Dreamer - C2

Tuesday, February 1, 2011


Ang Ambisyoso at Ang Mayabang

Ano pa ba ang inaasahan mula sa taong nakagawa nang kasalanan sa isang taong mas mataas sa kanya na kung saan nakasalalay ang trabaho niya? Ano pa nga ba kung hindi magpakitang gilas at magpasikat sa kanyang trabaho upang ang kasalanan ay mapalitan nang magandang komento. Iyang bagay na iyan ang ginawa ni Emil sa buong taping nila. Inaalala ang kanyang ina na nasa malubhang kundisyon at nangangailangan nang suportang pinansyal kung kaya’t hindi siya dapat ngayon mawalan nang trabaho.

“And..” sigaw ni Benz. “Cut!” tila haring pagpuputol nito sa eksenang ginagawa.
“That was a very nice shot!” pagbati ni Benz. “Congratulations!” masaya pa nitong sinabi.
“Direk!” tawag ni Mae sa binatang direktor.
“Yes!” sagot ni Benz.
“May humahanap po sa inyo.” pagbabalita pa nang dalaga.
“Sino daw?” tanong naman ni Benz.
“Julian po ang pakilala niya.” muling sagot ni Mae.

Umaliwalas man ang mukha ni Benz ay mababanaag mo pa din ang pagtataka nito at mababasa ang kaunting pagkadismaya sa nalaman kung sino ang bisita niya.

Samantalang si Emil naman ay pumunta muna sa van na sinakyan niya papunta sa location kasama ang ibang crew at maging ng kanilang direktor.

“Nasaan na ba iyon?” tila yamot na paghahanap ni Emil sa kung anong nawawala.
“Tatanga-tanga ka kasing Emil ka!” pangaral niya sa sarili. “Pati cellphone iwinawala mo!”
Nasa kalagitnaan nang matinding paghahanap si Emil nang may sumakay sa harapan nang kotse. Tinted ang lahat nang bintana at natatakpan nang malaking puno ang harapan nang kotse kung kaya’t hindi mo talaga makikita o maaninag ang nasa loob nito.


“Anong ginagawa mo dito Julian!” simula ni Benz pagkasakay nila sa van na kung saan ay naruon din si Emil na hindi niya alam.
“’coz I miss you so much!” walang pag-aalinlangang winika ni Julian.
“Alam ko naman na miss mo ako. Miss din naman kita, kaso nag-iingat din ako.” malambing na sagot ni Benz na tila may himig na nang pagpapaliwanag.
“Nag-iingat din naman ako!” sagot ni Julian na may himig nang pagtatampo. “Sa tingin ko kasi ikamamatay ko na ang pagka-miss ko nsa iyo.” malambing na pahabol pa nito.
“Asus! Ang Julian ko may patampo-tampo pa na nalalaman.” wika ni Benz.
Ngiti lang ang sinagot ni Julian at agad na niyakap nito si Benz. Isang yakap na may kasamang mga halik. Halik na sa simula ay may hinahon hanggang sa naging magaslaw at mas mapusok.
Sa kabilang bahagi naman, bagamat hindi nakikita ni Emil kung sino ang sumakay nang kotse ay sigurado niyang si Benz ang isa duon. Labis man ang pagtataka ay wala ito sa isang rebelasyong kanyang nalaman. Isang baritonong tinig ang nagpahayag nang pagka-miss kay Benz. Nais makasigurado ni Emil kung kayat dahan-dahan siyang lumapit sa harapan upang makita at makasigurado sa kanyang hinala.
“Pag nagkataon, hinbdi ka lang pala halimaw.” pahayag nang isipan ni Emil. “Bekimonster pa pala!” napangiti siya sa isiping ganuon.
Malapit na siya sa gawi nang dalawa nang biglang may tumunog na cellphone. Agad namang lumingon si Benz sa likuran nila upang makita kung may ibang tao ba sa loob ng van. Sa kabutihang palad ay nagawa agad ni Emil na ikubli ang sarili sa likod nang upuan.
“Patay na!” bulong ni Emil sa sarili. “Cellphone ko iyon.” tila may kasiguraduhang pagdudugtong niya. Butil butil ang pawis ni Emil sa noo at tila naging mas mabilis ang pagtibok nang kanyang puso. Inihahanda na ang sarili sa kung anumang palusot ang sasabihin niya sa kanilang direktor.
“Bhe!” simula ulit ni Julian. “Uwi na ako. Nagtext si mama kailangan daw ako sa bahay ngayon.” tila nalungkot si Julian sa binalitang iyon.
Nakahinga naman nang maluwag si Emil dahil nalaman niyang kay Julian pala ang tumunog na cellphone at hindi na malalaman pa ni Benz na nasa loob din siya nang van at hindi sinasadyang narinig ang usapan nila ni Julian.
“Ingat ka bhe!” paalam naman ni Benz.
“I love you!” wika ulit ni Julian.
“I love you more!” sagot ni Benz.
“Sa susunod huwag kang dadalaw sa set nang hindi nagsasabi sa akin.” tila paalala pa ni Benz kay Julian.
“Sabi mo!” sagot naman ni Julian bago tuluyang bumaba sa van ang dalawa.
Agad namang sinilip ni Emil ang dalawa pagkababa nang mga ito sa kotse. Sa pagkakataong ito nasigurado niyang lalaki din ang Julian na ito. Bagamat tinted ang salamin ay natantiya ni Emil na kasing-edad lang niya si Julian at makikita din ang pagiging mayaman at ang hindi maikakailang kagwapuhan.
Higit pa dito ay naging malalim ang pag-iisip niya sa tunay palang katauhan ni Benz. Ang kanilang direktor na lalaking-lalaki kung kumilos, gwapo, artistahin ang itsura, simpatiko, maalalahanin sa mga kasamahan, iyon nga lang ay hilig nitong pag-initan siya at hindi mo aakalaing may dugong berde ay isa pa lang kasapi nang ikatlong lahi.
“Saan ka na naman galing?” bungad ni Benz kay Emil pagkabalik nang binata sa set.
“May tinatago ka palang lansa!” sulsol ng isipan ni Emil na hindi niya maipaliwanag ang kasiyahan sa bagong natuklasan.
“Emil! Saan ka na naman ba nagsuot?” ulit na tanong ni Benz kay Emil.
“Sa tabi-tabi lang po.” pilit na ngiting sagot ni Emil.
“Lumalala ang pagiging irresponsive mo!” kunot noong sagot ni Benz sa tinuran sa kanya ni Emil.
“Irresponsive!” mahinang sagot ni Emil. “Ikaw na ang magaling!” habol pa nito.
“Ano kamo?” tila narinig naman ni Benz ang mga sinabing ito ni Emil.
“Wala po Direk!” agad na sagot ni Emil. “Sabi ko po, hindi na po mauulit. Gagayahin ko na po ang pagiging responsable ninyo.” pagsisinungaling pa nito at nasa akto na nang pag-alis.
“Sandali!” tila pagpigil ni Benz. “Mag-uusap pa tayo mamaya.” paalala ni Benz na may himig nang pag-uutos.
“Sige po Direk!” mahinahon na sagot ni Emil at saka tuluyang pinuntahan ang umpukan nila Marcel na nag-uusap na ukol sa susunod na eksena.
“Ang cute mo talaga pag naiinis ka!” bulong ni Benz sa hangin pagkalayo ni Emil sa harapan niya at hindi niya namamalayang nangingiti na siya sa ganuong isipin.
“Mamamatay ka ding mayabang ka!” anas ni Emil pagkatalikod kay Benz at biglang nalukot na din ang ekspresyon sa mukha niya.
“Lukot na naman iyang mukha mo?” bati ni Marcel kay Emil bago pa man makarating sa pwesto nila ang binatang scriptwriter.
“May iba pa bang dahilan?” balik na tanong ni Emil kay Marcel.
“Friend” sabi naman ni Mae “pabayaan mo nalang si Direk.”
“May iba pa ba akong magagawa?” dagling sagot ni Emil na tila tanggap ang kapalarang sentro siya nang atensyon ni Benz.
“Emil” tila pangangalma naman ni Marcel “insecure lang siguro iyon kasi nararamdaman niyang ikaw na ang katapat niya.” habol pa nito.
“Tama iyon!” sang-ayon naman ni Mae.
“Kayo talaga!” nangiting wika ni Emil “Mamaya may makarinig na iba at masabihan pa akong ambisyoso.” bagamat natuwa si Emil sa papuri nang mga kaibigan ay ayaw pa din niyang mapansin siya nang ibang kasamahan dahil sa takot na masabihan nang ambisyoso.
“Hindi ambisyoso ang tawag duon!” kontra ni Marcel. “Talento!” pagbibigay linaw pa nito.
“Tumigil na nga kayo at baka mapansin na naman ako nang mayabang na’yon at masabihang nakikipagsitsitan lang ako sa inyo.” awat niya sa dalawang kaibigan at muling itinuon ang atensyon sa trabaho.
“Anak nang!” putol ni Benz sa eksenang kinukunan.
Nasa kalagitnaan na ang eksena nang biglang may tumunog na cellphone na naging dahilan para masira ang kinukuhanang tagpo.
“Kaninong cellphone iyon?” malakas na sigaw nito na kita ang pagkainis at tila handang patayin kung sino man ang nagmamay-ari sa cellphone na iyon.
“Sorry po Direk!” tila paumanhin na sagot ni Emil kay Benz.
“Di ba SOP na turned-off dapat ang mga cellphone!” asar pa ding wika ni Benz sabay lingon kay Emil.
“Sorry po talaga!” wika ulit ni Emil na ang pagpapaumanhin ay nahaluan na nang hiya.
“Sagutin mo na nang matigil na sa pag-ring.” tila may pag-uutos sa tinig ni Benz at may diin bagamat nakaramdam nang paglambot para kay Emil ay pinilit niyang huwag ipahalata..
“Sige po!” paumanhin pa din ni Emil at saka lumakad palayo sa set at sa mata ni Benz na sa pakiramdam niya ay natutunaw siya sa titig nito.
Hindi alam ni Emil kung sa papaanong paraan magbibigay ng reaksyon nang malaman niya ang balitang para sa kanya.
“Talaga po?” tila hindi makapaniwalang nawika ni Emil sa sinabi nang nasa kabilang linya.
“Sige po, titingnan ko!” wika ulit ni Emil sa taong nasa kabilang linya.
“Tatawagan ko na lang po kayo. Salamat po.” tila pagwawakas ni Emil sa usapan nila ng taong nasa kabilang linya at saka muling binalikan ang set para ituloy ang trabaho.
“Stupid!” hindi pa man nagtatagal si Emil nang makabalik sa set ay agad na siyang nakatikim mula kay Benz.
“Sorry po Direk!” tila natauhang paumanhin ni Emil.
“Para saan pa ang sorry kung nawiwili ka na at paulit-ulit?” giit ni Benz.
“Hindi na po mauulit.” tila paninigurado ni Emil sa sagot na iyon. Sa katotohanan lang ay ang balitang natanggap ang naging dahilan para mawala ang atensiyon niya sa trabaho.
“Talagang hindi na mauulit kasi wala ka nang trabaho mula ngayon.” walang pagdadalawang-isip na sinabi ni Benz kay Emil.
“Di.. di.. direk.” pautal-utal na sagot nang nabiglang si Emil.
“You heard it right!” tila pagwawakas ni Benz sa usapan nila ni Emil. “Guys, back to work.” baling naman ni Benz sa ibang crew na kasama nila sa set.
“Direk!” tila pagtutol ni Marcel sa sinabing iyon ni Benz.
“Kokontra ka?” mapang-asar na sagot ni Benz kay Marcel na tila sigurado siyang ipagtatanggol nito si Emil.
“Emil will be a great loss for the team, for my team.” pangangatwiran ni Marcel.
“Then leave this project with Emil. It will be fine.” sagot ni Benz.
Tila napipi si Marcel sa tinuran na iyon ni Benz at mas piniling tumahimik na lang at sabihan si Emil na mag-impake na paalis.
“Sorry Emil but you have to go!” malungkot na wika ni Marcel.
“Ayos lang iyon tol.” bagamat nasaktan ay masaya pa din niyang hinarap ang katotohanang lilisanin na niya ang mga kaibigan at mga katrabaho. Agad na tumalikod at pumunta sa van para mag-ayos na nang gamit niya.
Nasa akto na si Mae at Marcel nang pagsunod kay Emil nang –
“Back to work!” sigaw ni Benz. “Ang susunod kay Emil mag-impake na din.” sigaw pa nito.
Tila natigilan ang dalawa sa planong pagsunod kay Emil.
“Mae, ikaw muna ang gagawa sa trabaho ni Emil.” tila pag-uutos ni Benz.
“Opo Direk!” sagot ni Mae.
“Loveless ka na nga, jobless ka pa ngayon.” wika ni Emil sa sarili. “Kawawa ka namang bata ka! Zero lovelife ka na nga, zero career ka pa!” tila pilit na pinapatawa ni Emil ang sarili habang nililigpit ang mga gamit niyang nasa van.
“I read your stories in your campus’ paper and all I can say is that they are all beautiful and meaningful.” sabi sa kanya nang nasa kabilang linya.
“Thank you for good reviews.” tila nakiliting sagot ni Emil sa kausap.
“The network would like to offer you contract and turn those stories into soaps.” pagbabalita pa nang kausap ni Emil na secretary ng vice president for entertainment mula sa kabilang estasyon.
“Talaga po!” hindi makapaniwalang tugon ni Emil sa magandang balitang ito.
“Yes and we would like to place your first story on primetime with you as the head writer.” sabi pa nito kay Emil.
Bigla namang napalitan ng lungkot ang kasiyahan ni Emil nang maisip niyang - mahal niya ang trabaho ngayon. Ayaw niyang iwanan ito nang ganuon na lang. Masaya siya sa piling nang mga kaibigan kung kayat imbes na sumagot nang Oo kahit gusto niya ay –
“Sige po pag-iisipan ko. Tatawagan ko na lang po kayo. Salamat po.” tila pagwawakas niyang tugon sa kausap.
Habang nag-iimpake ay agad na kinuha ni Emil ang cellphone niya at nag-iisip kung tatanggapin na ba niya ang inaalok sa kanya nang kabilang estasyon o patuloy na aasa na nagbibiro lang si Benz. Sa ganitong sitwasyon siya nang mapatingin sa unahan nang kotse at bumalik sa kanyang gunita ang kung anumang naganap duon kanina. Ang usapan nila Julian at Benz na hindi naman niya sinasadyang marinig.
“I-blackmail ko kaya si Direk?” agad na sumagi sa isipan ni Emil.
“Tama! Sigurado matatakot iyon at magiging mabait na sa’yo.” tila sang-ayon niya sa sariling suhestiyon.
“Pag nangyari iyon, wala nang aaway sa’yo.” sulsol pa din niya sa sarili.
“Professional ka Emil. You should not do things like that.” tila laging kaakibat ang kontra na naisip ni Emil.
“Matakot ka sa karma at baka mas malaki ang balik niyan sa’yo.” sang-ayon ulit niya sa sariling kontra suhestiyon.
Naguguluhan man ay bumaba na si Emil sa van at muling bumalik sa set para magpaalam sa mga kasamahan. Wala siyang panahong umiyak o lumuhod sa harapan ninuman para lang manatili sa trabahong iyon. Iniisip na lang niyang may mas magandang kapalarang naghihintay sa kanya bagamat alam din niyang malaki ang problemang kakaharapin niya sa mga darating na araw.
“Boss Marcel sige po aalis na ako.” paalam ni Emil kay Marcel na sakto namang katatapos lang kuhanan ang huling mga eksena.
“Sumabay ka na lang sa amin. Mag-eempake na din kami.” tila anyaya naman ni Marcel kay Emil na bagamat nalulungkot sa pag-alis nito ay pinilit na pasayahin si Emil.
“Tama!” sabat naman ni Mae.
“Huwag na lang!” tutol ni Emil. “Saka hindi na naman ako bahagi nang team, nakakahiya naman kung sasabayan ko pa kayo.”
“Baka nabigla lang si Direk.” anas ulit ni Mae. “Mag-uusap pa kayo di’ba?”
“Hindi na din iyan.” sagot ni Emil. “Saka ipinahiya na niya ako.”
“Friend!” tila mas lalong nalungkot si Mae.
“Basta galingan ninyo ang trabaho.” wika ni Emil at saka tuluyang umalis.
Malalim na ang gabi nang makauwi si Emil sa bahay nila. Tulad nang inaasahan ay nakita niya ang inang makahiga sa may bangkong malapit sa pintuan, hindi dahil sa hinihintay siya kung hindi nakatulog ito dahil sa alak. Pagkapasok niya ay pupungas-pungas na bumangon ang ina niya at agad niyang nilapitan ito para magmano.
“Mano po nanay!” wika ni Emil.
“Sino ka ba? Bakit mo ako tinatawag na nanay?” asar na wika nito sabay binawi ang kamay. “Wala akong anak! Ikaw na demonyo ka, di ba sabi ko huwag ka nang babalik dito dahil hindi naman kita kilala.” sigaw pa nito kay Emil.
Kahit na nga ba lagi niyang naririnig ang ganitong mga kataga mula sa ina ay tila pinagsukluban pa din siya nang langit at lupa sa mga narinig niya. Hindi niya maunawaan kung bakit ba ganito ang pagkasuklam sa kanya nang ina na halos ihambing siya sa diablo.
“Sige, lumayas ka na!” sigaw ulit nang ina ni Emil.
“Choleng, ano na naman ba iyang sinisigaw mo diyan?” awat ni Mando kay Choleng na nasa katabi lang ang bahay.
“Mano nga po Ninong!” sabi ng nagpipigil sa pagluhang si Emil kay Mando.
“Kaya naman pala! Pinag-iinitan mo na naman si Emil.” tila nasagot na ang tanong ni Mando.
“Ikaw ngang Mando ka! Ilayo mo sa harap ko iyang damuhong iyan.” Tila utos ni Choleng kay Mando.
“Sige na Emil pumasok ka na sa kwarto mo.” mahinahong utos ni Mando kay Emil.
“Letse!” sabi ni Aling Choleng kay Emil. “Lumayas ka dito.” pahabol pa nito.
Hindi na pinansin ni Emil ang sinabing iyon nang ina at agad na itong lumakad papunta sa kwarto niya.
“Sabi ko lumayas ka dito!” sigaw ni Aling Choleng kay Emil at gad na tinakbo si Emil at hinilang bigla ang maikling buhok nang binata. “Bobo! Tanga! Gago! Demonyo!” lahat na ata nang pagmumura ay nasabi na ni Aling Choleng kay Emil.
“Nay masakit po!” sabi naman ni Emil.
“Peste ka sa buhay ko!” patuloy pa din sio Aling Choleng sa ginagawa kay Emil.
“Choleng! Ano ba?” awat ni Mando kay Choleng.
“Bitiwan mo ako Mando kung ayaw mong madamay ka sag alit ko sa walang kwentang iyan!” wika ni Aling Choleng at saka muling tuluyang tinakbo ang nakalayong si Emil.
“Ahhh” sigaw matanda na sa kasamaang palad ay nadulas sa sahig at tumama ang ulo sa dingding.
“Nanay!” sigaw ni Emil at agad na tinakbo si Aling Choleng.
“Choleng!” nag-aalalang wika ni Mando sabay salat sa ulo nito.
“May dugo Ninong!” wika ni Emil na kita ang pagkabigla at pag-aalala para sa ina.
“Diyan ka lang Emil!” wika ni Mando sabay takbo palabas.
“Nay! gumising ka!” sabi ni Emil sa walang malay na ina.
Ang mga sumunod na eksena ay sa ospital na naganap. Agad at mabilis na nakahanap si Mando nang sasakyan para maihatid nila si Choleng sa ospital. Ngayon nga ay nag-iisa si Emil at pinipilit mag-isip nang positibo habang sinusuri ang lagay nang ina.
“Dok!” bati ni Emil sa bagong labas na doktor.
“She’s fine!” sagot nang doktor kay Emil.
Nakahinga naman nang maluwag sina Mando at Emil sa ibinalitang iyon nang doktor.
“But, there is more and definitely much serious problem.” tila hindi magandang balitang kasunod nito.
“Ano po iyon dok?” tanong ni Mando.
“Diabetic pala ang pasyente and I am afraid na baka mas malala pa ito sa inaasahan at maging ang paggaling nang sugat niya ay matagalan.” sagot nang doktor.
“Paano po ang magandang gawin?” wika ni Emil na ngayon nga ay dinodoble ang pagpapalakas niya nang loob.
“You should prepare lots of money for her.” wika nang doktor at saka tuluyang nilisan ang dalawa.
“Diyos na makabagin!” wika ni Emil sa sarili. “Bakit?” tanong pa niya sa nilalang na hindi pa niya nakikita ngunit pinapaniwalaan niya.

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP