by Kirk Chua
“Tweet tweet text message!”
Nagising ako sa pagba-vibrate ng phone. Mukhang marami na namang GM ang nagkalat mula ng muling pagtulog ko.
~Message from DAVE~
Boy: Di yata magiging tayo.
Girl: Bkt?
Boy: Kuya mo kasi eh..
Girl: Di no gus2 k ng kuya ko.
Boy: Yun nga eh, gus2 ko rn sya :D
Nagising ang diwa ko at naghahalakhak ako sa nabasa kong text. Pinagpatuloy ko naman ang pagtingin ng iba pang text sa phone ko at muli naalala ko na naman si Emman.
--------
~Message from EMMAN~
Kuya Kirk favor naman…
--------
~Message from KUYA FRANCIS~
Don’t feel bad that people remember you only when they need you..
Feel privileged, that you are like a CANDLE.
For you are the one who comes to their mind when darkness is in their life… :D
Agad agad akong nag-reply kay kuya Francis.
-----
~Message to KUYA FRANCIS~
Potek kuya yung text mo.
parang sampal lang sa akin.
di ko sure kung complement or anu.
Haist…
Naka-receive naman ako ng mabilis na reply kay kuya Francis.
~ Message from KUYA FRANCIS~
Ahahahaha ganyan tlga.
----------------
Siguro dahil na rin sa pagkabadtrip ko sa di ko rin maintindihang nangyayari sa akin kaya nagtext ako kay Emman na:
~Message to Emman~
Ok na yung favor pre.
Wag mo na muna akong itxt huh.
Alam kong matagal ko nang sinabing wla na ako sayong feeling pero d ko alam.
Mejo parang may lagnat ako ngaun na masakit tyan ko.
At base on my experience nakakaganun lng ako pag malungkot, galit or broken.
Pasensya na kung selfish ako sa paghingi nito pero ito lang ang the best na naisip ko eh.
Salamat sa lahat at pasensya na ulit.
----------------
Hindi ko sure pero alam kong kailangan ko ‘tong tanggalin sa sistema ko. Sabi ko di ko na sya mahal. Sabi ko di ko hahayaang mabuhay pa ‘tong damdamin ko sa kanya. Sabi ko wala na ‘to. Sabi ko contented na ako sa friendship. Haist…
Naisipan kong tawagan si Reina para naman mawala pagka-badtrip ko.
“Rein nuod tayo ng sine, kain sa labas, coffee or kahit anu. Basta today!”
“Hala! What’s the prob?!”
“Basta!!!”
“Aysus don’t tell me na gusto mo na ko friend?! Remember I don’t date classmates…”
“Loka! Feeling ka naman. Ah basta badtrip ako, samahan mo na lang ako!”
Agad akong naligo, nagbihis at bumyahe to SM Manila. After a few minutes dumating na rin si Rein. Dumiretso na kami sa sinehan para kahit papano maiba ang mood ko.
“So… anu ba problema natin?”
“Kasi Rein nalaman ko si Emman may ka-M.U. na. Oo, aaminin ko sa sarili nagfeelings ako para sa kanya pero ngayon iba na. Nililigawan ko na si Lianne. Di ko alam kung anung kalokohan ‘tong nararamdaman ko”
“Hay naku. Medyo magulo ata yan friend. Hmmm panu ba?! Eh teka anu palang sinabi mo nung nalaman mo?”
“Sinabihan ko sya ng wag na muna nya akong itext.”
“Eh di kaya medyo OA k nyan friend?! Kunsabagay I understand what you’re getting at, but then again friend. Harsh at may pagkasobra talaga.”
“Hmmm sabagay.. Selfish ko no?!”
“oo nga friend.”
“so agree k talaga na selfish ako?”
“oo talaga friend.”
“eh di bayaran mo yung pinabili ko ng ticket sa sine huh! Selfish pala huh!”
“ah eh ikaw na ang pinaka-selfless sa lahat lahat ng tao! But then again ikaw ang nagyaya kaya natural lang na ikaw ang taya sa nuod nating to right?!”
“ahehehe sori lang din!”
“No prob :D”
After nang movie bumili ako ng coffee namin.
“Miss, one caramel machiatto and a chocolate coffee”
“wow Kirk kala ko ako lang ang adik sa coffee ikaw rin pala. At in fairness good choice. Like ko yung chocolate coffee”
“Ahehehehe first time ko lang ‘to. Sabihin na natin practice date ‘to.”
“Sabi na nga ba gusto mo na ako eh!”
“wew I admit cute ka pero your not my type…”
“awts”
“joke lang po.”
“So bakit naman Caramel Machiatto napili mo?”
“Remember yung kinukwento ko sa ‘yong binabasa ko dating story, ayun kasi fave nung bida. So I wanted to taste it ever since.”
“Ahehehe ikaw na adik sa mga blog stories!”
“di naman medyo lang… :D”
Pumunta kami ng Mcdo para kumain. Habang kumakain kami tumugtog ang kantang…
“Rein, salamat huh. Sana sa future kung magkaka-gf ako tulad mo.”
“Hehehe adik! Tulad ko talaga? Pano yan baliw baliw ako?”
Napangiti na lang ako at sa pagtingin ko sa kanya para bang napapawi na lahat ng lungkot ko. Nagsasalita sya ngayon at nagkukwento pero walang pumapasok sa tenga ko. Sana kami na lang ni Rein para di na ‘ko naghahanap at naghuhulog kung kani-kanino.
Read more...