Chapter 10 : Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ak

Monday, November 15, 2010

By: DALISAY
e-mail: I could tell you... But then I have to kill you. LOL! (mura yan. :p)
blogsite: dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I speak softly but I carry a VERY BIG stick!
---------------------------------------------------------------------------

It was Friday night. Isang nakakabinging-katahimikan ang namamagitan ngayon sa pagitan nilang dalawa ni Pancho. Kanina pa niya ito hindi iniimik. At bakit hindi, labag sa kalooban niya ang pagsamang ito sa lalaki. Labag nga ba? Tudyo ng isang bahagi ng isip niya.

Minabuti niyang sabayan ang awitin na pumapailanlang sa stereo ng sasakyan. Napahalukipkip siya sa lamig na pumapasok sa sasakyan. Hindi na nila ginamit ang aircon at hinayaan na lamang na bukas ang mga bintana ng bahagya. Nasa kahabaan na sila ng SLEX. Bahagyang naka-recline ang upuan niya.

Napalitan ang hinahum niyang kanta ng isang malamyos na awitin mula kay Fergie. Alam niya ang awiting iyon pero nunca niya iyong kakantahin sa harap ni Pancho. Naghum na lamang siya sa saliw ng awiting iyon at bahagyang pumikit.

Ever since I was a baby girl I had a dream
Cinderella theme, crazy as it seems
Always knew that deep inside that there would come a day
When I would have to way, make so many mistakes...

I couldn't comprehend as I watched it unfold
This classic story told I left it in the cold
Walking through an open door that led me back to you
Each one unlocking more of the truth...

"Who's song is it?" narinig niyang tanong sa kanya ni Pancho. Hindi siya nagdilat ng mata at itinuloy ang pagha-humming.

I finally stopped tripping on my youth
I finally got lost inside of you
I finally know that I needed to grow
And finally my maze has been solved...

Read more...

Chapter 1 and 2 : Tol... I Love You!

By: Mikejuha
Email: getmybox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com
Blogspot: http://www.michaelsshadesofblue.blogspot.com

----------------------------------------------

Masasabing matalik na magkaibigan kami ni Lito. Nagsimula ang pagkakaibigan namin sa first year high school, noong lumipat ang pamilya nila sa probinsya at doon na mag-aral sa eskwelahan kung saan din ako nag-aaral. Nag-iisang anak lang si Lito at dahil ayaw ng mga magulang niya na malulung ito sa iba’t-ibang bisyo sa Maynila kaya’t napagdesisyonan nilang sa probinsya na ito mag-aaral, sa isang private sectarian na eskwelahan. Kahit kasi nasa probinsya ang school namin, state-of-the-art din naman ang mga facilities dito at mataas pati ang standard, bilang sister school ng isang sikat at prestehiyosong paaralan dito sa Pilipinas.

Halos pareho kami ng gusto at di gusto ni Lito. Pati sa pananamit, pag-ayos ng buhok, hilig, sport. Pati nga tangkad, kulay ng balat, frame at kinis ng mukha, halos magkahawig din. Sabi nga ng maraming hindi pa nakakakilala sa amin at napagmasdan kami ang itatanong kaagad ay kung kambal ba kami. Tawa lang ang igaganti namin kapag naririnig ang ganoong mga tanong sabay sagot ng, “Kambal sa kalokohan!”

Halos walang oras na hindi kami magkakasama ni Lito sa school. Kahit pagkatapus ng klase, kami pa rin ang magkakatropa, namamasyal, gumigimik, at kapag trip namin, doon ako matutulog sa bahay nila. In fairness, sobrang mabait si Lito; mapagbigay, at kapatid talaga ang turing niya sa akin. Higit sa lahat, may agreement kaming bilang magkaibigan, wala kaming sikretong itatago sa isa’t-isa.

Kagaya ng isang normal na magkakaibigan, wala kaming malisya – I mean, sa pagkakaalam ko. Kahit minsan kapag doon ako makatulog sa kanila, magkatabi kami nyan sa kama. At wala kaming itinatago sa isa’t-isa. Kahit pinakamalaswa at nakakahiyang karanasan at gawain ay malaya naming nasasabi sa isa’t-isa at nagagawa ng walang kiyemi-an, at tinatawanan at ginagawa na lang naming biro. Minsan nga kapag inaatake kaming pareho ng libog sa kapapanood ng bold, sabay kaming magpaparaos niyan – kanya-kanya, syempre, walang body contact kumbaga. Para sa akin, normal lang ang ganoon sa mga lalaki, walang dumi sa utak, walang ibang motibo; as in… wala talaga.

Nasa second year College na kami noon, parehong 18 at pareho din ang kursong kinuha. Pareho na rin kaming may girlfriend at pareho naman kaming masaya… sa tingin ko.

Read more...

Chapter 9: Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako

By: DALISAY
e-mail: I could tell you... But then I have to kill you. LOL! (mura yan. :p)
blogsite: dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I speak softly but I carry a VERY BIG stick!
----------------------------------------------------------------------------

GBOI was restless. Kanina pa siya nakatitig sa kisame ng kanyang silid habang nakahiga sa kanyang kama. Pabaling-baling din siya kaliwa't-kanan. Isa lang ang dahilan ng lahat ng iyon. Si Pancho.

Mabuti na lang at kumatok ang kanyang sekretarya sa kanyang opisina upang sana ay may papirmahan. Bahagya pa itong nagtaka na naka-lock ang pinot. Marahil ay kagagawan iyon ni Pancho.

Naguguluhan siya sa mga huling sinabi nito sa kanya. Ano kaya ang ibig nitong sabihin? Was he professing something deep? Inalala niya ang mga sinabi nito.
"Naniniwala lang ako na kapag gusto mo ang isang tao ay dapat na ipaglaban mo ito. Sa kaso nating dalawa, alam ko na alam mo na mayroong "tayo". bakit parang hirap kang tanggapin iyon at nilalabanan mo? Hindi ka ba napapagod sa kakaiwas sa akin?"

Noon lang siya nakarinig ng mga ganoong salita patungkol sa kanya. Ipaglalaban daw siya nito. Ano siya, girl? Umasim ang mukha niya sa naisip. Maganda lang pakinggan pero hindi malapit sa katotohanan. Ano bang malay niya kung sugo pala ito ni Elric? Ngunit walang alam si Elric sa tunay niyang pagkatao.

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP