Chapter 16 : Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako
Monday, November 22, 2010
By: Dalisay
E-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com
Blogspot: dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: Thanks Jayson!
"What are you up to Pancho?" malamig niyang tugon.
"I don't have anything to do with these killings Gboi. Hindi ako ang may pakana nito kung iyon ang iniisip mo." diretsong tugon nito na waring nababasa ang nasa isip niya.
"Well its very convenient for you to invent one lie after another. Siyempre, sino pa ba ang pwede naming pagbintangan eh ikaw lang ang alam kong may motibo."
"Oo. May motibo ako, noon, ay ang ipaghiganti ang kapatid ko sa walang-hiyang kapatid mo. Pero nagbago ang isip ko ng mamatay ang Papa mo. Naisip ko na wala--"
"Oh! Tell that to the marines Mr. Vergara. I have nothing to do with your vengeance in the first place. Bakit kailangang idamay mo ako." putol niya sa sinasabi nito sa mapait na tono.
"Lagi kang ganyan. Hindi mo ako pinagbibigyang magsalita. You always cut me--"
"I really love to cut you, for real Pancho. Big time."
Bumugha ito ng hangin. "Listen. Saka na natin pag-usapan ang tungkol diyan Gboi, ang importante ay malaman mong maaring katabi mo lang ang pumapatay--"
"How dare you tell me when to talk about our issue! Sinasabi ko sa iyo. We have nothing to talk about. As a matter of fact there is no "us" to begin with kaya wala tayong dapat pag-usapan."
"God damn it! Will you listen to what Im trying to say to you? Somebody out there is trying to kill you and your whole family! Don't be unreasonable!" galit na sabi nito.
"Oh. So I'm the one whose unreasonable. Fuck you Pancho! Fuck you very very much! You think I didn't know that? Rick already told me that. And I can very well take care of myself! You bastard." bulyaw niya naman dito.
"Look, I'm trying to help you out here." nagbaba ito ng tono.
"And should I thank you for that? The last thing I need would be a help coming from you."
"That's why Rick is there. He could help you."
"I know. Hes a lot better than you." ewan niya kung bakit niya nasabi iyon.
"Oh he won't touch you sweetheart. Remember, you're mine. Only mine. Mag-uusap tayo sa tamang panahon. Sa ngayon, ay ingatan mo ang sarili mo." at nawala na ito sa linya.
Buti na lang, hindi niya kasi ito masagot ng "I was never yours." Nakakahiya iyon. Alam ng lahat ng nasa paligid na lalaki rin ang kausap niya. Namumula ang mukhang ibinalik niya ang earpiece at mic kay Rick.
He knew he shouldn't believe Pancho. For all he know, baka ito nga ang nagplano ng lahat ng iyon. Pero isang sulok ng isipan niya ang tumatanggi sa kaisipang iyon. Umaayaw sa ideya na ito ang maaaring may kagagawan ng lahat. Napabugha siya ng hangin. Ngayon lang niya na-realize na pigil-pigil niya pala ang hininga habang kausap si Pancho kanina. He still has the same effect on him.
Elric grabbed his arm and dragged him away from the police. He's still sobbing and crying. His heart went out to him. Parehas na silang ulila ngayon. Sa loob lang ng isang linggo. Napatiim ang bagang niya.
"What did he say Kuya? Sinabi ba niya ang pangalan ng salarin? Sinong pumatay sa mama? mga katanungang sunod-sunod na inilahad nito.
"He didn't. I mean, he wasn't able to tell me. I always cut what he's saying." paliwanag niya.
"Who is it Kuya? Do you have any idea?"
"I don't know Elric. I really don't know. I think I should talk to Pancho. I need to know who's texting him and giving him details of the crimes."
"Yeah do that Kuya. And when you do, please, tell me the details of his own investigations. Ha." pagmamaka-awa nito.
"Yeah. I will."
Doon dumating ang coroner at ang iba pang miyembro ng SOCO. They asked to investigate the whole mansion and not only the scene of the crime. Nagbigay siya ng permiso dahil sa tingin niya ay makakatulong iyon. Tinawag niya si Elric at si Auntie Mercy para sumabay na sa kanya sa pagpunta sa hotel na tutulugan nila sa gabing iyon. Mamaya ay tutuloy pa sila sa punerarya para sa pag-aasikaso kay Mildred. He sighed. Mukhang napapaligiran siya ng mga taong ang nais ay makapag-higanti. Naiiling na tinungo niya ang sasakyan.
"Naguguluhan ako sa scenario. Bakit pa niya iniangat ang katawan ng biktima pagkatapos lunurin para lamang pagmukhaing tulog ito. Di kow pho ma-ghetszzz!!!" pa-kwelang sabi ni Rick sa kasamahan sa loob ng autopsy room.
"Kadiri ka jejemon, tinyente ka pa naman." nakasimangot na sabi ng Pathologist na si Dr. Cody Unabia. Dating marines ito at nakasama niya sa isang special army force and somewhat disbanded na Task Force: ENIGMA.
"Ano bang nalaman mo Doc?" sabat naman ni PO3 Rovi Yuno.
"Ah, she was drowned. Iyon ang cause of death. Pero ang hindi ko malaman ay bakit mayroong substance ng Arsenic Trioxide ang champagne na nasa crime scene." nakakunot-noong sabi nito habang kaharap ang katawan ni Mildred.
"Ah... Ano yun?" si PO3 Yuno.
"Its an inorganic compound na matatagpuan sa household materials like insecticides. Very common ang ganoong murder weapon. Maaring bilhin ng kahit na sino. Ang pagkakalagay nito ay idinaan sa cork ng champagne bottle. Ini-inject through the cork. Meaning it was a premeditated crime. Naniguro ang salarin sa isang ito, Sarhento Yuno." mahabang paliwanag ni Doc Unabia.
"Tulok. Sana binuo mo na ang pangalan ko." tumatawang sabi ni PO3 Rovi Yuno.
"Mga timang. May ini-imbestigahan tayo rito. Bakit kailangan siyang lunurin? Iyon ang di ko maintindihan." tanong ni Rick pagkatapos sawayin ang mga ito.
"Good question. Ang totoo, nakatulog ang biktima habang nasa bathtub. Ang chemical compounds ng arsenic trioxide sa champagne ay kaunti lang. Tinalo iyon ng chemical composition ng inumin. She might've slipped while sleeping kaya siya nalunod. Siguro ang purpose kaya siya ini-angat ay para makita itong patay na. Iyon siguro ang purpose nito." mahabang paliwanag ng pathologist.
"Hmm.. Naisip ko na iyan. One hundred percent na akong sigurado na premeditated nga ito. Wala bang fingerprints na nakuha sa bote, sa tray ng caviar at sa iba pa?" tanong ulit niya.
"Oh, tanungin mo si Major Katiyagaan." nakakalokong sabi ni Cody.
"Nasaan na ba ang kumag na iyon?" tanong niya. May kumatok sa pintuan ng autopsy room.
"Speaking of the devil na yata iyan." nakangising sabi ng doktor.
Bumukas ang pinto at pumasok si Major Perse "Katiyagaan" Verance na may dalang mga folders at nakakunot ang noo. Isa rin itong forensics expert.
"Tarantado ka Doc. Naririnig kita sa labas. Kamusta Rick." maangas na bungad nito.
"Iyan na ba ang report Major Tiyaga?" nakangising tanong ni Rick.
"Oo. We found some sufficient evidences and prints. Nahalughog namin ang buong bahay. Basahin mo at ng malaman mo na napaka-kumplikado ng sitwasyon sa bahay na iyon. Ang mayayaman talaga. Hay! Kasama na rin dyan ang report sa isa pang murder sa mansiyon." eksaherado pa itong huminga.
Dinampot iyon ni Rick at binasa ang report. Napataas ang kilay niya sa nalaman buhat sa nabasa. Napa-isip siya. "Mukhang ang tinutumbok nito ay pera. Napakaraming pera. At may turuan portion pa. Hmm." napakamot siya ng baba sa pag-iisip.
Nakibasa na rin si PO3 Rovi at Doc Unabia. Napailing na lang ang mga ito pagkatapos.
"Tsk, tsk. Kaya nga ayokong yumaman." halos magkapanabay pa na sabi ng dalawa. natawa silang lahat at parang chorus na sabay ding tumigil ng mauwi sa iisang kongklusyon.
"Ting!!!" pakwela ni Rovi.
"Naiisip mo ba ang naiisip ko, B1?" pagsakay ni Cody.
"Kung tama at walang agiw ang utak mo ngayon B2."
"Mga ungas! Hindi pa tayo sigurado." pagsaway rito ni Perse.
"Pero 95% na ng ebidensiya ang nagtuturo sa salarin." apela ni Rovi.
"We need it to be a hundred. Para walang takas. Men, I need you this time, round the clock. Babantayan natin ang natitirang tauhan sa mansiyon ng mga Arpon." sabi ni Rick sa dalawang police officers.
"Yes, Sir!" magiting na sabi ng mga ito.
He was on his way home para sa burol ng ina. Hindi pa rin siya makapaniwala na namatay na ito. She was such a good mother. Always looking for his best. Masama man ito sa paningin ng iba, she was a good mother for him after all.
Nagagalit siya sa sarili dahil hindi niya nabantayan ang ina at inatake ito sa sarili nilang bahay. Bumalik ang galit niya kay Gboi dahil ang sabi nito ay ginagantihan daw ito ng salarin ayon na rin sa pag-uusap nito at ni Pancho.
Those bastards. Elric cursed in his mind. Hindi maaring hindi niya maipaghiganti ang ina. Gaganti siya. Hindi pwedeng ng dahil sa paghihiganti sa pamilya nito ay idadamay ng salarin ang nanay niya. It was not acceptable. Nanggigigil talaga siya. Hindi niya namalayan na bumibilis na ang pagpapatakbo niya ng sasakyan sa kahabaang iyon ng kalsada. Tinapakan niya ang preno ng tangkain niyang lumiko sa isang kurba para mag-menor.
Nagulat siya sa natuklasan. Wala siyang preno! Hindi ito gumagana at ilang beses na niyang tinatapakan iyon. Natataranta na siya. Isinuot niya ang seatbelt. Bumusina siya ng sunod-sunod. Mabuti at wala masyadong sasakyan. Nakita niya ang island na mayroong puno. Inihanda niya ang sarili. Umasang gagana ang airbag ng sasakyan. Sa isang iglap ang malakas na pagbundol ng kanyang sasakyan sa punong iyon ang narinig sa katahimikan ng madaling-araw na iyon. Narinig pa niya ang pagkakagulo ng tao bago tuluyang dumilim ang paningin.
Malamig ang hangin. Napakalungkot ng paligid. Hindi siya makatulog. Nananakit na ang mata niya at inaantok na siya ng husto ngunit sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay hindi siya makatulog.
Ipinasya ni Mercy na lumabas ng veranda ng hotel na iyon. She breathed the city air. Hindi pa rin mapakali ang pakiramdam niya. Siguro ay dahil sa bigat ng mga pangyayari nitong mga nakaraang araw. Hindi siya makapaniwalang kikilalanin siya ng kanyang kapatid at pamangkin.
Marahil ay maswerte na siya para doon. Matagal din siyang nagtiis. Hindi man niya hinangad ang mga iyon ay ayun at nakahain na sa harapan niya. Nalulungkot na inalala niya ang huling usapan nila ng kapatid na si Armando.
Sinabi nito na kung mayroon siyang kailangan ay lumapit lamang siya. Hindi niya inaasahan iyon, sapagkat hindi sila naging malapit kahit kailan. Noong nangailangan kas siya ng pantustos sa kanyang ina na naratay sa sakit ay lumapit siya sa ama. Buti at tinulungan siya. Subalit ang kapalit noon ay pinagsabihan siyang huwag mag-ingay sa totoong estado nila.
Hindi na niya minasama iyon. tutulungan naman nito ang ina. At saka, sampung taon pa lang siya noon. Wala siyang ibang lalapitan kundi ang ama. Noong mga panahon na iyon ay baby pa alng si Armando. Nang namatay di kalaunan ang kanyang ina ay kinupkop siya ng ama sa mansiyon bilang kasambahay at ipinaulit ang ipinapangako nito sa kanya.
Nakapag-aral siya at nabuhay din ng maayos. Nang mamatay ang mag-asawa ay naging mayordoma siya sa mansiyon sa kagustuhan ni Armando na noong panahon na iyon ay alam na ang tungkol sa kanya. Hindi na niya pinag-ukulan ng pansin ang pagiging malamig nito sa kanya. Okay na siya sa buhay niya.
Pumasok siya sa kwarto. Nagpasya siyang lumabas at bumili ng pampatulog niya. Nasa elevator na siya ng makadama ng kakaiba. Lima sila sa loob noon. Tatlo silang babae at dalawang lalaki. Iyong isa ay pinagtitinginan dahil sa pagiging matikas nito sa kabila ng edad. Habang ang isa ay hindi halos tingnan dahil sa hindi ito kagandahang lalaki.
Pagdating sa ground floor ay dumiretso siya sa labas at nagtanong sa gwardiya ng pinakamalapit na drugstore. Nang matantong malapit lang iyon ay nagdesisyon siya na lakarin iyon. Habang naglalakad ay tsineck niya ang wallet na naglalaman ng pera niya at ID. Nang masiguro na sapat ang dala ay tumuloy siya.
Nasa isang madilim na bahagi siya ng kalsada ng bigla na lang may humatak sa kanya. Itinakip nito ang kamay sa bibig niya para hindi siya makatili. Ilang sandali ang lumipas at wala pa ring amgawa ang pagpalag niya. Napakahigpit ng hawak nito skanya. nananakit na din ang lalamunan niya sa pigil na mga tiling pinakakawalan niya. Umiiyak na siya.
May dumaang sasakyan sa bahaging iyon at sa gulat niya ay itinulak siya ng may hawak sa kanya para salubungin ang sasakyan pagkatapat sa kanila. Humagis ang katawan niya sa sementadong lupa ng kalsada at doon siya nawalan ng malay.
Katatapos lang nila mag-usap ni Pancho at galit na galit siya sa nalaman niya. Wala naman pala itong kongkretong pangalan na masasabi sa kanya ay inaksaya pa nito ang kanyang oras. Naiinis na nagpahatid na lang siya rito dahil hindi niya dala ang sasakyan na hiniram ni Elric pagkagaling nila sa punerarya.
"Ihatid mo na ako sa bahay at dadalhin na doon si Tita Mildred pagka-umaga." nakasimangot na sabi niya.
"Hayaan mong tulungan kita dito Gboi. Sige na."
"No need. I can take care of this." matatag na sabi niya.
"Sige." sumusukong sabi nito.
He felt so weak. Nasa tabi lang kasi niya ito eh. Nanlalambot pa rin ang tuhod niya. Apektado siya sa presensiya nito.
Nasa kalsada na sila ng biglang may bumangga sa likuran ng sasakyan nito. Napagibik siya.
"Tang' ina." sabi ni Pancho habang iniiwas ang kotse. "Mag-seatbelt ka dali!"
Sumunod siya. Agad nawala ang galit niya rito. "Sino ba iyon?"
"Malay ko!" sigaw nito. Pinaharurot ang sasakyan palayo sa itim na kotseng kasunod nila. "Kumapit ka, sweetheart." his voice brusque and hasty.
Nanlambot ang tuhod niya sa narinig. Napakapit din siya at napatitig sa unahan ng sasakyan. Palabas na sila ng Edsa at mag-uumaga na iyon. Nag-meet sila sa may Ortigas para mag-usap at iyon na nga ang eksena pagkatapos. Marami ng sasakyan sa daan.
"Pancho bilisan mo. Kapag inabutan nila tayo rito tayo ang headline sa mga TV maya-maya lang." malakas na sigaw niya. Pinapauputukan na sila ng kasunod. Parang timang naman na umiiwas ang mga sasakyan sa kanila. Parang nagbibigay-daan sa paghahabulan ng mga sasakyan nila.
"Ipagdasal mo na lang na walang mangyayari sa ating amsama." nakangiti pa nitong sabi.
"Aba at nag-enjoy ka pang hudyo ka!"
"Ano sa palagay mo sweetie?" malambing nasabi nito sabay yuko na makarinig ulit ng putok. Tuluyan ng nabasag ang salamin sa likuran. Kinuha nito ang baril sa dashboard. Nagpaputok din ito.
"Bakit mayroon ka niya?" tanong niya.
"Saka ka na magtanong. Iniitsa nito ang isa pang baril sa kanya. "Shoot first."
Gumanti sila ng putok. Iniakyat naman nito ang sasakyan sa flyover. Lalong bumilis ang takbo ng sasakyan kaya napanganga na naman siya sa ginawa nito. Kontrolado nito ang bawat galaw ng kamay. Nilingon niya ang kotseng kasunod . May humarang bus dito.
"Medyo malayo na." sabi niya
"Diyan ka lang!" sabi nito sa kanya sabay yuko sa kanya at tinamaan ang salamain sa harap. Bahagya pa silang bumagal ng nasa gitna na sila ng tulay.
"Bakit tayo bumagal? Anong gagawin mo?" angil niya rito.
"Magsasayaw ako saka maglalaba." sarkastikong sagot nito. Sumilip pa rin siya at naramdaman niyang huminto sila ng malapit na ang sasakyang humahabol sa kanila saka pina-arangkada ni Pancho ang sasakyan paaatras na ikinagulat ng mga ito.
"Magpaputok ka!" sabi nito sa kanya. Inumang niya ang baril at nagpaputok habang ganoon din si Pancho habang buong lakas na sinusuro paatras ang sasakyan ng mga ito. Tinamaan ang dalawang nasa loob. Bahagya silang umabante saka muling umatras ng buong lakas at nadiin sa gilid ng tulay ang sasakyan ng mga humhabol sa kanila. Napipi ang buong harap nito. Halos yuping lata. Saka sila tumakbo palayo roon.
Pagkababa ng tulay ay lumiko sila sa unang likuan na nakita nila at lumiko ng lumiko hanggang huminto sila sa isang kalmadong eskinita.
"Baba." Tumalima siya. Isinukbit ang baril sa likod niya saka isinuot ang jacket na dala niya kanina. Nang makababa sila ay saka siya nito hinila sa isa pang iskinita at mahigpit na niyakap.
"P-pancho!" saka niya nalaman na nanginginig pala siya.
Naramdaman yata iyon ni Pancho. He raised his head and then claimed his mouth hungrily....
Itutuloy...
0 comments:
Post a Comment