Ang Kwintas, ang Snickers at Si Patrick. (Part 6)

Monday, October 24, 2011

Salamat sa mga patuloy na sumusubaybay ng series na ginawa ko. Ganun din sa mga silent readers na nagbabasa rin ng series ko. Nawa'y kung merong mga grammar flaws kayo na makikita, ipagpaumanhin ninyo na lang kasi first time ko lang magsulat.

Salamat din sa mga:

Kaibigan ko, kaklase ko sa block section ng MBA sa PLM, mga ka-officemate ko na habang tina-type ko ito ay binabasa ng patago ang nobela ko, sa mga bestfriends ko at mga barkada ko, at higit sa lahat, kay Patrick na siyang naging dahilan para makapagsulat ako ng ganito. (Sino siya?! Well... Secret!! Hehehehe..)

Siyempre, sa mga avid readers na palaging nagko-comment ng nobela ko:

Sina Dada, jac, mArk, mcfrancis, j.v, Erion, coffee prince(unang nagbasa ng first five chapters ng novel ko), Psalm(taga tondo rin na katulad ko.) sa mga anonymous(mga mentor ko pagdating sa grammar and spelling) Ross ram, dark_ken(fan ako ng novel niya..) Ernes_aka_jun, Magno, Jay aka Jcoi, chris018, jayfinap(in-add ako sa account niya at isa sa mga idol ko pagdating sa series) Nitro, zenki, ogie8906, at si JhayCie. Guys.. Sana nagustuhan ninyo ang story ko!!!

ANY COMMENTS, OPINIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE AFFABLY WELCOME!!!

(This story is based on my real life. I changed the names of those persons involved including myself to keep our characters confidential and personal.)

Any commonality to any individual, place, or written works are absolutely COINCIDENTAL.

DISCLAIMER: The author withholds all his prerogatives to the work, and requests that in any use of this material that his rights are purely respected. No part of this story maybe reproduced or transmitted in any form or by any means: replicating, copying, duplicating or otherwise, without the prior consent or permission of the author himself.

To visit my accounts, just get me in track here:

Blog: http://pinnohy.blogspot.?com/
FB: http://www.facebook.com/pINNOHy
TWITTER: http://www.twitter.com/pINNOHy

------------------------------------------------

Part 6

Makalipas ang isang taon, naging 3rd year high school na kami. Naging mag-close kami ni Lei at naging kabarkada namin siya. Si Gelo, nag transfer sa Catholic School at pinagbawalan nang magkita kay Michael dahil ang mommy niya mismo ang nakahuli sa kanila habang ginagawa ang kababuyan sa loob ng kwarto niya. Si Michael naman, lumagpak at naging section 5 dahil na rin siguro sa nangyari sa kanila ni Gelo na talagang dinamdam niya. Lumalayo sila sa amin kapag nakikita namin sila. Ok lang kahit kaming tatlo na lang ang natira sa magbabarkada at masaya na rin kami dun, sabay dagdag na rin sa buhay ko si Lei at si Cheney na pinakamamahal ko.

Minsan naging kakumpitensiya ko si Lei sa oratorical contest namin pati na rin sa essay writing contest at quiz bee. Well, angat siya ng konting puntos pero mukhang makakahabol pa naman kapag naging Mr. Junior ako sa Mr. and Ms. LakanduleƱan katambal ng GF ko.

August, 2003 noon, kalagitnaan ng pagrereview sa first periodical test nang niyaya ako ni Lei sa bahay nila para magreview. Nagtext ako kay Cheney para magpaalam hanggang sa dumating ang isang oras na hindi siya nagreply. No choice pero kailangan kong pumunta para makabawi kay Lei sa mga lamang nito sa akin.

Tumungo ako sa sakayan malapit sa kanto ng Pacheco St. at dun sumakay ng Jeep na ang ruta ay Sangandaan-Pajo-Divisoria papuntang Bulacan St. Medyo traffic at biglang nagtext sa akin si Lei para i-remind sa akin na kung sakaling dumating ako na wala siya, kailangan niya akong hintayin sa bahay. Ito yung first time ko na makakatuntong sa bahay nila. Excited ako noon.

Tumagal ng 30 minutes ang traffic na talagang kinasakitan ko ng ulo
dahil sa mga pasaway na colorum na mga tricycle sa gilid ng palengke. Nang nakita ko ang Bulacan St. ay agad-agad kong bumaba hanggang sa may kumalabit sa akin sa likuran.

"Hoy, saan ka pupunta?"

Nakita ko si Lei na nakasandong kulay puti at naka Jersey Shorts na puti din. Nanlaki ang mga mata ko sa kanya noong mga panahong na-realize ko na gwapo pala siya kapag naka-sando. Mas ok pa kapag medyo lumaman siya ng kaunti sa akin.

"Punta ka sa Pampanga St. ayun ang 7-11 at dun ka dumaan, tas liko ka. Pagliko mo, hanapin mo yung 8th St. at pag me nakita kang kulay green na gate na mayroon Francisco Family na nakalagay, iyon yung bahay namin."

Hay ewan, parang ayaw kong makinig sa kanya. Parang nanaig sa akin ang pakiramdam ko nang nakita ko si Lei na nakasando at nakabukol ang alaga nito sa puting jersey short niya. Hanggang sa naalala kong bigla si Cheney, at kaagad na tinanggal ko ang pagapantasya sa binatilyo kong kaibigan.

"Hintayin mo ako dun ah!! Andun si Tita, pasabi mo, bisita kita!!"

"Sige!!"

Pumunta ako sa Pampanga St. at nakita kong kaagad ang 7-11, ayun nga at mayroon at tumungo ako sa sinabi sa akin ni Lei. Nakita ang 8th St. at ang medyo malaking bahay na 3 stories ang taas. Sa loob nakita ko ang nasa 37-39 years old na Tiyahin niya at kumatok sa kanila pagkatapos.

"Tao po.. Ako nga po pala si Jacob Inocencio, kaklase po ng pamangkin ninyo."

"Si Jacob ka, ah.. Sige iho, pasok ka."

Binuksan ni Tita ang gate na may halong tuwa sa akin. Agad kong tinanggal ang tsinelas ko at tumapak sa mala-marmol na sahig nito.

Sabay sa pagpasok agad kong kinilatis ang bahay nila. Mukhang kakaiba dahil puro muebles galing Saudi ang lahat ng gamit. May malaking carpet sa gilid ng dingding nila na parang Mecca ata yung theme na may nakasulat na Arabic Calligraphy tapos sa gilid ng sofa, nakita ko ang mga magazines at pati na rin ang mga photo albums.

"Sige iho, upo ka lang. Pakihintay lang si teng na dumating."

Ah!! Teng pala ang palayaw ni lei. Natawa naman ako dun!! Hindi ko pa talaga nakita ang ganitong bahay na akala mo nasa ibang bansa ka. Medyo may pagkakahawig sa bahay nina Cheney sa Tondo, pero mas angat pa rin ang ganda at mysteryosong Arabic Style na pamamahay nila.

Agad akong nagtungo at ginalaw ang mga picture ni Lei. Cute pala siya sa picture noong bata pa siya. Ang liit ng mukha na mukhang Fil-Am na puti siya. Para siyang si Cheney na yun talaga sa lahi nila ay may pagka espanyol ang kutis. Nakita ko ang tatay at nanay niya. Parang nakita ko na sila noong maliliit pa kami ni Cheney sa bahay nila noon. Hanggang sa may nakita akong bata sa picture na kilala ko, pero hindi ko alam kung siya talaga. Magaganda ang landscape ng background ng mga picture nila. Feeling ko sa Dubai iyon kasi parang nakita ko na yun sa mga picture na pinapadala sa amin ng kuya ko galing din dun eh.

Hindi ako nakuntento at nagbukas ako ng magazine. Puro mga modelong lalaki ang nakikita ko. Magaganda ang katawan at talagang kahali-halina! Ayaw ko nang bitiwan sa kamay ko pero parang may nag-uutos sa akin na kailangan ko nang tanggalin agad iyon. Tinanggal ko at agad na inilapag ko iyon sa ibaba ng mesa. Nakita ko ang sa tingin ko ay ang pamangkin nitong babae. Ang cute! Parang amerikanang puti na kapag inilagay mo sa arawan, makikita mo yung innate na kulay ng kanyang buhok. Agad kong tinawag yung bata at kinarga.

"Ang cute mo naman!! Ano name mo??"

"Tiffany po!! Ikaw po ba GF ni kuya teng ko?"

"Ha?"

Agad akong nagulat sa sinabi ng bata.

"Ay hindi.!! Bestfriend lang ako nun.. Tsaka lalaki ako!! Ang GF, pambabae iyon!!" depensa ko sa sinabi ng bata.

"Ay, sabi po niya, may GF na po siya kaso lalaki daw!!"

"Ah.. Tiffany, iba ang BF sa GF.. ok!! Kiss mo na lang si kuya sa cheeks!!"

Hinalikan ako ni tiffany sa cheeks ko habang nilalaro yung manyika niya. Para talaga siyang manyika na parang foreigner ang kutis niya. Biglang may kumatok at nakita ko si Lei at ako na ang nagkusang buksan ang pintuan ng gate.

"Musta bro!! Bat ang tagal mo?"

"Sensya na, Cob, may pinuntahan lang ako. Dun sa pinsan ko."

"Ah.."

Agad na inilapag ni Lei yung dalawang bote ng pop cola sa La Mesa nila. Mukhang hapong-hapo si Lei habang pinupunasan niya ang pawis niya na tumutulo sa leeg niya hanggang batok. Umakyat siya sa taas ng bahay at parang me kinuha saglit. Nang bumaba siya, nakita kong may dala siyang towel at mga damit pamalit.

"Bro, ligo lang ako, by the way, if you want to eat then, just ask my Tita to assist you, don't be too shy.. Just feel at home!!"

"Sige bro!!"

Agad na nagtungo si Lei sa CR. walang anu-ano, kumanta ng Westlife song si Lei na talaga pang themesong namin ni Cheney. Ang "Evergreen"

"♪Eyes
Like a sunrise
Like a rainfall
Down my soul
And I wonder
I wonder why you look at me like that
What you're thinking
What's behind
Don't tell me
But it feels like love

I'm gonna take this moment
And make it last forever
I'm gonna give my heart away
And pray we'll stay together
Cause you're the one good reason
You're the only girl that I need
Cause you're more beautiful than I have ever seen
I'm gonna take this night
And make it Evergreen..♪"

"Maganda pala boses mo eh.. Ano ba yan!! Lamang ka na naman kaysa sa akin!!" sabi ko sa kanya na may halong pang-aasar.

"Well, that's life!! I'm all jam-packed with everything!! Looks, Brains, Talents and so on.." pagmamalaki niya..

"Sige na nga.. Ikaw na!"

Sabay tawa namin habang nagluluto si Tita ng tanghalian.

Pinabukas sa akin ni Tita ang TV habang si Tiffany ay naglalaro kasama ng mga laru-laruan niya. Naiinggit ako kasi buti pa siya, may pamangkin na babae na parang kapatid na ang turing samantalang ako, wala kahit isa.

"Jacob, kain ka na!!" anyaya ni Tita sa akin habang nanonood ng Eat Bulaga.

Nakahain sa lamesa ang sabaw ng sinigang na nakahiwalay sa isang kaldero at yung mga laman ay nasa tupperware na malaki. Isa ito sa mga paborito ni Cheney kaya naalala ko agad siya.

"Iho. Kamusta kayo ng pamangkin ko? " sabi ni Tita habang nagse-serve sa akin ng sinigang sa plato ko.

"Mabuti naman po."

"May sinasabi sa akin siya tungkol sa 'yo. Alam mo, naging malungkutin lang iyan last time noong iniwan siya ng parents niya two years ago. Yung mga biological parents kasi niya nasa Dubai. Nagtatrabaho yung mommy niya as nurse while his father works as Engineer dun. Medyo nalulungkot siya kapag naaalala niya yun. Naghahanap siya ng kuya para gumabay sa kanya."

Agad na ibinigay sa akin ni Tita yung pagkain ko nang may bigla siyang sinalita sa akin na hindi-hindi ko makakalimutan.

"Pwede ka bang maging kuya sa kanya, Jacob? Alam mo, marami talaga siyang sinasabi sa aking magaganda tungkol sa iyo. Matalino ka daw at minsan ay naging topnotcher ka last year. Lagi mo raw siya sinasamahan sa twing wala kayong time. Sana, hindi lang bestfriend ang turingan ninyo sa isa't-isa kundi magkapatid na din." Sabay hawak sa aking mga kamay.

Naramdaman ko ang eagerness ni Tita na maging kuya ako kay Lei. Napaluha ako ng di-inaasahan dahil sa mga matang nangungusap ni Tita sa akin na parang nagmamakaawa na gawin ko ang ipinagagawa niya sa akin.

"Kung yan po ba ang gusto ninyo, eh, sige po."

Nagpasalamat sa akin si Tita at agad akong niyakap sa pinagkakaupuan ko, nang lumabas si Lei na walang pang-itaas at naka towel lang sa baba.

"Auntie, what are you doing to my bestfriend? "

"No, nothing iho, I'm just giving him a warm hug because you have already find your true friend on him despite of your introvert attitude."

"Auntie, Ikaw talaga. Pa-hug nga rin!!"

Nag-akapan kaming tatlo na parang magkakamag-anak. Mukhang narinig ata niya ang pinag-usapan namin ni Tita sa CR sabay halik niya sa akin na parang mag-kapatid.

"Starting today, you are already my Big Brother!! Thanks kuya ah!!"

"Puta!! Para akong tinablan nun ah!!" sabi ko sa sarili ko pagkatapos niyang sabihin sa akin yung mga katagang tumatak sa akin para akuin ang responsibilidad ko bilang kuya sa kanya. Agad na pumanik siya habang ako naman ay sinimulan ko ang pagsubo sa pagkain na inihain sa akin ni Tita. Nang natapos ako, tsaka siya bumaba na parang nagmamadali na rinig pati ang pagyabag nito.

"Teka kuya! Bakit hindi mo naman ako hinintay?"

"Sorry bro!! Teka, tutulungan ko muna si Tita para maghugas ng pinggan."

"No, Big Bro!! just sit there and you must take another one full meal!!"

"Ha?!"

Nagulat ako sa sinabi niya sa akin. Anong tingin nito sa akin, dinosaur? Ipapakain lahat ng nasa lamesa?! Gluttony yun noh!!

"Teka, I'll prepare your food. Dyan ka lang ha!! Don't do anything bad or else, I will tell that to my auntie!! Sige ka!!"

Umalis si Lei para kumuha ng pagkain sa rice cooker at sumandok din para sa kanya. Tumingin ako kay Tita at sabay nagtanong sa kanya.

"Tita, bakit antalas mag-English niyang si Lei? San ba niya nakuha yan?"

"Ah, si Lei? Sa ano? Kasi yung mommy niya, tumira sa Amerika ng limang taon at dun siya nagtrabaho as nurse, dun na din pinanganak si Lei, kaya masyadong matalas siya mag-English."

"Ah!!"

Agad na may naalala ako sa sinabi sa akin ni Tita. Tama!! Si Cheney!! Lumaki din siya sa Amerika noon kasama si Patrick at tumira ng 5 taon din kaso wala na siyang balak bumalik. Kinuha siya ng Tita niya para magkaroon siya ng anak-anakan na babae kasama ang pinsan niyang si Patrick at siguro kaya matalas na din ang pag e-English niya. Maraming pagkakapareho si Lei at si Cheney. Bakit kaya?

Dumating si Lei na karga ang dalawang pinggan. Agad kong kinuha yung isa at nagpasalamat. Sinandukan ko naman siya ng sabaw ng sinigang at kumuha ng laman nito. Sarap na sarap kami sa kinakain namin at hindi namin pala namamalayan na ala 1:30 na pala ng hapon!

Ako ang nagpaubayang maghugas ng pinggan at siya naman ang toka sa pagliligpit nito. Masayang-masaya siya dahil nagkaroon na siya ng kuyang aalaga sa kanya at titingin sa mga pagpapasyang ginagawa at gagawin pa niya sa mga susunod na panahon.

Natapos kami makalipas ang ilang minuto at nagpasyang gawin na ang plano namin sa araw na ito. Kumuha ng libro sa mini library niya sa kwarto si Lei at kinuha ko naman ang bag ko.

"Ano, Tara na!! San tayo?"

Anyaya ko sa kanya. Kumuha rin siya ng ballpen, malapit sa PC nila. Agad kong tinignan yung CP ko sa bag para makita kung me nagtext at sa di inaasahang pagkakataon, nagtext si Gelo.

"Ei jacob, sori if I made you hurt last time. I Hope u forgive us."

Hindi ko na siya ni-replyan. Nagmatigas ako dahil mali talaga ang ginawa nila para sa akin. Biglang lumapit sa akin si Lei at binigay sa akin yung libro at notebook na kinuha niya sa taas.

"Hey big bro!! Who texted you?"

"Ah!! Just a common friend of mine. Ano? Can we now proceed?"

Kinuha niya yung bag ko at hinalukay niya kung ano ang maaaring magamit para sa pagre-review. Nakita niya ang wallet ko at binuksan niya.

"Is this Cheney, oh!! She's beautiful!"

Hindi ko siya kinibo. Maya-Maya ay bigla siyang napaluha ng hindi oras siguro dahil na rin sa mababaw niyang emotion sa mga nawalang mahal sa buhay.

"Tahan nah, baby bro!! Sus.. Ikaw talaga, teka, I have here some candies!! Want some?" alok ko na parang nagpapatahan sa isang kadugong kapatid.

Kinuha niya ang isa at tsaka nagsulat. Marahil habang nagsusulat siya ay bakas pa rin sa kanya ang lungkot dala ng mga mahal niya sa buhay na nasa ibang bansa.

Nagreview kami pagkatapos nun. Para masaya, nag-isip kami ng game na kung saan, Kung sino ang maraming sagot ay lalagyan ng lipstick ni Tita sa mukha. Sa unang laro, nanalo ako, at binigyan ko siya ng isang stroke na linya mula sa pisngi nito. Tapos, sumunod siya. Halinhinan kami ng pahiran ng lipstick. Minsan siya, minsan ako. Para kaming magkalarong bata na talaga namang nagbibinata kami noong panahon iyon.

Niyaya ko siya sa kwarto niya dahil biglang bumuhos ang napakalakas na ulan at abot hanggang sa kinalalagyan namin ang anggi. Ayaw niya. Ayaw na ayaw niyang pinakikialaman ang kwarto niya na kahit Tita niya ay pinapagalitan niya. Mukhang may misteryong nababalot sa loob ng silid niya. Bukod sa kaniya, si Tifanny lang ang nakakakita sa kanyang kwarto at wala nang iba. Kung may kailangan si Lei sa baba, agad na pinapatawag niya si Tifanny para utusan ito.

Matagal bumuhos ang ulan. Sobra!! Parang may bagyo. Mabigat at maraming dalang hangin ang ulan ngayon gabi. Kamusta na kaya ni Cheney? Nakakain na kaya siya ngayon? Sino ang kasama niya ngayon? Wala siyang sagot sa mga text ko na maya't-maya kong binibisita. Hay Cheney!! Nangungulila ako sa'yo ngayon!!

Binuksan ni Lei ang monitor ng CP niya at agad tsinek ang plug kung nakakasaksak ito sa mother board. Binuksan ang transformer sa ibaba at tyempong hinihintay ang pagbukas ng monitor.

"Hey, Big Bro!! Don't be too weary there!! Cheney loves you so you don't need to worry her. Heto, mag Friendster ka muna." Sabi sa akin ni Lei habang nakatingin siya sa akin, samantalang pasulyap-sulyap naman ako sa bintana. Lumapit ako sa monitor nang may biglang nag flashback sa akin ng nabuksan ang monitor totally. Dalawang letra na kung iisipin mo ay parang wala lang pero para sa akin, may kahulugan iyon.

"J&P na magkasama. Teka Baby bro, what this J&P stands for? And why did you make this as your wallpaper in your desktop?"

"Oh!! This one? Ah..Hmm.."

Hanggang sa lumapit sa akin si Tiffany para tanungin ako tungkol din sa desktop. Di ko rin siya masagot, kaya hinayaan ko na lang si Lei na hindi niya ako sinagot.

Makalipas ang 30 minuto nang tumigil ang ulan. Tapos na rin akong magbukas ng account ko sa Friendster. Nagpaalam na rin ako kay Lei para umuwi nang bigla niya akong tinawag para saluhin ang isang bagay na nagpaalala sa akin kay Patrick.

"Big bro, wait! Before I let you go, I want you to catch this!! I hope you will like that!! Salamat ah!! Next time ulit!!"

"Snickers!! Baby bro!! Salamat!! Paborito ko to!! Natila na ang ulan at kailangan ko nang umuwi, Salamat bro ah!!"

"Ingat Kuya!!"

Kinuha ko ang bag ko sa sofa malapit sa pintuan nila at kaagad pinuntahan ang gate. Binuksan ko Ito at agad nagpaalam na sa bago kong kapatid at sa Tiyahin nito. Lumapit sa akin si Tiffany at sabay halik sa kanyang mga mamula-mulang pisngi.

"Kuya, mahalin mo Kuya Teng ko ah!! Love ka niya, sobra!!"

Nagulat ako sa sinabi ng bata sa akin kaya, iniwasan ko na sabihin na sagutin siya at nagtungo sa labas para umuwi.

Medyo malamig, siguro dahil na rin sa pag-ulan kanina. Maraming katanungan sa isipan ko Kung bakit naiisip ko si Patrick sa katauhan ni Lei? Siguro, gutom at pagod lang ito. Hinanap ko ang Cellphone ko sa gilid ng pantalon ko at binuksan. Ayun at may isang message akong tinanggap at biglang lumiwanag ang mukha ko nang nakita kong ni-replyan ako ni Cheney.

"Cakie, I know u'r at Lei's Crib? How was it? I hope u have a lot of good things spent by two of u. See u later my cakie.."

Nireplyan ko siya at ito ang tinext ko:

"We're good. In fact, cakie, his Tita had cooked us some food & I'm d one who'd best fed. Sarap nga eh, then later on Lei & I got to decide to review a lot this coming exam. Sana malagpasan q siya!! See u then. I love you!!"

Sabay agad na bumaba ako sa Pacheco St. sumakay ng sidecar. Pag-uwi ko sa amin, bakit kaya napakaingay sa kwarto sa itaas? Puro mga paboritong kanta ni Kuya Kenneth ( 34 years old, Panganay sa magkakapatid at nagtatrabaho sa Dubai simula pa noong sanggol ako.) kaya nagmamadali akong pumunta sa kwarto, at nakita ko si Mommy na kausap si Daddy sa bukana ng kwarto naming magkakapatid.

"Buti na lang at napauwi ka ngayon, anak!! Guess what?! Your long-lost kuya Kenneth is here!!" Sabi ni mommy habang nakatingin si daddy sa kanya.

Agad akong nagtungo sa loob at nakita ko si kuya Kenneth na nakahiga.

"Ma, siya Ba ang pinakabunso kong kapatid, si Jacob?! Naks anlaki na ah!! Binatilyong-binatilyo na!!

Agad akong inakap ng mahigpit ni kuya at sabay akap ko din sa kanya ng madiin. Iyon ang pinakamasaya kong mga araw, sumunod sa pagkakakilala ko Kay Patrick.

"Kuya Kenneth!! Parang tumanda ka ah?! Nakita kita sa picture noon, siguro bata ka pa at nasa College ka pa noong mga panahong iyon."

"Oo, Ako nga iyon.. Bata pa ako noon, pero, matanda na ngayon.. Ambilis ng araw ano, dati, nakita lang kita na baby ka pa noon at karga-karga, tapos anlaki mo na!! Grabeh!!"

Si Kuya Kenneth ay nagtapos sa MapĆ¹a ng college ng BS Marine Engineer dun. Nagtrabaho siya sa Pilipinas ng isang taon lang tapos ay nagpasiyang mag-ibang bansa sa dahilan na rin na gusto niyang makalimutan ang huli nitong nakarelasyon. Bilib ako dun dahil nagtrabaho siya sa Jolibee noong pino-pursue niya ang college niya kahit medyo maluwag-luwag ang buhay namin. Siya ang dahilan para makapagtapos yung isa kong kapatid na lalaki na hindi na nakatira sa amin ngayon. Masaya ako dahil umuwi siya para makapagbakasyon dito ng tatlong taon na incentives sa kanya ng kumpanyang pinagtatrabahuan niya dahil sa mga achievements nito dun.

Gwapo si kuya Kenneth. Medyo hawig sa akin ng kaunti pero mas maputi ako kaysa sa kanya. Maputi siya dati pero dahil nasa ibang bansa siya kaya medyo naging brown yung complexion ng balat niya.

"I bought you something Jacob pero, I think, this mightn't be appropriate for your age now kaya ibibigay ko na lang ito sa kapit-bahay namin."

"Ano ba yan, kuya?"

Tumayo sa harapan ko si Kuya Kenneth at tumungo sa mga bagahe niya sa itaas ng double-deck na kama. Binuksan niya iyon at kinuha ang ibibigay niya sa akin at inabot niya sa mga kamay ko.

"Here 'cob, miniature cars. I know, you're too old for you to play this pero if you want, sige at ibibigay ko ito sa'yo."

Kinuha ko ang laruang minsan sa buhay ko ay naging paborito ko.

"After your class tomorrow, alis tayo!! Gusto kong I-spend yung mga time na nawala sa ating magkapatid! Sama mo din yung mga kaibigan mo, if you want to."

Agad na tumango ako. Pumunta ako sa itaas ng double-deck ko sa kaliwa at iniayos ang kama ko at pagkatapos ay tumingin kay kuya. Oo nga at nagmatured na siya, pero feeling ko sa puso niya, para siyang bata na tulad ko, may mga pangangailan siya na kailangan kong tugunan. Bigla siyang tumingin sa akin sabay kindat at ngumiti.

Itutuloy..

Read more...

Hiling Chapter 13

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP