The One Who Could Not be Taken - Chapter Three
Thursday, July 21, 2011
For K.G.F and his admirers... and to the followers of Dal-Riel Fans Club... eat your hearts out. ahahahaha
ECHOZ!!!
Chapter Three
Nasa loob ng Something's Fishy sa Quezon City si Gabriel. Kasama niya roon si Charles at ang kababata nitong si Doc Roblen. Hinihintay nilang magsidating ang iba pang miyembro ng business club na si Doc Roblen ang founder. Ayon dito, inactive na member si Charles at hindi pa nakakabayad ng monthly dues nito.
Noon lang niya nakilala si Doc Roblen dahil hindi naman talaga siya taga-Quezon City. Napangiti siya. Naroon kasi siya para magpanggap na interesado sa pagsapi upang maging miyembro ng mga ito.
"Tsk! Malas talaga. Ayaw ni Jordan eh." Ipinabasa ni Doc Roblen ang text dito ng lalaking hindi naman monghe at wala namang commitment pero ayaw maligawan.
"Akala ko ba kasundo mo yun?" tanong ni Charles sa beterinaryo.
"Akala ko nga rin eh."
Nanahimik siya. A lot people didn't know that a lot could be said about them from their text messages and he was already profiling the man in question based on that. The man's message was precise and direst to the point. Tama ang mga punctuations na ginamit nito. He was a perfectionist and didn't mince words. He was easy to talk with, which was good as far as he was concerned. Ang ibig sabihin lang niyon, may tiwala ito s sarili at hindi natatakot magsabi ng "no."
May mga tao kasing sa text message pa lang ay alam na niyang pakipot. Merong pa-cute. Merong pa-mysterious effect at merong wala lang, non-sense kausap. But not this Jordan. Ayaw talaga nitong dumalo sa meeting na iyon. Period. Kahit pa si Channing Tatum ang humila rito ay hindi ito mapipilit.
"O, hayan na si Lance. Siya na lang ang ireto mo rito sa kaibigan mo." wika ni Doc Roblen kay Charles.
Napatingin si Gabriel sa "Lance" na tinutukoy nito. The man was of average height and medium built. Kung magpapabaya ito ay lolobo itong tiyak at lalong magmumukha itong maliit. But right now, he looked nice enough. Medyo spiky ang buhok na nito na tila sa mga koreanovela leading men, minus the bangs. Maputi ang ngipin bagama't may isang sungki sa kaliwang bahagi pero hindi naman masagwang tingnan. Paglapit nito sa betirinaryo ay ipinakilala agad sila rito. Ipinaliwanag rin ng butihing doktor ang intensiyon niyang sumali.
"Why not?" wika ni Lance sa kanya. "Sali ka na at ng magkaroon naman ng gwapo sa mga miyembero rito."
"Ano namang tingin mo sa amin, aber?" angal ng ibang nakarinig sa sinabi nito.
Nakakalokong tawa naman ang isinagot ng bagong dating sa kanila. "I'm Lance Cruz, pare. Nakakasawa na kasi ang pagmumukha ng mga pamintang iyan eh. You're a perfect addition to the group," ani Lance.
Umupo ito sa tapat ni Charles. "Saan ka nagtatrabaho Gabriel?" tanong nito sa kanya saka ito naglabas ng mga notebook at kung anu-anong mga papeles.
"Siya ang secretary ng club." pasimpleng bulong ni Charles. Ito na rin ang sumagot sa tanong ni Lance. "Self-employed itong si Gabriel. Kahit anong pwedeng i-francise pinapatos nito."
"Really?" ani Lance pero panay naman ang buklat ng mga papel. "Darating ba si Patrick? Hindi siya nagre-reply eh." Asked Lance no one in particular . Para bang sinasabing, sumagot ang gustong sumagot. "Anong franchise mo?"
Gusto ni Gabriel ang lalaking ito dahil kahit sinabihan siyang gwapo ay hindi ito nagpi-flirt sa kanya o napapa-cute. Bagama't gusto niya at flattering sa pakiramdam ang maging object of admiration, turn-off din iyon sa kanya paminsan-minsan. Okay ito para sa kanya pero hindi nangangahulugan na papatulan niya ito or interesado siya rito. He just liked Lance and maybe it wasn't a bad idea to join the club after all.
Si Charles uli ang sumagot sa queries nito. "Susme, lahat yata meron ito eh. Sisig Hooray, Fruitas, Dunkin Doughnut, 7 Eleven, Ogie Doggie, Zagu, Photo Me at kung anu-ano pa."
"Ang bangis mo 'tol," sabi ni Jen sa kanya. "Ang yaman mo na siguro. Mag-member ka na. Kahit wag ka na um-attend ng mga meetings wag ka lang makakalimot magbayad ng monthly dues," sabi nito sabay tingin kay Charles. "Di tulad nitong isang kulugo na ito. Hoy Charles Aquino, magbayad ka na. May utang ka pa sa Jacket ng club."
"Wala pa akong anda." sabi ni Charles.
"Hindi ka na nagkaroon ng salapi, sa totoo lang."
"Eh sa wala eh."
Natigil lang ang asaran ng mga ito ng makumpleto ang mga miyembero. Nang mag-preside si Doc Roblen ay lalo silang nanahik. Sa loob ng ilang oras ay nagtalo, nag-asaran, at nagbiruan tungkol sa mga plano at proyekto ng club. Pagkatapos ay nagyaya si Doc Roblen ng badminton na sinang-ayunan ng kalahati ng mga miyembro maliban sa kanila ni Charles.
"So, paano? Kailan ko makikilala iyang si Jordan?" tanong niya rito ng nasa sasakyan na sila. Alas-diyes pa lang ng gabi. "Is there a deadline to this bet? Anong ibabayad mo sa akin kapag ako ang nanalo?"
"Iyong Audemars Piguet ng lolo ko. Vintage na iyon loko saka two hundred thousand pesos," sagot nito. "At saka sino naman ang nagsabi sa'yo na mananalo ka? Ngayon pa nga lang talo ka na eh. Hindi siya interesadong makilala ka 'tol."
"It doesn't mean anything Charels, pare. Hanggang kailan ba ang pustahan natin?"
"Three months from the first meeting."
"Call. Di ba kapitbahay mo siya? Daanan natin," kumpiyansang sabi niya.
"Sige." at sinabi nito ang direksiyon patungo sa bahay ni Jordan. Hindi pa kasi siya nakakapunta sa bahay nito kaya hindi niya alam ang daan.
Minutes later ay papasok na sila sa Corinthian Gardens. The street were clean. Pinakaliwa siya ni Charles sa ikalimang kanto. Mula roon ay pangatlong bahay daw ang kay Jordan. Itinuro nito ang tinitirhan ng lalaki.
"Iyon ang sa kanya." wika pa nito.
"Pinagmasdan niya ang bahay. It looked tidy and inviting and it was well-lit at night. There was a lift back Corona at the garage.
"Ano? Baba na," yaya niya kay Charles.
"S-sige." sagot nit kahit tila ninenerbiyos.
Nauna na siyang pumunta sa gate at nag-doorbell. May kumahol na aso sa loob.
"Si Eneru yan," sabi ni Charles. "Mabangis ang isang yan 'tol."
"Mukha nga," pagsang-ayon niya. Nagwawala na ang aso sa likod ng gate. Tila nagpipilit na makawala para malapa lang sila. "Easy... Easy boy..." pinindot niya ulit ang doorbell. "Baka naman wala siya rito?"
"Andiyan lang yun 'tol. Nasa loob ang sasakyan niya eh."
"Eh bakit hindi bumababa?"
Napakibit-balikat lang ito. Napudpod na lang lahat ang kamay niya kakapindot ng doorbell eh walang Jordan na bumaba para tingnan kung sino ang tao sa labas. Ni sumilip sa bintanang katapat ng gate ay hindi nito ginawa. Maging si Eneru na tila minalat na kakatahol ay napagod na.
"Baka tulog na? Balik na lang tayo bukas." ani Charles.
Napakibit-balikat siya. Sa tagal ng pagdo-doorbell niya, imposibleng hindi ito magising. Nadagdagan tuloy ang mga naisip niyang attributes nito. Insensitive. Paano kung nangangailangan ng tulong ang kumakatok? Hindi pa rin nito pagbubuksan?" Apathetic, he added.
Bumalik na sila sa sasakyan.
"Pwede mo bang ilarawan sa akin ng husto kung anong klaseng nilalang ang nakatira diyan? Parang di tao eh. Or di marunong makipag-kapwa tao." naiirita niyang tanong kay Charles.
Wala pang trumato ng ganito sa kanya. Not with Kirby Gabriel Fadriquella! Tahimik na pagbubusa niya.
"Okay. Three years na siyang nakatira diyan sa pagkaka-alam ko pero hanggang ngayon ay malaking misteryo pa rin siya para mga tao rito. Nalaman ko lang na kapitbahay ko siya noong um-attend siya ng homeowner's meeting. Nang malaman niyang kapitbahay ko siya eh nagprisinta pa siyang ihatid ako. Umuulan kasi noon. Mabait, friendly pero hatang aloof. Hindi nga siya kilala ng gma kapitbahay eh. At kung wala siya roon, malamang hindi ko malalaman na siya si Dalisay Diaz."
"Dalisay Diaz!" bulalas niya. "He's Dalisay Diaz? Hindi nga 'tol? Bakit hindi mo agad sinabi?"
"Gusto kitang isorpresa eh," natatawang sabi nito. "Nagulat nga rin ako saka sina Mommy at Lola no'ng ikwento ko. Ang ipinagkakalat kasi ng iba rito ay baka may dyowa siyang mayaman or something like that. Hindi kasi nila alam ang trabaho ni Dalisay.Parang wala rin siyang trabaho kasi hindi naman siya naglala-labas man lang. Besides, hindi naman lahat ng straight nagbabasa ng mga libro sa Bi Out Loud Publishing, pare."
Hindi nakaimik si Gabriel. Kilala niya si Dalisay Diaz. Idol niya ang mga akda nito. His wordsmith is incredible and incomparable. Kaya nitong makipagsabayan sa mga idolo rin nitong sila Michael Juha at Jubal Leon Saltshaker. Kinakabahan na tuloy siyang hindi mawari. Kung nalaman lang niya agad na si Dalisay Diaz at ang Jordan na sinasabi nito ay iisa, nunca siyang pumayag sa pustahang iyon. "Tol ang labo mo." aniya.
"Bakit?"
"Hindi mo sinabi agad, eh. He's Dalisay Diaz! He's a genius!" Isa siya sa mga sumubaybay sa una nitong akda na Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako na isang suspense-romance. Iniisip niya dati na isa itong plain call center agent lang or an executive na nagtatanggal ng stress sa pamamagitan ng pagsusulat. Parang si Michael Juha lang who was famous for his wit and bromance stories.
"Hindi ka na pwedeng umatras, 'tol."
"Why not? Wala naman tayong pinirmahang kontrata, no?"
"We agreed. Verbally."
"Not Dalisay Diaz," pagpipilit niya.
"Bakit? Anong pagkakaiba niya sa mga bisexual or gay na nakarelasyon mo na? Ikaw na rin mismo nagsabi na pare-pareho lang sila. Pagkakataon mo ng patunayan na tama ka 'tol. Para sa akin kasi, mali ka. At si Dalisay ang proof ko. O ano? Tatanggapin mo na lang na tama ako?"
"Okay, okay," resigned na sabi niya. "Pero akong bahala na dumiskarte." He sighed. Na-i-starstruck lang siguro siya sa kaalamang si Dalisay Diaz ang makakaharap niya. Kung iisiping mabuti. ano nga ba ang ipinagkaiba nito sa mga nakasalamuha na niyang miyembro ng third sex? Para sa kanya ay wala. Nagkataon lang na mas talented ito sa iba.
"As you wish." ngising aso na sabi ni Charles.
Inihatid na niya ito sa bahay saka siya tumuloy sa bahay niya sa Alabang. Agad niyang hinanap ang paperback niyang si Dalisay ang sumulat.
"Don't be afraid to love Gboi. Don't." he said as he touched the contour of his face. "For whatever we try to do. Love will always be the most fragile thing in this world. And we are not its best caretakers. Kahit gaano pa natin protektahan ang sarili natin mula rito or ito mula sa atin. We just meddle through it and do the best we can. Hoping that this fragile thing would survive, against all odds." his words felt like a warm blanket that covered his cold heart.
Napa-iling na lang si Gabriel ng mabasa ang isa sa pinakapaborito niyang linya mula sa mga isinulat ni Dalisay. Marami ang nakakarelate sa mga isinulat nito dahil sa trademark nitong fairytale love stories pero kapupulutan ng mga aral. Nakapaloob doon ang family values, self-respect at integrity. At naisip niya, there lies the real talent of Dalisay Diaz or Miss D sa karamihan. He knew people and how their mind work.
"Hay! Takte!" aniya, "Alisin na natin ang apathetic at insensitive sa kanya. Mali ako." Maybe he's eccentric. Kumuha siya ng beer sa ref. Hindi niya kailangan ang pera ni Charles, Nakipagpustahan lang siya rito dahil may gusto siayng patunayan. Pero ngayong nalaman niya na kung sino ang tunay na kakaharapin niya ay parang kinakabahan siya. He admired Dalisay Diaz and that is why his interest was aroused.
Pwede niyang sabihin na kilala niya na ito through his works but what about Jordan Polison mismo? The writer behind the pen name. That, he needed to find out. Ahat was he really like? Paanong naging kaiba ito sa lahat? Bakit sobra ang tiwala rito ni Charles. Bakit ito misteryoso?
Inubos niya ang beer at saka nagpalit ng damit. Mayroon siyang tatlong buwan para alamin ang lahat ng katanungan sa isip niya. Pagpaplanuhan niya ang pakikipaglapit dito. Hindi na siya interesado sa mapapanalunan. To be with the author himself is quite a prize already. Hindi na siya makapaghintay sa excitement.
Itutuloy...
DISCLAIMER: All the characters in this story have no existence whatsoever outside the imagination of the author, or have no relation to anyone having the same name or names. They are just distantly inspired by any individual known to the author, and all the incidents are merely invention.
0 comments:
Post a Comment