The Best Thing I Ever Had - (Part 7) Two Is Better Than One

Friday, July 29, 2011

Note: Thank you po sa mga nagbabasa ng story na to. :) Eto na po yung part 7. Sorry po kung mejo maikli lang. hindi po kasi ako makapag-isip ng mabuti.anyway, sana po nag-eenjoy kayo while reading the story. sana po magustuhan niyo. enjoy reading!

두 사람은보다 나은


---------------------------------------------------

Nag-umpisa ng ipakilala ang dalawang team. Palakpakan at hiyawan ang mga tao. Nasa black team si Ram. Nakita ko pa siyang kumakaway at tumingin sa akin ng nakangiti.

Assuming ka talaga teh! feeling mo naman sa'yo nakatingin!

Che!

Mukha namang magagaling yung mga teammates niya. Hindi ko alam kung bakit pero may parte sa sarili ko na gusto silang manalo.

Grabe ang landi mo talaga teh!

Tumigil ka nga! Inggit ka lang!

Hoy excuse me, mas marami akong papa sa'yo.

Oh talaga? Sige nga isa-isahin mo.

Hindi na nakasagot ang boses. Tumawa ako. Napansin ito ni kuya Marco.

"Oh bakit ka tumatawa?" ang pagtatakang tanong ni Marco.

"Ah eh, wala, may naalala lang ako." palusot ko na lang.

Nginitian na lang ako ni Kuya Marco.

Ipinakilala na rin ang kabilang team. 

"And here's their opponent! The White Team!" sabi ng announcer.

Hiyawan ulit ang mga tao pati na sina Macky at Marco.

"Go Van!" sabi ni Macky.

Nagtaka naman ako bigla. Van? Sinong Van ang tinutukoy nito? Agad kong tiningnan ang mga players ng white team at laking gulat ko ng makita ko ang isa sa mga players.

Si Kuya VAN! Nanlaki ang dalawa kong mga mata ng makita ko siya. Naka jersey siya na white and then basketball shoes.

Parang may hinahap siya sa mga audience.

"Van! Nandito siya!" sigaw ni Kuya Marco sabay turo nilang dalawa ni Macky sa akin.

Huh? Anung nangyayare?

Nagkita ang mga mata namin at parang nabuhayan ang istura ng mukha niya nung makita niya ako.

Conceited much??? grabe ang kapal mo talaga teh!!

As I've said earlier, inggit ka lang!

O sige na! Ikaw na maganda! Ikaw na!

Tumakbo si Kuya Van papunta sa kinaroroonan namin. "Bunso! Buti naman dumating ka!" ang masayang masaya niyang bati sa akin. Binigyan niya ako ng mahigpit na hug.

Wow! Kilig to the max ka na naman! Ang haba talaga ng hari mo teh!wait lang aasug lang ako baka matapakan ko hair mo.

Hindi na ko magsisinungaling, kinilig nga ako. Pero slight lang huh!

Naku! Slight pa raw kunyari! Eh halos mamatay-matay ka na sa sobrang kilig jan!

"Salamat Marco, Macky!" sabi ni Kuya Van.

"Wala yun, sabi ko sa'yo eh, sasama samin yan!" sabi naman ni Macky.

"Huh? Wait lang" tinanggal ko ang pagkakayakap niya sakin. "Bakit ka nag-th-thank you sa kanila?" ang tanong ko na may bonggang pagtataka.

"Kasi, nakiusap sa amin si Van na isama ka daw namin dito. Buti na lang pumayag ka kaagad kung hindi kakaladkarin kita papunta dito. joke!" sabi ni Macky sabay tawa ng dalawang mokong.

"Ah so kakunchaba pala kayo ng mokong na to. Lagot kayo sakin mamayang dalawa." ang mataray na sabi ko sa kanila.

"Mokong na cute." sabay pa-cute ni Kuya Van.

"Cute? ang sabihin mo, pa-cute! Nakakata-cute ka kaya!" sabay tawa ko ng malakas.

Pinisil niya ang pisngi ko. "Ummm! ang cute cute talaga ng bunso ko! Pakiss nga si Kuya!" 

Akala ko nagjo-joke lang siya nun. Pero HINDE! hinalikan niya ko sa pisngi!. Nagulat talaga ako sa ginawa niyang iyon. Buti na lang, walang nakakita kungdi si Macky lang at Marco. Hindi ako makapag salita. Nakangiti siya sa akin. Tumingin ako kila kuya Marco. Nakangiti lang si Marco at Macky nama'y parang kinikilig na hindi ko malaman.

Grabe teh!!! I'm gonna die! OMG! OMG! OMG!!!!! grabe! IKAW NA TALAGA!

Grabe hindi ko alam ang gagawin ko! Hindi ko alam kung paano ko magrereact. Baka pag mali ang reaction ko, baka kung ano isipin nila. bahala na!

Tinulak ko ang noo ni kya Van. "Umm! Bakit mo ginawa yon?" sabi ko sa kanya.

"Ewan. Hmmm..lucky charm I guess??" sabi niya.

"Abnormal ka talaga kuya Van hanu?" tumawa na lang ako kunyari. Syempre hindi ko dapat ipakita na naapektuhan ako kasi baka kung anung isipin nila Marco.

Patay ka sakin Kuya Van mamaya.

Ayyiiiee!! anung gagawin mo? gagantihan mo rin siya ng halik?! sa lips?!

Gaga! tumigil ka nga!..On the second thought,.Pwede rin!. ayy! ano ba tong sinasabi ko? arrggghh! erase erase!

"Tol tara na magsisimula na yung game!" ang pangyayaya ng kateam-mate ni kuya Van.

"O sige," aalis na sana si kuya Van, "Ay teka lang pala." Tinanggal niya ang singsing niya sa kamay niya at kinuha niya ang kaliwang kamay ko. Isinuot niya sa daliri ko ang singsing.

Wow! Kasalan na!

Bugak! Kasalan? Ni hindi pa nga nag-po-propose kasal na agad? and isa pa, hindi pa nga nanliligaw kasal na agad?

Ewan ko.pero alam ko, kinikilig ka na ng bonggang bonggang major major!

Shhh! Wag mo ko ilaglag!

"Ano to?" tanong ko sa kanya.

"Uhhmm. Sa'yo muna para hindi mawala." Ngumiti siya sa akin. Hinalikan niya ako sa noo. "Wish me luck bunso." at umalis na siya para pumunta sa team niya.

Habang tinitingnan ko siya papunta sa team niya, bigla kong napansin si Ram. Masama ang tingin niya kay kuya Van. Pagkatapos ang tumingin siya sa akin at malungkot ang mukha niya.

Bakit ganun siya makatingin? Nakita kaya niya na hinalikan ako ni Kuya Van? Nagseselos kaya siya?

Nagseselos?Grabe! Eh Bakit naman siya magseselos? Ang kapal mo talaga teh!

Ayy oo nga noh. sorry naman. eh bakit ba kasi ganun siya makatingin. Tuloy ang iniisip ko, parang nag-seselos siya.

Anyway, so the game started. Sa first quarter, lamang ang team nila Ram. Sa second, lamang naman ang team nila kuya Van. Sa third, tie na ang scores nila. Now, sa fourth quarter, 6 seconds na lang nang natitira. lamang ng 2 points ang team nila Ram. Sa team nila kuya Van ang bola. Kinakabahan ako dahil baka matalo sila. Nagsimula na silang gumalaw muli. Pasa dito, pasa don. 5 seconds na lang. 4..3..2. nagshoot si kuya Van..1...

"3 POINTS!" sigaw ng announcer.

Naka 3 points si kuya Van. Hiyawan lahat ng tao. Nag puntahan na lahat sa gitna para mag celebrate. Nagkamayan ang mga players ng magkabilang team. Ng sina Kuya Van na at si Ram ang magkakamayan, bigla akong kinabahan. Iniabot ni Kuya Van ang kamay niya. Nagulat ako ng biglang suntukin ni Ram si Kuya Van. Biglang nagkagulo ang mga tao. Gumanti ng suntok si Kuya Van. Tumakbo ako papunta sa kanila. Sinubukang awatin ng mga tao ang dalawa.

"Kuya tama na!" sigaw ko.

Naipaglayo silang dalawa, katabi ko si Kuya Van. "Ano bang problema mo ha?" ang galit na galit na tanong ni kuya Van kay Ram.

Hawak hawak ng dalawang ka-teammate ni Ram ang kanyang mga braso. In a split of a second, biglang nakawala si Ram at akmang susuntuking muli si Kuya Van. Hindi ko naman alam kung bakit pero bigla akong pumagitna sa kanilang dalawa. Tinaamaan ako sa gilid ng noo ko. Ang lakas ng suntok ni Ram at dahil sa lakas ng suntok niya, bumagsak ako sa sahig at tumama ang ulo ko dito. Naririnig ko pang tinatawag ni kuya Van ang pangalan ko pero bigla na lang nag-black ang paligid.

At iyon ang huli kong naalala.

----------------------

Until the next episode,
Av.

Read more...

STRATA presents: Bulong ng Kahapon 5

STRATA presents
BULONG NG KAHAPON

PART 5 – Ang Wakas

“Gising ka na pala hijo!” nakangiting bati ng isang hindi pamilyar na mukha kay Arman.
“Sino po kayo?” tanong ng binata sa kausap.
“Ako’y nagligtas sa’yo mula sa bangin.” kwento nang matanda.
“Bangin?” tanong ni Arman.
“Nakaligtaan kang iligtas mula sa nabanggang bus dahil nagtuloy-tuloy ka sa bangin na malapit sa kubo ko.” sagot ng matanda. “Alam mo bang hindi ka na halos humihinga nang makita kita.” pagbabalita pa nito.
“Salamat po kung ganuon.” sagot ni Arman at muli niyang naalala ang pakay sa lugar na iyon.
“Huwag ka na munang bumangon. Hindi ka pa lubusang nakakabawi sa sinapit mo.” tutol nang matanda ang makitang nagpupumilit umayo si Arman.
“May kailangan po akong hanapin.” sagot ni Arman.
“Tutulunga kita hijo, ngunit hayaan mo na munag makabawi ka ng lakas para naman hindi ka kung mapaano na lang.” wika nang matanda.
“Salamat po.” sagot ni Arman. “Arman nga pop ala.” pakilala pa ng binata.
“Tawagin mo na lang akong Lolo Mencio.” sagot nang matanda.
“Kailangan ko po talagang hanapin si Mercedes.” saad pa ni Arman.
“Matutulungan kita hijo at mabilis mong mahahanap si Mercedes basta ba’t hayaan mo munang dito ka mamalagi. Hindi pa lubusang gumagaling ang mga bali mo sa katawan at mahihirapan kang bumiyahe at lumibot.” paalala pa ng matanda.
“Pero Lolo Mencio…” tututol pa sana si Arman ngunit biglang nanakit ang likod niya. “Aray…” pagdaing pa ni Arman.
“Sabi ko sa iyo!” sabi nang matanda. “Huwag lang mag-alala dahil may ituturo ako sa iyo para naman hindi ka mainip.” lahad pa nito.
Namangha si Arman nang makita niyang kausapin ni Lolo Mencio ang alaga nitong pusa. Manghang-mangaha ang binata dahil totoong kapani-paniwalang nagkakaintindihan ang tao at ang pusa.
“Bakit ganyan ka makatingin sa akin apo?” tanong nito kay Arman.
“Nauunawaan po ba talaga ninyo ang pusa?” hindi makapaniwalang tanong ni Arman.
“Oo naman hijo! At iyan ay isa lang sa mga bagay na ituturo ko sa iyo.” saad nang matanda.
Hindi alam ni Arman kung ano ang magiging reaksyon. Halu-halo na ang problema niya ay idadagdag pa niya si Lolo Mencio kung totoo ba ang sinasabi ng matanda.
“Phillip! Hindi kita kayang iwanan at ayokong magkahiwalay tayo pero ayoko namang itakwil ako ng pamilya ko dahil sa pagsama ko sa iyo. Ito na nga ba ang kinakatakutan ko sa lahat, ang pagdating ng araw na ito.” bulong ni Arman sa sarili saka napabuntong-hininga.
“Bakit apo?” tanong ni Lolo Mencio.
“Wala po.” sagot ni Arman. “Mercedes! Saan ka naman ba nagtungo? Pinag-aalala mo ako. Hayaan mo, hahanapin kita sa oras na umayos ang pakiramdam ko.” wika ng diwa ni Arman.
Kinagabihan –
“Lolo, wala po ba kayong kasama dito?” tanong ni Arman habang kumakain sila ng hapunan.
“Ako lang ang mag-isa sa buhay.” wika nang matanda.
“Talaga?” hindi makapaniwalang tanong ni Arman.
“Oo apo!” sagot ng matanda. “Buhat nang maligaw ako sa bundok Banahaw ay hindi na ako umalis pa dito. Paminsan-minsan nama’y lumalabas ako para magtungo sa bayan subalit babalik din naman ako kaagad.” kwento pa ng matanda.
Isang buwan na nanatili si Arman sa kubo ni lolo Mencio at hindi niya lubos maisip na matututo siya ng mga mahikang akala niya ay sa mga nababasang kwento lang mangyayari. Hindi niya lubos maisip na totoo pala ang sinasabi ng matanda sa kanya. Ngayon nga, tulad nang pangako nang matanda ay tutulungan niya si Arman na hanapin si Mercedes at sa tulong nang mahika ay madali niyang natunton kung nasaan ang dalaga. Nalaman niyang nasa kalapit na nayon lang nila ito nagtatago.
“Sige po Lolo Mencio.” paalam ni Arman saka nagmano sa matanda.
“Mag-iingat ka apo.” wika ng matanda saka may ibinigay kay Arman.
“Ano po ito?” tanong ni Arman.

Read more...

STRATA presents: Bulong ng Kahapon 4

STRATA presents
BULONG NG KAHAPON

PART 4 – Ang Malapit sa Wakas

Mabilis na lumipas ang araw, ang panahon at ang mga buwan dahil sa wakas ay kanila nang makakamit ang pinaka-aasam na dimploma para ibitn sa harapan ng kanilang bahay at ipangalandakan sa mga bibisita na nakapagpatapos sila ng anak. Sa magkaibang paaralan nag-aral sina Mercedes at Arman ngunit magkalapit lang ang kanilang inuuwian kaya nagagwa pa din nilang makapagkita araw-araw.
“Ang aking pagbati Mercedes!” simulang bati ni Arman sa kaibigan.
“Walang anuman!” sagot ni Mercedes. “Binabati din kita sapagkat sa wakas ay nakuha mo na ang minimithi mo.” tugon pa nito.
“Ano na ang mga balak mo?” tanong ni Arman.
“Papasok akong guro sa ating bayan.” sagot ni Mercedes. “Iyon naman ang tinapos ko, ang pagguguro. Pipilitin ko ding makapagpatayo ng pampublikong elementary sa ating nayon para naman iyong malalayo sa bayan ay may malapit na mapapasukan.” saad pa nito.
“Mainam kung magkaganuon.” sagot ni Arman.
“Ikaw? Itutuloy mo bas a pag-aabogasya ang tinapos mo?” tanong ni Mercedes.
“Alam mo namang mahirap ang pag-aabogasya at higit sa lahat mahirap din iyon sa bulsa kaya malamang ay hindi na lang muna.” sagot ni Arman.
“Ano na ang plano mo?” tanong ni Mercedes.
“Tatanggapin ko na muna ang alok sa aking makapagtrabaho sa pamahalaan.” maikling tugon ni Arman.
“Mainam naman at may plano ka na.” tugon ni Mercedes.
“Arman!” tawag ni Phillip mula sa likuran.
“Phillip! Ikaw pala.” sagot ni Arman.
“Phillip.” nagulat namang tugon ni Mercedes saka umakmang tatalikod.
“Sandali lamang Mercedes.” awat ni Phillip.
Natuwa naman si Arman dahil sa wakas at sa unang pagkakataon ay magkakausap na ang dalawa.
“Bakit?” maikling tanong ni Mercedes.
“May nais lamang akong ipagtapat sa iyon.” tugon ni Phillip.
Hindi mawari ni Arman subalit naging mabilis ang tibok ng kanyang puso ng mga oras na iyon. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ni Phillip subalit nakakasigurado siyang hindi maganda ang sasabihin nito kay Mercedes.
“Ano iyon?” tanong ni Mercedes.
“Si Arman ang dahilan kung bakit ako nakipaghiwalay sa’yo.” turan ni Phillip.
“Phillip!” madiing pagtutol ni Arman.
“Anung ibig mong sabihin?” tanong ni Mercedes.
“Mahal ko si Arman nang higit sa pagmamahal ko sa iyo.” wika ni Phillip. “At una ko siyang minahal. Sana Mercedes, ngayon ay nauunawaan mo na ang dahilan kung bakit ako nakipagkalas sa iyo.” wika ni Phillip na muling nalumbay ang tinig.
“Hindi ito totoo!” saad ni Mercedes saka tumakbo palayo.
“Mercedes!” hahabulin sana ito ni Arman –
“Huwag na Arman!” tutol ni Phillip.
Iwinasiwas lang ni Arman ang kamay ni Phillip saka mabilis na hinabol si Mercedes.
“Arman!” pigil ni Phillip saka hinabol na din niya ang binata.
Kahit na anung hanap ay hindi nagawang makita ni Arman si Mercedes. Nagalit din ito kay Phillip dahil sa ginawang hindi man lang siya kinukunsulta.
“Malamang ay pauwi na iyon sa inyo.” saad ni Phillip.
“Ano ba sa tingin mo ang ginawa mo?” tanong ni Arman.
“Sinabi ko lamang ang totoo.” wika ni Phillip.
“Ngunit bakit ngayon pa at sa tono nang pananalita mo ay parang hindi mo siya minahal.” sagot ni Arman.
“Malinaw ang sinabi kong mas minahal kita ngunit hindi ko sinabing hindi ko siya minahal.” sagot ni Phillip.
“Ganyan ka ba takaga mag-isip?” tanong ni Arman. “Wala ka na ba talagang puso para kay Mercedes. Kung saktan mo siya ay ganun na lang na tila ayos lang ang lahat.” paninisi pa ni Arman kay Phillip.
“Ngunit karapatan niyang mabatid ang katotohanan.” giit ni Phillip.
“Mali ang pamamaraan mo Phillip at iyon ang ikinagagalit ko.” sagot ni Arman saka lumakad nang mabilis palayo sa binata.
“Arman sandali lang!” pigil ni Phillip saka hinabol si Arman.
“Ano na naman ang sasabihin mo? Igigiit mo na namang tama ka at ako ang mali?” tanong ni Arman.
“Patawarin mo ako.” sinserong paumanhin ni Phillip. “Hindi ko sinasadyang masaktan ka.” dugtong pa nito. “Ayokong magkahiwalay tayo ngayong araw na may sama ka ng loob sa akin.” turan pa ng binata.
“Sa susunod ay iisipin mo kung ano ang sasabihin mo.” turan at pagpapayo pa ni Arman.
“Pinapatawad mo naba ak sinta?” tanong ni Phillip.
“Oo naman!” maikling tugon ng binata.
“Salamat! Pangako, hindi ko na uulitin.” masayang reaksyon at pangako ni Phillip saka niyakap si Arman.
Sa probinsya nila Arman naman ay agad na nagtungo ang pamilya nila Arman sa bahay nila Mercedes. May maliit kasing salu-salo na inihanda ang pamilya ni Mercedes dahil nakapagtapos na ito sa pag-aaral. Hindi magawang magtinginan nang dalawa dahil nagkaka-ilangan pa ang mga ito dahil nga sa hindi inaasahang pangyayaring kagagawan ni Phillip.
“Arman at Mercedes” simula ng ama ni Arman nang makaalis na ang mga bisita ng dalaga. “Alam naman nating mula pagkabata pa ay lagi na kayong magkasamang dalawa.” dugtong pa ng ama ni Arman.
“Napagkasunduan naming bakit hindi nalang kayo ang ipakasal para naman lalong tumibay ang samahan nang dalawang pamilya.” dugtong naman ng itay ni Mercedes.
“Hindi po maaari!” tutol ni Mercedes na biglang napatayo.
Agad namang nakadama ng kaba si Arman at batid niyang may panibagong problema siyang dapat harapin at may mas malaking unos na darating.
“Bakit hindi?” tanong ng itay ng dalaga. “Hindi ba’t hiwalay na kayo ni Phillip.” dugtong pa ng itay ng dalaga.
Tinitigan naman ni Arman si Mercedes at tila may pagmamakaaawa sa mata nitong huwag sasabihin ang tungkol sa lihim nilang relasyon.
Tumingin naman si Mercedes kay Arman at sa mata nito. Hindi niya kayang tagalan ang titig nang binata na animo nakikiusap sa kanyang huwag sasabihin ang kanyang lihim.
“Dahil si Arman at Phillip ay may pagtangi sa isa’t-isa.” nawika ni Mercedes saka ito tumakbo palabas.
“Mercedes!” awat ng ama ng dalaga.
“Hintayin mo ako!” tumayong habol ni Arman.
“Dito ka lang!” pigil ng ama ni Arman.
“Hhabulinn ko ppo ssi Meerceedees.” nanginginig na usal ni Arman.
“Gaano katotoo ang sinabi ni Mercedes!” nabigla subalit nananaig ang galit sa tinig ng ama niu Arman.
Nanatiling tahimik lang si Arman.
“Sumagot ka!” sigaw ng ama nito.

Read more...

STRATA presents: Bulong ng Kahapon 3

STRATA presents
BULONG NG KAHAPON

PART 3 – Ang Gitna

“Bakit malungkot ka na naman?” tanong ni Arman kay Mercedes.
“Sa tingin mo ba ay ganuong kadali kalimutan ang lahat?” balik na tanong ni Mercedes sa kaibigan.
“Mercedes.” tugon ni Arman na muling binagabag nang kanyang kunsensya.
“Arman! Hanggang ngayon ay nanunuot sa aking kaibuturan ang sakit. Sa bawat umaga ay hindi ko mapigiling pumatak ang aking luha dahil naaalala ko ang apat tatlong taong pinagsamahan namin ni Phillip.” tugon ni Mercedes.
“Ngunit Mercedes, isang buwan na ang lumilipas nang magkahiwalay kayo ni Phillip. Pinabayaan mo na ang iyong sarili, dapat ay isipin mo naman ang kapakanan mo, ang makakabuti sa iyo.” pagpapayo pa ni Arman. “Pumanhin Mercedes, dahil sa akin ay nararanasan mo ito.” bulong ni Arman sa sarili.
“Mahirap kalimutan Arman! Madali lang sa iyo ang sabihin iyan dahil hindi mo nararamdaman ang sakit na mayroon ako. Madali lang sa iyon iyan dahil hindi ikaw ang iniwan. Papaano ko kakalimutan ang lahat kung sa loob ng tatlong taon ay sa kanya ko inilaan ang buhay ko? Kung si Phillip na ang aking naging buhay?” sagot ni Mercedes. “Alam mo bang maging si itay ay nalulungkot dahil sa kinahinatnan nang pagsinta ko kay Phillip? Patuloy nila akong tinatanong kung anung dahilan daw.” dagdag pa ng dalaga.
“Mercedes, lalo akong inuusig nang aking kunsensya. Lalo mo akong pinapahirapan, higit mong pinapabigat ang aking nararamdaman. Hindi ko magawang maging masaya dahil sa wakas ay kasama ko na si Phillip at dahil binigiyan mo ako ng dahilan para makadama nang pagkabalisa.” bulong ni Arman sa sarili. “Ngunit Mercedes, alalahanin mong mayroon ka ding sariling buhay bago dumating sa piling mo si Phillip.” paliwanag ni Arman.
“Batid ko ang nais mong ipahiwatig Arman!” sagot ni Mercedes. “Hindi ganuon kadaling kalimutan ang lahat.”
“Mercedes…” nabanggit ni Arman. “Patawarin mo ako Mercedes nang dahil sa akin ikaw ay nagbabata ng hirap.” pahayag ng damdamin ni Arman.
“Sige na! Ako’y mauuna na!” wika ni Mercedes saka tumayo.
“Sandali!” awat ni Arman.
“Ano ang iyong dahilan?” tanong ni Mercedes.
“Matagal ko nang nais ibigay sa iyo ito.” wika ni Arman saka may kinuha sa kanyang lamesa.
“Ano ito?” tanong ni Mercedes.
“Plaka iyan na binubuo ng mga paborito nating awitin sa probinsya.” nakangiti nitong tugon. “Dalawang taon ko na iyang nabili sa may Quiapo at nais ibigay sa iyo subalit lagi kong nakakalimutan dahil lagi kang nagmamadaling umalis.” paliwanag pa ng binata.
“Naririto ba ang paboriton kong kanta sa opera?” tanong ni Mercedes.
“Oo!” sagot ni Arman. “Kasama diyan ang paborito mong Granada at O Sole Mio na una mong napakinggan sa mga nagtatanghal nuong unang beses tayong tumuntong ng Maynila.” saad pa nito.
“Salamat Arman!” pasasalamat ni Mercedes saka niyakap ang binata. “Hindi ka pa din nagbabago.” wika pa ng dalaga.
Totoo naman, dalawang taon na iyong nakatago sa kanyang lamesa hindi dahil nakakaligtaan niya, bagkus ay nahihiya siyang iabot sa dalaga. May lihim kasi siyang pagtingin dito mula pa nuong pumasok sila sa mataas na paaralan ngunit hindi niya magawang ipagtapat dala ng karuwagan. Hindi din niya nagawang ibigay iyon kay Mercedes dahil nuong araw na binili niya iyon ay ang parehong araw na nagtapat sa kanya si Phillip nang tunay nitong damdamin para sa kanya. Alam niya sa puso niya na may pagtangi din siya sa lalaking iyon subalit dala nang mas mabigat na takot ay ayaw niyang ipaalam kahit na kanino.

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP