Chapter 7 : Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako,
By: DALISAY
e-mail: I could tell you... But then I have to kill you. LOL! (mura yan. :p)
blogsite: dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I speak softly but I carry a VERY BIG stick!
------------------------------------------------------------------------
So, he took the liberty of going on a week vacation sa grand villa nila sa isla ng Mindoro. Presko ang hangin doon at tiyak na makakapag-pahinga siya ng maayos from the stress. And so he's back and on his third exciting day as the new company president.
Nasa opisina siya at ngayon ay pinag-aaralan naman ang libro ng kumpanya. It was under Elric's department. Isa raw ito sa magagaling na empleyado doon ayon na rin sa matatandang department heads.
Natural na hindi siya agad maniwala at ipakuha ang evaluation reports nito kasabay ng sa iba pang department head. Para hindi halata. Pasable naman ang mga nabasa niyang reports tungkol dito.
Nahilot niya ang sentido sa pagkaka-alala ng naging sagutan nila ng kapatid pagkatapos ng kanilang meeting kanina. Hindi talaga maaaring magtapos ang linggong iyon na wala silang magiging pagtatalong magkapatid.
"I'd like to talk to you my dear brother." walang pakundangan nitong salita pagka-adjourn niya ng meeting nila.
Hindi na makapag-hintay ang kumag. "Alone." patuloy pa nito na patungkol naman sa sekretarya niyang nakatayo lang sa tabi niya na ni hindi nito tinatapunan ng sulyap.
Read more...
Same Sex Marriage
Book 2 : Idol ko Si Sir
By: Michael Juha
Philippine Copyright 2009ISBN No. 978-971-011-022-3
All rights reserved.
Esaktong isang taon ang lumipas simula nung huli kaming magkita ni Sir James. Sa isang taon na malayo ako sa kanya, marami din ang nangyari. Tumulong ako sa pagpapatakbo ng negosyo namin habang ipinagpatuloy naman ang pag-aaral ng MA in Business Administration tuwing Sabado. Tuwang-tuwa ang mommy dahil kahit wala pa akong karanasan sa pagdadala ng tao at pagpapatakbo ng negosyo, nakita nya ang kakaiba kong approach na naging dahilan upang tumaas ang morale ng mga empleyado. Ganado silang magtrabaho at masaya sila sa trabaho nila. Ipinadama ko sa kanila na kahit anak ako ng may-ari, pweding-pwedi nila akong lapitan upang mahingi-an ng advice o tulong. Kahit makikipag-biruan pa sila sa akin ok lang, sa tamang lugar at oras nga lang. Kahit anong liit na bagay na natatandaan ko tungkol sa mga buhay-buhay ng mga empleyado, ipinadama ko sa kanila iyon.
Malaking bagay iyon upang maramdaman nila ang pagpapahalaga. Gaya na lang nung malaman kong nakakuha ng honors ang anak ng isa sa mga janitors namin, pinatawag ko kaagad. “Kumust po Mang Domingo. Nabalitaan kong nakakuha ng honors ang panganay mong si Marlon! Congratulations po! Heto, may regalo ako para sa kanya, de-bateryang kotse. Sabihin mo po sa kanya na magsikap pa kamo para marating nya ang kung ano man ang gusto nyang maging paglaki.” At ang sarap ng pakiramdam nung makitang tinanggap ni Mang Domingo ang regalong para sa anak nya na mangiyak-ngiyak sa sobrang galak, hindi makapaniwalang naalaala ng amo nya ang isang maliit ngunit importanteng personal na bagay sa kanya.