Chapter 7 : Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako,

Saturday, November 13, 2010

By: DALISAY
e-mail: I could tell you... But then I have to kill you. LOL! (mura yan. :p)
blogsite: dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I speak softly but I carry a VERY BIG stick!
------------------------------------------------------------------------

It was Gboi's third day as president of their company. Dapat ay noong mga nakaraang araw pa siya nag-assume ng office subalit iminungkahi ng kanyang ama na magbakasyon muna siya.

So, he took the liberty of going on a week vacation sa grand villa nila sa isla ng Mindoro. Presko ang hangin doon at tiyak na makakapag-pahinga siya ng maayos from the stress. And so he's back and on his third exciting day as the new company president.

Nasa opisina siya at ngayon ay pinag-aaralan naman ang libro ng kumpanya. It was under Elric's department. Isa raw ito sa magagaling na empleyado doon ayon na rin sa matatandang department heads.

Natural na hindi siya agad maniwala at ipakuha ang evaluation reports nito kasabay ng sa iba pang department head. Para hindi halata. Pasable naman ang mga nabasa niyang reports tungkol dito.

Nahilot niya ang sentido sa pagkaka-alala ng naging sagutan nila ng kapatid pagkatapos ng kanilang meeting kanina. Hindi talaga maaaring magtapos ang linggong iyon na wala silang magiging pagtatalong magkapatid.

"I'd like to talk to you my dear brother." walang pakundangan nitong salita pagka-adjourn niya ng meeting nila.

Hindi na makapag-hintay ang kumag. "Alone." patuloy pa nito na patungkol naman sa sekretarya niyang nakatayo lang sa tabi niya na ni hindi nito tinatapunan ng sulyap.


"Yoly, excuse as for awhile." Tinanguan at nag-excuse sa kanila ang empleyado niya at lumabas na ng conference room.

"What is it this time?" hindi tumitingin na tanong niya rito.

"So the bummer suddenly became the president of Arpon Developers? Pati rin ba sa kabila ikaw rin ang mamamahala? I wonder kung hanggang kailan tatagal ang kumpanyang ito na itinatag at pinaghirapan ng ama mo bago pabagsakin ng walang alam na katulad mo." ratsada kaagad nito. Wala man lamang pause. Puro fast forward.

Amusingly, itinaas niya ang kilay and gave him a mocking smile. Hindi siya dapat magpa-apekto sa mga sasabihin nito. Alam na niyang nasira na ang ilusyon nito na maging presidente ng kanilang kumpanya. Elric always resented the idea of being under his supervision since time immemorial.

"You know what? For a certified player and a stud like yourself. You seemed to talk too much. Are you...? pambibitin niya sa sabi habang naka-upo sa mesa. Pikon-talo. Yung ang labanan nila. Iminuwestra pa niya ang isang kamay na nakapameywang at ang isa ay nakalaylay paitaas.

Agad na namula ang mukha nito sa sinabi at ginawa niya. "Damn you!" wika nito at akmang susugod. Iniharang niya ang kamay dito at nagsalita.

"Hep, hep!" awat niya rito habang naiiling na nagpatuloy. "What? Tuning violent this time?" Nang-aasar na wika niya. "Baka nakakalimot ka dear brother. Hindi uubra ang stunts mong iyan sa akin. I studied martial arts in Tibet. Iyon ang natutunan ko sa pagiging bummer ko." nakangisi pa niyang wika rito. Hinahamon na pasubalian nito iyon at hamunin ang lakas niya.

Natigilan ito at huminto sa akmang paglapit. May dumaang bahagyang takot sa mga mata nito. Marahil ay naalala nito ang minsang pag-bugbog niya sa mga barkada nito who poorly picked a fight with him years ago.

Kumalma ito. Humugot ng malalim na hininga at inayos ang pagkakatayo. Muli itong ngumiti ng nakakaloko. His arms akimbo while saying, "Why don't you just give me the presidency Gboi. You always end up giving me everything I wanted since you don't have any options, remember? So bakit pa natin patatagalin ito since I always win anyway?" mayabang na wika nito.

Natawa siya. Hindi niya itinago ang pagka-aliw. Para itong batang nanghihingi lang ng kendi. Napaka-imposible talaga nito. He was actually referring to his golden days as a brat. Kung saan lahat ng mayroon siya ay kinukuha nito sa kanya.

Laruan, sasakyan, girlfriends at pati na ang atensyon ng ama ay kinukuha nito sa kanya noon. Well, almost lahat ng bagay. Dahil bukod-tanging si Katrina ang hindi nito maagaw-agaw sa kanya. For seven years, sa kabila ng pagporma nito ay nanatiling nobya niya ang dalaga at ngayon nga ay fiancee na niya.

Ibinalik niya ang tingin dito. "Not this time bro'. I've given you time para maging presidente dito pero di mo ginawan ng paraan. Siguro dahil at the back of Papas' mind you are not a capable President." sabay tawang nakakaloko ni Gboi.

Elric turned furious again but stayed on his ground. He would not dare pick a fight with him physically. But it was a sight to see him control his emotions sa kawalan ng magawa.

Still, the bastard didn't know when to quit. "Kumpara sa iyo bro' ay mas karapat-dapat akong presidente dito. I'll make sure na magiging akin din ito sa takdang panahon. After all, pwede ko ng simulan ang pang-aagaw kay Katrina ngayong nandito ka na." nakangisi nitong sabi sa kanya.

"Naloloko ka na, Elric. Kaka-engaged lang namin. You witnessed it. Tapos sasabihin mong aagawin mo siya?" nakangisi ring balik niya rito."And besides, again, bakit di mo ginawa iyon habang wala ako dito? Ang tagal na panahon ang ibinigay ko sa'yo yet di mo man lang siya naagaw sa akin. Ngayon pa kaya?" dagdag pa niya.

Humalakhak ito. A sly one. Alam niya ang ganoong halakhak nito. Parang kay Cruella Devil. It was a knowing laugh. Parang siguradong-sigurado.

"Yeah, I know. You are getting married to Katrina. In spring... If I can't do something about it." nakakalokong turan nito.

There he was, blatantly telling him he was going to steal Katrina away. Napakalakas talaga ng loob nito. Maroon kayang pinagkukuhanan ito ng ganoon at gayon na lamang ang lakas ng loob nito na sabihin iyon sa kanya?

Bahagya tuloy siyang nangamba sa banta nito ngunit hindi siya nagpahalata. Maybe he was just bluffing. Out of desparation maybe. But he knew better. Nagpasya siyang umarteng nabo-bore na at bahagya pang humikab. " Again, why the long wait?" tanong niya rito at pakunwaring tumingin sa orasan.

"I would never have grabbed the opportunity to take her without you here. Where's the challenge in that? Now that you're back, I guess the game is on. You have the upperhand, brother. You've always had it. But watch me win. And no hard feelings when she's mine." nakaka-lokong wika nito na ikinahulagpos ng pagtitimpi niya. Oh! He was raving mad!

"You son of a bitch!" Sinugod niya ito at pinetsirahan. Isinalya niya ito at isinadsad sa pader. Nakahanda na ang kamao niya sa pagsayad sa mukha nito ng magsalita ito.

"Hep, hep! What now? Turning violent this time?" nanunuyang wika. That was a retaliation. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Pasalya niya itong binitawan sa sahig.

Gboi composed himself. His lips pressed. Tinapunan niya ang walang-hiya ng makamandag na tingin. A kind of stare his employees abroad would not like to see. In a calm yet very dangerous tone he replied. "This time you're wrong asshole. You've always wanted her, she's never really liked you. I gave you years yet you weren't able to take her away from me. Maybe its time you accept the fact that you are for good times and I am for a lifetime. Now get the hell out of here before I wring your neck." his voice so low and cold.

Bahagya lang itong natinag at inayos ang sarili. Marahil ay dahil sa kaalamang nagawa nitong inisin siya ng husto. Gumuhit ang ngiti sa mga labi nito. "I'm not an asshole. Ikaw lang ang may ganyang opinyon sa akin. The rest of the world adores me. So why don yo..."

"Scram!!! You good for nothing son of a bitch!" sigaw niya rito at akmang susugurin ulit na ikanripas nito ng takbo at labas ng conference room.

Natalo siya sa naging engkwentro nilang iyon. Hindi siya makapaniwalang naiwala niya ang composure ng ganon-ganon na lang.

Nainis siya sa kaalamang parang mayroon itong alam na hindi niya alam. There is really something fishy about the situation.

Ah!!! Kailangan niyang malaman iyon.

Rrrriingggg!!! Ginambala siya ng tunog ng intercom.

"Sir, our chief mechanic is here. He said you ask for him to be summoned here." anang sekretarya niya sa linya.

"Yes. Send him in." sagot niya.

Kailangan niyang magpa-maintain ng sasakyan na ipina-deliver niya from states. It was his Hummer na paborito niyang sasakyan at ang Harley Elektra na binili niya when he earned his first millions. Ayaw niyang bumili ng mga bagong sasakyan bagaman ang halaga ng tax na binayaran niya ay spat na para bumuhay ng ilang pamily sa mga susunod na taon.

Hindi na ksi niya maaasikaso ang mga iyon sa dami ng ginagawa. Wala na siyang time na pumunta sa car shop. Pakiki-usapan na laman niya ang mekaniko nila to handle his cars. Ito kasi ang inirekomenda ng kanyang sekretarya ng magpahanap siya ng magaling na mekaniko.

Hindi nagtagal at narinig niya ang katok sa pintuan ng kanyang opisina.

"Come in." he said.

Nasa mga papeles ang kanyang atensyon at hindi na pinansin ang pagpasok nito. "Take a seat Mr. Vergara." utos niya rito habang nasa mga papeles pa rin ang mga mata.

Makalipas ang ilang segundo ay nakdama siya ng kakaiba. A commanding presence. He felt he's being watched. Marahas na napa-angat siya ng tingin and there he was.

Ang taong nagpapagulo ng isip at puso niya nitong mga nakaraang araw.

Ang taong nangahas na magpadama sa kanya ng iba't-ibang damdamin na nagpapalito sa kanya.

The only man who had kissed him that made him want and succumb to his arms wantonly.

There he was. His eyes were piercing through his soul. As if seeing the very heart of him. The brown of his eyes were igniting feelings that disturbed his senses.

Ayun na naman ang mga paru-paro sa kanyang tiyan. Parang may mainit na likidong tumatagos sa kaibuturan ng pagkatao niya. Who is with this man, really? Tingin pa lang nito ay nag-aalburuto na ang kanyang puso.

He mentally shook all the feelings that this man had awaken from him. A fierce aura of passion was emanating from his stare. Bakit parang gusto niyang matunaw sa mga titig nito? At ang talipandas na puso niya ay nagwawala at parang gustong lumabas sa ribcage niya.

Umangat ang sulok ng labi nito. It formed a smile. "We meet again." anang baritonong tinig nito.

That woke him finally from his deep slumber. "I-ikaw s-si M-Mr. Vergara?" Damn! What's with the stammering? Napa-iling siya sa nasabi.

Bahagya itong lumapit sa lamesa niya. Nakatayo pa rin. "Yes. It's me." nakangiti nitong sabi. Then, he crossed the space between them by bending over his head towards him, lifted his chin and their lips meet.

Pancho was now giving him an earth-shattering kiss with the table separating their bodies.

Itutuloy...

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP