Unexpected Love Chapter 12
Saturday, April 30, 2011
Natigilan ako sa kantang iyon, di mawari sa isip ko ang mga mata ni insan bago siya umalis. Galit pagkamuhi, pagkasuklam, at poot ang nakita ko. Kung may nagkataon sigurong di niya ako pinsan at di niya ako kilala siguro ay napatay niya ako. sa talang buhay ko ngayon ko lang nakita si insan na nagkaganun.
Buo na ang pasya ko gusto kong umalis, magpakalayo muna. Gusto kong mag isip at mag muni muni. Pagkatapos kong mag impake ay bumababa na ako at doon saktong nakita ko sila momy. Agad naman akong nag paalam at sinabi ang plano ko.
Ako: momy!
Momy: anu yun anak?
Ako: momy can we take a short vaccation?
Dady: sure.. tutal malapit nanaman ang school break. Kaya sige saan mo gusto anak? US, Austrailia, Japan, Hawaii.. name it at agad tayong pupunta dun sa start ng school break ninyo saka kung gusto mo isama mo pa ang mga barkada mo its our treat.
Ako: no dad. I want it now.
Momy: bakit naman ata biglaan??
Ako: basta momy i just need time to think gusto ko muna ang isip.
Dady: is there a problem son? Tell us and we’ll do our best to help out
Ako: dady, pwede mo bang kausapin ang buong angkan na palabasin muna na may family emergency para naman pumayag ang school.
Dady: sure anak, pero i can’t promise for a positive response mula sa kanila alam mo naman na family emergency is a serious situation at dapat lagn gamitin yan pag talagang may totoong emergency..
Ako: siguro naman dady pwede nilang ireconsider, i just need air and time to think. May mga rescent events kasi na nangyari ngayon na gusto kong pag isipan.
Momy: anu ba iyan anak? Baka naman we can help?
Ako: it something too personal ma, and i know mas masosolve ko lang ito pag ako lang mag isa.
Momy: ok we do our part.
Ako: thanks momy, and please one more favor.. kung pumayag man sila please huwag po ninyong ipaalam kay Joana. Alalm ko kasi makiki-alam iyon.
Dady: pero diba anak eh..
Ako: alam ko dady, so please dady no but’s no if’s please...
Dady: ok.. we’ll do.
Dahil doon ay kinausap agad nila dady and buong angkan, at laking pasaalamat ko din naman dahil sa pumayag sila sa nais namin. Iniabot ko naman sa kanila ang sulat na ginawa ko para pirmahan nila ito at para din ma ipasa ko na agad bukas. Agad namang pumirma sila momy at dady at sinabi nila an agad din kaming aalis at ipapahatid na lang kay manang ang aking sulat.
Kinaumagahan ay agad na ipinasa ni manang ang aking excuse letter sa aming professor at pagbalik na pagbalik ni manang ay agad din naman kaming umalis patungo sa aming resthouse sa tagaytay. Gusto ko talagang lumayo at mapag isa pero ayaw nila momy natatakot daw kasi sila baka may gawin akong ikakapahamak ko.
Halos ilang oras din naman ang iginugol ng namin sa byahe patungo sa tagaytay, sa buong byahe namim ay wala na akong ibang inisip kundi ang lumayo at mapag isa. Dahil doon ay nabuo ang isang plano, tatakasan ko sila momy at para matuad ang planong iyon ay sisiguraduhin kong tulog na sila mamaya gabi bago ako umalis.
Halos umayon naman sa aking plano ang lahat dahil sa sobrang pagod ay agad nang natulog sila momy, nag paalam ako na ppupunta ako sa aking kwarto para narin magpahinga. Pag pasok ko sa aking kwarto sa halip na mag pahinga ay agad akong kumuha ng isang papel at nagsulat ng isang liham para kina mama at nang matantya kong tulog na sila ay dahan dahan akong lumabas ng kwartoko iniwan ang liham sa may paan ng pinto ng kanilang kwarto at dali daling umalis, di ko rin alam kung saan ako pupunta. Bahala na basta kailangan kong mapag isa at mag isip.
Sa aking paglalakad ay napad-pad ako sa isang kombento, di ko naman talaga gustong pumasok ngunit nang aalis na ako ay may tumawag sa akin at kinausap ako.
???: hijo... napansin kong parang may problema ka?
Luumingon ako sa paligid at sinigurong walang ibang taong kausap si father.
Ako: ako po ba? Sorry po kung naka-abala ako, napadaan lang naman po ako, at naghahanap ng matutuluyan.
Father: bakit hijo saan ka ba galing, bakas sa mukha mo ang pagod at tila may mabigat kang problema?
Ako: opo father, umalis po ako sa amin, di ko naman po talaga ginustong umalis pero minabuti ko pong umalis na lang muna para makapag isip ako, medyo mabigat po kasi ang aking problema ngayon. Ngayon po eh wala pa po akong matutuluyan. Oh sige po, mauna na po ako at ako’y maghahanap pa ng lugar na pwedeng tuluyan
Father: Hijo, sandali dito ka na tumuloy.
Nagtataka ako sa naging alok ni father sa akin, nahihiya talaga ako dahil ang alam ko ay ang lugar na iyon ay para lang sa mga pari at sakristan. Nadadalawang isip ako kung tatanggapin ko ang alok ni father, pero di pa man ako nakakaag desisyon ay muling nag salita si father.
Father: hijo tandaan mo, ito ay bahay ng ating panginoon at ang pinto nito ay laging bukas para sa mga nangangailangan, kung anu man iyang problema mo ay masnararapat na ikaw ay lumapit sa kanya at sa kanya ka humingi ng tulong.
Medyo naguguluhan man ako sa kanyang mga sinabi pero minabuti ko na ring tanggapin ang kanyang alok alam ko kasi isa ito sa mga lugar na di nila momy paghahanapan sa akin, sigurado akong hahalughugin lang nila ang lahat ng hotel, room for rent, resort iba pang lugar dito sa tagaytay pero di sila maghahanap sa akin sa loob ng kombento.
Pumasok ako sa loob at saka pinakilala ako ni father sa mga sakristan.
Father: Magandang umaga, ngayon ay pansamantala nating makakasama dito sa atin si... (sabay lingon sa akin)
Ako: Jacob Del Rosario po, Jake na lang itawag nyu sa akin..
Sinadya kong di sabihin ang buong pangalan ko para narin mas maging epektibo ang pagtatago ko kina momy.
Mga Sakristan: magandang umaga Jake..
Father: Jeffrey, maari mo bang tulungan itong si Jake... gusto ko rin sanang ikaw mag maging kasama ni Jake sa lahat ng oras dito sa loob turuan mo siya, ituring mong kapatid. pwede ba iyon?
Jafferey: sige po father wala pong problema, ako po ang bahala kay Jake...
Nanlaki ang aking mga mata sa narinig kay father at lalo na nang makita ko ang sakristan na kanang kinakausap. Kung pinaglalaroan ka nga naman ng tadhana oo, sa dinami dami ba naman kasi ng taong pwedeng tumulong sa akin ay magiging kapangalan pa niya at kahawig pa.
Kinuha na ni Jeffrey ang aking mga gamit at dinala ito sa isang kwarto. Mejo maliit lang ang kwarto di ito katulad ng mga hotel pero pwede nang pag tiyagaan tutal ginusto ko naman ito kaya kailangan ko itong gawin. Sa loob ng kwarto ay inaya ko ng magusap kami ni Jeffrey, doon ko napag alaman na ulila na pala siya simula ng baby pa lang siya at dito na siya sa kombento lumaki, habang nagsasalita si jefferey ay di ko talaga maiwasang hindi siya pag masdan, maigi at maingat ko siyang pinagmasdan at doon lalo kong nakompirma na talagang magkahawig sila ni Jom yung tipong pinagbiyak na buko na kahit saang angulo mo tingnan ay pareho talaga. Nabasag lang ang aking magmamasid sa kanya ng muli tinanong niya ako.
Jeffrey: Tao po? Hello Jake anjan ka pa ba?
Ako: anu? Anu daw?
Jefferey: ang sabi ko eh, ikaw bakit pa nga pala napunta dito?
Ako: kasi, ahhmm... may problema lang ako at aksidenteng napadaan lang naman ako dito dahil naghahanap ng pwedeng matuluyan tapos inalok ako ni father, ayaw ko sanang pumayag kaso nakakahiya naman kay father.
Jeffrey: ahhh ganun ba? Kung OK lang sayo pwede ko bang matanong kung anu prolema mo?
Ako: siguro huwag muna ngayon Jefferey, di ko yata kaya eh..
Jeffrey: ahhh alam mo parang alam ko yan.. pag ibig yan anu?
Natameme ako sa kanyang sinabi di ko alam kung anu ang isasagot ko, napatango nalang ako at pinilit ibahin angusapan
Ako: teka kanino pala kwarto ito at sino ang kasama ko dito?
Jeffrey: bakit?
Ako: wala natanong ko lang, dalawa kasi ang kama kaya natanong ko kung kaninong kwarto ito at kung sino ang kasama ko..
Jeffrey: guest room ito Jake kaya wala kang kasama dito pero kung gusto mo kausapin ko si Father na samahan ka dito.
Ako: ha?! Bat mo naman nasabi yan?
Jeffrey: wala lang, nababkasakalai lang ak na baka gusto mo may kasama ka.
Ako: naku huwag na, ang gawin mo eh turuan mo na lang ako sa mga gawain dito sa loob, at ayaw ko ituring nyu akong bisita dito.
Jeffrey: sige kung iyan ang gusto mo. sige mauna na ako. balikan na lang kita mamaya pag kakain na
Ako: sige. Salamat.
Sa ag labas ni jeffrey ng kwarto ay doon ako nakaagisip ng mabuti kung anu talaga ang plano ko at kung gaano ako katagal dito. Habang nagiisi ako ay narinig kong nag ring aking cellphone.
Ring....Ring...
Kinuha ko ito at ng tingnan ko kung sino ito, tama ang hinala ko si Momy ang tumatawag. Di ko alam kung sasagutin ko ito o hindi. Halos ilang ring din ang narinig ko at ito ay kusang tumigil, inisip ko na lang siguro tama lang ang ginawa ko nagyon gusto ko lang talagang mapag-isa sana ay maitindihan ako nila momy sa ginawa ko.
Ilang minuto pa ang lumipas at ako ay nakaidlip ni di ko na namalayan ang paglipas ng oras, nagising nalang ako sa dahil sa pag yugyug sa akin at sa boses na narirrnig ko.
???: Jake... Jake... gising na... Jake...
Ako: huh? Asan ako? anung oras na ba?
???: Jake... si jeffrey ito, gising na, at may gagawin pa tayo baka abutan tayo ng sikat ng araw niyan..
Bigla akong bumangon at doon ko napagtanto na totoong nasa simbahan ako, akala ko ay nananaginip lang ako, pag tigin ko sa orasan ko ay 3:00am. Gusto ko mang bumalik sa pagtulog ay hindi ko na ito ginawa dahil sa binitiwan kong salita na ituring nila ako dito na kasama at hindi bilang isang bisita ibig sabihin noon a gigising ako sa ag gising nila, gagawin ko lahat ng gawain nila at kakainin ko lahat ng kanilang kinakain.
Sa paglipas ng bawat araw ay unti unti na akong nasasanay sa mga gawain sa loob ng simbahan, halos 3 araw na simula ng iwan ko sila momy sa resthouse sa tagaytay di ko alam kung nandoon pa ba sila or bumlik na sila sa maynila tulad ng sabi kong iwanan na muna nila ako.
Nakakapagod man ang mga gawin ay pilit ko itong ininda dahil kung tutuusin ay masaya naman alang kasama ang mga sakristan at mga pari lalong lalo na si jeffrey di ko alam kung bakit ang gaan din ng pakiramdam ko sa kanya, totoong magkapangalan sila at magkahawig ni Jom pero alam ko iba si Jom iba si Jeffrey.
Kinagabihan matapos ang gawain ay nag ring ulit ang cellphone ko sa pagkakataong ito ay di ko kilala kung sino ang tumatawag.
Ako: Hello... Sino o ito?
???: Hello anak... kumusta ka na? Bakit di mo kami sinasagot? Asan ka ba? Gusto ka naming makita?
Sa narinig ko alam kong sila momy iyon di ko alam kung anu ang isasagot ko, di ako makapag salita samantalang patuloy parin sa pag sasalita si momy sa kabilang linya at naririnig ko na parang umiiyak si momy, nagiguilty talaga ako ni di ko man sila inisip, di man lang sumagi sa isip ko na may mga taong nagmamahal talaga sa akin, inisip ko lang ang sarili ko, pero talagang napgtanoto ko na kahit masakit ay kailangan ko paring gawin ito para na rin sa ikabubuti ko at mga taong nakapalibot sa akin. Alam kong patuliy na mag aalala sina momy sa akin, naisip ko rin na para mabawasan naman ang kanilang pag aalala sa aking ay napag desisyonan ko na i text na lang sila at ipaalam na nasa mabuti akong kalagayan.
“sorry po momy.. pero pabayaan nyo po muna ako.. gusto ko lang munang mapag isa ngayon. Please huwag po kayong mag-alala sa kalagayan ko. Ok naman po ako dito. Please po huwag ninyo po numang ipaalam sa iba na di ninyo ako kasama lalong lalo na po kay Joana. Sana po pagbiyan ninyo ako”
Di ko alam kung tatanggapin nila momy ang aking text or kung maiintindihan nila ako, pero talagang buo na ang aking pasya.
Lumipas pa ang mga araw na walang komunikasyon sa kanilang lahat, kina momy, dady, kay insan at lalo na kay Jom. Naging maganda ang akikitungo ko kay Jeffrey siguuro dahil sa nakikita ko sakanya si Jom, and then it hit me, talagang mahal ko na rin si Jom kasi kahit anung paglalayo at paglimot ang gawin ko eh para atang sadyang ang tadhana ang gumagawa ng paraan para di ako mag tagumpay.
Namalayan ko na lang na halos 2 linggo na pala ako nananatili sa simbahan, medyo masakit man dahil kahit papanu ay napamahal na rin saakin sil father lalo na si Jeffrey pero napagdesisyonan ko nang umalis at harapin ang mga taong pilit kong iniiwasan at harapin ang mga problemang pilit kong iniiwasan. Nakapag empake na ako ng mga gamit ko at dahan dahang lumabas ng aking kwarto, ng bilgang may tumawag sa akin.
Jeffrey: Jake san ka ngayon pupunta?
Ako: aalis na ako jeffrey, kailangan ko na kasing harapin ang mga taong pilit kong iniwasan at iniwan at mga problemang pilit ko ring kinalimutan sa loob ng 2 linggo. Teka asan si father gusto ko sanang mag paalam eh.
Jeffrey: Nasa loob ng kanyang opisina, halika samahan kita..
Nasa loob na kami ng opisina at doon ko nakausap si father.
Ftaher: oh Jake, may kailangan ka ba?
Ako: father, kasi gusto ko po mag pasalamat..
Father: para saan naman?
Ako: para po sa pag papatuloy ninyo sa akin dito.
Father: iyon lang ba. Wala iyon hijo, teka bakit parang napapa-alam ka na?
Ako: opo father aalis na po ako, siguro po ay panahon na para harapin ko mga tao at problemang pilit kong iniwasan.
Father: tama yan, so saan ka na ngayon pupunta?
Ako: babalik na po ako sa mga magulang ko, malapit lang naman po ang bahay namin dito eh.
Father: ganun ba, sige mag ingat ka.
Sa pag papa-alam ko ay di ko mapaliwanag ang bigat ng nararamdaman ko sa puso ko, di ko alam kung bakit iyon ang aking nadarama. Naglalakad na ako palabas ng simabahan ng muli akong tawagin ni Jeffrey.
Jeffrey: Jake! Teka hintay!!
Naalingon ako at nagtaka dahil sa aglingon ko ay isang Jeffrey na naka poloshit na puti, maong pants at chucks na sapatos. Nabigla ako sa nakita ko, naguguluhan sa nararamdaman ko di ko alam kung kikiligin ako o matutuwa. Di ko rin alam kung itataboy ko siya or pababayaan ko lang.
Ako: ha? San ka pupunta? Bat ganyan ang ayos mo?
Jeffrey: nag paalam ako kay Father, sabi ko kung pwede kitang ihatid sa inyo. Tapos hayun pumayag naman si father.
Ako: hay naku Jeffrey, huwag na kaya ko na ang sarili ako, kung gusto mo talaga akong tulungan eh ihanap mo na lang ako ng masasakyan pabalik sa amin.
Jeffrey: ok! Sige, dito ka lang ha..
Umalis si jeffrey sandali at saka sa kanyang pagbabalik ay nakita ko na lagn siya nakasakay sa loob ng isang taxi. Bumaba na siya at ipinasok ang mga gamit ko, akala ko eh ako lang ang sasakay ay lakig gulat ko ng sumakay din siya at tumabi sa akin. Wala kaming imikan sa habang nag babyahe kami, ramdam ang tesyong unti unting namumuo sa pagitan namin. Habang nasa byahe ay nagsimula siyang mag salita para basagin ang katahimikan namin.
Jeffrey: Jake..
Ako: hmm...
Jeffrey: Jake... panu kung sabihin kong...
Ako: anu?
Jeffrey: Jake... kasi...
Ako: naku jeffrey parang alam ko na hmmmppppp...
Isang halik ang kanyang ibinigay na walang pasabi o kung anu man, mas lalo ako naguguluhan sa nararamdaman ko ngayon, alam ko sa sarili ko may nararamdaman na rin ako para kay Jeffrey pero, Mahal ko ba rin ba si Jeffrey dahil sa nakikita ko sa kanya si Jom?
Itutuloy...
0 comments:
Post a Comment