Liham

Thursday, February 3, 2011

Arjay Amaneo
Saint Joseph Institute of Technology

********************************************************

Matagal na silang mag asawa, matagal ng nagsasama at marami na silang pinagdaanan. Gaya ng ordinaryong magkatipan dumanas din sila ng matinding pagsubok, mga ups and downs ng buhay kumbaga. Isang araw, nagkaroon sila ng alitan. Isang bangayan na sabihin na nating mauuwi na yata sa hiwalayan. Masyadong na dismaya si Andy, habang si Netty ay galit na galit.

Isang linggo din silang hindi nag uusap pagkatapos ng away na iyon. Nagbabaka sakali si Andy na huhupa din ang galit ng kanyang asawa. Pagsapit ng ikapitong araw, nilapitan ni Andy ang asawa at binigyan ito na papel at bolpen. Iminungkahi niya sa asawa na sabay nilang isulat sa papel ang kanilang mga saloobin, pagkatapos ay magpapalitan sila ng papel at pag-usapan kung ano man ang ugat ng kanilang di pagkaka intindihan.

Pagkatapos ng dalawampung minuto, nagtinginan ang mag asawa at nang magpalit na sila ng papel, binasa ni Andy ang sulat ng asawa. Ang nilalaman ng papel na iyon ay ang mga hinanakit ni Netty kay Andy, puno ng poot ang kanyang puso at sinabi pa niya sa sulat na sana ay mamatay na ito.

Nang si Netty na ang bumasa sa sulat ni Andy para sa kanya, nahiya siya sa sarili, umiyak, pinunit ang papel at tinapon ito. Sa papel ni Andy isinulat niya sa dalawang pahina ng bond paper:

“Mahal na Mahal kita Netty”

Read more...

Love Conquers All

Alma Erana
Cebu Technological University

****************************************************************

As a young child, Carmina was born with a unique character. She was a diligent child with an enormous ability. One day, Carmina told her mother that she was one of the graduating students with honor in elementary this coming month. Carmina’s mother said “thanks God you are blessed of what you have Carmina”. All of my honor is not for me, but for your mama. ‘I love you mama Carmina said’. My best friend Lolit is an honor student like me also mama.

After Carmina graduated her elementary, her mother brought Carmina to Cavite and enrol her first year high school, while Lolit her best friend enrolled in Marvel school ten kilometres away from Carmina’s place. At this moment Carmina was already fifteen years old and was influenced by her lesbian friend Margot and Charo. They act themselves like real boys. Being away from her parents Carmina involved in night life wherein they were in a group in drinking spree together with some men.Drinking and smoking were their habits. They were no longer going to school; instead they were always gone to the bar. So, Carmina did not finish her study because she was influenced by her two lesbian friends. One time Carmina remembered her best friend Lolit, she wanted to see her.

When Carmina visited their house, her brother Allan got amazed and calls his mother Clara, oh! Mama look, Carmina is here. When their mother saw Carmina she can no longer distinguished Carmina because of her attire. “Oh! No, her mother exclaimed.” You look like a real man Carmina, you are now wearing boys attire and have a short hair cut. Why you do this Carmina? “Her mother asked”. Mama, even though I am a woman, but I have a man’s heart. “ Carmina replied”. Her mother did not  argue her in order to have peace in their house. Carmina asked her mother about her best friend Lolit, and her mother said that Lolit are now beautiful lady and have already a boyfriend. Carmina did not tell her mother of what was inside in her heart and mind that she was secretly feel in love with her best friend Lolit ever since. But Lolit has already a handsome boyfriend wherein Carmina has no more place in Lolit’s heart. So, Carmina went to the house of Lolit. When they met, Lolit and Carmina hugged each other tightly. Carmina I miss you so much “ Lolit said”. Carmina got amazed looking her best friend as if she is now fully bloomed like a flower wherein the bees like to suck. “And Lolit asked “. What happen to you Carmina? Why you are dressing like that? Instead you are now a lady, Carmina no words to say and nagged her face. So, Lolit invited Carmina to get inside in Lolit’s house. Come in Carmina and look at the picture of my boy friend, his name is Rex. Is he handsome? “Lolit asked Carmina. But Carmina almost cannot control herself. Her heart was aching and full of jealousy. She loved Lolit very much. Lolit put her right hand on the top of Carmina’s shoulder and said, Carmina don’t act like that, we are the same girl. You should act like a girl. No Lolit, I loved you eversince. “But Lolit answered” Carmina I have already a boy friend. So, Carmina’s face was so sad and goes home. Her heart was full of jealousy and regrets. So, she goes back to her peers.

One day, while they were in the bar, her brother reported to Carmina that Lolit is to be married with her boy friend Rex next month. But instead Carmina become happy, she went to their house and cried so much, as if she was carrying a heavy load that she cannot handle it. It comes up to her mind to end her life. So she got a sharp blade and slashed her left wrist hand. She became unconscious, but fortunately she was followed up by her brother Allan immediately in her room and brought her to Saint Luke Hospital. The doctor hurriedly attained her needs in order to survive. The attending doctor named Alfred looking the patient and feel pity. He looks the patient beautiful for him although she dressed like a man. Because of too much blood comes out from her body she needs blood infusion. The problem is they cannot find type” A “blood, but finally the attending doctor Alfred has this kind of blood type. So, the doctor offered his blood to Carmina in order to survive. So, the parents of Carmina were so happy. When Carmina recovered her consciousness she rolled her eyes around and asked her mother of what happen to her. And her mother explained to her regarding the happening of her, and the one who saved her life was no other, but the doctor himself who offered his blood.

One time the doctor Alfred come back to see her. “The doctor said how you are Carmina? “ I almost recovered doc, “Carmina replied”. And hold the doctor’s hand and said, I owe my life to you doc, lovingly smiled to the doctor. Get well soon Carmina “The doctor said”. One night in the hospital Carmina could not feel asleep, and the doctor saw her and gave her medication. But Carmina pretended that she was sleeping. The doctor cannot control himself and kissed the lips of Carmina secretly. And that was the first kissed of Carmina from a man whom she cannot forget. She was seeking that kissed now and then from the doctor Alfred. She feels real love to the doctor secretly. After a few days later the doctor told Carmina that she is fully recovered and she can goes home anytime. But Carmina said to the doctor “I will not go home doc, I will stay here”. And the doctor said to her “what! You will stay here?” Yes doc, I will stay here for you because I love you. “Carmina replied”. And Carmina hugged tightly to the doctor with tears in her eyes, and the doctor hugged also to her and said “Oh Carmina I love you too also, nothing can separate us from now”. The doctor said.

Six months later, they both prepared the schedule of their wedding. During the wedding they were very happy together with their parents, relatives, and friends. And Carmina puts off her past life and told her best friend Lolit that she is no longer a lesbian but a real woman. After the wedding the couple lived happily ever after.

Read more...

SILONG SA PAYONG NG PANANDALIANG PAG-IBIG

Carlo “Carlz” Sangutan
Cebu Technological University

*****************************************

Si Marco ay isang mabait at responsableng anak ganun din sa pagiging mag-aaral. Siya ay isang Roman Catholic. Ginagawa niya lahat kung ano ang iniuutos sa kanya ng mga nakatatanda lalo na kung para sa kabutihan. Ginagawa niya lahat ang kanyang mga assignment pati na rin ang kanyang mga proyekto. Ngunit hindi maipagkakaila ang kanyang pagiging “chickboy”. Kabe-break nga lang nya eh, may nililigawan agad. Si Janet naman ay isang mabuting mag-aaral pati sa bahay ay napakabuti niya sapagkat tumutulong siya sa mga gawaing bahay. Magaling siya sa klase. Ngunit sa kabila ng pagiging magaling, siya ay tahimik na babae na parang nahihiya palagi. Sila ay parehong nag-aaral sa magkatulad na unibersidad.

Isang umaga, pasukan na naman. Ang lakas ng ulan! Ang lakas pa ng hangin, parang may bagyo. Nagdadalawang-isip si Marco kung papasok ba siya gayong baka mabasa siya. Sira na kasi ang payong ng nanay niya. Ilang minuto pa, huminto ang buhos ng ulan kaya nagdesisyon siyang papasok na. Pagkatapos niyang magbihis, lumakad na siya papunta sa kalsada kung saan kadalasang dadaan ang mga pampasaherong jeep.

Sa kabilang dako naman, si Janet ay papunta na rin sa school. Naghihintay siyang may dumaan na jeep sa tapat ng kanilang bahay. Ilang minutong nakalipas, nang wala pa ring sasakyang dumaraan, bumuhos na naman ang ulan kaya kinuha niya ang payong sa kanyang bag.

Si Marco, habang nasa jeep na, ay nagpapasalamat pa dahil at least hindi pa siya naabutan ng ulan sa kahihintay ng sasakyan. Ilang kilometro mula sa kanyang pagsakay, naubusan ng gasolina ang jeep. Kung kaya napilitan ang mga pasaherong maghanap ng ibang masasakyan. Ngunit napakamailap ng jeep sa panahong iyon lalo na’t may ulan. May nakita siyang babaeng nakapayong sa lugar malapit sa jeep na sinakyan nila.

Naki-share siya pero bago siya naki-share, tinanong niya muna ang babae, “Pwede bang makisilong sa payong mo, Miss?” 

“OK,”sabi ng babae na noon ay si Janet.

Habang wala pang jeep na dumaraan, nanatili silang nakatayo’t nakasilong sa isang payong.

Biglang nagtanong si Marco kay Janet, “Ano nga palang pangalan mo, Miss?” Nabigla si Janet at saglit na kinabahan. Napatitig siya sa lalaki at naitanong sa sarili, “Ano ‘to interview?” 

Miss?” sabi ni Marco.
“Ah, eh, Janet pala. Ikaw?” sagot ni Janet.
I’m Marco Arquinas,” tugon ni Marco.

Ilang saglit pa, may dumaan na jeep kaya sumakay na sila agad. Sa loob ng jeep ay magakatabi silang umupo. Natanong ni Marco kay Janet, “Ah, Miss, sa’n ka nga ba nag-aaral?” Hindi niya kasi alam kung saan ito nag-aaral dahil hindi ito nakasuot ng uniporme. “Ahm, dyan lang sa unahan, ‘yang sikat na paaralan dyan.” Sagot ni Janet.

“Ah, ganun ba? OK,” sagot ni Marco.
                                                                                                                                               
Pinagmasdan ni Marco si Janet habang si Janet ay nakatingin sa unahan ng jeep. Naiisip ni Marco, “Ang ganda n’ya, parang gusto ko na siya.”  Ilang minuto ay nagpara na si Janet dahil umabot na siya sa kanyang patutunguhan, sa school. Nagulat siya bigla nang pagbaba niya ng jeep, bumaba rin si Marco. Dun lang niya nalaman na schoolmates pala sila.

Pagpasok nila sa loob ng school, hinarangan sila ng security guard at tinanong kung nasa’n ang kanilang uniporme. “Nabasa ‘yung uniporme ko kahapon, guard eh,” sagot ni Marco. “At sa’yo, Miss? Ang ganda mo pa nga naman!” tanong ng guard. Sumagot si Janet, “Hindi pa kasi ako nakapagpatahi ng uniporme ko eh, sorry po!”  Binalaan sila ng guard na kung sa susunod na makita n’yang hindi sila mag-uuniporme ay hindi talaga sila papapasukin. Sumang-ayon naman ang dalawa. Nagpunta agad sila sa kani-kanilang klase.


Pagdating ni Janet sa kanilang classroom, wala lahat ang mga kaklase niya at pagsulyap niya sa pisara nila, may nakasulat na: “All Classes are Suspended! Classes Will Resume Tomorrow”. Kaya bumaba siya mula sa school building at napaupo sa may plant box.

Habang papunta pa lang si Marco sa classroom nila, nakasalubong niya ang mga kaklase niya sabay sabing, “Walang klase ngayon ‘tol.”
“Talaga?” tanong ni Marco.
“Oo nga ‘tol, kaya pauwi na kami eh. Sige, mauna na kami.”

Kaya bumalik siya sa kanyang dinaanan pababa ng school building. Pagdating niya sa baba, napansin niya si Janet na nakaupo sa may plant box nang mag-isa lang kaya pinuntahan niya sabay tawag sa ngalang, “Janet!”. Napalingon bigla si Janet. Paglingon ni Janet, lalong nahumaling si Marco sa ganda ng babae lalo na sa malambot at magandang buhok na lalong nagpapaganda nito.


Nagtaka si Janet kung bakit parang natulala si Marco paglingon niya. Nasambit niyang, “Marco?”.  Natauhan agad si Marco, “Bakit?”

“Ba’t parang natulala ka dyan?” tanong ni Janet.

“Ahh, wala, wala ‘yun!” tugon ni Marco.

Pagkatapos ay biglang nagyaya si Marco kay Janet, “Pwede ba tayong mamasyal? Wala namang klase eh.”

“Talaga? Baka magalit girlfriend mo n’yan,” ni Janet sabay tawa.

“Wala na akong girlfriend ngayon. OK lang ba?” tanong ni Marco.

“Sa susunod na lang siguro may ulan kasi..,” sagot ni Janet. Pinilit siya ni Marco, “Sige na...ngayon lang naman eh. May payong ka naman eh.”  “O, sige na nga,” mula ni Janet.

Ganun na nga ang nangyari. Namasyal sila sa iba’t ibang mall at kumain pa sa isang restaurant. Habang kumakain, natanong ni Janet kung bakit sila kumain sa restaurant eh OK lang naman sa kanya na sa karenderya lang sila kakain. Ang mas masaya pa dun, si Marco ang gumastos. Nahiya si Janet.

Habang nag-uusap, biglang nagtanong si Janet, “Bakit nga pala ang bait mo sa’kin? Ngayon pa nga lang tayo nagkakilala eh ang gaan na ng loob mo sa akin.”

“Sa totoo lang,(tugon ni Marco) frankly speaking, gusto kita. I love you! Nagkakulay ang mundo ko nang dahil sa kagandahan mo.”

“Charrrrr....!!!” ani Janet.

“Nagsasabi ako ng totoo, cross my heart, hope to die!!! I really love you, Janet!” sabi ni Marco.

“Pero...” sagot ni Janet.

“Sige na, do you also love me? Hindi ko naman minamadali ‘yung sagot mo eh,” ni Marco na parang nagmamakaawa.

Pinag-isipan ni Janet kung ano ang isasagot niya. Isa kasi siyang Bible Baptist. Hindi pa niya ito nasabi kay Marco pati ang dahilan. Pero pagkaraan ng 15 minutes, sinagot niya si Marco. Ayaw niya kasing masaktan ang lalaki. Masayang-masaya si Marco sa oras na iyon at nagyaya ulit na pumunta sa pinakamagandang tanawin sa malapit na lugar. Sang-ayon lang si Janet. Hanggang dumating ang alas 7 ng gabi. Nagyaya nang umuwi si Janet ngunit ayaw pang umuwi ni Marco. Gusto pa niyang i-celebrate ang sandaling sinagot siya ni Janet. Parang nakonsensya si Janet sa ginawa niya. Napag-isip-isip niyang parang pinaglalaruan lang niya si Marco. Bumuhos bigla ulit ‘yung ulan. Kinuha ni Janet ang payong niya at sumilong sila.

Nagyaya ulit si Marco na pupunta sila sa kanilang bahay upang makilala ng kanyang ina ang babaeng mahal niya, “Tayo na, punta na tayo sa’min.”  Hindi gumalaw o kumibo man lang si Janet. “Netz, tayo na...” ulit ni Marco. Nakatitig lang si Janet kay Marco kaya natanong ni Marco, “Ano’ng problema? May nasabi ba akong mali? May nagawa ba akong masama?”  Lumuha ang mga mata ni Janet sabay sabing, “I’m very, very sorry Marc. Sana maintindihan mo...”

“Ang alin?” H’wag kang magbiro Netz,” tanong ni Marco.

“Totoo Marc, sorry talaga. Hindi ako para sa’yo. Gusto ko nang putulin ang ating relasyon...”ni Janet habang patuloy sa pag-iyak.

“Bakit nga?!” galit na tanong ni Marco.

“Isa kasi akong Bible Baptist,” ni Janet na nanatiling umiiyak.

“Eh, ano naman kung ganun?” tanong ni Marco.

Ipinaliwanag ni Janet kay Marco na hindi gusto ng mga magulang niya na magkaboyfriend ang kanilang anak sa lalaking iba ang relihiyon. “Sorry Marc, but I love my parents more than I love you. Ayokong suwayin ang kanilang sinabi sapagkat sila ang nagpalaki sa akin. Sorry talaga,” ni Janet sabay iwan para umuwi.

Naiwan si Marco sa gitna ng bumubuhos na ulan na puno ng galit at puot sa sariling kagagawan. Hindi kasi niya inisip bago ginawa ang isang bagay kaya siya rin ang talo sa huli.....!

-wakas-

Read more...

A Weird Fetish

Pearl Marie Cabiluna           
University of San-Jose Recoletos

****************************************************

A beautiful high school girl named Pam is really an addict to Japanese dramas and she never knew that it will pave the way to her fetish on boys with great curls. First day of her freshman days, she saw this boy with this curly hair and just like what we call "Love at first sight" she fell for him. She thought of this guy as manly, cute and awesome but the truth is, his face is definitely not what girls would want to be with. The guy's name is Jack and he's got this square face, big forehead, inexpressive eyes and the weirdest taste on clothes, yet he looks adorable in Pam's eyes because again, he got this curls.

Pam felt terrible because this guy's not noticing her and a year passed without any understanding between them. Pam felt so down and by the time they were in their 2nd year in high school, almost all of her friends knew that she had a crush on him and that led to their first "get to know you" session. Days and months passed, they realized that they are falling for each other. Pam was so happy but her eyes seemed to have opened and the long blindness of what Jack looks bothered her. She thought of her parent's reaction because a girl like her could not be with a guy like that. Being sorry for herself, she tried to think of the positive ideals Jack possesses that would somehow erase her doubts but in the end she was frustrated of herself because she can no longer stand his face.

Summer days came and they have 2 months to wait and to ponder on things. With Pam being a part of a religious group in their school, she had to attend meetings and rehearsals for a dance to be presented at the start of the class. While she was enjoying herself with her friends, she met another guy and his name is Jay. Jay is the best friend of Jack and with the 2 months they have spent together, Jay fell for her. As he confessed his love to her, Pam felt secured because Jay's love is great and she feels it. Pam gave Jay a chance and they felt contented with one's company. Pam still loves Jack but she can't just give up the other so she chose Jay. She was guilty for making him a cover up but she likes him like a friend and tried to love him. Jack and Jay fought for her love and the best friends came to be the worst enemies. Of course, Pam is kinda sad because she's the reason behind the distance of the two but a month after, Jack had faced the truth and they became good friends again.

Actually in the end, she had to let go of him also and move on. Jay is not also handsome, he's black and thin but he's understanding, honest and true. 

     Love really chooses no size, face and color. It's a mystery no one can ever explain unless they have felt it before or have experienced it. To love what is outside is not a sin but to love the inner is great and sometimes it has to be kept and freed so as not to make any mistake again.

Read more...

IKAW NA NGA ANG HINAHANAP NG PUSO KO

Angelita P. Oblianda
Cebu Technological University

**********************************

Unang araw sa pagpasok ni Glenda sa paaralang ito ng Osup Academy. Siya’y nasa ikaapat na taon na sa sekondarya. Nag-iisa siyang nakaupo malapit sa may kantina  ng paaralan habang nakatanaw sa mga bago niyang ka kaklase na labas-masok sa gate at ang iba nama’y matiyagang nagwawalis.

Sa kabilang sulok ay makikita ang gym ng paaralan at may mga lalaking naglalaro ng basketbol. Sa upuan ng gym ay may isang matipunong lalaking nagdamit ng pambasketbol na wari’y pagod sa paglalaro pero kitang kita na ito’y masayang nakipagbiruan sa mga babaeng nakapalibot sa kanya.

Bigla niyang naalala ang lalaking kasing edad niya at naging ka kaklase niya noon. Ngumiti siya at kinilig sa kanyang nararamdaman noon na ngayo’y buhay na buhay pa rin. Pilit niyang itinago ang kanyang nararamdaman dahil nahihiya siya at baka pagtawanan lang siya pag nalaman na may pagtingin siya nito. Sa dami-dami  nga namang babae sa buhay ni Troy ay hindi na maisip na siya’y bigyang pansin nito. Nais niyang kalimutan na ang nakaraan, ngunit hindi mapigilan ang pusong pilit na nagtatanong kung nasaan na ang lalaking bumihag sa kanyang pusong uhaw sa pag-ibig. Makikita pa kaya niya ito?

Nahinto ang kanyang magandang mala-panaginip nang tumunog na ang kampana para sa oras ng pagpasok. Lahat ay nagsipagpasok na sa kanya-kanyang klase nang biglang may nagtanong sa kanya na nanggagaling sa kanyang likuran.

“Excuse me miss, baguhan ka ba dito?”

Lumingon siya sa likod at nabigla siya sa kanyang nakita. Parang hindi siya handang makita ito ngayon sa ganitong sitwasyon. Pero sa kaloob-looban ng kanyang puso ay ubod ng sabik at saya na ito’y makita at makasamang muli.

“H-ha? Ah, oo.”

Tinanong siya ng lalaki kung bakit ito na nabigla nang siya’y makita ngunit itinanggi ni Glenda na siya’y nabigla. Ayaw niyang ipahalata na kilala niya ito. Nagmamadali siyang umalis sa kanyang kinatatayuan. At sa kanyang pagmamadali CR ang kanyang napasok.

“Miss ok ka lang? CR yang pinasok mo eh. Kung gusto mo ihatid na kita sa klase mo?”

Tumanggi siyang magpahatid sa kanyang klase. Kaya nauna na siyang lumakad. Matagal-tagal rin siyang naglakad dahil nasa pinakadulo ang kanyang classroom. Nang papasok na sana si Glenda ay nagtaka siya kung bakit sinundan pa rin siya ng lalaking ito. Yun pala magkaklase lang nila.  

Hindi na siya kilala ni Troy dahil matagal na rin silang hindi nagkita at nagkasama. At isa pa, lalong pumuti at gumanda si Glenda ngayon. Mataas ang buhok at matuwid pa.

Ipinakilala si Glenda ng kanyang guro sa kanyang mga kaklase. Siya ay napilitang lumipat sa Osup Academy sa kalagitnaan ng taon dahil namatay ay ang kanyang ina at ditto siya pinaaral ng kanyang tiyuhin na may sariling bahay na malapit lang sa paaralan.

Araw-araw nalang niyang makikita si Troy na may mga babaeng kasama at ang lambing pa nila. Hanggang nagtagal lalong tumindi ang sakit na kanyang nararamdaman. Tuluyan na kaya siyang mahuhulog kay Troy?

Inis at may halong selos nalang araw-araw ang makukuha niya sa lalaking ito. Ni hindi nga siya pinansin na nito. Umasa siya na baling araw ay mapansin rin siya at mararamdaman rin ni Troy ang kung ano ang nararamdaman niya ngayon.

Lalong nawalan na siya ng pag-asa nang makita niya si Jessica at Troy na malambing na nagsisimba. Si Jessica ay isa sa mga naging kaklase niya na palaging kasama sa mga babaeng buntot ng buntot kay Troy.

Isang araw habang naglalakad si Glenda sa paaralan ay nakasalubong niya si Troy na nakangiti kaya binigyan niya rin ito ng matatamis na ngiti. Nararamdaman niya ang sayang umaabot hanggang langit. Sabik na siyang makipagkaibigan kay Troy o kaya’y makipagdate sa kanya kahit kailan. Kung sakaling siyang anyayahan nito, buong puso at walang dudang tanggapin niya ang alok na makipagdate. 

Ngunit nadedepressed siya nang dinaanan lang siya nito, yon pala ang mga babaeng nasa likuran niya ang kanyang kinawayan. At may halikan pang nagaganap nang siya ay lumingon sa likod.

Palagi nalang nag-iisa at malungkot si Glenda mula ng lumipat siya sa pag-aaral. Lalong lalo na ngayong darating na ang araw ng mga puso hindi niya alam kung sino ang ka escort niya sa kanilang JS Prom. Nakakalungkot isipin ni isang lalaking pwede niyang ikapartner, wala siyang maisip.

Sa klase nag-uusap sila at nagkasunduan kung sino ang kani-kanilang partner. Marami sana ang gustong makipagpartner kay Troy kaya lang isa lamang ang pwedeng maging partner. At siya ang pinagpalang si Jessica. Nagselos na naman si Glenda dahil bukod siya’y pinagpalang maging partner ni Troy, bukod tangi pa ang kagandahang taglay nito.

Dumating na ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang araw ng mga puso. Ang lahat ay nakabihis nang maayos at talagang napakabongga ang dating. Hindi nasasabik si Glenda na maisuot ang kanyang kulay pink na tube na gown at ternong sandal dahil wala nga siyang partner at nakasisiguro siyang magmumukhang sisiw  na iniwanan ng inahing manok. Alang-alang sa kasiyahan ng lahat, tumuloy siya sa pagdalo ng kanilang JS Prom.

Nasa pinakasulok na mesa si Glenda, nag-iisang nakaupo ni walang makausap. Maya maya’y sinimulan na ang nasabing okasyon. Si Jessica ay tumuntong na sa entablado’t bumati sa lahat ng mga estudyanteng dumalo. Marami siyang mga bagay na sinasabi na marapat na ginagawa ng isang aktibong president ng buong grupo ng estudyante. Bilang isang lider, karangalan niyang mangulo sa okasyong ito. Siya ang binilin ng kanyang guro na mamahala sa buong estudyanteng kasali sa JS Prom. Dahil dito may mahalagang ianunsyo si Jessica sa lahat ng dumalo.

Biglang tumahimik ang lahat upang making sa sasabihin. Ayon sa kanya may tatanghalin silang king and queen of hearts at kailangan na ang mga dumalo mismo ang pipili kung sino ang matatanghal. Lahat ay nagsisigawan at pangalan ni Troy ang kanilang isinisigaw.

Si Troy naman ay parang nasa langit dahil ubod nang saya ang kanyang nararamdaman. Ang dami palang humanga sa kanyang kamatsuhan na mala-Gerald Anderson. Ang suot niyang black slacks with polo at black shoes na napakakinis ay parang naging attorney ang dating.

Nagsimula na magsalita ang mukhang artista at feeling artista na si Troy. Nagawa pa nitong magflirt sa mga babae pero bumalik din ito sa seryosong mukha.

Sa ginawa ni Troy ay napaligaya naman niya si Glenda. Ngayon palang niya nakita si Troy na marunong din palang magseryoso. Kahit nasa sulok na bahagi siya ng hotel ay dinig na dinig pa rin niya ang boses ni Troy na buong-buo at boses na parang isang tunay na lalaki. Sa likod ng babaerong mukha , may malaking ipinagbago na rin pala ang lalaking ito.

Napatigil si Glenda sa kanyang pag-iisip ng kung anu-ano sa lalaking ito, nang biglang magsalita si Troy na kailangan na niyang pumili ng magiging Queen.

Nais niyang ianunsyo sa lahat na kung maaari ay pahintulutan siyang makapartner ang kanyang pinakamamahal na babae. Ang babaeng malapit sa kanyang puso. Sa kasiyahan at kalungkutan siya ay karamay. Siya ay walang iba kundi ang kanyang pinsan, na para na ring syota niya kung sila’y magkasama, si Jessica.

Nandilat ang mata ni Glenda nang malaman niya na pinsan pala niya si Jessica. Parang lumuwag ang kanyang pakiramdam. Parang gusto niyang sumigaw na “thank you Lord”, ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili dahil ayaw niyang mahalata ito. Conservative pa rin siya kahit papaano. Parang may pag-asa pa siyang mapansin nito. Di bale nalang walang partner ngayon, si Jessica naman talaga ang pwede niyang maging partner, kontento na rin siyang malaman na walang namagitan nina Troy at Jessica.

Ngumiti si Jessica sa sinabi ni Troy. Alam niyang mahal siya ng kanyang pinsan. Bata palang sila ay magkasabay na silang lumaki at nag-aral. Kaya hanggang ngayon ay para silang magkabarkada. Nagsimula ng magsalita si Jessica sa pinakaimportanteng bagay na nais malaman ng lahat. Nais ni Troy na ang kanyang pinsan na ang bahalang mag-anunsyo sa maaaring ikamangha ng lahat. Dahil gusto ni Jessica na ang babaeng maging partner ni Troy ay yong deserving para sa kanya, kaya siya na ang pumili nito.

“Parang maging pantay , gusto kong ipaalam na hindi ako ang magiging queen, kundi ang babaeng dumalo dito na walang partner. Siguro naman ito ikamangha ninyo. Gusto ko lang na maging masaya ang aking pinsan sa araw na ito sa piling ng babaeng matagal na niyang mahal ngunit di niya magawang sabihin dahil hindi pa siya sigurado noon kung ito nga ba ay nararapat sa kanya. Ngunit ngayon sigurado na siya, na ito ang unang babaeng maaari niyang ligawan, ngayong nanadito na siya, nagmaang-maangan pa siyang hindi niya kilala. Pero sadyang mapagbiro ang tadhana.”

Muling nalungkot si Glenda sa narinig. Ibig sabihin NGSB si Troy. Kung sakaling makapili na siya ng babaeng nararapat sa kanya, tuluyan na mawalan ng saysay ang buhay ni Glenda.

Nagpatuloy sa pagsasalita si Jessica,”Ito walang iba kundi ang babaeng nakaupo sa may pinakasulok na bahagi ng room na ito.”

Ang mga dumalo ay sabay na lumingon kay Glenda. Lumingon lingon si Glenda sa pag-aakalang hindi siya ang tinatanaw ng mga tao. Naginginig siya at umiiyak . Hindi siya makapaniwala. Dahil alam niyang siya ang tinitukoy ni Jessica. Biglang pinatay ang ilaw at ang tanging nakabukas ay ang mala-lenteng ilaw na pagala-gala. Ang ilaw ay nakatuon kay Glenda na lalong gumanda sa suot niyang may kumikinang-kinang dala ng inilagay na sequence. Ineiskort siya ni Troy papuntang entablado. Pinatugtog ang kantang ”IKAW NA NGA” at isinayaw niya si Glenda. Dito nagsimula ang kanilang masarap at walang hanggan na pag-iibigan. At sa wakas, ang nooy mga panaginip lamang ay nagiging totoo  lahat. Hindi halos makapaniwala si Glenda sa nangyari. Dito pala hahantong ang tinatawag na destiny at sa puntong ito, nilubos-lubos niya ang pagkakataong makayakap nang mahigpit ang lalaking matagal na niyang inaasam na may pagtingin rin pala sa kanya.


Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP