The One Who Could Not be Taken - Chapter Two

Thursday, July 21, 2011

Photobucket
Still for K.G.F... hope you find good things in life. You deserve an honest-to-goodness relationship, sweetie. :)


Chapter Two


Hindi kailangan ng alarm clock ni Jordan para malamang alas-sais na ng umaga. Automatic na siyang nagigisingnang ganoong oras kesohodang nananaginip pa siya ng love story nila ni Dingdong Dantes. That morning, he dreamt about a poem he was reading. Bagama't natapos niyang basahin ang tula ay hindi na niya maalala kung ano ang nilalaman ng tula at kung para kanino ang tula. 

Tumayo siya, hinarap ang paborito niyang full-length mirror na katabi ng kanyang kama at nagwikang, "It's a beautiful day." Sabi niya sa sariling repleksiyon. His hair was a tangled and a wiry mass. May morning glory pa siya sa magkabilang mata ang his cheeks looked pluffy. His breath was awful.

He stood up straight in front of the mirror and started his stretching. Pagkatapos ay bumaba siya sa komedor ng naka-boxer briefs at mahaba ngunit butas-butas na t-shirt pa rin. Kumuha siya ng dalawang itlog sa ref at inilaga ang mga iyon. Habang hinhintay na maluto ang mga iyon ay kinuha niya ang walis at basahan. Bumalik siya sa itaas ng apartment at sinimulang linisin ang dalawang sild doon. After that, ay bumaba siya sa sala at iyon naman ang nilinis. Nang makarating siya uli sa kusina ay pawis na pawis na siya at malapit ng matuyo ang tubig sa itlog na nilaga niya.

Naghugas siya ng kamay bago niya pinatay ang stove at hinango ang mga itlog mula sa kaserola. Binabad niya muna ang mga iyon sa tubig bago binalatan isa-isa at binudburan ng asin. At para makatipid, ibinuhos niya ang natirang tubig na pinagpakuluan ng mga itlog sa isang tasa para pagtimplahan ng kape. Mahigit nang sampung minuto ang pagkulo niyon kaya siguradong wala ng germs ang naka-survive doon.

He ate his breakfast and finished his coffee. Pagkatapos ay nilinis ang kusina na sa sobrang linis ng matapos siya ay pwede ng magperform ng brain surgery sa kintab niyon. Nang matapos ang kusina ay pumasok siya sa banyo at naligo. Isinabay na rin niya ang paglilinis ng banyo at hindi lumabas doon hangga't hindi kumikintab ang mga tiles.

Nagtapi lang siya ng tuwalya ng bumalik siya sa kwarto. Namili siya ng isusuot and decided to wear a pair of denim shorts and a white shirt. Nagsuklay ng buhok. Nag-spray ng bahagyang cologne and wore his Rolex to complete his get-up.

Nang bumaba siya ulit ng sala ay saka lang niya binuksan ang mga bintana doon. Then, he went out to see his ever-loyal dog Eneru. He was jumping and wagging. Askal si Eneru or asong-kalye na muntik na niyang masagasaan dati. The dog was one-month old then, sobrang liit at payat. Sa awa niya rito ay dinala niya ito sa bahay at inalagaan ng husto and the dog had long since proven he was worth much, much more than those with breed. For him, Eneru was priceless.

His dog was smart and very protective of him. Brown ang kulay niyon at may white patches sa gilid ng mukha at sa paa. Napagkamalan nga iyong Labrador dahil sa laki. Ang sabi nga sa kasabihan, "A leopard can't change its spot or something like that." Kahit askal iyon ay kuntento siya roon. Natutuwa siya dahil kung minsan ay parang mas loyal pa ito sa mga may breed na aso.

"How was your sleep?" tanong niya habang hinahaplos ang ulo ng aso. Eneru barked with a pleading expression. Binuksan niya ang gate. Kumaripas iyon ng takbo sa isang bakanteng lote saka tumugon sa tawag ng kalikasan.

Sunod niyang pinuntahan ay ang mga pinulot rin niyang stray plants na itinanim niya sa isang paso. Mga ordinaryong halaman lang ang mga iyon na tumubo sa kung saan kung tutuusin, pero, sa di malamang dahilan ay natawag ang pansin niya at iyon na nga, alagang-alaga niya ang mga ito ngayon. He made sure they got enough sunlight and water. Simpleng Santan, Gumamela, Fortune plants at kung anu-ano pang hindi na niya alam ang pangalan ang mga iyon. Hindi kasi niya matiis na makakita ng halamang kulang sa dilig kaya pinag-uuwi niya ang mga iyon at inalagaan ng husto.

Tinatanggalan niya ng mga tuyong dahon ang mga alagang halaman nang magbalik si Eneru, diretso sa kinaroroonan ng gripo. Napangiti siya. "Sandali lang..." aniya. Tinapos niya ang pagdidilig saka kinuha ang pampaligo ni Eneru. 

Masunurin naman itong nagpaligo sa kanya dahil alam nitong kakain na ito pagkatapos. His breakfast was a bowl of dog food and dog milk. Habang kumakain si Eneru ay binalikan niya ang kanyang mga halaman at isa-isang kinausap ang mga iyon habang dinidiligan, to the chagrin and disbelief of his neighbors.

"Walang trabaho pero may pera," narinig niyang sabi ng isang dumaan na kapitbahay sa kasama nito.

Napatingin siya sa mga ito. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa Saudi ang asawa ng payat na lalaking iyon. Pinakinggan niya ang pag-uusap ng mga ito.

"Baka naman may shares of stocks sa mga kumpanya." sabi naman ng may kaitimang lalaki na kasama nito.

"May stock kamo? Eh ni hindi nga mamahalin ang sasakyang gamit o? Kami nga Innova ang gamit, siya simpleng Corona lang ang gamit tapos saabihin mong share ng stocks sa mga kumpanya. Tanga ka ba? Upa pa lang ng bahay na yan mahal na no!"

"Saan nga kaya nanggagaling ang pera niya?"

"Ewan. Napakamisteryoso ng baklang iyan.  Wala naman akong napapansin na kamag-anak o jowang pumupunta sa bahay niya."

"Putsa pare, di naman ibig sabihin nun na ermitanyo na siya. Malay mo, mahilig lang talaga siyang mapag-isa."

"Sabagay. Mukha ngang baliw na iyang isang yan. Kausapin ba ang mga halaman?"

Naagaw ang atensiyon niya mula sa pakikinig sa mga ito ng may dumating nasasakyan at huminto sa tapat ng bakod niya. Sasakyan iyon ni Mrs. Aquino. Kasama nito ang biyenang babae.

"Tingnan mo 'Ma. May bulaklak ang Fortune plants ni Jordan." sabi ni Mrs. Aquino.

"Aba'y oo nga. Humingi tayo. Hindi basta-basta namumulaklak ang mga iyan."

"Alagaan ba naman ng husto ni Jordan eh."

"Maswerte ang mapapangasawa niya."

"Ang kaso Mama, gay iyang si Jordan. Sure ako, di mag-aasawa ng babae yan."

Napangiti si Jordan sa narinig. Tama ang matandang babae.

"Diyos ko. Anong problema, e di ipakasal mo sila ni Charles mo. Hindi ba at alanganin din ang anak mong iyon. Kaka-legal lang ng kasal sa New York. Tamang-tama, may bahay kayo roon." natatawang sabi ng biyenan ni Mrs. Aquino.

Kilala niya ang tinutukoy ng mga ito na Charles. Cute at magalang ang lalaki at halatang alanganin din ang sexual preference but he didn't mind. Hindi naman siya interesado dito. Simpleng katanguan at kabatian lang niya ang anak ni Mrs. Aquino.

"Naku Mama, baka may karelasyon na ang isang ito. Hindi lang ipinapahalata. Mukhang mayaman siguro kasi na-afford na dito sila tumira sa Corinthians. Well, sabi ni Bebang yun na katulong nating tomboy."

Napa-iling na lang siya sa mga naririnig. He neither had a share on any company or any kind of lover. Pagkatapos niyang diligan ang mga halaman ay naglaba siya. Wala siyang washing machine dahil ayaw niyang labhan ang mga damit a ganoong paraan. Kahit paano niyang isipin, hindi niya magawang paniwalaan na malilinis ang mga dahit na pinaiikot lang at hindi ikinukusot.

Nang matapos ay pumasok siya sa sala nang tumunog ang telepono. Sinagot niya ang tawag.

"Hello." aniya.

"Hi, Jordie! Argie's having some people over tonight. Join ka ha?" tanong sa kanya ni Roger. He was a close-enough acquaintance, but not too close to called a friend.

"Pass ako. Marami akong gagawin eh." dahilan niya.

"Lagi ka namang ganyan eh. Sige na, join-sung ka na. Daanan ka namin ni Jeffrey."

"Kailangan ko pang mag-research. At saka...," Nag-isip siya ng idadahilan. "Tumawag yung Tito ko, dadaanan daw ako rito mamaya. Hindi ako pwedeng umalis. Some other time na lang ha."

"Bahala ka na nga. Darating pa naman ang mga boys na friend ng jowa ni Jeffrey. Sayang yun teh. Lamang-loob din yun." malanding sabi nito saka binuntutan ng malakas na tawa.

"Saka na lang talaga. Baka kulang pa sa inyo ni Jeffrey ang mga iyon loka."

Wala itong magawa kundi magpaalam.

Ibinaba na niya ang aparato. Naintindihan niyang lahat ng kakilala niyang bading na katulad niya ay naghahanap ng boyfriend or papa na kalaunan ay sineseryoso ng mga ito. Natural lang iyon. Parte ng pagiging bakla iyon. Ang ikinakainis lang niya ay iyong pati siya na hindi kumportable na mayroong iniisip na jowa or lalaki ay hindi kayang unawain ng mga ito. Hindi siya interesado na makipag-date o makihalubilo sa mga lalaki o bisexual or kahit na sino pang herodes iyan. Bakit napakahirap sa iba na paniwalaan iyon?

Gusto rin niyang magka-boyfriend, oo. Pero dapat ay siya ang hanapin ng lalaki o ng kung sinomang magugustuhan niya. Not the other way around. Simply put, he does not want to roam around like a princess kissing a lot of frogs to find his prince charming.  His prince would not come as a frog. Period.

He fixed a sandwich for his lunch. Pagkakain nila ni Eneru ay umakyat siya sa kabilang silid sa itaas ng bahay. Naroon ang workplace niya. Naupo siya sa harap ng computer at nagsimulang tingnan ang mga hindi niya natapos na nobela.

Sa Bi Out Loud Publishing siya nagta-trabaho at nasa kasagsagan siya ng kanyang surprise hit series na The Flirt Series bilang writer. Tungkol iyon sa buhay ng mga estudyanteng bading, bisexual, tomboy at iba pang may kakaibang sexual orientation na mag-aaral ng San Bartolome University. Isa iyong kathang-isip na lugar para sa kanya at ang pinakasikat niyang character sa series ay si Monty. Isa itong bading na Sophomore student na na-inlove sa Captain Ball ng Football Team. 

Napakarami ang naka-relate sa sentiments at adventures ng buhay pag-ibig ni Monty kaya naman naging surprise hit iyon at inabangan ang iba pang characters. In short, Monty made him popular, but only to his colleagues and followers. Mas sikat pa sa kanya ang ilan sa mga characters niyang puro nabibilang sa Pride Community for all of his stories were gay-themed. 

He used a pen name and a very few people knew that "Jordan Polison" was "Dalisay Diaz", the writer. Now, biglang naging household name ang pen name niya and he was quite satisfied with it. Hindi siya nag-aalala sa anonymity niya, lalo sa mga kapitbahay niya. He wasn't the type who would go around explaining his work. 

Mostly, kapag may nagtatanong sa kanya ay sinasagot naman niya. But sad to say, mas gusto ng mga itong mag-jump into conclusion kaysa ang magtanong. Mas masarap sigurong pagtsismisan siya. Kung makaka-entertain naman siya sa ganoong paraan ng mga taong walang-magawa, then so be it.

He loved his privacy and anonymity. Pabor sa kanya iyon. He got to observe people as they really were. Once people learned about what he did for a living, the tendency was to put on a mask. Some clammed up, afraid to be written about. Some were the opposite, they would talk endlessly about their lives they deemed colorful enough to be written about.

The soul of his craft did not come from his ability to write. By-products lang ang mga iyon ng totoong talent niya -ang pagmamasid at ang pagkakaroon ng mas malalim na perception sa mga minamasdan niya. Right now, he was doing a scene for the last chapter of the third installment of Flirt series. May kinalaman ang mga bida ng librong iyon sa naunang libro. He typed the dialogues as if he was one of the characters. Nagulat pa siya ng malamang basa ang pisngi niya pagkatapos itipa ang huling bahagi. He was always like that. Napa-iling na lang siya.

Biglang nag-vibrate ang cellphone niya ng matapos siyang magsulat. Si Menchie iyon. Leader ng church organization nila at iniimbitahan siyang dumalo. He declined.

He was too occupied to socialize but that doesn't mean na wala siyang panahon para makipag-ututang dila o makipag-bungguang braso sa iba. Ginagawa lang niya iyon paminsan-minsan. People were his primary source of inspiration and ideas kaya di pwedeng di siya lumabas. 

'Once in a while' and key phrase dahil may iniiwasan siyang mangyari -ang may magkagusto sa kanya. He's good looking and he was aware of that. Pero may naitadhana na para sa kanya at darating isang araw ang taong iyon. Kung tatanungin siya kung bakit ay masasabihan lang siyang baliw. Hindi niya alam kung paano o kung kailan darating ang taong iyon pero sigurado siyang darating ito. Kaya bakit pa siya makikipag-mingle sa iba, di ba? Inirereserba na niya ang sarili para sa taong iyon.

The third invitation came ng bandang hapon na. It was Doc Roblen. Ang beterinaryo ni Eneru. Kasing-edad lang niya ito at noon pa siya inaakit na sumali sa isang business club. 

"Attend ka sa meeting mamayang eight. Sa Something's Fishy. Sa Libis." anang butihing beterinaryo.

"I'll try. Kapag sinipag ako."

"Siguraduhin mo na. Loka, lumabas ka sa naman sa lunga mo paminsan-minsan at ng hindi ka inaamag diyan. Paano ka madidiligan niyan?" birong-totoo nito. Alam niya kung gaano katalas ang dila nito.

"Wala akong balak magpadilig."

"Too bad. Basta um-attend ka. Please?"

"Pag sinipag nga ako, okay?"

"Eight PM iyon."

"Bahala na."

Nagpalitan pa sila ng ilang salita bago niya ibinaba ang linya. He went to his room tsaka nahiga sa kama. Nanood ng TV at ng makaramdam ng gutom ay nagpasyang magluto ng hapunan. Nagulat pa siya ng makitang alas-sais na ng gabi. Nawala na sa isp niya ang imbitasiyon ni Doc Roblen at naalala lang iyon ng makakain na sila ni Eneru.

Kaagand siyang nag-text dito,"SORRY I CAN'T ATTEND. SOMETHING CAME UP. SOME OTHER TIME MAYBE. :-)"

Nag-text back naman agad ito.

"PWEDE KA PANG HUMABOL. SOMEONE WANTS TO MEET YOU."

"SOME OTHER TIME." giit niya.

Hindi na ito sumagot na ipinagpasalamat niya. Niligpit lang niya ang pinagkainan isinara ang mga dapat isara saka umakyat ng kanyang silid para makapagbasa siya ng walang istorbo. Nangako na lang siyang pagbibigyan ang doktor ni Eneru sa susunod dahil baka hindi na ito mag-anyaya ulit. Kailan ba siya huling nakipag-socialize? Nag-isip siya. A month ago? He nodded as he flipped the page of The Martyr The Stupid and The Flirt.

Itutuloy...




DISCLAIMER: All the characters in this story have no existence whatsoever outside the imagination of the author, or have no relation to anyone having the same name or names. They are just distantly inspired by any individual known to the author, and all the incidents are merely invention.

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP