Someone Like Rhon 1

Tuesday, February 22, 2011

by Joshx
North Luzon - 20 September 2011

“Ingat ka sa Korea. Salamat din sa pagiging kuya mo sa akin all these years.”

Kahit na ilang oras na ang nagdaan, dinig ko pa din sa aking isip ang boses ng aking kapatid na si Rhett. Sa labas ng bintana ng sinasakayan kong commuter bus ay wala man lang akong makitang scenic view sa dinadaanan dahil malalim na ang gabi. Papunta na ako ng Diosdado Macapagal International Airport sa Clark Field, Angeles City, Pampanga.

Sa loob din ng ilang araw na feeling restless, iyon lang ang gusto kong marinig kay Rhett tanda na napatawad na niya akong tuluyan at para panatag na rin ang loob ko sa pag-alis mamayang alas-dos ng madaling araw pabalik ng South Korea.

By this time, siguradong nagkaliwanagan na sila Rhett at Brando at malamang baka nasa isang pribadong lugar na sila at this time consummating their love for each other.

Si Brando ang aking ex-boyfriend more than ten years ago. I broke up with him when I met his younger brother Stephen only to realize later that I still love him. Pero hindi na pumayag si Brando na balikan ko siya. Hindi rin naman niya ako napapayag na ipagpatuloy pa ang pakikipag-relasyon sa kaniyang kapatid na sa sobrang depression ay nag-suicide at namatay.

Several days ago, umuwi ako ng Pilipinas from South Korea to remind my brother Rhett who fell in love with Brando to stay away from him.

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP