Unexpected Love Chapter 13
Saturday, April 30, 2011
Itinulak ko si Jeffrey para maka kalas ako sa kanyang halik, at isang sampal lang ang ibinigay ko sa kanya. Natarandta ako at di ko alam ang susunod na gagawin kaya pinatigil ko na lang ang taxi tutal eh iilang metro na lang ang layo mula sa aming rest house. Dali dali akong bumayad sa taxi bumamaba kinuha ang anking mga gamit at saka umalis, di alalintana na sumusunod si Jeffrey sa likod ko at nag mamakaawa.
Jeffrey: Jake! Saan ka pupunta! Jake bumalik ka! Mahal kita Jake!
Nilingon ko na lang siya tinitgan at binulayawan di ko nga alam kung tama ang ginawa ko pero alam ko mali ang ginawa niya saakin lalo na isa siyang sakristan..
Ako: Jeffrey... paking gan mo nga ang sinsabi mo... sa tingin mo ba tama ang iyon. Naturingan kang isang tagalingkod sa diyos tapos magkakaganyan ka.
Jeffrey: Jake.. lease let me exlain Jake... let me explain.. Jake..(sabay luhod at humahagulgol sa pag iyak sa kalsada)
Ako: Jeffrey! Tumayo ka nga diyan! Nakakhiya ka!
Jeffrey: no! Jake di ako tatayo dito hanggang di mo ako papakinggan! (umiiyak parin siya)
Ako: Sige na! Makikinig na ako! pero hindi dito! Kay pwede ba Jeffrey tigilan mo yang kaartehan mo?
Jeffrey: hindi Jake gusto ko dito.. please.. jake... let me explian...
Wala na talga akong magawa dahil sa pag mamakaawa ni jeffrey saakin at ang kanyang ginagawa sa kalsada para lang hayaan ko siyang magpaliwanag sa kanyang ginawa sa akin sa loob ng taxi.
Ako: sige jeffreyngayon mag paliwanag ka? kasi jeffrey alam mo itinuring kitang kaibigan kahit na sa maikling panahon na nagkakasama tayo sa loob ng simabahan eh pakiramdam ko kilalang kilala na kita pero di ko alam na kaya mo palang gawin iyon sa akin. Kaya sige ngayon mag paliwanag ka?!
Jeffrey: Jake! Di ko rin alam kung bakit ako nagkakaganito, noon pa man ay sinabi ko na kay father na wala akong balak mag pari at ako ay aalis sa simbahan sa oras na mahanap ko ang babaeng gusto kong makasama habang buhay, pero bilang nag bago ang lahat ng iyon ng dumating ka sa simbahan. Di ko maiwasang mabighani sa iyo, ewan ko rin jake alam ko isang mlakaing pagkakamali na pumasok tayo sa isang relasyon dahil sa pareho tayong lalaki pero alam kong walang mali sa pagmamahal at wala naman akong ibang taong nasasaktan o naapakan.
Ako: anu?! Walang kang taong nasasaktan? Mali jeffrey meron.. ako.. alam mo bang isa sa mga pangunahing dahilan kaya ako naglayas sa amin dahil sa ganyang problema. Akala ko makakatakas ako, pero anu? Sa halip na mapanatag ang loob ko eh mas lalong lumalala dahil sa tuwing nakikita kita siya ang nakikita ko!!(sabay patak ng mga luha )
Di na siya nakapag salita pa, kaya ako ay dali dali nang tumalikod at saka umalis na, dahil sa malapit na lang nga kami sa aming resthouse ay naaninag ko na si momy. Pag dating ko sa bahay ay agad naman akong sinalubong ng isang mahipit na yakap mula kay momy.
Momy: jam! Saan ka ba galing? Nag alala kami sayo... huwag mo nang gagawin ulit iyon ha...
Ako: sorry po momy! Di na po mauulit.. i just need some time to think alone... sorry po...
Dady: it ok anak naiitindihan ka namin.. teka Jam sino yan oh?
Bigla ko nilingon ang taong itinuro ni dady, nanlaki ang mga mata ko dahil ang akala ko ay di na sumunod pa sa akin si jeffrey pero laking gulat ko ng makita ko siya ng di kalayuan sa aming resthouse. Di ko alam kung anu ang sasabihin ko, kung magsisinungaling ba ako or sasabihin ko ang totoo sa kanila. Di pa man ako nakapag sasalita sa kanila ay napansin ko na lang na nilapitan siya ni dady at tinawag, mas lalo akong nagulat ng tawagin siya ni momy sa pangalan ni JOM..
Momy: Jom!! Hijo halika dito! Anung ginagawa mo diyan at kelan ka pa dumating?
Jeffrey: sorry po pero.. sino pong Jom? Ako nga po pala si Jeffrey... kayo po ba ang mga magulang ni Ja.. ehek.. aray..
Siniko ko si Jeffrey para di na niya maituloy ang sasabihin niya.. lalo na lam kong ayaw nila momy na gamitin ko ang pangalang jake kasi iyon daw ang pangalan ng kakambal kong nadiskubre nila na biglang nawala sa loob ni tiyan.. yung tinatawag na vanishing twin syndrome, na kung saan eh namamatay ang isa at biglang nawawala para mabuhay ang isa. Kahit na di na umabot sa 2nd trimester ang kakabal ko daw eh nagpasya parin noon sila momy na bigyan ito ng pangalan.
Dady: oh anu nangyari sayo hijo?
Jeffrey: wala po sir nasamid lang po...
Momy: halika dito sa loob.. tuloy ka.. naku sorry ha napagkamalan kitang yung kababata ni Jam kamukhang kamukha mo kasi, para kayong pinagbiyak na buko.
Jeffrey: sige po, huwag na po sinamahan ko lang po itong anak ninyo.. diyan lang naman po kasi ako sa kanto malapit dito.
Dady: sa kanto malapit dito? Diba simbahan iyon? Doon ka ba nakatira?
Jeffrey: sa.....
Dinilatan ko siya para ipaiwatig na huwag sabihin kina momy na doon nga siya nakatira, ayaw ko kasing malaman nila momy na doon ako tumuloy kasi sigurado akong pupuntahan nila iyon para kausapin ang lahat ng tao doon at pasalamatan. Buti na lang at nakuha din niya ang gusto kong iparatin.
Jeffrey: sa... may likod po.. malapit sa simbahan, nakita ko po kasi siyang naglalakad at parang may dinadala kay nagpasya akong tumulong.
Dady: ganun ba? May bahay pala doon? Di bale maraming salamat at tinulungan mo itong nagiisa naming anak.
Napnsin kong tumaliko di dady at may kinuha, maya maya lang ay nakita kong may dala dala itong isang checke at iniabot kay Jeffrey.
Dady: heto, sana may matanggap mo itong aming munting pasasalamat.
Sinubukan kong silipin kung ilan ang iniabot ni dady pero, di rin naman ako nag tangumpay dahil sa di rin namant ito tinanggap ni Jeffrey, at agad itong itinago din ni dady. Gusto ko na sanang umalis na si Jeffrey para di na siy ulit tanungin pa nila dady pero sadyang makulit itong si momy at talagang inusisa pa si Jeffrey, wala na akong magawa para mapigilanpa ang naka-ambang mga sermon na aabutin ko kapag nalaman nila momy ang ginawa kong pag-gamit sa pangalan ni Jake. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko sa sala at saka tinumbok ko ang pinto. Nagpaalam ako kina momy na sa labas na lang muna ako at gusto kong mag magpahangin.
Nang nasalabas na ako doon ulit bumalik sa isipan ko ang mga nangyari ngayon lang. Di ko maisip sa loob ng mahabang panahon minahal pala ako ni Jom ng palihim, samantalang ako ay alam kong tangaing pagkakaibigan lang ang kaya kong maibigay sa kanya sa mga oras na iyon pero ngayon ay naguguluhan na ako sa mga pangyayari. Maging si Jeffrey na 2 linggo ko lang nakasama ay nag hayag na rin ng kanyang nararamadaman sa akin, di ko naimagine ang sarili ko na maging kasintahan ang kahit sino sa kanila. Ayaw ko dahil alam kong di ako bakla, iyon ang sigaw ng utak ko ng pagkatao ko pero iba naman ang sinisigaw ni puso ko. Isinisigaw nito ngayon ang pangalan nila Jom at Jeffrey gusto nitong mahaalin silang dalawa. Pero kung susundin ko naman ang puso ko ay kailangan ko nang mamili kung sino sa kanila si Jom ba dahil sa kababata ko siya, kaclase, kabarkada ngunit sa nalaman ko doon ko napagtanto di ko pa talaga kilala ang totoong Jom. Kung si Jeffrey naman ang pipiliin ko isang tanong lang ang pumapasok sa isip ko at iyon ay bakit. Iyon ba ay dahil sa sa loob g 2 linggo ay nakasama ko na siya or dahil sa tuwing nakikita ko siya ay nakikita ko lang sa kanya si Jom. Ewan talagang magulo at di ko na alam ang gagawin ko, usually sa mga ganitong problema si Joana ang kasama ko siya ang nag bibigay ng comfort sa akin kahit na kasintahan niya si Jom ay walang pagdadalawang isip na iniiwan nito si Jom sa tuwing kailangan ko siya. Ngayon galit sa akin si Joana ang aking bestfriend pinsan.
Halos kalahating oras na pala akong nakatambay sa labas ng bahay at namalayan ko na lang na tinapik na ako si Jeffrey sa likod ko at saka binigyan ako ng isang smak bago siya umalis. Di man lang umimik at nag salita pa diretcho lang siya sa kanyang pag lakad. Di rin ako nakaimik at di ko rin siya hinabol pa. Kinabukasan ay bumalik na kami sa maynila 2 linggo rin akong absent sa skwelahan kaya mahaba rin ang akong hahabuling mga lessons.
Halos hapon na kami nang dumating sa maynila, medyo pagod din naman ako kaya napagasyahan ko nang di na umasok sa araw na iyo kasi pareho lang naman ang gagawin ko kung bukas o ngayon ako papasok.
Hanggang sa paguwi ko sa maynila ay di parin maalis sa isip ko ang hitsura ni jeffrey bago siya tuluyang umalis, alam ko nausap sila nila dady pero ang di ko maitindihan ay kung bakit isang masiglang ngiti ang nakita ko sa kanya. Di ko ko maiwasang magisip kung anu ang nasabi sa kanya nila momy ayaw ko naman kasing tanungin sila.
Sa buong maghapon pag dating sa bahay ay ako lang ang natira dahil sa umalis din naman sila momy at dady, si manang naman ay nag dayoff kaya talagang ako lang magisa sa aming bahay. Sa aking pag iisa ay di maalis sa isip ko si jeffrey at si Jom. Di parin mawari sa isip ko kung bakit sila magkamukhang magkamukha. Wala naman kasing naikukwento si tita anabeth na may kakmbal si Jom na nawawala kasi ang alam ko naman ay solong anak rin si Jom at wala na sumunod dito dahil sa maagang namatay ang dady niya kaya silang dalawa na lang talaga ng momy niya ang naiwan sa kanila. Habang nagiisip ay magkakasunod na katok ang bumasag sa aking pag iisip.
“knock....knock...knock...”
Ako: sino yan?
Pero walang sumagot, sa halip ay isang pamilyar na pattern lang ng katok ang sumagot ulit, at dahil doon ay alam ko na kung sino iyon. Di ko alam kung anu ang mukahgn ihaharap ko sa kanya, di ko ksai alam kung may galit pa ba siyang nararamdaman saakin at kay jom. Binuksan ko na lang ang pinto ng walang kahit anung expression sa mukha.
Ako: oh anu ginagawa mo dito?
Joana: obvious ba? Ehdi gusto ko makita ang pinakamamahal kong pinsan...
Ako: so? Nakita mo na ako... masaya ka na?
Di na niya ako sinagot at isang malakas na sampal ang dumapo sa aking mukha ang kanyang ibinigay. Nagulat ako at medyo naiirita sa kanyang ginawa sa akin, alam ko naman na may karapatan siyang mainis sa akin dahil nga sa di magandang pagsagot ko sa kanya.
Ako: Aray!!!! Anu ba problema mo?
Joana: ikaw itong may roblema insan. Alam mo bang nag alala ako ng husto sa iyo. Alam mo bang handa akong gawin lahat para lang lumigaya ang pinsan ko? Alam mo bang hihiwalayan ko na siya para lang masaya ka?
Natulala ako at di ko na alam ang aking isasagot, halos isang minuto din ako walang imik nagiisip ng rason kung bakit ko xa nasagot ng ganoon at kung ano ang pwede kong mairason sa kanya para maipaliwanag ang ginawa ko. Dahil doon ay bumlik nanaman sa akin ang kanyang hitsura niya noong araw na nalaman niyang ako ang gusto ni Jom at di ibang babae. Naalala ko ang ang galit at poot na bumalot sa kanya sa mismong araw naiyon.
Ako: kung ganun insan, bakit ganun.. bakit galit ang nakita ko sa mga mata mo nung nalaman mo ang totoo sa amin ni Jam?
Joana: teka anu balak mo dito tayo sa pinto mag uusap? Di mo ba ako papapasukin?
Ako: oh siya-siya halika pasok ka na.. naku kung di lang kita pinsan...
Pinapasok ko siya at doon ramdam ko na ulit ang pag gaan ng akin gkalooban lao na alam kong di talaga siya galit sa akin.
Joana: anu? Anu? Kung di mo ako insan anu? May angal ka? (ang abirong sagot niya sa akin)
Ako: abat... naliliitan ka ata sa akin?
Joana: abat... ikaw ha nawala ka lang ng 2 linggo feeling mo... (sabay akbay sa akin)
Simula kasi ng mga bata pa kami ay talagang mag matangakad na sa akin itong si Joana at kahit ngayong college na kami ay limiit man ang kanyang pangangatawan dahil sa kanyang pagiging cheerleader ay aminado akong under parin niya ako at wala naman akong reklamo dahil sa biruan lang naman namin iyon.
Pag asok namin ay sa sofa na kami nagusap. Doon ko sa kanyan pinagtapat ang lahat.
Ako: insan... sorry ha...
Joana: anu ka ba wala yun.. dapat nga ako ang mag sorry kasi in the fisrt place eh wala naman talaga akong karapatang magalit.
Ako: ganun ba? Ehdi same na lang tayo mag sorry...
Tawanan kami at sabay harutan. Di na namin iniisip ang mga nangyari noon, sa agkakataong iyon napag pasyahan ko nang sabihin sa kanya ang lahat ng inag daanan ko sa loob ng 2 linggong pag muni muni ko.
Ako: insan.. gusto mo bang malaman kung saan talaga ako galing nitong nakaraang 2 linggo?
Joana: ikaw kung gusto mo. pero di kita pipilitin..
Ikinuwento ko na sa kanya lahat, kung saan ako nanatili, kung sino mga naging kasama ko pati na rin si Jeffrey naikwento ko rin sa kanya. Halos isang minuto ulit natulala si insan at biglang nag sisisigaw.
Joana: aaaaaaahhhhh!!!!!
Ako: hoy!!! Anu nangyari sa iyo?
Joana: nalala ko na!!!!!
Ako: ang anu?
Joana: may sinabi kasi noon sakin si Tita Anabeth.....
Ako: na anu nga?
Joana: insan promise me di mo sasabihin ito kay Jom.. ok....
Ako: ah...eh..... i cant promise insan eh...
Joana: ganun? Ehdi di ko sasabihin kung anu ang sinabi ni tita... promise ko kasi sa kanya na di ito malalaman ni Jom kahit kailan.
Di ko na alam kung anu ang gagawin ko para makumbinse si iindan na sabihin saakin. Nakapag promise din kasi ako noon kay Jom na walang taguan ng sikreto ayaw ko ng baliin iyon bagamat alam kong marami na siyang naging lihim na itinago sa akin. Sa sobrang pagkadesreado ko na marinig kung anu man iyon ay nagromise na rina ko kay insan para sabihin lang niya iyon.
Ako: sige promise ko... di ko sasabihin kay Jom....
Joana: promise?
Ako: Promise...
Joana: Hanggang libingan?
Ako: grabe ka naman...
Joana: ayaw mo... sige ok lang sa akin...
Ako: sige na nga... hanggang libingan...
Joana: salamat insan.... alam mo kasi..... nasabi sa akin noon ni tita anabeth na tulad mo eh may kakambal din si Jom yun nga lang eh ikaw survivor ng Vanishing twin syndrome samantalang buhay si Jom naman at ang kanyang kakambal ay parehong nabuhay.
Ako: teka... teka.... anu? May kakambal si Jom?!
Joana: oo.. kaya huwag ka munang maingay diyan.. ang nangyari kasi eh lubhang masakitin yung kakambal niya at alam nilang di na ito tatagal kaya napag desisyonan na lang nila na subukang ipaampon ito. Yung tipong closed adoption ibig sabihin ay wala nang matatanggap na balita sina tita tungkol sa bata. Ang huling alam nila eh naampon daw ito ng isang mayamang pamilya sa may tagaytay area.
Ako: ahhh ganun ba? Pero may prblema tayo eh..
Joana: Anu?
Ako: bata pa lang si Jeffrey eh sa simbahan na siya lumaki. Kaya imposible ang sinasabi mong si Jeffrey ang kakambal ni Jom.
Joana: ganun ba? Pero huwag ka pasisiguro insan ha.. baka malay natin eh siya nga ang kakambal ni Jom. Ay anung oras na? aalis na ako at may gagawin pa akong project ko, tapos gagawa pa ako ng routine para sa practice sa susunod na araw.. sige insan mauna na ako ha...
Ako: sige insan..
Madilim na nga pala at di na namin namalayan ni insan ang oras dahil sa napasarap ang aming paguusap. Di na nga rin ako nakakain, kinuha ko na lang tinapay at saka iyon na lang ang pinagtiyagaan kong kainin. Sa loob ng kwarto ay doon ko pinagisipan g mabuti ang mga detalye ng ipormasyon sinabi sa akin ni insan tungkol sa pagkatao ni Jom. Di ko akalaing may kakamabal pala si Jom at di ako ako makaisip ng matinong rason kung bakit ipinaampon nila tita ang kakambal ni Jom samatalang kayang kaya naman talaga nilang sustentohan ang pagpapagamot dito. Dahil sa pag iisip ay bigla na lang akong nakatulog dala na rin ng pagod galing sa byahe. Di ko na nga nakuhang magpalit ng damit pangtulog.
Kinaumgahan ay isang tawag sa cellphone ko ang gumising sa akin.
Ako: Hello sino to?
???: Jake... or should i say Jam.... buksan mo naman ako... andito ako sa labas ng bahay ninyo...
Ako: Jeffrey? Panu mo nalaman ang bahay namin? At anu ginagawa mo dito?
Jeffrey: naku buksan mo na muna ako at sa loob na ako magpapaliwanag ok....
Itutuloy...
0 comments:
Post a Comment