Chapter 14 : Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako

Sunday, November 21, 2010

By: Dalisay
E-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com
Blogspot: dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I was born to stand out.

Kung kaya mo ng sabihing mahal mo akoTulala lang si Gboi habang nakatitig sa kabaong ng kanyang ama. Ikalawang araw na iyon at walang patid ang pagdating ng mga bisita para makiramay. Nagkalat din ang media sa labas na humihingi ng reaksiyon at kumpirmasyon kung totoo nga ba ang kumalat na balita na isang murder case ang pagkamatay na iyon ni Don Armando Arpon.

May mga bumabati sa kanya ng pakikiramay ngunit hindi na niya masyadong pinagkaka-abalahan na sagutin iyon. Hindi pa nagsi-sink in ang lahat sa kanya. Kahit pa kinausap na siya ng pulis na kaibigan ni Pancho na may hawak ng kaso ukol sa pagkakapaslang ng ama.

Solido at kongkreto ang ebidensiya. May nakuhang mga holen na naging dahilan ng pagkadulas ng kanyang ama sa ituktok ng kanilang hagdanan. Isa sa mga holen ay may bahid ng dugo na nakompirmang nag-match sa kanyang ama. Ngayon ay binabalot ng pag-aalala para sa kanyang kaligtasan ang kanyang puso.

Hindi niya matukoy kung sino ang dapat paghinalaan. Marami siyang gustong sisihin. Kasama na ang sarili niya. Tiningnan niya ang kanyang madrasta na tulad niya ay namamaga ang mata. Hindi pa ito tumitigil na kaka-iyak at madalas na nase-sedate ng dahil doon.


Si Elric naman, pagkatapos ng eksena sa parking lot kahapon ay iyon at nasa tabi ng ina at hindi umiimik. Mailap ang mga mata nito sa pagkakatingin sa kanya. Wari at nahihiya na hindi niya malaman. Well, wala na siyang paki-alam. Iginala niya ulit ang paningin. May kumaway sa kanya.

Si Jim. Hindi na siya nakapag-paalam ng maayos dito ng malaman nila ang kondisyon ng ama. Marahil ay nabalitaan nito ang nangyari kaya nandito ito ngayon. Tipid siyang ngumiti rito at tumango. Humakbang naman ito palapit sa kanya.

Pinagmasdan niya ang kabuuan nito. Malaking lalaki rin si Jim. Mas maputi lang siya ng kaunti rito. He was more on the medium tan side. Matikas at may pang-akit na ngiti. Mas matanda siya rito ng limang taon. Nakilala niya ito sa isang pagtitipon mga limang taon na rin ang nakakaraan. He was his boyfriend then. Tago nga lang. He said he like older guys kaya nagkaroon sila ng relasyon which didn't work out after several months. Umupo ito sa tabi niya.

"I'm sorry Gboi."

"Yeah." tumango lang siya.

"I saw it on the news. Nagulat talaga ako. Kaya pala sabi ng mga tauhan ko eh nagmamadali kayo."

"He was still alive then, Jim. Kung hindi siguro ako umalis ay hindi ito nangyari." nakatiim-bagang na sabi niya.

Hinagod nito ang likod niya at umisod ng mas malapit. Inihilig nito ang ulo niya sa balikat nito. It felt nice. Pero parang may kulang. May imahe ng isang tao ang pilit na sumisiksik sa isipan niya. Iyon ang hinahanap-hanap ng katawan niya. Bumukal ang emosyon niya sa pagkaisip niyang iyon sa taong 'yon.

"It's okay Gboi. Hush now. Everything happens for a reason." si Jim na pilit na ikinakalma ang loob niya.

"Sure it did. Sapat na rason para kunin ang buhay ng daddy." mapait niyang sabi.

"I know how you feel right now. Pero kailangan mong tatagan ang loob mo. Ikaw na lang ang natitirang kamag-anak ng daddy mo. Although andyan sina Tita Mildred and Elric, still, kailangan mong gawin ang mga bagay na naiwan ng tatay mo."

I know, Jim. But I can't trust anyone right now."

"What do you mean?"

"I just have to be careful nowadays Jim." paiwas niyang sagot.

"No. You're suppose to tell me something Gboi. I want to hear it. Maybe I can help."

"I don't want to involve you here Jim. It's really not your business anymore."

"But you are, Gboi." napamaang siya sa sinabi nito.

"How come?"

"I'm volunteering myself. Alam ko ang reports ng pulis about the murder issue."

"How did you know about it?" kunot-noong tanong niya.

"I happen to have a contact here. But, that's beyond the point. We have to move and catch the culprit Gboi." mariing sabi ni Jim.

"That's really none of my concern for now Jim. Maraming bagay akong naiisip ngayon. Actually, sobrang gulo ng utak ko."

"Alright. I'm sorry. But remember, I'm here for you. Hindi kita pababayaan. I got your back Gboi." saka ito ngumiti ng matamis at nagpaalam na.

Tumayo siya. Plano niyang matulog muna at huwag mag-isip ng kung anu-ano. Salamat kay Jim at medyo nabawasan ang bigat sa dibdib niya kahit panandalian lang. Paakyat na siya ng biglang may sumigaw.

"Armando!!!" si Mildred.

"How could you leave me too? Una si Jorge tapos ngayon ikaw. Bakit ikaw pa, mahal ko?" atungal nito sa kabaong nito habang hagod-hagod ni Elric ang likod nito at pinipigilan ang pagsubsob ng ina sa casket.

"Why did you have to go sweetheart? Bakit hindi na lang ang anak mo ang nawala? napalingon siya rito. Nanlilisik ang mga mata nito.

Hinarap niya ang mga matang iyon. Bigla ang paggapang ng guilt sa puso niya. OO nga, bait hindi na lang siya? His father was a good man. Sumakit ang lalamunan niya sa pagpigil ng iyak.

"Huwag kang mgasalita ng ganyan Mildred. Maraming bisita ang nakakarinig." Tinig iyon ni Manang Mercy.

"Huwag mo akong mapaki-alam alaman ditong babae ka. Wala kang karapatan. Sampid! Hampas-lupa. Lumayas ka sa harap ko." nagwawala ng sabi ng madrasta niya.

He saw the old woman winced at may iglap na talim ang dumaan sa mga mata nito sa mga sinabi ng kanyang madrasta na agad ding naitago ng makita niya itong yumuko. Nilpaitan niya ang mga ito.

"Nurse, pakidala na muna iyan sa kwarto niya. Manang, halika po. Doon muna tayo sa taas." yakag niya sa babae.

"Hindi na senyorito. Kaya ko ang sarili ko. Doon na muna ako sa kusina." saka ito nagmamadaling umalis habang umiiyak.

Napabugha siya ng hangin at tumingala. Nahilot niya ang batok sa kakatapos lang na eksena.

"K-kuya." he was stunned by the voice. Not really by it but by the way the owner of the voice addressed him. Nilingon niya ito para makasiguro.

"Kuya." si Elric nga. May bandage pa ito sa mukha. Namamaga pa ang mga labi. He was total mess.

"What?" malamig na tugon niya.

"C-can we t-talk? In private." uutal-utal pa ito. Mukhang hirap pang magsalita.

He nodded. Sumenyas siyang sumunod ito. Ang nanay naman nito ay nakita niyang buhat na ng nurse at ng mga katulong paakyat sa kabilang wing ng hagdanan. Dumiretso sila sa kwarto niya.

"Spill it." bigkas niya pagkapasok na pagkapasok nila nng kwarto.

Nag-aalangan ang itsura ni Elric. Parang basang sisiw. Sa ibang pagkakataon ay matatawa siya sa akto nito. Pero hindi iyon ibang sitwasyon.

"Don't worry. I won't bite. I'm too tired para makaisip pa ng ibang gagawin." sarcastic niyang sabi at naupo sa single seater na sofa sa loob ng kwarto.

"I-its not that Kuya." mahinang sabi nito.

"What's with the term Elric. You never called me that before. Remember?" inis na wika niya.

"I know. I've been bad. And I'm sorry. I really am. I'm an asshole. A jerk of first order. I deserved to be hurt like this." naiiyak na sabi nito. Sumisigok-sigok pa.

Naawa naman siya sa kalagayan nito. Tumayo siya at nilapitan ito at niyakag na maupo. Nasa kama na sila ay panay pa rin ang iyak nito. Inalo niya ito. After-all. Ito na lang ang stepbrother niya. Nawala na si Jorge noon pang isang nakaraang taon. Mas close siya doon kaya nanghihinayang siya ng husto para sa mas nakababatang stepbrother.

"Tahan na. Para kang di lalaki niyan." biro niya.

"A real man is not afraid to cry Kuya Gboi." puno ng luha ang mukha nito na tumingin sa kanya.

"Yeah. A real man cries. So paano pa ako? I'm not a "real" man." mapaklang tawa niya.

"I don't care Kuya. I really don't care. Mas mukha ka pa ring lalaki. I can't believe at first but know what? I really don't care at all. Nagising ako sa katotohanan. Salamat na rin siguro kay Pancho. Nang bugbugin niya ako at marinig na binalak ka niyang gamitin ay nasaktan ako. I mean, how come na kailangang may madamay ng dahil sa mga kalokohan ko." umiiyak na sabi nito sa kanya. In between sobbing ay napapangiwi pa ito. Tanda ng may iniinda pang sakit ng katawan.

"Shh... That's alright Elric. Tapos na iyon. At least nalaman ko na kung sino talaga siya. At, magkaayos na tayo. Sorry rin sa pananakit ko sa iyo noon at sa barkada mo." hinging paumanhin din niya.

"Ayos na iyon kuya. Salamat at okay na tayo ngayon. Masarap palang may tinatawag na kuya. Sayang, ngayon ko lang ginawa. Salamat talaga." madramang wika pa nito.

"Asus. Drama mo 'tol. Hindi bagay. Sa ating dalawa, ako dapat ang drama queen." patawa niya.

"Hindi bagay sa'yo. Ang laki ng katawan mo eh. Saka hindi ka naman lelembot-lembot maglakad. Nga pala kuya, pwedeng magtanong?" nahihiyang saad nito.

Ngumiti siya. Halos nahuhulaan na ang tanong nito.

"Kung kailan pa ako ganito?" sabi niya.

"Sort of, Kuya. Hindi kasi ako makapaniwala eh."

"I tried to fight the urge of loving or having a relationship with a man. Kita mo naman sadyang ang daming babaeng nasa paligid ko. I screwed each and everyone of those girls pero natatalo talaga ako minsan ng tawag ng laman para sa kapwa lalaki. Kapag nangyayari iyon ay lumalabas ako ng bansa. May multiple-entry visa naman ako eh, so why not gamitin. Mas malayo, mas maganda. Since highschool pa ako nakakaramdam ng ganito. But I rarely have sex with Filipino guys. Madadaldal kasi." mahabang paliwanag niya.

"May nakaka-alam pa bang iba?"

"Oo. Si Jim at si..." hindi niya maituloy ang sasabihin.

"Si Pancho." he tensed. Itinuloy ni Elric ang dapat niyang sabihin.

His silence might have confirmed it so he continued asking.

"How did he knew it?"

"I don't have any idea. Sabi lang niya, halata raw sa kilos ko."

"Why? Anong kilos?"

Napabuntong-hininga siya. Saka nagsalita. "He caught me staring at his crotch noong nasa airport kami." nahihiya niyang amin.

"Ah... Okay. Sige Kuya. I won't bother you muna. Magpapahinga muna ako. Masakit pa katawan ko eh." paalam nito sa kanya na nadama marahil ang pagkailang niya sa topic.

"Do you want to sue him? I'll stand as your witness." pahabol niyang sabi rito ng papalabas na ito.

Lumingon ito at ngumiti ng bahagya. "No. I deserve this. Let me contemplate on my sins Kuya. Then, I'll ask for your advise. Is that okay with you?" nahihiyang sabi nito.

He nearly cried sa narinig. Ngumiti siya. "Sure. Anytime bro." saka nito inilapat ang pintuan.

Nahiga siya sa kama. Hindi niya maiwasan na malungkot na naman. Bagaman at naayos na ang gusot sa pagitan nila ng kapatid ay may bumabagabag pa rin sa kanya. Hindi niya pwedeng isawalang-bahala ang pagkamatay ng ama.

Kumpirmadong murder iyon sabi ni Lt. Rick Tolentino. Natanong na rin ang lahat ng nasa loob ng bahay at ang mga gwardiya with regards sa nangyaring krimen. Lihim ang ginawang pagtatanong. Inisa-isa sila ng mga pulis.

Paanong magkakaroon ng holen sa hagdanan eh walang bata roon para maglaro noon. At ang mga holen na iyon ay ang mga laruan niya noong bata pa siya. Nakilala niya iyon. Ang sabi ng pulisya ay sa kanya lang ipinakita iyon. Confidential ang imbestigasyon. Nagbayad siya ng malaking halaga para hindi iyon kumalat.

Wala sa listahan si Elric dahil nasa party ito ng maganap ang krimen. Solido ang alibi nito. Ang mga natitirang suspek ay ang lahat ng nasa bahay. Singled out na rin siya sa kaso dahil nasa Batangas siya with Pancho.

Maaaring inside job iyon. Maari rin na ang madrasta niya iyon at ginamit lang ang holen niya sa attic para maituro siya sa krimen. Ngunit ang gumugulo sa isip niya ay ang katotohanang kapag namatay ang ama ay isang bank account lamang ang maiiwan dito worth hundred millions din naman at ang bahay nila sa Canada. Nakita na kasi niya ang draft ng will ng kanyang ama.

Something didn't made any sense. Sa atungal lang kanyang madrasta kanina, bakit nito papatayin ang asawa? At alam niyang alam nito na wala itong gaanong makukuha dahil sa pre-nuptial agreement na pinirmahan nito at ng ama. Ang kumpanya ay kanya dahil sa lehitimong Arpon lamang ito pwedeng ipamana. Old school kasi ang kanyang ama.

Hindi rin maaaring ang mga katulong. Kahit pa nagtataka siya sa salitang binitiwan ng madrasta kay Manang Mercy ay ipinagkibit-balikat na lamang niya iyon. Bukas ay libing ng daddy niya. Saka na niya iisipin ang mga bagay-bagay. "Babasahin na rin nga pala bukas ang last will ni daddy." Sabi ng isip niya.

Huminga siya ng malalim at pinakawalan iyon ng dahan-dahan. Ang sitwasyon ngayon ay sobrang nakakalungkot. The way his father died is also disheartening. Naluluha na naman siya. Sumingit pa sa isip niya ang ala-ala ng panloloko ni Pancho. Wala na. Pinilit niyang makatulog. Sa dami siguro ng kanyang iniisip ay nakatulog rin siya ng mahimbing.


Sa isang sulok ng mansiyon ay galit na galit ang may sala. Nanlilisik ang mga mata niya. May nakakatakot na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Ngiting nauwi sa pagtawa ng marahan.

"Kawawang Gboi. Hindi niya alam kung ano ang tunay na mangyayari. Mukahang hindi na rin magtutuloy-tuloy ang mga pulis sa pag-iimbestiga. Haha, malinis ang pagkakagawa ko sa krimen. Pasensiya na Armando. Kailangan mong mawala. Isusunod ko si Gboi. Tapos saka ako lalayo rito. Maipaghihiganti ko na rin ang kaapihan ko sa inyo!!!" mahinang sambit ng talipandas habang tumatawa at nakahiga sa kanyang kama.



Tapos na ang libing at kanina pa nag-alisan ang kahuli-hulihang bisita. Naiwan ang abogado ng pamilya at tinipon sila sa loob ng study room. Iginala niya ang paningin. naroon ang dalawang opisyal ng kumpanya. Ang madrasta niya at si Elric. Tiningnan niya ang matandang abogado.

"May hinihintay pa ba tayo Attorney?" tanong niya.

"Oo, Gboi. Isang tao na importanteng naririto." sagot nito.

"Sino iyan Benedict? Sa pagkaka-alam ko ay narito na ang lahat ng nasa will ni Armando." nakakunot-noong tanong ni Mildred sa abogado.

"Just wait Mildred. Just wait." at doon bumukas ang pintuan.

"Kumpleto na tayo. Everyone. Meet Mercedita Arpon Dominguez. Ang nakatatandang kapatid ni Don Armando Arpon." pakilala ng attorney sa kanila.

"I-ikaw?" gilalas na sambit ni Mildred.

"Manang?" nalilitong tanong niya.

"What is the meaning of this Benedict? Answer me!" paghihisterya agad ni Mildred.

"Calm yourself Mildred and get seated! Walang magagawa ang paghihisterya mo. And I know you know already the reason why she's here. She is your husband's sister." puno ng authorization na sabi ng abogado.

Bahagya siyang naaliw. So Attorney Pangan can shut her stepmother up. Natawa siya sa isip. Panibagong sorpresa na naman ito. Hindi siya makapaniwala pero agad niyang natanggap ang ideyang iyon. Kaya pala magaan ang pakiramdam niya sa mayordoma nila.

"Manang... err, Auntie, dito po kayo sa tabi ko." nakangiti niyang sabi dito.

Naluha agad ang matanda sa obvious na pagtanggap niya rito. Niyakap siya nito at umupo na sila. Pinahid niya ang luha nito.

"Why didn't you tell me about this?" tanong niya pagkaupo nito.

"Hindi ko pwedeng ipagsabi na lang ito basta Anak. Komplikado ang istorya ng pamilya natin."

"Okay. Pero ikwento ninyo sa akin ang lahat pagkatapos nito."

Tumango ito.

"Oo nga. Ikwento mo ang panghaharot na ginawa ng nanay mo sa tatay ng asawa ko. Siguraduhin mo Mercy." Malakas na sabi ni Mildred.

Napalingon sila rito. Galit na galit ang tingin nito sa kanila. Magsasalita sana siya ngunit napigil iyon ng pagsasalita ng abogado.

"Mildred that's enough! Hindi ako makapag-umpisa sa kagagawan mo." and the witch did shut up.

"Okay. Let's start this." pasimula ng abogado.



Itutuloy....

1 comments:

Jayson November 21, 2010 at 4:33 PM  

I cant wait to finish this story.....nice one..sana makasulat din ako ng magandang novel...

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP