Heto na po ang Final Chapter ng Unexpected Love.. salamat po sa mga patuloy na sumubaybay sa kwento kong ito.. eto ang kauna unahanng kwento na sinulat ko na umabot sa ending...
maraming...... maraming........ maraming........maraming.......... salamat po... kayo po ang naging inpirasyon ko kahit na umabot ako sa puntong gusto ko nang itigil ang pagsusulat ay andiyan kayo sa likod ko para supportahan ako.... at ipagpatuloy ang pagsusulat..
again... maraming salamat sa inyo....
-3rd-
________________________________________________________________________
____________________________________________________________
---------------------------------------Jom----------------------------------
Nagising ako.. panaginip lang lahat ng iyon.. nasa ospital parin ako at si jeffrey parin ang nakita ko sa loob ng kwarto namin, walang kahit sinong bisita. Nang may pumasok na nurse ay nag paalam ako kung pwede kong dalawin si Momy at si Jam pero di niya ako pinayagan, bigla daw kasi nag sabi si dok na wag kaming palabasin ng dito, at makakalabas lang kami dito pag dating ng araw na lalabas na kami ng ospital.
Kahit ang mga bisita ay nilalagyan na lang ng oras, bigla kaming nagtaka ni jeffrey kung bakit biglaan ang kanilang paghihigpit sa amin. Pero kahit papanu ay nakikita namin nag di kami maxadi napapagod dahil sa mga bisita at naging mabilis ang aming pag galing. 2 araw matapos kaming maconfine sa ospital ay pinayagan na kaming lumabas, pag labas na pag labas namin ng ospital ay agad naming tinungo ang kwarto ni momy pero laking gulat namin nang wala na dito si momy sinunod naming tinungo ay ang ICU kung nasan si Jam pero tulad ni momy ay wala na rin si Jam sa ICU, agad naming tinungo ang information center para tanungin kung asan ang 2 pasyente.
Ako: excuse me miss, asan na po ba ang pasyente sa ICU si Mr. Del Rosario? At yung isa pang pasyente si Mrs. Delcastillo na nasa Room 201
Nurse: ay sorry po sir pero ayon po sa record eh lumabas na po ang pasyente sa Room 201 at regarding po kay mr. del rosario na nasa ICU ay ayaw pong ipasabi ng kanyang mgaulang kung asan siya.
Ako: ganun po ba? Bakit po hindi saamin pina alam ang pag labas ng pasyente sa Room 201 kami po ang mga anak niya at kami na lang po ang natitirang mga kamag anak niya? Sino po ang kumuha sa kanya?
Nurse: ahhh ganun po ba... si Miss Joana Del Rosario po ang sumundo sa kanya kanina dito...
Ako: wait.. sumundo? You mean may malay na si momy?
Nurse: opo, kahapon pa po, nakak pag salita na nga po...
agad akong nabuhayan ng loob dahil sa narinig ko mula sa nurse, nilingon ko si Jeffrey at alam ko bakas sa mga kanyang mga mukha ang pananabik kahit na hindi siya nag sasalita.
Pag labas namin ng ospital ay nagulat kami pareho ni Jeffrey nang may lumapit sa amin na isang lalaki at saka kami inalalayan.
Ako: teka sino ka?
???: ahh sir, pinapasundo po kayo ni madam Del Rosario sa akin....
Nag tinginan kami ni Jeffrey at pareho kami nag tatanong at nag iisip kung sino si madam Del Rosario na nag pasundo sa amin....
Agad na kaming sumakay sa dala niyang sasakyan, at habang bumabyahe kami ay nag salita ulit ang driver...
Driver: sir matulog na lang po muna kayo at malayo pa ang ating byahe.. baka po mamayang hating gabi pa tayo makakarating doon or bukas ng madaling araw, depennde po... kaya nga po etong van ang ipinadala sa akin ni madam para maka pag pahinga kayo..
Ako: kukya.. pwede ba kaming mag tanong kung sinong madam ang tinutukoy mo?
Driver: sorry po sir, pero kabilin bilinan po si madam ay huwag ko daw po sabihin sa inyo...
Jeffrey: kuya may balita ka ba kung asan si Jam?
Driver: ahhh si sir Jam po... meron po....
Ako: talaga kuya... pwede mo bang sabihin kung asan siya?
Driver: sorry din po sir pero bawal din po eh...
Ako: bakit naman, ang daming bawal ha.. kaibigan naman kami ni jam ah...
Driver: sir... mahigpit po iyon na bilin sa akin ni madam.. isa pa po ang sabi niya sa akin ay pag nagpumilit daw po kayo ay sabihin ko sa inyo pero sa isang kundisyon...
Ako: anu ba ang kundisyon na iyon??
Tahimik lang na nakikinig sa amin si Jeffrey, ewan ko kung talagang ugali niya ang maging tahimik at hindi makisali sa mga usapan pero sa kanyang pagmamasid ay bakas din sa ukha niya ang pag tataka at pananabik..
Read more...