Chapter 7 : Task Force Enigma: Rovi Yuno

Sunday, November 28, 2010

By: Dalisay
E-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com
Blog: http://dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I was taken by the most amazing man in the world. Kenneth Nicdao.


NAIINIS na tinalunton ni Rovi ang dalampasigan. Hindi siya makapaniwala sa nangyari kani-kanina lang. Paano niyang nagawang pagsamantalahan ang isang taong natutulog? O mas tamang sabihing pinatulog niya. Naguguluhan na napaupo siya sa buhanginan.

Its been so long since he last kissed a straight guy. At ayaw na niyang maalala ang tagpong iyon pero parang makulit na lamok na pilit na dumadapo sa kanyang balat para makasipsip ng dugo ang pagdagsa ng ala-ala sa kanyang isipan.


Mahigit anim na taon na ang nakakalipas ng minsang hayaan niyang mainvolved ang sarili niya sa isang lalaki. Kay Allan. Kasamahan niya itong pulis. Bago lang sila pareho sa pulisya. Tago pa noon ang kanyang pagkatao. Hindi pa nabubuo ang TFE ng mga panahong iyon.

Magandang lalaki si Allan. Kamukha ni Cogie Domingo. Maaaring mas gwapo pa nga. Nang minsang ipatawag sila ng hepe nila ay nagulat siya ng malamang ito ang ipa-partner sa kanya. Nakikita na niya ito dati pero hanggang tanguan lang ang kanilang nagiging engkwentro sa isa't-isa. Kaya naman talagang laking-gulat niya ng ito ang magiging opisyal na niyang kasama sa mga misyon.

"P01 Pineda, ito si P01 Yuno. Kayo ang bagong magkakasama sa Homicide Division. Paki-kuha na lang sa sekretarya ko ang details ng mga assignment ninyo. Marami kasing bagong kaso kaya hahayaan na namin ang mga baguhan sa pag-aasikaso ng mga iyon. Do you copy?" anang hepe nila.

"Yes Sir." magkapanabay pa nilang tugon nito.



"Okay. Be back here kapag may appropriate actions na kayong naisip in solving these petty crimes. Karamihan sa mga iyan ay gang war lang. Dismissed." halos patamad na lang nitong pahabol na bilin sa kanila.

"Thank you Sir." sabay ulit nilang tugon.

"Anong batch ka Yuno?" tanong ni Allan sa kanya pagkalabas nila ng opisina ng hepe nila.

"Class 2003 lang ako. Saka Rovi na lang pare. Magkapartner na tayo, huwag ka ng masyadong pormal." nakangiti niyang sabi rito.

"Ganoon ba? Buti naman sa'yo na nanggaling iyan. Masyado kasing seryoso ang hitsura mo kanina. Parang nakakahiya kang kausapin sa totoo lang. By the way Class 2002 ako. Sa Caloocan talaga ako naka-destino. Nagpalipat lang ako ng station kasi lumipat kami ng bahay." mahabang sabi nito sa kanya then smiled boyishly. Revealing a perfect set of white teeth.

Napahugot siya ng hininga ng ngumiti ito. Naging uneasy bigla ang pakiramdam niya. Great, just great. Give me a cute guy for a partner. Sabi niya sa isip. Hindi niya namalayan na nagbago pala ang expression ng mukha niya ng mga sandaling iyon. Nangungunot ang noong tinanong siya ni Allan.

"Anong problema pare. Bakit biglang naging parang seryoso ka na naman? May nasabi ba akong mali? nagtatakang tanong nito.

"Ha? A-ah eh wala naman. Medyo sumakit lang b-bigla ang ulo ko." Damn! Bakit siya nag-i-stammer? Parang ngayon lang siya nakakita ng gwapo.

"Whew! Akala ko kung ano na. Pasensiya na p're, medyo may kadaldalan ako eh." nakangisi nitong sabi sa kanya.

"Okay lang iyon pare. Maganda nga iyon. At least may madaldal sa ating dalawa." Huwag ka lang ngingiti ng ganyan kumag ka! Dugtong niya sa isip sa sinabi niya.

"Tara pare. Kape tayo. Alas-tres na naman eh. Mamaya na natin pag-aralan yung reports na sinabi ni Sir. Bonding na rin natin." masiglang yaya nito sa kanya.

Hay! Kung minamalas ka nga naman. Bakit ang bait ng isang ito? Kung hindi lang ito cute sana. "Sige pare. Doon na lang tayo sa canteen." pagpayag niya sa alok nito.

Simula noon ay hindi na sila mapaghiwalay na magpartner. Sabik silang magpakitang-gilas sa departamento nila. Siguro dahil na rin sa kaalamang parehas pa silang bata at kaya pang makipaghabulan sa mga tinutugis nilang kriminal.

Mula sa mga kaso ng gang war na tinugis at nirondahan nila sa may kahabaan ng Congressional Road hanggang sa mga talamak na pananakit ng mga hold-upper sa mga estudyante ng mga sikat na unibersidad ay hindi nila pinalampas.

Katulad ngayon. May nakuha silang prints ng isang hinihinalang Rapist/Serial Killer na nangbibiktima ng mga babaeng ginagabi ng uwi sa may Batasan Hills. Nakatakas ang huling biktima nito sa tulong ng pepper spray na baon nito. Nahawakan ng salarin ang bag ng babae at doon nila nakuha ang finger prints nito. Bagama't may tama ng saksak ang babae sa iba't-ibang bahagi ng katawan ay ligtas na ito at nagawa nitong ilarawan ang talipandas sa cartographic sketch na tumugma naman sa isang delingkwente na nasa files nila.

Na-spot-an nila ang bahay ng suspek sa isang hindi mataong subdivision sa parteng iyon siyudad. Mukhang may kaya ang tinamaan ng magaling. "Redford Loreto ang pangalan ng hinayupak na rapist na yan. Pasukin na natin at baka makatakas pa." mainit na sabi agad ni Allan sa kanya.

"Huwag pare. Katukin na lang natin ng maayos at imbitahan sa presinto. Wala pa tayong warrant." pagpapakalma niya rito.

"Partner, di na kailangan yang warrant na yan. Posotibo na siyang itinuro ng biktima. Ano pa bang kailangan nating pruweba?" pilit pa ring sabi nito.

"Bakit ba atat na atat ka na makorner yan? Alam mo partner, hindi sa ayokong hulihin ang talipandas. Pero may due process tayo. Nandito lang tayo para magmanman. Hindi pa natin pwedeng hulihin iyang si Loreto." mahinahon niyang sabi kay Allan.

"Partner, Rovi. Puro ka by the book. Yan ang hirap sa'yo. Makakatakas pa iyang kumag na iyan eh. Kapag di pa natin sinugod yan ngayon makakatunog na iyan."

Partner, Allan." panggagaya niya rito. "Walang masamang sumunod sa rules. Kaya nga tayo mga alagad ng batas eh. Paano pa kapag tayo mismo ang bumali ng batas na ipinapatupad natin."

"Ang drama mo Rovi. Sinong kukwestiyon sa atin ngayon? Tayo lang nandito. Okay. Ganito na lang. Toss coin tayo. Heads you win. Tails, we're kicking that motherfucker's ass!" Ano game?" sabi nito saka naglabas ng barya.

"Tsk!Tsk! Ang kulit mo p're. Sige, ganito na lang. Hintayin natin na sumagot sa text si Verano. Kapag parating na sila in ten minutes, pasukin na natin. Madali na lang naman yang lusutan kung sakaling magreklamo." sumusukong pagpayag niya sa kakulitan nito. Maano bang mag-break sila ng rules minsan.

"All right! Sabi ko na nga ba hindi ka mananalo sa kakulitan ko. Hmp! Pa-kiss nga." sabay mabilis nitong dampi ng halik sa pisngi nya.

Nanlalaki ang matang napatitig siya rito. Ninakawan siya ng halik ng hudyo! Napahaplos siya sa pisngi niya ng wala sa loob.

"Oh, anong nangyari sa'yo? Nagyon ka lang ba nahalikan sa pisngi?" tanong nito ng mapansin na nakahawak siya sa pisnging hinalikan nito.

"Parang halik lang. Ganyan ka ba pag nahahalikan? Ang arte nito. May papunas-punas pang nalalaman." nang-aasar na sabi ni Allan sa kanya.

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Oo nga, bakit para siyang virgin kung maka-arte? Normal lang iyon. Makulit lang talaga si Allan.

"H-hindi naman pare. Yung laway mo kasi eh. Yuck!" sagot niya rito ng makabawi mula sa pagkakabigla.

"Ulol! Hindi basa ng laway ang labi ko." natatawang sabi nito.

"Ungas! Ayan oh, basa." ipinahid niya rito ang palad na may laway nito kunwari.

"Yuck! Kadiri ka Partner!"

"Ungas! Sayo din galing yan!"

"Hehe, joke lang. O paano, sinong papasok sa ating dalawa?" putol nito sa harutan nila.

"Ako na lang. Baka kasi paputukan mo agad yung tao." biro niya kay Allan.

"Tange, papuputukin ko talaga bao ng ulo niyan." sabi nito.

"Eh di wala na tayong suspek. Malamang matanggal pa tayo sa serbisyo."

"Oo nga no? Teka, Partner, sigurado ka ba? Baka naman kinakalawang na ang skills mo sa "B" and "E"? nakakagagong ngumiti pa ito sa kanya.

"Ulol! Ako pa. Huwag ka na ngang makulit diyan at haharapin ko pa ang tinamaan ng magaling." akma na siyang bababa ng bigla siya nitong saklitin sa braso at hinila pabalik.

"Sandali lang partner!" sabi nito.

"O bakit?" nagtatakang tanong niya rito.

"Ako na lang kaya papasok?" sabi ni Allan sa kanya.

"Para ka namang timang eh. Ready na ko. Saka ka pa nangungulit diyan. Nag-text na si Verano oh." saka niya ipinakita ang cp rito.

"O siya, sige." taboy nito sa kanya pagkabasa nito ng mensahe.

"Tulok ka talaga!" natatawang sabi niya.

"Sandali! Pampaswerte lang." hinila siya ulit nito.

Lahat ng sasabihin niya ay nakulong lahat sa lalamunan niya dahil nagtagpo ang mga labi nila. Mainit ang halik na iyon. Buti na lang at tinted ang salamin at walang tao sa kalsada. Tinugon niya ng mas mainit ang halik na iyon. Hindi naman nagtagal at pinutol nito ang halikan nila saka nakangising nagsalita.

"Walanghiya! Ganoon pa rin ang epekto Partner! Parang noong una nating ginawa. Naalala mo?" natatawa nitong sabi.

Siya naman, imbes na magtanong ay napapatulala na lamang at sumaglit sa ala-ala ang pagpapanggap nilang mag-jowa para lamang mahuli ang hold-upper sa may UP. Napilitan silang maghalikan noon ng matutukan sila ng kutsilyo ng hinuhuli nila. Natulala ito sa ginawa nila kaya nagawa nila itong pabagsakin ng makakuha ng tiyempo.

"Gago ka talaga." aniya rito ng magbalik ang huwisyo niya. Nagmamadaling bumaba na siya para maisagawa na niya ang pakay. Mamaya na niya ito kakastiguhin. Sa ginawa nito, lalo lang siyang ginanahan sa gagawin niya.

Ito ang ikatlong breaking and entering na gagawin niya. Nakiramdam siya sa paligid. Inilapat niya ang tenga sa pinto para marinig kung may tao sa loob. Nakarinig siya ng mga kaluskos at mga ungol. May tao sa loob at mukhang may milagrong ginagawa. Naririnig din niya ang mahinang volume ng TV.

Inilabas niya ang tools na ginagamit niya sa pag-pick ng lock ng mga pinapasok nila ng walang paalam. Bilang pulis, kasama iyon sa training nila. Narinig niya ang mahinang click ng lock saka niya hinugot ang Glock 21 sa beywang at inumang iyon sa harap ng pintuan habang dahan-dahan niya itong binubuksan.

Nang makapasok siya ay nakalanghap siya ng amoy ng isang bagay na makakapagpa-high sa kanya kung lagi niyang sisinghutin. Marijuana. Natigilan siya ng marinig ang impit na ungol mula sa kwarto. Bukas ang tv sa sala pero walang tao. Ang ungol ay hindi madalas. Parang pigil. Parang hinihingal.

Tinumbok niya ang kwarto at iniikot niya ang seradura ng pinto. Bukas iyon. Dahan-dahan niya itong binuksan at ganoon na lamang ang pagkagimbal niya sa nakita. Isang babae ang nakabusala ng labi at nakagapos ang magkabilang kamay sa headboard ng kama. Nakadilat ang mata nito na may bakas na luha sa pisngi habang may lalaking nakapatong dito at umaayuda ng mababagal na ulos.

Malansa ang amoy ng kwarto. Nakakasulasok. Nang magbaba ng katawan ang lalaking nakapatong ay ganoon na lamang ang gimbal niya ng makitang laslas ang leeg ng babae. Patay na pala ito. At ang lalaking gumagamit dito ay sarap na sarap sa ginagawang pambababoy sa babae.

Napansin niya ang damit sa paligid na nagkalat. Nakilala niya ang uniporme ng babae na malamang ay teller sa isang bangko. Kung bakit ito ginabi ay malamang na gumimik pa ito at minalas na nakita nitong si Loreto.

Maingat siyang lumapit sa lalaking mukhang lulong at sabog na sabog sa ipinagbabawal na damo. Iniumang niya ang baril rito. Saka ito tinawag.

"Loreto. Mukhang sarap na sarap ka diyan ah!"

"Huh!" Bumalikwas ito at tumayo. Hindi malaman kung tatakpan ang sarili o tatakas.

"Hep Hep, Huwag kang magkakamali. Pasmado ako, baka makalabit ko ito." nakakalokong sabi ni Rovi sa pusakal. Tiningnan niya ang katawan ng loko. Natawa siya ng makita ang tigas na tigas na pag-aari nito.

"Walanghiya ka. Kaya pala nangre-rape ka eh wala ka naman palang ipagmamalaki. Aba'y hindi pa umabot iyan sa hinlalaki ko ah." pang-aasar niya rito.

"Huh! Huwag niyo po akong sasaktan. Maawa po kayo!" pagmamaka-awa ng kumag.

Nagpanting ang tenga niya sa sinabi nito. "Maawa. Eh tarantado ka pala eh." tinadyakan niya ang balls nito. Napa-aringking ito sa sakit.

"Ikaw ba naawa sa babaeng ito? Sa pamilya nito? Huwag kang magsasalita ng pagpapa-awa dahil hindi bagay sayong talipandas ka!" sigaw niya rito.

Idi-nial niya ang cp at tinawagan ang partner niya. Nang sumagot ito ay dali-daling pumasok ng bahay ng malaman ang sitwasyon. Sakto pagdating nito ay nagdatingan na rin ang ibang kasamahan nila na may kasamang warrant.

Agad na pinosasan ang walang-hiya saka tumawag ng SOCO at ambulansiya. Nanginginig siya sa galit ng makalabas sa bahay na iyon. Sa sobrang emosyon na nararamdaman niya ng sandaling iyon ay napasuka siya sa labas ng bakuran.

Naramdaman niya ang paghagod ng kamay sa kanyang likuran. "Ayos ka lang Partner?" si Allan na puno ng simpatya ang mata.

"Eto. Uminom ka." sabay abot nito ng bote ng mineral water sa kanya.

Inabot niya ang bote at nilagok ang laman non. Wala naman siyang naisuka, bagama't mas masakit sa tiyan ang ganoong insidente. Ang pait pa rin ng panlasa niya. First time niyang makakita ng ganoong eksena sa tanang buhay niya. Nakakabaligtad pala talaga iyon ng sikmura. He felt really sorry for the girl.

"Ayos lang yun. At least. Matitigil na ang halimaw na iyon." pang-aalo pa rin nito sa kanya.

Tumingin siya rito at alanganing ngumiti. Nanghihina talaga siya. Kaya nasabi na niya ang request na di niya dapat nasabi.

"Pwedeng pa-yakap? Please partner? Nanghihina ako eh."

Natigilan si Allan. Nakita niya ang pagtaas-baba ng Adam's apple nito. Then his lips formed a pure smile. "Sure Partner." then he hugged him tight.


Itutuloy....

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP