Chapter 10 : Task Force Enigma: Rovi Yuno

Tuesday, November 30, 2010

By: Dalisay
E-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com
Blog: http://dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I was taken by the most amazing man in the world. Kenneth Nicdao.



Hello sa inyong lahat!

Haha... Ang chapter na ito ay aking sorpresa sa aking kasamahan sa Gwapito's na si Jaime. MIA pa ang drama niya at busy sa Adoninsis Baklito's niya. Haha...

Allow me those who commented sa Chpater 9. Salamat ng marami sa inyo na sumusuporta sa seryeng ito. Ito ay ikakatuwa ninyo, PROMISE!

CHINITOAKO: Ang cute mong "BATA" ka! Nakakaloka ang naging impact mo sa akin. Bago ka lang ba rito at ngayon lang kita napagkikita. Ikaw ba talaga ang nasa picture? Sana di ka poser kasi mahilig ako sa chinito. HahaHaha

JOSHUA: Hello sa iyo. Naiyak ka ba last time? Dito tatawa ka. :p

ROAN: na maluha-luha raw sa nakaraang chapter. Tawa ka naman dito.

KEARSE: na Tinamaan daw sa love story nila ALLAN at ROVI. Minsan ganoon talaga ang buhay dear. :(

WOODY: na isini-secret pa rin si MIDNIGHT SHOULDER mula sa akin.

ADIK_NGARAG: na nangangampanya ng BOBBY-ROVI MOMENTS. Darating din tayo doon dear. :)

VINCESAAVEDRA: Hello sa iyo, ang cute ng name mo. Salamat sa pagbabasa.

BX: Na takot kalabanin ang tulad kong diyosa kasi baka gawin ko siyang kamukha ni John Pratts.

ALEXANDER: na kilala na namin ang BIHON. Hahaha...

DHENXO: na di raw makakaluwas. HMP!

UNBROKEN: Na makiki-agaw pa sa bagong crush ko! LOLZ

MIGS: na pinakaba at pina-iyak ko raw, pasensiya na mahal kong Kuya. Ganoon talaga si Ate Dalisay.

JAIME: Para sa iyo ang chapter na ito. Nabati na kita sa taas alam ko kaya huwag ka ng epal. Hahaha

HONEYBUN: Love you anak. Haharass-in kita ulit na basahin ito.

GABRIEL: na author ng SBLS na OFFICIAL new crush ko ngayon. Hahaha... Syet!!! Water Water ako!

ECHO: crush lang iyon. Ikaw ang mahal ko at wala ng iba. Side trip lang iyong iba. Hahaha... CHOZ!!!
___________________________________

"MAGKAKAROON ng sikretong drug shipment sa parking lot na ito. Isa sa mga sasakyang diyan ang lalapitan ng bago nilang courier. Ilalagay lang daw iyon sa trunk ng kotse at aalis na. Ang tanging tip na nakuha natin ay isang luxury car ang mode of transport nila, so look-out for a suspicious expensive vehicle. I-under surveillance na rin ninyo ang buong area as early as two days kung sino-sino ang nagpa-park doon. Are we clear?" mahabang wika ni Rick sa mga kasamahan nila.

"Yes Sir!"

"Pare, what do you mean? We have to tail all of the luxury vehicles na lalabas sa parking-lot na iyan?" tanong ni Rovi sa team-leader nilang si Rick.


"Yes. Then afterwards, i-tse-check natin ang sasakyan by giving them a surprise check. May search warrant tayo para sa gagawin natin so don't worry. Makiki-coordinate rin ang police sa paligid with regard to this. Remember, this is top secret. Kapag lumabas ang bagay na ito ay malilintikan tayo sa taas. Kailangang mahuli natin ang lahat ng tao ni Park Gyul Ho." paalala ni Rick.

"Sure Pare. Kailan ba tayo nagkaroon ng hit na pumalpak?" sabi ni Cody na nakaupo sa isang sulok at kinukutkot ang kuko. Binato ito ng bote ng mineral ni Rick na agad nitong naiwasan.

"Ang yabang mo Unabia. Eh mag-aabang ka lang naman ng isang magmamadaling sasakyan at aasintahin ang gulong nito." sabi ni Rick dito.

"Ungas ka. Ang hirap kayang mamaril ng gumagalaw na target. Kahit itanong mo kay B1." tumatawang sabi ni Cody.

"Anong kinalaman ko diyan B2? Nananahimik ako dito." sagot ni Rovi sa kaibigan.

"Timang. Ikaw lang karugtong at ka-wavelength ng utak ko rito kaya makisama ka!" natatawang sagot nito sabay bato ng dinampot na bote ng mineral.

Sinalo niya iyon at iinukol ulit dito. " Baliw, di butas ang utak ko kagaya mo."

"Nagpanggap ka pa. Umain ka na Sarhento Pulpol!"

"Kumpara naman sa'yo Doktor Quack Quack! Haha!"

Nagpatuloy ang tuksuhan nila at palitan ng pagbato ng mineral water botle sa isa't-isa kaya hindi nila namalayang nakalapit na sila Perse at Rick sa kanila at binigyan sila ng tag-isang kutos.

"Aray!" magkapanabay pa nilang sambit ni Cody.

"Kayo talaga. Nagmimiting tayo ng matino rito hahaluan ninyo ng mga kagaguhan." sabi ni Rick sa kanila. Nangati yata ang anit niya sa kutos na iyon. Nagpipigil na ngiting nakinig ulit sila sa iba pang commands na ibibigay nito.

"Okay. Since nagprisinta ka na Rovi, ikaw na ang mag-scout sa area na iyon for three days." pagpapatuloy ni Rick.

Napatayo siya sa sinabi nito. "Teka? Kailan ako nag-volunteer?" takang tanong niya.

"Ngayon. May reklamo ka?" sabi nito.

"Ah wala naman. Sabi ko nga." walang magawang sabi niya. Madali lang naman ang ipinapagawa nito.

"Oo nga pala team, kailangan nating gawin ng maayos ito dahil ayoko ng mangyari ang nangyari noon sa pag-raid natin sa club ni Gyul Ho. Sa ngayon, tayong lima lang ang nakaka-alam. Si Jerick ang bahala sa information ng bawat papasok na sasakyan. Yun ang gagawin niya. Si Perse at ako sa pursuit team. Ikaw na sa pagti-tip ng mga aalis na sasakyan. Poposte kami oras na mag-tip ka ng may papa-alis." paliwanag ulit ni Rick.

"Roger pare." sabi nilang lahat.

"All right! Move team. Perse, maiwan ka. May meeting tayo with Gen. Mariano."

"Sige Pare." ayon ni Perse.

"Paano mga tol? Aalis na kami. Iinom pa kami." sabi ni Cody.

"Sige, basta siguraduhin niyo bukas na maayos ang mga utak niyo." paalala nito.

Nagtanguan na lang sila at lumabas na doon para dumiretso sa isang bar. Si Jerick na kanina pa tahimik naman ang inasar nila ni Cody.


"NAMPUTSA!"

Nababagot na sabi ni Rovi sa sarili. Kanina pa siya nakatambay doon sa parking lot na iyon. Nakakailang yosi na rin siya. May mga upuan sa paligid niyon dahil may mga establisyimento na nakatayo doon. May kalakihan ang parking lot at kitang-kita ang lahat mula sa pwesto niya. Nakaupo siya sa isang bench sa harap ng botika.

May nakita siyang binatilyo na papalapit at mukhang bibili sa botika. Halos malunok niya ang usok ng hinitihit na sigarilyo ng marinig na bumili ito ng condom. Dadaan ito sa harap niya kaya nabistahan niyang may hitsura ang binatilyong bumili ng condom.

Sa peripheral vision niya ay nakita niyang may nakamasid ditong isang binatilyo rin na halos kasing-laki rin nito. Nakita niyang sinundan nito ang binatilyong bumili ng condom na mukhang binabasa ang label hanggang sa lingunin nito ang likuran.

"La-lando?" may kalakasang sabi ng sumusunod sa may dala-dalang condom.

"Bu-bugoy?" sagot naman nito sa nalingunan.

Hmm... Mukha namang magkakilala. Kaso parang may mali. May naaamoy akong malansa. sabi ng isip niya.

Kanina pa kasi siya roon at mukhang wala pa namang nangyayaring kakaiba. Ito pa lang kung sakali.

"Uy Lando!" sabi nung tinawag na Bugoy.

"Ah... Mabuti naman." parang natatarantang sabi ni Lando.

Nagiging interesante ito. Itinuon na niya ang pansin sa dalawang ito.

"Sorry ah,... Wala na pala kami ni Jessa." Sabi ni Bugoy.

"Ah, ganun ba?.. I'm sorry to hear that." salat sa emosyon na sabi ni Lando sa kausap.

"Okay lang. Sinunod ko lang payo mo nung... Alam mo na yun." alanganin ang ngiting binitiwan nito.

"Yeah, Kalimutan mo na yun. Sige una na 'ko." nagmamadaling sabi ni Lando.

Nakita niyang nagbaba ng tingin yung Bugoy at biglang nagdilim ang mukha ng makita ang hawak ng kausap.

"Teka, ano yan?" sabi nito.

"Saan?" nagmamaang-maangan na sabi nung Lando.

"Ayan oh. Ibigay mo sa akin yan. Kanino mo gagamitin iyan?" galit na sabi nung Bugoy saka pilit na inagaw ang condom sa kausap hanggang sa magpagulong-gulong ang dalawang binatilyo.

Natatawang tumayo siya para lumapit subalit naunahan siya ng isang lalaki at isang babae na mukhang mag-boyfriend. Hinawakan ng lalaki si Lando sabay hugot mula sa pagkakakapit dito ni Bugoy. Pinigilan naman ng babae ang huli. Natigilan siya sa paglapit.

"Hey! Hey!" sabi ng lalaki. Gwapo in fairness.

"Teka, dito pa kayo nagre-wrestling! Anong school ba kayo?" pasigaw na tanong ng babaeng maganda sana kaso parang amasona kung pumigil ng nag-aaway. Galit na galit ito. Scared!

Muntik na siyang matawa ng malakas gayundin ang lalaking kasama ng babaeng amasona ng lumuhod ang dalawang estudyante.

"Parang awa niyo na po. Nagkakatuwaan lang po kami dito, promise.. diba tol?" nandidilat na sabi nung Bugoy kay Lando.

"Ha?" sagot nito.

"DIBA?!!!!!" sabay batok sa kasama.

"Ah opo.. opo.. Nagkakatuwaan lng kami, bestpren ko po yan eh.." sabi nung Lando sabay pilit na tumawa.

"Teka anu ba mga pangalan niyo" tanong ng gwapong lalaki.

"Brent po, Bugoy nalang" sabay kamot sa ulo.

"Lando po, Lance na lang para pogi." sabay muwestra ng kamay sa ilalim ng baba habang tumatawa.

"Hay naku ewan ko sa inyo, tara na nga Baby Jai, hoy!!! 'Wag na kayo mag aaway ah, papakulong ko kayo" sabay tawa ng malutong ng babaeng amasona pagkayaya sa kasama at binitawan ang si Bugoy.

"Sige, una na kami. Magjowa kayo noh?" sabay tawa ng malakas na lalaki at tumalikod na sa dalawang binatilyo.

Naaaliw na binalikan niya ang pwesto at nagsindi ng panibagong sigarilyo habang nag-uusap pa rin ang dalawang binatilyo.

maya-maya ay napansin niyang may magandang babaeng mula sa kalsada ang patungo sa parking lot. Nahagip ng paningin niya ang pag-alis nila Bugoy at Lando saka niya ibinalik iyon sa babaeng may dalang sports bag.

Hindi bagay sa outfit na heels at haltered mini-dress. Naka-shades ito ng malaki. Pinindot nito ang remote at umingay ang isang vintage cadillac sedan. 1947 Series 75 na model. Napapalatak siya ng maisip ang presyo ng lumang sasakyan na iyon.

Lumapit ang babae at sinusian ang trunk. Kinutuban siya. Lalo na ng umalis ang babae pagkatapos noon at umalis ng parking lot. Maya-maya umandar ang sasakyan kahit wala siyang nakitang pumasok doon. Dali-dali niyang inalerto sila Rick mula sa mic niya.

"Eagle 1 this is Delta 1, Eagle 1 this is Delta 1 do you copy? mahinang sabi niya.
Diniinan ang ear-piece na nakakabit sa tenga.

"Narinig niya ang static pagkatapos ang boses ni Rick. "Copy. This is Delta 1. Anong meron?" excited na tanong nito.

"May papa-alis na cadillac. Vintage type. May inilagay na sportsbag sa likod ng sasakyan. Yung babae susundan ko. Kayo na bahala sa sasakyan. Confirmed ang sinabi ng asset natin." mabilis na sabi niya saka tinakbo ang nilikuan ng babae.

Nakita niyang nagmamadaling naglalakad ito sa pathway. Mabilis siyang sumunod at pasimpleng ibinaba ang sumbrelong suot saka mabilis na bumili ng diyaryo sa bangketa at ipinagpatuloy ang pagsunod.

Tumigil ito sa isang waiting shed at pumara ng taxi. Mabilis siyang tumakbo na sakto sa pagbukas nito ng pintuan ay hinawakan ito sa braso saka mabilis na ipinasok sa sasakyan. Tumili ito sa pagkagulat. Mabilis siyang sumunod dito saka isinara ang pinto. Ini-lock din niya ang nasa panig nito.

"Manong andar! Pulis ako!" sabay pakita ng badge dito.

"Ano ba? Bakit ka ba nanunulak? Sino ka? Nang-aagaw ka ng taxi!" sunod-sunod na tanong nito. Hinubad nito ang shades at nagulat siya ng tumambad ang mukha nito.

"A-apple?" gulat na sabi niya.

Namutla ito pagkarinig ng pangalang sinabi niya.

Itutuloy...

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP