their families, I decided that if I could, I would never allow the same fate to happen again to my nephews and nieces. So here I am in this foreign land, struggling to face all the odds for a reason bigger than myself… And this decision has changed my life and has brought about a different meaning of Christmas in my family.

I don’t know now how my family really celebrates Christmas with me many miles across the horizons. But my mother would always write after each Christmas to tell me that it was never the same again since I left. She would narrate how they started the gathering, the activities, the pleasantries, and how the night had ended. Then she would add in her P.S. that during the family’s “salo-salo”, they had reserved a chair vacant for me and had filled-up my plate with the dishes I would surely want to eat had I been there, especially my favorite “puto”, her specialty. It hurts. And it hurts me more to be here on Christmas - away from my loved ones, so alone and lonely.

This Christmas, I’m sure it will be full of loneliness and heartaches as my last Christmas. It pierces my heart to know that while the whole world enjoys being with their loved ones, I would be alone confined in the four walls of my room figuring out what my loved ones and friends are doing and if whether or not they remember me on that day. Maybe, I would like to force myself to sleep and forget that it is going to be Christmas time and the whole world frolics. Or maybe, I would just suppress my thoughts in the hope that it would never haunt me. 

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP