Chapter 17 : Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako

Monday, November 22, 2010

By: Dalisay
E-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com
Blogspot: dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I eat bullets for breakfast.

Who is this man, really? Iyon ang tanong na nag-uumukilkil sa isip ni Gboi. Kanina habang nakikipaghabulan sila sa daan hanggang sa tulay ay halos kalmado lang ito. He knows killer stance when he sees one. At nakita niyang lahat iyon kay Pancho. Parang natural na lamang dito ang bumaril at magpatama ng bala sa katawan ng kalaban. Hindi niya mapigilang mangilabot sa naisip. Dapat pa siyang magtiwala dito?

Napalakas yata ang bugha niya ng hangin. Nakakunot-noong tiningnan siya ni Pancho.

"Anong problema?" tanong nito.

"Wala. Naisip ko lang yung nangyari kanina."

"Alin duon?"

"Yung pakikipaghabulan natin, ano ka ba?" takang tanong niya.

"Ah, akala ko yung halikan natin pagkatapos nun." pilyong sabi nito.

Umingos siya. "Sira-ulo. Iyon pa ang naisip mo pagkatapos ng nangyari. Muntik na tayong mamatay kanina ah."

Tumawa ito. "Eh, pinapakalma lang kita. Nanginginig ka kasi. Hindi ko alam kung paano kita kakalmahin." maamo pang sabi nito.

Natigilan siya. Naalala nga niya na nanginginig pala siya sa kaba kanina. Hindi dahil sa takot kung hindi sa kaligtasan nila. Hindi pa malinaw kung bakit sila hinabol at kung bakit pinatay ang kanyang ama at madrasta. May tinawagan pa nga ito kanina. Nakilala lang niyang si Rick iyon ng banggitin nito ang pangalan ng huli. Nagtatawanan pa ang mga ito habang nag-uusap sa pagkaka-alala niya.

"Hello." ani Pancho pagkatapos ilapat ang cellphone sa tainga.

"Kailangan ko ng clean-up. Nasa flyover iyon. Malapit sa Robinson."

Tumawa ito at inalis sa tainga ang aparato saka ini-loud speaker.

"Hello. Hello! Gboi okay ka lang ba? Si Rick ito."

"Okay lang ako tinyente."

"Good. Naipadala ko na doon sina Perse at Rovi sa crime scene. Lang'ya, napuruhan ninyo yung dalawa. Ni hindi niyo man lang dinis-able para makuhaan pa namin ng statement." reklamo nito.

"Hindi rin kami bubuhayin nun. Kami ang papatayin ng mga iyon."

"Pero Pancho, pare, mahirap i-cover up itong isang ito. Sagot na ni Perse ang police. Takaw atensiyon lang sa media. Si Rovi na ang bahala sa mga katawan. May nakuha yata silang mga id duon sa kotse na tutukoy sa dalang humabol sa inyo. Si Jerick na ang bahala kapag naipadala na sa kanya."

"Salamat pare, ang haba ng sinabi mo. Pwede namang okay na lang sabihin mo." pang-aasar ni Pancho.

"Ungas ka talaga p're. Ako na nga aayos ng gusot mo. Ipina-news block out ko na nga ito. Ganyan ka pa umasta, Parang asal." pagtatampo pa ni Rick.

"Ayun, nagtampo pa si Colonel Pulpol. Huwag kang magtago sa pagiging tinyente uy. Mas mataas ka pa kay Major Tiyaga. Pero salamat p're, kahit wala na ako sa serbisyo nakuha mo pa rin akong tulungan."

"Ayos ah, dramahan na ba to? Kadiri ka Pancho. Nakikinig pa naman si Gboi. Bawas pogi points tuloy ako." anito sabay tawa.

"Ha? Bakit nadamay ako? Huwag ako, busy ako!" pakikisakay niya.

"Tang ina p're, pumoporma ka pa eh alam mong nabakuran ko na. Maghanap ka ng iba. Asikasuhin mo na lang yung gusot ko." si Pancho

Nailang siyang bigla sa sinabi nito. Di tuloy niya mapigilang sumagot. "Hoy, andito lang ako. Kung makapag-usap kayo parang bagay lang akong pwedeng ipasa kung kani-kanino ah." galit-galitan niyang sabi.

"O siya pare, ingatan mo yang kasama mo. Kapag nalingat ka, hahablutin ko sa iyo iyan." birong banta nito.

"Ulol. Subukan mo!" sabay patay nito sa aparato.

Naiinis na tumingin ito sa kanya pero di na nagsalita. Hanggang makalagpas sila sa eskinitang iyon at nakalipas na ang sapung minuto ay saka lang ito nagsalita ng bumontong-hininga siya.

"Actually Pancho, I don't know what to feel right now."

"What do you mean?"

"I don't know if I should trust you. Considering all this--"

Hindi na niya natapos ang sasabihi ng ilapat nito ang hintuturo sa kanyang labi. It sent wonders on his system. Nagsimulang rumigudon ang kanyang puso. Nagdouble-time ang lahat ng senses niya at hindi niya alam kung ano ang susunod na gagawin.

"Don't say that. I think its time for you to listen well." idinikit siya nito sa isang bahagi ng pader sa walang katao-taong iskinitang iyon. "Pwede ba?" at saka siya nito iginiya paupo.

"Please listen carefully, kung may tanong ka, ipapaliwanag ko pero patapusin mo muna ako. Okay?" his voice husky as he speak. Hindi siya makapagsalita. Parang ang buong sistema niya ay kinain na ng kawalang sentido-kumon. Parang naipasya na ng sariling katawan na makinig na lamang dito.

"Noong nasa resort tayo ni... ni..."

"Jim?" pagpapatuloy niya ng sinasabi nito. Ayaw yata nitong sabihin ang pangalan ng huli.

"Oo. Iyong tumawag ay nagsabi ng kung gusto ko ay magsanib pwersa kami sa pagpapabagsak sa iyo dahil alam daw niya ang motibo ng paglapit ko sa iyo. Sa pamilya mo. Narinig mo ang saogt ko na hindi ako interesado."

"Yes, at pagkatapos noon ay tumawag si Tita Mildred na nasa ospital si Daddy." sabi niya.

"Then pagkagaling ko sa hospital ay tumuloy ako sa mansiyon ninyo para tumulong sa mga pulis. Doon ko nakita ulit si Rick na dati kong kakilala. The same time ay nagtext naman sa akin ang isang unknown number na dahil sa hindi ko pagtulong ay may ginawa na siyang hakbang."

"At ang hakbang na iyon ay ang pagpatay niya kay Daddy." kumpirmasyon iyon kaysa sa tanong.

Tumango ito. "Nagtext ulit siya na isang kamag-anak daw ang mawawala kahapon. Kaya nagpunta doon si Rick para magpanggap na driver mo sana at naiwan kami ng mùga kasama niya sa van di kalayuan sa inyo."

"Pero hindi natuloy ang pagdi-disguise niya dahil sa pagkamatay ni Tita Mildred. Napurnada ang misyon niya at kinailangan niyang umaksiyon dahil sa krimen. Naunahan kayo ng salarin." pagpapatuloy niya sa sasabihin nito.

"Ganoon na nga ang nangyari. So imposible na ako ang may gawa nito. Sa totoo lang ay maari na kitang di paki-alaman. Pero..."

"Pero ano?"

"Pero ayaw ng puso ko. Maniwala ka o hindi Gboi, minahal kita kahit hindi ko sinasadya. Kaya kahit galit ka sa akin, wala akong paki-alam. Lalapit at lalapit pa rin ako sa iyo kahit ipagtabuyan mo ako. Lalo na at nasa panganib ka. Hindi pwedeng magtagumpay ang mga iyon sa balak nila." madamdaming pahayag nito.

Gusto niyang maniwala sa sinasabi nito. Pero pinipigilan siya ng sariling damdamin kapag naaalala niya ang panlolokong ginawa nito sa kanya.

"Niloko mo ako Pancho. Hindi na ako maaring magtiwala sa taong kayang gawin ang lahat makapaghiganti lang. Ni hindi kita kilala. Maaring iniligtas mo ang buhay ko sa kapahamakan but I never asked for that. I may sound ungrateful but that's just it. I won't tolerate myself from being hurt again ng dahil lang naniwala ako sa matatamis mong salita." galit niyang sabi.

"Hindi kita niloloko ngayon Gboi. I understand that you are upset right now--"

"Upset? What do you know about I'm feeling Pancho? Please, spare me the theatrics. Spare me your drama. I won't let you hurt me again." Naiinis na tumayo siya at umalis.

"Gboi!" habol nito. Nagulat siya ng bigla siya nitong hatakin at bumagsak sila sa isang tagong bahagi ng eskinita.

"Keep down, sweetheart." saka nito inilabas ang baril. "Nasa iyo pang isang baril diba?" tanong nito. Inilabas niya ang kwarenta y singko mula sa likuran.

"Bakit?" tanong niya.

"May bumabaril sa atin. Hindi mo ba naramdaman? Ayan o, may daplis ka." saka nito diniinan ang sugat sa balikat.

Napasigaw siya sa sakit. "Sira-ulo ka. Bakit mo diniinan?" asar na tanong niya.

"Eh para kang timang na nagtatanong pa diyan. Kung di ka ba naman masyadong madrama eh di sana wala kang sugat."

"Aba't..." hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil narinig nila ang mga tama ng baril mula sa di kalayuan na tumama sa pinagtataguan nila.

"Tayo, bilis. Kailangan nating matakasan itong mga ito." iyon na naman ang panganib sa boses nito.

"Ilan ba sila?"

"Mukhang tatlo." yung dalawa nasa kanan, iyong isa sa kaliwa. Napansin mo ba itong iskinita na ito?" tanong nito pagkatapos magpaliwanag.

"Ah oo. Pa-krus. Anong plano mo?"

"Magpapakita ako sa kanila na tatakbo don. Kapag may lumitaw. Barilin mo agad. Doon ka lang sa gilid. Tambangan mo iyong nag-iisa sa kaliwa." bilin nito sa kanya. Kinuha nito ang bakal na basurahan na de-gulong at saka iyon pinaandar.

"Anong gagawin mo diyan?"

"Magbibilyar ako." sarcastic na sagot nito.

"Timang, eh co-coveran naman kita."

"Doon lang iyon sa isa. Eh, paano yung sa dalawa?"

Napa-isip tuloy siya. Oo nga pala, tatlo ang kalaban nila. Tinulungan niya itong itulak at ng malapit na itong lumabas ay malaks nito iyong itinulak saka sumakay doon. Mabilis siyang pumwesto at ng nakita niyang tumayo ang lalaki sa kaliwa mula sa pinagkukublihan nito ay mabilis niya itong pinaputukan. Tinamaan ito sa dibdib saka bumagsak habang nakikipagpalitan naman ng baril si pancho na nasa loob ng makapal na bakal na basurahan.

Tinulungan niya ito at ilang palitan lang ng putok ay tumumba na ang dalawang nasa kanan. Mabilis na tumalon palabas ng basurahan si Pancho at lumapit sa kanya.

"Ang galing mo." nakangiting sabi nito.

"Ang baho mo naman." nakakalokong tawa niya rito.

"Oo nga noh?" sabi nito saka tumawa. Nilapitan nito ang isang lalaking humabol sa kanila at kinuha ang wallet nito saka hinubad ang suot nito at ipinalit sa sariling damit. Inutusan din siya nito na kunin ang wallet ng napatay niya. Hindi man niya alam kung para saan iyon ay may ideya na siya. Sinabihan din siya nito na makipagpalit ng damit sa napatay niya. Umayaw siya.

"I won't wear a dead man's shirt!" matigas niyang sabi. Nagkibit-balikat lang ito at hindi na siya kinulit pa. Kinuha nito ang sumbrero ng dalawang nabaril nila saka ipinasuot sa kanya.

"Para sa disguise." sabi nito ng tumanggi siya.

Hinawakan nito ang kamay niya at saka siya inakay palabas ng kabilang eskinita. Kaswal silang lumabas habang ang mga tao ay nagtitinginan dahil sa kanilang magkahugpong na kamay. Hindi siya makatingin sa mga ito kaya nanatili siyang nakayuko.

"Relax. Inggit lang iyang mga iyan." bulong nito sa kanya.

"You'll be sorry for this." mariing sabi niya.

"Nah, you'll enjoy this. Hi girls!" nakangiti pang bati ng hudyo sa mga nagdaang mga babae. Kinikilig na nagtawanan ang mga ito.

"Sayang naman. Ang gu-gwapo pa naman nila." narinig pa niyang sabi ng mga pa-cute na talipandas.

Mabuti at naka-tawag na ito ng taksi at mabilis silang sumakay papunta sa kanilang mansiyon. Nang tingnan niya ang relos ay mag-aalas-syete na pala ng umaga. Nang tignan niya ang cellphone ay nakita niyang ang napakaraming missed calls from Atty. Pangan. Agad niyang tinawagan ang abogado.

"Thank god at tumawag ka Gboi." exasperated na sabi nito.

"Why? What is it Attorney?" nalilito niyang tanong rito.

"Nasaan ka ba? Naririto ako sa ospital. Naaksidente pareho sina Elric at Mercy. Pumarito ka sa St. Lukes. Pronto." nagmamadaling wika nito.

"What? How did that happen? Iniwan namin si Aunt Mercy sa Hotel habang si Elric ay dapat nasa mansiyon na sa mga oras na ito. Naroon na ang katawan ng Tita Mildred dapat." natatarantang wika niya.

"Unfortunately, Elric drove too fast at yung breaks ng sasakyan ay hindi gumana. Bumangga siya sa isang puno sa central island. Si Mercy ay nakitang itinulak sa kalsada at nabundol ng sasakyan. The culprit was nabbed by the bystanders. Bugbog-sarado nga eh. She's here na. Si Elric ay ipina-transfer ko na from Medical City." mahabang paliwanag nito.

"Okay thanks Attorney. I'll get there as soon as I can." tinapos na niya ang pakikipag-usap dito at binalingan ang nakakunot-noong si Pancho.

"What is it?"

"Elric and Aunt Mercy is on the Hospital right now. We should hurry. Mukhang gusto talaga kaming ubusin ng kung sino man ang taong ito." nakatiim-bang na sabi niya.

"Calm down. Mahuhuli rin natin siya. Let's just pray na walang mangyari sa kanila." saka nito hinawakan ang kamay niya. He felt comforted and assured sa kabila ng sitwasyon ng dahil lang sa paghawak nito sa kamay niya. Tinawagan naman nito sina Rick ulit upang gawin ang clean-up sa location nila kanina saka sinabi ang pangalan ng mga lalaking nakasagupa nila mula sa mga wallet ng mga ito.




KATRINA rushed to the hospital as soon as the plane landed on the airport. Hindi niya nakuhang makarating sa burol ng kanyang Tito Armand and now ang Tita Mildred niya ay patay na rin. Ikinabigla niyang lalo na nasa ospital si Elric at ang mayordoma dahil sa mga freak accidents ng mga ito.

What on earth is happening with Gboi's family? Are they being annihilated? But why?

She asked the information for the directions of the rooms. Hindi niya kabisado ang kabuuan ng Saint Lukes. Nakita niya ang mga pulis sa labas ng kwarto. Agad siyang pumasok sa kwarto ni Elric at hinanap si Gboi.

"Oh honey, I came as soon as I heard the news. Busy kasi sa branch namin sa Ohio." umiiak na sabi niya. "I'm sorry about Tito Armand and Tita Mildred." she kissed Gboi's lips. He responded. A cold one. She looked at him. His face devoid of any emotion.

"It's all right honey. Everything will be all right." pagpapalubog niya sa kalooban nito. She hugged him. He kept still.

"Thanks Katrina. Nailibing na rin si Tita Mildred kanina. Both of them are still in coma. And I think I have to tell you something." malamig na sabi nito sa kanya.

Kinabahan siya. She remained poised. "What is it honey?" she asked nervously.

"I'm calling the wedding off."

"O-of course. It is. For a while right?"

"I dont think you heard me right. It's off. For good." his face still passive.

"W-what do you mean its off? For good?" she parroted.

"There will be no wedding that will take place. No wedding." mariing sabi nito.

"What?!" she shrieked. "Explain this Gboi!"

"What is there to explain? I just said there will be no wedding. Matalino ka naman di ba?" di nakatiis na sikmat nito sa kanya.

"I deserve some good explanations here Gboi. Not just because you said it so!"

"I'm calling off the wedding because I don't want to merge with your company. Because if I do the merging I would become rich than I already am and you will be dead because of it!" hysterical na sabi ni Gboi sa kanya.

"I don't believe you honey. Please don't do this. Lets get on with the wedding even without the merger." she said sobbing.

"I still can't. There's another reason."

"Don't tell me... there's another party?" she hissed.

"No. That's not it."

"Then what?"

"I'm gay. And you're quite right. I'm in love with somebody. But its a man." he said casually.

Se went still. her mouth formed an O but opted not to speak further. Naiiling na umalis siya sa pagkakayakap dito. Naninikip ang dibdib niya.

"I-it can't be. We had sex right?" she said when finally her voice came back.

"I screwed women and men in the metro. Please don't forget to take that into consideration." naiiling na sabi nito.

"How dare you!" she slapped him.

"Well I guess I deserve that." hinaplos nito ang nasaktang pisngi.

"How dare you!" she tried slapping him again but he caught her hand. "No dearie, not twice. That's a No No!" then he pushed her. He turned his back and sat on the couch.

"You are so gonna pay for this!" she threatened.

"Have it your way!" he said nonchalantly.

Itutuloy...

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP