The Best Thing I Ever Had (Part 1) The Dream Boy
Thursday, July 21, 2011
Author's note:
Hi! ako nga po pla si Vince :) this is my first time to write a story. This story is pure fiction. I hope ya'll like it :)
*any resemblance in this story is just coincidental.*
FORMAT:
Italicized words= mga sinasabi sa aking sarili
Bold Italicized words = mga boses sa aking isip
sana po maintindihan niu ang format :)
----------------------------------------------------------------------------------------
Nakita ko na lang ang aking sarili sa loob ng isang kagubatan. Hindi ko alam kung bakit ako nandoon kaya sinubukan kong alalahanin ang lahat ng nangyari sa akin. Ngunit kahit paanong isip ang gawin ko'y wala akong maalala sa mga nangyari. Ang naaalala ko lamang ay nakatulog ako kagabi at paggising ko'y narito na ako sa gubat na ito.
Kinidnap kaya ako at ipinatapon dito?,tanong ko sa aking sarili. Wala naman akong maalalang nagawan ko ng masama para gawin saakin ito. Pero paano nga ba akong napunta dito? panaginip lang kaya ang lahat ng ito?
Gaga! nasa Planet of the Apes ka! ,sabi ng isang boses sa aking isip.
Bugak! Nasa Forks ka! Yung sa Twilight?, sabi naman ng isa.
Lumingon ako sa aking paligid at may nakita akong lalaking nakatayo di kalayuan sa aking kinatatayuan. Noong una'y natatakot pa akong lumapit sa kanya ngunit noong ako'y malapit na sa kanya, pakiramdam ko'y kilala ko siya. Lumapit ao sa kanya at hinawakan ang kanang balikat niya para ibaling ang kanyang katawan paharap sa akin.
"Excuse me po kuya, pwede po bang---"
Hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng pagharap niya'y bigla niya kong hinalikan sa labi. Nagulat ako ngunit hindi ko alam kung bakit hindi ko siya tinulak papalayo sa akin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa aking utak at pumikit pa ako nung hinalikan niya ako.
Mukang sarap na sarap ka huh?., sabi ng mataray na boses sa aking isip.
Bigla naman akong kumalas sa aming paghahalikan at nang imulat ko ang aking mga mata'y nakita ko ang isang gwapong lalaki sa harap ko. Nakangiting makapanlaglag ng underwear at nakatitig sa akin. Well-built ang kanyang katawan. Maputi ang kanyang balat, itim ang kanyang semi-kalbong buhok, matangos ang ilong, mapula ang mga labi, at gray ang kanyang mga mata.
kilala ko siya. "Alastair". Nasambit ko ang kanyang pangalan at biglang nagliwanag ang buong paligid.
Nagising ako. Panaginip lang pala. Pag-lingon ko sa aking kaliwa, nagulat ako sa aking nakita.
"Kuya Van! bakit ka nandito? Anung ginagawa mu dito?". Ang kabado kong pagtatanong.
"O teka lang isa isa lang ang tanong.", huminto siya bigla at tumawa. "Nandito ako para sana yayain kang lumabas. Pinapasok na ako ng mommy mo sa kwarto mo para na rin daw ako na ang gumising sa'yo."
Namesmerize naman ako sa kagwapuhan niya kaya hindi ako kaagad nakasagot.."ahh o-ok. San naman tayo pupunta?", tanong ko sa kanya.
"Sa mall. teka, nga pala, pagpasok ko dito sa kwarto mo kanina, narinig kong tinawag mo ang pangalan ko. sabi mo pa nga, 'Alastair'. kaya ako lumapit sa'yo dahil akala kong gising ka na. Ngunit hindi pala. Nanaginip ka pa pala." tumawa siya. "Ikaw ha, hanggang sa panaginip ba naman eh ako parin ang iniisip mo?" sabay ng nang-aasar na ngiti.
"Ano? anong sinasabi mo?" sa loob loob ko'y sana hindi ako nag-bblush. "Ikaw ang kapal mu talaga! Guniguni mo lang iyon!" ,palusot ko.
"Naku naku!", sabi niya na parang inaasar pa talaga ako.
Napansin niya yata na naaasar na ako kaya naman sinimulan niya akong lambingin.
"Bunso,. Sorry na.." ang sabi niya sabay nang maamong mukha na nangungusap para siya'y patawarin.
"whatever." ang sabi ko.
"Av, bunso.sorry na." sambit niya ulit. and this time, nakaakbay na siya sa akin.
Ui kinikilig! nakakakilig naman kayung tingnan para kayung magjowa! ,sabi ng nakaka-ruin ng moment na boses sa aking isip.
Kinikilig naman talaga ako. Hindi ko lang iyon pinahalata dahil ayokong malaman niya na may tinatago akong nararamdaman sa kanya. "O sige na Mr. Vince Alastair Nathaniel Romero. Maliligo na po ako at para makaalis na po tayo.hintayin ninyo na lang po ako dito." ang parang sarcastic na sagot ko sa kanya. Pasalamat ka gwapo ka at malakas ka sakin kung hindi, naku!! arrgghh.
"Ok. bilisan mu lang po Mr. Ace Vince Raven Lopez at baka abutan tayo ng pag-sasara ng mall sa sobrang bagal mong maligo at gumayak." ang sarcastic naman niyang sabi saakin at pagkatapos ay tumawa.
Tumayo ako at padabog kong tinungo ang banyo sa aking kwarto at saka lumingon sa kanya at binigyan ng isang masungit na tingin tsaka tuluyan nang tinungo ang banyo para maligo.
-------------------------------
Nga pala, ako nga pala si Ace Vince Raven Iglesias Lopez. ako man ay nagulat nang sinubukan kong isulat ang aking initials ay ang lumabas ay "AVRIL". Nagtaka tuloy ako kung sinadya ba ito ng aking mga magulang o hindi. Anyway, "Av" ang tawag saakin ng aking mga kaibigan at pamilya, kumbaga, "A" for Ace and "v" for Vince. Samantalang ang iba naman ay either "Ace", "Vince", or "Raven". Sa dami naman kasi ng pangalan ko, pati ako rin ay nalilito na. hahaha. 16 years old pa lang ako at nag-iisang anak ng aking mga magulang na sina Vincent Lopez at Rosalie Lopez. May-kaya ang aking pamilya.
Si kuya Van naman o si kuya Vince Alastair Nathaniel Bernado Romero naman ay ang aking pinakamatalik na kaibigan na parang magkapatid na kami kung magturingan. Nag-iisang anak din siya ng isang may-kayang pamilya. Magkaklase kami sa isang unibersidad. Mas matanda siya saakin ng isang taon kaya naman kuya ang tawag ko sakanya at bunso naman ang tawag niya saakin.
Paano nga ba kami nagkakilala??Hmmm..
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
until the next episode.lol.
Av.
3 comments:
nice . . kua Vince . .
ganda ng start . .
kala ko nung una, parang Engkantadong Gubat eto . . un pla its just a dream . . ayoko rin kasi nang masyadong fictional . . . Ü
we will be keep in touch with this story . . we're hoping that you do the same Ü
Thanks kua Vince . .
hoping na maging friends tayo Ü
weeew nice....
thanks po kuya :).
i'm glad you like it.
sure nmn po.we can be friends.sino bng may ayaw ng friends? lol :D
thanks po ulit :)
Post a Comment