Part 6 : Engkantadong Gubat

Sunday, February 6, 2011

May Akda: Jayson Patalinghug
Genre: Homo-Erotic, Fantasy
Note: Pasensya at medyo natagalan ang part na ito, medyo busy po talaga ang buhay. Anyway, sana ay magustuhan niyo ang part na ito.

Salamat nga pala Kay Joshx at naging inspirasyon niya ang kwentong ito upang maisulat niya ang naiibang pag-ibig nang isang tao at sireno. 

------------------------------------------------

Kinaumagahan tulog pa si Jed ng may naramdaman siyang kakaibang kiliti at sakit, akala niya ay pati sa panaginip sinusundan siya ng libog. Pikit pa ang kanyang mga mata ngunit ang kanyang isipan ay tila gising na gising, nanaginip siya na may katalik siya, ramdam na ramdam pa niya ang pagpasok ng kapareha sa kanyang likuran. Nang imulat nya ang kanyang mga mata, nalaman nalang niya na hindi pala panaganip ang lahat. Humahakyod sa kanyang likuran si Joseph. Basi sa habol na paghinga ni Joseph, alam ni Jed na malapit na nitong marating ang rurok ng langit, kaya hindi na siya nagpumiglas at nagpaubaya nalang. Nang humupa ang naramdaman nilang kalibugan, bumagsak si josephs a tabi ni Jed at nagpahinga.

Magkatabi silang nahiga, unti-unti namang nahimbing ang alaga ni joseph habang si Jed ay di man lang naibsan ang sariling init ng katawan. Nais sanang taposin ni Jed ang nasimulan ngunit wala nang gana si Joseph, tumayo ito at tinungo ang mesa. Hindi na sila nagtaka nang makitang may bagong luto na namang pagkain na nakahain, mahiwaga talaga ang lugar na iyon.

“Mukhang wala nang mga bagay na may bahid na berdeng liwanag” sabi Joseph.

“OO nga napansin ko rin, sa tingin ko ay may sumusubok sa atin.” Sagot ni Jed.

“Pagsubok?”

“Oo, parang... kung papasa tayo sa pagsubok o maiwasan natin ang mga patibong, saka lang tayo makaka alis sa loob ng enkantadong gubat. Di mo ba napansin na kapag nalampasan natin ang bawat pagsubok may mga tulong na dumarating? Gaya nalang ng pagkain, maiinom, matutulugan at ang mga ito ang dahilan kung buhay pa tayo hanggang ngayon.”

“At ano naman ang masasabi mo diyan sa maliit na tungkod na ayaw na maalis sa pagkakadikit sa katawan mo?” tanong ni Joseph.

“Sa tingin ko ay bahagi ito ng pagsubok. At basi sa nasaksihan ko, kaya nitong ibigay ang nais ng aking puso. Para bang wishing wand..”

“Kung totoo yan, eh di dubukan natin, patunayan mong tinutupad ng tungkod na iyan ang mga hiling mo. Humiling ka ng dalawang kabayo para may masakyan tayo.”

“Sa tingin ko ay hindi ganyan iyan. Tinutupad nga nito ang hiling ko ngunit pansamantala lamang, kapag kinakailangan pagkatapos ay naglalaho din. Para ba itong bagay na kailangan mong gamitin ng wasto at kapag nagawa ko ay saka lang ako papasa na pagsubok.”

“Di ko pa rin maintindihan kung bakit ayaw mong humiling, titingnan lang naman natin kung gagana iyan eh.”

“Ah, ilang hiling kaya meron ako? Kadalasan ang alam ko ay tatlo, at naka dalawang hiling na ako, yung espada at ang pag aanyong kabayo ko.”

“Marahil ay pito; maswerteng numero iyan.”

“Ewan, ayokong mag aksya ng hiling sa pag eexpermento” sabi ni Jed, pagtapos sa kanilang usapan.

Sa kanilang paglalakbay, tila di pa rin nila maaninag ang labasan. Uminit na ang araw at nagugutom na rin sila. Nang naisipan nilang magpahinga at kumain ng tanghalian, napansin nilang may isang tulay sa unahan. Ang tulay ay gawa sa bato, isang lumang baton a nagdudugtong sa magkabilang pang-pang. Malaki ang ilog at malakas ang agos ng tubig. Tila walang ibang daanan para makatawid kundi ang tawirin nila ang lumang tulay na iyon.

Nang huminto na sila sa paanan ng lumang tulay, lumitaw ang isang nilalang. Mukha siyang tao, singlaki lang ito ni Jed. Kulubot ang mukha nito, puti ang kulay ng kanyang buhok, kuba ang kanyang likod. Malalaki ang mga paa nito, di bagay sa sukat ng kanyang katawan. Ang kapansin pansin ay ang napakahaba nitong ilong at matutulis na tainga.  Inabot nito ang kanyang kanang kamay kina Jed at Joseph, naghihintay na may iabot ang mga ito kapalit ng pagtawid nila sa tulay.

Nagmatigas si Joseph ngunit kalaunan ay binuksan din niya ang kanyang backpack at dumukot ng kakaunting pilak at ibinigay ito sa pangit na nilalang. Tiningnan ng nilalang ang pilak, sinuring mabuti at pagkatapos ay tinapon pabalik kay Joseph.

Dumukot naman ng kapirasong ginto si Jed mula sa kanyang bulsa at binigay sa nilalang. Tinanggap ito ng nilalang, kinagat at sinuri ngunit tinapon din ito pabalik kay Jed.

“Ano sa tingin mo ang gusto ng nilalang na iyan? Tanong ni Joseph.

“Kung ayaw niya ng pilak at ginto, eh ewan ko ung ano. Hindi naman ako manghuhula,” sagot ni Joseph.

Dinukot ni Joseph ang gintong kupa mula sa kanyang back pack at nang makita ito ng nilalang ay nagning-ning ang mga mata nito, inabot ang kanyang kamay, halata ang pagnanasang maangkin ang gintong kupa.

“Ahuh, akala mo ha. Pwes ayoko, napakahalaga ng kupang ito at kailangan ko pang maging bato para lamang maangkin ito, tapos hihingin mo lang? Ano ka sineswerte?”

Nag aalangang kinuha ni Joseph ang maliit na tungkod mula sa kanyang tagiliran, ngnit mukhang natakot ang nilalang. Ang kanyang mukha ay parang nasa bingit ng panganib.

“Sa tingin ko ay nais ng nilalang na iyan ang isang bagay na galing sa engkantadong gubat”

“Kung ganun eh di ibigay mo na yang munting tungkod mo.”

“Hindi, napaka halaga ng tungkod na ito. Sa tinging ko ay yang kopa ang dapat mong ibigay.”

Nagalit si Joseph at nilapitan nito si Jed, hinablot ang tungkod mula kay Jed. Ngunit tila isang sabon ang tungkod at kanyang mga kamay ay basa, dumudulas lamang ito sa kanyang mga kamay. Naka ilang tangka din siya ngunit di rin siya nagtagumpay hanggang sa sumuko nalanng siya.  Mahabang pagtatalo ang naganap habang ang pangit na nilalang ay naghihintay na may mai-abot silang mahalagang bagay. Hanggang sa naisipan nilang sumilong nalang muna at manghalian.

“bakit di nalang kaya hilingin mo sa tungkod na iyan na mawala nalang tayo at maounta sa kabilang pang-pang. Mahiwaga naman yan dib a?”

“Napakadali naman, sa tingin ko ay mapapahamak lang tayo niyan. Bakit di mo nalang ibigay ang kopa at nang maka alis na tayo ditto?”

Pagkatapos ng napakahabang diskusyon, sumang ayon di si Joseph. Bumalik sila sa tulay at ibinigay sa pangit na nilalang ang kopa. Nag ngitngit ang kalooban ni Joseph sa pagkawala ng kopang naging sanhi ng kanyang pagiging statwa sa mahabang panahon.

“Kahanga hanga, ano sa tingin mo munting nilalang? Matalino ang bata at nahinuha niya ang kahalagahan ng munting tungkod. Bagamat may kakayahan itong tulungan silang makalusot sa mga pagsubok ay alam din niya na may mga bagay na kailangang lutasin na hindi ginagamitan ng mahika”

“tama po kayo panginoon. Ngunit paano po kung hihilingin niyang makalabas sa engkantadong gubat?”

“Pag nagkataon, eh di ibigay ang kanyang kahilingan. Ngunit sa tingin ko ay di niya gagawin iyon dahil babalik lang sila sa lugar kung saan sila nagsimula”

“gaya po ng inyong sabi panginoon, sa tingin ko ay di niya hihilingin ang ganoon.”

“Sa tingin ko ay mas kapana-panabik itong susunod na pagsubok.”

“bakit po pamginoon?”

“kasi etong bata, wala pang karanasan sa mga babae, marahil ay di siya tatablan sa kapangyarihan ng mga babaeng kataw; ngunit itong nakakatanda ay halos lahat ng nilalang ay natikman na, siya ang nasa panganib. Ngunit, medyo gumagabi na, buksan mo nang muli ang lagusan upang makapag pahinga na sila.”

Naglakad sila sa daan ng hindi man lang nagkikibuan. Galit si Joseph sa pagkawala ng kanyang gintong kopa, at si Jed naman ay ayaw magsalita ng kahit ano, baka lang kasi lalong magalit ang nakakatanda. Ngunit nagulat silang dalawa ng biglang may lumitaw na pintuan sa gilid ng burol na kanilang tintunton. Nang buksan ito ni Joseph laki ang kanilang pagkamangha.

“Hindi ako makapaniwala, ito nanaman ang kweba,” tumuloy sila sa loob.

Nang makapasok na sila, totoo nga ang hinala ni Jed, yun nga ang kwebang kanilang pinagmulan, Nandoon ulit ang mga pagkain, ngunit iba na ang mga putahi. Walang bagong bagay silang napansin, kaya kumain nalang sila dahil sa nagutom din sa mahabang paglalakbay. Hindi pa rin sila nagkibuan hanggang sa mapag desisyunan ng bawat isa na matulog at magpahinga. Sa kauna unahang pagkakataon mula noong una silang magkita, natulog silang magkahiwalay. Mukhang, nag kimkim talaga ng sama ng loob si Joseph.

-itutuloy-

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP