The One Who Could Not be Taken - Chapter Five

Thursday, July 21, 2011

Photobucket
Para sa nag-hiatus na namang si Gabriel. Ingat ka palagi sweetie, you know maraming nagmamahal sa iyo. Take care, always...


Chapter Five

Mistulang writer ang pakiramdam ni Gabriel habang ine-encode niya ang notes ng interview niya kay Dalisay. Naisip pa niya na sa pamamagitan ng mga impormasyong iyon ay maaari na siyang gumawa ng article tungkol sa buhay nito sa kahit na saang publication basta makapagsulat lang siya ng maayos at tama ang grammar niya. Subalit malabong mangyari iyon sapagkat henyo siya sa mga numero pero hindi sa panitikan.

Napapantastikuhan siya sa ginagawa. Habang itinitipa kasi niya ang mga pag-uusap nila ni Jordan, a.k.a.Dalisay ay naaalala niya ito. Sa totoo lang, tinubuan siya ng genuine crush sa manunulat. Una niya itong nakita ay noong nagdidilig ito ng halaman. Naakit kaagad siya rito. Shorts na maong at puting t-shirt ang suot nito. He looked immaculately clean and fresh. Mukhang pinangangatawanan ang pagiging dalisay. His physique was quite good. He's quite sexy in his own way. Physically, he wasn't disappointing in the eyes although he found it amusing with the way Jordan talked to his plants. He even looked dumb while talking. Inisip niya tuloy na hindi pala ito ganoon ka-interesante.

The next day ay nataranta siya sa nakitang transformation nito.  Nagkakandado ito ng gate ng makita niya. Jordan was wearing jeans and a fuchsia pink polo-shirt. Nakasampay sa balikat nito ang isang leather jacket at nakasuot ito ng isang comfy sneakers. Gone was the dumb look. It was replaced by an intense personality. Mukha itong twenty-ish kahapon, now he looked thirty. Like some powerful attorney ready for interrogation. But of course, bawal ang jeans sa loob ng courtroom. If that wasn't mind-biggling enough, there was this phony interview he had with him. It totally blew his mind.

"Hey bro!" sabi sa kanya ni Charlie. Hindi na siya nagulat na naroroon ito at basta na lang pumasok sa kanyang kwarto. Sanay na siya dito.

He didn't mind though. Constant sight na ito sa bahay niya na tila kabahagi na ng mga furnishings.

"Mukhang blooming si Berta ah?" ani nitong tinutukoy ang kanyang kasambahay. Pamana pa sa kanya iyon ng kanyang ina nang magdesisyon siyang mag-solo sa pamumuhay ilang taon na ang nakararaan.

"May ka-textmate kasi. Bumale pa nga ng pambili ng bagong cellphone."

"Ano 'yan tol?" pag-iiba nito ng usapan. Kumuha ito ng sariling silya at naupo sa tabi niya.

"See it for yourself," mayabang niyang sabi saka in-anggulo ang laptop para makita ni Charlie ang nakasulat doon.

"Hanep! Nagkausap na kayo ni Dalisay, pare?" nanlalaki ang matang bulalas nito.

"Yeah. And I will be there again, later." Ikinuwento niya ang mga pangyayari.

"Nagpanggap kang contributor sa OhLaLaMag?" di makapaniwalang saad nito. "Paano kung nabuking ka? E di panalo na ako?"


"Hindi naman niya ako nabuking eh, so tuloy pa rin ang pustahan. Saka no choice ako pare. Magpapanggap lang sana akong nasiraan ng sasakyan pero hindi niya binuksan agad ang pinto ng magdoorbell ako. Natanaw ko lang siya sa screen door. Mukhang pinag-aaralan lang ako at malamang na pinagdududahan. Kung tatanungin ko naman kung may mga bakante pang bahay sa paligid ay siguradong dededmahin lang ako nun pagkatapos umiling. Kung sasabihin ko naman ang totoo, mas lalong di ako papansinin nun. Kaya nagpanggap na lang ako. And he bought it."

"Whew! So anong nangyari pagkatapos?" di pa rin makapaniwalang gilalas nito.

"Well," kibit-balikat na sabi niya. "Bukod sa pagkakakagat sa akin ng sira-ulong aso niya ay masasabi kong isang napaka-interesanteng tao si Dalisay." And that was an understatement. When Dalisay invited him in without even verifying his credentials, displayed carelessness on his part. He also showed the same childishness he saw the first time. Paano kung masamang loob pala siya?

"Tapos ay sinabihan niya akong hugasan ang sugat ko sa braso, and he was really serious about it, na para bang ikamamatay ko kung di ko gagawin agad iyon.Para siyang nanay na sobrang nag-aalala sa nasugatang anak. Then, inabot niya sa akina ng Betadine at bulak. Buong akala ko pa naman siya ang gagamut si sugat ko, hindi pala, kaya naman napatanga na lang ako sa ginawa niya."

"Feeling close ka tol?"

"Oo," amin niya. "Ang punto ko kasi ay sobra ang pag-aalala niya tungkol sa sugat ko kaya hindi mo ako masisisi na isiping, alam mo na, he's flirting. Tapos iniabot niya lang sa akin ang mga panlinis ng sugat at tiningnan ako na para akong tanga. Nakakahiya kaya iyon."

"Nakakain ka naman ng roasted beef eh, sabi dito." itinuro nito ang monitor.

"Oo nga pala. Iyan ang pinakamasarap na roasted beef na natikman ko. Sobrang sarap. Dalisay served it to me like I was some royalty. I was like... Ah!!! This man is definitely a good cook. But then, maybe that was bad."

"Why?" nagtatakang tanong nito.

"If he cook that good, it's bound to be addictive and any form of dependency is a big NO for me, my friend. Masama iyon sa kalusugan at sa mismong tao."

Napaismid ito sa sinabi niya. "Sa sobrang dami ng alam mo 'tol, kumplikado na ang tingin mo sa mga bagay-bagay."

"He is complicated," pagtatnggol niya sa sarili. "Habang nag-uusap kami ay natutunan kong matalino siya. Palabiro. Complicated and unpredictable. That's how he is. And just when I thought I had him all figured out ay mag-iiba siya ng personalidad. Like he knew what I was doing and that he was just playing along. Like he knew I'm not really a writer and next thing I know, he's as serious as the Queen."

Natawa si Charles sa assessment niya kay Dalisay. "Told 'ya!"

Tumayo ito at kinalikot ang mga koleksiyon niya ng mga DVD. "Anong susunod mong plano?"

"I'm going to have him, kaya babalik ako mamaya." Pinatay na niya ang laptop.

"Really?" napapihit na sabi nito sa kanya.

Tumango lang siya at hinubad ang t-shirt. "Isn't he something?" aniya rito sabay ngiti. "That is why you have to get your two hundred thousand pesos ready dude. Determinado akong maging kami." Kukulitin niya si Dalisay at kung kinakailangan ay liligawan niya ito. It's not just the money that's at stake, but also his reputationa nd principle. He's gotta have him. Not because of the bet, but because he wanted to. He wanted to know what was this adorable writer like as a boyfriend. Jealous? Mousy? Demanding? Sweet? Compliant? Loving? Thoughtful? Or patient?

"Ang ganda ni Megan Fox dito. Pahiram 'tol." ani Charlie na mukhang gustong ibahin ang usapan.

"Sure. Basta isauli mo lang agad." Hinubad na niya ang pantalon saka siya pumasok sa banyo. Nasa ilalim na siya ng shower ng hubarin niya ang briefs.

"Pare, sinong mas gusto mo? Si Elvis o si Antonio Banderas?" sigaw ni Charlie sa labas ng banyo.

"Gwapo man silang pareho pare, puro mga matatanda na ang mga iyan. And Elvis is dead, pal!" malakas niyang sabi. "Kay Dalisay na lang ako."

Natawa na lang ito. "Good luck, amigo."

"Kung susuwertehin ka nga naman. May two hundred thousand ka na, may syota ka pang sikat." aniya.

"Ulol. Huwag kang pakakasiguro. Hindi mo pa siya kilala. Walang nakakakilala sa tunay na Dalisay, sa pagkaka-alam ko."

"Well my friend, kung sinasabi mo iyan ngayon, ibig sabihin, hindi mo pa rin talaga ako kilala," kinuskos niya ng sabon ang matipunong dibdib. Walang bumabasted kay Kirby Gabriel Fadriquella. Kahit mga ex niya, kapag natitigan niya ay biglang nakikipagbalikan sa kanya. But he learned his lesson, ang mga ex ay may tendency na maniwalang destiny ang pagkikita nilang muli. Or that fate brought them together after all these years. Hindi na siya nakikipagbalikan sa mga nakarelasyon na niya.

Kung sino man ang nagsabi ng kasabihang "If you love someone, let him go, if he comes back, you're meant to be." ay nais niyang batukan. Mahirap nang kumalas sa mga taong naging "past" mo na at muli ay naging "present."


ILANG ORAS ang lumipas at nasa harap na ulit ng gate ni Dalisay si Gabriel. Grabe kung makakahol sa kanya si Eneru. Kung wala lang ang bakod ay malamang na dinaluhong na naman siya nito.

"Stupid dog." he growled back at the dog.

Lalo namang nagalit ang aso. Maya-maya ay lumabas na si Jordan/Dalisay at tinungo ang alagang aso. Nakaka-refresh ang suot nitong sando at mahabang puting pang-ibaba. Nakaka-beach ang aura nito. Naka-flip flops ito at may suot na bandana. Marahil ay pupunta nga sa beach.

"Hello Miss D." sigaw niya na kinukumpetensiya ng kahol ni Eneru.

Lumapit sa gate si Dalisay. Ang bango nito. He smelled of mist and lime. Na-excite siya sa kaalamang makakausap niya ulit ito. Nang akmang bubuksan na nito ang gate ay pinigilan niya ito. "Hindi mo ba siya tatalian?" tanong niya.

"Marunong kasi siyang bumasa ng tao." sabi nito.

""What?"

"Pwede kang pumasok kung papayagan ka ni Eneru."

"Ano?" sabi niya sabay sulyap sa aso. Bagay sa pulisya ang isang ito. Nakalitaw ang mga pangil at galit na galit.

Binuksan ni Dalisay ang gate.

"No please..." aniya sabay karipas ng takbo pabalik sa kanyang sasakyan. Mabuti at naisara na niya ang kotse ng abutan siya nito. But still, natitiyak niyang puro gasgas ang kotse niya dahil sa pagkalmot na ginagawa nito. "Isay..." angal niya.

Dahan-dahan itong lumapit sa sasakyan niya. His arms akimbo. "Sino ka?"

Shit! Mukhang busted na ang cover ko. Hindi makaimik si Gabriel. Nakatingin siya kay Eneru na pilit sumasampa sa bintana.

"What were you doing posing as a writer? What do you want from me?" tanong sa kanya ni Dalisay.

"Dalisay..."

"That's Jordan for you. Mga ka-close ko lang ang tumatawag sa akin ng ganyan. Now, sagutin mo ako."

"Ah... Wala akong intensiyong masama. Maniwala ka," sabi niya. Paano kaya siya nabuking nito? Pero siya na rin ang sumagot sa sariling tanong. Maraming paraan para malaman na impostor siya.

"I don't want to see you again," he said without looking back. Sinlamig ng yelo ang boses nito. Susunod sana siya rito ng makitang nakabantay lang si Eneru sa labas ng sasakyan niya. Umalis lang ito ng makitang papasok na ang amo.

"Wait!" Bumaba siya ng kotse. "Magpapaliwanag ako. Dalisay, este, Jordan. Magpapaliwanag ako please? Gusto lang kitang makilala. Pakinggan mo naman ako. Please naman o. I'm really sorry. Gusto kong makabawi sa'yo. I swear. Please." Pero nasa loob na it ng gate ay hindi pa rin siya tinitingnan. Hanggang sa makapasok ito ay hindi siya nilingon.

Nanlulumo ang katawan na nagbalik siya sa kotse. Napailing siya ng makitang gasgas na gasgas ang bahaging kinalmot ni Eneru. Mukhang nagkamali siya ng tantiya kay Jordan. Mukhang tama nga si Charlie.

There's more to this guy than meets the eye.

What are you gonna do, Gabriel? pang-aasar ng isang bahagi ng isip niya.


Itutuloy...  

DISCLAIMER: All the characters in this story have no existence whatsoever outside the imagination of the author, or have no relation to anyone having the same name or names. They are just distantly inspired by any individual known to the author, and all the incidents are merely invention.

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP