Chapter 11 : Task Force Enigma: Rovi Yuno

Tuesday, November 30, 2010

By: Dalisay
E-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com
Blog: http://dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I was taken by the most amazing man in the world. Kenneth Nicdao.


Well, well, well!!!

Medyo natagalan ang aking update and what! Ang dami na agad updates ng mga contributors dito. Bongga! Hahaha

Sa nag-comment na parang series na ito, ay siyang tunay po. Lima po silang buhay na miyembro ng Task Force Enigma. Sila Rovi Yuno, Codu Unabia, Perse Verance, Jerick Salmorin at Rick Tolentino. Lahat po sila mayroong istorya. Antay-antay lang at mahina pero maganda ang kalaban. Bwahahahahaha!!!

Wala akong babatiin masyado dito sa chapter na ito maliban sa limang tao. Huwag ng magtampo ang mga di mababanggit kasi ito lang ang nakayanan ko sa pagkakataong ito. Bwahahahahaha!!!

Bati Mode

Cody: My next TFE story. Salamat sa pagpapaunlak anak. Kapag wala ka palang magawa ay pampalipas oras mo ito. Nice.

Kearse: Na hero/ine? ni Cody, ang istorya ay lalabas late October.

Bx: Huwag ng magtampo sa di ko pagkakabanggit sa iyo sa Chapter 5 ng The Martyr The Stupid and The Flirt. Sana ma-pull off mo ng maayos ang Dos Tiempos. Pero sad ako na matatapos na ang Untitled. Mami-miss ko sina Byan at Ethan.

Rovi: Huwag mo ng ituloy ang balak mo! Ituloy ang Terrified. Guys, read it. Its highly recommended by PDIC and PAGCOR choz!

Gabriel: Nakakaloka ang mga repost mo. At ang pagkikita ng tatlong bida sa mga naunang stories mo sa iisang story. Saka ko na babasahin. Pagod na ang katawang lupa ko. Paglalaanan ko ng espesyal na oras iyan dahil ikaw ang dahilan ng aking mga pagkakasala ngayon. Bwahahahahaha!!!

Pahabol lang...

Sa showbiz friends ko na sina Bobby Yan at Francine Prieto. Good Morning mga Ka-Date! Hahahaha
----------------------------------------------
"A-apple?" namamanghang tanong ni Rovi sa babae.

Namutla ang dati ng maputing mukha nito. Bumakas ang takot ngunit hindi ang rekognisyon sa magandang mukha ng babae. Ang pagkalito at pag-aalinlangan na nadama nito ay naglaho agad marahil dahil biglang bumangis ang hitsura nito at umigkas ang kamao nito patungo sa kanyang mukha.

Mabilis niyang nasalo ang kamao nito at pinilipit iyon. Umuklo ito sa sakit kaya sinamantala niya iyon para hawakan ito sa lalamunan at pindutin ang chakra point nito doon para siya ma-immobilize ito pansamantala.

Read more...

Chapter 10 : Task Force Enigma: Rovi Yuno

By: Dalisay
E-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com
Blog: http://dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I was taken by the most amazing man in the world. Kenneth Nicdao.



Hello sa inyong lahat!

Haha... Ang chapter na ito ay aking sorpresa sa aking kasamahan sa Gwapito's na si Jaime. MIA pa ang drama niya at busy sa Adoninsis Baklito's niya. Haha...

Allow me those who commented sa Chpater 9. Salamat ng marami sa inyo na sumusuporta sa seryeng ito. Ito ay ikakatuwa ninyo, PROMISE!

CHINITOAKO: Ang cute mong "BATA" ka! Nakakaloka ang naging impact mo sa akin. Bago ka lang ba rito at ngayon lang kita napagkikita. Ikaw ba talaga ang nasa picture? Sana di ka poser kasi mahilig ako sa chinito. HahaHaha

JOSHUA: Hello sa iyo. Naiyak ka ba last time? Dito tatawa ka. :p

ROAN: na maluha-luha raw sa nakaraang chapter. Tawa ka naman dito.

KEARSE: na Tinamaan daw sa love story nila ALLAN at ROVI. Minsan ganoon talaga ang buhay dear. :(

WOODY: na isini-secret pa rin si MIDNIGHT SHOULDER mula sa akin.

ADIK_NGARAG: na nangangampanya ng BOBBY-ROVI MOMENTS. Darating din tayo doon dear. :)

VINCESAAVEDRA: Hello sa iyo, ang cute ng name mo. Salamat sa pagbabasa.

BX: Na takot kalabanin ang tulad kong diyosa kasi baka gawin ko siyang kamukha ni John Pratts.

ALEXANDER: na kilala na namin ang BIHON. Hahaha...

DHENXO: na di raw makakaluwas. HMP!

UNBROKEN: Na makiki-agaw pa sa bagong crush ko! LOLZ

MIGS: na pinakaba at pina-iyak ko raw, pasensiya na mahal kong Kuya. Ganoon talaga si Ate Dalisay.

JAIME: Para sa iyo ang chapter na ito. Nabati na kita sa taas alam ko kaya huwag ka ng epal. Hahaha

HONEYBUN: Love you anak. Haharass-in kita ulit na basahin ito.

GABRIEL: na author ng SBLS na OFFICIAL new crush ko ngayon. Hahaha... Syet!!! Water Water ako!

ECHO: crush lang iyon. Ikaw ang mahal ko at wala ng iba. Side trip lang iyong iba. Hahaha... CHOZ!!!
___________________________________

"MAGKAKAROON ng sikretong drug shipment sa parking lot na ito. Isa sa mga sasakyang diyan ang lalapitan ng bago nilang courier. Ilalagay lang daw iyon sa trunk ng kotse at aalis na. Ang tanging tip na nakuha natin ay isang luxury car ang mode of transport nila, so look-out for a suspicious expensive vehicle. I-under surveillance na rin ninyo ang buong area as early as two days kung sino-sino ang nagpa-park doon. Are we clear?" mahabang wika ni Rick sa mga kasamahan nila.

"Yes Sir!"

"Pare, what do you mean? We have to tail all of the luxury vehicles na lalabas sa parking-lot na iyan?" tanong ni Rovi sa team-leader nilang si Rick.

Read more...

Chapter 9 : Task Force Enigma: Rovi Yuno

By: Dalisay
E-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com
Blog: http://dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I was taken by the most amazing man in the world. Kenneth Nicdao.


Nagulantang si Rovi mula sa pagkakahimbing ng maramdaman ang malilit na halik na iyon sa kanyang mukha. Maang na tiningnan niya si Allan na kampanteng nakatunghay sa kanya mula sa kinauupuan nito.

"Buti naman at nagising ka na. Nandito na tayo." nakangiting sabi nito sa kanya.

"Huh? N-nasaan na tayo?" disoriented pang tanong niya.

"Nasa harap na tayo ng bahay niyo." anito na may pinipigilang ngiti sa labi.

"M-may ginawa ka ba h-habang natu-natulog ako?" nagkakandautal niyang sabi rito.

Mahinang tawa ang sinagot nito saka siya tinusok sa tagiliran ng hintuturo. "Ano naman ang gagawin ko sa'yo?" nanunukso ang tinig nito.

Read more...

Chapter 8 : Task Force Enigma: Rovi Yuno

By: Dalisay
E-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com
Blog: http://dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I was taken by the most amazing man in the world. Kenneth Nicdao.



"Partner, hindi na ako makahinga." biro sa kanya ni Allan.

"S-sorry, Partner." aniyang namumula.

"Hindi, okay lang. Kamusta ka na?" tanong nito sa kanya sabay haplos ng namamasa niyang pisngi.

Natigilan siya sa inasal nito. Ito rin naman. Nagkatitigan silang dalawa. Ang ang kulay-tsokolateng mata nito ay maalam ang pagkakatitig sa kanya. Parang tinutunaw ang buong pagkatao niya. Naramdaman niya ang panlalambot ng mga tuhod.

"Huwag na huwag kang iiyak sa mga ganoong pangyayari Rovi. Normal lang ang mga ganyang bagay sa trabaho natin." masuyong wika nito.

"Hindi naman ako umiiyak ah. Ikaw kaya sumuka ng wala ka namang isinusuka?" umiingos na sabi niya. Hindi makapaniwalang nagawa niyang ipakita rito ang bahagi ng pagkataong itinatago sa lahat.

"Ganun ba?" tumatawang wika nito.

"Oo. Masakit kaya sa pakiramdam." sagot niya.

Read more...

"Sam"

Monday, November 29, 2010

By Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
blogspot: http://www.michaelsshadesofblue.blogspot.com

-----------------------------------------

Part 1:

I was in my first year of college when I started to be a little enterprising about anything. I tried a little of cigarette and alcohol. And although I considered myself to be kind of aloof and picky when it comes to friends, I got a handful of close male friends with whom I would always hang around with.

Our favorite hangout was my place. My sister had this two-story house just opposite ours and her whole family moved to the big city for good. She left the house under my charge. It was a perfect hotbed for some nasty undertakings.

Well, actually, not really nasty. All I and my friends wanted was to share time and fun like go fishing or swimming in the nearby creek, harvest young coconut, sweet potato or banana, grill freshly harvested young corn, chicken from our livestock, or the fish we caught. And when there would be no class the following day we would either campfire in the middle of the coconut plantation, or stay indoor overnight and buy the province’ most popular drink, “tuba”.

Read more...

Chapter 7 : Task Force Enigma: Rovi Yuno

Sunday, November 28, 2010

By: Dalisay
E-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com
Blog: http://dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I was taken by the most amazing man in the world. Kenneth Nicdao.


NAIINIS na tinalunton ni Rovi ang dalampasigan. Hindi siya makapaniwala sa nangyari kani-kanina lang. Paano niyang nagawang pagsamantalahan ang isang taong natutulog? O mas tamang sabihing pinatulog niya. Naguguluhan na napaupo siya sa buhanginan.

Its been so long since he last kissed a straight guy. At ayaw na niyang maalala ang tagpong iyon pero parang makulit na lamok na pilit na dumadapo sa kanyang balat para makasipsip ng dugo ang pagdagsa ng ala-ala sa kanyang isipan.


Mahigit anim na taon na ang nakakalipas ng minsang hayaan niyang mainvolved ang sarili niya sa isang lalaki. Kay Allan. Kasamahan niya itong pulis. Bago lang sila pareho sa pulisya. Tago pa noon ang kanyang pagkatao. Hindi pa nabubuo ang TFE ng mga panahong iyon.

Magandang lalaki si Allan. Kamukha ni Cogie Domingo. Maaaring mas gwapo pa nga. Nang minsang ipatawag sila ng hepe nila ay nagulat siya ng malamang ito ang ipa-partner sa kanya. Nakikita na niya ito dati pero hanggang tanguan lang ang kanilang nagiging engkwentro sa isa't-isa. Kaya naman talagang laking-gulat niya ng ito ang magiging opisyal na niyang kasama sa mga misyon.

"P01 Pineda, ito si P01 Yuno. Kayo ang bagong magkakasama sa Homicide Division. Paki-kuha na lang sa sekretarya ko ang details ng mga assignment ninyo. Marami kasing bagong kaso kaya hahayaan na namin ang mga baguhan sa pag-aasikaso ng mga iyon. Do you copy?" anang hepe nila.

"Yes Sir." magkapanabay pa nilang tugon nito.

Read more...

Chapter 6 : Task Force Enigma: Rovi Yuno

Saturday, November 27, 2010

By: Dalisay
E-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com
Blog: http://dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I was taken by the most amazing man in the world. Kenneth Nicdao.

"NAKATAYO si Bobby paharap sa papasikat pa lang na Haring Araw. Nakatanaw sa malawak at tahimik na karagatan na animo'y may hinihintay. Ikatlong araw na nila sa safehouse na iyon sa Calatagan. Kahapon ay natanong na rin ito ni Rick ng mga impormasyong maaaring makatulong sa kanila. Sa ngayon, kailangan nilang protektahan ang mag-tiya mula sa galamay ni Park Gyul Ho. May mga nagpunta raw kasi sa tinutuluyan ng magtiyahin kahapon ayon na rin sa iniwan nilang magmamasid doon.

Humugot ng malalim na hininga si Rovi bago ipinasyang lapitan si Bobby na hindi pa rin natitinag sa pagkakatayo sa harap ng dagat. Dinala niya ang dalawang mug ng kape at muling tumingin dito. Nakadagdag ito sa dati ng magandang tanawin. Ang pagkakatingin niya sa lalaki ngayon ay parang isang modelong lumabas mula sa magasin.

Naka-board shorts ito na bulaklakin pero hindi nagmukhang masagwa dahil sa totoo lang. Parang gusto niyang maiinggit sa tela ng suot nitong short. Mukha kasi iyong mga binti ng babae sa pagkakahapit sa hita nito. Namumukol ang dapat mamukol. Naalala na naman niya ang eksena sa kwarto nito. Lastug!

Read more...

Chapter 5 : Task Force Enigma: Rovi Yuno

Friday, November 26, 2010

By: Dalisay
E-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com
Blog: http://dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: If you want me to be an angel, then you have to give me the heavens.

MALALAKAS na katok ang gumising kay Bobby mula sa pagkakatulog. Pupungas-pungas na tumingin siya sa wall clock sa ding-ding. Ala-una pa lang ng tanghali. Mga limang-oras din siyang nakatulog. Papatayo na siya ng bumukas ang pinto at iniluwa noon si Rovi at dalawa pang lalaking kasama nito. Matitikas din at may magagandang pangangatawan bagama't yung isa ay nakangiti habang ang mas matangkad sa dalawa ay napaka-seryoso at nakaka-intimidate ang dating.

"Kayo pala Sarge. Bubuksan ko na sana kaso naunahan niyo ako." aniya sa mga ito.

Nilangkapan niya ng bahagyang sarkasmo ang tinig para iparating ang disgusto niya sa ideya na malaya ang mga itong makakalabas-masok ng silid na inuukopa niya. Hindi naman siguro masamang magkaroon siya ng privacy kahit pa halos bihag din siya roon kung maituturing.

"Pasensiya ka na. Pero kumatok naman kami. Hindi ka nga lang pwedeng magkaroon ng privacy kasi kailangan namin ng impormasyon sa iyo every now and then." ani Rovi na parang nabasa ang naisip niya.

Read more...

Chapter 4 : Task Force Enigma: Rovi Yuno

By: Dalisay
E-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com
Blog: http://dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I am what I am.

"DITO muna tayo tutuloy."

Nakita niyang inilibot nila Bobby at Mandarin ang paningin sa buong paligid ng safe house na iyon sa Calatagan. Iyon ang pangatlong beses na nakarating siya doon. Mahirap na iyong matunton dahil deserted na ang bahaging iyon at talaga namang tago dahil napapagitnaan iyon ng mga naglalakihang beach resorts.

Panglito rin ang mga nakapalibot na resort dito at parang sinadya na ang pagkakapuwesto noon ay nasa likran ng bahagi ng dambuhalang STILTS Calatagan Beach Resort bagaman may sariling daan ang papunta sa safe house at natatabingan iyon ng nagtatayugang puno ng niyog.

"Ang ganda rito. Kahit masakit pa ang mata ko sa pagkakaputol ng tulog ko eh, parang ang sarap mag-dive sa dagat na naririnig ko. White sand ba?" namamanghang sabi ni Mandarin na pupungas-pungas pa ng lumabas ng kotse.

Si Bobby rin ay kagigising lang. Tinulugan siya ng dalawa pagkatapos nilang kumain sa isang fastfood chain sa may SLEX. Nakita niya na nag-inat ng katawan si Bobby. Gumana ang malawak niyang imahinasyon dahil sa naging pagkakahapit ng t-shirt nito sa maskuladong katawan.

Iniwas niya ang mata at ibinalik iyon kay Mandarin na ngayon naman ay nakakunot ang noong naghihintay ng sagot sa kanya. Inalis niya ang bara sa lalamunan at nagsalita.

Read more...

Chapter 4 : Ang Mga Pangarap Ni Fredo

By: Jayson Patalinghug
email: king_sky92@yahoo.com
FB: jaysoncbucable@yahoo.com
-------------------------------------
Maraming salamat po sa naghintay at patuloy na sumubaybay sa kwentong ito. Gusto ko rin batiin ang mga bagong followers ng kwentong ito na sina Jerry, Jaylord, Redge, Eugene, Ral, Kogure, Mharcel at Levi. Kayo pong mga nagbabasa at nag eemail at nag iiwan ng comment sa blog na ito ang nagbibigay sa akin ng dahilan upang ipagpatuloy ang kwnetong ito kahit na sobrang busy ng schedule gawa na rin ng dalawangng trabaho. Maraming salamat po!
-------------------------------------

April 12, 2009
Limang taon na ang nakalipas mula noong may mangyari sa amin ni tito Kris. Parang normal lang ang lahat, at tila nalimot na rin ng aking isipan ang mga pangyayaring iyon. Sa tingin ko isa lamang iyon sa mga bagay na napagdadaanan ng lahat, ngunit di rin ako sigurado kasi hindi naman namin pinag uusapan sa bahay ang mga usapin na may kinalaman sa sex. Naalala ko nga noong minsan itinanong ko sa aking ina habang kumakain kami ang tungkol sa masturbation, namula siya sa galit, di daw namin dapat pag usapan ang mga bagay na iyon. Hindi na ako nagtanong sa kanya kaya kay kuya Jason nalang ako nagtanong. Sabi niya natural lang daw iyon sa mga lalaki ngunit wag ko daw itong babanggitin kahit na kanino kasi daw di nga ito dapat pinag uusapan. Mula noon di na ako nagtanong pa hanggang sa isang araw ay nagbago ang lahat, may natuklasan akong nagpabago sa aking buhay.

“Fredo....gising na!” sigaw ni kuya Jason habang kinakatok ang aking pintuan.

“Oo..hayan na pababa na ako..” sagot ko naman habang ang aking mga mata ay nakapikit pa. Antok na antok pa yata ako.

“Hoy..alam kong tulog ka pa! Gising na at Sunday ngayon!” sigaw ulit ni kuya na hindi pa pala umalis sa pintuan ng kwarto ko.

“Ano?” sigaw ko na natatarantang bumalikwas sa higaan. Sunday pala ngayon at naalala ko na may family devotional pala kami. Agad akong naghilamos tapos bumaba na sa sala kasama si kuya. Andun na si mama at papa kami nalang pala ang hinihintay.

“Oh hali na kayo at magsisimula na tayo” sabi ng aking ama na nakangiti. Nagmano kami ni kuya kina mama at papa pagkatapos ay naupo sa sofa. Kinuha ni kuya ang kanyang guitar tinugtog ito, sabay naman kaming lahat sa pagkanta ng aming devitional song.

As we gather may Your Spirit work within us
As we gather may we glorify Your Name
Knowing well that as our hearts begin to worship
We'll be blessed because we came X2 (Repeat I)

The steadfast love of the Lord never ceases
His mercies never come to an end,
They are new every morning
New every morning
Great is Your faithfulness, 0 Lord
Great is Your faithfulness (Repeat 2)


Pagkatapos ay naghawak kami ng kamay at nag pray si papa. Tulad ng dati, walang sawang pasasalamat sa kabutihan ng panginoon at ang paghingi ng proteksyon para sa boong pamilya kasabay na ang dalangin na panatilihing matatag ang aming samahan. Feeling ko ako na yata ang pinaka swerteng tao sa mundo kasi may mga mababait akong magulang, di tulad ng iba na magulo ang buhay gaya nalang ng aking kaklaseng si Friolan na binubogbog ng papa niya ang kanyang mama. Ang bait talaga ng panginoon, napangiti nalang ako habang nagdadasal. Pagkatapos ng aming short devotional, ay naghanda na kami para sa Sunday service. Si papa pala ang magbibigay ng mensahe ngayon, rotation kasi silang mga pastor ng church namin.

Alas syete na ng umaga at marami rami na rin ang tao sa simbahan, ready na ang banda at ilang sigundo nalang at magsisimula na ang service.

“Bro, halika na sa pulpeto at magsisimula na ang praise and worship” yaya sa akin ni kuya Jason.

“oo kuya, si Lucia ba andyan na?” tanong ko sa kanya. Si Lucia nga pala ang pamangkin ni pastor Rafael na galing pang Tandag Surigao del Sur. Petite siya, sexy at may maamong mukha, higit sa lahat may mga boses na mala anghel. Siya kasi ang mag lelead ng worship ngayon at ako naman back up singer lang, si kuya naman ang tutugtog ng piano.

“Kanina pa, nasa pulpeto na nga eh!” sagot naman ni kuya..

“ah ganun ba..eh di tayo na para makapagsimula na tayo”..at sabay na kami ni kuya na umakyat sa pulpeto. Kinuha ko ang microphone at si kuya naman ay naupo na sa harap ng piano. Nagsimula ang Praise and worship and I can feel the moving of the holy spirit...kasi naman itong boses ni Lucia para ka talagang dadalhin sa alapa-ap, tuloy lahat ng tao sa congregation ay na blessed ng todo. Pagkatapos noon ay ang para ng ritual na offering of tithes at ang pinakahihintay ko ay ang pagkain na ispiritwal. Si papa yata ang magbibigay ng mensahe, sigurado akong may mapupulot akong bagong aral sa araw na ito.

1Corinthians 6:9
(Good News Bible)
“Surely you know that the wicked will not possess God’s Kingdom. Do not fool yourselves; people who are immoral or who worship idols or are adulterers or homosexual perverts”

Idiniin ni papa sa mensahe niyang iyon na ang mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki ay kinasusuklaman ng Diyos at sila ay hindi makakapunta sa langit kundi paparusahan sa empyerno. Hindi raw normal na umibig ang isang lalaki sa kapwa lalaki, ito daw ay pakana ng demonyo. Nasiksik iyon sa aking isipan at biglang bumalik sa aking ala-ala si Tito Kris, pagtatalik ba ang tawag sa ginawa namin? Di ko alam, wala naman akong alam sa mga bagay na iyan eh. Gusto kong itanong ito sa mama at papa ko kaya lang baka tulad lang ng dati iiwasan na naman nila ang ganitong tema sa bahay, si kuya Jason naman nasabi na niya sa akin minsan na ang mga bagay na ito ay hindi dapat pinag uusapan. Ah sa kaibigan kong si Eugene nalang ako magtatanong, mabuti pa yun nasasagot nito ang lahat ng tanong ko.

Lunes ng umaga, maaga akong nagising, kinuha ko agad CP ko at nag text “Bro, later sabay tayo lunch ha, may itatanong ako”  ilang saglit lang tumunog ang CP ko at nagreply si Eugene “OK ba..basta ikaw! handang mag explain si expert.. hehe” pabiro naman ang kanyang sagot sa text ko. Ganoon talaga ang lokong iyon, lagi nalang nagjojoke pero maganda namang kasusap, may sense kung baga.

Tanghalian na at hinintay ko si Eugene sa canteen, doon kasi kami lagi kumakain eh. Ilang saglit lang dumating na siya, naka yellow T-shirt at naka shade. Japorms ang dating ng kaibigan ko, poging pogi ang itsura kaya naman marami ang patay na patay sa kanya, mapa chiks man o bakla. Umupo siya sa table at nagsimula na kaming kumain at habang kumakain ay nagkukwentuhan.

“Tol, ano ba yung itatanong mo sa akin?” tanong ni Eugene sa akin.

“Ah..eh yun ba? Hehehe” di ko alam kung paano mag sisimula, lumagok ako ng laway at saka tinanggal ang bara sa aking lalamunan at nagsalita “bro, may karanasan ka na ba sa bakla?” ang naitanong ko kanya.

“Oo syempre, sa gwapo kong ito ang dami yatang gustong makipag sex sa akin at lalo na yung mga bakla binabayaran pa ako..hahaha!” maangas talaga ang kaibigan kong ito medyo bilib sa sarili at mahangin minsan.

“teka lang, bakit mo naman naitanong? Gusto mo bang subokan? Putah akala ko ba banal ka?” pagbalik ng tanong niya sa akin sabay tawa ng malakas.

“Tangi, curious lang ako at wala akong balak!” pagtatanggol ko naman sa sarili ko.

“okay sabi mo eh..” sagot naman niya sabay subo sa kinakain niyang adobo.

“eh bro, ano ba ang ginagawa nyo kapag nagsesex kayo?” tanong ko ulit sa kanya.

“hehee, tulad ng ginagawa ng babae at lalaki, kaso wala silang VGG kaya sinusubo nalang nila ang ari ng lalaki” paliwanag ni Eugene.

“Hah? So kapag sinubo ng lalaki ang ari ng kapwa lalaki eh sex na iyon?” gulat kong tanong sa kanya.

“OO ano pa nga ba? Waittty bakit naka subo ka naba ng ari ng lalaki?” tanong ni Eugene...di naman agad ako nakasagot sa kanya..

“Ano ka ba! Bakit ko naman gagawin yun?” nauutal ako sa pag depensa sa aking sarili, naalala ko kasi ang ginawa namin ni tito Kris  limang taon na ang nakakalipas. Tinigasan naman ako sa aking naisip ngunit ang isip ko ay sumusigaw na kasalanan pala iyon! Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, malakas ang pintig ng puso ko at para itong sasabog.

“Eh bakit ka parang kinabahan at namumutla ka pa?” nakangising sabi ni Eugene.

“Ewan ko sayo...wala ka naming kwentang kausap eh!” tumayo ako at iniwan siya...

“Oy sorry na po!” sigaw niyang nagmamaka awa ngunit hindi ko na siya nilingon pa.

Naguguluhan ako. Akala ko ay okay lang iyon, yun pala ay sex na pala iyon? At bakit ko naman iyon nagustuhan? Bakla ba ako? Whoaaaah...grabe parang sasabog ang dibdib ko..nakokonsensya ako at feeling ko ako na pinaka makasalanang tao sa mundo! Naglakad ako sa kalsada at di ko namalayan na nasa harap na pala ako ng simbahan. Pumasok ako at lumuhod sa harap ng pulpeto, di ko namalayang tumulo na pala ang aking luha.....”Panginoon patawarin nyo po ako sa aking kasalanan! Di ko po alam...huhu” at humagulhol na ako ng iyak...Taos sa aking puso ang ginawa kong iyon. May isang oras din ako dun ng may tumapik sa aking likuran. Liningon ko siya at nagulat ako...si Lucia ang nasa likod ko.

“May problema ka ba?” tanong niya sa akin.

“Lucia..bakit ka nandito?” pagbalik ko ng tanong sa kanya.

“Eh ano ka ba, sa parsonage yata ako nakatira! At saka inutusan ako ni Pastor Rafael na ilagay itong mga bulaklak sa altar” paliwanag niya sa akin.

“Ah oo nga pala no..nalimutan ko sa parsonage ka pala nakatira.” Sagot ko naman, habang pinapahiran ko ang aking mga luha.

“hmmm...so bakit ka nandito at umiiyak? May problem ka ba?” tanong ulit niya.

“Ah eh, wala naman..nagdasal lang ako para sa world peace..” pabiro ko naming sabi sabay bitiw ng pilit na ngiti..

“hahaha ikaw talaga Fredo...maloko ka! World peace ka diyan..” tumawa siya at tinampal ako sa may balikat. Ngumiti lang ako..at nagulat naman ako ng bigla nyang hawakan ang aking kamay.

“If may problem ka, always remember God is always there for you at saka ako, handang makinig sayo!” pahayag niya sabay bitiw ng napakatamis na ngiti.

“Salamat.” Nginitian ko rin siya. I felt relieved ng dahil doon, sa tingin ko pinatawad na ako ng Diyos at heto na ang sagot niya. Hindi ako bakla! Napangisi nalang ako sa aking isipan.

Di na ako pumasok sa afternoon class ko, late na din kasi ako eh kaya nakipagkwentuhan nalang ako kay Lucia. Tinulungan ko siya mag arrange ng mga bulalak at magdilig ng mga halaman sa loob ng simbahan.
Mag aalas singko na nang umuwi ako, dumaretso na ako sa bahay at laking gulat ko ng buksan ko ang pinto..nandun si mama, si papa at si kuya...nakatayo lang at parang ako ang hinihintay...patay ako...!

-itutuloy-






Read more...

Chapter 16 to 18 : Ang Kuya Kung Crush ng Bayan

By: Mikejuha
getmybox@hotmail.com
http://men4menphilippines.ning.com

--------------------------------------

Mistulang gumuho ang mundo ko sa narinig. Ang buong larawan na naglalaro sa isip ko ay kalagayan ko kung wala na siya, ang mga pagbabago, ang mga nakasanayan ko sa kanya siguradong hahanap-hanapin ko, ang mga kulitan namin, mga harutan, ang pag-aalaga niya sa akin, ang mga magagandang experience na naranasan ko sa kanya… Parang tinadtad ang puso ko sa sobrang sakit.

“P-aano na lang ang pag-aaral mo…?” ang nasambit ko na lang.

“Ano pa ba ang silbi ng pag-aaral ko kung ang kapiranggot na pera na gagastusin ko sa mga pangangailangan dito ay mas kakailanganin para sa mga gamot ng nanay?”

Natahimik ako sa sagot niya. “Pero bakit kailangang iwan mo ang nanay mo?” tanong ko uli. Gusto ko sanang idagdag pa ang tanong, “Ako… paano na lang kung wala ka? Hahayaan mo na lang ba akong mag-isa?” Ngunit wala akong lakas ng loob na itanong ito sa kanya. Tiniis ko na lang na itago ito sa aking isipan.

Read more...

Chapter 3 : Task Force Enigma: Rovi Yuno

Thursday, November 25, 2010

Photobucket
AAAAAAAAAAAAAAYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY!!!!"


"Ano ba iyan Manong?" inis na tili ni Mandarin sabay pukpok pa sa salamin na nakapagitan sa kanila ng driver.

Hindi inasahan ni Bobby na bibilis ang takbo nila kaya nagulat siya ng husto ng umarangkada sila. Hindi naman ganoon ang magpatakbo ang driver na iyon kagabi kaya nagtataka siya. Parang may mali sa nangyayari. Sabi niya pa sa sarili.

"Nakaka-inis talaga." maktol pa rin ng kasama.

Napapangiting inalalayan na lang niyang muli ito para maka-upo ng maayos. Ibinaba nito ang paldang lumilis paitaas ng aksidenteng mahulog ito kanina sa upuan dulot biglang pagbilis ng sasakyan. Nanghihinayang siya pero hindi tamang doon sila maglampungan nito. Marami namang motel sa madadaanan nila. Mamaya na lang siguro.

"Okay ka lang ba?" tanong niya rito sabay haplos sa pisngi nito.

"Ah, oo. Nakakahiya, nahulog ako." namumulang pahayag nito.

"Okay lang iyon. Hindi mo kasalanan iyon. Baka nagmamadali si Manong."

"Ang sabihin mo, baka naiinggit. Kwidaw ka!" sumimangot pa ito at hinampas ang salamin. "Umayos ka manong. Sasamain ka sa akin talaga!" animong tigre nitong sabi.

Read more...

Chapter 2 : Task Force Enigma: Rovi Yuno

task force enigma : rovi yuno
RRRRRIIIINNGGGG!!!! RRRRRIIIIINNNNGGGG!!!!

Ang ingay na iyon ng alarm clock ang bumulahaw sa tulog ni Bobby. Sinulyapan niya ang maliit na orasan. Labing-lima bago ang alas-siyete ng umaga. Tama lang ang oras ng gising niyang iyon para makapaghanda at makapasok sa non-formal education school na pinapasukan niya. Computer Hardware Servicing ang kinukuha niyang kurso.

Pinilit niyang tumayo at mag-inat. Ginawa rin niya ang routine na kinasanayan niya tuwing umaga. Konting sit-ups at push-up. Ilang counts din ng pagbubuhat sa kanyang dumbbell na nasa silid niya. Dalawampung minuto ang lumipas at pawisan na siyang lumabas saka tinungo ang maliit na kusina nila.

Naroon ang kanyang Tiya Edna na nagsa-sangag ng kanin. Kumulo ang sikmura niya pagkaamoy ng masarap na pagkain. Kumuha siya ng mga plato sa lagayan at pati na rin ng mga kubyertos at baso. Nilingon siya ng inahin.

"Gising ka na pala." magiliw na bati nito sa kanya.

"Opo Tiya. Kanina pa ho." nakangiti rin niyang balik rito. Bunsong-kapatid ito ng kanyang ama. Ito ang nag-alaga sa kanya ng pinalad silang matira sa pananalanta ng isang napakalakas na bagyo noon na tumama sa Gitnang Luzon. Napilitan silang ibenta ang lupain ng makabawi sila at nakipisan sa mga kamag-anak sa Maynila.

Ginawa nito ang lahat para matapos niya ang high school. Pagtuntong niya sa edad na disi-otso ay natapos niya ang pahinto-hintong pag-aaral sa sekondarya. Nagpasya siyang mag-apply muna na magtrabaho sa kung saan-saan para makatulong dito at maka-alis na rin sa mga kamag-anak nila na noo'y dumadaing na rin ng kagipitan gawa ng pagkakapisan nila doon.

Nang maka-ipon ay inaya niya itong pumisan kasama siya sa isang entraswelo na malapit rin sa kanilang mga kamag-anak. Isa't kalahating libo ang bayad doon kada buwan. Hindi pa kasama ang kuryente at tubig. Salamat at may katipiran silang magtiyahin at hindi nila problema ang pagiging aksayado sa mga bagay na kailangan nila.

Humila siya ng silya at ipinagpatuloy ang pagpupunas ng katawan na pinawisan sa ehersisyo. Inilapag ng tiyahin ang umuusok pang sinangag at saka binuksan ang nakatakip na sinangag na dilis, tuyo at piniritong itlog. Naghiwa ito ng kamatis at inilagay sa platito kasabay ang isang platito ng sukang-negros na iniregalo sa kanila ng isang kapitbahay.

Kumalam agad ang sikmura niya sa nakahain ngunit bahagyang nag-alala na baka napagod ang tiya sa dami ng nakahain na iyon. Bawal ang mapagod dito ng husto. "Tiyang, baka naman napagod kayo sa paghahanda ng mga ito. Huwag na kayo masyadong magkikilos." paalala niya habang iniaabot ang bandehado rito.

"Ako nga ay huwag mong masyadong alalahanin Bobby, kay napapagod ako kapag hindi ako nagkiki-kilos. At ano bang nakakapagod sa mga ire. Nagprito lang ako at kaunti lang ang sinangag ko na tirang kanin kagabi." mahabang turan nito.

Read more...

Chapter 5 : In Love With Brando

By JoshX


Nang maramdaman ng interviewer ang aking presensiya ay pumihit siya paharap sa akin. Kinurot ko pa ng pino ang aking kanang hita para masiguro na hindi halusinasyon ko lamang ang nangyayari.
  
Nagpikit ako ng mata. Nagbilang. One…two...three...four…five. Natakot pa ako na baka sa muling pagdilat ko hindi pala siya. Kapangalan lang pala niya. Ibang tao pala. Lord sana po..sana po siya na talaga..sana siya talaga!
  
Pagmulat ko naroon pa rin siya sa harapan ko. Totoo nga ang nangyayari. He’s flesh and blood right in front of me! Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang kasiyahang nararamdaman ko nang mga oras na iyon. No exact words can describe it. Iyon ngang may bagay ka lang na hinahanap na ng matagal at nang hindi mo na ito hanapin ay kusa mo namang natagpuan ay sobrang saya mo na with matching pangiti-ngiti pa, heto pa kaya na for the last ten years at halos araw-araw kong naiisip ay bigla na lang lilitaw nang hindi ko inaasahan. Siguro heaven ang pakiramdam. Iyon na iyon parang nasa langit na ako.

Read more...

Chapter 4 : In Love With Brando

By JoshX

Mas mainit ang sikat ng araw nang umagang iyon kahit mag-aalas-sais pa lamang kumpara noong mga nagdaan. Isa na yata ito sa epekto ng tinatawag na climate change. Wala pang tatlong kilometro ang naaabot namin ni Harry sa pagja-jogging ay halos tumagaktak na ang aking pawis mula sa aking unat at bagsak na itimang buhok pababa sa aking mukha. Nag-sando na nga lang ako at jogging pants na kulay gray na may stripes na maroon pahaba sa magkabilang gilid.
  
“Kaya pa ba?” nakangiting tanong ni Harry na para bang minamaliit niya ang aking kakayahan. Medyo binagalan ang pagtakbo para umantabay sa akin. Ang guwapo nito sa suot na puting Hanes T-shirt na semi fit at UB jogging pants kagaya ng suot ko. Moreno ang balat na makinis at semi-kalbo ang gupit. Sa ganda ng katawan nito ngayon na alaga sa gym, height na 6’1”, matangos na ilong na bumagay sa may kanipisang mga labi at pair of expressive black eyes ay hindi mo aakalain na siya ang patpating si Harry na ipinagtanggol ko sa mga bullies na sina Jimson, Collin at Bino mahigit sampung taon na ngayon ang nakakaraan.
“Kaya pa.” nakangiting tugon ko. Maalat ang butil ng pawis na dumaloy sa aking labi. Kinuha ko ang lalayan ng aking t-shirt, iniangat at sandaling nagpunas ng mukha. Nakalimutan ko kasing magdala ng towel na pampunas. Napatingin tuloy si Harry sa lumitaw kong six pack abs at sa makinis kong balat na maputi kumpara sa kaniya. Medyo naalangan ako sa mga ganoong pagkakataon kaya, “Meron ka din niyan,” sabi ko na tinapik pa ng marahan ang kaniyang tiyan na ikinagulat naman niya. “Mas maganda pa ang pagkaukit.”
Napangiti naman siya. “Iyan ang gusto ko eh…at hindi lang naman ‘yan. Lahat ng ikaw.”
“Sira ka talaga, sabi ko sa iyo hindi tayo talo.” Bigla kong binilisan ang pacing ng pag-jogging ko.
“Iiwanan mo ba ako?” kunwa’y naiinis na tanong niya.
“Oo kung babagal-bagal ka.”
“Ganon.” Sabi niya pagkuwa’y patakbo na ang ginawa niya.
Binilisan ko din para sabayan siya. Pagkatapos malampasan ang sampung naggagandahang mga bahay sa aming subdivision ay unti-unti na rin kaming bumagal.

Read more...

Chapter 3 : In Love With Brando

By JoshX


Iyon na yata ang pinakamahabang Sabado sa buhay ko. Dahil ramdam ko ang unti-unting pagkatuyo ng tubig ulan sa suot kong damit habang nakaupong naghihintay sa labas ng gate sa pagbabalik ni Kuya Brando. Umalis si Kuya Rhon na pinilit din naman akong papasukin sa loob para magpalit ng damit pero galit ako sa kaniya kaya hindi ko siya pinansin, hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Si Tiya Beng ay nasa out of town din.
  
Napakabagal pala talaga ng lakad ng orasan kapag may hinihintay ka samantalang sobrang bilis naman kapag natatakot ka o ayaw mong dumating. Pero kapag sinukat mo parehas lang naman talaga ang tiktak nito, nasa paraan lang kung paano mo gagamitin ng tama. Kaya tama ba ang ginagawa kong pagmumukmok? Alam kong mali pero ito yata ang mas gusto ko munang gawin sa ngayon.
  
Magtatakipsilim na nang unti-unti kong naramdaman ang pagdampi ng malamig na hangin sa aking mukha. Para akong mangangatal na hindi ko mawari samantalang mainit naman sa loob ng aking katawan. Nanghihina din ako dahil na rin siguro sa wala pang laman ang aking sikmura simula kaninang umaga.

Read more...

Chapter 14 to 15 : Ang Kuya Kung Crush ng Bayan

By: Mikejuha

email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
---------------------------------------------------------------



Mistulang nakakita ako ng multo sa nasaksihan. Bumalikwas kaagad ako sa pagkahiga at pinulot ang t-shirt at jeans na nagkalat sa sahig at dali-daling isinuot ang mga iyon.


Nagising naman si Julius at tila normal lang itong kinuskos ang mga mata, tumagilid sa direksiyon ko. “G-gising ka na pala kuya…” ang ang sambit niya, nakatingin sa akin habang pilit kong itinaas ang pantalon.

“Ah… O-o. Maliligo na ako, Julius. May tubig ba ang banyo?” ang sambit ko, halata sa boses ang mistulang panginginig ng boses sa magkahalong hiya at pagkalito.

Agad-agad naman itong bumalikwas din, itinakip ang kumot sa harap niya na tila alam na nakahubad lang siya, hinahanap sa kama ang shorts na siyang suot-suot bago matulog sabay sabing, “Ah... mag-iigib muna ako kuya, walang pondong tubig ang banyo.”

“Ay, huwag na kung ganoon. Sa ilog na lang ako maliligo.” Ang mabilis kong sagot sagot gawa ng pagkahiya.

“Ah… sige Kuya, sasamahan na rin kita doon.”

Noong makita na ni Julius ang shorts na pamapatulog, agad niya itong isunuot. Iyon lang ang suot-suot niya habang lumabas kami ng kuwarto. Ako naman ay nagpalit din ng shorts pampaligo. Sa porma na iyon ni Julius na naka-shorts lang at walang saplot ang pang-itaas na katawan, hindi ko maiwasang hindi mapahanga sa ganda ng hubog ng kanyang katawan. 

Noong nasa gilid na kami ng ilog, dinig ko ang mga tilamsik ng tubig nito. Parang ang sarap pakinggan; nakaka-relax. Subalit nangingibabaw pa rin ang lungkot na gumagapang sa aking pagkatao. Naalala ko kasi si Kuya Rom; may sakit na dulot ang ilog na iyon sa aking alaala dahil sa ilog na iyon ko itinapon ang singsing na ipinagkatiwala niya sa akin, ang pilit na pagsalba niya nito na halos magpakamatay na sa pagsisisid maibalik lang ang singsing. At bago pa dito, naalala ko rin ang pinakaunang nangyari sa akin kasama siya na hinding-hindi ko malilimutan; noong muntik akong malunod at sinagip niya ako. Doon nagsimula ang paghanga ko sa kanya.

Read more...

Chapter 11 to 13 : Ang Kuya Kung Crush ng Bayan

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
---------------------------------------------------------------

Noong matanggal ko na sa daliri ang singsing, pumwesto ako sa parteng may pampang sa isang gilid ng ilog kung saan ito malapit sa malalim na parte. Inindayog ko na ang kanan kong kamay upang pakawalan ang singsing noong sa likuran ko ay may biglang sumigaw. “Huwaaaggggg!!!”


Si Kuya Romwel, halatang kagagaling pa sa laro, naka pambasketball shorts lang at sando, at nakasapatos pa.



Ngunit nabitiwan na ng kamay ko ang singsing. Pakiwari ko’y naging slow motion ang lahat, ninais ng isip ko na ipahinto ang paglaglag nito sa sa tubig. Ngunit huli na. Agad-agad itong lumubog kasabay ng pagtilamsik ng tubig sa pagtama nito sa ilog. Simbilis naman ng kidlat si Kuya Rom na du-mive sa pampang at tinumbok ang parte kung saan nalaglag ang singsing. 



Nabigla ako sa bilis ng mga pangyayari. Kitang-kita ko sa mukha ni Kuya Rom ang tindi ng pagnanasa nitong ma-retrieve ang singsing. 



Nakailang sisid na si Kuya Rom at ramdam kong hapong-hapo na siya sa kasisisid. Naramdaman ko naman ang gumapang na tindi na pangongonsiyensya sa utak ko. Alam ko, hindi na naglalaro si Kuya Rom. Seryosong-seryoso siya sa paghanap sa singsing. Pakiramdam ko, namumutla na kung mapaano si kuya Rom gawa ng hindi pa rin niya nilubayan ang pagsisid.



Ewan, hindi ko rin maintindihan kung bakit sobra niyang pinahalagahan ang singsing na iyon na sa tingin ko ay kahit malaki at makinang, ay isang stainless lang naman.



May matinding pagsising namayani sa utak ko at nag-uumapaw ang kagustuhang tulungan na lang sana siya sa pagsisid. Ngunit dahil hindi ako marunong lumangoy, hindi ko rin magawa ito. Gusto kong sumigaw na “Kuya, huwag mo nang hanapin, baka mapaano ka pa!” ngunit hindi ko masabi ito gawa nang alam ko, galit siya sa ginawa ko.



May kalahating oras na siguro ang nakalipas at sumusisid pa rin siya. Maya-maya, hapong-hapo at kibit-balikat siyang bumalik sa parteng may dalampasigan, pansin ko ang sobrang panghihina niya na halos hindi na makaya ang sarili sa paglalakad. At pagkarating na pagkarating kaagad sa parteng buhanginan, ibinagsak bigla ang lupaypay na katawan, habol-habol ang paghinga at nakatihaya, ang mga kamay na latang-latang ay nakalatag sa kanyang gilid.


Read more...

Chapter 3 : Unbroken

By:Rovi Yuno
Fb:Iheytmahex632@gmail.com
“The greatest thing you'll ever learn is just to love and be loved in return. “
-Moulin Rouge

Gulat na gulat kami ng makita naming nakatingin samin lahat ng tao sa loob ng restaurant.
May mga nakangiti. May mga halatang nagulat. May mga ibang nagpakita ng pagkadismaya.
Hindi namin sila masisi dahil mukha talaga kaming mga lalaki. Wala kang makikitang bakas ng kabaklaan sa aming porma.

“Uh-oh. They are all looking at us now hon.” Sabi ni FR.

“Yeah. They are all staring at us.” sagot ko habang magkatapat pa din ang aming mga labi.

“So,what now? Tuloy ang kiss o hindi?” nanunubok nyang sagot.

“Ohhh. We can't do it here FR. Sorry.” sabi ko habang umaatras ang mukha ko sa mukha nya.

Whew. Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Hindi ko na sinubukang tumingin sa mga tao dahil alam ko na nakatutok ang mga mata nila sa amin. Kitang kita ko sa mukha ni FR ang pagkadismaya. Mababakas sa kanyang mga mata na inaasam nya talaga na halikan ko sya in public.
But I just can't. Ramdam ko din na pinagusapan kami ng mga taong walang alam sa ganitong klaseng relationship.

Nakakabingi ang katahimikan na bumabalot sa aming dalawa. Walang gustong magsalita. Walang gustong kumibo. Tahimik si FR dala marahil ng pagkapahiya at disappointment. Di naman ako nagsasalita dahil ramdam ko pa din ang malakas na kabo ng dibdib ko ng dahil sa nangyari.
Nabibingi na ako sa katahimikan kaya ako na mismo ang bumasag nito..

Read more...

Chapter 1 : Task Force Enigma: Rovi Yuno

Wednesday, November 24, 2010

By: Dalisay
E-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com
Blog: www.dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I'm not the angel neither the devil. I'm just Dalisay.


Itinukod ni Bobby ang mop sa pader ng cr na iyon sa loob ng isang club sa Quezon city pagkatapos niyang matiyak na malinis na iyon. Nagtatrabaho siya roon bilang janitor sa gabi. Nag-aaral kasi siya sa umaga ng isang non-formal education sa isang government agency. Wala kasi siyang pang-matrikula para sa isang state college or university.

Nagtatapos ang duty niya ng alas-dos ng umaga saka siya uuwi sa tinutuluyan nila ng kanyang tiyahin na matandang-dalaga. Silang dalawa na lang ang natira sa kanilang mag-anak ng matangay ng malaking baha sa probinsiya nila ang buong pamilya nila limang taon na ang nakalilipas. Labis niya iyong dinamdam sapagkat nagsisimula pa lang siyang mangarap ng magandang buhay para sa kanila ng sirain iyon ng sakunang nangyari sa bansa.

Piniga niya ang basahan na ginamit niyang pamunas ng salamin sa cr. Sinipat niya ang relo sa bisig. Ala-una singkwenta y singko na. Tamang-tama lang niya natapos ang gawain. Inalis niya ang malungkot na ala-alang pumukaw sa kanya kani-kanina lang. Masaya siyang lumabas sa parteng iyon ng club. Pinuntahan niya ang kanilang locker room at inabutan doon ang kwelang kasamahan na si Monday.

"O' Tol, tapos ka na?" tanong ni Monday.

"Oo pare. Nakuha mo na ba sweldo mo?" balik-tanong niya.

"Oo 'tol. Ang laki nga ng bawas sa akin. Dalawang late lang naman ako. Namputsa talaga si Miss Kring-kring! Porke't ayoko magpahipo sa kanya eh itinuloy ang pagbabawas sa aking tardiness. Hmp!"

Natawa siya sa obvious na paghihimutok nito pero tinandaan yung sinabi nito. Isang bading si Miss Kring-kring. Isang mataba at malaking bakla. Pero maputi at mahilig maglagay ng kolorete sa mukha. Mapagkakamalan mo ngang babae ito na batang version ni Donya Buding sa lakas ng kinang ng mga alahas na suot-suot nito. Kinabahan siya kasi may late din siya noong nakaraang araw. Baka ganoon din ang gawin nito sa kanya.

"Ikaw 'tol? May late ka ba?" tanong nito na parang nabasa ang iniisip niya.

"Meron p're. Noong Huwebes." naiiling na sabi niya.

Pumalatak ito. "Nakow, ay malamang ga na hiritan ka ng matabang bading na ire. Ala eh, sigurado iyan." sabi pa nito sa puntong batangenyo.

"Hindi naman siguro p're. Saka hindi ako type ni Mam Kring." kabadong tanong niya saka alanganing tumawa.

"Ay hindi ako naniniwala di-yan. Kay gwapo mo kaya 'tol kahit medyo may kaiitiman ka. Di mo lang napapansin pero lagi na lang nakatingin sa'yo ang baboy na i-yon. Ay mukhang takam na takam sa katawan mo at sa bukol mo." saka ito humagalpak ng tawa.

Mas lalo siyang kinabahan kaya ginawa niyang salihan ang pag-tawa nito. Isang beses pa lang siya na-late dahil sa nagkasakit ang tiyahin niya at di niya maiwasang mag-alala sa kalagayan nito. Napa-iling na lang siya habang kinukha ang mga gamit. Nagbihis siya at nagpaalam na dito para tunguhin ang opisina ng manager nila na si Miss Kring-kring.

"Miss Kring?" tanong niya habang kumakatok.

Tahimik sa parteng iyon kasi soundproof ang area sa pasilyo papuntang manager's office. Nakarinig siya ng paanyaya ng pagpasok. Pinihit niya ang seradura at itinulak iyon paloob.

Bumulaga sa kanya ang manager nila na nakakasilaw ang kinang ng yellow summer dress na humahakab sa matabang katawan nito. Sa ibang sitwasyon marahil ay malamang na matawa siya. Mababaw lang kasi ang tawa niya. Pero dahil sa nalaman niyang hiniling nito kay Monday ay nawala ang kasiyahan niya pag nakakakita ng mga nakakatawang tanawin.

"Miss Kring. Kunin ko lang po ang sweldo ko." kabadong sabi niya.

"Maupo ka muna." Malambing na tugon nito.

Inangat nito ang tingin at saka siya pinasadahan ng titig. Kinilabutan siya sa paraan ng titig na iyon. Hindi na bago sa kanya iyon dahil sa club na iyon ay lagi siyang nakakatanggap ng mga ganoong klaseng tingin sa mga kasamahang dancer na babae at yung ibang choreographer na bading. Pati na rin sa tinitirahan nila ng tiyahin.

May hawig kasi siya sa artistang si Rico Yan na minsan ng pinagtawanan ng mga nakakakilala sa kanya. Bobby kasi ang pangalan niya at hawig niya ang kapatid nito. Alaga rin siya sa ehersisyo. May ipagmamalaki rin siya sa bandang ibaba ng katawan niya at hindi daya ang pamumukol noon.

Pero ngayon parang gustong umurong ng alaga niya sa klase ng tingin na ibinibigay nito sa kanya. Binuklat nito ang records nila. Saka ibinalik ang tingin sa kanya.

"May late ka palang isa." nakangiting tanong nito.

"Opo Mam. Noong Huwebes." kinakabang ngumiti siya.

"Pero okay lang po na mabawasan ako." sabi pa niya.

"Pwede naman na hindi ka mabawasan eh." malanding tanong nito.

Patay sigaw ng utak niya. Mukhang hihirit na. Inayos niya ang pagkaka-upo at pinunasan ang gumigiting pawis sa noo niya sa kabila ng pagiging air-conditioned ng kwarto.

Tumayo ito at lumapit sa kanya at ipinatong ang kamay sa balikat niya. Nasamyo ng pang-amoy niya ang matapang na pabango nito. Nalukot ang ilong niya lalo ng tumapat ito sa kanya sa kabilang silya at naupo.

"O-okey lang Miss Kring na bawasan ako. Late naman po kasi talaga ako." alanganin siyang ngumiti.

"Magagawan naman natin ng paraan iyan." tumayo ulit ito at ini-lock ang pinto saka bumalik sa kanya.

Shit! hindi na maganda ito. Tumayo rin siya at sinalubong ito.

"Miss Kring, kunin ko na po iyong sweldo ko kasi may sakit si Tiya." nagmamadaling sabi niya.

"Mamaya ka ng konti umalis. May sasabihin kasi ako sa iyo. Maupo ka muna ulit." saka nito kinuha ang kamay niya at hinila siya paupo.

Mukhang wala siyang kawala sa isang ito. Kapag naman sinaktan niya ito ay malamang na mabugbog din siya ng mga bouncer na kadikit nito sa labas. Limang buwan pa lang siya roon. Mahirap maghanap ng trabaho.

"Bobby ang pangalan mo di ba?" tanong ni Kring.

"Opo mam."

"Pwede kong alisin ang late mo, sa isang kondisyon."

"Ah ano po iyon Mam?" kinakabahang tanong niya.

Inilapat nito ang palad sa maskulado niyang dibdib. Natawa ito.

"Huwag kang kabahan Bobby. Madali lang ang ipapagawa ko sa'yo. Kikita ka pa." sabay kindat nito.

"Ah mawalang-galang na po Mam Kring pero di po ako pumapatol sa bakla." kinakabahan man ay nagawa niyang sabihin dito ang nasa isip.

Nakita niya ang kislap ng pagkagulat sa mata nito. Hindi siguro nito inaasahan iyon. Pero maya-maya ay ngumiti ito. Nagtaka naman siya sa naging kilos nito.

At least nasabi ko na. pangungumbinsi niya sa sarili.

"Nakakatuwa ka Bobby. Paano mong naisip na "iyon" ang ipapagawa ko sa iyo." he quoted in the air and laughed.

Nangungunot-noong tinitigan niya ito. "Eh, ano po ba iyon?" nabawasan na ang kaba niya.

"May ipapakisuyo ako sa iyong bag. Pag labas mo, tumayo ka lang sa poste sa tapat tapos kapag may humintong sasakyan ay sumakay ka kaagad. Huwag mong titingnan ang laman ng ha. Iyong bag, iwan mo sa harap at pagkatapos ay magpababa ka sa restaurant na hihintuan ninyo. Kunin mo iyong bag naman na nasa trunk ng kotse at pumasok ng restaurant. Sabihin mo may reservation ka sa pangalang Levi Cruz at maupo ka doon sandali saka mo iwan iyong bag sa ilalim ng mesa. Pagkatapos noon ay umalis ka na at umuwi. I-text mo ako kung nagawa mo ang lahat ha. Nakuha mo ba?" tanong nito.

"Opo." Naguguluhan man ay sumagot na siya. Bahagya pa niyang pinakawalan ang kanina pang pinipigilan na hininga.

"Good."

"Yun lang po ba?"

"Oo. Sa ngayon. Oh hetong sweldo mo." saka abot sa kanya ng pay envelope niya at pinapirma siya. Nakuha niya iyon ng buo. Iniabot din nito ang bag na pinadadala sa kanya na medyo may kabigatan. Nagpasalamat siya at saka tinungo ang pinto ng pigilan siya ng pagtawag nito.

"Bakit po Mam?" takang tanong niya.

"Hindi kita type." nakakalokong sabi nito. Napahiya siyang konti at saka lumabas ng tuluyan. Naiinis na isinukbit niya ang bag na pinadadala nito. Nakasalubong niya si Monday na naka-duty pa rin hanggang alas-sais. Sumaludo siya rito at lumabas na ng club. Tumayo siya sa pwestong sinasabi nito at saka hinintay ang kotseng hihinto doon.

Nagte-text siya sa tiya niya na pauwi na siya ng may tumapik sa balikat niya. Si Mandarin iyon. Isang belyas. Magandang babae ito at napakalaki ng hinaharap. Mukhang gising na gising ito noong nagsabog ang diyos ng biyaya. Ngumunguya ito ng chiklet.

"Hoy Bakla. Saan ka pupunta?" maangas na sabi nito.

"Diyan lang. At hindi ako bakla." nagtitimping sabi niya.

"Asus. Sigurado akong bakla ka. Eh bakit ba eh hindi ka yata tinigasan noong idikit ko iyong boobs ko sa iyo sabay dakot ng ano mo." nakakalokong wika nito.

"Hindi kasi kita type. Saka baka magka-sakit lang ako sa'yo." mahinang sabi niya. Kahit na naiinis ay di niya magawang patulan ito sapagkat babae pa rin ito.

"Hah, bakit hinihinaan mo pa? Natatakot kang umamin na bakla ka?" sigaw pa nito sa kanya. Nakakakuha na sila ng atensiyon. Hinila niya ang braso nito at inilapit ang mukha sa mukha nito. Nakita niya ang pagpikit nito saka ito binitawan.

"Bakla pala ha. Naghihintay ka lang na mahalikan ko eh." pang-aasar niya rito. Namumula at napapahiyang umalis ito at bumalik sa loob. Nagtawanan ang mga miron sa labas at ang iba ay pumalakpak pa. Nangingiting sumaludo siya sa mga ito.

Doon may humintong kotse at niyaya siyang sumakay. Inilagay niya ang bag sa harap at sumakay sa likod. Pinagmasdan niya ang driver pero di niya maaninag ang mukha nito dahil sa suot na cap. Maya-maya lang ay nasa resto na sila. Bumaba siya saka kinuha ang isa pang bag sa trunk na medyo magaan naman.

Pumasok siya ng restaurant at sinabi ang kunwaring pangalan saka naupo sa table na nakalaan doon. Ilang saglit lang ang hinintay niya saka pasimpleng iniwan ang bag sa ilalim. Nagkaroon siya ng kutob sa ginagawa niya. Mukhang di maganda iyon. Pero sabi kanina ni Miss Kring ay higit pa sa sweldo niya ang kikitain niya.

nang buksan niya ang pay envelope ay nagulat siya na sobra iyon ng kinse mil. Mukhang naging tauhan siyang bigla ng isang ilegal na gawain. Pero kailangan niya ng pera. May sakit ang Tiya niya. Kailangan nila ng pampa-ospital nito. May leukemia ito. Kailangan nila ng pera na ganoon kalaki para sa pagpapagamot nito.

Kung maghahatid lang siya palagi ng mga bag na iyon at kikita ng malaki eh dedma na lang kung ganoon. Tumayo na siya ng masigurong walang nakakita sa ginawa niyang pag-iwan. Hindi na rin niya nilingon ang restaurant at wala na ang kotse paglabas niya. Nag-taxi siya at umuwi na ng may ngiti at kaunting kaba.


"Its confirmed. May bago silang courier ayon sa informer natin. Lalaki daw." pangungumpirma ni Rovi kay Rick.

Nasa isang espesyal na misyon siya bilang non-commissioned officer ng AFP. Magkasama sila nito sa defunct Task Force Enigma. Isang elite covert operations team ng sandatahang lakas. Binubuo iyon dati ng labing-limang miyembro na nalagas na pagkalipas nang panahon. Ang layunin noon ng grupo ay sugpuin ang krimen na nasa underground at naka-dikit sa mga opisyal ng gobyerno.

Kontrobersyal ang grupo dahil ang bumuo noon ay ang self-confessed gay General dati na ngayon ay retired na na si Gen. Luther Mariano. Matikas itong heneral noong bata pa kaya ng magladlad ito ng kapa sa buong army ay marami ang nagulat. Niyaya pa nito na magladlad ang mga ibang may kakaibang sexual preference din.

Na-pressure siya noon dahil ang sabi ng hepe nila noon ay sisibakin sila sa pwesto kapag nangyari na nagladlad sila. Wala raw bading sa departamento nila. Nagrebelde siya noon at saka sumama ng pasikreto sa grupo ni General Mariano. Nagulat siya na may singkwenta ang taong inabutan niya roon. Pare-prehas sila ng emosyon noon.

Nakakita siya ng kakampi sa mga nagpunta doon. Isa kasi siyang discreet na bisexual. Ayaw naman niyang mawalan siya ng trabaho pero kung ideyolohiya na niya ang nakataya at pagkutya ng pagkatao niya, eh lalaban siya. Mabuti at marami sila roon.

Inilahad ng heneral ang gaol ng meeting na iyon. Gagawa daw sila ng team na llusaw sa katiwalian ng gobyerno at magpoprotekta sa mga naaapi. A secret operational group na ang bubuo ay silang mga bakla, bisexuals at lesbians. Nag-set ito ng training sa isang training camp sa Cebu. Mga foreigner ang trainer nila.

Nagpasiklaban sila ng mga kasama. Tinuruan ng mga survival tactics at combat skills. Pati bomb detonating at gadgets and technological expertise ay itinuro din. Unti-unti ay nababawasan sila sa hirap ng training. Ang sumusuko ay nabibilang sa security and detective agency ng heneral.

Pagkalipas ng isang taon ay sanay na silang lahat sa training a ready for deployment na. Labin-lima sila na natira. Kabilang sina Rick at Ito na noon ay parehas ng Major. Si Cody na isang marines at doktor sa batang edad nito. Si Jerick na kagaya niyang bagong graduate sa police academy. At si Perse na isang kapitan at pulis-probinsya. Nalansag ito ng maging okay na ang gobyerno at nawala na ang ilang kilalang crime-organised group six years ago.

"Bago rin daw ang drop point nila." pagpapatuloy niya ng report dito. Nakatulala lang ito. Mukhang malalim ang iniisip.

"Putek o. Nasa dreamland ka na yata Colonel Puyat ah." pang-aasar niya rito sabay tapik sa hita nitong nakapatong sa lamesa ng opisina nito.

"May bago silang courier at may bagong drop point ayon sa informant mo. Ano pang ibang sinabi mo? Nasa dream land ako? Eh kung barilin kita dyan?" naiinis na ratsada nito.

"Huwag naman Master. Ikaw naman di na mabiro." natatawang nagtaas siya ng kamay.

Kahit alam niyang biro lang ang bantang iyon ay sigurado siyang kaya siyang katayin nito kapag nainis sa kanya. Team leader nila ito dati sa TFE. Kayang-kaya nitong torturin siya kahit manlaban pa siya. Scared!

"Rick-toy, huwag mo na silang isipin. Masaya na sila." sabi niya dito.

"Sino bang tinutukoy mo?" naiinis na tanong nito.

"Eh di sino pa? Yung dalawang iyon." sabay turo niya sa picture frame na may picture nila Pancho, Gboi at Rick. Kuha iyon sa Siargao kung saan nagkasundo ang mga puso nito. It was a celebrated love story. Parehas na umiwas sa media sina Pancho at Gboi at naglayag gamit ang yate ng huli sa lahat ng panig ng Pilipinas. Masaya siya that the murder inclined love story ng mga ito ay nagtapos ng maganda.

"Tang ina. Mag-report ka na nga lang." sigaw nito.

"Anyway." pagpapatuloy niya. "Waiter daw doon sa loob ng club ni Tabachingching ang nagdala kagabi. Anong gagawin natin? Alam na natin ang flow nila. papalit-palit lang sila ng courier."

"Set them up. Magaling ka naman sa disguise. Unahan mo iyong kotseng darating. Kopyahin lahat. Saka natin i-interrogate ang courier nila. Ako na magpapa-amin sa isang iyon." tinatamad na sabi nito.

"Naisip ko nga rin iyan. Sige. Ako ng kikilos. Piece of cake." mayabang na sabi niya.

"Oo na."

"Sige tol. Alis na ko. Huwag ka ng magmukmok." nagtatakbo siya palabas ng bunutin nito ang baril nito.

Natatawang tinungo niya ang sekretarya nito at kumuha ng budget at ng endorsement para makahiram ng sasakyan. Sa grupo ng TFE siya ang nasanay sa disguises at infiltration. Espiya kumbaga. Pero ang paborito talaga niya ay judo at ang butterfly knives na laging baon niya. Asintado siyang pumukol noon. Isa pa niyang paborito ang swiss knife niyang thirty-two tools.

Pagkakuha ng budget at endorsement ay tinawagan niya si Major Perse Verance para sa gadgets naman na kakailanganin niya. Nang masabi ang pakay ay tinungo na niya ang opisina nito. Kailangan na niyang ihanda ang lahat para walang sablay. Sakaling manlaban ang courier na target nila ay patutulugin nila ito. Iniimbestigahan kasi nila ang isang drug trafficking operation sa isang sikat na night club na pag-aari ng big-time drug lord Park Gyul Ho na isang Korean National.

Nagpasya siyang magpakulay ng buhok at magpagupit para sa disguise. May kulay kasi ang buhok niya at itim ang buhok ng driver na gagayahin niya. Mahirap ng mabuko. Nagdaan din siya sa isang store para bumili ng damit na pang-driver. Alas-sais pa lang ng gabi. Ipinasya niyang matulog na lang muna at madaling-araw pa naman ang misyon na gagawin niya. Minutes later he was dozing off.


Itutuloy....

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP