MY LIFE'S PLAYLIST : Chapter 5

Tuesday, July 19, 2011

“Hoy buksan nyo nga ‘tong pinto. Bumaba na kayo meron na breakfast!” sigaw ni Erol.
Pinilit kong umalis ng higaan at tinanggal ko ang pagkakayakap ni Rex sa akin. Sa pagpilit kong kumalas napabagsak ako sa sahig. Laking gulat kong nakahiga pala dito si Kian.

“Oh nandyan ka pala! Bakit di ka na lang tumabi sa higaan?” pag-uusisa ko.

“Dyan rin kaya ako humiga. Siguro nahulog na lang ako” sagot ni Kian habang kinakamot ang kanyang ulo.

Potek. So sino yung kagabi?

Hala medyo kinakabahan ako dito. Hmmm chillax. As if wala na lang nangyari. Sana’y na naman akong nananahimik na lang eh. Baka mas makabuti kung keep quiet na lang ako hangga’t walang nagsasalita. Sabagay ano pa nga ba ang aasahan mo sa under the influence of liquor.

“Tara baba na tayo, kakain na daw sabi ni Erol!” pagyaya ko kina Rex at Kian.

--------------

Mukhang I missed out on many things. Bakit kasi ang dali kong malasing eh. Ikain ko na nga lang ‘tong pag-aalala ko.

“Uy tabi ulit natulog si Cedrick at Liezel oh. Tulad ng dati!” kantyaw ni Jon sa mga bumaba sa hagdaan.

“Pano ba yan Liezel kay Kirk pa rin si Kian, tabi na naman silang matulog parang katulad lang talaga nung last overnight/inuman/gawaan ng projects kuno. Ahahahah…” ang nakakabulahaw na banat ni Philip.

Napalingon ako kay Liezel. Halatang may pagkabadtrip sa mukha nya. Haist anu kaya kinakabadtrip nito. Last time I talked with her sabi nya si Cedie daw mahal nya tapos last tweet nya si Kian daw talaga ang mahal nya. Nagseselos kaya sya sa akin at kay Kian?!

Kwentuhan at tawanan sa harap ng pagkain na naman. Sarap din talaga pag close kayo ng college friends mo. Tawanan pa rin kahit halatang may hangover pa ang iba. Pero iba talaga ang mood ni Liezel, Kian at Cedie.

Well I guess I’ll just have to give it time para humupa muna kung anumang topak ang meron ‘tong mga mokong na ‘to.

---------------



(Habang nasa bus back to Manila)

Badtrip ‘tong celphone kong ‘to. Bat nga ba nasa playlist ko pa ‘tong kantang to. It brings back bad memories. Tsk tsk tsk.

Hmpft! Nasaktan na ako dati nung sinabi ni Kian ang usual na sagot ng lalaki sa nagkakagustong bi or beki. Ang linyang “lalaki ako, lalaki ka. Wag na lang ako ang mahalin mo. Wag kang mag-alala, tanggap kita at walang magbabago.” As if walang nagbago. Mas naging close naman sila ni Liezel. Di ko nga sure ngayon kung sila na talaga na tago lang o ano eh. But then again past is past. Naranasan ko na ngang ma-inlove at masaktan ulit kay Emman eh. So malayong nakaraan na sya.

“Kung sabihin ni Kian na minahal ka rin nya dati at natakot lang syang gumulo ang lahat kung magiging kayo that time anung sasabihin mo sa kanya?”

Haist bat ko ba naalala ‘tong tanong na ‘to ni Kuya Mikko.

“Una sa lahat susuntukin ko sya at sasabihing ang kapal ng mukha nyang sabihin pa yan. Nasaktan na akong nung mas naging sweet sya kay Liezel nung nalaman nyang may feelings rin ‘to sa kanya. Di ba nya alam last summer nung down na down ako sa nangyari nagkasakit ako dahil di ako makakain, makatulog at nakahiga lang ako. Sinugod na lang ako sa hospital kasi bigla na lang daw akong nawalan ng malay nung kausap ako ng Daddy ko. Pero di ko na rin sasabihin sa kanya tong nangyari sa akin kasi I would look and feel pathetic if he knew what I went thru.”

Bakit ba nagfa-flashback tong mga usapang ‘to sa utak ko. Tapos na ‘to. At imposible rin talaga ‘tong mangyari. Major major erase erase erase!

---------------

“Tara na kaibigan, tawid na naka-red light na oh!” pagyaya ni Rex habang nakaakbay sya sa akin.

“Eh di go tara!” masaya kong sagot sa kanya.

Pagkakatapos nang klase ito na naman kami. Dota mode na naman.

“Kakain muna ba tayo?” tanong ko kay Rex. Kadalasan kasi kumakain muna kami bago maglaro. Ang kasabay ko dati sa pagkain sina Liezel, Cedie at Kian. Kaming apat lagi ang magkakasama pero lately kasama ako sa grupo ni Rex.


“Eh tingnan muna natin kung nandun na sa shop yung iba bago tayo kumain” sagot ko.
“sabagay.. tara dalian na natin!”

“Uy di ba si Erol yun at yung gf nya?! Pakain kain pa sa karinderya. Ang sweet na potek oh!” ang sabi ni Rex sabay turo sa karinderya sa likod ng university.

“Aysus kinikilig ka naman!” sagot ko sabay tusok ko sa tagiliran nito.

“ah kilitian pala huh! Tandaan mo ikaw ang nagsimula!” ang nakangising pananakot nya sa akin.

“wah wag sorry na boss sorry na ahahahah” ang nasabi ko habang pinipigilan sya sa pangingiliti sa akin.

Hay bwisit parang ganito lang ang scenario namin ni Kian last year. Isautak na don’t commit the same mistake twice. Sobrang kabobohan na yun. And I won’t go confessing my feelings to a guy kung mahulog man ulit ako. Unless bi or gay ang nagustuhan ko but then again wala munang love nakakasira yan ng pag-aaral, pakikibarkada at pagdodota.

-----------------

“pssst stun mo yun para pasok yung skill ko” bulong sa akin ni Rex.

“ok dalian mo huh mamaya di pa natin mapatay yan, sayang stun at mana no” mahinang sagot ko.

“adik para san pa ‘tong arcane boots ko?!”

“hehehe sori lang, sige sugod na!”

“MEGAKILL…. TRIPLE KILL!!!” ang ugong ng sound mula sa speaker ni Rex.

“aw sayo lahat… tsk.” ang nasabi ko.

“ok lang yan… kiss na lang kita!” sagot ng Rex.

"joke yun?!" ang medyo gulat na sagot ko.

“ayyyiiiieeee si Rex nap ala huh!” kantyaw ni Jon.

“sya na pala pinalit mo kay Kian huh…. Shit kilig!!!” kantyaw naman ni Philip.

“Aysus mga gag*! Napatay lang kayo nabakla na kayo!” sagot ko sa kanila.

“Kinilig ka naman… tingnan mo nga’t namumula ka oh!” kantyaw ulit ni Jon.

“Pakyu ka Jon! Wagas kaya ang aircon dito! Normal lang na namumula pisngi ko sa lamig!” ang pasigaw kong sagot.

“Ikaw na tisoy! Ah basta kinikilig ako sa inyo..” pahabol na banat ni Jon.

After 10 minutes na push nakapagpush na kami at tinapos na rin agad namin.

“Guys cr lang ako huh pahintay!” paalam ko. Sa totoo lang gusto kong i-check kung namumula nga ba pisngi ko.

“hindi naman huh!?” ang sagot ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin.

Haist nakaka-panic. Parang last year lang din sa dota lang din nagsimula ang asaran, kantyawan, ang mas pagiging sweet ni Kian after nuon tapos heto na naman. I won’t let history repeat itself.

----------------

“hoy Rex di ba dun ang sakayan mo!” ang nasabi ni Jon sabay turo sa kanto.

“ay oo nga noh! Ahehehe bye guys!” paalam ni Rex sabay kalas sa pagkakaakbay nya sa ‘kin.

Kasabay rin namin sa paglalakad si Kian. Sa totoo lang nagtataka ako dito kay Kian kasi lately tahimik sya kumpara dati. Anu kaya meron dito sa mokong na ‘to, may nagnakaw kaya ng kulit nya?!

“Tara sakay na tayo!” yaya ni Jon.

“oh bayad nyo para sabay sabay na.” ang pag-anyaya ni Mackie.

“huy kakilala nyo ba yung nasa sulok?” ang biro ni Jon sabay turo sa nakatulalang si Kian.

“ahahahaha” tawanan ng grupo.

“yan kasi pinagseselos mo Kirk eh!” banat ni Philip.

“wew anu daw?!” sagot ko sabay senyas ng belat.

“Wala ‘to si Kirk habulin, Habulin ng lalaki ahahahah..” ang nakakalokong punch line ni Jon.

“Adik! So crush mo na ‘ko nyan?!” banat ko.

“Ikaw na pogi” sagot ni Mackie.

“wala akong sinasabing ganyan!” ang nasabi ko.

“Uy bababa na tayo Kirk!” ang paalala ni Jon.

Agad akong bumaba ng Jeepney at kumaway sa mga katropa ko. Nagpaalam na rin ako kay Jon kasi magkaiba naman ang sinasakyan namin parehas lang ng binababaan.

----------------

Habang nasa nanunuod ako ng T.V. di ko maalis isipin na may something ba ‘tong si Rex sa akin. Hmmm wag assuming, remember ang nage-expect mas double ang disappointment. Ang galing kong barahin sarili ko no.

Tawagan ko nga si Rein.

“oh musta Kirk? Napatawag ka.”

“Kasi nakakaloko. Tingin mo may posibilidad ba na gusto ako ni Rex.”

“ehem ehem nabulunan ako dun huh. Si Rex? As in si Rodrigo Edgar Xavier?”

“hindi hindi si Rex yung guard sa school, nababakla yun sa ‘kin eh. Malamang yung classmate natin si Rex adik ka talaga!”

“Sori naman medyo shocked lang, pwedeng ma-shock di ba?!”

“eh sori naman din, kasi wag engot eh!”

“anu ibaba ko na ‘tong phone?”

“eh sori naman Rein. Kasi eh nakakapraning lang. Di ko alam kung assuming lang ako o anu eh”

“Kirk ang masasabi ko lang don’t let your past haunt you. Kung iniisip mong nauulit lang ang nangyari sa ‘yo dati then don’t let it. Pero kung sabihin nya sa ‘yo na meron eh di why not. Minsan lang magkaroon ng ganung kapogi na magkakagusto sa hampas lupang tulad mo.”

“wow! Amazing ka rin Rein no. Ang taas na ng pagkabilib ko eh kaya lang bigla mo kong nilait eh”

“hehehe that’s what friends are for!”

“Sige bespren salamat!”

“welcome! Remember dahil dyan may sundae ako sa ‘yo!”

“ay may singilan portion?!”

“naman! Byeeeee”

“cheeee!”

Sabay diin sa pulang key sa phone para tapusin ang tawag.

Nakatulong ba yung sinabi ni Rein o nakagulo. Haist di ko na naintindihan ‘tong movie na pinapanuod ko. Second opinion kaya mula kay kuya Mikko.

(si kuya Mikko nga pala online friend ko tulad ni Emman sa chat ko lang din nakilala)

“Ay echusera! bat ngayon ka lang ulit tumawag? May kailangan ka no?!”

“Ah eh sorry naman. Busy sa school, thesis at mga house chores”

“Anung meron sa atin?”

“uhmmm kasi may classmate ako. Naalala mo yung naikwento kong mahilig mangtrip manghawak ng toottoot!”

“oh bakit nagladlad na?”

“ay ganun agad?! Hindi naman ganun. Kasi feel ko parang may something eh.”

“Ang masasabi ko lang don’t make a move or say anything hangga’t wala pa syang pinapakitang motive sa ‘yo. Remember mahirap ang one sided love.”

“Yes kuya ko! Salamat ng maraming marami!”

“Ay puputulin na agad? Echusera talaga ‘to. Nakuha lang ang advice gumora na!”

“eh sorry naman.”

“che walang sorry sorry”

“ehh si kuya naman eh”

“sige na! ok na! hay mga kabataan talaga at love life hmpft!”

“salamat ulit”

At pindot ulit ng end call.

“Tweet tweet text message!” biglang tunog ng phone ko.

~Message from Liezel

-Bukas sa ilalim ng mangga sa school. 12pm sharp! Bawal ma-late!
Ang male-late may multa!
~

Hmmmm ganun?!

Makatulog na nga. Bukas na ko na iisipin si Prince Rex. Ahehehe huwaaaw may pet name na agad. Ahh basta maaga pa bukas. 2:28am na. Dapat nang matulog.

“Tweet tweet text message!” biglang tunog ulit ng phone ko.

~Message from Rex

-Pre pasama bukas sa sm before class. Mga 3pm. Kitakits :D ♥ :)
~

Hala bakit may hearts at smileys. Halalalala di ‘to pwede! Ah basta makatulog na nga. Di kaya ako bangungutin nito. Amp busy bukas! Utak overload!!!

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP