Unexpected Love Chapter 6 (Jom)

Saturday, April 30, 2011

Pagkatapos kong kumain ay sinubukan kong sundan palabas si Jam, pag labas ko ay agad akong naaninag si Jam na tila may kausap na isang lalaki, di ko nakilala kung sinu yun pero parang tinamaan ako ng isang matalim na sibat sa dibdib nagng mapansin kong parang ang close nilang dalawa. Maya maya lang ay nakita kong hinihila na ni Jam ang lalaking kausap niya, malamang ay may pupuntahan sila. Ayaw ko namang mag assume na merong namamagitan sa kanilang dalawa dahil alam kong straight si Jam. Gusto ko sanang subukang sundan silang dalawa kaya agad akong pumasok sa loob para mag bihis.
Ako: Momy alis po muna ako!!
Momy: ha? Saan ka pupunta?
Ako: wala lang po momy mag liliwaliw lang po
Momy: ok, teka may pera ka ba?
Ako: ay oo nga pala. momy...
Momy: sinabi na nga ba eh. Teka kunin mo wallet ko.
Ako: thanks momy...
Momy: um, sige na tama na ang pambobola, heto kunin mo na (sabay abot ng isang 500 bill at limang 100)
Ako: thanks momy. Hehehe cge po maya po balik ako agad..
Agad akong lumabas para sundan kung saan patungo si Jam, ngunit di ako nag tagumapay dahil sa pag balas ko ng bahay ay wala na akong Jam na nakita. Di ko alam kung saan siya nagpunta kasama ang lalaking kasama niya kanina. Kahit na tila binagsakan ako ng mundo eh nag pasay parin akong magliwaliw at pumunta na lang sa Mall. Pag dating ko sa Mall ay agad akong nag lakad lakad sa loob para kahit papanu ay malibang ako ng konti pumasok ako sa isang book store para tingnan kung anu ang mga bagong labas na libro alalm ko kasi kung anung libro ang sinusubaysbayan ngayon ni Jam at balak ko siyang sorpresahin bukas o sa susunod na araw bilang pambawi ko sa pag halik ko sa kanya. Wala pang bagong series ang kanyang binabasa pero nag inquire na ako kung kailan ang dating nun at agad akong nag pareserve para di ako maubusan. Paglabas ko ng book store ay napag pasyahan kong dumaan sa food court para kumain nang biglan tinamaan ata ako ng swerte.. si Jam at ang lalaking kanyang kasama kanina. Gusto kong lumapit sa kanila pero nag pasya akng mag manman na lang baka kasi maka istorbo pa ako sa kanilan ginagawa akay naupo na lang ako sa isan gupuan sa di kalayuan at inobserbahan ko sila.

Masayang naguusap silang dalawa nang lumingon sa may direksyon ko ang lalaki. Nabigla ako kasi namumukhaan ko kung sino yun. Natakot man ako na baka nakita niya ak kaya agad kong nilisan ang kainan at nag lakad lakad ulit sa loob ng mall. Habang nag lalakad ay napa iisip ko at napatanong sa sarili ko.
Ako:tama ba ang nakita ko? Si paul ba talaga ang nakita kong kasama ni Jam?
Di ko mawaris a sarili ko pero parang mas masaya si Jam ngayon na kasama niya ni Paul.
Ako: kung si Paul nga yung kasama ni Jam, Bakit sila mag kasama? At kailan pa naka balik dito si Paul?
Limang taon din ang lumipas simula nang maghiwalay kami ni Paul ng landas dahil sa kanyang pag aaral sa Amerika. Kahit sa maikling panahon na naging kami ay di ko maikakaila na minahal ko din naman siya noon, kaya nga sobra ang lungkot ko nung araw ng kanyang pag lisan. Nagpakatatag ako gawa na rin ng aming naging pangako sa isat isa tatlong araw bago ang nakatakdang pag alis niya patungong Amerika.
----O0o----Memmory recall----o0O----
Sa loob ng kwarto ni Paul
Paul: Jom alam mo bang ikaw lang ang taong mamahalin ko at ikaw lang ang dahilan ko para ipagpatuloy ang buahy ko?
Ako: Paul alam ko pero wag, masama yan..
Paul: bakit masama bang mahalin kita?
Ako: hindi masama ang mag mahal Paul, pero ang paikutin mo ang iyong mundo sa akin yun ang masama.
Paul: kahit na Jom, hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko..
Ako: Paul, walang bagay ang tumatagal pang habang buhay, saka alam mo naman na panandalian lang itong ating situasyon dahil alam mong aalis ka para sa iyong pag aaral.
Paul: handa akong talikuran ang lahat Jom, para sayo gagawin ko ang lahat.
Ako: Paul, kung talagang mahal mo ako, gawin mo kung ano ang nararapat dahil yun ang tama at hindi kung anu sa tingin mo ang tama dahil sa yun ang gusto mo.
Paul: so ibig bang sabihin nito pinag tatabuyan mo ako? (sabay tulo ng luha)
Ako: hindi paul, hindi kita pinag tatabuyan (halik sa labi ng mariin) sinabi ko yun dahil sa alam kong yun ang tama, basta ipangako mo lang sa akin na babalik ka dito at walang magbabago sa ating pag kakaibigan...
Paul: PROMISE!!! Cross my heart, saka isa pa PROMISE ko sayo na sayo ako unang mag papakita as proof na walang magbabago sa atin.. alam mo naman na ayaw na ayaw ko sa wprd na promise diba pero para sayo gagamitin ko yan para sa iyo..
Ako: sige promise mo yan, kaya aasahan ko yan.
----O0o----Memmory recall----o0O----
Yun ang naalala kong naging huling pag sasama namin ni Paul ng mag damag bago siya umalis papuntang Amerika. Kaya labis ang aking pagtataka kung bakit di niya natupad ang kanyang pangako sa akin, siguro ay nakalimutan niya ang kanyang pangako sa akin. Nag iisip parin ako habang nag lalakad-lakad sa loob ng mall ng maisipan kong umuwi na lang para makapag muni-muni..
Dali dali akong nakauwi at pagdating ko sa bahay ay sinalubong ako ni momy..
Momy: oh napa-aga ata uwi mo? Ok ka lang ba?
Ako: opo momy ok lang ako, boring mag liwaliw ng walang kasama kaya umuwi na lang ako.
Momy: ok, anu gusto mo? Kumain ka na ba?
Ako: ok lang ako momy, saka po busog ako, sige po akyat na lang po ako sa kawarto ko higa na muna ako medyo pagod po kasi eh..
Momy: sige kung yan ang gusto mo, di kita kukulitin.
Dali-dali akong umakyat sa second floor kung nasaan ang aking kwarto at agad pumasok, pag ka kita ko ng aking kama ay agad akong bumagsak sa pagkakahiga at saka nag isip. Mistula namanang tinamaan ang replay button sa utak ko at agad na nag mistulang nag replay lahat ng nakita ko kanina sa loob ng mall na mistulang napakasaya si Paul kasama si Jam. Kahit anung pag tatangi ko sa sarili ko totoong nag nakakaramdam ako ng selos ngayon pero di ko alam kng para kanino itong nararamdaman ko lalong lalo na nakita kong masayang magkasama ang taong minahal ko at ang taong mahal ko. Nag iisip ako kinuha ko ang aking iPod at pinatugtog ito di ko pinili ang kanta basta pinabayaan ko lang na mag play at sa di inaaasahang pagkakataon ay parang kinausap ako ng kanta tungkol sa nararamdaman ko para kay Jam
It sounds like this is nothing new and that it hasn't been for awhile
You wake up on the other side and you strain to force a smile
The fairytale inside your head has become your new best friend
But I can assure you, that I'll be there before the story ends

'Cause when I needed a place to hang my heart
You were there to wear it from the start
And with every breath of me, you'll be the only light I see
I'm racing the finish line of a lifetime thats barely started
The piece of mind I left behind, I pray you keep in your perfect garden
You're waiting on a minute hand in a countdown that lasts for days
But I'm here to tell you, it won't be long before I'm here to stay
'Cause when I needed a place to hang my heart
You were there to wear it from the start
And with every breath of me, you'll be the only light I see

The weightlessness and the lack of rest
away from you, im in over my head
Even when it's dark before the dawn
I will feel your grace and carry on
And with every breath of me, you'll be the only light I see
When I needed a place to hang my heart
You were there to wear it from the start
And with every breath of me, you'll be the only light I see

Even when it's dark before the dawn
I will feel your grace and carry on
And with every breath of me, you'll be the only light I see
The only light I see
Hindi ko napansin pero naka repeat pala ang kanta kaya walang tigil na nag play ang kanta sa aking iPod na mistulang idinidik-dik sa akin ang mensahe ng kanta, kaya pati tuloy ako ay napatanong sa sarili ko kung totoo ngabang mahal ko si Jam or mahal ko Jam dahil sa nangungulila ako kay Paul. Di ko parin mawari sa isip ko ang katanungan iyo ng may nag txt sa akin na unkown number.
???: hi kumusta ka na?
Ako: huh? Hu u?
???: si paul to.
Ako: sinong paul?
Paul: aray ang sakit, nakalimutan mo agad ako.
Ako: sorry po ha. Marami kasi kayong Paul na kilala ko. (palusot ko lang para umamin siya dahil sa totoo lang eh isa lang naman talagang paul ang kilala ko.)
Dahil sa hindi nya agad pag reply ay pinabayaan ko na lang inisip ko siguro ay nagalit dahil sa sinagot ko. Pinag patuloy ko ang pakikinig sa kanta ng biglang may nag txt ulit sa akin.
Paul: Jom, labas ka muna andito ako sa labas ng bahay ninyo..
Napatingin ako sa orasan 9:50pm, agad akong bumangon sa pag kakahiga at bumaba saka diretso tumungo sa pinto, pag bukas ko ay agad bumungad sa aking harapan si Paul, kaya napabulyaw na lang ako sabay yakap sa kanya ng mahigpit na tila ba ay nanabik na makita ang isang tao.
Paul: hi
Ako: PAUL!!
Sa sobrang higpit ng yakap ko ay natulala lang si paul na tila nag tataka kung bakit ganun na lang ang aking nagig reakasyon sa kanyang pagpapakita sa akin. Yakap-yakap ko parin siya ng may narinig ako sa likof kong isang boses..
Momy: ehem... Jom wala ka bang balak papasukin yang bisita naitn?
Ako: ay oo nga pala, halika na Paul pasok na..
Momy: Paul!! Ikaw na ba yan?
Paul: opo tita, ako po ito.
Momy: aba mahaderang bakla ka ikaw pala yan. Kailang ka pa dumating ha?
Paul: hay naku si tita wala paring pinag bago ganun parin, ang nagiisang babaeng bakla.
Momy: halika na pasok na.. at mag tutuos tayo. Jom anak ikuha mo ng maiinom ang “EX” mo.
Alam kasi ni momy kung anu talaga si Paul at ok lang naman sa kanya at alam din naman niya ang namagitan sa amin noon saka ok na ok yun sa kanya basta wag lang daw namin gagawin ang isang bagay sa loob ng bahay yun alam niyo na, kaya naman sa Hotel or sa bahay nila paul noon namin ginagawa ang isang krimen noon kasi nga ayaw ni momy sa loob ng bahay.
Ako: Momy!!!
Paul: ay nag react? Anu yun? So do mo pa tanggap na “EX” mo ako?
Momy: ehem...
Paul: sorry po tita.
Ako: Mr. Paul Diaz, tanggap ko na po na wala na tayo at saka kung naalala mo po eh fling naman yun at di yun seryoso at alam mo yun nasa 50% lang ang totoo dun ok.
Paul: alam ko yun pero kahit na masaya parin ako dahil kahit 50% eh minahal mo parin ako.
Momy: ehem.. paul nakalimutan mo na ako? ang tanong ko. Anu kailan ka pa dito sa Pilipinas?
Paul: ah tita kaninang umaga pa po ako dumating, eh may pinuntahan lang po ako kaya ngayon lang ako nakadalaw.
Ako: (lier sneaze) lier...lier.....
Momy: Jom, uminom ka ng tubigat parang masama yang ubo mo..
Ako: ok lang ako momy (sabay titig kay Paul ng masama)
Paul: tita since Jom is already in the right age can i take him with me muna at dun muna siya sa suite ko matutulog, namiss ko kasi ang anak mo eh.
Momy: (tingin ng sandali kay Jom at balik kay paul) oo naman ok lang saakin yun ay kung ok lang sa kanya.
Ako; Momy!!!!
Momy: anu? Wala naman akong ginawa ah.
Ako; anung wala eh binibenta mo nanaman ako kay Paul eh.
Momy: naku anak ok lang sa akin, saka nakakahiya naman kay Paul na tanggihan ang imbitasyon niya, saka isa pa anak kahit anung mangyari eh walang mabubuntisa sa inyo, unless na lang...(sabay titig ni Momy sa baba ni Paul, at ngumiti ng mala demonyo)
Paul: naku tita buo pa po iyan at walang pinag-bago kaya di ko parin kayo mabibigyan ng apo.
Ganun na lang kasi ang kagustuhan ni momy na mag ka apo agad noon ngang nalaman niya ang tunay na pag katao ni Paul ay labis ang panghihinayang niya dito dahil sa aking kagwapuah ni Paul. Nalala ko pa nga noon nag usap kaming tatlo.
----O0o----Memmory recall----o0O----
Ako: momy, andito po si Paul, may sasabihin po kami..
Momy: naku anak kung di naman yan importante eh mamaya na muna at may ginagawa pa ako.
Paul: tita, importante po ito.
Momy: o siya-siyam anu ba yang importanteng bagay na yan ha? Wag ninyong sabihin an nakabuntis kayo ng iisang babae at di ninyo alam kung sino talaga ang ama?
Ako: di po yun momy, iba po...
Nabalot ng katahimikan ang buong bahay ng biglang nagsalita si Paul..
Paul: Tita bakla po ako, at boyfriend ko po ang anak ninyo...
Natulala si Momy saglit dahil sa kanyang narinig, pero agad din namang nag salita.
Momy: ahhh yun lang ba, ok.
Nagkatinginan kami ni paul na parang may pag tataka sa naging reaksyon ni momy sa narinig niya.
Ako: momy di po ba kayo galit?
Momy: hindi, at bakit naman ako magagalit?
Ako: kasi po si Paul eh anu..
Momy: eh anu? Bakla? Naku ok lang yun saakin, saka matagal na akong naghihinala noon pa simula nang pumunta ka dito, naamoy na kita,malasang bakla ka...
Paul: so di po talaga kayo galit tita?
Momy: hay naku, alam mo paul magagalit ako pag kinulit mo pa ako, sinabi ko na ngang ok lang saakin yun eh, saka kung nagkataong babae ka eh mas gusto kitang maging manugang kesa dun kay Joana na yun, ang pangit ng genes, halatang retokada.sayang nga lang eh wala kang matres naku kung meron eh matagal ko nang hiningi na bigyan mo ako ng apo.
Ako: .....
Paul: ......
----O0o----Memmory recall----o0O----
Kaya simula noon ay lagi nalang binibiro ni momy si Paul na kung sakaling magpasex change siya at pwede na siyang mabuntis eh umuwi agad siya ng Pilipinas para mabigyan siya agad ng apo.
Momy: oh siya-siya kayong dalawa na lang mg usap diyan at ako’y matutulog na.. saka Jom ok lang talaga saakin na dun ka muna kay Paul.
Ako: sige po momy, mag aayos lang po ako ng mga dadalhin ko. Teka lang Paul ha dito ka lang saglit lang ako..
Dali-dali akong tumungo sa aking kwarto at agad na nag lagay ng 2 t-shirt, 1 boxer, at 1 short sa aking bag para doon sa suite ni paul matulog. Agad akong bumaba na dala ang aking bag at inaya si Paul pabalik sa kanyang suite. 10:10pm na ng makaalis kami sa aming bahay kaya 10:30 na ng gabi ng makarating kami sa kayang suite.
Itutuloy...

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP