Task Force Enigma : Cody Unabia 13
Sunday, May 22, 2011
by Dalisay
Chapter 13
“Just don’t forget to press this device whenever trouble trouble arises. Okay?”
Nag-aalalang sabi ni Cody sa kanya habang iminu-muwestra ang isang mukhang remote ng kotse sa harapan niya. Hindi niya tuloy maiwasang makaramdam ng kilig sa kabila ng panganib na susuongin. Kailangan niyang linlangin at paamuin si Jhay-L Lagman na isang suspected drug dealer para mahuli ito.
“It’s okay Cody. Kakausapin ko lang naman siya at aalamin kung mayroon siyang mga sikretong aktibidades sa loob ng kanyang engrandeng villa di ba?”
“Kearse...” nakakunot noong sambit nito.
“Bakit?”
“Bakit parang... excited ka masyado?”
“Uy hindi ah. Kita mo nga oh, kalmado lang ako.” Eksaherado pa niyang itinuro ang sarili.
“Tumigil ka nga diyan!” nangingiti naman nitong sabi sabay iling.
Bahagya nitong inayos ang mic na nakatanim sa kanyang kwelyo pati na rin ang micro-camcorder na nakalagay sa kunwari ay brooch na nakakabit sa bulsa ng polo niya.
“Behave ka doon ah.” Parang tatay na habilin nito.
“Opo, Daddy.”
“Kapag naglikot ka doon, Daddy will spank you.” Pilyong sabi nito habang pasimpleng hinihimas ang hita niya papalapit sa bandang puwitan.
He was too close for comfort that Kearse find it so hard to resist Cody. Mabilis niyang inilingkis ang kamay sa batok nito at isinabunot ang mga iyon sa malago nitong buhok. Itinapat niya ang ilong sa matangos na ilong nito. Ninamnam niya ang sarap na dulot nuon.
Damang-dama niya rin ang mainit na hininga nitong dumadampi sa kanyang mukha. Bahagya iyong hinihingal. Tanda ng may kung anong pinipigilan ang nagmamay-ari. Nailapat niya ang isang libreng kamay sa dibdib ni Cody. Napangiti siya ng maramdaman ang kakaibang pintig ng puso nito. Saliw iyon sa sariling tibok ng kanyang puso.
“Pwede bang i-spank mo na lang ako Daddy?” malanding sambit ni Kearse.
“No way baby.” Cody replied hoarsely.
“Why not?” hinihingal na niyang tugon.
“I may not stop if I start now.”
“Then why stop?”
Cody made a guttural sound like he was from deep within the depths of the world. “Maraming istorbo sa labas.”
Wala sa loob na napatingin si Kearse sa salaming bintana ng van na kinaroroonan nila. Napatawa siya ng makita ang natatawang reaksiyon ni Jerick na nasa labas lang ng sasakyan. Tinted naman ang salamin pero para bang mas nahihiya siya sa ginagawa nitong pagtitig mula sa labas.
“S-si Jerick lang iyan eh.” Reklamo niya.
“I know. Mas masahol pa iyan sa napakaraming usisero at usisera combined.”
Bahagya nitong inilayo ang sarili sa kanya pero kitang-kita pa rin niya ang kakaibang kislap ng mga mata nito. The carnal desire that he felt from him was still evident in his eyes. Kearse can’t help but feel a dizzy as if he was shocked by an unknown electircal current. It was as if electricity came from a man and a man. It was all but a shivering delight.
“Ganoon ba?” Aniyang di mapigilan ang frustration sa tinig.
“Better safe than sorry Baby. Baka maidaldal tayo niyan sa lahat.” Sagot nito sabay pisil ng kanyang pisngi.
Naiinis na tinampal niya ang kamay nito.
“O, nagtampo naman agad.”
Tinitigan niya si Cody.
“Hanggang kailan mo pipigilan ang sarili mo Cody? I know you want me.”
Napa-angat ang kilay nito sa sinabi niya. “Aren’t we being conceited here?”
Ibinaba niya ang kamay na nasa dibdib nito at ipinagapang iyon sa crotch area nito. Napangiti siya ng maramdaman ang hindi pa nababantuang pagnanasa na nakakapa niya doon. Napaungol naman si Cody na parang sugatang sundalo.
“I am always conceited Daddy. Lalo pa at alam kong tama ako.” He answered his question with a shiver. Mas siya ang na-excite ng maramdaman niya ang kahandaan nito sa kabila ng kayo ng maong nito. He can’t help but think that maybe, just maybe, he was larger than life.
Nanginginig na inawat siya nito. Kinuha ang kanyang pangahas na kamay at itinaas iyon bago siya siniil ng isang mapusok na halik. It was demanding. Urging him to respond as hot as possible. Their tongues intertwined and he felt heaven.
“Cody...” aniya sa pagitan ng paghinga.
“You’re making me crazy Cody.”
“Ako rin. Para kang plema, hindi ka matanggal sa sistema ko basta-basta.”
He ended the kiss abruptly then slapped him gently on the face. “That’s gross Cody!”
Pareho silang natawa sa scenario na iyon. What a way to stop their madness. Kung hindi pa siya nito ikinumpara sa plema ay malamang na hindi sila titigil sa pagpapadama ng init sa isa’t-isa.
Natigil lang sila sa pagtawa ng makarinig ng katok mula sa labas. Si Jerick. Natatawang binuksan ni Cody ang pintuan ng van.
“Baka tapos na kayo sa labing-labing, ha, ‘Tol?”
Cody just grinned habang siya ay patay-malisya na inayos ang nagusot na kwelyo. Napapalatak na lang si Jerick sa nakita. “Huwag niyong sabihin na natapos agad kayo? Quickie na ba ang uso ngayon sa’yo Doktor Kwak-Kwak?”
“Ungas.” Natatawang lumabas ng sasakyan si Cody.
“Tsismoso ka Sarhento.” Sabi naman niya.
Nagulat siya ng ilapit nito ang mukha sa kanya. Bigla siyang kinilig. Paano ba naman ay inakala niyang hahalikan siya nito. Pero inamoy lang nito ang mukha niya. O mas tamang sabihin ay inamoy lang nito ang hininga niya.
“Oy, oy Salmorin, ano yan? Baka gusto mong samain?” nakakunot-noong hila ni Cody sa balikat ni Jerick.
“Grabe ka naman pare.” Natatawang sagot ng sarhento.
“Eh bakit may palapit-lapit pa ng mukha sa baby ko?”
Umaktong kunwari ay nanlaki ang mata si Jerick sabay kunwaring naduduwal. Napasimangot si Cody habang natawa naman siya.
“Ayaw niya ng tawag mo sa akin Daddy.”
Napatingin sa kanya si Cody sabay kindat sa kanya. Kinilig naman siya ng husto.
“Whatever.” Sambit ni Jerick while rolling his eyes.
“So Jerick, ite-text ko na ba si Jhay-L?” sagot niya rito.
“Oo naman. Basta tandaan mo lang yung pointers ko. Ask him indirectly if nasangkot na ba siya sa mga illegal activities. Or kung may sikreto siyang itinatago. And remember, yung nasabi mo sa akin na package na kukunin niya sa shoot ni Marisay Penta, gawan mo ng paraan na malaman ang laman nun.”
Naalala niyang bigla ang pinaghinalaang kilos ni Marisay ng mabanggit ang pagpipilit ni Jhay-L na sa Coffee Haven dalhin ang naturang package. Mukhang may gift siya sa pagiging detective at undercover agent.
“One more thing. Trust your gut feeling. Kung alinlangan ka, abort the mission. Kung trouble na, press this button. Nasa paligid lang kami.” Si Cody naman ang nagpaalala sa kanya.
“Okay.” Excited na sabi niya.
“Sigurado ka na ba Kearse? Wala ng atrasan ito.”
Tiningnan niya ang lalaking minamahal.
“I trust you with my life.”
At itinext na nga niya si Jhay-L Lagman.
“NAKAKALOKA naman ang laki nitong bahay mo.” Hindi mapigilan ang paghangang sabi ni Kearse sa nakikitang karangyaan ng villa ni Jhay-L.
It was a Victorian-inspired villa that stood like a queen. It was very grand. Bunga daw iyon ng pagsisikap ni Jhay-L bilang world-renowned painter. Kung sa panahon ngayon ay ito ang mga kapantay ni Michael Angelo, Da Vinci, Picasso at iba pa.
Sikat na sikat ito world-wide. Pero tulad ng ilang celebreties, mukhang may itinatago rin itong lihim. Siyempre pa, saan pa ba ito kukuha ng koneksiyon kung wala itong kinalaman sa underworld. Mahirap pasukin ang mundo ng mga elitista lalo pa at sa Europa ito nagsimula.
Nilingon niya ito at nakitang nakangiti si Jhay-L sa kanya. It was a genuine smile.
“I’m glad you liked it.” Tugon nito.
“Of course. It was actually an understatement. Masyado itong grandiyoso.” Totoo sa loob na sabi niya.
Napabuntong-hininga lang ito sa sinabi niya. “But it’s so lonely here. Wala akong kasama.”
Sa kabila ng misyon na dapat gawin, hindi maiwasan ni Kearse na makadama ng simpatya sa nakikitang kalungkutan sa mata ni Jhay-L. Mukha namang totoo ang mga iyon. Pilit niyang iwinaksi ang nararamdamng simpatya rito.
“Good Evening Sir.”
Napatingin siya sa bumating lalaki. Isa iyong butler. Sosyal!Piping sigaw niya sa isip.
“Good Evening Marcelito.”
“Good Evening din” epal niya.
Binati rin siya nito.
“This is Kearse Allen Concepcion, my friend. And this is Marcelito, my butler. He runs this house while I’m away.” Pormal na pagpapakilala sa kanya ni Jhay-L.
“I will take care of everything Sir. Would you like to have some tea first?” the butler politely asked.
“Yes, Marcelito.”
“For a while Sir.” Then the help was gone.
“Ang sosyal naman ng bahay mo.” Natatawang tinampal pa niya ang braso nito.
Maagap naman nitong hinuli ang kamay niyang feeling close sa braso nito kaya bahagya siyang natigilan. Napatingin siya sa mata nitong kakaiba ang kislap ng mga oras na iyon. Para bang may sinabi o ginawa siyang kakaiba na nakapagbigay ng kaligayahan dito.
“Ah... bakit Jhay-L?”
“ Nothing... I’m just so happy you’re here.” Then there was this obvious glint of happiness in his eyes.
“Ah...” anak naman ng teteng itong mokong na ito. Ang lakas magpakilig! “Ako rin naman.” Sabay bitiw niya ng alanganing ngiti.
“Good.”
Naputol ang pagmo-moment nito ng dumating ang serbidora ng tsa’. Napilitan silang maupo para maging kumportable. Hindi pa rin niya mapigil ang pagikot ng paningin sa paligid. Namamangha talaga siya sa nakikita.
“Ang ganda talaga ng bahay mo Jhay-L. Magkano ba ang gastos mo rito?”
Napatikhim ito.
“Mura lang naman ito.”
“Mura? Murahin kita kaya diyan? Echoz!”
“Ikaw talaga.”
“Biro lang naman. Pero I’m sure, hindi biro ang halaga ng bahay na ito.”
“Bakit ba curious kang malaman?”
Natigilan siyang bahagya. Pasimple siyang uminom ng ‘tsa saka ito tiningnan. Nakangiti naman ito at walang bahid ng paghihinala sa mukha.
“Ah... wala lang. Para mapag-ipunan ko?” wala sa hulog na sagot niya.
Natawa ito.
“Palabiro ka talaga.”
“Uy hindi ah. Serious ako. Kaya sige na. Magkano ito?”
Umakto itong may inaalala. “Twenty.”
“Ah... mura lang. Twenty-million. Kayang pag-ipunan. Siguro, pitong manuscripts lang isang linggo keri na yan.” Sabi niya.
“Billion.”
“Dedma.”
“Twenty billion.”
Napadausdos siya sa kinauupuang sofa.
“Seryoso?” nanlalaki ang matang sabi niya.
“Yes.”
Napatayo siyang bigla.
“Oh bakit?” nagtatakang sabi ni Jhay-L.
“Eh baka marumihan.”
“Exaggerated ka naman. Okay lang iyan.”
Napaupo siyang muli.
“Kailangan ko sigurong maging kriminal para magkaroon ng ganito.” Wala sa loob na sabi niya.
Dumilim ang mukha nito sa narinig. Biglang nangalit ang panga.
“B-bakit? May nasabi ba akong mali?”
Tumiim ang anyo ni Jhay-L bago biglang nagpalit ng emosyon. “Wala. I just don’t think na dapat kang gumawa ng masama para lang maabot ang gusto mong maging sa buhay.”
Napaawang ang labi niya. It was an obvious contradiction. Imagine, isang suspected drug-dealer, nagsasalita ng mga ganoong bagay?
“Nakamit ko ang lahat ng ito Kearse ng walang panggagamit sa parte ko at pagsanib sa kung anu-anong kalokohan. Sure, there was a time that I was offered to be a part of an illegal mob but I refused politely. Nang magpilit sila, humingi ako ng tulong sa authorities. So you see, hindi dapat dungisan ang pagkatao mo para lang makamit ang gusto mo.” Pagpapatuloy pa nito.
Magsasalita pa sana siya ng muling dumating si Marcelito.
“Sir, dinner is served.”
Nabaling dito ang atensiyon niya. Parang may nag-iba rito. Wari ba’y ang kanina’y maaliwalas na mukha nito ay napalitan ng pagiging alerto. Nakikinig ba ito sa kanila? Nakadama siya ng kakaiba.
“Good.” Si Jhay-L.
“Hay... sige na nga. Kumain na lang tayo. Gutom na siguro ako kaya kung anu-ano ang pinagsasasabi ko rito.” Aniyang pinilit pagaanin ang sitwasyon.
Inilahad ni Jhay-L ang kamay sa kanya. Nakangiti naman niya iyong tinanggap.
Nang makarating sa hapag ay lalo siyang namangha. Iyong nakikita at napapanood niya sa mga lumang pelikula na napakahabang lamesa ay ang siyang bumungad sa kanya. Literal siyang napanganga.
“Wow!” sambit niya.
“Please take your seat, sir.” Putol ni Marcelito sa pag-aappreciate niya ng mga nakikita.
“Ah okay.”
Nang makaupo ay inalis na ng mga naka-antabay na maid ang takip ng mga pagkain sa hapag. Mula sa pinakamalalaking lobster hanggang sa mga dressed chicken, salad at kung anu-ano pang putahe na hindi pamilyar sa kanyang ordinaryong panlasa ang nakahain.
“Ang dami naman nito Jhay-L. Mauubos ba natin ito.”
Natawa lang ito sa sinabi niya.
“We don’t have to. Kapag may natitira dito ay ipinababalot ko at ipinapadala sa mga street children at homeless families na nasa paligid.”
Napa-ismid siya ng bahagya sa sinabi nito pero itinago niya iyon sa isang huwad na ngiti.
“Wow, that was a very noble thing to do.” Aniya.
“Hindi naman.” Jhay-L replied amiably.
“Hindi mo kailangang magpaka-humble sa harap ko Jhay-L. Come as you are. Mas gusto ko sa tao iyong natural ang ikinikilos at hindi nagpapanggap.”
“Whar do you mean? Are you saying that I’m pretending to be good? Ganoon ba?”
“No.” Ngumiti siya. “I just want you to act naturally. Napaka-stiff mo kasi.” Palusot niya.
“O-okay.” Bigla naman itong nag-blush.
“Oh boy! I’ll bet my bottom dollar, I swear. I saw you blushed.”
Napahalakhak na itong tuluyan. “Don’t tell anyone babe. Or I’ll kill you.”
Bahagya siyang napa-igtad sa sinabi nito. Scared!
“Basta ba ibabalik mo ang katawan ko sa pamilya ko.” Pagsakay na lang niya.
“Ito naman.” Tumigil na ito sa pagtawa. “As if magagawa kong saktan ang taong gusto ko.”
Ewan niya pero bahagya siyang nakadama ng kilig sa sinabi nito. Mukhang at-ease ito sa mga kasambahay dahil nagagawa nitong sabihin at gawin ang mga dapat ikilos ng isang bisexual na gaya nito. He was confident. Pero napag-isip rin niya. Ito ang amo sa bahay na iyon. Natural lang na “no comment” ang drama ng mga kasambahay.
Napatingin siya sa mga maid. Nakangiti ang mga ito maliban lang ng tumama ang paningin niya kay Marcelito. Napaka-passive ng mukha nito. It was like, nakikita niya ito pero parang wala rin ito doon. Nangilabot siya ng bahagya saka ipinagpatuloy ang pagbabalat ng lobster na napagdiskitahan niya.
“So Jhay-L, aside from painting, ano ang pinagkaka-abalahan mo?” napili niyang magtanong na lang muna. Mission first.
“Ah... I invested some of my money sa mga established ng companies dito. At saka nagtayo rin ako ng foundation para sa mga homeless people.”
Napatango na lang siya. “Alam mo, you’re too good to be true.”
Napatigil siya. Patay!Iyan ang hirap kapag madaldal ka, ang dami mong nasasabi ng hindi napag-iisipan. Nakangiwi niya itong tiningnan at tama ang hinala niya, nakakunot nga ang noo nito. Waring di nagustuhan ang narinig.
“Ah... don’t get me wrong.” Isip Kearse.
“I mean... parang imposibleng magkagusto sa akin ang isang pilantropo, mayaman, talentado at gwapong katulad mo.”
Nanatili ang pananahimik nito.
“Ang sarap ng lobster.” Dedma sa bangang sabi niya.
“Is that why I’m feeling your hostility towards me despite of your being tactful and friendly?” mababa ang tinig na sabi ni Jhay-L.
Tactful indeed.
“N-no...” tanggi niya.
“Don’t deny it Kearse. Nararamdaman kong malayo ka pa rin sa akin kahit pa napakalapit mo.”
Ginagap nito kamay niya. Ipinalangin niyang huwag nitong mahalatang nanginginig na siya sa kaba. Baka kasi mapurnada ang lahat ng dahil sa kanya.
“Ah... okay. I admit. Medyo ilang pa nga ako sa’yo.”
“Don’t be.” Maagap na wika nito. “I mean no harm Kearse. We may have started on the wrong foot pero we can also start over. Isa sa mga bagay na nagustuhan ko sa’yo ay di ka nangingilag sa akin. I rarely meet people who would stand in front of me and say what they perceive.”
“O-okay. S-sabi mo eh.” Sabay ngiti ng alanganin.
“Please. Huwag ka na ulit mag-iisip ng kung anu-ano sa akin. Katulad mo lang din ako. Naghahanap ng mamahalin at ng magmamahal.”
Somehow, his words reached him. Sa kabila pala ng rangya ng buhay ni Jhay-L, may mga bagay siyang inilamang dito. Sa bahay nila. Kahit pa sandamakmak ang problema at kunsumisyon niya sa dalawang kapatid at amang drama-king kapag naka-inom ay nananatiling intact at masaya ang pagsasama nila.
“I promise.” Nakangiti na niyang sabi. “Only if...” dugtong niya.
“Only if, what?”
“You tell me what’s your darkest secret.”
Napalitan ng talim ang anyo nito. Naramdaman niya rin ang kakaibang kilos ni Marcelito sa paligid kaya naman napahigpit ang hawak niya sa tinidor na hawak.
“Do I have to?” tanong nito.
“Ikaw ang bahala. Kung ayaw mong mawala ang awkwardness ko saiyo, then don’t tell me.”
Jhay-L sighed in resignation. While he, on the other hand, was trembling underneath the table.
“Okay.”
“Talaga?” Namilog ang matang sabi niya. This is it Cody. Makinig kayo.
Matagal bago ito nagsalita. Umabot ng ten years. Echoz! Mga one minute lang. “I got involved in a drug trafficking syndicate before.”
Bingo!
Nakita niyang umisod si Marcelito palapit sa kanila pero napigil iyon ng itaas ni Jhay-L ang kamay para awatin ito. Bumalik naman ito sa pwesto. Saka lang nalaman ni Kearse na kanina pa pala niya pinipigilan ang sariling paghinga.
“It was three years ago. The Paris Mafia offered that they would make me more famous than Da Vinci if I would let my painting be the courier of their illegal stuff. I refused. They got mad. Sinira nila ang ilang exhibit ko. So I decided to lure them into bait. Little did they know that I already contacted my friends from the police. Even interpol decided to help me because some of their big bosses were wanted internationally.”
“It took me some time and effort to finally bust them out. For good. But of course, marami silang galamay kaya naman ginawan ko ng paraan na maprotektahan ang sarili ko sa lahat ng pagkakataon. That was when I decided to come here in the Philippines too. Mas safe ako dito dahil nga wanted sila sa batas. Naka-timbre na sila sa lahat ng airports papasok dito.”
Na-amaze siya sa mga sinabi nito. Parang di makatotohanan, pero knowing the underground triads and mafias, lahat gagawin ng mga ito. Kahit gaano pa kasikat ang kalaban. Basta makuha lang ang gusto.
“Kaya nga medyo nainis ako sa sinabi mong kailangan mo munang maging kriminal para magkaroon ng ganito. Pwede ka ring magkaroon ng ganito Kearse. Kung pagsisikapan mo.”
Napalunok siya ng wala sa oras.
“Mukhang malayo pa iyon Jhay-L.”
“Pwede naman na padaliin natin iyon.” Nakangiti na nitong sabi.
“Paano?” clueless niyang tugon.
“Be with me. Live here with me.”
And he was dumbfounded. Wala siyang maisip na matinong isasagot. Gannon lang iyon? Magbubuhay siyang parang reyna o hari o kung anumang label ang gusto niyang ikabit sa sarili niyang pangalan. Nakaka-tempt ang offer. Pero biglang sumingit sa isip niya si Cody.
“S-salamat na lang sa offer Jhay-L. Di ko matatanggap.”
Nakita niyang nalambungan ng lungkot ang mata nito pero saglit na saglit lang iyon. Gusto pa nga niyang maniwalang imahinasyon niya lang iyon dahil nakangiti naman ito ng muling magsalita.
“Don’t feel pressured Kearse. Sinabi ko lang sa iyo. Hindi ako nagmamadali.”
Nakahinga siya ng maluwag. At least. Di raw ito nagmamadali.
“May time limit ba? Baka naman may expiration ang offer ha?” napili niyang magbiro.
“Para sa’yo. Maghihintay ako.”
That was sweet. Kung naiba lang ang sitwasyon malamang di pa ito nagsasalita nakapag-“I do” na kaagad siya. Kaso hindi eh. Mahal niya si Cody. At kahit anong mangyari, magdildil man sila ng asin, sila ang magsasama. Awooo!!!
Eklatera talaga ang author na ito.
Nanahimik naman silang dalawa at inabala na kunwari ang mga sarili sa pagkain kahit pa damang-dama niya ang tensiyon sa paligid. May bahagya rin siyang anticipation na nababanaag sa mukha ni Jhay-L. Sa wari ba niya ay naghihintay na magbago siya ng isip at sunggaban na agad ang offer nito.
“Sa ibang story mo i-offer yan. Malamang sunggaban ko. Gawa ka nga ng ibang version ng story na ito Mama D.” Pagkausap niya sa author.
Sorry, you don’t have enough prepaid left to make an outgoing call. Please reload your prepaid account immediately.
“Echozera!!! Kailan ka pa naging operator?” muli niyang sinubukan makipag-usap. “Please na Mama D.”
The number you have dialed is incorrect.
“Shutah ka! Wa-i ako sa pagka-call sa imus. Ikaw nagsusulat ng lahat ng ito. Magtino ka naman Mama D. Naaadik ka na naman sa kape. Tigilan mo na ang pakikipag-kumperensiya sa Kopiko Brown.”
Sorry, the number you have dialed is not a number. Please try a letter.
“Letse! M@TheRF%#%inG s@#O%&B#$@%H!!!”
“Kearse? Kearse?” anang tinig na nagpabalik sa katinuan niya.
“Huh?”
“You spaced out. Akala ko kung ano ng nangyari sa’yo.”
“Ah wala naman... may naisip lang ako.” Pagkakaila niya.
Okray kasi yung author na ito eh.Pagbubusa niya sa isip.
“Ano naman ang iniisip mo? Iyong offer ko ba sa’yo? Sabi ko naman sa’yo di ako nagmamadali.”
“Ah... hindi.” Hanep din sa segway ang isang ito eh.”Curious lang ako sa package na kunuha natin sa set ni Marisay kanina. Saka bakit nga pala wala yung hitad na iyon doon?” pag-iiba niya ng topic.
Napatigil ito. “Oo nga ano? Sabi niya siya ang magbibigay sa akin. At wala pa siya doon.”
“Tama.” Pag-gatong niya. “Hindi ka ba nagtataka? Baka sa sama ng ugali ng babaeng iyon eh bomba na pala iyon. Saan mo ba iniwan iyon?”
“Grabe ka naman. I’ve known Marisay for a year now. Mabait iyon. Matapobre lang ng kaunti.”
“At ipinagtanggol mo pa ha.”
“Selos ka naman.”
“Duh?!” roll-eyes na sabi niya.
“Ito naman. Nangangarap lang na mapapagselos kita. Pagbigyan mo na.”
Sumimangot siya kunwari para ipakitang kinikilig siya. Kunwari din. Baka pagkatapos ng misyon na ito, kunwari na ang pangalan niya.
Yuck!!! Kunwari Allen Concepcion?
“Hindi ka ba curious sa package na iyon?”
“Curious din. Pero sabi naman niya mga beauty regimens lang iyon.”
“Daw? Naniwala ka naman sa isang iyon.”
“Ano pa bang papaniwalaan ko?”
Tinitigan niya si Jhay-L. Mata sa mata. Walang alisan for 30 minutes. Eh napagod siya agad sa naisip kaya 3 seconds na lang.
“Jhay-L, tingnan natin ang laman ng package.”
“No.”
“Bakit naman?”
“Hindi ko ugaling maki-alam ng pag-aari ng iba.”
“Kahit pa kahina-hinala ang mga iyon?”
“I don’t think na kahina-hinala ang mga iyon.”
“Sige na, titingnan lang naman natin eh.”
“No Kearse. Huwag mo ng pag-initan ang mga iyon.”
“Nasaan ba ang mga iyon?”
“Nasa backseat ng kotse ko.”
“Ah okay.”
“Anong okay?”
Nagkibit balikat siya.
“I just thought na dinala natin iyon papasok. Buti nasa labas. Kasi kung bomba iyon, eh sasabog na iyon ngayon.”
“Hindi—“
BOOM!!!
Naputol ang sinasabi ni Jhay-L ng biglang dumagundong ng malakas at nawasak ang pader na malapit sa kanila dahilan para mapatalsik sila. Napuno ng usok at sumirena ang alarm ng buong villa at ng mga kotse sa labas ng villa.
Bago siya nawalan ng malay ay naramdaman niya ang masakit na bahagi ng binti niya na may mabigat na nakadagan at ang umaalingawngaw na tinig ng isang tao na isinisigaw ang pangalan niya.
Si Cody.
Cody! Help!
Itutuloy...
0 comments:
Post a Comment