No Boundaries - C10

Tuesday, February 1, 2011

Si Sandra ang Unang Pag-ibig ni Nicco

“Sandra, halika lumapit ka dito.” tawag ng lalaki kay Sandra na nuon ay walong taon pa lamang.
Unti-unting lumapit si Sandra sa lalaki. “Daddy ikaw ba yan?”
“Oo anak ako nga” sagot ng lalaki.
Pamaya-maya pa ay sumigaw ang batang si Sandra “Daddy wag po” umiiyak ang kawawang bata.
“Hayop ka, ano ang ginagawa mo sa anak ko” sabi ng isang tinig sabay hampas sa likod ni Roberto ng isang silyang gawa na narra.
Nagising si Sandra sa yugyog ng kanyang ina. “Nananaginip ka ata iha?” tanong ni Aling Florencia “naalala mo na naman ba ang tito Robert mo?”
“Ah, opo” matipid na sagot ni Sandra.
“Anak, huwag mo na lang isipin iyon. Matagal ng lumipas iyon. Wala kang dapat ipag-alala. Matagal ng namatay ang tito Robert mo. Hindi ka na nya magagawan pa ng masama.”
“Opo inay, alam ko po iyon, kaya lang patuloy pa din akong dinadalaw ng bangungot na iyon” saad ni Sandra “pero alam nyo inay lalong akong napatibay nang pangyayaring iyon.” Dagdag pa ng dalaga.
“Aba, mainam kung magkagayon” pagsang-ayon ni Aling Florencia “hala, sige mag-ayos ka na at lumabas ka na para kumain ng agahan.”
“Sige po inay” magalang na sagot ni Sandra.
Si Sandra Bea Marie Navarro ay anak ng nasirang si Josefino Navarro at ni Senyorita Florencia Navarro – Peralta na napangasawa naman ni Roberto Peralta matapos mamatay ang asawa nitong si Josefino. Ang kanyang ina na si Florencia ay isang haciendera sa San Isidro, subalit itinakwil ng pamilya gawa ng pag-ibig nito sa kanyang ama na si Josefino na isang magsasaka. Sa tulong na din ng butihing mga kamag-anak nila Florencia ay nagawang makaahon sa buhay subalit si Josefino ay namatay matapos mabaril ng hindi sinasadya. Makalipas ang isang taon ay nakapag-asawa na muli si Florencia at ito ay si Roberto Peralta. Pinagtangkaan si Sandra na pagsamantalahan ng kanyang ama-amahan subalit hindi ito natuloy dahil nadin sa kanyang ina. Sa isang malakas na hampas sa likod na iginawad dito ay nawalan ito ng malay kung kayat madaling nadakip ng mga pulis. Namatay ang kanyang ama-amahan sa bilangguan sa sakit sa atay na hindi na nagawang malunasan pa.

Lumaking mahinhin at mabait na bata si Sandra. Mayumi, marikit at nakaka-akit. Mahaba ang alon-alon na buhok, makinis ang kutis na may pagkamorena, maamo ang mga mata, maganda ang hugis ng mga labi at matangos ang ilong. Nakakadagdag sa kagandahan nito ang nakapang-aakit na mga ngiti na lalong nagpapatingkad sa kanyang kagandahan.
Matapos kumain ng agahan ay nagpaalam na si Sandra “Inay, aalis na po ako. Pupunta na kami ni Luisa sa kapitolyo. Mahirap nang mahuli ako sa oras. Siguradong madami na ang nakapila para mag-apply ng scholarship.”
“Mag-iingat ka iha” nag-aalalang habilin ng ina.
“Opo inay” magalang na sagot ni Sandra.
Sa may sakayan papuntang kapitolyo kung saan ang tagpuan nila ni Luisa ay kanina pa naghihintay ang kaibigan. “At sa wakas dumating din ang senyorita” paunang pagbati ni Luisa kay Sandra.
“Pasensya ka na at natagalan ako, 5minutes pa lang naman akong late ah.” Paliwanag ni Sandra na hihingal hingal.
“Ang late, late pa din. Kahit gaano katagal yan basta late ka, late ka na nun.” giit ni Luisa na nakataas pa ang mga kilay.
“Aba at Niccong Nicco na ang dating natin ah.” tila may pang-uuyam sa tinig nito na sinabayan ng mahinang tawa.
“Tara na at sumakay na tayo. Baka lalo tayong madulo sa pila” pagkawika nito ay sumakay na sila sa jip at agad na nagbayad.
“Biruin mo, college na pala tayo. Hindi ko akalaing ang bilis ng araw diba” may halong pagkamanghang wika ni Luisa.
“Naku sabi nga ni Niccong aalog-alog, kapag nasisiyahan ka sa ginagawa mo kahit gaano pa man yan katagal aakalain mong mabilis at kapag naman wala kang interest at hindi ka nasisiyahan kahit gaano kadali o kabilis iisipin mo nang sobra sa tagal ang isang minuto.” tila may pag-papaalalang nabigkas ni Sandra.
“Speaking of Nicco, sasayangin nya lahi nya. Aba, magpapari ba naman. Mawawalan ng isang gwapong pinapantasya ang San Isidro” pagkasabi nito ay mahinang tumawa si Luisa.
“Aba at pinapantasya mo pala ang lalaking iyon.” wika ni Sandra na may himig ng selos.
“Bakit hindi? He is the man of every women’s dream. Umamin ka nga sa akin, crush mo si Nicco no?” saad ni Luisa “wag ng magdeny, halata ng lahat.”
Biglang namula si Sandra sa sinabi ng kaibigan, “Oo, kaso wala naman sa akin ang interest n’ya.” sagot ni Sandra “saka mas mainam na iyong maging pari sya diba madami siyang maiimpluwensiyahan at matutulungan.”
“Sabagay may punto ka” pagsang-ayon ni Luisa.
Pamaya-maya pa ay nakarating na sila sa kapitolyo. “Ayan kasi sabi ko na nga ba at, mahaba ang pila” tila may himig ng paninisi si Luisa.
“Sorry na kasi” pagpapaumanhin ni Sandra sa kaibigan “tara halika dun at may nakapaskil ata sa may bulletin board” aya ni Sandra nang mapansin ang bulletin board ng opisina para sa scholarship.
“Oh ano ba ang nakasulat dyan?” tanong ni Luisa.
“Ang nakalagay dito Selected Provincial Scholars. Tara hanapin natin pangalan natin dito” masayang ipinahayag ni Sandra “Navarro…. Ayun, Luisa nakita ko pangalan ko dito”
“Talaga sige nga hanapin ko din ung sa akin” sabi ni Luisa “Makalinaw…” ilang sandali pa at “Sandra wala talaga pangalan ko dito eh. Pero si Nicco andito.”
“Asa ka namang mawala iyon diyan” sabay tawa “halika na at pumila na tayo para sa’yo” anyaya ni Sandra.
“Mabuti pa nga” nakasimangot na sagot ni Luisa.
Inabot na ng gabi sa pag-uwi ang dalawa na kapwa pagod na pagod, kaya’t pagkakain ng hapunan ni Sandra ay agad ding nakatulog ang dalaga matapos ikwento ang magandang nangyari sa lakad niya.

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP