Chapter 12: Unbroken

Friday, February 4, 2011

"Unbroken 12"
"THE FINALE"
-It's Unbroken.-
-unbroken-


Ramdam ko ang init ng katawan ni Daniel. Nalalasap ng aking balat ng init ng kanyang paghinga. Sa pagkakalapat ng aming mga katawan ay ramdam ko ang pagpintig ng kanyang puso. Hindi pa rin umaalis ang kotse. Tahimik lahat ng tao rito. Walang gustong bumitaw sa aming dalawa. Nararamdaman ko ang pagdiin ng yakap ng aking lalaking pinakamamahal. Piniga ko pa ang aming mga katawan. Lalong diniinan ang pagkakadikit nito. Ayoko ng maalis ang init ng kanyang katawan sa akin.

Dahan dahang naramdaman ko ang pagdausdos ng kanyang katawan. Bumitaw sya mula sa aming pagkakayakap at tumitig sa akin. Nangungusap ang mga mata nito. Natutunaw ako sa titig ng kanyang mapanuksong mga mata. Inilapat nya ang kanyang noo sa akin,nagtatama ang aming mga ilong. Tila ba nageespadahan ang mga ito. Mula sa ganoong posisyon ay nasilayan ko muli ang pagguhit ng pakurbang linya sa kanyang mga labi. Namalas ko ulit ang ngiti sa kanyang mga labi. Wala pa ding nagbago,ramdam ko pa din na malakas si Daniel. Wala pa ding nagbago,alam kong kaya ni Daniel to. Alam kong magtatagal pa kami,magkasabay kaming tatanda at sabay kaming mamamatay.

Mula sa ganoong posisyon ay dahan dahang dumampi ang kanyang malambot na labi sa akin. Nalasahan ko muli ang tamis nun. Di ko maipaliwanag,automatic na lumaban ang aking mga labi. Ramdam ko ang pagmamahal. Ramdam ko ang sinseridad. Ramdam ko na parang walang nangyari,na hindi sya umalis at hindi nya ko iniwan. Halik palang niya ay parang nakabawi na sa lahat ng sakit na naidulot nya sa akin. Nasa ganoon kaming tagpo ng magsalita si Pixel.

“Te? Di na ba kayo makapagantay? Kailangan ngayon na mismo yung laplapan? Kaloka. May bata te oh? Parental Guidance te. Kaloka to.” Pabirong sabi nito.

Nangiti kami ni Daniel at sumulyap sa kanyang pamangkin na kanina pa nakatitig sa aming dalawa. Ngumiti agad ito ng makitang nakangisi ang kanyang tiyuhin. Maghawig nga silang magtiyuhin. Tumingin sa akin ang bata at ngumisi. Pagkatapos ay muli itong tumitig kay Daniel at nagsalita.

“Tito,lalab po?” utal nitong sabi habang nakaturo sa akin.

Natawa kaming lahat sa sinabi ng bata. Umakbay sa akin si Daniel at saka muling bumaling sa kanyang pamangkin.

“Opo. Lalab tito.” Sabi nito at nginuso ako.

Tawanan muli sa kotse.

“Babae sya tito?”Utal nitong tanong.

Sa pagkakarinig nito ay lahat ay humagalpak sa tawa. Ang kaninang mabigat na aura sa loob ng kotse ay nawala ng paunti unti. Umandar na ang kotse at nagdrive na si Carlos. Patuloy ang pagsariwa sa mga nagdaan. Napagtanto ko na mabuting tao pala si Ivy. Career woman kung diskarte ang basehan. Palaban din ang kanyang mga prinsipyo sa buhay. Nakaramdam ako ng pagkaguilty sa pagiisip sa kanila ng masama. Napatunayan ko na malaking bagay ang pakikinig kahit saang sitwasyon,lalong lalo na sa isang relasyon.

Ilang minuto pa ay naihatid na naming sila Daniel at Ivy sa kanilang tinutuluyang condo unit. Bago bumaba ay sinabihan ako ni Daniel na susunduin nya ako kinabukasan at kami’y mamasyal. Parang batang napangakuan ng pasalubong,nakaramdam ako ng excitement at sobrang ligaya. Ganoon pa rin kaya si Daniel? Sobrang discreet pa rin kaya sya? Hindi pa rin kaya pwedeng lambingin in public? Bahala na siguro. Magaantay nalang ako ng bukas.

After Ivy and Daniel’s pad,next stuff:Pixel’s house. Napagod daw kasi ang lola nyo sa kakalakad sa mall kaya kailangan na daw  nyang magpahinga. Nang Makita ang bahay ay agad na hinakot ang mga napamili nya. Ilang Segundo pa ay bumeso sa akin maging kay Carlos. Humiling pa na isama ko sya sa date naming bukas ni Daniel para daw makalibre sya ng pagkain. Natawa nalang ako sa inasal ng aking matalik na kaibigan. Bumukas ang pinto ng kotse,lumabas si Pixel at naisipan kong lumipat sa may driver’s seat,ang upuang malapit sa kinalalagyan ng lalaking nagmahal sa akin unconditionally,sa tabi ni Carlos. Sumara ang pinto,kumalabog,then there’s an awkward silence.

Umandar ang kotse. Walang imikan. Waring walang gustong magbukas ng bibig. Parang lahat ng gustong sabihin ay nailabas na sa kaninang komprontasyon. Ipinikit ko ang aking mga mata,hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Wala din naman atang balak magsalita si Carlos. Hindi ko alam kung ano ba tong nararamdaman ko ngayon,siguro nalulungkot ako na Masaya. Sobrang saya dahil alam ko sa puso ko na napatawad ko na si Daniel at naintindihan ko na lahat ng nangyari. Sobrang lungkot dahil alam kong matatapos na din lahat,hindi na kami makakapagsama ng matagal,alam kong mawawala na din si Daniel. Isang bagay pa na nagpapalungkot sa akin ng husto ay alam kong nasaktan ko ng husto si Carlos. Kahit hindi sya nagsasalita ay alam kong nasaktan ko sya ng sobra. Hindi ko alam,naging biktima kaming lahat ng panahon. Ako,si Daniel,si Carlos. Kung nagsalita si Daniel noon pa ay di na malamang umabot sa ganito lahat. Napigil ko sana ang galit sa puso ko. Kung nabigyan ako ng pagkakataong malaman na si Daniel pala ang pasyente na yun ni Carlos ay malamang mas matagal pa kaming nagkasama. Kung hindi nabalot ng takot si Daniel sa bagay na to ay kasama ko sya sa lahat ng hirap nya,hindi na din sana napasok sa eksena si Carlos,hindi ko na sana sya nasaktan ng husto. Napabuntong-hininga na naman ako kasabay ng pagbagsak ng luha mula sa aking kaliwang mata.

“Ayan ka na naman FR,di ba sabi ko sayo wag ka nang nagbubuntong-hininga?”sabi nitong pinipilit na maglambing kahit bakas naman sa tono ang matinding kalungkutan.

“Carlos,I can’t help it. Naging napakabuting tao mo sa akin. You don’t deserve to be hurt. Alam kong nasasaktan ka ngayon,pero gusto kong sundin ang puso ko this time.”Humihikbi kong sabi.

Iminulat ko ang aking mga mata at tumingin kay Carlos. Nakita kong pinipilit nitong ngumiti kahit na may luha na sa mga mata nito. Inangat ko ang aking kamay at pinahid ang luha sa kanyang mga mata. Hininto nya ang kotse at agad na kinuha ang aking kamay at hinalikan ito. Naramdaman ko ang lungkot. Naramdaman ko ang matinding awa sa kanya. Mahal na mahal ako ni Carlos. Ngumiti ito sa akin at pinahid ang kanyang mga luha.

“Ano ba FR? Wala sa akin yun. Masaya ako sa lahat ng naibigay mong attention at saya. Siguro hindi pa natin talaga panahon to. Wala akong pinagsisihan sa lahat. Naging Masaya ako sa mga nakalipas na taon dahil na rin sa tulong mo. Naranasan ko maging Masaya. Napatunayan ko sa sarili ko na marunong pa rin pala akong magmahal. Kaya ayos lang sa akin lahat. Wag kang magalala. Magiging okay ako.” Mahaba at umiiyak na sabi nito.

Tuluyang bumigay ang aking mga mata. Muling bumuhos ang sandamakmak na luha. Siguro kung pwede lang maging hobby ang crying,sinulat ko na yun sa slumbook. Hindi ko alam kung anong dapat ko pang maramdaman. Naguguilty ako sa nangyari dahil nakapanakit ako ng tao,pero siguro hindi naman masama magpakaselfish minsan pag ganitong kaso na ang nangyayari. Kailangan kong makasama si Daniel kahit sa mga huling saglit man lang. Laking pasasalamat ko kay Carlos.

“Carlos maraming maraming salamat.”

“Wala yun FR.  Hindi na mahalaga kung anong mangyayari sa akin. Ang mahalaga maging Masaya ka,kung sino man ang piliin mo,panindigan mo,at maging Masaya ka. Alam ko na mahal mo si Daniel. Pinapalaya na kita. Kahit hindi ka naging akin,I think I have the right to say this. “I’m letting you go now FR. I will be praying for your happiness. Tandaan mo na nandito lang ako.” Sabi nito.

“Salamat Carlos. Ang mahalaga ay makasama ko si Daniel.”

“Oo FR. Crucial na ngayon,siguraduhin mong malakas ka at hindi ka magpapakita ng kahinaan kay Daniel. Kailangan nya ng suporta at pangunawa. Tandaan mo,wag na wag kang panghihinaan ng loob,I’m really sure na sa’yo kakapit at hihingi ng lakas si Daniel. Tibayan mo sarili mo FR.”

“Kakayanin ko Carlos. Alam kong hindi ako papabayaan ng Diyos. Hinding hindi.

Muli,naramdaman ko ang yakap ni Carlos. Naramdaman ko ang pagpintig ng kanyang puso. Naramdaman ko ang laki ng kanyang mga bisig. Pareho na kaming lumuluha,ako na Masaya mula sa basbas ng isang lalaking nagpalaya sa akin,at siya na lumuluha dala ng isang malungkot na kaganapan. Siguro ganoon na nga ang buhay,lahat ng bagay ay sinasadya ng Diyos na mangyari para maging mas okay tayo. May nilaan syang iba para sayo. Na mas maraming magandang bagay ang mangyayari kapag natututo tayong makinig,umunawa,magpatawad at

Bumaba na ako ng sasakyan at nagpaalam kay Carlos. Malungkot ako na Masaya. Nararamdaman kong malapit na tong matapos.

❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀

Tulad ng napagusapan kahapon,sinundo ako ng maaga ni Daniel. Gumala kami at nagdate na parang magsyota. Walang pakialam sa mundo pero pinipilit pa ding lumugar. Kumain kami sa isang barbecue store dito sa may Ortigas at nagtake out ng Caramel Sundae. Wala ata kaming pagod sa kakalakad. Habang lumalakad ay kumakain kami ng biniling Hong Kong noodles at ng Caramel Sundae na tinake out sa McDo. Walang humpay ang aming kwentuhan at paggunita sa lahat ng pinagdaanan.

“FR. Mahal kita.”

“Daniel mahal kita.”

“Mas mahal kita.”

“Hindi mas mahal nga kita.”

“Okay. Talo na ko,mas mahal mo na ko.” Sabi nito.

“Oo naman. I wouldn’t be here if I don’t.” pabiro kong sabi.

“I wouldn’t return if I don’t din. Magpapaagnas nalang ako sa Amerika pag namatay ako.” Pabiro nitong sabi.

Nagitla ako sa narinig at nainis. Pag tipong yung sakit na nya napapadpad ang topic hindi ko maiwasang di malungkot kaya nagagalit ako sa tuwing pinapaalala nya.

“Gago. Mabubuhay ka pa ng matagal.” Sabi ko.

“Sana nga FR. Kung kailan may dahilan na ko ulit para mabuhay.” Sabi nito.

“Bakit Daniel? Gusto mo na ba mamatay?” naiinis at naiiyak kong sabi.

“Natatakot akong mamatay FR. Yun ang totoo. Hindi ko din alam kung saan ako mapupunta. Kung sa langit ba o kung saan man. Natatakot ako FR.”

“Kaya nga wag muna na isipin diba? Isa pa mabubuhay ka. Impossibleng hindi.” Naiiyak kong sabi.

“Malala na daw yung sakit ko sabi ni Carlos at ng iba pang kasamahan nyang doctor. Kumalat na daw yung cancer cells FR. Parang sa gamot,nagaantay nalang ako ng expiration date.” Sabi nito.

Sa pagkarinig ko noon ay biglang pumatak ang aking luha. Naiinis ako sa kanya. Pinipilit kong alisin sa isip ko na mawawala na sya. Pero sya naman ay laging sinisiksik sa kukote ko na malapit na maupos ang kandila ng buhay nya. Hindi ko sya maintindihan. Anong point nya para gawin laging ganito? Di ko maiwasang lumuha ng husto. Nakita nya akong umiiyak at sya ay napabuntong-hininga.

“FR. Ayokong Makita kang umiiyak. Please?” sabi nito.

“Gago ka pala hon eh,ayaw mo kong umiiyak pero wala kang ginawa kundi ipaalala sa akin na mamatay ka na? Isinisiksik ko sa utak ko na okay ang lahat. Na wala kang sakit at magiging okay ang lahat. Pero ikaw? Anong ginagawa mo? Pinapabigat mo lang ang nararamdaman ko.” Umiiyak kong sabi.

“Hon,kaya ako ganito kasi gusto kong maging handa ka. Para in case na may mangyari ngang di maganda sa akin eh kahit papaano ay ineexpect mo na. Hindi ka na masyadong masasaktan o magugulat. Alisin mo sa isip mo na mabubuhay pa ako,kasi alam kong hindi na. Bilang nalang ang mga araw o buwan na itatagal ko.”sabi nitong malungkot.

“Eh di sana hindi ka nalang din bumalik. Mas pinahihirapan mo ko sa ginagawa mo. Ayokong isipin na mawawala ka. Sana hindi ko nalang nalaman to,sana hindi ko nalaman na bilang na mga araw mo. Sana nilihim mo nalang lahat. Kasi pag mawala ka pa ngayon sa akin,hindi ko alam kung anong mangyayari na sa akin.”sabi kong basa ang mata ng luha.

“Bakit mo iisipin na mawawala ako? Pwedeng mawala nga ang presensya ko dito. Pwedeng hindi na kita makasama physically,pero sure ako na maiiwan ko yung pagmamahal ko sayo. Alam mo ba kung bakit lagi kong sinasabi sayo yan?”

Di ako umiimik.

“Hon,tinatanong kita. Alam mo ba kung bakit lagi kitang nireremind?”sabi nito.

Dedma.

“Alam mo ba kung bakit ko laging pinapaalala ko sa’yo na malapit na kong mawala?”Tanong nito na medyo napataas ang boses.

“Bakit?”mahina at umiiyak kong tugon.

“Para matanggap mo yung situation. Paano ako huhugot ng lakas sa iyo kung nanghihina ka din? Sa lagay natin ngayon eh mas malakas pa ako sa iyo emotionally eh.I know that I am dying FR,all we have to do is to accept it. Pag natanggap na natin pareho mas magiging masaya ang nalalabing mga araw ko.”sabi nito.

Nagulat ako sa narinig. Tama si Daniel. Gumagawa ako ng ilusyong alam kong makakasakit din sa akin in the end. Ngayong alam ko nang kumplikado na lahat ng bagay hindi ko pa din matanggap lahat. Yun ang dapat kong magawa ngayon. Dapat matanggap ko na kahit anong tambling ko ay malapit na ang wakas. At wala na din akong magagawa kung hindi tanggapin.

“Mahirap Daniel. Kung alam mo lang kung gaano kahirap tanggapin. Kung alam mo lang.”

“Kung nahihirapan ka paano pa ako? Kung alam mo lang kung gaano kalaki ang desire ko mabuhay,lalo pa't okay na tayo ulit. Naiintindihan kita FR. Mahirap,pero I want you to be strong. Paano ako tatagal kong nanghihina din ang lalaking pinakamamahal ko na kinukunan ko ng lakas?” sabi nito.

“Oo hon. Naiintindihan ko na. Basta mahal na mahal kita.”

“Okay. From now on,hindi na natin paguusapan ang bagay na to. Kunwari wala lang,pero gusto kong unti-unti mong tanggapin lahat. Para kung sakaling may hindi magandang mangyari,handa ka. Okay ba yun FR?”mahinahong sabi ni Daniel.

“Opo hon.” Sabi ko.

Sa madaling sabi,natapos ang usapan. Habang lumilipas ang mga araw,kahit papaano ay unti unti kong natatanggap ang mga bagay bagay. Alam kong masakit pero nangyari to dahil may dahilan. Siguro dapat pa nga akong magpasalamat ng husto dahil pinahintulot pa ng Diyos na makasama ko sya kahit sa mga huling araw man lang. Isa pa ay dapat din akong makapagpasalamat dahil hindi sya nakakulong sa mga kwarto ng ospital tulad ng ibang pasyente. Sabi ni Carlos ay hindi na din daw dapat iconfine si Daniel dahil mas mabobore ito at baka lalo lang mapaaga and deadline.

Dec 24. 2PM.

Para akong batang naeexcite dahil sa paparating na pasko. Nakabili na ako ng regalo sa aking pamilya,kay Pixel,kay Carlos,kay Ivy at syempre pati na rin kay Daniel. Katatapos lang ng anniversary namin ni Daniel which is Dec.22,pinasya naming ituloy yung naputol naming pagsasama kaya 6th anniversary ang sinelebrate naming nung nakaraang araw.

Dahil bisperas na ng pasko,nangangamoy pagkain na naman sa bahay. As usual,dumaan si Pixel sa bahay para makikain at magbalot ng niluluto ni Mama. Garapalan.

“Mudra,like ko yung Carbonara mo. Matagal pa ba yan?” Tanong nito sa aking nanay.

“Hindi naman anak. Wala itong 48 years. Wait mo nalang.” Malambing na sabi ng aking nanay.

“Best,iwan na muna kita dito ha? Puntahan ko si Daniel sa pad nya.” Sabi ko.

“Why best? Eh di ba sabi ni Daniel pupunta sila nila Ivy dito? Tumulong ka nalang muna dito. Kahit ako nalang susundo don. Bet mo?” tanong nito.

“Ay oo nga pala. Okay lang ba na ikaw ang sumundo?” tanong ko.

“Oo naman best. Basta pagbalot mo ako nung Carbonara.”sabi nito.

“Oo na. Di naman mauubos yan no.”

“Pati yung adobo best,bet ko yun.”

“Oo nga eh. Ang kulit. Lahat ibabalot pati tutong ng kanin kasama.” Sabi ko.

“Sige na fly na ako bestfriend. Mudra gtg ha? Brb mudra! Lafangga natin yan.” Sigaw nito sa aking nanay.

“Oh sige anak ingat ka. TCCIC.” Pabiro nitong sabi.

Nakalabas na ng pinto si Pixel. Nagligpit ligpit ako ng mga gamit sa may sala ng biglang bumukas ang pinto.

“Oh best? May naiwan ka ba?”

“Oo best. Bigyan mo akong pangtaxi. Kahit 300 lang best. Wit ko bet maglakad.”sabi nito.

“Nagpepresenta ka eh wala ka naming pamasahe.”

“Ano ba yan? Nagmamagandang loob na nga ako di mo pa ko bibigyan ng pamasahe? Puki ka.”

“Okay fine. Eto oh.” Sabi ko sabay abot ng pera.

Lumipas ang ilang oras,nakakapagtaka at wala pa rin sila Pixel dito sa bahay. Hindi ko maiwasang hindi magalala. I kept calling Daniel’s number pero wala naming sumasagot. Pati si Pixel ay ganoon din,uso ba ang mga phone na “unattended” pag bisperas ng pasko?

“Ma? I think I have to go there po. Ang tagal nila eh,susundan ko na.” magiliw na sabi ko sa aking nanay.

“Okay. Gora nak. Ingat ha?”

“Opo nay.”

“Anak,tatagan mo,tandaan mo,sa’yo ngayon humuhugot si Daniel ng lakas.” Sabi nito sabay ngiti.

Lumabas agad ako baon ang mga salita ng aking Ina. Tama sya,alam kong kailangan nya ako. So this time I won’t let him down. Nagabang agad ako ng taxi na dadaan. Naramdaman kong nagvavibrate ang phone ko at agad kong kinuha ito. Nakita ko ang pangalan ni Ivy sa screen,nakaramdam ako ng kaba. Dali dali kong pinindot ang answer key.

“Hello Ivy?”

“Kuya FR,nasa ospital si Kuya Daniel. Punta ka na dun. Bilisan mo kuya.” Humahangos nitong sabi.

“Ha bakit? Ano bang nangyari?” natataranta kong tanong.
“Nakita daw ni Pixel si Kuya na nakahiga nalang sa sahig. Hawak daw yung bote ng gamot Kuya FR.”

“Ha? Paano nadala ni Pixel si Carlos dun?” naiiyak kong sagot.


“Kuya,amazona ata yung bestfriend mo,nabuhat daw nya si Kuya Daniel.”naiiyak nitong sabi.

FUCK. Eto na. Agad akong nakapara ng taxi at sumugod sa ospital. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Lord please,wag muna ngayon. Magpapasko po. At tumulo ang aking luha. For the first time in history ng EDSA,wala pang 30minutes ay nakarating ako sa Medical City sa Ortigas. Parang kabayong tumakbo at humahangos na pumasok sa room 428.

Agad akong pumasok sa kwarto at naabutan kong nakaupo si Pixel sa upuan malapit kay Daniel. Dali daling nilingon ako ng una at niyakap. Nasulyapan ko si Daniel sa kanyang higaan. Medyo may kaputlaan ang kulay. Nakaratay.Nakaramdam ako ng awa at panghihina. Ako’y napaluha. Agad itong napansin ng aking kaibigan.

“Oh bakit ka umiiyak? Wag na wag mong ipapakita kay Daniel na umiiyak ka. Anong iisipin nyan?”sabi nito.

“Oo best. Kaya ko to.” Pinilit kong ngumiti.

“Oo naman. Kaw pa,big girls don’t cry diba?” sabay bungisngis nito.

“I know right?”Pabiro kong sabi.

Agad naalimpungatan si Daniel sa usapan namin ni Pixel. Ngumiti ito at sinenyasan ako na lumapit sa kanya. Pumunta ako sa kinaroroonan at agad ko syang ginawaran ng halik sa kanyang labi. Tumingin sya sa akin at ngumiti. Matamis ito. Mukha pa rin syang masaya kahit alam nyang nanghihina na sya. Kahit naaawa ako ay hindi ko ito pinakita. Pinipilit kong iproject na wala lang at normal ang lahat. Pakiramdam ko naman ay nagiging magaling na aktor na ako sa aking mga ginagawa.

“Oh? Hon,anong nangyari? Sabi ni Ivy sa akin ay nabuhat ka daw ni Pixel.”

“Oo nga. Ewan ko kung paano. Nawalan na din ako ng malay eh.” sagot nito.

“Pukibels best. Imagine nabuhat ko yang lalaking yan? In all fairness mabigat sya ha? Nabuhat ko sya sa labas,narealize ko na pwede pala akong tumawag ng tulong diba? So megashout ako sa labas ng Help! Help! Pero witet naman nakakarinig. So mega takbo naman ako sa elevator habang buhat ko sya. Ayun,successful ko namang naitakbo yang jowa mo sa lobby. Aba ang mga potang SG...

“Anong SG?”Sabat ni Daniel.

“Te? Update mo yang utak mo ha? SG! Security guard.”

“What's with the security guard? Kuwento mo na kasi.”demand ko.

“Paano ko kwento eh pinuputol nyo ko? Ayun nga. So buhat ko sya? Aba ang mga mokong,ang sweet daw namin,honeymoon daw ba? Naloka ako sa narinig ko. So mega shout ako sa kanila ng “Manong puki mo,tumawag ka ng ambulansya.” Ay ayun,dun nila narealize na emergency pala. Ayun.” mahabang turan nito.

“Amazona ka talagang babae ka. Lakas mo pang kumain,babae ka ba talaga?” pabirong sabi ni Daniel.

“Ayy te,subukan mo kaya? Me pepe ako no? Kapal mo.” pabirong sabi nito.

Napuno ng tawanan ang kwarto. Ilang minuto pa ay dumating na din sila Ivy. Carlos checked Daniel at umalis din agad para icheck ang iba nitong pasyente. Dahil sa lakas ni Daniel kay Carlos,pumayag na din agad ito na marelease ito dahil ayaw na din ni Daniel magpasko sa ospital.

10 PM.

Doon na sa bahay umuwi sila Daniel at Pixel. Ivy's going to spend her Christmas kasama ang tatay ng kanyang anak. Mukhang nagkaayos na ata sila. Carlos said na susunod sya sa bahay after matapos ng ginagawa nya. Puro kwentuhan sa loob ng bahay. Makikita mong masayang nagkekwentuhan sila Daniel,Pixel at si mama. Masayang masaya sila sa kanilang balitaktakan. Kakaiba ang ngiting pinapakita ni Daniel. Hindi ko alam kung nakakaramdam ba sya ng Physical pain o hindi. Masaya syang nakikitawa sa bawat banat ni Pixel pero alam kong may mali. Pumunta sya sa kwarto kung saan ako naroon at tinawag ako sa labas.

“Hey hon,bakit kanina ka pa nakasilip sa bintana? Pinagmamasdan mo kami?”malambing na sabi ni Daniel.

“Oo. Wala ang cute nyo lang tignan nila mama. Nakakatuwa.” sabi ko.

Lumuhod si Daniel at hinawakan ang mga kamay ko. Hinalikan ako sa labi. Tumitig sa mga mata ko at ngumiti. Sobrang sarap ng pakiramdam ko,parang sanggol na pinaghehele. Mahal na mahal ko si Daniel.

“FR,hon,gusto kong magpasalamat sa lahat lahat.” sinserong sabi nito.

Nakaramdam ako ng panghihilakbot. Hindi ko alam kung bakit. Tumingin ako sa mga mata nito at hindi ko napigilang lumuha. Nasilayan ko ang mga mata nito na lumuluha. Pareho kaming umiiyak. Ako na dahil sa takot,sya na dahil sa kasiyahan.

“Hindi mo dapat ako pasalamatan. Ako dapat dahil binago mo ako.” sabi ko.

“Salamat sa pagmamahal FR. Sa lahat ng nangyari kahit na naging magulo lahat,di mo ko iniwan. Salamat sa unconditional love na binigay mo.”

“Wag mong isipin yon. Ganoon naman ata yun eh,basta mahal mo yung tao,willing kang magbigay.” sabi ko sa kanya sabay ngiti.

“Sa maraming taon ng pagsasama natin,ni minsan hindi ako nagsawang mahalin ka. Hindi ako nakalimot na mahal kita or what. I may be strict at discreet most of the time FR,pero tandaan mo na hindi nagfade kahit kailan ang nararamdaman ko sayo. Mahal kita mula sa dulong strand ng buhok ko hanggang sa dulong kuko sa paa ko. Mahal kita sunod sa Diyos. Mahal kita. Mahal na mahal.” mahabang sabi nito. Umiiyak.

Nakaramdam ako ng kakaiba. Sobrang saya dahil sa mga sinasabi nya. Takot na takot dahil pakiramdam ko ay nagpapaalam na sya. Itinayo ko sya at ginawaran ng isang masarap na halik. Pinahid ang luha sa kanyang mata gamit ang aking mga labi. Niyakap ko sya ng mahigpit. Ilang segundo pa ay para na kaming mga baliw na  sumasayaw ng waltz kahit walang tugtog. Kumalas sya sa aming pagkakayakap at tumitig sya sa aking mga mata.

“Punta tayo sa Subic? I want to see the sunrise FR.” malambing nito sabi.

“Kailan hon?”tanong ko.

“Ngayon. After ng noche buena.” nakangiti nitong sabi.

“Ha?”

“Sige na. Ako na bahala sa lahat, Naayos ko na. Trust me.”

Para akong batang tumango. Tila ba nahypnotize para pumayag. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng kakaiba. Hinawakan nya ang aking kamay at sabay kami lumbas ng kwarto. Nakahanda na lahat sa mesa. Nandun ang buong pamilya at si Pixel. Nakaupo na sa mga upuan lahat. Kaming dalawa nalang hinihintay. Agad kaming umupo at nagsimula na ang kainan. Nagenjoy sa lahat sa salo-salo lalo na si Pixel. Inilabas din ang mga nabiling regalo at nagpalitan. Masaya ang noche buena.
Natapos na ito. Ilang segundo pa ay 12mn na. Sabay sabay kaming naggreet ng Merry Christmas sa isa't isa. Ilang minuto pa ay tumayo si Daniel at hinatak na ako sa labas. Pinasakay ng kotse at lumarga patungo sa Subic.

“Hon,can you drive?”tanong kong nagaalala.

“Yup. Ako pa?”

“Okay. Pag di na maganda pakiramdam mo ako na magdadrive.”alok ko.

“Kailan ka pa natuto magdrive?”

“Recently,natapos kung yung driving course sa A1.” pagmamayabang ko.

“Astig ah. Wag na. Ako nalang kambyuhin mo. Dali.”pabiro nitong sabi.

“Adik ka. Kambyuhin kita dyan eh.” naglalambing kong sagot.

Patuloy sya sa pagdadrive ng tumawag si Pixel. Nagaalala daw si mama at saan daw ba kami pupunta. Pinaliwanagan ko sila na babalik din kami agad ni Daniel. Ilang minuto pa ay nasa Nlex na kami. Wala masyadong trapik. Nakisama ang panahon. 4:30 A.M ng dumating kami sa resort. Agad kaming nakapasok dahil na rin sa reservation na ginawa ni Daniel. Nakakuha agad ng lugar for parking at ng kwarto.

“Sakto dating natin ah. Tara na antayin na natin ang sunrise.”lambing nito.

“Maya maya hon. Inat inat muna tayo dito. Aga pa.” tanggi ko.

“Dali na po. Please?” kwentuhan tayo habang nagaabang ng araw. Please?”lambing nito.

“Okay.”

Agad nya akong hinatak sa dalampasigan. Umupo kami sa buhangin careless sa kung anong suot namin. Nakaupo kami habang pumapalo sa aming mga paa ang maliit na alon. Malamig ang kiliti ng hangin sa aming mga balat. Sabay naming pinagmamasdan ang pagsikat ng araw. Ngayon ay dark blue pa ito.

“Ang tagal ng araw hon.” sabi nito.

“Bakit ba parang excited na excited ka?”pabiro kong sabi.

“Ewan ko ba. Gusto kong maramdaman yung dampi ng araw sa balat ko. Namimiss ko yun hon.” magiliw at mahinang sabi nito.

“Ganoon ba? Sige. Walang tulugan ha? Baka naman tulugan mo ako hon?”sabi ko.

“Hindi ahh. Bakit naman kita tutulugan?” pagmamayabang nito.

Ngiti ang sinagot ko sa kanya sabay pisil ng kanyang ilong. Pareho kaming nakatitig ngayon sa langit. Unti unti nang lumalabas ang araw. Makikita mo ang bilog na hugis nito na nagtatago pa sa kabundukang nababalot pa rin ng fog. Tila magandang background music ang hampas ng mga alon sa mga bato. Pag tumingala ka sa langit makikita mo napakagandang blending ng kulay nito. May mixture ng blue,violet,orange,dark blue at dilaw.

“Hon. Ang ganda ng sunrise.” sabi ni Daniel.

“Oo nga. Ang sarap pagmasdan.”sagot ko.

Mula sa pagkakahilig ng kanyang ulo sa kanyang balikat ay naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang malalambot na labi sa aking pisngi. Wala syang pakialam kung may nakakita man o wala. Gumanti ako. Hinarap ko sya sa akin at dahan dahang pinagtama ang aming mga labi. Ginawad nya sa akin ang pinakamatamis na halik sa buhay ko.

“Kahit anong mangyari,mahal na mahal kita FR. Kung wala na siguro ako I will be your guide.I will be your angel. I will gently kiss your lips while you sleep. When you feel cold I will be your warmth. I will be the one to tap your shoulder when you feel alone. Syempre lastly pag naliligo ka bobosohan kita.”malambing at mahina nitong sabi.

“Ang libog mo naman angel ka.” pabiro kong sabi habang nagpipigil ng luha.

“Ang ganda ng araw. Nakikita ko na hon. Nakikita ko na.” sigaw nya na parang batang nakakita ng kaibigang matagal na di nakita.

Hindi ako makapagsalita. Tunay na maganda nga ang bukang liwayway. May dala itong bagong pagasa. Magkahawak ang aming mga kamay na nakaupo sa buhangin. Pinapakiramdam ko ang bawat galaw at kilos ni Daniel. Hindi ko maipaliwanag. Hindi ko mabatid kung ano bang nararamdaman ko.

“FR. Mahal na mahal kita. Ang ganda ng sunrise. Basta tatandaan mo na pag dumilim na ang mundo mo,laging may sunrise,laging may bukangliwayway na sasalubong sa'yo at magbibigay ng bagong pagasa. Hindi natatapos ang mundo sa dilim. Lagi mong hanapin ang liwanag.” ngumiti ito.

“Hindi kita maintindihan Daniel.” At biglang pumatak ang aking luha.

“Ayokong makita kang umiiyak FR. Basta mahal na mahal na mahal kita. Tandaan mo yan. Kung may isang taong malulungkot ng husto pag malungkot ka. Ako yun. Sa lahat ng nangyari sa atin napatunayan ko kung gaano kita kamahal. Mahal kita ng sobra. Kasing kulay ng bukangliwayway ang pagmamahal ko sayo,para din tong sunrise na hindi natitinag,hindi nawawasak,unbroken.” at ngumiti ito ng matamis,pumikit at humilig sa aking mga balikat.

Alas sais na ng umaga at naghari na ang araw sa kalangitan. Nanatiling nakahilig si Daniel sa akin. Ramdam ko ang kanyang mahinang paghinga. Kinakabahan ako pero hindi ko pinapahalata. Hinihimas himas ko ang kanyang hita.

“Hon,okay ka lang ba?”tanong kong kinakabahan.

“Oo hon. Okay lang ako. Medyo inaantok lang.”

“Sige sandal ka lang. Alam kong antok ka na eh. Alam mo ba na mahal na mahal kita?”tanong ko.

“Oo naman. Alam ko at ramdam ko.”mahina at mahanging sagot nito.

“Bakit iba na boses mo? Ayos ka lang ba? Tatawag na ko ng ambulansya.” natatkot kong tanong.

“Okay lang ako. Pagod at antok lang to. Ituloy mo na yung sinasabi mo.” sagot nito habang nakapatong ang ulo sa aking balikat.

“Mahal na mahal kita. Alam mo at alam ng Diyos yan. Natutunan ko lahat ng bagay dahil sa'yo. And I can really say na malaking blessing na dumating ka sa akin.”

Nanatiling tahimik si Daniel.

“Naaalala mo pa ba dati?Sabi mo pag lumagpas tayo ng 5 years magsasama na tayo sa bahay? Eh paano yan? 6 years na tayo hon?”naiiyak kong sabi.

Tahimik.

“Naaalala mo ba nun dati hon? Hinabol tayo ng aso nung once na gumimik tayo sa Malate? Sobrang takot ko noon. Ang bilis mo nun hon,natatawa ko nung hinubad mo yung sapatos mo at binato mo dun sa aso para hindi na tayo habulin.”

Walang sagot. Nakaramdam ako ng kakaiba.

“Hon? Tulog ka na ba? Sumagot ko naman oh.” umiiyak kong sabi.

“Hon? Akala ko ba walang tulugan?”

“Naalala mo ba nung una tayong nagkita? Akala ko non straight ka.” Sabi ko sabay patak ng aking luha. “Hindi mo nga ako pinapansin non eh,nagulat nalang ako nung tumawag ka. Laking pagtataka ko kung paano mo nakuha yung number ko pero sobrang kilig ko that time.” Umiiyak kong sabi.

“Do you still remember the first time you said I love you sa akin? Full moon yung ng August 6 years ago.”ako ulit.

“Daniel,alam mo mahal na mahal kita.”

“Daniel,ano nga ulit yung iaadopt nating baby? Lalaki ba o babae?”

“Daniel?”

“Daniel bakit di ka na nagsasalita? Sabi mo naman walang tulugan ah?” sabi kong humahagulgol.

Kasabay ng aking pagluha ay ang pagbagsak ng malamig na katawan ng aking pinakamamahal. Niyakap ko ng mahigpit ang kanyang katawan. Wala na akong maramdamang pintig sa kanyang puso. Hinalikan ko ang kanyang labi. Wala na akong naramdamang hininga. Tinitigan ko ang kanyang mukha. Nakapikit na ang kanyang mga mata at payapa na nyang kasama ang Ama sa langit. Iniwan na ako ng aking pinakamamahal. Susubukan kong maging matatag. Kakayanin ko. Mahal ko si Daniel Diyos ko,wag mo syang papabayaan sa kanyang bagong mundo.

“Daaaannnnniiiiieellllllllll!!!!”

WAKAS.



4 comments:

Myx February 10, 2011 at 11:54 PM  

Kuya Jayson, ikaw ang nagsulat ng "Unbroken" db?
Salamat sa magandang kwento ah...
Isa kp, pinaiyak mo ko...hehhe piz!
Love it kuya Jays...

Jayson February 11, 2011 at 1:51 AM  

Myx...so Rovi Yuno ng TFE ang nagsulat ng UNBROKEN, nako dapat kasi nilalagyan nila ng pangalan nila ang mga post nila..anyway nasa poster naman ang name niya MYX...

Myx February 11, 2011 at 4:59 PM  

hehe cnxa nmn...di ko napancn. haha
astig!!!
salamat sa info kuya Jays :D

Brye Servi May 8, 2011 at 3:33 AM  

ang lungkot na masaya na ewan.
haaay. pagg-ibig nga naman.
spread love peeps. ♥

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP