Dreamer C1

Tuesday, February 1, 2011



Lights, Camera and Action

“Marcel!” paanas na tawag nang director sa head scriptwriter. “Sino ba ang gumawa nang script na’to?” irritable nitong turan.

“Si Emil po direk!” natatakot na sagot ni Marcel sa kanilang gwapo at halimaw na punong bathala.

“Punyeta, tawagin mo nga iyang nagmamarunong na iyan!” utos pa ng gwapong halimaw kay Marcel.
“Opo direk!” agad na sagot ni Marcel at dali-daling tinakbo si Emil.

“Bilisan mo!” paalala nang direktor.
“Emil! Emil! Emil!” hindi pa man nakakalapit ay agad na tawag ni Marcel kay Emil.
“Bakit Sir Marcel?” kinakabahang tanong ni Emil.
“Pinapatawag ka ni direk!” hihingal-hingal na pagbabalita ni Marcel kay Emil.
“Bakit na naman kaya?” nagtataka at kinakabahang tanong ni Emil.
“Basta, lapitan mo na lang.” saad ni Marcel na agad naman na sinunod ni Emil.
“Direk Benz!” simula ni Emil. “Pinapatawag ninyo daw po ako.” magalang na wika nito.
“Scriptwriter ka bang talaga?” simula ni Benz. “Ang mga linya mo ang kokorni!” wika pa nito at agad na hinarap ang script na ginawa ni Emil.

“Pero direk!” tila pagtutol ni Emil sa paratang nang direktor.
“Pakinggan mo ‘to!” tila pagmamanipula ni Benz sa usapan nila ni Emil para hindi na ito makapagpaliwanag. “Oh! Laura na aking iniirog, ang abang puso ko nawa ay dinggin!” tila pamamahiya ni Benz kay Emil.
“Direk, kasi po” papapaliwanag sanang ulit ni Emil.
“What the hell! Shut up! Okay!” kontra ni Benz. “Listen! Here’s another one. Paano mo naatim na ako ay iyong iwanan sa gitna nang kagubatan. Labis ang panglaw ang nararamdaman ng aking pusong ikaw lamang ang bumubuhay.”
“Ano tayo? Balagtasan?” tila panunuya ni Benz kay Emil.
“Direk, let me explain first!” madiing wika ni Emil.
“Okay!” kibit balikat na may ngiting aso na sagot ni Benz na napansin din ang pagkakalukot nang mukha ni Emil.
“Hindi ba Direk kayo ang nagrequest na maging balagtasan iyang scene na iyan?” sagot ni Emil sabay kuha sa script na hawak ni Benz. “Look direk, may caption dito!” wika ulit ni Emil sabay turo sa script nang sinasabi niya. “Script for Scene 15: Stage Play.” malakas na pagbabasa ni Emil sa sinasabi niyang caption.
Nakaramdam naman nang pagkapahiya si Benz at dahil sa kagustuhang ipahiya si Emil ay nakalimutan niya kung anong eksena ang binabasa niyang script. Agad na namula si Benz at dali-daling bumawi – “Kasi naman napakaliit nang inilagay mong caption!” angil nito kay Emil na tila binabaligtad ang sitwasyon.
“Ano ba ang gusto nitong mokong na ito? Size 150 ang font ng caption?” reklamo ni Emil sa sarili.
“Sa susunod kasi aayusin mo ang trabaho mo!” tila pangangaral ni Benz kay Emil sabay ayos sa polo shirt niyang hindi naman nagulo. “Sige na lumabas ka na!” mahinahong wika pa nito na ramdam pa din ang kahihiyan.
“Sorry po Direk!” paumanhin ni Emil kahit na nga ba sa totoo lang ay nagngingitngit pa din ang damdamin niya sa ginawa ng direktor sa kanya.
“Ayos ka Emil!” wika ni Marcel. “Napatiklop mo si Direk Benz!” bati pa nito sa kaibigang scriptwriter.
“Ang yabang kasi! Akala mo kung sinong magaling na direktor.” nag-aalsa pa din ang inis sa kalooban ni Emil. “Huwag niyang sabihing baguhan ako at award-winning script writer na siya!” sabi pa nito.
Hindi kontrolado ni Emil ang pagsasalita at lalong hindi naman niya inaasahang susundan siya ni Benz at naririnig nitong lahat ang sinasabi niya tungkol sa direktor na nakakubli lang sa likod nang pintuan. “Sinong mayabang? Ako?!” pagtutol nang isipan ni Benz.
“May ipagmamayabang naman kasing talaga. Biruin mo wala pa siyang isang taon pero nagkaroon na siya nang big break as a script writer at nakahakot na din nang awards at direktor na siya ngayon kahit dalawang taon pa lang siya sa industriya.” tila pagtatanggol naman ni Marcel.
“Tama iyon! Ililibre kita nang tanghalian mamaya Marcel.” bulong pa din ni Benz sa sarili habang pilit na ikinukubli ang sarili.
“Young achiever nga siya pero ang ugali naman niya hell uploader!” kontra naman ni Emil. “Mas gugustuhin ko na lang na maging janitor na may mabuting puso o kaya ay pulubi na may magandang ugali kaysa maging young achiever na saksakan naman nang itim ang budhi!”
“Mabait naman si Direk, pagpasensiyahan mo na lang.” tila pangangalma pa din ni Marcel kay Benz.
“Sige Marcel, irerekomenda ko ang promotion mo basta ipagtanggol mo lang ako sa Emil na iyan.” buyo ulit nang isipan ni Benz na tila interesado sa mga sasabihin ni Emil tungkol sa kanya.
“Kayo pala direk! Anong ginagawa ninyo di’yan?” bati ni Mae na isa din sa mga kaibigan ni Emil at kapwa scriptwriter din.
“Patay na!” mahinang usal ni Emil sabay napatiklop at biglang nakaramdam nang kaba na maaring narinig ng binatang direktor ang lahat nang sinabi niya.
“Kasi ikaw!” tila may paninisi na wika ni Marcel kay Emil.
“Good Morning guys!” nakangiti at masayang bati ni Benz sabay ang tingin kay Emil mula ulo hanggang paa na naging sanhi para lalong bumilis ang tibok nang puso ni Emil at mangamba sa sariling kaligtasan.
“Good Morning Direk!” wika nila Marcel at Emil.
Nilapitan agad ni Benz si Emil at iniangat nito ang nakayukong ulo nang baguhang scriptwriter. “Magkita tayo mamaya after nang taping.” wika ni Benz at saka nag-iwan nang makahulugang ngiti kay Emil.
“Opo Direk.” tila maamong tupa na sagot ni Emil na ngayon nga ay nadoble ang kaba niya at nangangambang mawalan nang trabaho kung sakaling tama ang hinala niyang narinig nito ang lahat nang sinabi niya.
“Lagot kang Emil ka!” tudyo ni Marcel pagkaalis nang binatang direktor.
“Tumahimik ka na nga di’yan!” tila utos ni Emil sa head nila. “Lalo mo pang dinadagdagan ang kaba ko!” wika pa niya sabay lunok nang laway.
“Ihahanda ko na ang despedida mo tol!” biro pa nito at tatawa-tawang iniwan si Emil mag-isa.
“Paano na lang!” tila nalungkot na wika ni Emil.
“Inhale!” at humingang malalim si Emil.
“Exhale!” at saka ibinuga ang hanging sinagap niya.
“Think positive Bien Emilio! Punuin mo nang good vibes ang isipan mo!” at unti-unting pinakalma ni Emil ang sarili para makapagtrabaho nang maayos.
“Hindi dapat masira ang concentration mo ngayon! Dapat magpasikat ka!” simula ni Emil para palakasin ang loob.
“Kaya ko ‘to! Para kay nanay!” at saka lumabas sa location si Emil para sa pagsisimula nang taping nila.

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP