Chapter 15 : Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako

Sunday, November 21, 2010

By: DALISAY
e-mail: I could tell you... But then I have to kill you. LOL! (mura yan. :p) blogsite: dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I speak softly but I carry a VERY BIG stick!


"Are you sure about this?"

Tanong iyon ni Pancho kay Lt. Rick Tolentino habang nasa isang van sila di kalayuan sa mansiyon ng mga Arpon. Pinagplanuhan nila ang gabing iyon. Mula kasi ng makatanggap siya ng mga text sa isang anonymous na mukhang may masamang balak sa pamilya nila Gboi ay hindi na siya mapakali.

Noong gabi ng imbestigasyon sa kamatayan ng Don Armando Arpon ay nakatanggap siya ng mensahe mula sa hinihinala niyang salarin. Nakakapangilabot iyon. Nakasaad doon na dahil sa hindi niya pagtulong dito ay gumawa na ito ng hakbang.

And he did. He took Don Armando's life. The culprit may be delusional because he was keeping him updated of the happenings. He also said that one of the family members is going to die soon. Kaya nandoon sila ngayon. Nagbabantay.

Sa paki-usap ni Gboi ay naging sikreto ang operasyon. Kay Rick na ito nakipag-usap. Nami-miss na niya ito. Ngunit may panahon para sa pag-uusap nila. Ang importante ay ang kaligtasan nito at ng ibang miyembro ng pamilya nito.


"Hindi naman ako nakilala ng mga tauhan sa mansiyon. Saka nagka-usap na kami ni Gboi. Kailangan na mabantayan ko ang kilos ng mga nasa loob." sagot ng tinyente habang inaayos ang mga gamit.

"Just make sure you'll keep your cover." paalala niya.

"Unless Gboi would take off my "cover"." he quoted jokingly.

"Naratrat ka na ba ng uzzi?" iritado niyang sagot dito.

"Cool ka lang 'tol." tawa nito

"Sapakin kita riyan eh." ganting-biro niya.

"But, seriously Ito. Kung maaakit ko si Gboi walang iyakan ha?" pahabol nitong biro bago maliksing umibis ng sasakyan at isinuot ang salamin sa mata na siyang props nito papasok sa mansiyon.

"Tinyente Kumag, magkamali ka lang hawakan si Gboi ng may malisya. Babalian kita ng tadyang." pahabol na babalang-biro niya rito.

"Touché." nakangising sagot nito.

Ang talipandas, mukhang nagti-trip at inasar pa siya. He seriously took the last joke. Hindi pwedeng magkaroon ng attachment si Gboi niya sa tinyenteng kupal na iyon. Niya? Medyo possesive yata iyon? Pero, totoo. Natanggap na niya iyon.

Naalala niya yung huling sinabi nito sa kanya. Ewan niya, pero doble ang naging sakit sa kanya ng ginawa niya. Nabulagan siya ng galit kay Elric. Pero nakuha pa niyang i-justify ang lahat. Kung hindi niya ginawa ang paghihiganti ay hindi niya mararamdaman iyong napakagandang feeling na iyon.

Hirap pa siyang i-acknowledge noong una. Kinompronta pa niya ang ama-amahan at inilahad ang mga naging suliranin. Natural ang naging gulat nito pero ngumiti rin sa huli. Nakakaunawang tinapik siya nito sa balikat. Marahil ganoon ang mga dating pari. Naiinis na bumuntong-hininga siya.

He's in love with Gboi. He didn't expected it. It felt surreal yet he wasn't dreaming. Hindi rin siya makapaniwala. He kept contemplating about it pero tinalo siya ng nadarama. He had to see him. As if he was the very life of him. Pero galit ito sa kanya ngayon.

Naiinis na pinukpok niya ang manibela. Umalingawngaw ang busina. Natawa siyang bahagya. Kinuha na lang niya ang largabista at sinipat ang mga bintana ng mansiyon nila Gboi.


"What? I don't approve of this Benedict!"

Mariing iyong sigaw ni Mildred na pumutol sa sinasabi ng abogado. Tiningnan lang siya nito saka nagpatuloy. Naiinis na umupo na lang siya habang mahinang nagbubusa.

"Ang mansiyon na ito ay ipinamamana ko sa aking anak na si Gboi bilang aking legal at tanging tagapagmana sa kundisyon na kukupkupin niya rito ang kanyang tiyahin na si Mercedita Arpon Dominguez, na aking ate. Hindi bilang kasambahay kundi bilang tunay na kapamilya."

Tinitigan niya ng masama ang babaeng tinutukoy ng abogado. Hinawakan ito sa kamay ng stepson niya. Mukhang may instant rapport ang mga ito. Nagbaling na siya ng tingin sa attorney at nakasimangot na nagtanong.

"How about us, Benedict? Saan kami titira ng anak ko dito? Mukhang sa stipulations ng will ni Armando ay pabor lang ito sa bastarda niyang kapatid at sa anak niyang napaka-bait." maanghang na sabi niya. Oh she was mad! Mukhang kinalumutan siya ng asawa niya.

"You can stay Tita Mildred. Both of you. Masyado itong malaki para sa ating lahat." nagpapasensyang sabi ni Gboi.

Umiling siya at nagtaas ng kilay na nagsalita. "And endure you for a lifetime? No freaking way dearie! No freaking way!" hysterical na siya.

"And there's no freaking way too that I will leave this house Tita. You of all people should know that." matigas na sabi nito habang hinahagod ng katabing tiyahin ang likod. Her eyes reprimanding her nephew.

"Paano kong makakalimutan kung nakatatak na sa sandaling ito na kinalimutan akong isali ng asawa ko sa pagtira sa bahay na ito. Not that I want to live the likes of you, I have my own house sa Ontario na ipinaman ni Armando. But to include this woman, is downright insulting and unacceptable." dinuro niya si Mercy.

"Expect me to contest this Benedict." baling niya sa Attorney.

"You're welcome to contest this to any court you would please Mildred. But I assure you this is watertight. Lima kaming abogado na na nag-finalize nito, although ako ang nag-draft nito. Ang stipulation ay nanggaling lahat sa asawa mo."

"That would be fine by me." nakataas-noong sabi niya.

"Shall we continue?"

"Yes you may, attorney." sabi ni Gboi.

"Ang Villa Esmeralda sa Mindoro ay nakapangalan na rin sa aking anak bilang mana niya sa kanyang mama."

Gboi nodded knowingly. It was his birthright. Wala siyang laban doon.

"Ang bahay sa Dasmariñas Village ay mapupunta sa aking ikalawang esposa na si Mildred habang ang bahay ko at farm sa Tagaytay ay mapupunta kay Elric. Kasama ng one hundred fifty million na nakadeposito na sa kanyang pangalan."

His son's face remained passive. As if he's not interested at all. She was quite happy herself. A vast fortune was hers alone. She worked her ass off for that. She deserved it. She doesn't have any plans to come back from being poor again. Not now. Not ever.

But this Mercy is a different question. She's her husbands' sister. Anak ng dating labandera ayon sa kwento. Hindi na niya inalam dahil kumpara dito ay mas maganda ang buhay niya rito. Hindi rin close ang asawa niya rito na ipinagwalang-bahala na lang niya. Now, all of a sudden, she's the new boss of this mansion she lived for years? How dare her! How dare her husband to include her on the will! He doesn't seem to care to her before that gave her an idea on what kind of relationship they have as siblings. She had to do something. She had to remove this scheming bitch out of the picture.

Nagpatuloy pa ang abogado sa mga sinasabi nito na hindi na niya masyadong pinagkaabalahan pang pakinggan. Nang matapos ito ay agad siyang tumayo at iniwan pa ang mga kasama ng walang-pasintabi. She grabbed her cellphone and texted somebody. Nang hindi sumagot agad ay tinawagan na niya ito.

"Where are you? Why didn't you replied immediately?"

"Why? Where's the fire?" nakakalokong sagot nito sa kanya.

"Are you free? We have to meet."

"Can't wait to fuck Millie?" nanunuksong tanong-sagot nito sa kanya.

"It's not that silly. I have something for you to do." kinikilig niyang sabi.

"What is it dear?"

Hininaan niya ang boses kahit nasa sariling silid siya. "I want you to get rid of someone." malagim na sabi niya.

"Sure. Who is he? Your stepson?"

"Nope. Not yet. And that someone is a she."

"Can I fuck her?"

Tumawa siya. "I'm sure you won't. She's an old hag."

He chuckled. "Who is she then?"

"My husband's sister."

"I see. When?"

"I'll tell you later. I have a plan." she grinned as if she was seeing him.

"I love how your devious mind work."

"Marami pang naiisip ang utak kong ito. Hintay ka lang. For the meantime, let's celebrate. I just got my deed." she said now greening widely.

"Wooo!!! Me likey."

"Let's meet after an hour. Sa dati pa rin." and she ended the call.

Mildred headed to the bathroom to change. She laughed her heart out. She dipped in her tub. Naglagay ng champagne sa baso and sipped it merrily. She took a bite on her caviar then hummed a classical song.

"Being rich is sweet. But getting richer is sweeter." she said to herself while grinning wickedly. Inilapag niya ang baso and tried to relax. Minutes later she was dozing off. Another minute, she was dead.




"She was probably poisoned. Walang palatandaan na nalunod siya sa tub." si Rick iyon habang iniinspeksiyon ang loob ng banyo sa silid ni Mildred. Naroon sana siya para sa sikretong misyon. Ang kaso ay sinalubong siya ng ganitong problema.

He called up his investigating team and the local scene of the crime operatives. Magpapanggap sana siyang driver ni Gboi when the frantic screaming of the maid came rushing.

Ayon dito, kinatok niya sa silid ang babae. Nang walang sumagot ay nagpunta siya sa banyo at natuklasang naka-lock iyon. Ilang ulit daw itong kumatok at ng walang sumagot ay nagdesisyon na buksan iyon gamit ang duplicate. Doon nga niya natuklasan ang malamig at wala ng buhay nakatawan ng amo.

"Papa-eksamin namin ang champagne at ang caviar. We need to secure the area. Ikalawang pagpatay na ito sa linggo lang na ito. Mukhang series ito." saad niya kay Gboi na nananatiling tulala lang at hindi makapaniwala sa nangyari.

"Kuya, who did this?" nananangis na sabi ni Elric.

"I wish I knew the answer Elric but I don't." nakatiim-bagang na sabi niya.

"Mukhang kailangan na ninyo itong malaman. Gboi, Elric. Somebody is up for revenge. Alam ito ni Pancho. He is receiving texts from an unknown person telling him about his plans." anang tinyente.

"How can you be so sure Rick. For all we know, he could be the one who staged everything!" galit na sabi ni Elric.

"I'm sure he's not the culprit."

"Prove it."

"He's outside. Nasa sasakyan. Kasama ng mga kasamahan ko. I'm wired. Nakikinig sila ngayon. Actually kanina pa." ipinakita nito ang mic sa bandang kwelyo ng poloshirt. at ang salamin na may built-in micro-cam sa rim nito. "Say hello Pancho." idinikit nito ang earpiece sa tenga ni Gboi.

"Hello sweetheart." and he stopped breathing.


Itutuloy....

2 comments:

Jayson November 22, 2010 at 3:07 AM  

waaaah next agad please.....

DALISAY November 22, 2010 at 10:52 PM  

ayun na kaya. naka-post na! ahaha

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP