Unexpected Love Chapter 3 (Jom)
Saturday, April 30, 2011
Natuwa man ako kanina dahil sa nangyari, pero ang saya ay biglang napawi dahil kasi sa biglaang pag labas ni Jam ng aking kwarto. Nang mapagtanto ko ang mga nagyari dali daling bumalik sa aking isip ang mga nagawa na siya naman naging dahilan upang mapasuntok ako ng malakas sa pader.
Umupo na lang ako sa sahig ng aking kwarto, magmukmok at nag isip ng p[araan kung paano ko sasabihin sa kanya na hindi ko sinasadya ang paghalik ko sa labi niya, siguro nga ay ginusto kong halikan siya pero dapat ay pinigilan ko ang aking sarili. Patuloy parin ako sa pagmukmok, makaraan ang ilang oras ay wala paring matinung pwede idahilan sa kanya.
Ako: Bahala na, basta magpapaliwanag ako sa kanya, sana tanggapin niya ang aking paliwanag. Hay buhay nga naman, bakit kaya mas masarap ang bawal? Naku bahala na si batman...
Lumabas ako ng kwarto at bumaba. Pagka tinging ko sa paanan ng hagdan ay agad kong nakita si Momy.
Ako: Momy, nakita niyo po ba si Jam?
Momy: Oo, pero nagmamadaling umalis eh.
Ako: Ha!? San daw siya papunta?
Momy: Aba malay ko, tao lang ako anak wala akong powers no. Baka pauwi na yun. Teka matanong nga kita bakit ganun bigla ang kilos ni Jam, may kinalaman ka ba?
Ako: Eh, momy, kasi...
Momy: Anung, “Eh, momy, kasi?”
Ako: A...E.....
Momy: I,O,U< naku anak memorize ko na ang english and tagalog alpahbet, kaya umamin ka na, tingnan mo ako sa mata, sabihin mo may alam ka ba sa inasta ni Jam ngayon lang?
Ako: momy, kasi.....ahm.....
Ganito talaga ang momy ko seryoso pero kadalasan eh kwela and cool, isa kasi sa pinaka- ayaw niya sa ugali ng isang tao ay ang nagtatago ng lihim o nasisinungaling. Kaya dahil dito alam na ni momy ang tunay kong pagkatao, at tanggap niya kung ano ako, ang tanging bilin lang niya eh wag daw akong gagawa ng isang bagay na pagsisisihan ko habang buhay.
Ako: Momy, kasi kanina nang nasa loob ng kwarto hinalikan ko si Jam.
Momy: Naku, ikaw talagang bata ka ang tigas-tigas ng ulo mo, mana ka talaga sa dady mo, hay... sumalangit nawa ang kaluluwa ng taong yun.
Ako: Si momy naman kung maka asta akala mo nirape ko si Jam, para simpleng halik lang naman yun eh. Saka po momy buhay pa si dady, diba sumakabilang-BAHAY lang siya.
Iniwan kasi kami ni dady, este pinalayas pala ni momy si dady mula nang mahuli nito si dady na may ibang babaeng kasiping sa loob ng kanilang kwarto habang tumutugtog ang ang kanilang Honeymoon or Lovemaking song ang
Kaya simula noonwala na kaming balita kay dady dahil narin sa pinaputol ni momy lahat ng connection ni dady sa amin, kabilang na ang credit card, cellphone, etc. at binawi din ni momy lahat ng binigay niya kay dady katulad ng kotse, mga alahas, pati nga wedding ring nila binawi ni momy at heto pa nag sampa si momy sa korte na bawal na si dady lumapit sa loob ng 10km wide radius mula sa aming bahay kundi ay ipapadampot siya sa mga pulis at ipapakulong or madadagdagan ang range ng exile ni dady. Kaya simula noon ay di talaga nag attempt si dady na bumalik or lumapit kay momy dahil na rin sa takot niya na makulong.
Momy: Hay naku, basta para sa akin patay na ang dady mo at ayaw kong maririnig nag pangalan niya mula sa iyo ha. Teka iniiba mo nanaman ang usapan eh, ikaw ang nasa hot seat ngayon. So anu na ngayon ang balak mong gawin?
Ako: Sus si momy oh ayaw daw marinig pangalan ni dady pero hanggang ngayon di niya parin pinapawalang bisa ang kasal nila. Naku momy sa pangalan ko palang maririnig mo talaga ang pangalan niya kasi po until now apeyido parin ni dady gamit natin diba.
Momy: Wag mong iibahin ang usapan JEFFREY, sagutin mo ang tanong ko. Anu na ang balak mong gawin ngayon?
Ako: Yun nga po eh. Di ko alam kung anu sasabihin ko sa kanya.
Momy: Naku Jom anak, may isa ka pang problema ngayon...
Ako: Anu pa ba mi? Anu pa ba ang mas lalala pa sa situwasyon ko ngayon?
Momy: Hindi anu kundi sino. Si Joana ang pinsan ni Jam, panu mo ngayon sasabihin sa kanya ang situwasyon ninyo ng bestfriend mo na pnisan niya?
Ako: Di ko na muna iisipin yun mi, tutal maliwanag naman sa kanya na simula pa noon alam niyang di talaga siya ang mahal ko,a t alam nanaman niyang show lang namin yun sa skwelahan, at wala talagang namamagitan sa amin.
Momy: Eh papanu si Jam ang alam talaga niya eh talgang girlfriend mo ang pinsan niya, saka sinigurado mo bang malinaw kay Joana ang lahat? Kasi sa nakikita ko eh seryoso siya sayo at wala siyang balak na hiwalayan ka dahil lang sa pinsan niya. Kaya kung ako ikaw ayusin mo na yang problema mo bago pa yan lumala. Ok?
Ako: Ok po momy, wag po kayong mag alala aayusin ko po lahat ng ito. Promise, cross my heart.
Momy: Hala siya sige, maupo ka na jan sa tayo’y kakain na..
Ako: Wow! Momy nag luto ka!? Himala! Sa wakas matitikman ko nanaman ang luto ng momy ko.
Momy: Oo na, tama na ang pambobola , nagluto ako kasi ang akala ko dito rin kakain si Jam pero hayun umalis, kaya hayan mag sawa ka sa paborito ninyong ulam dahil naparami ang aking niluto. At ako naman ay naluto din ng para sa sarili ko.
Ako: Salamat momy, did I ever tell you na you are the best and coolest mom in the world?
Momy: Naku anak, gas-gas na ang linya mong yan..mabuti pa kuamin ka nalang diyan ok.
Ako: heheh akala ko kasi uubra pe eh...
Itutuloy...
0 comments:
Post a Comment