Someone Like Rhon 10

Tuesday, May 31, 2011

Sa sobrang sarap ng mga labi ni Kenn, tuluyan na akong nagpaagos sa gusto niyang mangyari.

Kakaibang Kenn nga lang ang naging kaniig ko nang gabing iyon. Nawala ang gentleness sa kaniya pero hindi pa rin niya maitago sa akin ang kagustuhang mapaligaya ako at the same time na maligaya siya.

Lahat ng ginawa ko sa kaniya ay ginawa rin niya sa akin. Inangkin niya ako ng paulit-ulit hanggang ang maghari sa buong silid ay mga daing at halinghing ng bawat isa. And when it was finally over, saka ko lang napansin ang suot niyang kwintas.

Ang kwintas niya na may pendant na half-head ng unicorn. Tamang-tama sa binigay na description sa akin ni Aling Soledad. Ang kwintas na kailangan ko para makabalik sa aking panahon ay nasa pag-iingat pala ni Prince Kenn.

Ibig sabihin, maaaring si Kenn ang isa sa magkapatid na tinutukoy ni Aling Soledad. At kung malalaman ko kung sino ang kapatid niya, magiging madali na sa akin ang lahat.

Magsasalita na sana ako para malinawan ang mga sinasabi ni Kenn mula pa kanina at itanong na rin sa kaniya ang tungkol sa suot niyang medalyon nang bumalikwas na ito ng bangon sa kama. Mabilis na nagbihis. Kumuha ng perang papel sa kaniyang wallet at inihagis sa aking hinihigaang kama.

"I won't take anything free from Drigo," iyon lang ang sabi niya saka lumabas na ng silid.

Nang makalabas si Kenn at muling sumara ang pinto saka ko lang naramdaman na para lang akong isang lalaking parausan. Ginamit saka binayaran at biglang iniwan.

Hindi ko man lamang nalaman kung bakit galit siya sa akin. Kung sino ba ang tinutukoy niyang Drigo at pinagkamalang isa ako sa mga tauhan nito.

Hindi kaya si Drigo ang nakapulot sa akin? Kaaway ba siya ni Kenn? Anong motibo nito? Ano ang sinasabi ni Kenn tungkol sa bargain? 
  
Gulong-gulo na talaga ang isip ko. Sa sobrang dami ng mga nangyayari, parang hindi na kayaning i-absorb ng isip ko. Kailan kaya matatapos itong mga nangyayari sa akin? Kung makakabalik lang sana ako sa taong kasalukuyan, magiging maayos na ang lahat.

Kailangan ko na talagang makabalik sa hinaharap. Kailangan ko ang kalahati ng medalyon na nakay Prince Kenn. Kailangan kong mahanap ang kalahating iyon, madali na lang na makuha iyong kalahati kay Kenn kung sakali.

Sa galit na ipinaramdam niya sa akin kanina, mukhang hindi na magiging maayos pa ang lahat sa amin. Kung nitong nagdaang araw ay siya ang rason kung bakit nagdadalawang isip akong bumalik sa taong kasalukuyan, mukhang nagbago na ito ngayon. Gusto ko ng bumalik sa 2011. Nami-miss ko na si Mommy at si Rhett na din. Kailangan na rin ako ng trabaho ko, kailangan ko na ring harapin ang buhay ko.

I don't belong in this era. I don't belong to Kenn. I'm already out of his life after all.



"MASYADO NG MATAGAL ANG ginugugol mong oras doon pero hanggang ngayon wala pa ring nangyayari."

Iyon ang nabasa ni Edong na isinulat ng kaniyang inang si Laura sa bigkis ng papel na ipinabasa sa kaniya. Kaaalis lang ni Samuel noon pagkatapos siyang tulungan sa paglilinis ng mga kalat na gaya dati ay sinadya ni Laura.

"Huwag po kayong mag-alala Inay, kapag umepekto na ang lason na inilalagay sa mga pagkain ni Lt. Wainwright, mamamaty na rin siya. Naipaghiganti ko na kayo," sabi ni Edong, kinuha ang tray ng pinagkainan ng kaniyang ina sa may patungan sa wheel chair nito para ilabas ng kwarto.

Mabilis na nagsulat si Laura saka ipinakita sa kaniya. "Sigurado ka bang epektibo iyon? Sigurado bang nakakain niya?"

Tumango si Edong. "Opo, 'Nay. Sigurado po iyon. Kinasabwat ko na ang kusinerang si Lydia na siyang nagbibigay sa kaniya ng pagkain."

Sulat ulit. "Mapagkakatiwalaan mo ba ang kusinerang iyon? Paano ka makakasigurong hindi ka niya ilalaglag kung sakali?"

"Nasa panig ko po si Aling Lydia 'Nay. Sigurado ako doon dahil lahat naman ng gusto niya ay ibinibigay ko."

"Siguraduhin mong hindi ka papalpak."

"This time, sigurado na 'to 'Nay. Walang kamalay-malay si Lt. Kenn Wainwright na lahat ng iniinom at kinakain niya, in due time ang papatay sa kaniya."

Ngumiti si Laura. Nangislap na parang demonyo ang mga mata.

Nasiyahan naman si Edong sa ipinakitang reaksiyon ng ina. Naisip niya, sa wakas matutuwa na rin sa kaniya si Laura. At last, magiging proud na rin sa kaniya ang ina.



NAGUGULUHANG IKINANDADONG muli ni Ligaya ang silid na pinanggalingan ni Lt. Wainwright.

Bakit kaya iba ang reaksiyon ni Wainwright paglabas sa silid? tanong ni Ligaya sa sarili. Di ba dapat masaya ito at nakita na ang hinahanap na lalaki? Hindi ba dapat ayos na ito lalo na't narinig niya mula sa labas ng pintuan ang mga daing at halinghing ng dalawa na sigurado niyang nasa aktong pagtatalik? Pero bakit iba ang reaksiyon nito? Parang galit at nasaktan ang damdamin?

Isa pa, bakit nang makita siya ni Lt. Wainwright wala man lang itong sinabi na isasama nito ang lalaking nagngangalang Rhon Santillan na pinapahanap pa nito kay Ignacio? O kaya sabihan man lang siya na pakawalan ito?

May napansin din siyang perang papel sa may gilid ng kama bago tuluyang sumara ang pinto paglabas ni Wainwright. Ano yon? Bayad? Gaya ng ginawang pagbayad sa kanya ni Wainwright dati? Ano kayang relasyon ng dalawang lalaki?

Tinunton ni Ligaya ang hagdan pababa ng Kings Tavern. Ginalugad niya ng tingin ang paligid. Wala na si Lt. Prince Kenn Wainwright. Tanging ang kasamahan na lang nitong si Lt. Col. John Stockhome ang naiwan sa isang mesa kasama ang babaeng pinuntahan kanina.

"Kumusta? Anong nangyari na?" bungad na tanong ni Drigo nang makalapit siya sa kinauupuang mesa nito.
  
"Malabo," maikling tugon niya.

"Anon malabo? Nakita na niya si Rhon Santillan. Ano pa ba ang gusto niya?" bigla ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha nito.

Napailing si Ligaya. "Hindi ko rin alam pero parang may lover's quarrel yata sila. Pero parang binayaran si Rhon Santillan ni Wainwright, kasi may perang iniwan. Ewan ko. Basta iyon ang nakita ko. Parang galit si Wainwright nang lumabas ng silid."

Nalito na rin si Drigo sa sinabi ni Ligaya. "Nag-sex ba sila?"

Tumango si Ligaya.

Ilang saglit na katahimikan bago nagsalita ulit si Drigo. "Baka may lover's quarrel nga lang silang dalawa. Tiyak na babalikan din siya ni Wainwright kapag nakapag-isip-isip na iyon. Kapag nagkaganoon, pwede na tayo ulit makipag-bargain sa kaniya. Iyon ay kung hindi pa rin nagbabago ang stand niya sa atin after tonight."

Nag-isip si Ligaya. "Hindi natin alam kung may relasyon nga silang dalawa. Truth is...ang alam mo lang pinapahanap siya ni Wainwright. Paano kung hindi dumating ang iniisip mo?"

"Sabi mo nag-sex sila?"

"Oo. Narinig ko silang kapwa umuungol."

"That was it."

"That's not enough to say na sila nga. Pwedeng hindi. Pwedeng may atraso lang sa kaniya si Rhon Santillan."

"If that is the case, dapat sinapak na ni Wainwright ang Rhon Santillan na iyon. Pero sabi mo nga nag-sex sila. Kaya mas malaki ang posibilidad na meron lang silang hindi pagkakaunawaan at tama ako as you will see later."

"Paano kung mali ang assumption mo? Anong gagawin natin?

"We still have our second move. Kung hindi talaga umubra kay Wainwright ang santong dasalan, dadaanin natin siya sa santong paspasan that he'll surely regret later on. In the meantime, nasaan na si Rhon Santillan?"

"Nasa silid pa rin. Gaya ng sinabi mo, ini-lock ko ang pinto."

"Good," sabi ni Drigo. Sinenyasan sina Mando at Brix na nakatayo malapit sa may pintuan. Tinungo ang hagdan paakyat ng King's Tavern. Mabilis naman siyang sinundan ng dalawa.

Naiwan mag-isa sa mesa si Ligaya. Sa isip-isip niya, mukhang malabo ang magiging pasok ng pera sa kaniya pag hindi nila nakuha ang runway project. Pag nagkagayon, dehado siya. Pera lang naman kasi ang motivation niya sa ginagawang pagpapaalipin niya kay Drigo. At malaki-laki na rin naman ang naiipon niya sa mga huling proyektong nakuha nila sa Kanong opisyal na pinalitan ni Lt. Prince Kenn Wainwright.

Sana makuha nila ang runway project. Para madagdagan pa ang ipon niya. Kung sakali last na ito bago niya iwanan ang trabahong kinasadlakan niya. Pwede naman kasing pumunta siya ng Maynila. Doon niya gustong magsimula ng panibagong buhay.



NAKARINIG AKO NG MGA YABAG palapit sa labas ng pintuan. Bigla tuloy akong naghagilap ng kahit anong maipantatakip sa aking hubo't hubad na katawan. Mabilis namang bumukas ang pinto kaya dalawang kamay ko na lang ang naitakip ko sa aking harapan.

Pumasok ang tatlong lalaki. Hindi ko mga kilala. Iyong dalawa ay mukhang mga goons gaya sa mga napapanood kong mga pelikula. Iyong isa naman au may kagwapuhang taglay. Hindi sinasadyang napatingin ako sa kaniyang sapatos. Parang iyon ang sapatos na suot ng lalaking nagligtas sa akin kanina.

"Ikaw ba ang nagdala sa akin dito?" tanong ko sa lalaki na nanatiling nasa likuran ng dalawang mukhang goons.

Tango lang ang isinagot niya sa akin.

Akma akong tatayo para sana lapitan siya at magpasalamat ng harapan pero mabilis akong hinarangan ng dalawa.

"Magpapasalamat lang ako sa kaniya," sabi ko na nakatingin pa rin sa lalaki. Mukhang boss nila ito.

"No need," sabi nitong nakatingin sa akin. Inihagis nito ang nakatuping damit sa may kama bago muling nagsalita. "Magbihis ka, may pupuntahan tayo."

Naka-sense ako ng danger sa mga lalaking ito kaya minabuti kong manahimik. Kinuha ko ang damit at pagkatapos maisuot ay naramdaman ko ang paghawak ng dalawang lalaki sa aking magkabilang braso. Sa laki rin ng katawan nila, kahit sa laki ko, kakayanin nila akong bitbitin kung sakali. Mahigpit ang pagkakahawak nila sa akin na parang doon pa lang, gusto na nila akong manahimik.

"Tayo na," sabi ng lalaking nagligtas sa akin.

"Saan tayo pupunta? Baka pwedeng aalis na lang ako dito sa lugar ninyo. Hindi naman tayo magkakilala at sigurado akong wala naman akong atrasong nagawa sa inyo."

Dama ko ang lalong paghigpit ng pagkakahawak ng dalawa sa aking magkabilang braso.

"Ikaw wala," sabi ng lalaking nakahawak sa kaliwa ko. "Si Wainwright meron."

"Kilala ninyo si Kenn?" tanong ko na hindi naman nila sinagot. Tumingin ako sa lalaking nagligtas sa akin. Naalala ko ang sinabi ni Kenn. "Ikaw ba si Drigo?"

Imbes na sumagot, tumalikod na ito at humakbang patungo sa may pintuan.

Iyong lalaki sa kanan ko ang sumagot. "Siya nga si Drigo."

"Bitawan ninyo ako," nagsimula akong magpumiglas. Mas matangkad naman ako sa kanilang dalawa kaya alam kong kakayanin ko ang makawala sa kabila ng panghihina pa ng aking katawan sa mga naranasan ko sa nagdaang araw.

Bumunot ng baril iyong sa kaliwa saka mabilis na itinutok sa aking sentido. "Kung ayaw mong pasabugin ko ito sa ulo mo, huwag ka ng magtangkang lumaban pa."

Napatda ako sa pagkakahawak nila sa akin. Dama ko ang paggapang ng takot sa aking katauhan. Binitawan ako ng lalaking may hawak ng baril saka itinulak. Napahakbang ako para hindi mabuwal kasabay ng paghakbang din ng lalaki sa aking kaliwa.

No choice na ako kung hindi ang sumunod. Base sa mga ikinikilos nila at sa mga sinabi ni Kenn, I'm not dealing with just a normal person anymore. Mukhang sa pagkakalink ko kay Kenn, napasama na ako sa mga kaaway niya. Ang masaklap nga lang, imbes na iligtas ako ni Kenn, mukhang napagkamalan pa niya akong kasabwat ng mga kaaway niya.

Inakbayan na ako ng lalaki sa aking kanan pagkababa namin ng hagdan. "Kumilos ka lang ng natural, kung ayaw mong masaktan," paalala nito sa akin. May naramdaman akong matulis na bagay sa aking kanang tagiliran. Tantiya ko ay kutsilyo o icepick.

"Sige dalhin niyo na 'yan, kayo na ang bahala sa kaniya," sabi ni Drigo na lumihis ng bahagya sa dadaanan namin.

Nakita ko ang mga customers na nakaupo sa mga mesa pero hindi ako makasigaw para humingi ng saklolo. Nakaramdam ako ng takot kahit papaano kaya nanahimik ako hanggang makalabas kami sa backdoor ng gusali. Pagkalabas ng pintuan, piniringan ang mga mata ko ng lalaking may hawak ng baril kanina.

Nagpatuloy kami sa paglakad. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko. Ano kaya ang gagawin nila sa akin? Paano kung i-salvage ako ng dalawang ito? Hahayaan ko na lang bang mangyari nang hindi man lang ako lumaban at naipagtanggol ang sarili?

Kailangan kong kumuha ng tiyempo. Habang naglalakad, kailangan kong mag-isip ng mabilis at magplano ng gagawin. Hindi biro ang matutukan ng kutsilyo sa tagiliran at baka nga may baril pang nakatutok din sa aking likuran.

Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad, nagsalita ako. "Pwede bang huminto muna tayo?"

"Bakit?" matigas ang pagkakasabi ng lalaki sa kanan ko.

"Naiihi lang ako, pwede ba?" sagot ko sa kaniya. Hindi ko naman makita ang mukha niya pero nang igiya niya ako parang patabi sa dinadaanan namin, alam kong pumayag siya.

"Sige, umihi ka na," utos nito nang tumigil kami sa paghakbang.

Humarap ako sa direksiyon niya. "Baka naman pwedeng bitawan mo muna ako...unless gusto mong makita itong sa akin."

"Hindi ako kagaya mong binabae," may inis ang tinig nito. Ramdam ko rin ang pagsulong ng dulo ng kutsilyo sa aking tagiliran.

"Tama na 'yan," pagsaway naman ng lalaking may baril. "Hayaan mo siya, hindi naman iyan makakatakas."

Naramdaman ko ang pagbitaw sa akin ng lalaki at dinig ko ang paghakbang niya palayo sa kinatatayuan ko. Bigla ang pagtahip ng dibdib ko. Ito na ang pagkakataon ko para makatakas. Kailangan ko lang matanggal ang piring sa aking mga mata at makatakbo ng mabilis.

Kukuha na ako ng buwelo at magbibilang na ng hanggang tatlo nang makuha ang atensiyon ko ng ingay mula sa aking likuran. Parang nagkakagulo. Parang may nagpapambuno at tunog ng mga katawang tumimbuwang sa lupa na sinundan ng mahabng katahimikan.

Pumihit ako paharap. Wala akong marinig na kaluskos pero ramdam ko ang presensiya ng kung sinoman sa aking harapan. Nagdadalawang-isip akong magtanggal ng takip sa mga mata. Ilang saglit lang may narinig akong yabag na palapit sa kinatatayuan ko.

"Remove you blindfold. This show is over," narinig kong utos ng lalaki.

Si Prince Kenn! Iyon agad ang sigaw ng isip ko.

Nagmamadali kong tinanggal ang piring. Nakita kong walang malay na nakahandusay sa lupa ang dalawang tauhan ni Drigo. Ang baril at kutsilyo ng dalawa ay hawak ngayon ni Kenn na para akong masusugatn sa talim ng pagkakatitig niya sa akin.

Gusto ko sana siyang yakapin, kaya lang iba ang ekspresyon sa kaniyang mukha.

"You almost got me," pagpapatuloy nitong sabi. "I just can't imagine you're willingness to do as far as this one just to show you're not one of them. Who's plan is this? Is this Drigo's or your's?"

Oh My, iniisip ba ni Kenn na palabas lang itong pagpiring sa akin ng mga tauhan ni Drigo para mapaniwala ko siya na hindi nga nila ako kasabwat? "Sandali lang," sabi ko. "First of all, salamat sa pagligtas mo sa akin sa kanila. Second, you're mistaking me again as someone that I'm not. Hindi ko kilala si Drigo, kanina ko lang siya nakita. Hindi rin ito isang palabas. These men blindfolded me and are about to bring me to don't-know-where-on-hell."

"Just leave," galit nitong sabi. "Neither Drigo and his men nor you would influence me to change my mind and favor his construction company. This plan oy yours or Drigo's will never work."

Iniisip pala ni Kenn ngayon na palabas lang ito para mapaniwala ko siya and in the long run, impluwensiyahan ko siya na panigan si Drigo sa kung anoman ang gustong ipagawa nito sa kaniya.

Haiissst! Sunod-sunod na maling assumption na ito ni Kenn sa akin. Assumptions na lalong nagpapalabo na magkaayos pa kaming dalawa.

"Leave now Rhon and tell Drigo to play his games fairly. If he wants to win the runway project, review and revise his offer."

Ayun at mukhang nage-gets ko na. "I think we have to talk." Naidasal kong sana pumayag siya kahit ilang minuto lang para masabi ko sa kaniya my side of the story simula nang umagang iwanan ko siya sa may kweba. Na wala talaga akong kinalaman kay Drigo na ipinipilit niya even the first time we've met sa may kaparangan.

"No," matigas na sabi ni Kenn. "You don't have to explain. Everything's clear," dagdag pa niya saka tumalikod at humakbang palayo.

Napapailing akong naiwan sa gitna ng daan. Truly, I was a victim of mistaken identity.

Nang magsimulang magkamalay na ang dalawang tauhan ni Drigo, saka lang ako parang natauhan na kailangan ko ng umalis. Hindi para sundan si Kenn kundi para takasan ang dalawang lalaki.

Hahayaan ko muna si Kenn sa kung ano ang tingin niya sa akin ngayon. Sigurado namang magkikita ulit kami once makita ko ang kapatid niya at ang kalahati ng medalyon.

In the meantime, kailangan ko munang mahanap ang pamangkin ni Aling Soledad. Kailangan ko ng tulong niya. Posibleng hahantingin ako nina Drigo at mga tauhan niya later on at ang pamangkin ni Aling Soledad ang tanging pag-asa ko.

Napatutop ako sa aking noo. Ano na nga ba ang pangalan na sinabi ni Aling Soledad? Sa gitna ng nakirot kong ulo, pumasok muli sa aking alaala ang pangalanng binanggit nito.

Oo nga pala. Ang pangalan nga pala nito ay Samuel.

itutuloy....

1 comments:

Anonymous,  June 15, 2011 at 1:14 PM  

Asan po ang kasunod????

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP