The Best Thing I Ever Had (Part 1) The Dream Boy

Thursday, July 21, 2011

Author's note:
Hi! ako nga po pla si Vince :) this is my first time to write a story. This story is pure fiction. I hope ya'll like it :)

*any resemblance in this story is just coincidental.*

FORMAT:
Italicized words= mga sinasabi sa aking sarili
Bold Italicized words = mga boses sa aking isip

sana po maintindihan niu ang format :)
----------------------------------------------------------------------------------------

Nakita ko na lang ang aking sarili sa loob ng isang kagubatan. Hindi ko alam kung bakit ako nandoon kaya sinubukan kong alalahanin ang lahat ng nangyari sa akin. Ngunit kahit paanong isip ang gawin ko'y wala akong maalala sa mga nangyari. Ang naaalala ko lamang ay nakatulog ako kagabi at paggising ko'y narito na ako sa gubat na ito.

Kinidnap kaya ako at ipinatapon dito?,tanong ko sa aking sarili. Wala naman akong maalalang nagawan ko ng masama para gawin saakin ito. Pero paano nga ba akong napunta dito? panaginip lang kaya ang lahat ng ito?

Gaga! nasa Planet of the Apes ka! ,sabi ng isang boses sa aking isip.

Bugak! Nasa Forks ka! Yung sa Twilight?sabi naman ng isa.

Lumingon ako sa aking paligid at may nakita akong lalaking nakatayo di kalayuan sa aking kinatatayuan. Noong una'y natatakot pa akong lumapit sa kanya ngunit noong ako'y malapit na sa kanya, pakiramdam ko'y kilala ko siya. Lumapit ao sa kanya at hinawakan ang kanang balikat niya para ibaling ang kanyang katawan paharap sa akin.

"Excuse me po kuya, pwede po bang---"

Hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng pagharap niya'y bigla niya kong hinalikan sa labi. Nagulat ako ngunit hindi ko alam kung bakit hindi ko siya tinulak papalayo sa akin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa aking utak at pumikit pa ako nung hinalikan niya ako.

Mukang sarap na sarap ka huh?., sabi ng mataray na boses sa aking isip.

Bigla naman akong kumalas sa aming paghahalikan at nang imulat ko ang aking mga mata'y nakita ko ang isang gwapong lalaki sa harap ko. Nakangiting makapanlaglag ng underwear at nakatitig sa akin. Well-built ang kanyang katawan. Maputi ang kanyang balat, itim ang kanyang semi-kalbong buhok, matangos ang ilong, mapula ang mga labi, at gray ang kanyang mga mata.

kilala ko siya. "Alastair". Nasambit ko ang kanyang pangalan at biglang nagliwanag ang buong paligid.

Nagising ako. Panaginip lang pala. Pag-lingon ko sa aking kaliwa, nagulat ako sa aking nakita.

"Kuya Van! bakit ka nandito? Anung ginagawa mu dito?". Ang kabado kong pagtatanong.

"O teka lang isa isa lang ang tanong.", huminto siya bigla at tumawa. "Nandito ako para sana yayain kang lumabas. Pinapasok na ako ng mommy mo sa kwarto mo para na rin daw ako na ang gumising sa'yo."

Namesmerize naman ako sa kagwapuhan niya kaya hindi ako kaagad nakasagot.."ahh o-ok. San naman tayo pupunta?", tanong ko sa kanya.

"Sa mall. teka, nga pala, pagpasok ko dito sa kwarto mo kanina, narinig kong tinawag mo ang pangalan ko. sabi mo pa nga, 'Alastair'. kaya ako lumapit sa'yo dahil akala kong gising ka na. Ngunit hindi pala. Nanaginip ka pa pala." tumawa siya. "Ikaw ha, hanggang sa panaginip ba naman eh ako parin ang iniisip mo?" sabay ng nang-aasar na ngiti.

"Ano? anong sinasabi mo?" sa loob loob ko'y sana hindi ako nag-bblush. "Ikaw ang kapal mu talaga! Guniguni mo lang iyon!" ,palusot ko.

"Naku naku!", sabi niya na parang inaasar pa talaga ako.

"hmmmpt!" na lang ang aking nasabi.

Read more...

The One Who Could Not be Taken - Chapter Five

Photobucket
Para sa nag-hiatus na namang si Gabriel. Ingat ka palagi sweetie, you know maraming nagmamahal sa iyo. Take care, always...


Chapter Five

Mistulang writer ang pakiramdam ni Gabriel habang ine-encode niya ang notes ng interview niya kay Dalisay. Naisip pa niya na sa pamamagitan ng mga impormasyong iyon ay maaari na siyang gumawa ng article tungkol sa buhay nito sa kahit na saang publication basta makapagsulat lang siya ng maayos at tama ang grammar niya. Subalit malabong mangyari iyon sapagkat henyo siya sa mga numero pero hindi sa panitikan.

Napapantastikuhan siya sa ginagawa. Habang itinitipa kasi niya ang mga pag-uusap nila ni Jordan, a.k.a.Dalisay ay naaalala niya ito. Sa totoo lang, tinubuan siya ng genuine crush sa manunulat. Una niya itong nakita ay noong nagdidilig ito ng halaman. Naakit kaagad siya rito. Shorts na maong at puting t-shirt ang suot nito. He looked immaculately clean and fresh. Mukhang pinangangatawanan ang pagiging dalisay. His physique was quite good. He's quite sexy in his own way. Physically, he wasn't disappointing in the eyes although he found it amusing with the way Jordan talked to his plants. He even looked dumb while talking. Inisip niya tuloy na hindi pala ito ganoon ka-interesante.

The next day ay nataranta siya sa nakitang transformation nito.  Nagkakandado ito ng gate ng makita niya. Jordan was wearing jeans and a fuchsia pink polo-shirt. Nakasampay sa balikat nito ang isang leather jacket at nakasuot ito ng isang comfy sneakers. Gone was the dumb look. It was replaced by an intense personality. Mukha itong twenty-ish kahapon, now he looked thirty. Like some powerful attorney ready for interrogation. But of course, bawal ang jeans sa loob ng courtroom. If that wasn't mind-biggling enough, there was this phony interview he had with him. It totally blew his mind.

"Hey bro!" sabi sa kanya ni Charlie. Hindi na siya nagulat na naroroon ito at basta na lang pumasok sa kanyang kwarto. Sanay na siya dito.

He didn't mind though. Constant sight na ito sa bahay niya na tila kabahagi na ng mga furnishings.

"Mukhang blooming si Berta ah?" ani nitong tinutukoy ang kanyang kasambahay. Pamana pa sa kanya iyon ng kanyang ina nang magdesisyon siyang mag-solo sa pamumuhay ilang taon na ang nakararaan.

"May ka-textmate kasi. Bumale pa nga ng pambili ng bagong cellphone."

"Ano 'yan tol?" pag-iiba nito ng usapan. Kumuha ito ng sariling silya at naupo sa tabi niya.

"See it for yourself," mayabang niyang sabi saka in-anggulo ang laptop para makita ni Charlie ang nakasulat doon.

"Hanep! Nagkausap na kayo ni Dalisay, pare?" nanlalaki ang matang bulalas nito.

"Yeah. And I will be there again, later." Ikinuwento niya ang mga pangyayari.

"Nagpanggap kang contributor sa OhLaLaMag?" di makapaniwalang saad nito. "Paano kung nabuking ka? E di panalo na ako?"

Read more...

The One Who Could Not be Taken - Chapter Four

Photobucket

Para sa'yo pa rin KGF :)


Chapter Four

Napansin na naman ni Jordan ang itim na CRV na huminto malapit sa bahay niya. Iyon ang ikatlong araw na nakita niya ang sasakyan na pagala-gala sa vicinity ng subdivision nila. Una ay noong nagdidilig siya. Akala pa nga niya ay kakilala niya ang may-ari pero hindi naman ito bumaba. Ikalawa ay noong magpupunta siya sa office para magsubmit ng manuscript at ngayon nga ang ikatlo.

Napakibit-balikat siya. Siguro ay nag-i-scout ito ng mga bakanteng bahay. Pero may isang mahinang tinig ang nagsasabi sa kanyang tinititigan siya ng taong nakasakay sa loob ng CRV. Hindi niya lang makita ng husto ang mukha nito dahil tinted ang salamin. Ayaw man niya ay nakaramdam siya ng pagaalala. Baka masamang tao ito. Naglipana pa naman ang mga sira-ulo ngayon sa bansa.

Pumasok siya sa bahay at inasikaso ang isinalang na roasted beef sa oven. Habang ginagawa iyon ay hindi pa rin maalis sa isip niya ang nakaparadang sasakyan. Mukhang siya ang pakay ng kung sinoman ang nasa loob niyon. Hindi kaya isa iyong masamang tao na balak siyang biktimahin dahil alam na siya lang mag-isa sa loob ng bahay? Nangilabot siyang muli sa isiping iyon.

Napapraning lang siguro siya dahil noong isang gabi lang ay may doorbell ng doorbell sa gate niya. Wala siyang kamag-anak, kakilala, o kaibigan na basta na lang pupunta ng walang abiso kaya hindi niya pinagbuksan ang kung sino mang herodes na nang-istorbo sa kanya. Ang mali niya lang ay hindi niya sinilip kung sino iyon. Nairita na kasi siya sa walang tigil na tahol ni Eneru.

His friends and relatives knew that he hated to be disturbed. Kung may magpupunta man sa mga ito sa bahay niya ay nagte-text muna ang mga ito para makapaghanda siya. Or depende sa topak niya kung papayagan niya ang gma itong istorbohin siya.

The roasted beef looked delicious and the smell was mouthwatering. Eneru was jumping in excitement.

"Mamaya na. Gagawa pa ako ng sauce," sabi niya rito. Pinagsama niya sa saucepan ang marinade pati na ang pinaglagaan ng baka saka ito isinalang sa mahinang apoy. Nang kumulo iyon ay binuhusan niya ng red wine saka hinalo hanggang sa lumapot. Langhap na langhap na niya ang masarap na amoy niyon kaya naman pati si Eneru ay tila nababaliw na sa pagkatakam at paikot-ikot na sa buong kusina.

Biglang tumunog ang doorbell. Mabilis na tinakbo ni Eneru ang pinto at kinalampag iyon. Tila doon ibinubuhos ang frustrations sa hindi pa matikmang pagkain.

Lumapit siya sa pinto at binuksan ang screen door. Nakita niyang nakatyo sa labas ng gate ang isang lalaking hindi niya kilala. He was wearing a jeans and a fitted gray shirt. Nakaparada rinsa tapat ng gate niya ang CRV na ilang araw na niyang napapansin. So tama siya, ang pakay ng nagmamaneho noon ay walang iba kundi siya.

Read more...

The One Who Could Not be Taken - Chapter Three

Photobucket
For K.G.F and his admirers... and to the followers of Dal-Riel Fans Club... eat your hearts out. ahahahaha

ECHOZ!!!

Chapter Three


Nasa loob ng Something's Fishy  sa Quezon City si Gabriel. Kasama niya roon si Charles at ang kababata nitong si Doc Roblen. Hinihintay nilang magsidating ang iba pang miyembro ng business club na si Doc Roblen ang founder. Ayon dito, inactive na member si Charles at hindi pa nakakabayad ng monthly dues nito.

Noon lang niya nakilala si Doc Roblen dahil hindi naman talaga siya taga-Quezon City. Napangiti siya. Naroon kasi siya para magpanggap na interesado sa pagsapi upang maging miyembro ng mga ito.

"Tsk! Malas talaga. Ayaw ni Jordan eh." Ipinabasa ni Doc Roblen ang text dito ng lalaking hindi naman monghe at wala namang commitment pero ayaw maligawan.

"Akala ko ba kasundo mo yun?" tanong ni Charles sa beterinaryo.

"Akala ko nga rin eh."

Nanahimik siya. A lot people didn't know that a lot could be said about them from their text messages and he was already profiling the man in question based on that. The man's message was precise and direst to the point. Tama ang mga punctuations na ginamit nito. He was a perfectionist and didn't mince words. He was easy to talk with, which was good as far as he was concerned. Ang ibig sabihin lang niyon, may tiwala ito s sarili at hindi natatakot magsabi ng "no."

May mga tao kasing sa text message pa lang ay alam na niyang pakipot. Merong pa-cute. Merong pa-mysterious effect at merong wala lang, non-sense kausap. But not this Jordan. Ayaw talaga nitong dumalo sa meeting na iyon. Period. Kahit pa si Channing Tatum ang humila rito ay hindi ito mapipilit.

"O, hayan na si Lance. Siya na lang ang ireto mo rito sa kaibigan mo." wika ni Doc Roblen kay Charles.

Napatingin si Gabriel sa "Lance" na tinutukoy nito. The man was of average height and medium built. Kung magpapabaya ito ay lolobo itong tiyak at lalong magmumukha itong maliit. But right now, he looked nice enough. Medyo spiky ang buhok na nito na tila sa mga koreanovela leading men, minus the bangs. Maputi ang ngipin bagama't may isang sungki sa kaliwang bahagi pero hindi naman masagwang tingnan. Paglapit nito sa betirinaryo ay ipinakilala agad sila rito. Ipinaliwanag rin ng butihing doktor ang intensiyon niyang sumali.

"Why not?" wika ni Lance sa kanya. "Sali ka na at ng magkaroon naman ng gwapo sa mga miyembero rito."

"Ano namang tingin mo sa amin, aber?" angal ng ibang nakarinig sa sinabi nito.

Nakakalokong tawa naman ang isinagot ng bagong dating sa kanila. "I'm Lance Cruz, pare. Nakakasawa na kasi ang pagmumukha ng mga pamintang iyan eh. You're a perfect addition to the group," ani Lance.

Read more...

The One Who Could Not be Taken - Chapter Two

Photobucket
Still for K.G.F... hope you find good things in life. You deserve an honest-to-goodness relationship, sweetie. :)


Chapter Two


Hindi kailangan ng alarm clock ni Jordan para malamang alas-sais na ng umaga. Automatic na siyang nagigisingnang ganoong oras kesohodang nananaginip pa siya ng love story nila ni Dingdong Dantes. That morning, he dreamt about a poem he was reading. Bagama't natapos niyang basahin ang tula ay hindi na niya maalala kung ano ang nilalaman ng tula at kung para kanino ang tula. 

Tumayo siya, hinarap ang paborito niyang full-length mirror na katabi ng kanyang kama at nagwikang, "It's a beautiful day." Sabi niya sa sariling repleksiyon. His hair was a tangled and a wiry mass. May morning glory pa siya sa magkabilang mata ang his cheeks looked pluffy. His breath was awful.

He stood up straight in front of the mirror and started his stretching. Pagkatapos ay bumaba siya sa komedor ng naka-boxer briefs at mahaba ngunit butas-butas na t-shirt pa rin. Kumuha siya ng dalawang itlog sa ref at inilaga ang mga iyon. Habang hinhintay na maluto ang mga iyon ay kinuha niya ang walis at basahan. Bumalik siya sa itaas ng apartment at sinimulang linisin ang dalawang sild doon. After that, ay bumaba siya sa sala at iyon naman ang nilinis. Nang makarating siya uli sa kusina ay pawis na pawis na siya at malapit ng matuyo ang tubig sa itlog na nilaga niya.

Naghugas siya ng kamay bago niya pinatay ang stove at hinango ang mga itlog mula sa kaserola. Binabad niya muna ang mga iyon sa tubig bago binalatan isa-isa at binudburan ng asin. At para makatipid, ibinuhos niya ang natirang tubig na pinagpakuluan ng mga itlog sa isang tasa para pagtimplahan ng kape. Mahigit nang sampung minuto ang pagkulo niyon kaya siguradong wala ng germs ang naka-survive doon.

He ate his breakfast and finished his coffee. Pagkatapos ay nilinis ang kusina na sa sobrang linis ng matapos siya ay pwede ng magperform ng brain surgery sa kintab niyon. Nang matapos ang kusina ay pumasok siya sa banyo at naligo. Isinabay na rin niya ang paglilinis ng banyo at hindi lumabas doon hangga't hindi kumikintab ang mga tiles.

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP