Unexpected Love Chapter 9
Saturday, April 30, 2011
MJ Serafica as
Paul Diaz....
Pinit ko ang aking mga paa na mag lakad papasok sa skwelahan ni di ko ko kasi alam kung papaanu ko siya haharapin matapos ang mga nangyari, sa labas ng gate ng aming paaran ay naninigas ang aking mga paa at ayaw gumalaw sa kadahilanang di ko alam kung papaano ko haharapin si Jom. Isang malaim na buntong hininga na lang ang aking binitiwan bago pumasok ng skwelahan, habang nag lalakad ako papalapit ng papalapit sa aming silid aralan ay lumalakas ang kabog ng aking dib-dib na mistulangtatalon palabas ang aking puso at ang aking mga paa ko naman ay pakiramdam kong unti unting timutigas na parang ayaw nang gumalaw papalapit sa aming silid sa halip ay tumakbo papalayo at subkang pigilin ang aming napipintintong pag haharap ulit namin ni Jom.
kahit na sobra ang aking kaba ay pinilit ko paring pumasok, pag pasok ko sa aming silid ay si Anton agad ang sumalubong sa akin....
Anton: Jam!! anu na balita?
Ako: balita saan?
Anton: doon kung anu ang nangyari kay Jom, diba nga nag yaya siyang uminom.. anu daw problema niya?
Ako: wala.. gusto lang mag lasing ng mokong..(ang pag alibi ko.)
Aelvin: whe di nga.. naku tayo pa lolokohin ni Jom, eh kilala na natin yan, alam na man naitn na simula nang nag hiwalay sila ni.. alam mo na di na yan umuiinom ng basta basta na walng problema, kaya Jam umamin ka na kung anu ang problema nun ni Jom, nahiya pa kasi ang mokong samin eh...
Ako: Aelvin.. sinabi ko na ngang wala eh.. trip lan niayng uminom... kita nyo naman lupaypay ang mokong..
Anton: oh kita mo na... alam mo kung walang problema yun si Jom di yun iinom ng ganun..
Aelvin: kitam.... alam mo Jam ang isda nahuhuli sa bibig, kaya umamin ka na..
Ako: sinabi ko na ngang wala eh... ang kukulit nyo naman.... (ang inis kong tugon)
Anton & Aelvin: sige na sig na, di na po mangungulit...
Anton: pero malalaman din namin yan,kung anu man yang tinatago ninyong dalawa sa amin...
Ako: hay naku si mr tampo nanaman, sinabi ko ngnang wala eh, bakit naman kami ni Jom mag lilihim sa inyo, saka parepareho natin kilala si Jom, pag may problema yun eh tayo agad ang unang makaka-alam diba..
Anton: sige na nga.. di na kami mangungulit.. teka asan na ba si Jom?
Aelvin: oo nga asan na ba siya? Alam mo ba Jam?
Ako: nge!! Bakit ako? Ei may sarili naman kaming bahay hindi naman po isya nakatira sa amin kaya di ko alam kung asan na yun..
Anton: diba malapit lang bahay nila sa inyo. Bat di mo pinuntahan.
Ako: akala kokasi malalate na ako, kaya di na ako dumaan dun..
Aelvin: naku dati rati naman, kahit magkanda late late ka, ok lang basta sabay kayo ni Jom.
Ako: dati yun.
Anton: uuuuyyyy, parang may naamoy akong di maganda sa inyo ah, siguro yana ang ayaw mong sabihin...
Ako: ULUL bat naman kami mag aaway, bakit naman? Saka anu naman pagaawayan namin ha? At anu karapatan ko sa kanya bakit sinagot na ba siya?
Di nakasagot ang dalawa at nang marealize ko ang huli kong sinabi dun ako tinablang ng hiya, kaya napayuko na lang ako at pinilit kong huwag na lang umimik, nagabakasakaling di nila narinig ang huli kong sinabi. Nasa ganoon kaming pag uusap ng dumating ang aming professor at nagsimula nang mag lesson. Natapos ang buong araw ay walang Jom na nagpakita sa skwelahan kaya naman ay nag taka kaming tatlo kung bakit siya nag kaganun, di naman kasi ugali ni Jom ang lumiban sa klase. Nagpasya kaming tatlo na bisitahin si Jom pero biglang nag karoon ng emergency kila anton kay di daw siya makakasama at nang kami na lang ni Aelvin ay biglang sumama ang daw ag kanyang pakiramdam at di na lang daw siya makakasama sa akin kaya ang kinalabasan ay ako na lang ang pupunta kina Jom para tanuning si tita anabeth kung anu nagyari kay Jom.
Nag dadalwang isip ako kung ittutuloy ko ba ang pag punta sa kanila or sa ibang araw na lang, tulad ng naramdaman ko kanina bago ako pumasok sa paraalan ay patuloy ang pag lakas ng kabog ng aking dibdib at pag pag tigas ng aking mga binti, grabe ang aking kaba habang papalapit ako sa kanilang bahay pero itinuloy ko parin ang pag punta kahit na grabe ang aking kaba.
Nasaharap na ako ng bahay nila Jom at di ko alam kung pipindutin ko ba ang doorbell, kakatok or papasok na lang ako. Sanay na kasi sila tita sa akin kaya parang bahay ko na rin ang turing ko sa bahay nila Jom at kung minsan ay diretso lang ako sa pag-pasok sa kanila, pero sa pag kakataong ito ay parang tinablan ako ng hiya at di ko alam kung anu ang gagawin ko.
Kakatok na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at si Tita Anabeth ang sumalubong sa akin.
Tita: Oh Jam! anu ginagawa mo dito?
Ako: ah kasi tita, tatanungin ko sana kung anjan si Jom.
Tita: ah si Jom, naku wala siy dito. Andun kasama si....Pa....ul....
Ako: sino tita?
Tita: si PAUL
Ako: ahhh,akala ko kung sino..
Tita: sorry ha kung di ko sinabi na andito na siya..
Ako: ok lang yun tita, alam ko na po.. ako po ang unang naka alam na andito na siya kahapon pa.
Tita: ahhh, ganun ba so nagkita na pala kayo...
Ako: opo tita...anu daw po ginagawa dun ni Jom kila Paul?
Tita: ay pumunta kasi dito kagabi si Paul, tapos inanyayahan siyang doon muna matulog kahit ngayon lang daw, alam mo naman....
Ako: ahhhh ganun po ba... sige po tita alis na po ako...
Tita: sige... ingat ka anak.....
Balisa ako sa narinig mula kay tita na doon si Jom natulog sa hotel na tinutuluyan ni Paul. Di ko alam kung bakit ganito ang aking nararamdaman..kung bakit parang nagseselos ako, nagugugluhan ako sa mga pangyayari kaya nagpasya na lang ako na puntahan ang tambayan na kung saan kaming lima lang ang nakakaalam.. balisa akong nag lalakad at malaim ang iniisip ngunit habang nag lalakad ako ay napansin kong tila may sumusunod sa akin ngunit di ko ito pinansin dahil nga sa mga katanungan sa aking isip. Patuloy ako sa pag lalakad hanggang sa marating ko ang aming tambayan. Dito kasi kami nag tatamay kung wala kaming magawa pero sa aming dalawa ni Jom ay dito kami pumupunta pag hinahanap naming ang isa’t isa or kung maglalaro kami noong bata pa kami kaya ganoon ka espesyal para sa aming dalawa ang lugar na ito kayanatuwa rin kami noong mabuo ang aming barkada at dito na rin sila nag lagi, pero magkaganun paman ganun parin kaespesyal para sa amin ni Jom ang lugar na ito.
Habang nag iisip ako ay biglang dumating ang isang taong hinahanap ko, di ko alam kung sadyang ganun kalakas ang hatak sa amin ng lugar na iyon at talagang dumrating ang isa sa amin sa lugar na iyon pag andito ang isa, parang may alarm ang lugar na yun na sinasabi sa isa sa amin na andito siya or ako at kailangan kong pumunta dito. Lupit siya at agad kaming nag usap.
Jom: Jam?!
Ako: Jom!! (Sabay ngiti)
Jom: anu ginagawa mo dito?
Ako: ah eh kasi...
Jom: kasi anu?
Ako: kasi may sasabihin sana ko sa iyo, kaso wala ka naman sa inyo may pinuntahan ka daw.
Jom: ganun ba? Anu ba yun?
Ako: Jom, gusto ko sanang.....sabihin sayo......na.......
Jom: na anu?
Ako: shit!! Di ko alam kung papanu ko sasabihin eh
Jom: anu ba sabihin mo na (sabay hawak sa aking balikat, senyales na ok lang sa kanya ang aking sasabihin)
Kinakabahan man ako sa una per dahil sa pinakita niya sa akin an ok lang na sabihin ko na sa kanya ay nag ipon ako ng lakas ng loob para sabihin ko na sa kanya ang isa mga bagay na nagpapagulo sa aking isip at damdadmin..
Ako: Jom kasi tungkol ito dun sa pinag tapat mo sa akin...
Jom: anu naman yun..
Ako: gusto ko itanong sa iyo kung bakit?
Jom: tinatanong pa ba yan?
Ako: Oo, Jom tinatanong pa ang ganun.
Jom: kasi....
Ako: Kasi anu? Kasi pati ako naguguluhan na eh..
Jom: Di ko inaasahan na aabot sa ganito ang nararamdaman ko para sayo
Ako: anu ibig mong sabihin Jom, kasi talagang naguguluhan ako, gulong gulo na ang utak ko kaka-isip tungkol sa iyo, tungkol sa sarili ko at sa ating dalawa.
Jom: yun nga eh, Jam mahal kita!! Yun-yun wala nang kailangang paliwanag kasi sa nararamdaman ko para sa iyo nagkasundo ito (turo sa Utak) at ito (turo sa puso) kaya alam kong totoo ang nararamdaman ko at di ito basta-basta.
Ako: ako mejo magulo pa eh, pero dahil sa mga kaganapang nagnyari eh, pero Di ko rin inaasahan na aabot din sa ganito ang nararamdaman ko para sayo.
Jom: Jam, sinabi ko yun sa iyo para sa mabawasan na ang bigat na dinaramdam ko.
Ako: kaya nga ikaw nabawasan ang bigat. eh ako, anu satingin mo? mas bumigat ang nararamdaman ko, noon ko pa napapansin ang ibang claseng pag tingin mo sa akin pero di ko ito pinuna dahil sa iniisip ko na kaibigan kita at di ko dapat bigyan ng masamang kahulugan ang pagiging maasikaso mo sa akin.
Jom: ngayon alam mo na, na totoo ang hinala mo! anu ngayon ang gusto mo?
Ako: di ko alam Jom, pero....
Jom: pero anu?
Ako: sinasabi kasi nito (utak) di tayo pwede pero ito (puso) nag sisigaw na mahal na rin kita ng higit pa sa pagkakaibigan. Kaya nga naguguluhan ko di ko alam kung anu ang susundin ko (sabay patak ng mga luha)
Jom: Jam...Jam....shhhhh... wag ka nang umiyak please..... andito ako Jam, mahal kita pero handa akong mag hintay.
Ako: papanu kung di ko kayanin?
Jom: andito nga ako, sabihin mo lang kung di mo na kaya..
Ako: pwes Jom, di ko na talaga kaya ito, kaya mali man siguro pero sa pagkakataong ito siguro ay susundin ko ang sinasabi ng....
???: Oi mga pare anung ginagawa nyu dito?
Lumingon kami pareho para tingnan kung sino ang tumawag sa amin at sumira ng aming pribadong pag uusap.
Itutuloy...
0 comments:
Post a Comment